Share

Chapter 110: Ang kamukha

Huminga ng malalim si Darwin ng makauwi siya ng maaga sa kanyang bahay. Lumabas siya sa kanyang sasakyan at pumasok agad bahay niya. Sumalubong sa kanya ang paghagikgik ni Darwin. Napangiti siya.

Pakiramdam niya ay masaya na siya sa tuwing naririnig niya ang hagikgik o tawa nito. Laking pasalamat niya ng pumayag si Grasya na lumipat sa bahay niya.

"Baby Sharwin," tawag niya sa kanyang anak. Nasa crib ito habang nilalaro ni Nanay. Nagmano siya agad dito saka binuhat si Sharwin.

"Baby, anong ginawa mo? nagpasaway ka ba kay lola?" nakangiting tanong ni Darwin kay Sharwin ngunit tumawa lamang ito at pasimpleng hinampas ng mahina ang kanyang mukha.

Umakto naman na nasasaktan si Darwin kaya mas lalong humagikgik si Sharwin. Kinuha agad ng matanda ang kanyang mga gamit.

"Nay, ako na po 'yan," mahinang sabi ni Darwin. Itinaas niya si Sharwin ng may ngiti sa kanyang mga lapit. Pakiramdam niya ay nawala ang stress at pagod niya sa pag-aaral.

Hinihiling niya na sana kasama pa niya ang mommy niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status