Hello, may bago po ako na story na sana ay suportahan niyo po. Maraming salamat po sa inyong pagsubaybay sa kwento nila Carmela at Joseph. Kung pwede po ay magboto po kayo ng gems at mag-iwan ng 5 stars review sa kwento na ito. Godbless everyone. -----ANALIA FAITH❤️
Parehas na tahimik lamang si Lance at Joseph at kapwa nagkatinginan na parang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Parehas silang napasulyap kung paano ngumiti si Carmela sa kanyang kapatid na si Matthew. “Oh! I really like how feisty you look, Carmela,” biglang sabi ni Wendy upang maalis ang malamig na hangin na nabubuo. Her smile faded when Joseph and Lance didn’t even smile.“Are you threatening me?” seryosong tanong ni Lance kay Carmela.“Mukha ba akong nagbabanta? Nagsasabi lang ako ng totoo na pipiliin ako ni Bernadette dahil kapatid niya ako,” nakangiting sabi ni Carmela.Bernadette nodded her head. Hindi naman makapaniwala si Lance ng nakita niya na tumango ito sa kanyang kapatid. Of course, blood is thicker than water.“That’s my girl,” bulong ni Matthew kay Carmela saka ngumisi.Tumikhim naman ang waiter kaya nagsitinginan sila parehas. Inayos ni Matthew ang kanyang damit na agad naman siyang tinulungan ng kanyang kapatid. “I have a reservation, table for three,” Agad na
Carmela was stunned after what Joseph did. She heard her heart pumping fast. A tear came out in her eyes. She knows that the only one missing part of her life is Joseph. And now that Joseph gave her a mindblowing kiss, all of her hatred blew away. When she looked at Joseph, she immediately remembered Lucas, who kept asking her about his father. She feels that Lucas was in front of her because of Joseph's appearance.“W-Why did you kiss me, Joseph?” Carmela unbelievably asks him. She saw how Joseph closed his eyes. She saw the sorrow in it. “Dahil may karapatan ako na halikan ka,” sagot ni Joseph.Hindi naman makapaniwala si Carmela sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung ano nga ba ang sinasabing karapatan ni Joseph dahil hiwalay naman na sila.“W-Wala ka ng karapatan sa akin, Joseph. Dahil hiwalay na tayo simula ng nakita ko ang lahat ng 'yon,” galit na sabi ni Carmela.Mabilis na bumalik ang maskara ni Joseph sa kanyang mukha. Bumuntong-hininga na lamang ito saka umiwas ng tingi
“Selos ka?” nakangising tanong ni Matthew sa kanyang kapatid na si Carmela. Pinapanood din nito ang pagtawa ni Wendy habang kausap si Joseph.“Eh, ikaw? Kailan ka ba naging choosy sa babae?” agad na tanong ni Carmela sa kanyang kapatid. Sumimangot naman si Matthew ng narinig ang tanong ng kanyang kapatid. Ayaw niya talaga sa mga babaeng agresibo, kaya sinungitan niya si Wendy kanina. Nagpangalumbaba na lamang si Matthew ng naalala ang pangunguna ni Wendy sa kanya.“Hindi ba ako pwedeng umayaw? At saka ayaw ko sa babaeng agresibo. Masyado siyang makulit at walang class,” panglalait ni Matthew kay Wendy.“Ganoon ba? Paano mo naman nalaman na agresibo si Wendy?” nagtatakang tanong ni Carmela kaya umiwas siya ng tingin.Masyadong enjoy si Matthew sa night life niya parati at doon niya nakita si Wendy. Parati itong nasa dance floor at pinag-aagawan ng mga kalalakihan. Masyado itong takaw mata kaya ayaw ni Matthew ang ganoon.“Na-meet mo na ba siya rati?” nagtatakang tanong ni Carmela.“Bas
Malapit ng mabingi si Bernadette habang nasa byahe. Napasulyap siya kay Lance na pinagpapawisan habang nagmamaneho. Nagdesisyon na lamang si Carmela na isama ang kapatid na si Matthew kahit halata kay Joseph ang selos upang magkausap silang dalawa ni Lance.‘Kailan pa niya ako minahal? Ganito ba ang aking tahong, mabilis silang ma-in love?’ tanong ni Bernadette sa kanyang sarili.Napanguso si Bernadette sa kanyang naisip. Dahil nga ba sa tahong? Tatanungin na ba niya si Lance kung na-love at first sight siya sa tahong niya?“Kung may gusto kang itanong ay mamaya na lang, sa bahay na lamang tayo mag-usap,” pigil ni Lance sa kanya.“Sigurado ka ba na pag-uusap lamang ang gagawin natin? Sabihin mo na sa akin para handa ako,” biro ni Bernadette para maalis ang pressure sa pagitan nilang dalawa.“Of course, dalawang klase ng pag-uusap ang gusto ko, Bernadette. Alam mo naman yata 'yon,” naiiling na sabi ni Lance sa kanya.“Kung ganoon ay pag-iisipan ko 'yong isang klase ng pag-uusap natin. H
“Mommy!” sigaw ni Lucas ng nakita niya si Carmela na papasok sa bahay nila. Nagpaiwan si Matthew sa kotse nito dahil ayaw pa niya makita si Alexander.“Bakit gising ka pa? Nasaan si lolo at lola?” tanong ni Carmela sa kanyang anak. Binuhat niya ito saka siya napangiti ng nakita niya ang ka-cute-an nito.Sa una ay kamukha niya si Lucas ngunit katagalan ay kamukha ito ni Joseph. Napanguso naman si Lucas dahil tumakas na naman siya sa kanyang lolo at lola.“Ahh! Lucas, nasaan ka na ba?” malakas na sigaw ni Alexander. “Ikaw kasi! Kapag nawala ang apo natin ay hindi kita mapapatawad, Alexander,” galit na sigaw ng mommy ni Carmela sabay hinampas ang asawa ng malakas.“Ang apo ko! Hindi ako makakatulog kapag hindi siya nakita,” naiiyak na sabi ng mommy ni Carmela ngunit biglang umurong ang luha nito ng nakita niya si Lucas na buhat ni Carmela.“Lucas, hindi tama 'yong ginawa mo, apo!” inis na sabi ni Alexander. Pakiramdam niya ay uubanin na siya sa kakulitan ni Lucas. Gusto na niyang paluin
“Anong plano mo? Pagseselosin pa ba natin siya? Sa totoo lang type ko kasi si Matthew,” nakangiting sabi ni Wendy.“Hindi naman selosa si Carmela eh, at saka siguro asikasuhin mo na lamang si Matthew para naman may maalis na asungot sa asawa ko,” nakangising sagot ni Joseph saka nagsimulang magmaneho.“Maka-asawa ka naman sa kanya, eh hiwalay na nga kayo,” biro ni Wendy saka malakas na tumawa.Napasimangot si Joseph sa sinabi nito saka niya sinulyapan si Wendy ng may galit sa mukha. Papatulan ba niya ang sinasabi nito?“Eh kung sabihin ko kaya kay tita na i-push ang kasal mo. Madali naman ako kausap eh,” panakot na sabi ni Joseph sa kanya. Nanglaki ang mga mata n
MAAGANG umalis si Carmela at iniwan si Lucas kay Matthew. Halos napuyat si Matthew dahil sa kakakulit ni Lucas kaya ng nagising si Lucas ay tulog pa rin siya.Bumaba si Lucas sa kama kung saan katabi niya si Matthew na natutulog. Ngumisi ang bata na parang may kalokohan na naman na naisip. Alam kaya ng tito niya ang larong tagu-taguan?Kinuha niya ang bola saka lumabas ng kwarto nila. Matalino si Lucas kaya tinandaan niya ang lahat ng bawat pasikot sikot na dinaraanan niya.“Oh! Hindi ka ba hahanapin ng mommy mo?” tanong sa kanya ni Joseph. Ngumiti si Lucas ng matamis sa kanya. Hahanapin siya ng mommy niya pero sigurado siya na hindi sasabihin ni Matthew na nawawala siya dahil magagalit ang mommy niya.&
MATAPOS kumain nila Joseph at Lucas ay agad naman silang bumalik sa condominium building. Tuwang-tuwa si Joseph kay Lucas dahil masyado itong bibo, naalala tuloy niya rati ng bata siya.“Alam mo po ba sir, sikat na modelo ang mommy ko! Puro mamahalin na brand ang minomodel niya,” pagmamayabang ng batang si Lucas.Napangiti naman si Joseph at hindi na lamang pinansin ang sinabi ni Lucas. Si Carmela lang naman ang mahalaga sa kanya kaya ito lang naman ang kilala niyang modelo. “Sir, next time po ay ilibre mo po ako ulit ha,” nakangiting sabi ni Lucas. Tumango naman si Joseph sa kanya saka siya binuhat. Parehas silang napatingin sa condominium building. Hindi alam ni Joseph kung bakit nakakaramdam siya ng lungkot.Ganoon na lamang ba na kasabik siya na magkaaanak kaya halos nalulungkot na siya na mag-isa na lamang siya? Napasulyap siya sa gwapong mukha ni Lucas saka napangiti. Minsan hinihiling niya na sana nabuntis na lamang si Carmela ng oras na bago ito umalis.Nirerespeto niya si Car