NANG makita ni Raid mula sa butas ang nakahubad na dalaga bagama’t hindi niya ito kilala ay nasisigurado niyang ito na nga ang hinahanap nilang hostage ni Joshua Alarcon. Subalit hindi niya makita ang binata kung kaya nag-aalala siyang nagtatago ito at maaaring bitag lamang ang nakikita niya ngayon.
Nagpalinga-linga ang binata kung may iba pang nagtatago roon maliban sa dalawang lalaking animo nagbabantay sa nakataling dalaga at sa lalaking may dala ng pagkain ng mga ito na sinundan niya kanina.
“Pare, lapag mo na lang ‘yan diyan,” narinig pa niyang utos ng bantay sa bagong dating na hindi ito sinulyapan man lang. Hindi nito maalis ang tingin sa nakahigang dalaga.
“Umalis na ba si Señorito Joshua?” kapagdakan ay tanong ng bagong dating na pinanlakihan niya ng mga mata sapagkat nakumpirma niyang ito nga ang pinagtataguan ng mga ito.
Mariin niyang naikuyom ang mga k
“P-PLEASE don’t,” walang buhay na tanggi ni Raid sa ginagawa ng dalaga sa kaniya.Nawawalan na siya ng katuwiran sa sarili upang malaman ang tama at mali. Bagama’t alam niyang mali iyon ay lalaki lamang siya, paano niya tatanggihan ang palay na sa kaniya na lumalapit?“What? I thought you like it, honey?” namumungay namang tugon ng dalaga sa kaniya. Halatang half-asleep and half-awake ito at hindi alam ang ginagawa.“Y-yeah, I like it but not like this. You’re still in your not mind,” ang tugon naman niya at hinawakan ang kamay nitong patuloy pa ring naglalaro sa kaniyang alaga.Huminga nang malalim si Raid upang hamigin ang sarili upang makapag-isip siya ng matino sa sitwasyon nila ngayon. Hindi iyon ang dapat niyang unahin sapagkat nasa panganib pa rin ang kanilang buhay kapag may nakahuli sa kanila sa lugar na iyon.Nagpalinga-linga sa paligid si Raid at talagang natan
“ARGH!” daing ni Cassandra nang siya ay nagkakamalay niya dahil sa lamig ng panggabing hangin na tumatama sa kaniyang balat.Sinubukan niyang imulat ang mga mata subalit tanging kadiliman lamang ang naaaninag niya. Maliban pang hindi niya maigalaw ang kaniyang kamay at paa dahil nakatali ang mga ito.“Nasaan ako?” tanong pa niya sa sarili at nagpalinga-linga sa paligid. Hindi niya masigurado kung nasa lumang bodega pa rin siya ng mga sandaling iyon.Sa paghahanap niya ng kasagutan ay napansin niya ang isang nilalang na nakaupo sa may tabi niya habang yakap ang sarili. Napahinto siya sa pagpupumiglas upang hindi siya mapansin nito. Ikinalma rin ng dalaga ang kaniyang puso na mabilis na pumipintig dahil sa kabang nadarama pagkakita sa nilalang na hindi niya kilala.Bagama’t nahihinuha niyang hindi ito ang isa sa mga dalawang lalaki na nagbabantay sa kaniya kanina sa bodega sapagkat magkaiba ng physic ang
NAKITA ni Cassandra ang pag-aalala sa mukha ni Raid nang hindi nito makita ang sasakyan na gagamitin nila upang makatakas sila sa lugar na iyon.“Shit! Shit! Shit!” mahinang mura pa nito na animo hindi inaasahan iyon habang nagpapalinga-linga sa buong paligid.Sobrang dilim pa ng mga oras na iyon dahil napapalibutan pa rin sila ng buong kagubatan at ang liwanag ng buwan ang tanging tanglaw lang nila.Maging si Cassandra ay hindi alam ang lugar na pinagparadahan ni Raid ng sasakyan nito, malapit na kasi sila sa kalsada bagama’t natatandaan niyang dinaanan nila iyon nang dalhin siya ni Joshua roon.Sinubukan din niyang suriin ang paligid. Kahit na may kalayuan ang kinaroroonan nila sa villa ni Joshua ay siguradong pansinin kung may hihinto at paparadang sasakyan doon.Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga at nagpasyang lapitan ang hindi mapak
SA pakiwari ni Raid ay ilang minutong huminto ang paghinga niya habang animo nag-uunahan sa pagtibok ang kaniyang puso dahil sa labis na tensyon na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Kung hindi ba naman kasi kamalas-malasan ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone na tila ba ay nang-aasar at kulang na lang ipagsigawan na ‘Look at me, I am here hiding from you’.Mahigpit niyang hawak ang kaniyang cellphone at bahagyang yumukod upang hindi makita ng lalaking nagtatanong sa cashier ang kaniyang mukha. Bagama’t walang binanggit na pangalan ito kung sino ang hinahanap na babae’t lalaki ay isang daang pursyento na silang dalawa ni Cassandra ang hinahanap at inaabangan ng mga ito.Ang pakiramdam tuloy ni Raid ng mga sandaling iyon ay ang tagal nang oras ang dumaan bago sumagot ang cashier dito. At nang ibuka ng babae ang bibig ay nahigit niya ang hininga at mataman itong pinakinggan kung babanggitin nito at ituturo siya.“
KASABAY ng malalakas na putok ng baril ay ang panggigilalas ni Cassandra habang mapangahas na sinasakop ng binata ang kaniyang mga labi.Gimbal ang makikita sa kaniyang mga mata habang nalulunod ang tili niya sa lalamunan dahil natatakpan iyon ng mga labi ng binata, kasabay pa niyon ang sunud-sunod na ingay na nagmumula sa baril at mga balang tumatama sa kanila. Maigi na nga lamang na hindi sila napupuruhan dahil nasa likuran sila ng malapad at malaking puno ng narra.Gayunpaman ay ramdam nila ang lakas ng umuulang bala na yumayanig sa punong kanilang pinagtataguan at maging sa paligid nila.Ilang sandaling nawala sa katinuan si Cassandra sa ginagawa sa kaniya ng binata. Oo nga’t malaki ang tiwala niya rito dahil kilala at mismong si Ian ang nag-hire dito, at ito ngang mga nakalipas na araw na kasama niya ito ay wala itong ginawang masama sa kaniya. Ngunit ngayon ay hindi niya maiwasang hindi mak
NAG-UUNAHAN sa pagtibok ang puso ni Ian habang mataman siyang nakatitig sa labas ng kalsada. Kasalukuyan silang nakasakay ngayon sa patrol car habang binabagtas nila ang daan patungong mansyon ng mga Alarcon.Kanina habang nare-report sa kaniya si Superintendent Ruel De Guzman na maingat na nilang binabantayan at sinusundan ang suspect na si Joshua Alarcon upang malaman ang kinaroroonan ng biktimang si Cassandra Alvarez ay muli itong nakatanggap ng balita sa mga tauhan.Base sa report ni Supt. De Guzman sa kaniya, bigla na lamang daw na nagpakita si Joshua sakay ng gray and white Ford na may plakang XXX 1024 sa checkpoint sa Bulacan, Bulacan.Hindi raw ito nakatimbre sa naturang lugar kung kaya walang kaalam-alam ang mga pulis na naka-assign doon na isa ito sa mga suspect na pinaghahanap nila. Subalit dahil over speeding ang lalaki kung kaya mabilis na naitawag ng mga ito sa CCTV monitoring upang masundan ng kanilang patrol car.Hindi ri
HINDI nga nagtagal ay nasa tapat na ng mansyon ng mga Alarcon si Ian. Nang ilibot niya ang mga paningin ay nabistahan pa niya ang nakapalibot na armadong mga lalaki sa buong kabahayan. Tila overkill ang ginawa ng mga ito at talaga namang sinakluban siya ng matinding kaba. Hindi siya makapaniwala na may ganitong kakayahan si Joshua.Bagama’t siya na mismo ang nakakita ay hindi pa rin niya kayang paniwalaan na isa sa masasamang tao ang dating kaibigan. Kahit pa nga ba pinutol na niya noon ang pagkakaibigan nila ay hindi pa rin ito tumigil na siya ay kausapin at kumustahin. Palagi rin itong nakangiti at dama niyang concern ito sa kaniya. Maliban pang may maamo itong mukha at nangungusap na mga mata. Smooth talker din ang binata kung kaya madaling mahulog ang loob ng sinumang nakakausap nito. Kung kaya nga nang malaman niya kay Manang Bell na sumama si Cassandra kay Joshua na bago lamang nitong nakikilala ay hindi na siya nagtaka na madali itong pinagkatiwalaan ng dalaga.&n
Chapter 65: She’s MineANG bilis ng mga pangyayari. Nang iangat ng tauhan ni Joshua ang baril nito at itutok sa gawi ni Ian ay napako na lamang siya sa kinatatayuan. Mabuti na nga lamang na mabilis ang pagresponde ng dalawang tauhan ni Raid at mabilis siyang nahila ng mga ito palapit dito habang si Supt. De Guzman naman ay iniharang ang katawan sa harapan niya upang maging human shield ng binata.Hindi niya alam kung bugso lamang ng sitwasyon iyon subalit laking pasasalamat niya sa tatlo na imbes na protektahan ang kani-kanilang sarili ay mas piniling protektahan siya. Samantalang ang isang tauhan ni Supt. De Guzman ay bumunot din ng baril at itinutok kay Joshua. Marahil ay instict iyon sapagkat imbes na sa lalaking gusto silang patayin nito itutok ang sandata ay sa mismong mastermind na may utos na paslangin sila nito itinuon ang pansin, which is si Joshua nga.Subalit ang bodyguard na nasa likuran ni Joshua ay hindi makikitaan ng pagkaalerto
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali