“WHAT are you doing, Hijo?” humahangos na bulalas ni Manuel nang marinig nito ang kaguluhan sa loob ng mansyon.
Nakita pa nito nang patumbahin ni Carlos, ang driver nito, ang dalawang guard na naka-duty sa gate. Umalingaw-ngaw pa ang putok ng baril ng mga guard at nagtilian ang mga babaeng kasambahay sa takot. Mabuti na nga lamang na walang tinamaang ligaw na bala sapagkat sa itaas ng ere naitutok ang baril bago ito pumutok.
“Quick, catch him!” sigaw na utos naman ni Ian nang makita niyang tuluyang nakalabas ang lalaki sa kanilang tarangkahan. Hindi niya pinansin ang naguguluhan pa ring matanda.
Palipat-lipat naman ng tingin ang matanda sa anak at sa driver na nasa labas na at mabilis na tumatakbo upang makaalis sa mansyon nila palabas ng kanilang subdivision. Hindi pa rin nito maunawaan ang nangyayari ng mga sandaling iyon.
Isang buwan na si Carlos na driver ni Manuel at walang mairereklamo ang matanda sa trabaho
NANG makarating si Ian at Raid sa gate ng subdivision kung saan nakatira ang binata ay nakita nila ang ilang individual na nakaluhod at may posas. Hindi nila mabistahan ang itsura ng bawat isa sapagkat nakayuko ang mga ito at halatang nanginginig sa takot dahil hindi nila malaman ang kanilang kasalanan kung bakit sila hinuhuli at pinipigilang makalabas.Samantalang ang iba ay halata ang galit dahil sa pagpipigil sa kanila ng mga guard doon at ilang mga armadong lalaki na tauhan ng detective agency na pinapunta ni Raid.“Damn it! I’ll make sure to sue you all!” galit na banta pa ng ilan, iyon nga lamang ay wala ring magawa dahil nakaposas.May mga nakahandusay rin sa sahig na pawang duguan dahil nanlaban. Bagama’t buhay pa ang mga ito ay siguradong nabalian ng tadyang o kaya ay ng buto sa bawat parte ng katawan. Mga pawang naka uniporme rin ang mga ito na halatang mga tauhan ng mga nakaposas na lalaki.Dahil
A few hours ago before Joshua called Ian.Hindi malaman ni Cassandra ang dapat isipin sa sitwasyong kinahaharap niya ngayon. Labis ang kabang kaniyang nadarama habang kinakaladkad siya ng dalawang lalaki na animo tauhan ni Joshua.“A-anong gagawin n’yo sa ‘kin?” nanginginig ang boses niyang kausap sa dalawang lalaki.“Tsk!” iritableng tugon lang sa kaniya ng isa na sinulyapan siya nang bahagya.Samantalang ang isa ay napapailing na animo nanghihinayang. “Pare, sa tingin mo ipapatikim kaya sa ‘tin ito ni boss?” kapagdakan ay bulong nito sa kasamahan nang malapit na sila sa pintuan ng bodega.“Tarantado ka rin pare, malamang hindi. Mukhang malaki ang presyo nito, kutis pa lang pang mayaman na,” mahinang tugon din naman ng isa.“Malay mo naman pare na ipatikim din sa ‘tin ito ni boss pagkatapos niyang pagsawaan,” nakangising muling
ILANG sandaling napako sa kinatatayuan si Ian habang nakatulala pa rin sa kawalan. Matagal-tagal na rin ang nakalipas nang putulin ni Joshua ang tawag. Nagbabala pa ito na hihintayin ang balita na napakawalan na niya ang spy na si Carlos.Hindi pa rin maunawaan ni Ian kung bakit interesado ang binata sa property nila sa Pampanga. Wala siyang maalalang importanteng kagamitan ang mayroon doon maliban na lamang sa mga antique collection ng ama.“Damn, damn, damn,” paulit-ulit na mura ni Ian sa sarili.Kaytagal niyang pinamanmanan ang pamilya Alarcon upang maiwasan ang ganitong insidente. Subalit sa nangyayari ngayon ay mas napaglalangan siya ng mga ito.Ilang sandali pa siya sa ganoong tagpo nang maramdaman niyang tahimik na lumapit si Raid sa kaniya. Animo gusto nitong palakasin ang loob niya subalit hindi rin nito alam ang dapat sabihin. Sa halip ay tinapik lang nito ang kaniyang balikat at mahinang pinisil.“I&rs
Natigilan si Ian sa hindi pagpayag ng amang si Manuel sa hinihiling niyang sundin ang kagustuhan ni Joshua na ipasa sa dati niyang asawang si Stephanie ang property nila sa Pampanga.Bagama’t kahit papaano ay naiintindihan niya ang matanda sapagkat ang resthouse sa Pampanga kung saan sina Manang Bell ang namamahala ay ang pinakalumang ari-arian na nagmula pa sa kalolo-lolohan niya na ipinamana pa sa magulang ng ama na ipinamana naman dito at mamanahin niya sa tamang panahon. Maliban pang maraming memories si Manuel doon noong kabataan nito.Nabanggit pa ng kaniyang ama noon na iyon ang naging loveness nila ng unang asawang si Kristina na ina ni Ian. Tubing Pampangeña rin ang kaniyang ina kung kaya roon nito piniling tumira na sinang-ayunan naman ni Manuel noon. Subalit dahil nga nang ipanganak nito si Ian at hindi nga naglaon ay kinuha rin ito ng Maykapal dahil sa komplikasyon sa panganganak ay muling bumalik si Manuel dito sa Batangas kung saan ito
SERYOSONG nagmamaneho ng kaniyang sasakyan si Raid, a gray Ford Raptor car. Pabalik siya ngayon sa mansyon ni Don Ismael upang imbestigahan kung saan naroroon ngayon si Joshua? Umaasa si Raid na makakakuha ng magandang impormasyon sa matanda.Ilang taon na rin siyang nagtatrabaho roon at masasabi niyang kilala na niya ang bawat tauhan ng don. Maliban pang kabisado na niya ang bawat galaw nito. Ngayon nga ay nasisigurado ni Raid na nasa sariling silid na ang matanda at mahimbing nang nagpapahinga. Huwag lamang magkaroon ng aberya kagaya na lamang na matuklasan nitong nabuko na ng mga Ramos ang ipinadala nitong spy roon. Sapagkat hating-gabi na ngayon ay umaasa ang binata na wala pang alam ang natanda sa mga kaganapan.Ang plano ni Raid ay pasukin ang silid ni Joshua at maghanap ng impormasyon sa maaaring pinuntahan nito. Susubukan din niyang pasukin ang silid ng don dahil maaaring makakuha siya ng clue doon.Bumuga ng hangin si Raid upang alisin ang mga aga
ANG lakas ng tibok ng puso ni Raid habang matamang nakikinig kay Don Ismael at kausap nito si Joshua Alarcon.Bagama’t nasa panganib ng mga sandaling iyon ang kaniyang buhay ay nakatagpo siya ng kaunting pag-asa na hindi malalaman niya kung saan naroroon ang pinaghahanap nilang binata.“Tarlac? Why are you doing there? I told you to look my documents!” mainit ang ulong sigaw ni Ismael sa anak sa kabilang linya.Kahit hindi niya naririnig ang tugon ni Joshua sa kabilang linya ng telepono sapagkat hindi iyon naka-loud speaker ay nalaman niyang nasa Tarlac ang binata ngayon.Mabilis na kinalkula ni Raid sa kaniyang isipan ang mga posibilidad nang kinaroroonan nito ngayon. Sa tagal niyang nagtatrabaho sa pamilya Alarcon at ilang taong pagiging undercover dito ay kabisado na ni Raid ang bawat lugar na pinupuntahan ng binata. Maging ang lahat ng properties ng mga ito ay nalagyan na niya ng mark
—Five Hours AgoHATING-GABI na subalit gising na gising pa rin ang diwa ni Cassandra. Pinakikiramdaman niya ang tatlong lalaking kasama niya sa lumang bodega na iyon habang nakahiga siya at nakatali sa maruming kama na naroroon.Narinig niya kanina nang kausap ni Joshua si Ian. Gusto niyang magsisisigaw at humingi ng tulong subalit may nakabusal sa kaniyang bibig kung kaya hindi niya magawa iyon, maliban pang pinagbantaan siya ng dalawang lalaking huwah maingay.“Damn it, what did you do?” kapagdakan ay hiyaw ni Joshua sa kabilang kausap nito sa cell phone. “I’ll see what I can do, Dad,” anito pa na animo ang ama ang kausap.Nang maibaba ang sariling cell phone ay hinilot-hilot pa ni Joshua ang sumasakit na sintido sa sunud-sunod na problema.Kanina ay agad ipinaalam ng binata sa ama at bodyguard nito ang tungkol sa spy na nagtatago sa kanilang bahay, si Raid Gonzales. Hinabilinan ng binat
NANG makita ni Raid mula sa butas ang nakahubad na dalaga bagama’t hindi niya ito kilala ay nasisigurado niyang ito na nga ang hinahanap nilang hostage ni Joshua Alarcon. Subalit hindi niya makita ang binata kung kaya nag-aalala siyang nagtatago ito at maaaring bitag lamang ang nakikita niya ngayon.Nagpalinga-linga ang binata kung may iba pang nagtatago roon maliban sa dalawang lalaking animo nagbabantay sa nakataling dalaga at sa lalaking may dala ng pagkain ng mga ito na sinundan niya kanina.“Pare, lapag mo na lang ‘yan diyan,” narinig pa niyang utos ng bantay sa bagong dating na hindi ito sinulyapan man lang. Hindi nito maalis ang tingin sa nakahigang dalaga.“Umalis na ba si Señorito Joshua?” kapagdakan ay tanong ng bagong dating na pinanlakihan niya ng mga mata sapagkat nakumpirma niyang ito nga ang pinagtataguan ng mga ito.Mariin niyang naikuyom ang mga k
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali