"Tell Ms. Jones to come here." Dinig ni Ms. Dein na utos ni Red. Agad n'ya naman itong sinunod at hinanap kung nasaang department ito. Nang mahanap n'ya ito ay nakita niya itong nag aayos na ng kaniyang gamit habang naluluha pa at mukhang malapit nang umalis.
"You're Ms. Vera Jones, right?" tanong ni Ms. Dein dito.
Nagtataka naman siyang tinignan ni Vera at tumango habang pinupunasan ang mga luha nito.
"The CEO wants you in his office." Sambit ni Ms. Dein bago ito umalis dahil marami pa s'yang dapat asikasuhin.
Agad namang nag chismisan ang mga tao nang marinig na pinapatawag sa CEO's office si Vera.
"Mukhang hindi nagustuhan ng CEO ang ikinilos ni Vera."
"Echosera kasi, pati ba naman asawa ni Mr. Buenavista ay kinakalaban."
"Dasurv dzaii"
"Ayos lang yan para mabawas bawasan ang mga pilingera dito."
Atanasha POVNapakaganda ng araw ngayon. Maaliwalas ang kalangitan, hindi ganoon kainit nag sikat ng araw, at isa pa ay napaka lamig ng dampi ng hangin sa aking balat. Narito ako ngayon sa sala habang nag aayos ng aking mga pinamitas na bulaklak mula sa hardin kanina. Wala na kasi akong magawa kaya naman naisipan kong iyon na lamang ang gawin.Sa aking pag aayos ay namataan kong may taong papalapit sa akin kaya agad akong napatingin sa mga ito. Anong ginagawa nila dito? Hindi ba't umalis sila ng mansion? Ano na naman kaya ang eksena ng dalawang ito. Sana naman ay tigilan na nila ako. Wala akong oras para makipag sabatan sa mga ito."Mother, Sofia, nakabalik na po pala kayo." Bati ko sa mga ito.Kitang kita ko ang agad na pag babago ng expression ng mukha nito. Mula sa pagiging kalmado ay napunta ito sa pagiging bugnutin. "Stop calling me mother! Hindi ka nababagay sa anak ko. Mahiya ka nga sa sari
Atanasha POVIsang malakas na tunog ng telepono ang nag pa gising sa aking mahimbing na pagkaka tulog. Napatingin ako sa orasan at nakitang 9 pm na pala. Nawala na sa aking isipan na kumain ng dinner pag uwi ko kanina. Pagkatapos kasi akong guluhin ni Mark ay biglang tumawag ang aking matalik na kaibigan na si Sam. Inaaya niya akong mag kita kami dahil kakabalik niya lamang galing states. Mahaba haba rin ang aming naging usapan kaya naman late na rin akong nakauwi sa mansion.Agad akong napa tayo sa aking pagkakahiga at inabot ang telepono. Sino bang tatawag ng ganitong oras? Paniguradong si Redemonyo na naman ito. Ano na naman kayang kailangan ni mokong."Hello?" Sagot ko dito.Isang nakakabinging katahimikan lamang ang aking narinig sa kabilang linya. Prank ba to? Kung prank man to pwes hindi ako natutuwa. Biruin na talaga ang lasing wag lang ang bagong gising."Hello?
Nang matapos sa pag gagayak si Atanasha ay agad siyang nag tungo sa sala at naabutan niyang naghihintay sina Mrs. Buenavista at Red."Wala na bang ibibilis yang kilos mo? We're going to be late!" Inis na sambit ni Mrs. Buenavista.Agad na napatingin si Red sa kaniyang ina, "Late for what? I thought we're going to eat in a restaurant." Nagtatakang tanong ni Red.Hindi naman sumagot si Mrs. Buenavista at agad na lumabas ng mansion. Sinundan naman siya nina Atanasha at Red. Pag labas nila ay nakahanda na ang sasakyan at nag hihintay sa kanila si Kuya Roy."Aalis na po ba tayo?" Tanong ni Kuya Roy at tumango naman si Red bilang pag sang ayon.Nang sila'y makasakay ng sasakyan ay unti unting nabubuo ang tension sa pagitan nina Mrs. Buenavista at Atanasha. Ipinagtataka naman ni Atanasha kung bakit ganoon na lamang makatingin sa kan'ya ang matanda. Tila ba'y ayaw na ayaw nitong isama si
Dalawang araw na ang lumilipas simula nang mangyari ang insidenteng nangyari sa pagitan nina Red ata Atanasha. Dalawang araw na rin silang walang kibuan at walang pansinan kahit na nasa iisang bubong lamang sila. Kahit sa hapag kainan ay mapapansin ang distansiya ng dalawa. Ito rin ay pinagtataka na ng mga kasambahay ngunit isinasawalang bahala na lamang nila dahil wala naman silang karapatang mangialam.Isang maulan na tanghali nang mag simulang umalis ng bahay si Atanasha. Balak niyang hatiran ng tanghalian si Red kahit na hindi sila nag kikibuan, wala naman kasi itong magagawa dahil kasama ito sa kontrata niya bilang asawa ni Red Caden Buenavista. Nag tungo na siya sa labas upang hanapin si Kuya Roy upang mag pahatid sana sa company ngunit hindi niya ito mahanap. Wala siyang ibang choice kundi ang ang mag commute na lang. Bumalik siya sa loob at kinuha ang payong at tanghalian na dadalhin.Nang makarating sa labas n
Atanasha POVHindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa salamin. Nakakawili palang titigan ang sarili kapag bumabagay sayo ang isang damit. Nang makuntento ako sa aking sarili ay agad na akong lumabas ng fitting room at sa aking pag labas ay bumungad sa akin si Kent na naka upo sa sofa habang naghihintay.Agad itong napatayo at lumapit sa akin, "How is it? Ayos lang ba? Hindi ko alam kung bagay ba sa akin... Ano sa tingin mo?""Sobrang ganda... mo.." Ani nito. Tama ba yung narinig ko? Maganda daw ako? Ako ba o yung dress? Baka naman namali lang ako. 'Wag ka ngang assumera Atanasha Felise!Agad akong napailing sa aking iniisip. "Miss, that's a total of Php. 10,599. Do you have a membership card?" Nakangiting sambit ng sales lady sa akin.Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan na sobrang mahal nga pala ng dress na 'to. Hays, mukhang mapapatipid ako sa m
Isang siil ng halik ang nagpatigil kay Atanasha. Tila ba natuod ang kaniyang katawan at hindi alam ang gagawin. Sabay din nito ang pag tigil ng kaniyang pag hinga. Nang maramdamang inilalayo na ni Red ang kaniyang labi ay siya namang dahan dahang pag dilat ni Atanasha. Sabay nilang hinabol ang kanilang pag hinga.Atanasha POVHabol habol ko ang aking paghinga nang maramdamang inilayo na ni Redemonyo ang kaniyang mga labi sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat at susunod na gagawin. Para bang bigla akong na bobo sa pag dampi ng labi niya sa akin. Nakakapanghina at nakakatuliro, ano bang ginagawa mo sa akin Redemonyo?"Ehem--" Pag tapos nito sa nakakabinging katahimikan. Agad akong napatingin sa kaniya at saktong nag tama ang aming mga mata. Muli kong inilayo ang aking tingin at inayos ang aking sarili. "Kung wala ka nang sasabihin pa, pwede ka nang lumabas." Matapang kong sambit. Buti na
Atanasha POVNagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mata. Iniikot ko ang aking paningin at nanibago sa lugar na aking tinutulugan. Napatingin ako sa orasan na naka kabit sa pader, 7:12 am. Tamang tama para makapag luto ng agahan. Nandito na nga pala ako sa condo ni Angel. Pagkatapos kasi ng usapan namin kagabi sa kotse niya ay dumiretso na kami dito para makapag pahinga. Bumangon na ako at kita kong masarap pa ang tulog niya sa kaniyang kama. Nasa sofa niya kasi ako natulog kagabi. Pinilit niya akong mag tabi na kami sa kama pero mas umandar at nangibabaw ang kanipisan ng mukha ko kaya pinag pilitan ko nalang na sa sofa na matulog. Maliit lang din naman akong babae kaya naging komportable naman ang tulog ko sa sofa niya dahil kasyang kasya ako.Nang maayos ko na ang aking pinaghigaan ay nag tungo na ako sa kusina para maghanap ng pwedeng maluluto. Ako na ang magluluto ng breakfast para pag gising ni Angel ay kakain nalan
Tatlong araw na ang lumulipas at wala pa ring naririnig na balita si Red kay Atanasha. Kung sino sinong mgagaling na private investigator na ang na hired niya ngunit wala sa mga ito ang nakahanap sa kaniyang asawa. Ilang beses niya na itong tinawagan ngunit hindi niya na ito ma contact.Habang nakatulala sa kaniyang monitor at malalim ang iniisip ay biglang may kumatok sa kaniyang opisina. Si Miss Dein, ang kaniyang sikretarya. "Any update?" Bungad na tanong ni Red. Napayuko lamang si Ms. Dein bago sumagot, "They're still looking for her sir... But mayroon pong nakapag sabi na nakita nila si Ma'am Atanasha around Alabang. Nagpadala na rin ako ng mga tao para i check kung totoo ba iyon." Sagot ni Ms. Dein sa tanong ng kaniyang boss."It's been three fucking days! Akala ko ba mga magagaling na investigator yang mga yan? Bakit hindi nila mahanap hanap ang asawa ko." Pasinghal na sambit ni Red. Nawawalan na siya ng pasensi
Atanasha "Well I found a woman, stronger than anyone I know, She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home, I found a love, to carry more than just my secrets, To carry love, to carry children of our own, We are still kids, but we're so in love, Fighting against all odds, I know we'll be alright this time, Darling, just hold my hand, Be my girl, I'll be your man, I see my future in your eyes.~" Pagkanta ni Red, “It is a song made by Ed Sheeran at gusto kong gamitin ang kantang ito para malaman ng babaeng pinakamamahal ko na siya lang ang nais kong makasama sa hirap at ginhawa. Alam kong marami na tayong pinag daanan pero tignan mo naman tayo ngayon, heto na tayo nandito na tayo sa parte kung saan unti-unti na nating natutupad ang mga bagay na pinapangarap lang natin. Ayoko ng mag sayang ng taon na wala ka sa buhay ko. You deserve the world and all the good things it has to offer. If I fail to find that world for you, I promise to give you mine! Atanasha Felise Martinez
Atanasha “The day has finally arrived. Two whole years with what feels like a lifetime's worth of the best memories. I used to believe that partnerships with this much love could only be found in the romantic movies that you always mock me for viewing. But here we are, a year later, and you have shown that you are wrong (despite your argument that rom-com gives me and the rest of the female population false hope — so I guess you have proven yourself wrong as well). I've never felt more at ease with anyone, mentally, physically, or emotionally. You are my refuge when I need it. You've given me so much over the last year, but what I value most about your love is the sense of security and reliance. You're my best friend, and I know you'll be there for me no matter what. Never let me face it alone. But you've also taught me how to be self-sufficient. This is something I will always treasure. Before you, I craved the attention of others and despised the prospect of ever being alone. But
AtanashaIsang buwan na ang nakalipas matapos i announced sa lahat ng tao ang pagbuo ng big 3 companies. Hindi ko pa rin makalimutan ang reaksyon ni Red nang malaman niyang ako ang isa sa mga tumulong upang maibalik niya ang kanyang kumpanya. Sobra sobra ang pagpapasalamat niya sa akin. At ngayon masasabi kong tama talaga ang naging plano ko dahil makikita naman ngayon ang resulta ng ginawa naming partnership. Mas lumago ang aming mga kumpanya dahil sa aming pagtutulungan at nakilala individually sa iba’t ibang bansa.Mayroon na kaming branch sa iba’t ibang bansa at talagang masasabi kong sobrang nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na tumulong sa akin para maabot ang lhat ng ito at syempre kay mama na ansa heaven na hindi ako kinalimutan at patuloy akong ginagabayan.-Ngayong araw ang kaarawan ng pinakamamahal kong lalaki sa buong mundo. Syempre hindi ako papayag na hindi maging special ang birthday niya, kaya naman pinaghandaan ko talaga ito. Pinag piring namin siya para naman hin
AtanashaNgayon ko palang nabalitaan ang nangyari sa mama ni Red. Hindi ko alam na ganun karami pala ang naging biktima ng masamang pag uugali niya. Mabuti naman nakulong na siya. Kahit kailan ay hindi na talaga babait ang ugali nun at mas lalo lang siyang maraming mabibiktima.At dahil wala na ang nangunguna sa mga problema ko ay oras naman para ayusin ang mga nasira. Lumipad ako papuntang Manila kasama si Red at pinatuloy na muna siya sa hotel room ko. Hindi pa rin kasi tumitigil ang media sa paghahanap sa kanya at baka may iba pang mangyari kung makita nila si Red, mahirap na sa panahon ngayon dahil mainit pa sa mata ang apelyido nila at baka madamay pa si Red dahil sa kagagawan ng kanyang ina."Dito ka na muna, may kailangan lang akong asikasuhin kung may kailangan ka tawagan mo lang agad ako at pupunta agad ako dito, okay?" Paalam ko kay Red.Tumango naman ito at agad na akong umalis ng hotel. Nang makasakay ako ng sasakyan ay mabilis itong pinaandar ng aking driver at nag punta
Atanasha“Bakit hindi na kita matawagan? Ilang beses kitang sinubukang tawagan pero ni isa sa mga social media mo even yung number mo ay hindi na ma reach out…” Malungkot kong usal.Nandito na kami sa loob ng bahay ni Manang Fe. Hindi pa rin makapaniwala sila Manang Fe na nahanap ko ang location nila ngayon. Syempre, hindi ko naman sinabi kung kanino ko nalaman ang impormasyon. Ang sabi ko lang ay nag hire ako ng private investigator para mahanap kung nasaan sila."Susundan pa sana kita sa Australia pero nag simula na ang pag bagsak ng company. Kahit na inaasahan ko naman na babagsak ang company ay hindi ko inaasahang ganito kabilis. Para bang pumikit lang ako at pag dilat ko ay wala na sa akin lahat. Nang bumagsak ang kumpanya ay maraming nagpapakalat ng mga fake news na kaya raw bumagsak ang kumpanya dahil kinakarama na ito dahil sa mga empleyadong pinatay namin. Kahit kailan ay hindi namin magagawang pumatay ng mga inosenteng tao, pero may iilan naman akong narinig na dati na may m
AtanashaPangalawang araw na sa paghahanap ko kay Red. Mahigit limang private investigator na rin ang mga na hire ko para lang hanapin siya. May mga lugar naman silang mga ibinibigay sa akin ngunit kailangan pa nilang siguraduhin kung nandoon nga ba talaga si Red. Habang naghahanap kay Red ay unti unti ko na ring pinapakita sa Pilipinas ang mga produkto ko. Kaya naman sobrang abala rin ng aking secretary sa pag aasikaso nito. Si Jake naman ay palaging nakasunod sa akin sa kung saan ako mag punta.Sa mga araw na ito ay sobrang ingay pa rin ng media tungkol sa issue at problemang nangyayari sa mga Buenavista. Patuloy pa ring lumalabas ito sa mga balita at marami na ring mga chismis ang kumakalat ngayon at ginagawan ng kwento ang pamilya nila. Ginagawa ko naman ang makakaya ko upang mai take down lahat ng mga fake news na ipinakakalat nila, ngunit sa dami nito ay nahihirapan na rin akong isa isa itong mapatake down ng basta basta. Malaki na rin ang nagastos ko para lang doon.“Ma’am, tu
Atanasha Nang makarating ako dito sa Sydney, Australia ay agad akong pinag aral nila mommy at daddy sa kung paano ko mapapatakbo ng maayos ang kumpanya na hawak hawak ko ngayon. Halos buong dalawang linggo na puro libro at mga teachers na ang nakakasalamuha ko. Wala na tuloy akong balita kay Red kung ano na ba ang nangyayari sa kanya. Wala na kasi akong oras para maisingit pa na matawagan siya, pinagbabawalan din kasi ako nila mommy at daddy na gumamit ng aking phone. Confiscated lahat ng gadgets ko at pinapagamit lamang sa akin kapag kailangan ko sa aking pag aaral. “Hi, sweety! Don’t forget your next class. It is Marketing and ang professor mo para doon ay si Mr. Jimson. Isa siya sa mga mauutak sa mundo ng marketing at naging ka business partner din siya ng daddy mo kaya naman siya ang napili namin para maturuan ka dahil sa mundo ng business anak ay maiinvolve ka talaga sa marketing. Hinding hindi mo matatakasan iyan.” Nakangiting usal ni mommy. Argh! Kakatapos lamang ng three hou
Atanasha Nang matapos ang usapan namin Dalia hanggang sa pag uwi ko rito sa bahay ay talagang tinupad ko ang ipinangako ko sa kanya na hindi ko ipapaalam kay Red ang lahat ng nangyari kanina. Pag uwi ko ay abala pa rin si Red sa kaniyang ginagawa. Hindi naman na kwinestyon ni Red kung saan ako pumunta at mukhang wala pa rin ito sa kanyang sarili kaya naman hindi manlang nagawang mag tanong sa pinuntahan ko kanina. Habang tumatagal ay mas lalo akong naaawa sa kaniya. Hindi ko maatim na makita na ang pinakamamahal ko ay nagkakaganto. Nais ko mang aminin sa kaniya na nakita ko na si Dalia at alam kong nasa maayos siyang kalagayan ay pinipigilan naman ako ng konsensya ko dahil sa pangakong binitawan ko kay Dalia. Sinubukan ko naman siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina ngunit ang sinasabi niya lang sa akin ay hindi naman daw iyon importante, tungkol lang daw sa pangungulit ng mama niya sa kanya. Tinanong ko rin siya kung ayos lang siya at kahit na sinasabi niyang oo ay alam kong iti
Atanasha“Paano ba kayo nagkakilala ni Kuya, Ate? Alam mo kasi yan si Kuya Red, hindi yan mahilig sa babae at sobrang ilap niyan sa babae. Tignan mo yan si Ate Sofia, matagal na yang umaaligid kay Kuya simula noong bata pa sila pero wala manlang naging chance kay Kuya at ni hindi manlang pinagbigyan ni Kuya kahit na puppy love lang. Akala nga ng lahat ay may pagka silahis si Kuya pero kilala ko siya alam kong wala lang talaga siyang oras sa mga ganoong bagay kaya ng malaman ko na may asawa na siya ay sobrang curious talaga ako sayo, ate..” Sambit ni Dalia.“Hindi ko alam kung saan sisimulan pero… ganito kasi ang nangyari,”—Flashback—"Hayop ka Mark..." lasing na lasing na usal ko habang tumutungga ng beer. Nandito ako ngayon sa bar pagkatapos kong hiwalayan yung hayop kong boyfriend. Nahuli ko siyang kahalikan ang kapatid ko na si Faye. Mga walang hiya! Sobrang baboy nilang dalawa. Bagay na bagay sila sa isa't isa pareho silang makati. "Akala mo kapag iniwan kita ay hindi na ako mak