ACERLON MONTEREALEZHindi ako mapakali habang nakaupo. Kasalukuyang bumabyahe ang chopper namin pa-Manila.Nanginginig ako. Nanunuyo ang lalamunan ko at naiiyak. Kinakabahan ako.Hindi ko alam ang nangyayari pero gusto ko ng makarating kaagad sa anak ko.Sino ang batang iyon? Bakit kamukha ko siya? Anak ko siya! Walang duda!Nang isend sa akin ni Euthace ang picture ng batang lalaki, nabitawan ko ang cellphone.Halo-halo ang nararamdaman ko. Napapiyok ako.Masaya ako! Masayang-masaya.Pinunasan ko ang mga luhang nalaglag sa mga mata ko.Nagagalit ako. Sobra. Pero kapag naiisip ko na anak ko siya na siguradong akin talaga siya. Natutuwa ako.Binabalot ng takot at saya ang puso ko. Takot dahil baka ipagtabuyan niya ako. Masaya dahil posibleng siya ang anak ko.Nanginginig ang kamay kong napahilamos sa mukha. Napangiti ako at napahagulgol ng iyak.Buhay ang anak ko.... buhay siya.Nang makalapag ang chopper, hindi na ako nag-aksaya ng panahon at pumunta na ako sa condo ko.Nagtext sila E
THIRD POVMay pagmamadali ang paglalakad ng isang matandang lalaki na may hawak na attache case. Nang makita ang doktorang babae na kanyang kleyente mabilis siyang umupo at inis na sininghalan ito."Hindi ka talaga nag-iisip! Lahat ng paghihirap ko sa'yong pag-aralin ka ay nauwi sa lahat!. Ang dami mong pwedeng kalabanin pero Monterealez pa talaga ang kinalaban mo!.""I-I'm sorry, Ninong...""Your sorry won't change anything!"Ang Ninong ni Angelica ay isang Abogado. Ito ang nagpalaki at nagpa-aral sa kanya. At lahat ng iyon ay masasayang dahil sa katangahang ginawa niya.Ngunit hindi siya makakapayag. Makakatakas pa siya dito sa kulungan. Hindi pwedeng ganito na lang!"Ninong, makakatakas ako dito.""Paano?!" Mariing tanong nito. "Monterealez ang kinalaban mo!"Napakagat ng labi si Angelica. Sa isip niya'y mas lalong hindi siya pwedeng magtagal dito sa kulungan dahil hindi malabong malaman ng Monterealez na iyon na nagsinungaling na naman siya.Iyon ang utos ni Raven. Ang sabi niya,
MEIRA KADIAKaagad akong napabalikwas ng bangon nang hindi pamilyar sa akin ang mga nakikita ko, ngunit kaagad ko ring pinagsisihan at napasapo ng ulo. Bigla akong nahilo!Nang makabawi, nailibot ko ulit ang buong paningin sa bawat sulok ng malaking kwarto. Nahintatakutan ako.Nasaan ako? Bakit ako nandito? Wala akong maalala!Mabilis akong umalis sa kama. Medyo nahirapan ako dahil malaki ang kama. Master bedroom!Tumakbo ako sa pintuan at pinihit ko ito ngunit natigilan ako.The hell! What's happening? Nakalock!Nang hindi ko mapihit ang seradora kinalampag ko na lang ito."B-buksan niyo 'to!"Napalayo ako sa pintuan nang makarinig ng mga lagabog. Natigilan ako."Ano 'yon?" Mahina kong tanong sa sarili.Mahabang katahimikan ang namayani hanggang sa bumukas ang pintuan. Bahagya akong napaantras. Pumasok si Ace at muling sinarado ang pintuan.Tumingin siya sa akin. Napalunok ako at muling napaantras. Madilim ang mukha niya at walang emosyon. Nagtatangis ang mga bagang kaya lalo akong n
MEIRA KADIAMuling bumaba ang mukha ni Ace sa mukha ko. Hindi ako nakagalaw. Gusto kong umalis pero tila nanigas na ako sa posisyon namin. Idagdag mo pa na iginigiit niya ako para hindi ako makaalis.Ang mga mata ni Ace na nakatitig sa mga mata ko ay bumaba sa labi ko. He even licked his lower lip. Napalunok ako sa pagtitig sa labi niyang mamasa-masa na ngayon.Natural ba na mapula ang labi niya? Para siyang nakalip gloss sa pula ng labi niya at mamasa-masa pa ito. Naaakit akong abutin ang labi ni niya. Gusto kong matikman ulit kung gaano kalambot ang labi nito.Naputol ang pagpapantasya ko nang maglapat ang mga labi namin. Napasinghap ako.Hindi ako makahinga. Pigil ko ang hininga. He was about to press his lips even more when we heard again a loud cheerful voice. Sunod-sunod ang pagkalampag sa pintuan.Taranta ko ulit na naitulak si Ace. Napatayo ako at napakagat sa labi. Hindi ko alam ang gagawin. Nawala ako sa pag-iisip.Napatalikod ako kay Ace pero kaagad na napatingin sa kanya
MEIRA KADIAAkala ko no'ng una hindi magiging maganda ang kalalabasan ng pagkikita namin ng lola't lolo ni Ace. Pero para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at nakahinga ng maluwag nang maging maganda naman ang pakikitungo nila sa akin.First time ko silang makita in person. Mababait sila. Si Mrs. Aniza, nakakatuwa siya at tuwang-tuwa sa anak ko, maging si Mr. Mateo. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanila. Lalo na ang tawagin silang grandma and grandpa. Nakakatuwa talaga dahil hindi nila ipinaramdam sa akin na iba ako. Iyon nga lang nakakakaba pa rin at nakakaintimidate ang lolo ni Ace. Seryuso ang mukha nito at parang sa asawa niya lang ngumingiti. Pero.... nakita ko naman siyang tumawa no'ng kausap niya ang anak ko. Siguro ay gano'n lang talaga siya.Hindi rin sila nagtagal at umalis din. Pero... kasama nila si Erol. Nakiusap sila na gusto daw nilang makasama ang anak ko kahit two days lang. Ayoko sanang pumayag dahil ayokong malayo sa akin ang anak ko. Natatakot ako na
MEIRA KADIA"What was that, Meira?!"Nagulantang ako sa biglaang pagpasok ni Ace sa kwarto ko- namin. Mabilis ang ginagawa niyang paghinga at madilim na madilim ang mukha.Malakas niyang ibinagsak ang pintuan pasara. Lumapit siya sa akin at hinaklit ang braso ko. Napaigik ako sa sakit."A-ace..."Nangilid ang mga luha ko. My heart pounded even more when he gripped my arms tightly.Nasasaktan ako. Hindi ko alam ang problema niya."Gin*g*** mo ba ako, Meira?!"Umiling ako sa kanya. Napahikbi ako.Wala akong maintindihan sa sinasabi niya.Ibang-iba siya ngayon."N-nasasaktan ako Ace...""Stay away from them! I don't want to see you with another man!""W-wala-""Don't flirt them!""Pero wa-""You can tell them that we are married. But you didn't!""Hindi ak-""Are you cheating on me?!"Hindi ako nakasagot. Napatulala ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan.Wala akong ginagawa. Bakit niya ako pinagbibintangan?Parang tinarakan ang puso ko sa bintang na hindi ko naman ginawa.He clenched
MEIRA KADIAPagkatapos ng nangyare kanina hindi ko na nakita ang dalawang bodyguards ko. Nang itanong ko ang tungkol dito kay Nanay Aida, ang sabi niya lang ay may iniutos daw si Ace sa mga ito.Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin.Napabuntong-hininga ako.Matapos ang nangyare kanina ay nagkulong na lang ako sa kwarto. Wala naman kasi akong gagawin. Parang gusto kong magtrabaho ulit.Napayakap ako sa mga paa ko.Namimiss ko na ang anak ko. Ano kaya ang ginagawa niya?Napaangat ako ng tingin sa pintuan ng kwarto nang magbukas ito."Ace..."Mahinang banggit ko sa pangalan niya. Matagal siyang tumitig sa akin kaya ako na ang nag-iwas ng tingin. Nagbaba ako ng tingin.Napalunok ako. Bakit ba ganyan siya palagi makatingin?"Do you want to go outside? Perhaps.... in the Center Town?"Napaangat ako ng tingin sa kanya at napatitig. Tinatansya kung nagbibiro ba siya.Seryuso ba siya? Pero mukha namang hindi siya nagbibiro.Hindi ako nakasagot sa kanya at nakatulala lang. Napakunot ang
Gumagala ang paningin ko sa bawat daraanan namin. Mangha sa mga nakikita. Nang makarating kami dito sa Center Town. Naglakad na lang kami ni Ace. Nauuna siyang naglalakad habang hawak ang tali ni Honey. Samantalang ako ay nasa likuran ni Ace at sumusunod sa kanya.Kung ihahambing ko ang lugar na ito para siyang isang bazar- tiyanggi. Malawak siya at hindi tabi-tabi ang bawat store. Magkabilaang gilid ang mga store. At ang mas nakakagulat, nakaglass wall ang bawat store. Pare-parehas ang laki. Even 'yong mga nagtitinda ng isda- iyong mga nasa palengke ay nandito rin. Ang kaibahan lang ay may maayos itong lagayan dito at maganda ang pwesto katulad ng mga nasa supermarket sa mall. Halatang walang napag-iiwanan. Nakakamangha dahil parang napakasibilisado dito. Walang kalat na makikita sa daan. Napakalinis.Iba't-ibang klase ang mga tinitinda. At sa tingin pa lang ng mga products malalaman mo na kaagad na may kalidad ito at hindi basta-basta. Hindi rin maingay at talagang may disciplina a
THE GOVERNOR'S FAKE WIFE"Bitawan niyo ako!" Pilit nagpupumiglas si Elaina sa mga tao na gustong dumukot sa kanya. Kalalabas niya lamang sa trabaho sa mall bilang isang sales lady. "Malaki ang utang mo kay, boss. Nararapat lamang na magbayad ka." ngumisi ang lalaki na nasa kanyang harapan. Dalawa sa mga ito ang nakahawak sa bawat braso niya habang ang tatlo ay pinalilibutan siya. Nakaitim ang mga ito ng tuxedo. Malalaki ang katawan na masasabing mong batak na batak sa gym. Para silang men in black sa itsura at ayos nila. "Nagkakamali kayo! Hindi ako ang taong iyon. Nag-aaksaya kayo ng oras sa'kin."Hindi pinakinggan ng mga ito si Elaina at hinila na lamang papunta sa kanilang itim na ban. Sa takot ni Elaina, nakagat niya ang isang may hawak sa kanya habang ang isa naman ay sinapa sa pagkalalaki nito. "Habulin niyo! Mapapatay tayo ni Boss kapag hindi natin siya nadala!"Nagsisigaw ang mga ito. Mabilis siyang tumakbo palayo sa mga ito. Bumalik si Elaina sa loob ng mall at pumunta sa
IN BED WITH THE WRONG BILLIONAIRE"Malaki ang utang mo sa akin- kayo ng nanay mo. Panahon na siguro para bayaran mo ako." nakangising sabi ni Amanda kay Katarina. "Pero alam mo naman na wala pa akong pambayad sa'yo..." mahinang sabi ni Katarina. "Hindi naman pera ang kapalit ng pagpapagamot ko sa nanay mo. Iba ang gusto kong gawin mo." Amanda. Napapalunok sa kaba na sumagot si Katarina. "Ano?""Alam mo naman na gustong-gusto ko si Mateo. Ang gusto ko. Sirain mo ang relasyon nila ni Aniza. Ang gusto ko, sa darating na bachelor's party ni Mateo, ang araw din mismo na maghihiwalay sila ni Aniza.""Pero mabait na tao si Ma'am Aniza. Hindi ba pwedeng haya-" naputol ang kanyang sasabihin nang sumigaw sa kanyang harapan si Amanda. Labis siyang nagulantang sa pagsigaw nito. Bigla ay natakot siya sa kanyang pinsan. "Tumahimik ka! Don't you ever say that! Wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga dapat kong gawin. Tandaan mo Katarina, malaki ang utang mo sa'kin kaya wala kang karapatan
Maaga syang kumilos para makapunta sa bayan. Naisip kasi nya na magluto para sa ina nya. Sinigang, yan ang balak nyang lutuin. Masaya syang namili pero napawi ang ngiti sa labi sa narinig."Talaga busy ang palasyo para sa gaganaping kasalan ng nag iisa at tagapagmana ng Reyna't hari?"Para syang naistatwa sa kinatatayuan nya. Nanuyo ang lalamunan, ibinuka nya ang bibig para sana sumingit sa usapan nila pero para syang pipi na walang lumabas na boses sa bibig nya.Kael"Ay totoo ba yan? Aba sino namang prinsesa ang papakasalan ng prinsipe.""Hindi ko alam at walang nakakaalam pa, pero siguro yung prinsesa don sa timog ang pakakasalan nya.""Paano mo nasabi?""kasi dumaan kani kanina lang ang mahal na prinsipe sakay ng kalesa at maraming hukbong kasama at ang sabi papunta daw sa kaharian sa timog. O di ba!""Ay jusko nakakakilig naman yon."Agad nangilid ang mga luha nya at tumakbo paalis sa kinatatayuan nya. Kahit na tinatawag sya ng tindera ay hindi nya pinansin. Mas binilisan nya ang
Tulala syang nakatingin sa bintana ng bahay nila. Isang buwan na ang nakakaraan ng mangyare ang trahedyang yon. Hanggang ngayon hindi pa rin nya matanggap ang mga pangyayare."A-anak kumain ka na muna..."Hindi nya pinansin ang sinabi ng kinikilalang ina. Nagagalit sya dito dahil nagsinungaling ito sa kanya, pero sa tuwing naiisip nya ang mga bagay na sinakripisyo nito ay nakokonsensya sya sa hindi pagpansin at pagbalewale nya dito. Hindi na rin ito nagtatrabaho sa hari dahil pinaalis ko sya. Wala syang pakialam kung nasigawan nya ang hari. Galit sya dito, Galit sya sa lahat."N-nga pala si k-kael kagagaling dito pero pinaalis ko na rin sya."Umabot sa kanya ang buntong hininga ng ina nya.Agad na pumatak ang mga luha nya na agad nya ring pinunasan.Muling lumukob ang galit sa puso nya nang maalala si kael. Maging ito ay nagsinungaling sa kanya. Isa itong prinsipe, ito rin ang lalaking nakita nya sa room noon maging sa gym. Kaya pala ito naroon ay dahil nandoon ang hari't reyna.Sinun
Will the things be alright?Bumukas ang pinto kaya nagulat sya at nabitawan ang katana. Nalaglag ito sa lab holder ng lamesa. Sakto ang bagsak nito patayo na nakatutok sa kanya. Napalunok sya dahil muntik nang tumama sa kanya."Tamia!" Sigaw mula sa boses na kilalang kilala nya kahit na nakamask ito."K-kael!" Agad akong tumakbo sa kanya at yumakap. "N-nandito ka.."Yumakap ito pabalik sa kanya at hinimas nito ang likod nya. "We need to get out of here.."Tango lamang ang isinagot ko sa kanya."Sa tingin nyo hahayaan ko iyong mangyare?""Mikaela!" Tiim bagang na sambit ni kael "Traydor ka! Hindi ko hahayaang makatakas ka sa kasalanan mo."Ngumisi si Mikaela kay kael at naglabas ng mga katana. Hindi nya alam kung saan nito iyon nakuha. Naglaban ang dalawa, pinaulanan ng mga katana ni mikaela si kael pero agad naman ding naiwasan nito.Nag aalala sya para sa ina nya at sa binata. Please po gabayan nyo po kami.Napamaang sya nang makuha ni kael ang katana kay mikaela at itinapat sa leeg
"At saan mo naman balak pumunta?" Malamig na usal nito na syang ikinamutla nya."S-sino ka?"Bumulong ito sa kanya kasabay ng kung anong itinurok sa kanya dahilan para manlabo ang paningin nya. "Ako si heneral sandro." sabay ngisi nito "Matulog ka muna little bait.." kasabay non ang unti unting pagkawala ng ulirat nya.H-he's sandro...NAGISING sya at napadaing nang makaramdam ng pangangawit saka nya lang napagtanto kung anong itsura nya.Nakatayo sya habang nakatali sa kabilaang gilid ang mga kamay. Pinilit nyang makalas ito ngunit ayaw matanggal ng mga tali."So the little bait is finally awake.""S-sandro..." Sinamaan nya ito ng tingin "Pakawalam mo ako dito!""Why would I? You are my biggest asset, my way to become succeed sa matagal ko ng inaasam...""Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sumapi sayo!" nginisian nya ito "At kahit kelan hindi ka mananalo sa kung ano mang binabalak mo dahil mag isa ka lang." Mariin nyang usal dito.Ngunit agad na napawi ang ngisi nya sa sinabi nito.
Bakit ganito parang lumulutang ang pakiramdam ko? Hinang-hina ako."Doc? Hindi pa rin po nagreresponce ang patay na pusa...""Buwisit ano bang mali? isang linggo na tayo dito pero wala pa rin. Baka mapatay tayo ni heneral Sandro kung hindi pa rin mabuhay ang pusa na 'yan. Akala ko ba nagmatch na ang lahat?""Hindi rin po namin alam kung anong problema.."Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na tinig sa akin.Sino ba sila?Isang linggo? Gano'n katagal ba akong pinapatulog nila? Kada magkakaulirat ako ay saka naman ang pagturok nila sa akin ng pampatulog.Lupaypay na ang katawan ko.Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Sa una'y malabo hanggang sa maging malinaw ang lahat. Nailibot ko ang paningin. Base sa pagmamasid ko nasa isa akong laboratory. Madaming mga machine ang gumagana at maraming mga nakaputi na sa tingin ko ay mga Doctor.Pinilit kong iginalaw ang mga kamay ko ngunit napamaang ako nang may napagtanto ako. Nasa loob ako ng isang lab incubator. Maraming tubo ang naka
Napamulat ako nang makaramdam ako ng may yumuyugyog sa akin. Napatitig ako sa kanya na puno ng luha ang kanyang mukha."T-tamia..." Niyakap niya ako ng mahigpit habang humahagulgol ng iyak. "S-sobra akong nag alala sa'yo."Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Mabigat, sobrang bigat na akala mo parang pinipiga ang puso.Pero sino nga ba ang niloloko ko?Alam ko...Alam na alam ko kung ano ito.Napapikit ako ng mariin na ikinatulo ng luha ko.Mikaela...Umalis siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Lets finish this game, hmmm?" Hilam ang luhang saad nya sa akin na ikinaiwas ko ng tingin at tumango lamang.Hindi ko siya kayang tignan.MABILIS kaming umalis sa kinapupwestuhan namin. Tumakbo kami para makarating sa templo.Konti pa...Kaunting-kaunti na lang malapit na kami.Nakikita ko na siya.Ang akala namin ay ok na, matatapos na, makakarating din kami subalit napahinto kami nang may limang lalaki na nag-aabang sa amin. Nagsingisian
Napamulat ako nang makaramdam ako ng may yumuyugyog sa akin. Napatitig ako sa kanya na puno ng luha ang kanyang mukha."T-tamia..." Niyakap niya ako ng mahigpit habang humahagulgol ng iyak. "S-sobra akong nag alala sa'yo."Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Mabigat, sobrang bigat na akala mo parang pinipiga ang puso.Pero sino nga ba ang niloloko ko?Alam ko...Alam na alam ko kung ano ito.Napapikit ako ng mariin na ikinatulo ng luha ko.Mikaela...Umalis siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Lets finish this game, hmmm?" Hilam ang luhang saad nya sa akin na ikinaiwas ko ng tingin at tumango lamang.Hindi ko siya kayang tignan.MABILIS kaming umalis sa kinapupwestuhan namin. Tumakbo kami para makarating sa templo.Konti pa...Kaunting-kaunti na lang malapit na kami.Nakikita ko na siya.Ang akala namin ay ok na, matatapos na, makakarating din kami subalit napahinto kami nang may limang lalaki na nag-aabang sa amin. Nagsingisian