I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 17 - Part 1 of 2]“Sino ‘yong dinalaw mo, Myks?” Kunot-noong tanong sa akin ni Athena pagkabalik ko sa kotse niya.“Hindi ko kilala.” Tugon ko habang nagsusuot ako ng seat belt.“Ha? Ang tagal-tagal mong nakatayo roon na tila ba dinadasalan mo ‘yong puntod tapos sasabihin mong hindi mo kilala.”“Na-curious lang ako kung sino siya at bakit siya dinalaw no’ng sinundan nating lalaki kanina.”“’Yong lalaking sakay no’ng BMW, sino ‘yon? Ex-boyfriend mo?”“Hindi, ah. Hindi ko rin kilala.” Pagsisinungaling ko.“’Yong totoo, Myks, naga-adik ka ba?” Seryosong tanong ni Athena habang nagmamaneho siya kaya bigla akong natawa. “Nasayang ‘yong halos isang oras nating pagsunod sa kanya tapos sasabihin mo sa aking hindi mo siya kilala.” Iiling-iling siya. “Ano bang tinitira mo, Myks at parang nilayasan ka na nang katinuan mo.”“Nakatira yata ako ng katol.” Patuloy sa pagtawang sagot ko kay Athena. Alam kong wala siya sa mood ng mga oras na
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 17 - Part 2 of 2]Ano raw? Jusko. Paborito ba nitong asawa ko ang hotdog at masyado s’yang pa-bibo?“Ano?” Halatang nagulat na reaksiyon ni papa habang tila naguguluhan itong tumingin sa akin. “Parang kelan lang ‘yong huling kita natin eh, dalaga ka pa, ngayo’y may-asawa ka na?”“Uhm... uh... s-sorry, ‘pa.” Tanging iyon na lang ‘yong naisagot ko habang halos gusto ko nang tadyakan si Samuel na nanatiling nakatayo sa aking tabi.Sa totoo lang ay hindi ko napaghandaan ang araw na iyon. Hindi ko expected na gugulatin ni Samuel nang gano’n si papa. Plano ko naman talagang sabihin kay papa ‘yong tungkol sa pagpapakasal ko, pero hindi sana sa gano’ng sitwasyon.“Buntis ka ba?”“Hindi po, papa.” Maagap kong tugon na may kasama pang iling. “Ano po kasi may kasalang bayan po kaya ayon, na-curious po kami nitong si Samuel then nakihalubilo kami kaya ayon po... nakasal po kami ng wala sa oras.”Imbento pa more ng k’wento, Myka. Asik sa
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 18]“Paano mo siya nakilala?”“Uhm... uh... sa f-facebook account mo. Nakita kong may nag-mention na isa sa mga uh---f-friends mo.” Mautal-utal na pagsisinungaling ko. Hindi siya umimik. Nanatili lamang s’yang nakatitig sa akin, blangko pa rin ang expression nang kanyang guwapong mukha. “Nagkalkal kasi ako ng mga old posts mo at doon ko nabasa ‘yong tungkol sa kanya.”Nagbuga siya ng hangin. Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.“Best friend ko siya.” Turan niya. Madarama ang pinaghalong lungkot at pait sa kanyang tinig. Pakiramdam ko tuloy ay lalo lamang akong nakadama ng kirot sa kaibuturan nang aking puso. Parang ayaw kong maniwalang ‘best friends’ lamang sila ni Rachel.“Alright.” Casual kong tugon bago ako bahagyang tumikhim. “Magsa-shower na ako, Sammy. Ang init kasi.”Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya. Mabilis na akong pumasok sa loob ng banyo at pagkasaradong-pagkasarado ko sa pintuan nito’y agad na akong
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 19 - Part 1 of 2]Hindi ako mapakali habang nasa loob kami ng hotel ni Samuel. Sa totoo lang ay tila nilisan ako ng katalinuhan ng mga sandaling iyon dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako. Natatakot. Halu-halo na ‘yong emosyong nararamdaman ko.“Love, sabay na tayong maligo.” Turan ni Samuel bago niya ako niyakap buhat sa likuran. Pasimple n’yang kinapa ‘yong butones ng pantalon kong suot at pilyong tinanggal niya ito.“Puppy...” Pagkuway natatawang saway ko nang humarap ako sa kanya bago ko mabilis na hinuli ‘yong kamay n’yang nagsisimula nang maglakbay papasok sa loob ng underwear ko. “Mauna ka na, susunod din ako agad.”“Ayaw ko.” Tila batang ungot niya. “Gusto ko’y sabay tayo.”“Sige na, puppy, please?” Malambing kong turan sa kanya bago ako tumingkayad para dampian siya ng halik sa labi. “Tatawagan ko lang si mama. Importante lang.”“Alright. Sunod ka ha.”“I will.”“Fellatio?” Pilyong tanong niy
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 19 - Part 2 of 2]Halos magtitili ako nang bigla niya akong siilin ng halik sa labi. Inipon ko ang lakas ko at pinagsasampal ko siya. Pinilit kong abutin ‘yong flower vase na nasa center table at inihataw ko ito sa ulo niya. Saglit s’yang natigilan habang tila nahihilong nasapo niya ang kanyang ulo kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makabangon mula sa sofa.Patakbo na sana ako sa maindoor, pero bigla kong naalala si mama. Hindi ko ito p’wedeng iwan dahil baka kung anong magawa rito ni Samuel, II dahil sa galit.Dali-dali akong umakyat patungo sa itaas ng kabahayan sa pagbabakasaling naroon si mama.“’Ma?” Pasigaw kong tawag habang halos magkandarapa ako sa hagdanan at bago pa man ako tuluyang makaakyat ay naabutan na ako ni Samuel, II. Hinila niya ako pababa ng hagdan kaya dire-diretso ‘yong pagkahulog ko padapa sa sahig.“Hindi mo ako matatakasan, Rachel. Akin ka lang!” Sigaw niya sa likuran ko bago niya ako pinihit patihay
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 20 - Part 1 of 2]Sa totoo lang ay gusto ko sanang sundan si Samuel. Suyuin siya at humingi nang pasensiya lalo pa’t alam ko naman talagang ako ang may mali, pero umiral pa rin ‘yong pride ko kaya hinayaan ko na lang siya. Pumasok na ako sa kuwarto ko. Tinangka kong matulog, pero ang b*wisit na antok ay ayaw akong dalawin.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pumasok ako sa kuwarto ni mama. Nagulat pa ako nang bigla itong nagsalita nang humiga ako sa tabi nito.“Si Samuel?”“Umuwi, ‘Ma.”“Bakit mo hinayaan?”“Mama, gusto n’yang umuwi. Besides, nakakapagod ding makipagtalo.”“Anak, asawa mo si Samuel kaya matuto kang magbaba ng pride. Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nagalit.” Mahinahong turan ni mama.“’Ma, ilang beses na akong nag-sorry, pero galit pa rin siya. Ano ‘yon, luluhod pa ako sa harapan niya para patawarin niya lang?” Giit ko habang nakatitig ako sa kisame.“Idinaan mo sana sa lambing, anak. Ang mga lalaki’y
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 20 - Part 2 of 2]Nagbuga ako nang hangin habang nakatitig ako sa repleksiyon ko sa salamin. Ilang araw nang masama ‘yong pakiramdam ko. May mga pagkain akong hinahanap na hindi ko naman kinakain noon at may mga umaga rin na tila ba nahihilo at nasusuka ako.Buntis na ba ako?Sa totoo lang ay kinakabahan ako at natatakot na malaman ang totoong kalagayan ko. Hindi pa ako handang maging isang ina o mas mainam na sabihing takot akong maging isang ina. Feeling ko kasi’y hindi ako magiging isang mabuting magulang, baka puro kalandian at kalokohan lamang ang matutunan nang aking magiging anak mula sa akin. Kawawa naman ‘yong bata kapag nagkagano’n.“Love, matagal ka pa ba? Mag-iisang oras ka na riyan, eh.” Narinig kong turan ni Samuel mula sa labas ng banyo.Umaga. Araw ng Sabado. Wala pa sana akong planong bumangon kasi nga masama na naman ‘yong pakiramdam ko, pero kailangan kasi may a-attend-an kaming kasal ng mga kaibigan ko. S
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 21]“Love, napaka-emotional mo ngayon.” Turan ni Samuel bago niya ako masuyong hinagkan sa ulo at niyakap. Napahikbi pa ako nang sumubsob ako sa dibdib niya. Bahagya n’yang hinagod ang likod ko bago niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ginawaran ako ng halik sa labi.“Ehem!” Si Keera.“Excuse us!” Si Aria.“Parang nandito yata kami.” Si Athena.Siyempre, biglang umeksena ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang, sila kasi talaga ‘yong totoong panira ng moment.Nagkatawanan pa tuloy kami ni Samuel nang maghiwalay ang aming mga labi bago ako nangingiting lumingon sa direksiyon kung saan nakatayo ang mga kaibigan ko na halatang mga kinikilig.“Guys, uhm... uh, si S-Samuel. Husband ko.” Hindi magkandatutong sabi ko kasi sa totoo lang ay nahihiya ako sa mga kaibigan ko. Never pa kasi nila akong nakita na nagseryoso sa isang relasyon kaya tila naiilang akong ipakilala sa kanila si Samuel, hindi lang bilang isang nobyo kundi bilan
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 25 - Part 2 (Finale)]-----“Papa!”Agad akong napadilat nang maramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng katawan ni Samuel sa damuhan. Ilang hakbang lamang ang layo niya sa akin.“Oh, my God, Samuel!” Sigaw ko habang halos pumalatak na ako sa pag-iyak. Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ako upang lapitan siya, pero hindi ko siya mahawakan dahil nanatiling nakagapos ang aking mga kamay.“Papa!” Muling sigaw ni Sebastian nang bitiwan na ito ni Hermes. Mabilis nitong nilapitan ang ama at niyakap.Humakbang palapit sa kinaroroonan namin si Hermes, halos lumuhod na ako sa harapan nito upang magmakaawa dahil akmang babarilin pang muli nito si Samuel, subalit may nauna nang nagpaputok ng baril buhat sa likuran nito.Napaigtad pa ako sa gulat nang bigla na lang humandusay sa damuhan ang katawan ni Hermes habang dumadaloy sa ulo nito ang masaganang dugo.Agad kong nilingon ang bumaril kay Hermes at namilog ang aking mga mata nang ma
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 25 - Part 1 of 2]“Fine!” Nagngangalit kong tugon nang pahidin ko ang aking mga luha bago ko ipinagtulakang palabas ng kuwarto si Sebastian.Alang-alang sa anak ko, handa kong gawin ang lahat basta sa kaligtasan nito.“Mama!” Sigaw ni Sebastian sa pagitan ng pag-iyak, halos ayaw nitong bumitiw sa pagkakahawak sa kamay ko.“Stay there, Sebi.” Naiiyak kong turan sa anak ko bago ko mabilis na isinirado ang pintuan.Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging matapang.Ngingisi-ngisi si Hermes nang muli akong pumihit paharap sa kanya.“Kapag susuwertehin ka nga naman.” Turan niya habang dahan-dahan s’yang humahakbang palapit sa akin. “Hindi ko inaasahang matitikman ko pala ang asawa ni Police Inspector Adams. Mabuti na lamang at naisipan kong traydorin si Sam.”“G*go ka talaga, ano?” Galit kong turan sa kanya.“Mas g*go ang asawa mo. Hindi mo ba alam na muntik na niya akong mapatay noon? Mabuti na lamang at binaril siya
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 24 - Part 2 of 2]“Kumusta si Linlin, ‘Ma?” Tanong ko kay mama habang kausap ko ito sa phone. Pasado alas-kuwatro ng hapon. Lulan ako ng taxi pauwi dahil tinawagan ako ni mama at sinabing hindi raw tumitigil sa pag-iyak ang anak kong bunso. “Umiiyak pa rin po ba?”“Medyo okay na siya, anak. Ito at nakatulog na.”“Mabuti naman kung gano’n, ‘Ma. Mag-iingat kayo riyan, mama. Ikaw na muna ang bahala kay Linlin. May aasikasuhin lang ako.”“Akala ko ba’y pauwi ka na? Saan ka pupunta, Kandice?” Mababakas ang labis na pag-aalala sa tinig ni mama.Tanda ko pa kung saan ang bahay ni Samuel II at buo na ang desisyon kong magtungo roon para magbakasakali na baka nando’n si Sebastian. Hindi talaga ako mapapanatag kung hindi ko malalaman ang kalagayan ng anak ko.“May uhm... kakausapin lang ako, ‘Ma.” Pagkuwa’y tugon ko dahil tiyak na tu-tutol ito sa plano ko kapag nalaman nito.“Kandice, anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam k
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 24 - Part 1 of 2]“M-Mauna na kami.” Natatarantang paalam ko kay Samuel II bago ko mabilis na hinila si Sebastian palayo rito.Lulan na kaming mag-ina ng taxi pauwi, subalit ang bilis-bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot, hindi ko alam kung dahil ba sa muntik nang masagasaan si Sebastian o dahil sa muling pagtatagpo ng landas namin ni Samuel II.“Mama?” Turan ni Sebastian nang mag-angat siya ng ulo mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko. Maang kong sinalubong ang inosente n’yang mga mata. “Natatakot ka po ba?”“H-Hindi, anak.” Pagkuwa’y nakangiti kong tugon. “Bakit mo naman naisip na natatakot si mama?”“Kasi po ang bilis po ng heartbeat mo. Ganyan din po ako kapag natatakot.” Halos mabulol niya pang tugon.“Ikaw kasi eh, tinakot mo si mama no’ng bigla kang tumawid.” Pagkuwa’y nakangiti pa ring turan ko bago ko pinisil ang matangos n’yang ilong. “Huwag mo nang gagawin ulit ‘yon ha.”“Sorry po, mama
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 23]Nagdilat ako nang aking paningin. Nakahiga ako sa hospital bed at nakaupo sa isang silya sa tabi ko si Samuel habang nakapikit ang mga mata nito. Tila ba isa itong guwardiya kaya parang gusto kong matawa.“Sammy...” Mahinang tawag ko sa kanya bago ko siya tinapik sa braso.“Oh, God!” Bulalas niya at halatang nagulat pa siya. “Thanks, God at nagising ka na, love. May masakit ba sa’yo? Ayos ka lang ba?”“Wala namang masakit sa akin.” Tugon ko. “Teka lang, si baby, kumusta?”“Okay naman ang baby natin, love. Malakas daw ang kapit niya sabi ng duktor. Na-stress ka lang daw siguro kaya dinugo ka.”“Oo, in-stress ako ng tatay niya.” Natatawang biro ko na ikinatawa rin niya.“Sorry, love ha, hindi ko alam na buntis ka pala. Bakit hindi mo kasi sinabi sa akin agad?” Tila nagtatampong turan niya.“Kasi nga gusto kitang i-surprise.” Pagkuwa’y turan ko.“I-surprise raw. Ang sabihin mo, itinatago mo talaga kasi galit ka sa akin.”“H
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 22 - Part 2 of 2]Pilit kong iniwasan si Samuel. Hindi ako umuwi sa bahay. Mabuti na lamang at pinag-stay ako ni Athena sa sarili nitong bahay. Lahat ng tawag at text messages ni Samuel ay binalewala ko.Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba kaming dalawa ng tadhana kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo ay bakit kailangang si Mrs. Rodriguez pa ang kanyang maging ina.Aware akong may mga anak si Mrs. Rodriguez sa una nitong naging karelasyon, minsan kasing nabanggit sa akin ni papa ang tungkol do’n, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na sina Samuel at Samuel, II pala ang mga iyon.Araw nang Linggo. May usapan kaming magkikita ni mama kasi dadalawin namin ang puntod ni papa. Speaking of my father, hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong masilayan man lang ang bangkay nito, ultimo nga libing nito’y hindi rin ako nakapunta dahil pinagbawalan pa rin ako ng pamilya Rodriguez.“Kandice?” Narinig kong tawag sa akin ni mama haba
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 22 - Part 1 of 2]Dali-dali akong nagtungo sa hospital kung saan naroroon si papa. Ayon kay Ninong Roger, inatake raw si papa at pagdating daw nito sa pagamutan ay agad din itong binawian ng buhay.“Nasa morgue na ang papa mo, hija.” Malungkot na turan sa akin ni ninong Roger nang lumapit ako rito para magbigay galang.“Pupunta po ako ro’n.” Akmang tatalikuran ko na ito nang muli itong nagsalita.“Mas mainam siguro kung huwag na lang, hija. Nandiyan ang asawa at mga anak niya. Baka magkagulo pa.”“Wala akong pakialam, ninong kahit awayin pa nila ako at saktan. Ang importante ay ang makita ko si papa.” Turan ko sa pagitan ng pag-iyak bago ko tuluyang tinalikuran si Ninong Roger.Humugot pa ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako humakbang patungo sa pintuan ng morgue. Tama nga si ninong Roger, kumpleto nga ang pamilya ni papa. Nakatayo sila sa tapat ng pintuan habang nagu-usap-usap.“Ang kapal talaga ng mukha mo ano?
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 21]“Love, napaka-emotional mo ngayon.” Turan ni Samuel bago niya ako masuyong hinagkan sa ulo at niyakap. Napahikbi pa ako nang sumubsob ako sa dibdib niya. Bahagya n’yang hinagod ang likod ko bago niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ginawaran ako ng halik sa labi.“Ehem!” Si Keera.“Excuse us!” Si Aria.“Parang nandito yata kami.” Si Athena.Siyempre, biglang umeksena ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang, sila kasi talaga ‘yong totoong panira ng moment.Nagkatawanan pa tuloy kami ni Samuel nang maghiwalay ang aming mga labi bago ako nangingiting lumingon sa direksiyon kung saan nakatayo ang mga kaibigan ko na halatang mga kinikilig.“Guys, uhm... uh, si S-Samuel. Husband ko.” Hindi magkandatutong sabi ko kasi sa totoo lang ay nahihiya ako sa mga kaibigan ko. Never pa kasi nila akong nakita na nagseryoso sa isang relasyon kaya tila naiilang akong ipakilala sa kanila si Samuel, hindi lang bilang isang nobyo kundi bilan
I'M IN LOVE WITH A PRIEST[General Fiction/Romance][CHAPTER 20 - Part 2 of 2]Nagbuga ako nang hangin habang nakatitig ako sa repleksiyon ko sa salamin. Ilang araw nang masama ‘yong pakiramdam ko. May mga pagkain akong hinahanap na hindi ko naman kinakain noon at may mga umaga rin na tila ba nahihilo at nasusuka ako.Buntis na ba ako?Sa totoo lang ay kinakabahan ako at natatakot na malaman ang totoong kalagayan ko. Hindi pa ako handang maging isang ina o mas mainam na sabihing takot akong maging isang ina. Feeling ko kasi’y hindi ako magiging isang mabuting magulang, baka puro kalandian at kalokohan lamang ang matutunan nang aking magiging anak mula sa akin. Kawawa naman ‘yong bata kapag nagkagano’n.“Love, matagal ka pa ba? Mag-iisang oras ka na riyan, eh.” Narinig kong turan ni Samuel mula sa labas ng banyo.Umaga. Araw ng Sabado. Wala pa sana akong planong bumangon kasi nga masama na naman ‘yong pakiramdam ko, pero kailangan kasi may a-attend-an kaming kasal ng mga kaibigan ko. S