Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo at bagamat hindi lubos na ikinatuwa ni Ashley ang pag-propose ni Tyrone kay Raven ay wala na rin naman siya na magagawa pa. It was something that she was not in a position to decide, especially now that Tyrone is free from his marriage to Ivory because of his wife's death.Ayaw man niya sana na sina Tyrone at Raven ang magkatuluyan ay kailangan na lamang niya na tanggapin na iyon ang desisyon ng kaibigan niya at marahil ang dalawa talaga ang itinadhana para sa isa't-isa. She gave Trey all the headstart in this game, but unfortunately, Trey chose his brother over the love of his life. If that is cowardice, she can't really say.Wala siya sa posisyon para husgahan ang mga desisyon at nais ng bawat isa na sangkot sa magulong kuwento ng pag-ibig na ito, pero lubos na nakuha ni Trey ang respeto niya dahil mas pinili nito na talikuran ang sariling kaligayahan alang-alang sa pamilya. Napakasuwerte hindi lamang ni Tyrone kung hindi ni Raven na rin dahi
"Ayos ka lang ba, Raven?" Pagkapasok pa lamang namin sa apartment ko ay iyon na agad ang bungad na tanong sa akin ni Ashley. Alam ko na kanina pa rin niya na pinipigilan ang sarili niya na magtanong pero pilit niya na pinapalipas marahil ang mga emosyon ko. Gano'n pa man ay ramdam na ramdam ko ang mga pagsulyap niya sa akin habang nasa sasakyan kami. And I can't blame her because I know that I ridiculed myself in front of Trey and that woman who was with him when I reacted the way that I did."Oo naman. Bakit naman hindi?" Rumolyo pa ang mata ko saka ko inihagis sa may sofa ang bag ko at sumalampak ng upo roon. "I am fine. I am always fine."Pinaningkitan niya ako ng mata at saka naman tumayo sa may harapan ko. Even without her saying anything, I know so well what is on her mind. "What is it that you wanted to talk about earlier?""Wala naman akong gusto na pag-usapan. Ayos na ayos ako." Pagkukunyari ko pa sa kan'ya kahit na ang totoo ay parang sasabog na ang puso ko. Kanina ay desidid
"It's her, isn’t it?" Nakangiti na tanong ng babaeng kasama ni Trey sa kan’ya nang makabalik sila sa opisina. At bagama’t alam niya kung sino ang pinatutungkulan nito ay pinili na lamang niya na hindi sagutin ang tanong. "Hindi mo man aminin sa akin ay alam ko na siya na iyon. Hindi mo man ipinakilala sa akin, sigurado ako siya iyon. The only woman who you have loved then and now.""Nababaliw ka na naman, Rox. Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pilit niya na hindi pinagtutuunan ng pansin ang kasama niya at sa halip ay itinuon ang atensyon sa kan’yang telepono dahil wala siyang balak na pag-usapan si Raven. Wala siyang balak na pag-usapan pero wala rin siyang balak na tanggalin sa isipan niya ang tagpo na iyon sa pagitan nila kanina.Tumayo buhat sa kinauupuan nito ang babae at lumipat sa harap ng lamesa niya. "How are you, Rave?" Pilit pa nito na ginagaya ang paraan ng naging pagbati niya sa dating kaibigan kanina. "Rave is Raven, so clearly she is the one."Napapa-iling na lamang si Tre
"Hon." Mga bisig ni Tyrone na pumulupot sa kan’yang beywang ang gumulat kay Raven sa umaga na iyon. Hindi niya narinig ang pagdating ng nobyo dahil seryoso siya sa pagtingin sa kan’yang telepono at isa pa ay wala rin naman silang usapan na magkikita sila ngayon umaga. "Surprise!"Agad niya na itinago ang telepono niya at saka hinarap si Tyrone. "Royce, what are you doing here this early? Akala ko ay mamaya ka pa pupunta rito? Wala ka bang pasok?"Imbis na sagutin siya ay dumampi ang labi nito sa leeg niya habang patuloy na nakapulupot ang braso sa beywang niya. He is trailing wet kisses on her, making her close her eyes in the process. "I miss you, Raven.""Royce." Tawag niya sa pangalan ng nobyo kasabay sa bahagya niya na paglayo sa lalaki. Masyado pa na maaga para sa binabalak na mangyari ni Tyrone at isa pa ay wala siya sa mood ngayon. Habang pilit siya na lumalayo kay Tyrone ay lalo naman siya nito na hinahapit papalapit. "You’ve been busy for the past few weeks, Rave, and I miss
Things have been hectic for me the past few weeks. Namalayan ko na lamang ang sarili ko na abala sa trabaho at sa paghahanda para sa kasal namin ni Tyrone. Does that mean that I don't have any fear about it? Does this mean that I don't have doubts about what is to come in our relationship? Of course not, dahil hanggang ngayon ay marami pa rin na katanungan at pangamba sa isipan ko.Up until now, Tyrone hasn't officially introduced me to his parents as his girlfriend, let alone his fiancée. But yes, we are still planning the wedding regardless. Hindi ko alam kung may plano ba siya na ipakilala ako o ang plano niya ay magpakasal na lamang kami kahit hindi pormal na alam ng mga magulang niya ang tungkol sa amin. Ilan beses na rin ako paulit-ulit na pinapaalalahanan ni Ashley patungkol dito pero mas pinipili ko na maniwala na alam ni Tyrone ang gagawin niya pagdating sa pamilya niya. Trey knows about us getting married, so I am quite sure that it will only be their parents that Tyorne nee
"Raven, will you snap out of it, please? Ano ba ang nangyayari sa’yo? Kanina ka pa wala sa sarili mo at nahahalata iyon ng lahat. You wanted the work, so you need to focus, Rave. Sinabi ko naman sa’yo na kung ano man ang nakita mo ay hindi iyon totoo. Ivory is dead. She is dead, so whatever you are saying can't simply be." Simula pa kanina ay iyon na ang paulit-ulit na sinasabi ni Ashley sa kaibigan niya pero paulit-ulit pa rin na nawawala sa sarili niya si Raven sa kakaisip sa sinasabi nito na nakita niya si Ivory na buhay na buhay.Walang plano si Raven na pakinggan ang sinasabi ni Ashley sa kan'ya kahit na ulit-ulitin pa iyon ng kaibigan niya. Alam niya kung ano ang nakita niya at hindi siya maaari na magkamali: totoo na si Ivory ang nakita niya kanina. Ang asawa ni Tyrone ang babae kanina at salungat sa alam nila ay buhay na buhay ang babae at hindi patay.Napapahilot na lamang siya sa kan’yang sentido habang diretso na naupo sa sofa. Kauuwi lamang nila at bagama’t nagawa niya ang
"Where are you, Rave? I have been calling you, but you are not answering at kung hindi ko pa ginulo si Ashley ay mukhang wala kang balak na sagutin ang tawag ko. Nasaan ka ba? Dumaan ako sa apartment pero wala ka roon, bakit hindi mo man lang nakuha na magsabi kung nasaan ka?""Royce, I am sorry, but I am out of town. Biglaan lamang din kaya hindi na ako nakapagsabi sa'yo.""What do you mean you are out of town? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Anong project na naman ba itong kinuha ni Ashley at kailangan pa na out of town? Akala ko ba na sobrang dami pa ng trabaho mo rito, ano ngayon at tumanggap ka pa ng ibang gig?"Kadarating pa lamang ni Tyrone sa opisina niya ay mainit na agad ang ulo niya dahil nang puntahan niya ang nobya sa apartment nito ay walang tao roon tapos nang tawagan niya ay hindi rin sinasagot ang mga tawag at text niya. Kinailangan pa niya na guluhin ang agent at kaibigan nito na si Ashley para lamang maisipan ni Raven na kausapin siya. Hindi niya alam kung bakit hi
"Tyrone, what’s with the long face?" Dire-diretso na pumasok si Roxy sa opisina ni Tyrone at pumuwesto pa sa upuan sa harapan ng pinsan niya. "Trouble in paradise?" "Ano ang kailangan mo? Bakit ka narito?" Direkta na tanong ni Tyrone pabalik.He and Roxy were never close, and it is understandable because they are really not cousins to begin with. They are trying to be civil with each other as much as possible, alang-alang sa kanilang pamilya bagama’t pareho nila na ayaw ang isa’t-isa noon pa man. Mga bata pa lamang sila ay hindi na niya talaga makasundo ang babae at pakiramdam niya ay ayaw rin sa kan’ya nito. "Wala naman. I just overheard your conversation when I was passing by, and I feel that you need someone to talk to." Pagkibit-balikat na sagot pa ni Roxy sa kan’ya. "Nag-away kayo ng jowa mo? Tinaguan ka ba niya?"Nakaarko ang kilay niya nang tingnan niya si Roxy. Wala siyang plano na sabihin sa babae kung ano ang pinag-usapan nila ni Raven at mas lalo na wala siyang plano na am
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story
"Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon
"Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka
Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang
It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para
"Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an
"Are you going somewhere, Rave? I'm sorry for coming here unannounced, but can we talk? Puwede mo ba ako bigyan ng kahit na sandali lamang na oras mo para makapag-usap tayo?"Trey standing in front of me is really unexpected at this point. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon at nanaisin din na makausap ako. Are we really on the same wavelength that he is also thinking of the same thing that I was thinking?"Rave, I really wanted to talk to you.""Where have you been?" Iyon lamang ang naging tugon ko sa kan’ya dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na sabihin ngayon nasa harapan ko siya. Lahat ng mga inihanda ko na sasabihin sa kan'ya ay bigla na lamang nawala sa aking isipan at blangkong blangko ako ngayon."I know that you are mad, and I am sorry for leaving again. I just needed to clear my mind off of things. HIndi iyon sapat na rason at alam ko iyon, pero iyon lamang din ang dahilan ko kung bakit ako biglaan na umiwas sa'yo. I honestly got scared about a lot of thin
Several days had passed, and both Trey and Raven decided to give themselves time away from each other. Alam nila na marami silang dapat na pag-usapan, pero pareho sila na napupuno ng takot sa puso nila kahit na marami ang nag-uudyok sa kanila na kausapin na ang isa’t-isa. And in those days that they chose to be away from each other, a lot of realization came through them. Pareho nila na napagtanto na walang magagawa ang pag-iwas nila na harapin ang isa’t-isa. Walang mangyayari kung pareho lamang nila na pipiliin na layuan ang isa’t-isa nang wala man lamang sapat na eksplanasyon. Patuloy laman nila na masasaktan ang bawat isa kahit hindi iyon ang nais nila kung pareho sila na mag-iiwasan dahil sa mga takot na gumugulo sa isipan nila.Kung tutuusin ay wala naman talaga silang problema, ngunit ang matinding takot nila na sinamahan pa ng kung ano-anong mga katanungan sa isipan nila ang siyang dahilan ng pagkakalayo nila. Kaya saan nga ba sila magsisimula para putulin ang distansya na iyon
Wala siyang nagawa nang iwan sila ni Roxy at magpumilit ang kapatid na kausapin siya. Kagaya na nga sa sinabi niya kanina ay ayaw niya ng confrontation. Hindi siya handa na mag-usap sila dahil pagod na pagod na siya sa pakikipagtalo sa kapatid at sa tingin din niya ay wala na rin naman silang dapat pa na pag-usapan."Saan ka nanggaling? Ilang araw ka na nawala. Hindi ka nagsabi kina mama kung saan ka pupunta."Nakasandal lamang siya habang nakapikit at hinihimas ang kan’yang noo kahit na kinakausap siya ni Tyrone. Tahasan niya na ipinapakita na hindi siya natutuwa sa paghaharap nila na ito at wala siyang balak na makipagplastikan. And he just hoped that Tyrone would take the hint and just leave him alone."Trey," tawag nito sa kan’ya. Hindi siya dumilat para tingnan ang kapatid at patuloy lamang na nakapikit at nagpapanggap na walang naririnig. "Alam ko na ayaw mo ako na makaharap pero nandito ako dahil kay Raven.""Wala tayong dapat na pag-usapan patungkol sa kan’ya." tipid na sagot n