Gabby and Rebecca
Binalot kami ng mahabang katahimikan ngunit tila pareho lang kami ng naiisip. Kung si Gabby ang reincarnation ni Rebecca at ito ang pinakasalan ni Theodore noon, may rason nga si Tharia upang gumanti dito.
"Mukhang ang babaw naman 'non," bulong ni Ree pero narinig ko.
"Kung totoong nakunan si Tharia noon sa anak nila ni Theodore at mas pinili nitong pakasalan si Rebecca, bakit hindi siya kay Theodore nag higanti?" ani Levi.
"Si Rebecca rin ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid at kaibigan ni Tharia noon," dagdag ko ngunit iniiwasang dumaan kay Gabby ang paningin.
"Alam nyo kung anong hindi nag ma-make sense?" Agaw ni Margareth sa atensyon namin. "Bakit si Gabriella Somerheld ang naging reincarnation ni Rebecca Marshall?"
Pakiramdam ko ay nag locked jaw ako.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Aling Mumay. "Kung nandito lang sana si Kristel ay m
Fire ElementTatlong linggo na ngunit wala pa rin akong magawang matinong spell kahit na iyong pinaka basic na lang.Alam kong nauubusan na ng pasensya sa akin si Margareth ngunit pilit pa rin akong iniintindi habang si Gabby naman ay hindi na maitago ang galit sa akin dala na rin ng matinding pag aalala lalo na't nalalapit na naman ang kabilugan ng buwan."It's useless, Margareth! She's—""I know she can do it, Gab. Na p-pressure lang iyan. Hey, Faith, focus, okay?" baling ni Margareth sa akin.Nag punas ako ng pawis sa noo at tumango. Isang simple protection spell lang pinapagawa niya sa akin ngunit ko naman makuha kung paano.Sinindihan ko ulit ang puting kandila at sinambit ang enkantasyon ngunit nakadalawang ulit na ako ay wala pa ring nangyayari.Humugot ako ng malalim na hininga. Nawawalan na naman ako ng pag asa dahil sa mga nangyayari.Susubukan ko na sana ulit nang pinigil ako ni Margareth. "Wait, what if
Punyal Tatlong araw na akong halos hindi lumalabas sa kwarto para pag-aralan ang grimoire ni Lola Josephine. Kapag lalabas man ay tuwing mag babanyo lamang. Dinadalhan lang din ako ni Aling Mumay ng pagkain na kadalasan ay hindi ko naman nakakain. Noong nakaraang araw ay tinutulungan pa ako ni Margareth na pag-aralan ito ngunit ngayon ay mag-isa ko na lang ginagawa dahil may nais siyang kompirmahan sa katauhan ni Levi kaya ayun at magkasama sila at may ginagawa ring ritwal. "Hindi mo na naman ginalaw ang almusal mo, ah," wika ni Ree habang nilalapag ang magiging tanghalian ko sa araw na ito. "Natulog ka naman ba?" dagdag niya. Pagod akong ngumiti. Nararamdaman ko na nga ang pamimigat ng aking mata dahilan sa ilang gabing walang maayos na tulog ngunit wala akong ibang pagpipilian kundi gawin ito. Nalalapit na ang kabilugan ng buwan at nag-aalala ako sa magiging kalagayan naming lahat. Marahan akong tumango nang makita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Umidlip ako kanina kaya
Sana noon"Faith, ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Ree nang bumitaw ako sa yakap niya.Hinihingal ako habang umaagos pa rin ang mga luha, kahit ang mga kamay ko ay nanginginig sa takot dahil sa nakita kanina. Hindi ko pa lubusang maintindihan iyon pero pakiramdam ko ay mangyayari iyon sa hinaharap."Faith, anong nangyayari sa'yo?" tanong niya ulit habang pinupunasan ang aking basang pisngi. Nang maramdaman niya ang panginginig ko'y kinulong niya ulit ako sa kanyang mga bisig. "Bakit? Napano ka? May masakit ba sa'yo? May nakita ka ba? Sabihin mo sa'kin."Umiling ako at mas lalong diniin ang mukha sa kanyang dibdib. Pakiramdam ko kapag luluwang ang pagkakayakap ko kay Ree ay mangyayari iyong nakita ko kanina.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong ganoon basta't hinayaan lang ako ni Ree sa ganoong posisyon.Kumalma lang kasi ako nang dumating sina Aling Mumay at Margareth. Mugto ang a
Huli naNaimulat ko ang aking mga mata dahil sa ingay ng lagaslas ng batis. Tumayo kaagad ako nang mapansin kung nasaan ako.Ang malalaking ugat ng puno, ang maingay ngunit malinaw na tubig ng batis, mabatong daanan– ito ang lugar kung saan unang nag kita sina Theodore at Tharia.Bakit ako naririto?Habol ko ang aking hininga nang matanaw ang babaeng nakasuot ng kulay puting belo, kulay puti rin ang kanyang damit na sumasayad hanggang sa lupa. Ang kanyang buhok ay nakapusod ngunit may ilang takas sa bawat gilid. Ang makukulay na dekorasyong perlas na naroon sa kanyang buhok ay tila mga bituin kapag natatamaan ng sikat ng araw. Kahit natatabunan ng belo ang kanyang mukha ay hindi nito maitago ang aking ganda ni Tharia. Ang kanyang kulay tsokolateng mga mata ay sumisigaw ng hiwaga kahit na mababakas ang kalungkutan ng mga ito, malayong-malayo sa itsura niya tuwing nagpapakita siya sa akin noon.N
Anchor "Faith! Wake up!" "Humihina na ang kanyang pulso! Dalhin na natin siya sa hospital!" "At anong sasabihin natin sa hospital? Mag mumukhang tanga lang tayo roon!" "It's suicide! Walang kinalaman ang magic dito! Tumawag ka nang ambulansya, Levi!" "Sinusubukan ni Aling Mumay. Walang signal ang cellphone ko, even the landline here in your condo, Lawrence!" "No, wait! It's healing! She's healing" Napaubo ako nang maramdamang napuno nang hangin ang aking dibdib. Medyo masakit ang ulo ko at nang imulat ko ang aking mga mata ay umiikot pa ang aking paligid. Naramadaman ko kaagad ang mainit na kamay sa aking likuran upang hindi ako bumagsak ulit. "She need to rest. Mukhang mahaba ang naging biyahe niya pabalik," saad ni Margareth. Naramdaman kong umangat ang aking katawan bago ako bumagsak sa malambot na kama. Wala akong lakas upang mag salita at kahit anong pigil ang gawin ko'y bumabagsak ang aking talukap. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako nang maamoy ang pinaghalong eucalyptus a
Who Killed Kristel "K-kilala po ninyo ang tunay kong mga magulang?" Naikuyom ko ang aking kamao. Sa paraan ng pagpapalaki sa akin ni Lola ay wala na akong mahihiling pa. Hindi ko kailanman man naramdamang may kulang sa akin dahil sa pagmamahal at kalinga na naibibigay sa akin ni Lola. Ngunit sa oras na ito ay gusto kong mag tampo. Gusto kong mag tanong at manumbat kung bakit itinago niya sa akin ang katotohanan. Kahit na ano pa ang naging rason nila ay karapatan kong malaman ang katotohanan kahit na hindi ko iyon kinakailangan. "I'm sorry, apo, kung itinago ko sa iyo ang katotohanan. We all wanted to protect you—" "Naiintindihan ko po, La," saad ko kahit na ang totoo ay may kurot pa rin sa aking puso ang pagtatago nila sa totoong pagkatao ko. Matagal bago sumagot si Lola, tinatantiya pa ang aking timpla. Yumuko ako para hindi niya makita ang aking tinatagong emosyon. "Nasa librong iyan lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga magulang mo at kay Tharia, apo," sabi ni Lola ha
Zandrex Aragon Pag mulat ko ng aking mata ay sinalubong ako ng malakas na sampal galing kay Margareth. "What the hell, Margareth!" sita ni Ree sa kapatid. "Dying is not the solution, Faith!" sigaw ni Margareth bago nag martsa palabas ng kwarto. Napahawak ako sa aking mahapding pisngi. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama, si Ree naman ay nakaupo sa gilid nito. Gustuhin ko mang magsalita ay walang lumalabas sa aking bibig. Ang alam ko'y naglaslas ako kanina pagkatapos ay napunta ako sa lugar kung nasaan naroon si Tharia— ang buhay na Tharia. Napahawak ako sa aking palapulsuhan. Walang bakas ng sugat iyon ngunit naroon ang mantsa ng natuyong dugo. Maging ang aking damit ay napuno na rin ng sarili kong dugo. "Paanong nawala ang sugat ko?" tanong ko kay Ree. Yumuko kaagad ako pagsabi ko 'non dahil hindi nakayanan ang paraan ng pag titig niya sa akin. Humugot siya ng malalim na hininga ngunit hindi nagsalita. Ramdam ko ang pinipigilan niyang galit sa akin. Marahan kong kinusot-kusot
Litrato Nang mag paalam kaming tutungo sa Nuevo Pacto ay hindi pumayag si Aling Mumay lalo na't nalalapit na ang kabilugan ng buwan. Maging si Margareth ay nag protesta rin dahil ayaw magpa iwan ang kapatid niyang si Ree sa condo nito. Napakamot ako sa aking batok nang malingunan si Ree na kasalukuyang nagmamaneho. Si Levi ay nasa likod at mahimbing na natutulog. Ang matinding paalala ni Margareth ay kung maaari ay iwasan naming magsama ni Levi lalo na't nalalapit na ang kabilugan ng buwan. Mas lumalakas kasi ang kapit ni Tharia sa mundong ito dahil sa ang dugong dumadaloy kay Levi ay katulad ng sa kay Theodore. "Tharia's stronger when Levi's around— he's Theodore's reincarnation—and her grestest desire to be with him makes her more powerful. Napapansin mo ba kung anong nangyayari everytime na kino-kontrol ni Tharia ang katawan mo at magkasama kayo ni Levi? You ended up kissing-" Napailing na lang ako nang umalingawngaw ulit sa utak ko ang sinabi ni Margareth. Bakit kasi kailang
Twin"Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo."Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin.“Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis.Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama.“Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon.Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano.Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong mayroon
Twin "Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo." Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin. “Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis. Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama. “Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon. Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano. Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong m
"Kung hindi makakaalis si Lilia roon, walang sasanib kay Margareth. Wala tayong magiging problema, hindi ba?" tanong ko habang binubuklat ang lumang libro na may pangalan ni Santander Danielson. It’s in cursive gold letter, luma na at hindi ko alam kung dugo ba ang kaunting kulay pulang nasa ibang pahina nito o sadyang sinadya lamang habang isinulat. "Paano kung hindi na niya kailangan si Lilia dahil nagpatuloy naman henerasyon nito? Isa pa, kapag namatay si Lilia habang nasa sistema niya ang dugo ni Santander, magiging makapangyarihang bampira siya. Malamang, isa iyan sa mga rason kung bakit hindi siya pinatay ni Tharia?" "And he fancies Lilia, anyone who hurt the love of his life will suffered pain greater than death." "Ibig sabihin, walang laban ang kapangyarihan ni Tharia laban sa mga bampira?" "Most likely..." si Zandrex. "Hindi rin. Tharia is also one of the most powerful witch in the history of witchcraft, one of the oldest. Vampires are strong, and fast, but the elders of
Lilia's in Prison "Anong magiging pwedeng dahilan para magising si Lilia Delcan at sumanib sa katawan ni Margareth? She's already eighteen, been using magic since I don't know— she's ready to be taken over. Bakit hanggang ngayon ay wala pa?" Nilapag ko ang baso ng mainit na tsokolate bago sumadal sa kinauupuan ko. Si Zandrex ay abala sa isang lumang libro galing sa aking Ina. "Anong magiging triggering factor para magising ang isang Lilia Delcan?" Matagal akong tinitigan ni Gladys na tila ba naninimbang kung sasabihin niya ang naiisip. "No! I know what you're thinking Gladys!" "I will guide her, Zandrex!" Tumikhim ako para awatin silang dalawa. "Pwede akong bumalik sa nakaraan. I mean, dumalaw, or whatever the term basta nagawa ko na iyon dati. Nagawa kong makabalik... ng maayos at ligtas." "Mapapahamak-" "Hindi ako masasaktan ni Tharia roon at walang nakakakita sa akin," putol ko sa reklamo ng aking Ama. Pinanliitan niya ako ng mata. "How can you be so sure about that?" M
"Oh!" tanging nasabi ni Margareth nang marinig ang suhestiyon ni Marcus. Ang gusto niya kasing mangyari ay magkaroon ng isa pang ritwal ng sakripisyo sa susunod na kabilugan ng buwan. Pagkatapos kasing isagawa iyon ay magiging mahina si Tharia kaya ito magtatago sa alaala ng babaeng sinakripisyo. Ang plano niya ay ikulong si Tharia sa alaala ni Margareth gamit ang isang spell na tinuro ng isang babaylan. "No," saad ko. Kahit na iyon na lang ang natatanging paraan ay hindi ko iyon gagawin. Ang buhay ni Dahlia ay ang huling buhay na makukuha ni Tharia sa panahong ito- sisiguraduhin ko ito. "There's no other way! We can actually end this right-" "Kapalit ang buhay ng isang inosente? Hindi pwede Marcus! May isang buwan pa tayo para sa susunod na fullmoon, makakaisip pa tayo ng paraan-" "At sa tingin mo ay walang krimeng gagawin si Tharia sa loob ng isang buwan?" putol ni Lola Josephine sa akin. Napalunok ako. Base sa naging itsura ng silid kanina ay mas lalo na ngang lumakas si Thar
Nang bahagyang kumalma si Marcus ay pinahiram siya ng damit ni Levi na nakita niya sa sasakyan, siguro ay kay Zandrex iyon basi na rin sa laki ng mga ito. Ininom niya ang inalok kong tubig at tumulong na rin na ayusin ang mga naglakat na sala. "Dios por santo, anong nangyari dine?" Sabay halos kaming napalingon sa pintuan kung saan naroon sina Lola Josephine at Aling Mumay. Ang matalim na titig ni Lola ay naroon kaagad sa akin. Napalunok ako. "Faith..." Siniko ako ni Margareth. "Ha? Uhm, yeah... pasok po," saad ko nang maisip na may kultura pala ang mga witch or mga manggagamot na huwag pumasok sa isang tahanan kapag hindi iniimbita. Opisina nga ito ni Lola Kristel ngunit nang malipat ito sa aking pangalan ay parang naging tirahan ko na rin. Umupo kami sa maayos nang mga sofa, ilang minutong nagpakilala kay Marcus at Lola Josephine bago nag simula ang mga seryosong tanong. "Lola Pina, hindi po iyan si Tharia," si Aling Mumay nang mapansing kanina pa matalim ang mga titig ni Lola
Si Dahlia at Marcus, 1431 “Patay na si Tharia, Marcus! Bakit mo ba siya hinahanap? Simula ng bumalik ka rito ay si Tharia na ang iyong palaging bukambibig!” “Si Tharia lang ang makakatulong sa akin, Dahlia—” Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses nang narinig ang pangalan ni Dahlia. Kung ganoon ay napunta ako sa panahon kung saan buhay pa ang unang Dahlia Somerheld. Sigurado rin akong tapos sa panahong ito ang naging paglilitis ni Tharia sa plaza. “At paano mo nasabing hindi kita kayang tulungan, Marcus? Narito ako sa iyong tabi ngunit iba ang iyong hinahanap!” Nakita ko ang panliliit ng mga mata ni Dahlia. Wala siyang suot na balabal at lantad ang kanyang mukha— kung ganoon ang kasama niyang lalaki ngayon ay ang kanyang asawa o siguro’y katipan. “Hindi mo naiintindihan, mahal ko…” Umatras si Dahlia pagkatapos itulak ang kamay ni Marcus na gusto sanang humawak sa kanya. “Kung mahal mo talaga ako ay sasabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sa iyo, Marcus! Tatlong taon kan
Channel Nakita ko si Ree suot ang kulay abong v-neck t-shirt at maong na pantalon, matamis ang ngiti niya sa akin habang namumungay ang mga mata. Ngunit nawala rin kaagad ang kanyang ngiti nang maduwal siya ng dugo. Napaluhod siya, Doon ko lang nakitang maging ang kanyang dibdib ay duguan rin dahilan nang pagkakasaksak. "Ree!" tawag ko. "Bakit! Bakit mo iyon ginawa?" Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin nang mapagtanto kong ito ang nakita ko noon hinawakan ko siya. “Kuya…” D***g ni Margareth pagkatapos saluhin ang kapatid. Pareho silang nakaupo na sa semento habang si Levi naman ay tulala habang nakatingin sa hawak ko. "F-faith..." boses iyon ni Gabby ngunit hindi ko siya makita. "It's all your fault, Faith! It's all your fault!" Nakita ko ang pagbukas ng bibig ni Ree habang nakatingin sa akin ngunit walang mga salitang lumalabas doon. Si Margareth naman ay sinubukan ang ilang orasyon upang iligtas ang kapatid ngunit sa nakikita ko ay masyado na siyang mahina. Maliban sa umiiyak
Nagising ako dahil sa hapding naramdaman ko sa aking palapulsuhan at agad akong na alarma nang mapagtantong nakahiga ako sa isang malamig na altar habang nakagapos ang mga kamay at paa. Nahihilo pa ako ngunit nagawa ko pa ring i-eksamin ang paligid. May tatlong babaeng nakapalibot sa akin at pawang nakasuot ng itim na belo. Isa sa may bandang uluhan ko, sa harap ng altar, at isa sa may paanan. "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." Naging klaro sa pandinig ako ang paulit-ulit na sambit nila at nagsimula akong mag panic nang naging pamilyar ako sa lengwaheng ginamit at kung para saan ang orasyong iyon. Balak nila akong gawing buhay na sakripisyo! Ang sinasagawa nila ay sacrificial magic upang buhayin ang isang napakalakas na nilalang na nag ngangalang Selitha. Minsan na itong binanggit ni Aling Mumay ngunit hindi ko napagtuonan ng pansin dahil wala naman itong kinalaman sa pino-problema namin. Parang dumaan lang sa pandin