“So, that’s it?” kapagdakan ay hindi makapaniwalang anas ni Cassey nang makalabas sila ni Aaron sa silid-aralan. Iniwanan nila sa loob si Mrs. Marisol na hanggang ngayon ay nakatulala at si Adrian na wala pa ring malay.Hindi siya sinagot ni Aaron na tahimik lamang na animo malalim ang iniisip. Naiintindihan niya ito dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa mga nalaman kay Mrs. Marisol. Ipinagtapat ng ginang kung sino ang tunay na salarin sa pagkawala ng mga biktima na kanilang iniimbestigahan ni Aaron. Habang nakikinig sila sa ginang ay napansin niyang tila inaasahan na ng binata iyon, na kung saan ay ang mismong kanilang principal ang nagtago ng mga ebidensya at bangkay na napatay mismo ng anak nitong si Macky. Bukod pa roon ay si Mrs. Marisol ang katuwang ni Mr. Castillan sa paglilibing sa mga bangkay na mismong sa likod pa ng kanilang eskwelahang pinapasukan.At dahil nga private property ng mga Castillan ang naturang paaralan kung kaya hindi basta-bastang maiimbestigaha
Napapailing-iling na lamang si Aaron habang sinusundan ng tingin ang dalaga na halatang nagmamadaling lisanin ang kakahuyan.“Geez! It scared me,” anas pa ni Cassey sa sarili na bahagyang pinanginigan ng katawan nang bigla siyang makaramdam ng hangin na tumama sa kaniyang batok.Napalunok siya ng laway nang lukubin ng takot sa iba’t ibang katatakutang namayani sa kaniyang isipan. Bago tuluyang umakyat ng bakod ang dalaga ay bahagya pa niyang pinasadahan ang buong kakahuyan na kahit umaga pa lang ng mga sandaling iyon at mataas ang haring araw ay animo hindi nakakapasok ang liwanag sa naturang kagubatan. Nahihinuha ng dalaga na hindi lang bangkay ng mga biktimang iniimbestigahan nila ang laman ng lugar na iyon base na rin sa karimlan at atmospera na nararamdaman niya. Bagama’t wala naman siyang third eye at hindi siya masyadong naniniwala sa mga kababalaghan ay nakaramdam pa rin siya ng takot ng mga oras na iyon.Kaya nga hindi siya pumayag na maiwan mag-isa roon at mas nanaisin pa
Ano nga ba ang ginagawa niya? Tanong ni Cassey sa sarili habang hindi tinitigilan si Macky kahit nakahandusay na ito sa sahig at duguan ang buong katawan dahil sa maliliit na sugat na iginawad ng dalaga gamit ang patalim na pinulot niya kanina sa sahig. Ito ang ginamit ng binata nang isagawa ang prank nito sa kaniya. “Oh, this is called, an eye for an eye and a tooth for a tooth, right?” sarkastikong sagot ng dalaga sa sariling katanungan habang malapad na nakangisi sa binata. “Stop it! You’re such a cruel, bitch!” awat naman ni Macky sa dalaga na animo unfair ang ginagawa niya rito. “Huh! Ako pa talaga? Hindi mo man lang naiisip ang kahihinatnan ng mga ginagawa at prank mo. Then, what? Kapag gumanti sa ‘yo, ikaw ang biktima at kaawa-awa!” tugon naman niya rito na muling inundayan ng suntok ang binata sa mukha.“What’s wrong with my thinking? I can afford it kasi anak ako ng may-ari ng school na pinapangarap ninyong pasukan!” ganting tugon din naman ni Macky na pilit sinasalag ang
Mabilis na nakarating si Cassey sa kumpanya kung saan nagtatrabaho ang ina. Agad siyang bumaba ng taxi at walang pag-aalinlangang pumasok sa loob.Nakangiti pang binati ng dalaga ang receptionist doon saka inilibot ang paningin upang hanapin ang ina. May usapan sila na hihintayin siya nito roon dahil nagsabi siya rito na hihingi siya ng patawad kay Mr. Alvar, ang boss ni Cassandra, dahil sa pagkakamali nila ni Rei dito. Bagama’t dahilan lamang ni Cassey iyon dahil curious pa rin siya sa itinatago ng matandang lalaki na nasaksihan nila ng kapatid kung kaya siya bumalik doon.“Hello, good evening, si mommy po?” magalang na bati niya sa babaeng receptionist saka itinanong ang ina dahil hindi niya ito makita sa loob.Marahil ay nasa make up room ng mga model ito or nasa office ng amo. Kanina habang nasa taxi siya ay tinawagan niya ang ina upang sabihin dito na papunta na siya sa trabaho nito. Subalit hindi na niya ma-contact pa si Cassandra kahit ilang beses niya itong tawagan. Nakaram
A torture master? Hindi niya matawag ang sarili na ganoon na nga ba ang gawa niya since ngayon lamang niya sinubukan ang mga napag-aralan sa kaniyang Uncle Raid kasabay ng iba pa nitong lesson about detective investigation. Hindi rin naman niya matawag na isang torture ang ginawa niya kay Macky sa silid-aralan dahil may personal feelings na involve doon. Subalit sa sandaling iyon ay wala siyang ibang nararamdamang kahit na ano. Ang tanging nasa isipan lamang ng dalaga ay ang malaman ang katotohanan kung nasaan talaga ang ina na si Cassandra. Nang tumayo siya ay puno ng dugo, luha na may kasamang laway ng dalawang babae ang mga kamay niya. Habang sa sahig ay nagkalat ang mga ngipin ng mga ito at sa bibig ng dalawa ay patuloy na umaagos ang pulang likido. “Please, stop! Sinabi na namin sa ‘yo ang totoo!” bulol na sigaw ng isa habang puno ng luha ang mga mata. “Hindi talaga namin alam kung nasaan si Cass, nakita lang namin na isinakay siya ni boss sa sasakyan na dati naman nilang
UNTI-unti nang nagkakamalay si Cassandra. Mariin pa niyang naikunot ang sariling noo dahil nakaramdam siya ng pananakit nito. “Ugh!” daing ng dalaga na marahan pang nasapo ang noo bagama’t nakapikit pa rin ng mga sandaling iyon.Ayaw pa sanang magmulat ng kaniyang mga mata dahil animo kay bigat ng kaniyang ulo subalit nakakaramdam siya ng kakaibang kaba na hindi niya mawari kung bakit.Muli niyang inalala ang nangyari sa kaniya bago siya mawalan ng malay. Nang pumasok siya sa office ng kaniyang amo na si Mr. Alvar upang magpaalam dito na magre-resign na ay malugod naman itong tinanggap ng amo kung kaya siya napahinga nang maluwag. Pagkatapos ay bago siya tumayo upang magpaalam na rito ay inalok muna siya nitong uminom ng tsaa na `ika pa ng amo ay hiling nito sa huling pagkakataon bilang mahaba rin ang kanilang pinagsamahan. Noong una ay ayaw niya itong paunlakan dahil nag-iingat siya nang husto sa lalaki. Subalit nang makita niyang genuine naman ang kabutihang ipinapakita nito sa
“MOM!” sigaw ni Cassey pagkatapos niyang buksan ang pinto ng silid kung saan siya itinuro ng kasambahay ni Mr. Alvar. Nang makita niya ang ina habang nakakubabaw ang lalaki rito ay ganoon na lamang panggigilalas niya. Subalit hindi niya nakalimutang suriin kung may nawawalang kasuotan ang ina. Nang masiguro na hindi pa rin ito nagagalaw ng mapangahas na lalaki ay saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag dahil hindi pa siya huli. Mabilis siyang pumasok sa loob upang awatin si Mr. Alvar sa gustong gawin nito kay Cassandra.“I-Ian?” samantalang ang mahinang saad naman ni Cassandra habang matamang nakatingin sa anak.Mahina lamang ang pagkakasabi niyon ng ina subalit dinala pa rin ng hangin sa kaniyang pandinig ang pangungulila nito sa ama. Napahinto sa paghakbang ang dalaga at mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi dahil may bumundol na kirot sa kaniyang dibdib. Napagtanto ni Cassey na hinihintay ng ina na iligtas ito ng ama. Subalit imbes na si Ian ang dumating ay siya. “I
Satisfied ang itsura ni Cassey bago niya tinigilan ang pag-torture kay Mr. Alvar. Nakangiti pa ang dalaga habang pinupunasan ang duguang kamay.“How could this be? Where are my bodyguards? Damn it!” ang paulit-ulit na anas naman ni Mr. Alvar sa sarili habang hindi makapaniwala sa sakit na nararamdaman dahil sa ginawa ng dalaga rito.Noong una ay nagawa pang manlaban ng lalaki habang hinihintay na sagipin ito ng mga tauhan sa labas. Subalit sa paglipas ng mga minuto ay nakakaramdam na ng kawalang pag-asa si Mr. Alvar at desperado nang tinatawag ang mga tauhan—subalit ni isa sa mga ito ay walang dumating upang iligtas ang kanilang amo. Of course, napansin din naman ito ni Cassey na lalo lamang na lumapad ang ngisi.“You think there’s still someone there who can rescue you here, Uncle?” sarkastikong tuya ng dalaga sa lalaki habang pinipilit nitong gumapang palabas ng silid na iyon, upang makalayo lamang sa brutal na dalaga. “W-what dp you mean?” Ang gilalas namang baling sa kaniya ng
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali