Kinakabahan na si Xander. Napayuko siya sa kanyang mesa dahil hindi na siya makapag-isip ng matino. Saka niya napansin ang puting sobre. “What is this?” Bubuksan na sana niya ito ng biglang bumukas ang pinto at sumugod si Geneva. “Ano pang hinihintay mo sa kanya?” Nagulat siya sa bungad ng babae. “Excuse me?” “Bakit pa kailangang bumalik ni Lily dito?” “Sino ka para kwestiyunin ang mga desisyon ko sa sarili kong opisina?” “Xander…” “Who gave you the right to call me Xander? Trabaho lang ang nag-uugnay sa ating dalawa at wala ng iba, Miss Geneva, iyan ang tandaan mo!” “Alexander, mahal kita.” Yumakap ng mahigpit si Geneva kay Xander. “Ano ba? Lumayo ka sa akin!” Pero lalo siyang yumakap sa kanya. “Mahalin mo ako. Not her. Not that traitor,” malakas na palakpak ang narinig namin. At napalingon si Geneva sa likuran. “And look at you. Hindi ba mas traydor ang dapat na itawag sa iyo, Miss Geneva. Matapos mong sabihin na may sugar daddy si Victoria and here you are clinging like a
Hindi kaagad maiwan ng mga kapatid si Xander. Plano nilang hanapin ang address ni Victoria. Tinawagan ni Amber ang HR para i-send via mobile ang pic ng resume ni Victoria. Sila mismo ang maghahanap sa kanya. Doon nila nalaman na bogus ang mga detalye ng dalaga. Her name was Lily Beckham in the resume. Pinuntahan pa rin nila address ng dalaga. “Why do we have to go kung sabi na nga ng HR na hindi iyan ang tunay na address niya?” Masama na naman ang tingin ni Salli sa kanyang ate. “Huwag ka na lang kayang sumama. Baka mamaya lalo akong mapaaway sa iyo eh!” “Gusto kong sumama,” pilit nito sa nakatatandang kapatid. “Ipangako mong hindi ka na gagawa ng gulo.” “Promise!” Ngumiti si Salli kay Amber. “Hindi niya gagamitin ang address na iyon kung hindi niya kilala ang nakatira doon. Kailangan nating malaman kung nasaan na siya at bakit kailangan niyang iwan si Kuya?” Natunton nila ang lugar. Nagtanung – tanong sila hanggang sa tumambad sa harapan nila ang mismong bahay eksakto sa addres
Maging sina Harvey at Bettina ay nag-alala kay Xander. Nag-usap silang magkikita ni Harvey sa Club Roman. Nauna si Bettina tulad ng madalas na mangyari. Ngumiti si Carlo. Napalingon naman si Bettina at sinigurado kung siya ang nginingitian nito. Itinuro ni Bettina ang sarili at tumango naman ang lalaki. “May I join you?” Luminga-linga si Bettina. “Are you expecting someone?” “Yeah, just common friend. Sure, we can share a few drinks while waiting.” Namumrublema si Carlo dahil napi-pressure siya ng kanyang mga magulang na ipakilala ang kanyang asawa ngunit iyon ang isang problema. Hindi niya mahagilap kung saan ang babae. Pasulput-sulpot lang ito kanilang condo kaya mukha itong tagpuan nilang mag-asawa sa halip na tunay na tirahan nila. “Makakasama ka ba sa birthday nina Mama at Papa?” “Alam mo namang hindi pa ako handang magpakita sa mga magulang mo.” “Then what are we? Ano ba talaga tayong dalawa? We promised to stand for each other in sickness…” “And in health, For richer…” Vi
Naging abala si Victoria sa pag-aasikaso sa kasal ng kanyang ama at Tita Ella. Hindi pa niya nababanggit ang tungkol sa aksidenteng kinasangkutan nito. Simula ng maaksidente si Val, siya ang kasa-kasama ng matanda sa kanyang mga check-up sa doktor. Si Ella ang nagtutulak sa kanyang wheelchair at siya naman ang kausap ng doktor tungkol sa kanyang kondisyon. “Hindi naman po siguro makakaapekto ang pagkabagok ng ulo niya sa semento para magbago ang sagot niya sa simbahan.” “Naku eh, walang clinical explanation para dyan, Miss Newman. Sir Valdemor mukhang malakas ang sense of humor ng anak ninyo ha! Mana sa inyo.” Idinadasal niya na sana ay huwag babanggitin ng doktor ang nangyari sa kanyang aksidente. Simpleng Church Ceremony lang ang hiling ni Ella kahit puwede kong ibigay ang pinaka-grand wedding sa kanya. “I will definitely say “I DO” unless magbago ng sagot ang Tita Ella mo.” “Bakit? Nabagok din ba ang ulo ko?” “Joke lang! Ikaw naman, masyado kang pikon. Doc, imbitado ka ha! O,
Mahigpit na hinawakan ni Victoria ang kanyang anak. May mga umalalay sa kanilang mga bagahe. Magkakasabay silang umalis ng bansa. Sina Ella at Val ay nagtungo sa Paris para sa kanilang honeymoon habang si Victoria naman ay bumalik sa America upang kalimutan ang huling namagitan sa kanila ni Xander. Mahigpit na hinawakan ni Ella ang kamay ni Victoria dahil alam niyang matindi ang pinagdadaanan nito. Matapos imbitahan sa presinto si Victorina ay pinakawalan din siya. “Anong motibo mo sa nangyaring aksidente?” tanong ng pulis. Napangiti ang babae at hindi makapaniwala sa klase ng tanong sa kanya. Sa bandang huli ay nagtungo lang ang babae sa Club Roman at uminom mag-isa. “Hindi kita anak pero minahal kitang parang tunay kong panganay. Ikaw ang walang kuwentang tao! Wala kang kasingsama.” Napayuko si Victorina sa sobrang sama ng loob niya matapos paulit-ulit niyang naririnig ang masasakit na salitang iyon. “Ako si Victorina Newman. I am still a Newman whether you like it or not.” Wal
Napakagat-labi siya sa hindi makakalimutang karanasan sa loob ng kotse. Hindi niya kilala ang lalaki bukod sa pagkikita nila sa Club Roman ng araw na iyon at sa telebisyon kung saan madalas siyang papurihan sa kanyang mga achievement sa network at iba pang award-giving body sa larangang ng journalism at broadcasting. He had received awards from his documentary film and his works are truly eye opener to everyone. Hindi niya sigurado kung magkikita pa sila lalo na kung may tour sila. Ngunit isang umaga, sumama ang pakiramdam ni Bettina. She tried her best to attend a meeting but she was shocked to find out why she doesn’t feel well these past few days. “You’re pregnant!” “Whoah! Are you sure of that?” Tiningnan niya ang resulta at mukhang buntis nga siya. “Xander, buntis ako.” Nagmamadaling pinuntahan ni Xander ang kaibigan. “Congratulations, Bettina. Sino ang ama? Ni hindi mo man lang sinabi sa amin na-in-a relationship ka pala. Mas malihim ka pala kaysa sa akin.” “Mukha ba akon
Samantala, minabuti ni Victorina na puntahan si Carlo sa kanyang condo unit at nagulat siya dahil walang katao-tao doon. Binuksan niya ang kanilang kuwarto at wala ng gamit doon ang binata. Nagpunta siya sa management at bakante na rin pala ito halos dalawang buwan na. Hindi niya makontak si Carlo. Pinuntahan niya ito sa GMA-8 Building. Pauwi pa lang si Carlo dahil pinapunta ito sa France upang saksihan ang Cannes Festival doon. Paglapag ng eroplano, si Bettina ang kanyang unang kinumusta. “How’s your day? I am home now. I’ll see you later.” Ngunit nakita niya ang tawag ni Victorina. Nasa opisina daw siya. Doon nagpahatid si Carlo. Gusto na rin niyang tapusin ang lahat para makapagsimula siyang muli. Lumapit si Victorina upang humalik sana sa kanya ngunit walang kangiti-ngiti ang lalaki. Seryoso siyang umupo sa tabi ng mesa. “Bakit ka umalis sa unit natin ng hindi nagpapaalam sa akin?” “Bakit mo rin ako niloko, Victorina? Dahil bata lang ako at kaya mo akong paikutin sa palad mo.
Gumulong ang imbestigasyon tungkol sa sunog. Gusto ni Val na malaman ang puno’t dulo ng sunog na iyon. Nakausap niya ang mga pulis at sisikapin daw nilang mag-imbestiga pa kung may foul play na naganap. Sa kabilang banda, mainit ang ulo ni Victoria pagdating sa bahay. May ilang paperbag ng damit siyang dala-dala mula sa Fashion 911. Inihagis niya iyon sa sala at halatang umuusok ang ilong sa galit. “Bakit ka nagdedesisyon ng pagkakansela ng mga order sa MTC? Wait Iha, sinong Mr. Mondragon ba ang tinutukoy mo?” Nalilito tuloy siya. “Si Mr. Alex Mondragon… from Mondragon Textile Company.” “Ano ka ba, Iha? Nahilo tuloy ako sa usapan natin. Si Mr. Alexander Yu ang may –ari ng kompanya ng Mondragon Textile. I am confident na walang anomalya sa mga transaksyon natin sa kanya.” Pero bigla na lang naputol ang linya. “Let’s wait and see, Papa.” “He is a good man, Iha.” Makahulugan ang mga salitang iyon para kay Val. “Kumain na po ba kayo?” Iniba na niya ang usapan bago pa tuluyang lumab
Kaya ang pag-aasawa ay parang biyahe lang talaga. Minsan, may nauuna sa biyahe at mayroon namang nagpapa-last trip. May mga taong hindi naman nagmamadali pero susunod na lang o ‘di kaya naman ay hahabol na lang. Mahuli man daw sa biyahe ay makakabuo pa rin naman ng pamilya. Iyon ang mahalaga. Xander’s life started the day Victoria cross each other’s path even in the most unimaginable way. There is a reason why they have to meet again. He met several women but nothing compares to the young Newman. Hinangaan naman talaga noon si Xander ang kanyang Economics Professor. He was a graduating student by then. Hindi naman niya niligawan ang batam-bata pa noong teacher niya, si Miss Grace. Mahiyain at soft-spoken ang batang propesora. Si Xander lang ang tutok na tutok na nakikinig sa kanya. She never raises her voice. She always smiles and very calm ang kanyang boses that Xander would even dose off. Hindi niya namalayan, na silang dalawa na lang sa classroom. Hinintay pa siya ng guro na magi
Pinalapit ng pari sina Xander at Victoria sa mismong altar upang pumirma sa kanilang tipan sa Diyos. Isang sagradong kasunduan sa hapag ng Panginoon na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, sa sakit o kalusugan hanggang kamatayan ang maghiwalay sa kanilang dalawa. “This is what it feels to be under God’s grace, receiving his blessings through the sacraments. Thank you, Lord!” Tahimik na usal ni Xander ng mapatingala siya sa malaking krus. “Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan sina Mr and Mrs. Alexander Damien Yu.” Walang pagsidlan ng tuwa ang bagong kasal at ang lahat ng dumalo matapos ang buong seremonya. Binati sila ng lahat ng nandoon ng malakas na palakpakan at humiling ng halik mula sa sa kanila. Hindi naman nila binigo ang kanilang mga bisita. Tuluyang bumalon ang luha sa mata ng dalawa. “I can’t believe it, Xander.” “This is our new beginning, Victoria.” Luhaan silang pareho. “Akala ko talaga ay tuluyan ka nang mawawala sa akin. Ah, Lord! Salamat!” “Thank God!” L
Pili lang ang mga bisita sa kasalang Newman - Yu. Sino ang makapagsasabi na ang sanggol na ipinanganak noong araw ding maaksidente si Xander at ang mga magulang niya ay nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa. He never told them one thing. “Xander, napakabait mo talaga!” “Salamat po, Tita.” “Gusto ko din sanang magkaroon ng anak na lalaki na kasing pogi at kasimbait mo.” “Kung may anak lang po kayo eh, siya na ang pakakasalan ko para maging mama ko na rin po kayo.” tugon ng lalaki. Buntis na noon si Cecilia. Nagulat na lang siya ng muli silang dumalaw sa kanya. Malaki na ang tiyan ng babae. “Xander, puwede mo bang ingatan ang anak ko kapag lumabas siya?” Nilapitan siya ng binatilyo at kinuha ni Cecilia kamay niya saka inilagay sa kanyang tiyan. Naka-total bed rest daw siya dahil delikado ang kanyang pagbubuntis. “Po?” “Babae ang magiging anak namin ng Tito Val mo. I like you for my Victoria to be his husband.” “Hala, Tita, mabuti po ba kung magugustuhan niya ako paglaki bala
Gustong magsisi ni Victoria sa kanyang mga ginawa. Hindi kasi niya naiintindihan ang lahat. Hindi naman nagalit si Xander sa kanya bagkus ay naawa siya para pahirapan ng ganoon. “Sigurado ka bang ikakasal tayo bukas? What about our reception and the entourage?” “It’s all done, my darling. I handled every tiny details for you. Ayokong ma-stress ka but I am so sorry to make you angry and worry. Mahal na mahal kasi kita kaya sinunod ko lang ang mahigpit na bilin ni Papa. In this way, I’d be able to redeem myself from having you disgraced for the first time. I never meant to play a game with you. I am not a great pretender infront of you. I really love you, Victoria.” “Oh, Xander!” Nasa gitna ng pagmumuni-muni si Victoria habang mahigpit niyang niyakap ang unan at inamoy ang pabango ni Xander ng bigla siyang mapabalikwas sa kanyang kinahihigaan. Pagkaalis na pagkaalis ni Xander ay nagulat siya sa sopresang inihanda ng mga kapatid ng kanyang fiance. All of them bought gifts for Victori
“I think so!” “Maalala pa kaya niya ang mga sinabi niya?” Napangiti lang si Xander dahil naaalala niya ang nangyari. Hindi na nakapasok si Victoria kinabukasan dahil sa dami ng nainom niya. Wala na ang magkakapatid na Yu. Umuwi na rin si Xander. Hindi niya alam kung anong nangyari. Lumabas siya ng kuwarto at nakitang naglalaro ang kambal sa bakuran. Nandoon din ang Mama at Papa niya. Lumabas siya para halikan ang mga bata at nilapitan na siya ni Ella. “Gising ka na pala. Do you want to eat?” Nagmamadaling umiwas ang babae ngunit hinila siya ni Ella sa kusina. “Let’s go out, Victoria. Gusto ko sanang mag-window shopping.” “Sige po. Tayo lang po ba o isasama natin si Papa at ang mga bata?” “Kung gusto mo…” Tumango siya. Tahimik na lang si Victoria. She doesn’t feel well that day. Masakit ang ulo niya sa hang-over. Hindi niya mapahindian ang ina na minsan lang magyaya sa kanya. Madalas nila iyong gawin kapag wala siya sa mood. Either, ibinubuhos niya sa pagkain o pagbili ng kung an
Kinabukasan ay maaga silang nagsalu-salo sa almusal. Hindi na nakaiwas si Victoria sa good morning kiss ni Xander. Hindi pa rin siya umimik. Hinayaan lang niya ang binata. “I’ll fetch you by six.” “Medyo busy ako eh. Huwag na lang.” “I said 6pm.” “I said I’m busy. Nakikinig ka ba sa akin?” “Okay, fine! Pero kapag mag-asawa na tayo, hindi na puwede ang ganyang sagot mo sa akin. Kapag sinabi kong susunduin kita ng 6pm, I’d be there before six and don’t keep me waiting.” “Kung magiging asawa mo ako?” “Victoria!” “Bakit, Mr. Alexander Damian Yu? Anong drama mo? Bakit mo ako susunduin ng bandang six? Ano? Tapos mo na akong paglaruan? Tsss!” “Hanggang dito ba naman sa pagkain eh magsasagutan kayong dalawa! Victoria!” “Sorry, Pa.” Yumuko ng tingin ang babae. “Wala ka nang pinipiling lugar!” "Kumain ka ng mabuti kung marami kang gagawin ngayon. You need that. Una na ako.” At nagdikit ang kanilang mga labi. “Victoria, okay ka lang ba?” tanong ni Ella. Halatang hindi siya masyadong
“OO bakit? Inggit ka sa buhok ko,” pagtataray niya. “Victoria!” sigaw ni Xander. Halos kaladkarin siya ni Xander. Na-hold siya sa Management Room for questioning. “Ano bang problema mo? Nakakahiya sa management.” sabi ni Xander. Mahigpit na hinawakan ni Xander si Victoria sa braso. “Pasensiya na sa abala.” Nagmamadaling umalis ang dalawa sa opisina. “Aray, nasasaktan ako!” Pinindot ng lalaki ang password pero tinakpan pa niya ito at hindi ipinakita sa babae. “Why did you change your password?” “Para wala nang makapasok dito na kung sinu-sino.” “Pati ako?” “OO, pati ikaw?” “Xander, why are you so cruel to me? Pagbalik natin from vacation, you changed,” bumuntung-hininga lang siya. ”Tell me!” “Tell you what? Halika, ihahatid na kita sa inyo.” “NO! Ayoko!” “Huwag ka ngang mag-asal bata. Tumigil ka ha!” “I am almost half of your age and still immature. Bata pa talaga ako.” “You stop it! Sumusobra ka na ha! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan sa teacher ko!” “So, why is you
Nahintakutan si SallI. Inumangan ni Xander ng suntok ang bunsong kapatid sa pagiging taklesa niya. Hindi marunong maghinay-hinay ang kanyang bibig. “Papa naman eh. Huwag po kayong sumigaw.” Sumiksik siya sa likuran ni Xander. Alam niyang magagalit ito sa kanyang nalaman. “Pakakasalan ko naman po si Victoria, Papa. Huwag na po kayong mag-alala. Mahal na mahal ko po siya.” Hindi na pinalampas ni Xander ang pagkakataon. Kinontak na niya si Xity ng OLI GROUP. Hindi siya pahihindian ng fashion designer kahit rush niyang kakailanganin ang damit para sa entourage ng kasal nila ni Victoria. Hindi na rin ko siya inusisa pa. “Ms. Vanilla…” “Yes, Ms. Vanilla Oli speaking…” “Gusto ko sanang ipaggawa mo ako ng gown on my wedding day.” “Huh, who is this please?” “Mr. Alexander Damian Yu…” “My gosh, Xander! Kailan pa?” “Anong kailan pa?” “Ikaw? my gosh! “ “Malapit na akong ikasal.” “Should I come and see you? Anong wedding gown ang gusto mo?” Teka nga, parang iba na ang tinatakbo ng kani
Panay ang iyak ni Victoria. Hindi rin napigilan ang pagpupuyos ng galit ni Ella pati ni Val. Halos ma-high blood ang dalawa sa nangyari. Nagpatawag sila ng medic sa mismong gusaling iyon upang mabigyan ng first aid si Yaya Lita at Yaya Melai. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat nila sa ulo. “Delikado ang lakad namin. Huwag kang mag-alala dahil hindi mapapahamak ang mga bata.” “Xander…” Pinahid ng lalaki ang luha ni Victoria. “Babalik ka ha! Babalikan ninyo ako ng mga bata.” “OO naman. Saan pa ba kami uuwi kundi rito sa iyo?” Lalong hinigpitan ni Victoria ang yakap sa kanya. Hinalikan siya ni Xander ng madiin. ”Hayan, huwag ka nang mag-alala.” Hindi pa sana siya bibitiw ngunit sumenyas na ang mga pulis. Naka-black suit na silang lahat. May mga helmet na itim pa at doon niya nakita ang mahahaba nilang armalite. Mukhang pinag-aralan din ni Geneva ang kanyang mga hakbang upang lansihin silang lahat habang abala sa burol. Hinawakan ni Luna si Victoria. Pinagitnaan siya nina Amber. “