Who's gonna tell Rainah the truth?
“Hello Miss. I am Regar Bae, the assistant of Mr. Lucio Floreza—third born of Leo Floreza II. I am here to see Mr. Zhang Chen. Is he here?”“Ahm.. Pwede ko po bang malaman kung anong sadya niyo kay Mr. President, sir?”“My boss wanted to meet him for a business matter.”“Wait a minute sir. Tatawagan ko lang po ang manager.” Sabi ng babae sa front desk.Tumango naman si Regar at naghintay muna siya ng ilang sandali.Maya-maya pa ay nakita na niya ang manager na palapit sa kaniya.“Hello Mr. Bae, I heard na hinahanap niyo raw po si Mr. President.”“Yes. Pwede ba kaming makasingit sa schedule niya?”“Pasensya na po sir. Wala po kasi si Mr. President ngayon. Nasa ibang bansa pa po siya, baka dalawang linggo pa siya magtatagal doon.”Bumagsak ang balikat ni Regar. Alam niyang atat na si Lucio na makilala ang may-ari ng ARD dahil gusto niyang magsara na ang resto ni Bernardo Maquiling bago pa makauwi si Beth.“Please, kung makuwi siya, call me.”“Okay po sir.” Sabi ng manager at tinanggap an
Matagal nang nagpipigil ng galit si Lucio. Ngayon lang siya sumabog dahil wala ang pampakalma niya at naroon sa Dubai.Napailing na lang siya habang palapit siya ng swing kung saan niya nakita noon si Beth na umiyak matapos sampalin ni Bernardo.Ngayon lang niya natanto na siya’y dependent sa kaniyang asawa.Naupo siya sa swing at dahan-dahang idinuyan ang sarili. “This is bad. My emotion depends on you, wife. Without you here by my side, the people who hurt you will surely meet their end.” Mahinang bulalas niya sa sarili.Napatingala siya at kita niya kung paano nangitim ang kalangitan, nagbabadyang umulan.Hindi siya umalis, ni hindi siya kinabahan na baka ay mabasa siya mamaya. Nanatili lang siyang nakaupo doon sa swing at maya-maya lang, tumunog ang cellphone niya at nakita niya si Beth na tumatawag.Lucio smiled bago niya yun sagutin. Yung galit niya, nalusaw bigla. The power the Beth holds is top notch.How can she calm me this instant? Lucio is wondering.“Hello hubby?” puno ng
Matatalim ang tingin na ipinukol ni Roviech kay Lucio pero si Lucio ay walang pakialam at tila hindi man lang apektado.Bago magsimula ang dinner, dumating si Rainah at Loreen.“I’m sorry, natagalan kami.” Nakangiting sabi ni Loreen.“Maupo na kayo.” Sr. FlorezaHindi tinapunan ni Lucio ng kahit isang sulyap si Rainah. Kahit na alam niyang umupo ito sa tabi niya.“Nakakamiss naman ang ganto. Tanda ko, noon, hindi rin kayo mapaghiwalay dalawa e.” Panunukso ni Loreen kay Rainah at Lucio.“N-Nakakahiya Loreen,” sabi ni Rainah nang nakangiti sabay sulyap kay Lucio na wala man lang reaction.“Bakit ka naman mahihiya e totoo naman na close kayo ni Lucio noon. Hindi ba Lucio?”“Dad, can I go home after this?” hindi sinagot ni Lucio si Loreen, instead, dad nila ang hinarap niya.Gusto niyang barahin si Loreen, but out of respect to his dad, pinigilan niya ang sarili niya.Pinandilatan naman ng mata ni Sr. Floreza si Loreen kaya tumahimik ito at para namang napahiya si Rainah.“Stay for a littl
“How’s Lucy?” tanong ni Sr. Floreza, nasa veranda silang dalawa ni Lucio ngayon, umiinom ng alak.“Mama is in Korea now.”“Nakilala na ba niya si Beth?”“Yes.”“How is it?”Natigilan si Lucio at agad napabaling sa dad niya. Pinagsingkitan niya ito ng mata. “Are you expecting me to say na hindi sila okay ni mama?”Natawa si Sr. Floreza. “I was just asking. Minsan talaga, lumabas ang ugali ni Lucy sayo.”“Thanks. I take that as a compliment.” Lucio said and shrugged his shoulder off.Sr. Floreza smirked. “I said that as an insult. Your mother is like a dragon.”“And that dragon is my mama and she loves my wife.”May ngiti sa labi ni Sr. Floreza na hindi napansin ni Lucio. Napatingin na rin ito sa labas.“Hays. It’s been a long time mula nang magbakasyon kami ng mama mo.”Hindi nagsalita si Lucio. He hated his siblings but not his dad. For Lucio, hindi perpektong ama si Sr. Floreza, pero hindi ito masamang ama sa kaniya.At alam niya anong nangyari sa mga magulang niya, why his mom ended
PAGOD NA PAGOD ang katawan ni Beth matapos ang meeting niya together with her boss—Aidan, and other supervisors and manager dito sa Dubai.Ang nasa isipan niya ngayon ay magpahinga. Papunta na siya sa suite niya nang may makasalubong siyang isang lalaki na kung makatingin sa kaniya ay para bang hinuhubaran na siya.“Excuse me, miss.”Sa takot ni Beth, hindi siya tumigil sa paglalakad bagkus ay mas binilisan pa niya dahil ayaw niyang may mangyaring masama sa kaniya, pero bago pa siya makalapit ng elevator, agad na siyang hinawakan ng lalaki.“Miss wait!”“DON’T TOUCH ME!” Malakas na sabi niya kaya ang ibang mga tao ay napapatingin sa gawi nila.“Miss, I-I’m sorry… I’m…asking d-directions.”Biglang kumalma si Beth, at yung lalaki naman ay tumingin sa dibdib niya at agad sa mukha para hindi mapansin ni Beth ang malaswa niyang intention.Lumapit ang lalaki sa kaniya, taking advantage sa pagkalma ni Beth.The pervert guy wanted to touch her skin pero bago pa niya mahawakan si Beth, someone
“So you’re married?” pang-iintriga ni Ten kay Beth habang kumakain sila. It’s been 10 minutes nang maupo sila sa table, pero walang salita na lumalabas sa labi ni Beth. Na para bang hindi siya interesado na kausapin si Ten.Kaya si Ten na ang nag-open up ng topic.“Oo. Married.” Sabi ni Beth at tinaas ang kaniyang daliri kung saan naroon ang kaniyang wedding ring.Kumibot ang labi ni Ten paitaas. Maliban sa singsing, nakita rin niya ang bracelet na napanalunan ni Lucio sa isang auction.“Your bracelet… it’s beautiful. Mahal ba yan?”“Sabi ng asawa ko hindi daw, pero for me, mahal na ito. 15k rin ito e.”‘150M bili niya yan, pero 15k lang ang sinabi niya kay Beth? That prick!’ tumikhim si Ten. “That bracelet, I think it costs more than a 100 million.”Nanlaki ang mata ni Beth. Parang lumabas ang mata niya sa lagayan sa sobrang gulat. Agad niya tuloy naitago ang kamay niya sa ilalim ng mesa.Natawa si Ten. “Hindi ko naman yan hahablutin sayo mamaya.”Namula si Beth at parang nahiya. “W-
Matapos maligo ni Beth, nagpahinga muna siya ng ilang oras. Nang magising siya, kumakalam na ang tiyan niya kaya tumayo siya at kumain sa hinanda ni yaya sa kaniya.Kinuha niya ang phone niya at nakipag facetime kay Lucio sa I G.Ilang ring pa lang, sinagot na ni Lucio ang tawag.Nakita ni Beth na nasa kwarto ang asawa niya, nakasuot ng puting roba at basa ang buhok.“Kakagising mo lang?” mahinahong tanong ni Lucio.“Oo. Saka nagutom ako kaya heto, kumain muna ako.”Ngumuso si Lucio. “You’re lying.”“Hindi ah. Bakit naman ako magsisinungaling sayo?”Pinagsingkitan siya ni Lucio ng mata. “Kung ganoon, bakit ang ganda mo? Para kang kagagaling lang sa facial.”Agad na namula si Beth at agad niyang tinumba ang cellphone niya para hindi makita ni Lucio ang reaction niya.Si Lucio naman ay nagpipigil ng ngiti. He loves this. Kung sana ay ganito na lang sila lagi ng asawa niya, talagang matagal siyang mamamatay dahil araw-araw siyang masaya.“Lucio, stop teasing me…” sabi ni Beth matapos niya
Habang hinihintay ni Lucio makabalik si Beth sa paglagay ng kinainan sa sink, bigla niyang naalala ang sinabi ni Nice sa kaniya. That Beth only sees him as a father.Kung hindi pinaandar ni Regar ang sasakyan, baka nga ay may nagawa siyang hindi maganda kay Nice.Nagpakalumbaba siya sa mesa at naabutan siya ni Beth ng ganoon.“Hubby, what’s wrong?” tanong ni Beth nang may pagtataka.Patuloy bumabagabag iyon sa isipan ni Lucio. Alam niyang malaki ang agwat ng edad nila ni Beth, pero hindi niya yata kakayanin oras malaman niya na kaya lang siya gusto ng asawa niya dahil nakikita siya nito bilang ama.It’s gross and painful.‘Why do you like me, wife?’ gusto niya iyong itanong, pero natatakot siyang sabihin ni Beth ang mga quality na nakikita nito sa isang ama.“Your stepsister and I met somewhere. She told me that the reason you stay with me ay dahil nakikita mo lang sa akin ang hinahanap mo sa isang ama.” Sumbong niya. He even pouted his lips.“What?” kumunot ang noo ni Beth at kita ang
Kinakabahan na si Beth. Off ang phone niya kaya hindi niya natext si Lucio.Tapos alas nueve na ng gabi. Kaya kabado na talaga siya. Si Ten ang nagmamaneho ng sasakyan. Kanina pa sila walang imik sa isa't-isa hanggang si Ten na ang nangahas na kausapin siya."How's your dinner with your dad?" tanong niya pagka't nasa labas lang siya ng resto, nagbabantay. Tumikhim si Beth bago sumagot. "Good.""Nag-enjoy ka ba?""Yeah.""Mabuti naman."Hindi na sumagot si Beth kaya si Ten ay tinignan siya sa pamamagitan ng salamin.Pagkadating niya sa bahay ni Lucio, lumabas si Beth agad at nagmamadaling pumasok. Walang goodbye, walang thank you.Ten watched her going in at nang mawala na si Beth sa paningin niya, bumalik na siya sa bahay ni Manzo na naghihintay sa kaniya makabalik."Ten, how is she?""Ligtas ko po siyang naihatid, dad.""Mabuti naman kung ganoon. Come, may iuutos ako sa'yo."Hindi kumilos si Ten, nakatingin lang siya kay Manzo kaya nilingon siya nito."What?""You're doing it again
Umagang umaga pa lang, nauna nang magising si Beth.Tulog pa si Lucio sa tabi niya. Kinumutan niya ito at siya naman ay agad na naligo saka bumaba.“Good morning ma’am Beth,” bati sa kaniya ng katulong.“Hello po ate. Pwede po ako pahanda ng tea na dala ko no’ng nakaraan?”“Sure po ma’am. Sige po…”Ngumiti si Beth at nagtuloy sa paglabas ng bahay. Hindi pa masiyadong sumisikat ang araw.She’s smiling from ear to ear while looking at the view. Wala ng gaganda sa umaga niya.“WIFEEEE!” Napatalon siya sa gulat nang marinig ang boses ni Lucio.“Nasa labas ako!” Sigaw niya at nagtataka.“WHERE IS MY WIFE?”“Nasa labas po si ma’am Beth sir.”Rinig niyang mga boses sa loob.Nang makita niya si Lucio, agad nalukot ang mukha niya.“Bakit ka bumaba nang nakaboxer?”Tumingin siya sa likuran at kita niyang namumula ang pisngi ng mga dalagang katulong.Sinimangutan niya si Lucio.Nakagat naman ni Lucio ang labi niya. ‘Fvck!’ He said at malalaki ang hakbang na nilapitan niya si Beth at niyakap.Nap
“D-Dad!” Sigaw niya, ang lakas pa ng tibok ng puso niya.Natakot siya at kinabahan. Gusto niyang tumakbo palayo kay Bernardo.“DAAAAD!” Pagtawag niya kay Manzo at pinipilit na bawiin ang kamay niya kay Bernardo.“Beth!”“LET ME GO!” “Ms. Beth, relax…”Doon siya natigilan at napatingin ng mabuti sa nasa harapan niya.Nanlaki ang mata niya nang maklaro na hindi si Bernardo ang nasa harapan niya kun’di si Leo Floreza pala.At sa gilid ng senior ay naroon ang assistant nito na siyang tumawag sa kaniya ng Ms. Beth.“D-Dad,” nautal na sabi niya…“What happened to you?” kunot noong tanong ni Sr. Floreza.“I-I’m sorry dad.. I mistook you to someone else.” Aniya dahil akala niya talaga e si Bernardo ang nasa harapan niya kanina.Dumating si Manzo. He coldly glared at Leo dahilan para mabitawan nito si Beth.“What did you do to my daughter, Floreza?”Agad humarap si Beth sa daddy niya. “Dad, wala… Inakala ko si da- I mean si Bernardo ang nasa harapan ko kanina. I’m sorry…” Aniya dahil baka mag
Matapos nilang kumain, naunang tumayo si Manzo.“May ipapakita si daddy sayo, can you give me a moment, sweetheart?”Tumingin si Beth kay Lucio, and when Lucio nodded, bilang sagot na ayos lang sumama siya sa dad niya, humawak si Beth sa kamay ng dad niya.Nagtungo sila sa isang kwarto na alam ni Manzo e matutuwa si Beth.Samantala, napatingin si Lucio kay Ten na siyang naiwan sa dining table.“I want to make things clear to you. Hinding hindi ako papayag na dumikit ka sa asawa ko kahit butler ka pa ng ama ng asawa ko..”Ten chuckled. “You broke my bones dahil lang sa maling akala.”“Do you think matutuwa ako matapos kong makita na hawak mo ang larawan ng asawa ko?”“Natural meron ako no’n dahil pinapasundan siya ng ama niya.” Pagsisinungaling ni Ten.Sinamaan pa rin siya ni Lucio ng tingin. Kahit anong gawin ni Ten, kumukulo talaga ang dugo niya.“You know what, bahala ka kung ayaw mong maniwala.” Sabi nito at umalis.Samantala, ang kwarto na pinasukan ni Manzo at Beth e ang kwarto k
“I love you so much..” Pag-uulit ni Lucio doon.Ngayon lang nila nasabi na mahal nila ang isa’t-isa. Ganoon pa man, ayos lang kasi ramdam nila at pinapakita nila sa kanilang mga kilos ang nararamdaman nila.Tumingala si Beth at tumingkayad para maidampi niya ang labi niya sa labi ni Lucio.Ngumiti siya at lumingon sa dad niya na nakangiti sa kaniya.Kinuha niya ang kamay ni Lucio at hinila iyon palapit kay Manzo.Parang idinuduyan ang puso niya at proud na proud siyang iharap ang lalaking napili niya makasama buong buhay sa taong tinatawag niyang daddy.“Dad, I know you’ve met him. Pero gusto ko po personal na sabihin sa inyo that this is Lucio Floreza, my husband.”Never in her life na may inangkin siyang tao. Kahit noon kay Joliever, hindi siya kailanman nang-angkin dito.But right now, she feels different. Gusto niyang angkinin si Lucio. Gusto niyang siya lang ang asawa nito at wala ng iba. Iba ang tuwa na nararamdaman niya ng sabihin niya ang salitang ‘MY HUSBAND’.Sobra siyang pro
Puno ng hagolhol ang buong bahay. Ang luha na nagpapabatid sa kanilang lahat na pati kaluluwa ni Beth at Manzo ay umiiyak.Sobrang higpit ng pagayakap ni Manzo sa kaniyang anak.He waited for this moment.At sa bawat taghoy niya, nagpapabatid na sobra sobra ang kasiyahan na natatamasa niya.“I’m sorry… I’m sorry hindi ka nakuha agad ni daddy… I’m sorry my baby, hindi alam ni daddy.”Mas lalong bumaon ang mukha ni Beth sa dibdib ng dad niya.Matagal niya itong hiniling na marinig mula sa isang ama. Matagal niyang pinangarap ito.“D-Daaaad…”Halos manginig ang labi niya nang banggitin niya ulit ang salitang daddy.Nang hawakan ni Manzo ang dalawang pisngi niya, ngumiti siya dito.Halos umabot sa kaniyang mata.“Kamukhang kamukha mo ang mama mo…”Nakagat ni Beth ang labi niya…“And I’m sorry that it took me so long para makita ka.”“Ikaw po ba ang totoong daddy ko? Hindi po ba ito panaginip lang?” natatakot na tanong niya.Tumango si Manzo, umiiyak.“I am your father. Your real dad at wal
“Tabi nga!” Sabi ni Nice at binangga pa niya ang balikat ni Bernardo.Nanlaki ang mata ni Bernardo. No’ng una, napapalagpas pa niya na natataasan siya nito ng boses pero ngayon, sobrang pambabastos ang natanggap niya kay Nice.“WALANGHIYA KA!” Hinablot niya braso ni Nice at sinampal.“BERNARDO!” Sigaw ni Merna at dinaluhan ang anak.“Wala kang utang na loob ah!”“Bernardo, hindi… Hindi sinasadya ni Nice ito. Patawad! Patawad!”“Pagsabihan mo yang anak mo Merna. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila niya ngayon.”Umiyak si Nice at yumakap sa mama niya. Ngayon lang siya napagbuhatan ng kamay ng ama niya.Umalis si Bernardo para makahinga. Hindi na niya maintindihan ang sarili niya, ilang araw na.Kung saan wala na si Beth sa bahay niya, saka pa niya ito naalala. Kanina, hindi niya sinasadya na banggitin ito sa harapan ni Nice.Dapat matuwa na siya kasi wala na yung bunga ng pagtataksil ng asawa niya sa kaniya niya pero heto at pakiramdam niya may kulang sa bahay niya, may kulang sa buh
No’ng may nangyari kay Joliever at Leah, agad na umalis si Leah ng hotel kung saan sila nagsiping dalawa.Kapwa sila lasing ni Joliever, ni hindi niya alam ano ng mga pinaggagagawa niya.No’ng magising siya, agad siyang umalis na hindi man lang tinignan kung sino yung lalaki sa kama na katabi niya natulog. Clearly, that was a one night stand.Kilala niya si Joliever dahil isa itong Floreza. At nakikita rin niya ito minsan sa labas ng trabaho niya dahil nobyo ito ng ma’am Beth niya.Habang kapwa nila pinagsaluhan ang init ng gabing iyon, wala sa sarili si Leah at nagpadala lang sa sarap na tinatamasa nila. Wala sa isipan niya na si Joliever e may nobya.Noong magising siya, umalis siya kaagad. Nakalimutan rin niya ang ibang detalye no’ng gabing yun. Basta ang alam lang niya, she had sex with someone she met in the bar.Hanggang sa nagkaroon ng issue si Beth, nahulihan itong may kasama sa isang hotel room at yun ang husband niya ngayon na si Lucio Floreza.Nang magsimula ng maging malapi
Messy bun, loose shirt, and days of sleepless night. Napilitan si Loreen na lumabas ng kwarto niya para puntahan si Nice.Naabutan niya ito sa isang bar na nag-iinom at nagsasayaw.Kumuyom ang kamao niya. She was being notified kung ilang panggagasta ang ginawa ni Nice sa loob ng isang araw.Pumasok siya na galit na galit.Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palabas.“Mag-usap tayo!”“LOREEN! ANO BA?!”Hinarap niya si Nice. “Nice, bumili ka na naman ng panibagong sasakyan.”“Kasalanan ni Beth. Sinira niya ang sasakyan ko kaya wala akong choice kun’di bumili ng bago.”“Alam mo ba kung ilang pera na ang nagastos mo? Magdahan-dahan ka naman at baka mapansin ni dad, malalagot ako.”Nainis si Nice. Hindi niya gusto itong pinapangaralan siya.“Pwede ba? Huwag mo ‘kong pagsabihan. Baka nakakalimutan mo Loreen na hawak ko ang buhay mo. Oras kumanta ako sa ginawa mo kay Rainah, patay ka.”Halos manginig si Loreen sa galit kay Nice. Palagi na lang siya nitong tinatakot and she cannot even do