Home / All / INSPIRIT UNIVERSITY: BOY IN LOVE [BOOK I] / :ஐ¤ꕥ LOVE II ꕥ¤ஐ:

Share

:ஐ¤ꕥ LOVE II ꕥ¤ஐ:

Author: Ezckapel
last update Last Updated: 2021-07-28 19:53:25

ღ IDOL ON HIATUS II ღ

☆*★*♪ J.J. LOVE ♪*★*

Nasa stage kami ngayon ng Idol Battle na ginaganap tuwing lingo, isang show na kung saan nagpapagalingan ang mga matitipunong lalaki sa pagalingan ng pagsayaw at pagkanta. Ang kinakanta namin ngayon ay ang “BACK” na siyang kinompose ng isa sa mga guro namin. Ang eskwelahan namin ay may tatlong Idol. Ang INFINITIZE, ZIP at DeathLords.

Sa ngayon tapos na kaming magperform at isang ‘di inaasahang supresa ibinalita namin sa buong fans namin. Sinabi namin na ang Inspirit University ay may financial problem at maaring magsara ang paaralan namin. Kapag nagsara ang paaralan namin, ang ibig sabihin n’on mawawala na ng tuluyan ang INFINITIZE. Ang pinaka-importanteng groupo para sa ‘kin, marami kaming masasayang alala dito at halos dalawang taon na din kami nagpeperform. Isa kaming freelance artist, nagpeperform ng walang bayad, dahil kasali ‘to sa course namin.

Performing Arts kasi ang course namin kaya ganoon. Umuwi na kaming pito sa school dorm namin, halos 4 hours din ang biyahe muna d’on.

Kasalukuyan kami ay nasa van at pauwi na sa aming dorm. “Jayd! Bukas may pasok na, pakopya kami ng assignment please!” Sabi ni Edward sa akin itong mga batang ito hindi nag-aaral umaasa na lang kopya.

Si Edward ay isa sa mga playboy wannabe dito sa band na ito, mahilig sa babae pero wala siyang girlfriend bawal kasi magkaroon ng girlfriend ang isang School Idol na katulad namin eh. Si Edward ay lumaki sa Amerika. Matangkad, makinis ang balat, at may pagka-chinito siya. Pagdating sa mata wag niyo ng asahan ang mukha ko, aaminin ko maliit lang ang mga mata ko pero matinik ito pagdating sa dilim tandaan niyo iyan.

“Oo nga naman! Pakopya!” Utos ni Tayumi. Si Tayumi ay isang half Japanese, isang sporty guy at mahilig din sa babae, kapag nakakarinig ng babae nagiging aktibo ang kanyang dugo. Siya ang tinatawag namin Dance Cheater, dahil magaling siyang sumayaw. Wag niyo nang tanungin kung marunong akong sumayaw, eh maski careless whisper ‘di ko masayaw sayaw.

“Zeyan! Paabot naman yung chips nagugutom na ako.” Napansin kong utos ni Marko kay Zeyan. Si Marko ang hiphop dinosaur namin dito, magaling siyang mag rap at hindi ko masundan ang bilis ng pagputak ng kanyang bunganga. Mukha siyang dinosaur kahit kailan wag niyong aasarin kasi nangangain po yan, at sanay siya sa kainan. Si Zeyan naman o Lord Zeyan, grabe lang talaga ang binigay na pangalan sa lalaki na yan sa sobrang angas ang sarap sarap ipatapon sa tulay. Si Zeyan ang face of the group namin, dahil sa angkin niyang kalandian este angkin niyang kaguwapohan. Mas talamak naman na mas guwapo ako sa kanya, at mas kilala akong Charismatic King. Okay?

“Kuya Edwin, tigil tigilan mo nga ‘yan!” Sigaw ni Mint, dahil kanina pa siya kinukulit si Edwin. Si Edwin ay isang lalaking mahilig sa ano, ano ba ulit ‘yon? Basta, matangkad siya at ‘di hamak na mas pogi ako sa kanya. Si Mint naman ay ang pinaka-bata sa aming groupo. Isa siyang lalaking kinagigilawan ng lahat, at kinagigiliwan din ng aming male fans, dahil sa akin niyang kakyutan at sa larangan ng Sexy Dancing walang tatalo sa kanya. Pero kapag pinaglaban laban ang the most hottest man in the world, nako! Numero uno na po ako.

“Ang iingay niyo tahimik na muna, nandidito na tayo!” Sabi ko sa kanila, hininto ng aming manager or mas kilala nilang adviser ang aming sasakyan sa tapat ng dorm namin. Bumaba kaming lahat, tapos ang iingay pa nila. Sobra hindi masunurin ng mga batang ‘tong. Mga ‘di man lang nakikinig sa kanilang Leader. Teka, I will introduce now myself. I’m Jarred Jayd or J.J. for short, ako ang leader ng grouping Infinitize ‘di ba halata? Kapag kayo ay tumingin sa akin maglalaway kayo sa sobrang charismatic ko, kapag ako ay ngumiti wag nyong gugustuhin dahil mahihimatay kayo ng wala sa oras.

Pumasok na kami sa loob at ang ingay pa din nila, ang ha-hyper nila sobra. Pumunta na ako sa kuwarto ko at nagpalit ng damit, kanina pa pinagpapawisan ang charismatic body ko.

“Jayd tara sabay tayo maligo.” Paanyaya ni Edward, iisa lang kasi ang banyo ng dorm section naming pito. Kaya hindi namin maiiwasan ang pagsabay sabay sa banyo naming magkakagroupo, wala naman masama dahil lahat naman kami lalaki eh. 

“Geh geh, kukuha lang ako ng Brief.” Paalam ko sa kanya, kinuha na niya ang tuwalya namin at pumasok na kami sa banyo. Ilang oras na ang nakalipas, natapos na din kami sa banyo grabe kami maligo no? Isang oras, haha grabe kasi ‘yun si Edward ang tagal magsabon naka-10 rounds na kaya siya. Hindi kaya magkaroon ng dry skin itong batang 'to? Ayaw niya akong lumabas ng banyo dahil takot mag-isa maligo itong lokong ‘to. Ewan ko kung anong nangyari sa kanya kung bakit takot na takot itong lokong na ito maligo sa banyo mag-isa.

Nag-tipon tipon kaming lahat sa living room. Para sa isang pinaka-importanteng announcement, na sasabihin ng aming adviser. Nagsilabasan na sila sa kanilang kuwarto at kaming pito kasama ang ZIP at DeathLords ay pumunta dito. Walang imikan, at tahimik kaming nakaupo dito, because we see each other as rivals.

“Buti na lang at nandidito na kayong lahat, may importante kaming sasabihin sa inyong lahat. Dahil ang paaralan natin ay struggling for finances kailangan niyo munang maging Hiatus.” Pagkasabi na pagkasabi ng adviser namin. Nagulat kaming lahat at walang ni isa ang kumibo at nanlaki ang mga mata namin, except sa ‘kin kailan pa lumaki ang singkit kong mata.

“ANO?!” We said in unison, why? Bakit? On Hiatus kaming lahat?! What the hell! Samot saring reaksyon ang pinag-sasabi ng mga baliw. Sa ‘kin naman ang reaksyon ko… Ah… Okay…

Masaya… May pahinga.

Napatingin sila sa ‘kin lahat kung bakit daw ‘di ako nag-rereact? Mga tanga ba sila? Reacting is not my style okay? Pero deep inside, iiyak na ako.

“Ilang months ba kaming magiging Hiatus?” Tanong ko sa kanya, tapos nag-isip siya muna saglit.

“Maybe 3 months from now or forever, it will depend on the situation.” Sabi niya, lahat na naman kami nagulat sa sinabi niya. What the heck! Kahit kailan talaga! Tinawag akong leader kaya, mag-iisip ako ng paraan para mailigtas ko ang paaralan namin sa kagipitan.

Hindi pa ba sapat ang tuition namin? Kailan talaga namin gumawa ng paraan para maging matatag ang eskwelahan na ito. This is now or never!!!!! Kahit gumawa pa ako ng OnlyFans. GO!

Related chapters

Latest chapter

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status