Alessia's POVNAGISING ako na medyo sumasakit ang ulo. Kulang ang tulog ko at hindi iyon napunan ang pagod na naranasan ko sa paglalakbay na iyon. Wala si Estrebelle at si Sushi naman ay natutulog pa. Mukhang nagbantay ito magdamag dahil sa pangyayari kagabi.Bumangon na ako kahit nakakaramdam ako ng kirot sa sentido ko. Normal naman ito dahil kulang ako sa tulog. Naligo na ako ng mabilis upang makakain na. Mabilis lang din ang ginawa kong pagligo dahil naligo naman ako kagabi. Isinuot ko na lamang ang kulay itim na kimono na may kanipisan. Mahahaba ang manggas at maluwag iyon. Mabilis naman akong nagsuklay at tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi man kapansin pansin, ngunit bakas sa ilalim ng mga mata ko ang kakulangan sa tulog.Sino ba naman ang mahimbing na makakatulog sa pangyayari kagabi? Nasa utak ko na baka bumalik iyon at kainin ang mga alaala ko habang tulog ako. Kahit isipin ko pa na nandyan si Sushi, nakabantay ay hindi ko magawang maging kalmado.Biglang bum
Alessia's POVNATAPOS akong mag-agahan ay inayos ko muna ang sarili ko bago humarap sa hari. Ayokong makita niya ang bakas ng aking pag-iyak. Ayokong dumagdag sa kanyang mga isipin.Sinabi ko rin kay Estrebelle na huwag sabihin sa hari ang mga nakita niya. Malaki ang posibilidad na sasabihin niya iyon sa hari, kaya kinausap ko siya. Hangga't maaari, ayokong isipin ni Elijah na nag-uusap kami ng aking kapatid para hindi siya maghinala.Naglakad na ako ngayon patungo sa kanyang silid tanggapan. Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong kausapin. Naiisip ko na baka tungkol ito sa misyon, o sasabihin niya na hindi ako pwedeng sumama sa susunod.Maraming posibilidad pero mas napapaisip ako na baka wala sa mga naisip ko ang dahilan. Napagpasyahan ko na lang na kung ano man ang sasabihin niya ay tatanggapin ko, maliban na lang kung hindi niya ako pasasamahin sa misyon. Kailangan kong sumama, kailangan na kailangan.Nasa tapat na ako ng pintuan sa silid tanggapan ni Elijah. Yumukod naman sa a
Alessia's POVNAGMULAT ako ng mata at sumalubong sa aking paningin si Elijah na ngayon ay nakatayo sa harapan ko at nakakunot noo.Gusto ko naman mapasimangot dahil naaalala ko ang mga sinabi ni Ynna. Sinungaling! Gustong gusto ko siyang sigawan pero di ko ginawa. Wala ako sa lugar, at hindi ko rin dapat iyon gawin."Bakit kamahalan?" Pilit na kalmadong tanong ko sa kanya kahit yung kalamnan ko ay nanginginig dahil gusto kong malaman ang totoo."May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Pakiramdam ko ay napapansin niya na hindi maganda ang dating ko.Tumiim bagang naman ako. "Wala naman kamahalan." Sagot ko sa kanya kahit gusto kong isigaw na meron. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil magmumukha akong walang isip, kung magpapaalipin ako sa nararamdaman ko.Tinitigan naman ako ni Elijah na tila binabasa niya ako kaya mas lalong pinagbutihan ko ang pagpapanggap na maayos lamang ako."It doesn't look nothing to me, sweetheart. I already told you, I trust my instinct more th
Alessia's POVNAGING magaan ang aking pakiramdam pagkatapos kong maligo. Hindi na kagaya kanina na mainit ang pakiramdam ko dahil sa suot kong damit.Hindi ko rin gustong suotin ang mga damit na dala ko dahil alam ko na magiging mainit iyon. May mga damit na nakanda sa loob pero nahirapan ako sa paghahanap ng pwedeng maisuot dahil kadalasan, mga balloons pants at parang sleeveless blazers ang laman ng closet. Pero may natagpuan naman ako doon na isang sleeveless na sarado ang harapan. Kulay puti at ginto ito.Yun na ang kinuha ko at isang puti at gintong balloon pants. Siniguro ko na balutin muna ang dibdib ko ng tela para hindi halata ang dibdib ko.Isinuot ko na ang damit at hamak na mas madali itong suotin kaysa nakasanayan kong damit. Naging komportable ako at hindi mainit ang aking pakiramdam. Hindi din siya makati sa balat. Pero napapatingin naman ako sa aking mga braso. Masyadong payat ito para sa isang lalaki. Babaeng babae ang braso ko, wala man lang kalamanlaman. Mas tuming
Alessia's POVMAKULAY ang ilaw sa kalangitan. Hindi na bago sa akin ang fireworks dahil laging may ganito sa Arada tuwing bagong taon. Fireworks display is something we look forward to watch every new year."Isang tradisyon yan, tuwing kaarawan ng hari." Turan naman sa akin ni Rafi na ikinagulat ko dahil nagsasalita na ito ng normal na lenguahe. Akala ko ay patuloy itong magsasalita ng ingles."Mas gumaan ang pakiramdam ko na hindi ka na nag-iingles. Hindi ako masyadong komportable doon." Saad ko naman sa kanya. "Hindi naman ako isang maharlika, kaya ganoon."Kumunot naman ang noo ni Rafi. "Wala naman problema sa ingles mo. You sound natural." Sagot naman niya sa akin.Hindi ko naman sinabi na hindi ako marunong, hindi lang ako komportable."Hindi lang ako komportable, kasi pakiramdam ko, nakikipag-usap ako sa isang may mataas na posisyon." Sagot ko sa kanya. Si Elijah, alam ko na hindi siya gaanong sanay sa normal na wika, pero tuwing nagkakausap kami, halos iyon ang gamit niya. Nag-
Alessia's POVNASA loob na ako ng aking silid. Inihatid na ako ni Elijah pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Ngayon na naiintindihan ko na ang pangyayari, kahit paano ay magaan na ang aking pakiramdam. Kahit alam mo na komplikado, nakakagaan pa rin na alam mo kung ano ang nangyayari at kung bakit niya ginagawa iyon. Dahil ang mas mahirap, yung wala kang alam sa mga ginagawa niya. Doon pumapasok ang sakit at mga ideya na hindi kanais nais.Unti-unti ko na rin natatanggap ang katotohanan na na may nagyayari sa kanila noon ni Aphrodite. I have to be mature and not a jealous freak. Kahit gusto ko man na sana, ako na lang yung nauna sa buhay niya, wala na akong magagawa, kaya tatanggapin ko na lang. Napapansin ko rin ang kakaibang mga tingin ni Elijah, hindi ko alam kung ako ba ang may problema dahil napapansin ko na panay ang titig niya sa akin na tila kay lalim ng iniisip. Kung magtatanong naman ako, sasabihin lang niya na wala. Pero randam ko ang kakaiba doon na hindi ko lang mapangalanan.
Alessia's POVHINDI ako tumangi sa paanyaya ni Aphrodite. Naiisip ko na rin kung ano ang dahilan kung bakit nais niya akong makausap. Natatakot ito na baka ipagkalat ko ang nakita kong eksena sa loob ng silid ni Elijah.Hindi ko naman ugali na ipagkakalat iyon. Hindi man magaan ang pakiramdam ko sa kanya, hindi ko naman maatim ba ipagkalat ang bagay na ikakasakit ng isang tao. Kung sa akin din iyon mangyayari, siguro kakausapin ko din ang taong nakakita sa akin. Nakakahiya iyon, kahit sino ang nasa posisyon na iyon.Nakasunod ako kay Ynna ngayon at pumasok kami sa loob ng silid ni Aphrodite. Agad na sumalubong sa aking ilong ang matamis na amoy. Hindi naman ito masakit sa ilong, pero hindi naman ito yung tipong magiging paborito ko.Agad na nakita ko si Aphrodite na nakaupo at nakatingin sa akin ngayon na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Maaari ka ng lumabas, Ynna." Utos naman ni Aphrodite kay Ynna. Ang kanyang tono ay malayo sa narinig ko noon kausap niya si Elijah. Mas ma
Alessia's POVNAKARATING din kami sa harap ng piramide. Natapos din ang nakakailang na biyaheng iyon. Pero kay Elijah, parang wala lang sa kanya dahil sa ekspresyon niya. Hindi niya hinayaan na mas lalo akong mailang. Alam ko na nagsumikap siya sa kung ano man ang pinigilan niya.May kinausap ngayon si Elijah na isang mamamayan ng Genovia. Masa harap kami ng piramide at ang dalawang kamelyo ay nakatali na sa isang palmera.Pangisi-ngisi naman si Stefano ngayon na lumapit sa akin. Parang nanood ito ng isang magandang palabas kaya pangiti-ngiti ito. Kinunutan ko naman ito ng noo, dahil ramdam ko na kung ano na naman ang pakay nito."I know that look. You got uncomfortable with the ride." Puna niya sa akin. Hindi ako sumagot dahil mas nagiging hindi ako komportable. "Pero wag kang mag-alala, lahat nararanasan iyan. Wala kasi tayong magagawa dahil mga kamelyo ang transportasyon dito sa Waldorf. Ipagpasalamat mo na lang na si Elijah ang nasa likod mo, dahil ang iba, ni hindi nila kilala pe
Alessia's POVNATAPOS kaming pumasok sa courtyard kasama si Stefano ay nanood kami ng ipinagmamalaking sayaw ng Valeria. Ang sabi sa akin ni Stefano, ang sayaw daw na iyon ay Faerie Dance. Ang sayaw na ito ay hindi basta-bastang sinasayaw kung saan saan dahil kada blessing of the moon lang ito ginagawa.Totoong napakaganda ng sayaw na ito at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng ganoon sayaw. Para itong lumilipad sa ere—no, they can really slightly fly, maybe they learned martial arts at kaya nila iyon gawin.Palakpakan naman ang lahat pagkatapos at nagsimula na din ang banquet. Mga alak at pagkain na sapat para sa lahat. Hindi naman ako uminom ng alak dahil alam ko na matapang ang kanilang alak dito. Kahit alam ko na isa akong imortal, ang katawan ko ay hindi pa rin sanay sa buhay dito. Hindi ibig sabihin ay hindi na rin ako malalasing."Lady Alessia, narinig ko mula sa Hari na isa ka pa lang mangagamot. Kung maaari, pwede mo bang matingnan ako?" Biglang tanong sa akin
Alessia's POVDUMATING na kami sa harap ng pintuan kung saan pansamantalang tumutuloy si Sudanni. Hindi na ako kinibo pa ni Stefano, mukhang nagtatampo ito sa akin pagkatapos ako nitong pagalitan.Ayaw ko naman siyang pilitin na maging maayos kami dahil ramdam ko na masama ang loob niya at ayaw na niya muna akong kausapin. Nailalarawan ko na rin sa isipan ko ang takot ng mga sentinels at tagapgsilbe dito kanina dahil sa pangyayari. "Salamat." Saad ko kay Stefano ngunit hindi man lang ako nito nilingon at tila wala itong naririnig.Napanguso naman ako kaya wala akong magawa at akmang kakatok na sana ako sa pintuan nang bigla naman itong bumukas at agad na nakita ko si Sudanni na maayos na maayos ang itsura. His pointy ears and glowing golden eyes are striking with his long black hair."Ales." Usal nito sa akin na tila inasahan na niya ang pagdating ko.Lumunok naman ako dahil mula sa Callora Grande ay ito ang unang beses na nakita ko siya ulit."Maaari ba kitang makausap?" Tanong ko s
Alessia's POVUMINOM ako ng pumpkin juice na hindi ko nakasanayan na lasa. Ito ang inomin sa kainan na ito at sarap na sarap ang lahat habang ako naman ay pinipigilan na mapangiwi. There is this distinguish pumpkin taste that makes me think that I am drinking a vegetable juice which I don't really like.Pero pinigilan ko na ngumiwi lalo na at nilibre na nga lang ako at magiging maarte pa ako. I'll just remind myself not to drink pumpkin juice in the future. I know that this is a healthy drink, but it doesn't suit my taste."Binibini, bumalik na tayo sa palasyo, baka hinahanap na tayo doon." Yaya naman sa akin ni Estrebelle.Napanguso naman ako. Hindi pa naman ako uwing-uwi. Gusto ko pang maglakad lakad at tumingin sa paligid. Not everyday, I can go to this place."Mamaya na. Masyadong abala ang Hari para malaman niya na tumakas tayo." Saad ko naman sa kanya at inilipat ko ang tingin ko sa gitna kung saan ang asul na bato nakaposisyon."Pero baka kasi hanapin kayo ng kamahalan." Tugon
Alessia's POVMABILIS akong napalingon at agad na sumalubong sa aking mga mata ang nakatalukbong na pigura. Agad na lumarawan sa aking balintataw ang mukha na kay tagal ko ng inasam na makita simula ng napadpad ako dito sa Wysteria."L-lolo..." naibulong ko at biglang nangilid ang aking luha at mabilis akong lumapit sa kanya para yakapin siya."Apo ko..." ganting yakap naman ni Lolo sa akin. "Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Masyadong komplikado ang lahat kaya natagalan ako." Saad niya sa akin na ramdam ko sa boses niya na naiiyak ito.Humiwalay naman ako sa kanya habang tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya."Lolo, ang daming nangyari...Ang daming katanungan sa isipan ko na hindi ko alam kung ano ang sagot." Humihikbing saad ko. Kay tagal ko ng ipinagdarasal ang tagpong ito. Dahil sa lahat ng katanungan ko, si lolo lang ang makakasagot.Hinawakan naman niya ang aking kamay at tsaka hinila ang ako patun
Alessia's POVABALA ang lahat sa paghahanda para sa darating na blessing of the moon. Ni hindi ko din nasisilayan si Elijah dahil palagi itong nasa siyudad ng Valencia para sa preparasyon dahil doon magtitipon tipon ang mga mamanayan ng Valeria.Inilipat din pansamantala ang mga taga Samona sa Valencia habang inaayos pa ang kanilang mga tirahan. Dito na din sila magsisilebra ng blessing of the moon.Gusto kong pumunta sa syudad, para makita ang ginagawang preparasyon. Alam ko na hindi ako nagpaalam kay Elijah ngunit wala naman masama kung lalabas ako ngayon. It's daylight at marami din Sentinels na nakakalat sa lugar."Estrebelle, gusto kong pumunta sa siyudad." Saad ko sa kanya habang nakatayo sa may gilid ko at si Sushi naman ay nakahiga lang at agad na gumalaw ang tenga nito nang marinig ang sinabi ko. Bukas na ang blessing of the moon at talagang inaasahan ko itong masaksihan."Pero binibining Alessia, kabilin bilinan ng mahal na hari na hindi po kayo pwedeng lumabas dahil delikad
Alessia's POVAGAD na hinanap ko si Elijah para kausapin siya. Hindi ako mapalagay hangga't hindi ko siya nakakausap tungkol sa pagpunta ko sa festival. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung hindi siya papayag.Nakita ko naman si Stefano na naglalakad at may bitbit itong isang kahon na hindi ko alam kung ano ang laman. Tumakbo ako papalapit sa kanya dahil hindi niya ako napansin."Stefano! Para saan yan?" Agad na tanong ko sa kanya kaya napalingon naman sa akin si Stefano at huminto.Itinuro ko naman ang bitbit niyang kahon kaya agad niyang naintindihan na iyon ang tinutukoy ko."Ito ba? Para to kay Sudanni. Hindi pala siya kumakain ng normal na pagkain natin at kailangan na siya din ang magluto ng pagkain niya." Sagot naman niya sa akin.Napakurap naman ako. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol kay Sudanni. Nawala na siya sa isipan ko noon nagkagulo sa Samona. Ni hindi ko na alam kung nasa digmaan ba siya o nauna dito sa Valencia."He's not normal to begin with..."
Alessia's POVAGAD na nakauwi kami sa Palasyo. Pinasuot ako ni Elijah ng isang itim na talukbong upang hindi ako makaani ng atensyon sa palasyo. Gusto kong magpahinga at kung makikita ako ng mga tauhan sa palasyo ay alam ko na hindi matatahimik ang araw ko.Nakasunod lang din sa akin Sushi at hindi naman kami napansin ng mga tauhan sa palasyo. Mas binigyan nila ng atensyon ang mga Sentinel na kailangan ng atensyon dahil sa mga dumi sa kanilang katawan. Hindi din ako pinayagan ni Elijah na tumulong sa paggamot dahil kailangan ko muna daw unahin ang sarili ko dahil kulang na kulang ako sa pahinga. Hindi ko na magawang makipagtalo pa sa kanya dahil kahit ang katawan ko mismo ay bumibigay na din.Dumerecho na ako paitaas dahil kailangan ko ng maligo at nang makatulog na ako. Hindi ko na alintana kung hindi pa ba ako kumakain dahil mas malakas ang impluwensya ng pagod ko kaysa sa gutom na nararamdaman ko.Agad na pumasok ako sa aking kwarto at nilanghap ang pamilyar na amoy ng bulaklak. Ag
Alessia's POVPIPING dasal ko na sana ay hindi pumasok ang demon sa wasak na bahay ni Honey. Dahil kung mangyayari man iyon, sigurado akong wala na akong takas. Hindi ko alam kung nasaan si Sushi ngayon kailangan ko siya. Elijah is impossible to rescue me because of the on-going crisis at naiintindihan ko iyon. They cannot prioritize me especially when the town is in crumble. Mas importante ang nakararami kay sa isang tao lang.Naitakip ko sa aking dalawang tenga ang aking mga kamay nang marinig ko na tila kinakain ng demon ang katawan ng bangkay. Pinuno ng kilabot ang buo kong katawan at walang humpay ang aking mga luha. Pigil na pigil ko ang aking iyak dahil natatakot ako na mapansin ng mga demons. Gustong gusto kong pumalahaw sa takot ngunit mas natatakot akong mapansin ng mga demons at ako ang susunod na kainin.Kumalat ang amoy ng dugo sa paligid na naging dahilan para mas naging masama ang pakiramdam ng tiyan ko na gusto kong masuka. Iba ang dating ng dugong naamoy mo sa hayop,
Alessia's POVWHO could have thought that death itself will come to me. To take away my soul without any reason? Hindi dapat ganito ang nangyayari. Ang isang reaper, kumukuha lang ng isang kaluluwa kung patay na ang isang imortal. Buhay na buhay ako at hindi pa ako patay para sunduin na niya! Does his eyes been defective somehow?"N-no. Why are you taking someone else soul who's not even dead in the first place!" Hindi ko mapigilan na maisigaw. I am very much alive to be treated this way. I am not dead and definitely will not be! This reaper might be dreaming or something.You believe that in this world, you are alive. You are a scarped soul, child. It's time for you to go back to where you are supposed to be. Defying your fate will only cause misery to the living. Saad ng reaper at napaatras ako dahil sa sinabi niya.I am what? A scarped soul? Anong ibig niyang sabihin? Anong ibig niyang sabihin na isa lamang akong takas na kaluluwa? Hindi ako patay para sabihin niya iyon. Paanong is