Share

Chapter 5

Author: Eckolohiya23
last update Last Updated: 2023-02-01 22:52:34

“IKAW ba talaga ang minana kong secretary?” mariing tanong ng bagong boss kay Cataleya. Pauyam ang mga tingin nito sa dalaga. “Unattentive at wala sa focus.”

Mabilis niyang hinamig ang sarili sa sandaling iyon. Diretso siyang tumingin sa mukha ni Lukas. “I’m s-sorry Sir, medyo kinikilatis ko lang kayo as my new boss.”

Kulang na lang ay mapapikit siya sa alam niyang sablay niyang dahilan. Masyado kasi nitong nawindang ang buong pagkatao niya. Kailangan na lang niyang panindigan ang mga sinabi niya.

Nakita niya ang pag-alis nito sa likod ng executive table nito at lumakad patungo sa harap niya. Hanggang balikat siya nito dahil taglay na katangkaran. Pinagsalikop nito ang mga braso habang nanunuri ang mga tingin. “Late ka na nga Miss Domingo, pero nakuha mo pa akong kilatisin. Hindi ba dapat ako ang gumawa n’yan sa’yo.”

Lukas Adriatico was handsome as hell. Sa mga simpleng kilos nito ay mababasa ang dinadalang authority. Malayong-malayo ito sa namayapa niyang boss. At isang malaking adjustment ang mangyayari sa work niya.

Taas noong ginantihan ang titig nito. “I’m just stating my opinion Sir Adriatico. Hindi naman siguro masamang kilatisin ko kayo kahit paano. Remember, tayo ang magkakasama sa trabaho dito sa hotel and resort na ito.”

Saglit na nabaghan ang itsura nito. Halatang nasaling niya ang ego nito. Hindi makapaniwala sa lakas ng loob niya na sagutin ito. Umangat ang dark, slightly brows nito. Parang may natatagong misteryo at agony sa likod ng prominenteng bahaging iyon ng mukha nito. “We are wasting time Miss Domingo, as my first task, please make a letter to all department. I want to meet all employees this afternoon.”

Bago pa siya makahuma, nilagpasan na siya nito ng lakad. Lumabas muna ito ng opisina hanggang sa narinig niya ang pagbukas-sara ng dahon ng pinto. Walang pasabing iniwan siya nito sa loob.

Kahit paano ay napabuntong-hininga si Cataleya. “Good luck na lang talaga kung magkakasundo kami ng bago kong boss. Mister Sungit eh, parang nagkamali ako na ginamit ko siyang character. Pero teka, siya ba talaga ‘yun?”

Makailang beses niyang pinagmasdan ang pangalan ng binatang boss sa ibabaw ng table nito. Napansin niya ang isang nakapatong na photo frame doon. Kinuha niya iyon saka pinagmasdan. Minsan pa siyang namangha sa nakita niya.

Ang picture kasi ni Lukas na naroon ay kapareho ng ‘ninakaw’ niyang picture nito sa internet. Bakit parang ang lumiit ang mundo nilang dalawa. Isang malaking kahihiyan kapag nalaman ng bagong boss niya na ito ang pinapagalaw niyang character sa online novel niya.

Bigla niyang naalala ang male character niyang si Von. Lalong nagkabuhay iyon sa imahinasyon niya dahil nakaharap na niya si Lukas. Pakiramdam niya ay sumanib sa kanya ang heroine niyang si Amarah. Magkaharap daw silang dalawa ng bagong boss niya at sila ang gumaganap sa kwentong isinusulat niya.

An intimate moment. Hinawakan nito ang mukha niya saka nagtama ang kanilang mga mata. There was a flame of desire. Tumaas-baba pa ang adam’s apple nito na nagpapahiwatig ng pinipigil na pagtitimpi. Hanggang sa kusang tinatawid na nito ang nalalabing distansya nila sa isa’t isa. Lumapat na nga ng tuluyan ang labi nito sa kanya.

“Are you out of your mind?”

Bigla siyang napamulat ng mga mata niya. Hindi niya namalayan na napapikit pala siya sa pag-alala sa isang eksena sa kwento niya. Namula siya nang kaharap na pala ulit niya si Lukas. Bumalik na pala ito sa opisina. Ang matindi pa doon, huling-huli siya nito na nakanguso ang labi niya.

“I’m s-sorry Sir,” nag-aapuhap ng sasabihin na saad niya. pakiramdam niya ay nakabilad siya sa matinding kahihiyan. “Ahm, bigla lang akong napuwing.”

“Napuwing ka, pero hawak-hawak mo ang picture ko?” salubong ang kilay nito na usisa sa kanya.

Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang ulo niya, naging isang buhay na ahas ang tingin niya sa hawak pa ring photo frame. Dali-dali niyang ipinatong iyon sa table nito.

Ano ba namang buhay ito Cataleya, hindi niya napigilang sita sa sarili. Kulang na lang ay matampal niay ang sariling noo. Another kahihiyan na naman.

“Pinunasan ko lang Sir dahil may alikabok at ‘yun nga napuwing ako.” Kunwa’y ginusot niya ang sariling mata. “Sige, back to work muna ako.”

Hindi na niya hinintay pa itong tumugon. Nagpunta na siya sa office table na laan para sa kanya. Parang nanghihina siyang napaupo sa swivel chair pagkabuhay niya sa computer. Palihim niyang sinulyapan ang bagong boss. Naupo na ito sa may executive table nito at may pinag-aaralnang mga papeles.

Sinimulan niyang gawin ang utos nito sa kanya. Mabilis niyang nagawa ang letter at naipadala iyon online sa mga kaukulang department. Masasabing bihasa na siya sa trabaho niya bilang secretary.

“Just follow my order! Hindi natin kailangang pairalin ang awa sa negosyo!”

Napaurong siya sa kinauupuan, pagkarinig sa pasigawa na iyon na boses ni Lukas. May kausap ito sa cellphone nito. Sa unang pagkakataon ay nakita niyang lumabas ang pagiging mabagsik nito. Sinikap niyang ignorahin ang bagong boss niya. Itinutok niya ang atensyon sa monitor ng computer kahit tapos na siya sa trabaho.

“Tapos na ba ang ipinapagawa ko sa’yo Miss Domingo?”

Kaagad siyang napatingala kay Lukas na nasa nakatayo na pala sa harap ng table niya. Kita sa gwapong mukha nito ang kawalan ng pasensya at pinipigilang iritasyon.

Malayong-malayo ito sa character niyang si Von. Iba ang nai-potray niyang character para dito.

“Yes Sir, tapos ko na po. Nai-send ko na sa email sa bawat deparment.” Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa labi niya. tiwala at kampante siya para sa sarili.

Mariing itong umiling at lumarawan ang pagka-diskumpyado sa mukha nito. “Hindi ka sumusunod sa utos ko. Ang sabi ko ay gumawa ka ng letter para mamaya at wala akong sinabi  na i-send moa gad.”

Itinago niya ang panginginig ng katawan niya. Puno ng awtoridad ang boses ni Lukas. “Sir, ginawa ko lang ang nakasanayan kong protocol at akala ko ay iyon ang nais ninyong mangyari.”

“Miss Domingo, we need change!” napataas pa ang tinig nito. “Tama na tayo sa nakasanayan, lalo’t ako ang bagong resort manager. Gumawa ka ng hard copy ng letter at dalhin mo sa lahat ng department. Wala akong tiwala kapag online lang.”

“Pero Sir,” protesta niyang sabi. Okay lang na magprint siya ng mga letter pero kung dadalhin iyon sa bawat opisina ay hindi biro. Malaki ang hotel and resort na pinagtatrabahuhan niya. Magkakalayo pa ang bawat department.

“May violent reaction ka ba Miss Domingo?” sarkastikong tanong nito. “Sabihin mo lang, para may idea ako kung tatanggalin ba kita at papalitan ka as may secretary.”

Napaawang ang labi niya sa narinig. Ganito ba talaga kawalang consideration ang isang Lukas Adriatico? Ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang pagiging mahigpit at istrikto nito. Matatagalan kaya niya ang maging secretary nito?

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
awkward jusko nu na naimagine mo
goodnovel comment avatar
Eckolohiya23
sadyang tunay po
goodnovel comment avatar
Eckolohiya23
kaya nga po ma'am
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 6

    SAGLIT na tumigil sa paglakad si Cataleya pagkababa niya ng unang palapag. Galing lang naman siya sa ika-apat na palapag ng second building ng hotel. Bale nasa anim na department ang pinuntahan niya. ngayon lang siya sa nakadama ng matinding pagkapagod sa trabaho niya. Pinunasan niya ang pawis na naglitawan sa mukha niya. Napansin niya na magtatanghaling tapat na, kung kaya kumakalam na ang sikmura niya sa gutom.Sa isip niya ay pinapagalitan niya ang bagong boss niya. Doon niya inilalabas ang panggigil dito. Maling-mali na ginawa niya itong visual peg sa male character niya. Ibang-iba it okay Von.Ewan ko ba sa’yo Mr. Lukas Adriatico. Parang wala kang pakialam sa nararamdaman ng mga empleyado mo.Humakbang na siyang muli para bumalik na sa opisina niya. Humupa naman na ang nadarama niyang pagkapagod ng katawan. Naroon pa rin ang lihim niyang pagkastigo sa isip niya sa bagong boss.Sa sumunod na pagkhakbang ng paa niya, bigla iyong nawala sa pagkakaapak sa sementong daan. May malakas

    Last Updated : 2023-02-02
  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 7

    “GANYAN ka ba talaga kalupit Sir Adriatico?” nakapameywang na tanong niya sa bagong boss. Isang pambihirang lakas ng loob ang sumanib sa kanya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang may naagrabyadong maliliit na tao lalo at katrabaho niya. Alam niya ang pakiramdam ng mga nagprotestang empleyado ng resort. Masakit para sa mga ito ang mawalan ng trabaho.Hinarap siya ni Lukas, hindi na kinabakasan ng pagkagulat ang mukha nito. isang nang-uuyam na ngisi ang kumintal sa labi nito. “Ibang klase ka talaga aking secretary. Kanino ba ang loyalty mo huh, sa akin na boss mo o sa mga pasaway na empleyadong tinaggal ko?”Samu’t saring reaksyon ang makikita sa mukha ng buong empleyado na naroroon sa hall. Lalo pang umugong ang bulungan sa paligid. Lahat ay naghihintay sa susunod na mangyayari.“Wala kang awa Sir, sana inisip mo ang maapektuhang pamilya na pinapakain nila.” Kulang na lang ay magpakawala ng mumunting punyal ang labi niya patungo sa binatang boss. “Palibhasa kasi ay hindi ka lumaki sa hir

    Last Updated : 2023-02-03
  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 8

    BIGLANG hinawakan siya ni Lukas sa dulo ng baba niya. Iniangat pa nito iyon para lalong magtama ang kanilang mga mata. May pagbabanta sa titig nito sa kanya. “Feel free to leave this office now Miss Domingo. At huwag mong pagsisihan ang pag-alis mo sa akin bilang secretary ko.”Pagalit niyang tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Muli siyang nakadistansya muli dito. “Alam mo Mr. Adriatico, ang gulo mo ring kausap ano? ‘Di ba ayaw mong empleyado na hindi epektibo sa trabaho? So, heto na nga, kusa na akong magri-resign.”“Nasabi ko na ang dahilan ko sa’yo.” Naisuklay nito ang kamay sa wavy hair nito. “Besides may freedom ka naman magdecide, but be ready for the consequences of your action.”Umiling-iling siya na hindi makapaniwala. Napapasuko na siya sa bagong boss pero ayaw niyang ipakita dito ang pagkatalo niya. bumalik siya sa table niya saka prenteng naupo sa swivel chair niya. katulad niya, hindi rin magpapatalo sa argumento si Lukas.Tila naaliw na pinanood siya ni Lukas sa

    Last Updated : 2023-02-04
  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 9

    HINDI niya inaasahan niya ang paglapit sa kanila ni Lukas. Masama pa rin ang tingin nito sa kanya. pakiramdam ni Cataleya ay may nagawa na naman siyang kasalanan. Wala nga lang siyang ideya kung ano iyon.“Andito ka na pala Buddy,” sabi ni Brian pagkakita sa binata. Halatang kakilala nito si Lukas. Nabitawan nito ang kamay niya para makipagkamay sa bagong dating.Pero hindi ito masyadong pinansin ni Lukas. Nilabanan niya ang kaba nang balingan siyang muli ng binatang boss. Naroon pa rin ang panlilisik sa mga mata nito. “Sumama ka sa akin Miss Domingo, now!”Napapitlag siya nang mahigpit siyang hawakan ni Lukas sa braso niya. Lumakad itong muli kung kaya awtomatikong napasunod ang katawan niya. Sinikap niyang patatagin ang balanse dahil nakakaladkad siya sa mga sandaling iyon. Napapatingin sa kanila ang ibang guest doon sa bar.Nagpuyos na naman ang damdamin niya. Balewala kasi kay Lukas kung mapahiya man siya sa maraming tao. Kahit yata sa maraming tao. Namalayan niya na nakalabas sil

    Last Updated : 2023-02-05
  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 10

    “SIMPLE lang Frenny, i-adapt mo na mismo si Lukas sa character mo d’yan sa story mo,” suggestion ni Ria. Nangislap ang mga mata nito dahil sa pagpasok ng nasabing idea. “Sayang kasi ang story mong ito kung hindi mo itutuloy.”Napataas ang kilay ni Cataleya. “Paano ko pa gagagwin ‘yun aber? Ang layo ng ugali ni Von kay Lukas. Halos siya ang dream guy ng karamihan na sweet, caring at gwapo.”“Parang kang ‘di writer!” Pinalo siya ng kaibigan sa balikat. “Tutal, wala pa namang ten chapeter, gawan mo ng isang pangyayari na pwedeng mabago ang male lead mo. Baguhin mo ang back story ni Von.”“Baka naman magalit sa akin ang mga reader ko n’yan,” medyo worried niyang sabi. “At hindi na umangata ang reads.”“Alam mo base sa sinabi mo sa akin about d’yan sa bagong boss mo, ramdam ko magki-click pa rin siya sa readers mo. Mga ganoong male lead na tulad ni Lukas ang kadalasang pumapasok sa trending list. Dagdag, appeal kasi ‘yun sa ating mga babae.”“Naku, sa’yo lang may appeal ‘yun frenny.” Humal

    Last Updated : 2023-02-07
  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 11

    NARAMDAMAN ni Cataleya ang pagbaba sa katawan niya ng sinumang bumuhat sa kanya. Naramdaman niya ang pagtapak ng tsinelas na suot sa buhanginan. Pumatlang ang isang katahimikan hanggang sa may lumapit muli sa kanya. May mga kamay na kusang nagsuot ng eye glass niya sa mata. Luminaw na muli ang tingin niya sa paligid.“Okay na po ba ulit kayo Miss?”Awtomatiko siyang napalingon sa may-ari ng tinig na iyon. Nakita niya ang isang lalaking mataas ng isang pulgada sa kanya at may kapayatan ang katawan nito. Tumango siya nang makilala ito. “Romeo ikaw pala ‘yan, ikaw ba ang bumuhat sa akin p-papunta dito sa may gate ng bahay?”“Opo Ma’am Cat,” anito na parang nahiya sa ginawa. “Pasensya na po kung binuhat ko kayo. Ayoko na po kasing mahirapan kayo sa paglalakad dahil alam kong labo po mata ninyo.”“Sana nagsalita ka man lang, ayan nabigatan ka pa sa akin,” nangingiting sabi niya. Kilala niya ang lalaki, anak ito ng kapit-bahay niyang si Aling Trining. Magkasunuran lang ang munting bahay ng

    Last Updated : 2023-02-08
  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 12

    “KAY Kuya po ba kayo nagtatrabaho Ma’am?” lakas-loob na tanong nito sa kanya. nagpahid ito ng luha sa mga mata.Napaisip siya bago nagsalita. “Kuya? Sino ba ang tinutukoy mo?“Si Kuya Lukas po.”“Ah, okay,” Tumango-tangong siya saka sinipat na mabuti ang mukha ng dalagitang kaharap. “Oo, sa kanya ako nagtatrabaho, ako ang secretary niya. Kaanu-ano mo ba siya? May kailangan ka ba sa kanya?”“Ako po si Aya, step-sister po n’ya ako Ma’am. Baka po matutulungan n’yo po ako na makumbinse po si Kuya Lukas na tulungan ang Mama niya. Kinakailangang ma-operahan po siya sa puso at wala po kaming malaking halaga,” mangiyak-ngiyak na lahad nito. “Pinilit ko pong makabyahe dito sa El Nido mula sa Puerto Princesa.Kinurot ang puso niya sa nalaman buhat kay Aya. Ngayon lang niya nalaman ang sitwasyon ng pamilya na mayroon ang bagong boss niya. Sabagay, hindi naman open book ang buhay ni Lukas sa kanya.“S-sige, gagawin ko ang makakaya ko para mapapayag ko ang boss ko na tulungan ang Mama niya.” Basta

    Last Updated : 2023-02-09
  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 13

    “SIR Lukas, sandali lang!” Paghabol pa rin ni Cataleya sa binatang boss. Hindi man lang siya nilingon nito sa unang pagtawag niya. ngunit nanatiling bingi pa rin ito dahil dire-diretso pa rin itong naglalakad. Alam na naman niya na may kung anong iniisip na naman ito sa kanya.Binilisan pa niyang lalo ang paglakad na may kasamang pagtakbo. Hanggang sa naabutan niya ito at nahawakan sa braso nito. “Sir, sandali lang please. Makinig ka muna sa akin.”Sa wakas ay tumigil ito sa paglalakad, pumihit paharap sa kanya. “Ano pa ba ang dapat mong sabihin mo sa akin Mr. Domingo? Lagi akong naniniwala sa kung ano ang nakikita ko.”Napabitaw sa pagkakahawak ang kamay niya dahil sa ginawang pagtabig nito. Naroon sila sa gilid ng kalsada. Diretso siyang tumingin dito. “Gusto ko lang magpaliwanag Sir Lukas, ayokong haluan ng malisya ang kung anong nakita mo sa clinic kanina.”Luminga-linga ito sa paligid kung saang maraming taong nagdaraan. Nagulat pa siya ng bigla siyang hilahin nito patungo sa isa

    Last Updated : 2023-02-10

Latest chapter

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   THE FINALE

    TUMIGIL ang van sa compound na nasa labas ng Metro Manila. Mula sa nasabing sasakyan ay sapilitang ibinaba ang dinukot na mag-asawa. May nakasaklob na sako sa mga ulo nito. Bumaba na rin ang mga goon saka pakaladkad na ipinasok ang mga bihag sa loob ng isang lumang bodega. Papakalat na ang dilim sa buong paligid.Sa loob ng bodega ay may dalawang upuang kahoy kung saan iniupo sina Lukas at Cataleya. Nagpapalag ang dalawa pero walang silang magawa para makatakas. Nakatali ang kanilang mga kamay at panibagong tali pa ang ginawa sa kanilang mga katawan sa kanilang kinauupuan.“Welcome,my dear Lukas at Cataleya,” anang ng isang boses na babae na may pagbubunyi ang tono.Kasabay n’on ay ang pagtanggal ng nakasaklob na sako sa kanilang mga ulo. Hindi makapaniwala si Lukas sa mukha ng taong nagpadukot sa kanila. “M-Mama Matilde, kayo ang may kagagawan nito?”Si Cataleya naman ay maang nakatingin sa may katandaan ng babae. Halatang may ginagamit para mapigilan ang pagkulubot ng mukha. Hindi n

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 100

    "I admit Cataleya, iniwan nga kita noon dahil sa pagkagalit ko sa'yo," walang emosyong pag-amin ni Lukas. Nagtagis ang bagang nito pero sa kislap ng mga mata ay naroon ang pagka-guilt. "Inisip ko na niloko mo ako, dahil nalaman ko ng gabing iyon na ikaw pala ang kakambal ng namatay kong asawa.""At k-kailan nangyari iyon?" Kumabog ang dibdib niya sa walang kalinawang dahilan. Pakiramdam niya ay mas lalo pang nahiwa ang puso niya.Kagaya ng nitong nakaraang araw, wala siyang maapuhap sa alaala niya."It was three years ago, nang i- invite tayo ng father ko sa mansyon for a dinner date. Gusto ka nilang makilala," pagpapatuloy ni Lukas. "Pero malaki ang pagka-disgusto sa'yo ng Mama Matilde. Siya ang nagsiwalat ng pagkatao mo kasabwat ang dating secretary ng kakambal mo."Marahan siyang napatango ngunit may isang particular na emosyon ang nagnanais kumawala sa dibdib niya. Her temporary memory loss prevented her from fully bursting out."Iyong totoo Lukas, until now ay galit ka pa rin ba

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 99

    "KANINONG bahay ito Lukas?" tanong ni Cataleya sa nagpakilalang asawa niya. Kabababa lang nila sa sasakyan at nasa harap sila ng dalawang palapag na bahay na tabing-dagat. "Ang ganda namam ng view dito."Sumalubong sa paningin ang tanawin ng dagat na kung saan ay may natatanaw siyang tila maliliit na isla.Nilingon siya ni Lukas, karga nito ang dalawa sa triplet na parehong nakatulog sa mahabang byahe. "Bahay mo ito my dear wife."Namanghang nanlaki ang mata niya. "Wow talaga, sa akin talaga ang bahay na ito.""Oo, dito ka tumira noong nag-stay ka pa dito sa El Nido," sagot ni Lukas. "Anyway, pumasok na muna tayo sa loob at para madala sa kwarto ang mga anak natin."Marahan siyang tumango at napasunod na lang sa muling paglakad ng asawa. Humahanga siya sa magandang interior ng bahay na pag-aari niya daw. Dulot ng amnesia niya ay hindi niya maalala ang pagiging bahagi n'on sa buhay niya.Isang kuwarto ang binuksan ni Lukas at nanatiling nakasunod siya dito. Marahan nitong inihiga sa ka

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 98

    NAGISING siya ng umagang iyon na pakiramdam niya ay malakas na siya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Nakasanayan na ng mga mata niya ang kinaroroonan niyang apat na sulok ng silid, ang madalas niyang makamulatan sa bawat umaga.Isang malaking tanong sa kanya kung nasaan siyang lugar. Humakbang siya palabas silid. Marahan niyang pinihit ang seradura para ganap na siyang makalabas.Hindi pamilyar sa kanya ang pasilyo na nabungaran niya. malinis, maaliwalas at maalwan ang bahaging iyon ng kabahayan. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.Natagpuan niya ang sarili na bumababa sa grand staircase. Indikasyon na naroon siya sa isang mansion. Pero ang tanong, kaninong bahay ang kinaroroonan niya?“Gising ka na pala, ahm okay na ba pakiramdam mo?” Salubong sa kanya ng isang matangkad at gwapong lalaki pagkababa niya ng hagdan. Kita niya ang concern sa mukha nito.Tumango siya pero kinikilala pa rin niya ang itsura nito. “Ayos naman ang pakiramdam ko. Teka, s-sino ka ba?”“Ak

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 97

    CATALEYA gently stroked him. Tila may nakikipaglaban sa mahigpit niyang pagkakapit niya sa isang bagay nasa loob ng short ni Lukas. Biglang napahiwalay ang labi ng asawa sa kanya at napaungol ito sa bawat paghagod ng kamay niya sa ebidensya ng pagiging lalaki nito. Naroong nakagat pa nito ang sariling labi.“You’re making me crazy,” anas ni Lukas saka naipikit pa nito ang mga mata. Nanatiling pa ring nakaupo ito.Lihim naman siyang nangiti dahil nagawa niyang paligayahin ang asawa sa kanyang mga kamay. Lalo pa ito naging hot sa mga mata niya dahil nakikita niyang reaksyon ng gwapong mukha nito.Lalo pa niyang itinodo ang ginagawa niya. Ayaw niyang maputol ang mainit na sandaling iyon. She loves every inch of him.Maging si Lukas ay hindi na rin nakapagpigil sa matinding init na lumuukob dito. Marahan nitong inalis ang kamay niya na nasa loob ng shot nito. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya sa ere at saka niya namalayan na pangko na siya ng asawa.Iniangkla niya ang magkasug

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 96

    “MAY kailangan ka ba sa akin Lukas?” tanong ni Cataleya sa asawa nang mabungaran niya ito sa mini-bar ng bahay nito. Prente itong nakaupo sa isang round table na kanugnog ng ipinasadyang table. Naka-display ang mga mamahaling alak at iba’t ibang uri ng kopita. A sign of luxurious living.Nilagok muna nito ang lamang alak ng hawak na kopita saka tumingin sa gawi niya. “May gusto lang akong sabihin about sa nangyari kanina sa mansion. Take a seat first.”Medyo kinakabahan na naupo siya sa upuang itinuro nito na malapit lang sa pwesto nito. Sinikap niya na maging kalmado. “I’m sorry kung naging rude o nawalan ako ng galang sa Mama Matilde mo.”Hindi kaagad ito tumugon bagkus ay kumuha pa ito ng isang kopita. Ipinatong sa mismong tapat niya saka sinalinan iyon ng vodka. “It’s not what I mean my dear wife. Ang totoo n’yan ay napahanga mo pa ako sa ginawa mo kanina. Hindi ko inaasahan iyon lalo na ang DNA result.”My dear wife. Tila musika iyon sa pandinig niya na kinasabikang marinig ng pu

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 95

    “ARE you crazy Lukas?” naiiling na tumingin si Matilde sa gawi nh asawa saka bumalik ang tingin kay Cataleya. “Sa dami ng babae na pwede mong pakasalan ay ang oportunista pang ito ang napili mo. So disappointing.”Chin-up pa rin si Cataleya para ipakita na hindi siya apektado sa kagasapangan ng ugali ni Matilde. “I’m sorry Mama, ganap na kaming kasal at katulad mo ay isa na rin akong Adriatico.”Pinanlisikan siya ng matandang babae ng mata. “I can’t believe it, isang linggo lang akong nawala ng bansa pero ang daming naganap na hindi kaaya-aya.”“Ma, enough!” saway ni Lukas sa kinalakihan nitong ina. “Nasa harap tayo ng pagkain at pati ng mga apo ninyo.”Saka lang niya napansin ang triplet na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Kita sa inosenteng mga mukha ang kuryusidad.“Paano ka nakakasigurado na ikaw nga ang anak ng mga batang ‘yan?” tanong ni Mstilde na nakatingin sa tatlong anak niya. “Knowing Cataleya na isa ring manloloko. Hindi sapat na kamukha mo lang sila Lukas at ayok

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 94

    MAKAILANG beses na dinala ni Lukas sa ikapitong langit si Cataleya. Nakasubsob sa pagitan ng mga nakabuka niyang hita ang ulo ng asawa. Pinagpapala ng labi at dila nito ang kaibuturan niya bilang isang babae. Napakapit siya sa gilid ng unan kasabay ang pag-arko ng sariling katawan.Isang malakas na ungol ang pinakawalan niya at tila namumuti ang mga mata niya. Hnggang sa parang hinang-hina siya matapos ang na parang may dam na nagpakawala ng tubig sa katawan niya.“L-Lukas,” anas niya sa pangaan ng asawa. Ngunit hindi pa ito tapos sa pagpapaligay sa kanya. Gumapang muli ang katawan nito paitaas sa kanya at muling nagpantay ang mga mukha nila.Pareho silang pawisan sa kabila na nakabukas ang aircon. May mga butil na nasabing likido mula dito ang pumatak sa mukha niya. Kitang-kita niya ang nag-aapoy na desire sa mga mata nito.Isang mainit na sandali na kinasabikan niyang mangyari kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Naramdaman niya ang pagpasok nito sa kanya na sinundan ng pag-ulos.

  • IKAW SA AKING MGA KAMAY   Chapter 93

    "By the power vested in me by the Republic of the Philippines, here in the company of those who love and support you, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss each other! Friends, it’s my honor to introduce Lukas and Cataleya Adriatico.," masayang pronouncement ni Judge Alena Cortez sa kanilang kasal.Tila sa nakatitig sa kawalan si Cataleya sa mukha ni Lukas. May ngiting nakakintal sa labi niya pero sa mga mata niya ay nakasungaw ang isang lungkot na pilit niyang itinatago. Hinayaan niya ang asawa ang mag-initiate ng halik. Hanggang sa naramdaman niya ang pagdampi ng labi sa nito sa labi niya. Saglit lanh iyon dahil maging ito ay walang emosyon sa nasabing aksyon.Nagpalakpakan ang mga taong naroon sa loob ng opisina ng RTC judge. May tig- isang ninong at ninant sila na si Lukas mismo ang kumuha. Mga malapit nitong kaibigan sa negosyo. Naroon din ang nanay nitong si Conchita at kapatid na si Aya nasa Manila na rin naniniraham. Kita sa mukha ng mga ito ang kaligayahan pa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status