Share

Chapter 57

DAVID

Sumunod na araw ay pumunta muli si Derek sa bahay ni Celine. May mga dala itong maraming pagkain. Nakita ko rin na inabutan niya ng regalo ang anak nito na tuwang-tuwa naman pagkabigay niya. Madalas bang gawin ng lalaking 'to ang ginagawa niyang 'to? Siguro nga ay madalas na ginagawa niya. Wala naman akong alam dahil hindi pa naman ako tumatagal dito sa probinsiya nila. Hindi ako sumabay na kumain sa kanila. Ayaw ko na makaharap ang lalaking 'yon. Hindi ko na naman nagugustuhan ang mga nakikita ko lalo na nandito si Derek.

Mag-isa lang akong kumain habang sila ay nagkukuwentuhan sa sala. Masamang tinitigan na ako ni Derek at ganoon rin ang ginagawa ko sa kanya.

Magagabi na nang umuwi si Derek kung saan man ang bahay nila. Mabuti nga na umuwi na ang lalaking 'yon. Akala ko nga ay hindi na uuwi ito. Hinatid ito ni Celine sa labas ng bahay nila.

"Akala ko ay hindi na uuwi ang manliligaw mo," sabi ko sa kanya pagkapasok niya sa loob ng bahay.

Kinunutan niya ako ng kanyang noo at na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status