Para paraan ka lang tandang hukluban e. Hahaha
Pumasok si Beth ng trabaho na may ngiti sa labi niya.Sobra siyang masaya na naging maayos na ang lahat sa pagitan nila ng mother-in-law niya.Sasakay na sana siya ng elevator nang makita niya si Aidan na papalapit sa gawi niya.“Beth, pwede ba tayong mag-usap?"“Sige po sir at good morning po.” /Ano kayang pag-uusapan namin?Magkasamang sumakay ng elevator si Beth at Aidan.“Kamusta na pala kayo ni Lucio?” tanong ni Aidan sa kaniya ng nasa loob na sila ng elevator.“Ayos naman po sir.”“Nagkita na kayo ni tita Lucy?”“Opo.”“Is she good to you?”“Yes po.”Ngumiti si Aidan. “Strikta yang si tita pero napaka-solid niyan.”Ngumiti naman si Beth dahil doon. Mukhang hindi nga siya nagkamali na strikta ang mama ni Lucio pero napatunayan naman niya na mabait ito.Nang bumukas ang elevator, yung ibang mga empleyadao na nakakita na magkasama sila e napatitig sa kanila.Alam na ni Beth na iba na naman ang tumatakbo sa isipan ng mga yun.Pero hindi na niya yun pag-aaksayahan ng oras pa kasi alam
“Ano na naman ba ito Joliever? Hindi ka pa ba tapos sa kapraningan mo? At ngayon, sisiraan mo na ang asawa ko sa akin?”Nanlumo ang mukha ni Joliever.“Beth, I’m really sorry. Please believe me. Hindi mo siya dapat pagkatiwalaan. Huwag kang maniwala na una niyong pagkiki-"Dumating si Regar na seryoso ang mukha.“Ginugulo niyo na naman po na ang auntie niyo sir? Tatawagan ko na ba si sir Lucio?”Napamura si Joliever. Tumingin siya ulit kay Beth, his eyes were pleading. Pero alam niyang hindi na maniniwala pa si Beth sa mga sasabihin niya.Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya.Gusto niyang malaman ni Beth na nakakatakot si Lucio. Na matagal na siya nitong minamanmanan at naghihintay lang ng pagkakataon na umeksena.Gusto niyang awayin ni Beth si Lucio. Gusto niyang maghiwalay ang dalawa at maging okay sila ni Beth.Pero alam niyang hindi na makikinig si Beth sa kaniya, kaya wala na siyang choice kun’di umalis.“Salamat Regar,” sabi ni Beth nang umalis si Joliever sa harapan niya
Hindi makalunok si Regar ng pagkain. Iniisip niya sa bawat subo niya ng kanin kung gaano kalalim ang hukay na mag-aabang sa kaniya sa bahay mamaya.Palipat-lipat naman ang tingin ni Beth kay Regar at Lucio. Pansin niya kasi na hindi nag-uusap ang dalawa.“Regar, kain ka pa.” Sabi ni Beth nang nakangiti.She’s very grateful that Regar always save her kapag nasa tabi tabi si Joliever.Kaya kahit man lang sa paglibre e makabawi siya.Kaya yung karne niya ay binigay niya kay Regar.Pero nagtataka siya bakit mas lalong namutla si Regar sa bawat karne na binibigay niya.“S-S-Salamat m-ma’am B-Beth.” At nautal pa ito.Tumikhim si Lucio at dali-daling nilagay sa bibig niya ang lahat ng karne na nasa bowl niya.Nang mapatingin si Beth sa kaniya, nakita nitong punong-puno ang bibig niya.“Gusto mo ba ang pagkain?”Tumango si Lucio kahit na nahihirapan na siyang nguyain ang lahat ng karne na nasa bibig niya.“Wait, kukuha pa ako isang serve para sayo.” Sabi ni Beth nang nakangiti.Tumayo si Beth
Nagising si Beth na nasa tabi niya si Lucio at natutulog pa.Agad siyang napabangon at napatingin sa labas ng bintana. Nakita niyang maaga na.‘Shux! Nakatulog ako!’ Aniya sa sarili niya. Kagabi, hinintay niyang makalabas si Lucio sa banyo para ibigay ang regalo niya pero hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa paghihintay.‘Hindi bale. Mamaya ko na lang yun ibibigay.’Agad siyang bumangon para makapagluto siya ng breakfast nila.Pagkalipas ng isang oras, si Lucio ang sunod na nagising at wala na si Beth sa tabi niya.Masama pa rin ang loob niya. Iniisip niya bakit wala siyang regalo at si Regar lang ang meron kaya heto, para siyang bata na nagtatampo.“Hubby,” napatingin siya sa pinto. Nakita niya doon si Beth.“Kain na…”Kahit masama ang loob niya, tumayo pa rin siya.Lumapit si Beth sa kaniya at kusang humaIik sa pisngi niya.“Good morning,” sabi nito.“Good morning…”Sabay silang lumabas ng kwarto.“Ah, bakit pala may hukay sa tapat ng bahay natin?”Natigilan si Lucio at ag
Pinuntahan na ni Regar si Beth sa sasakyan dahil ihahatid pa niya ito sa trabaho.“Anong ginagawa ng asawa ko sa loob, Regar?”“Masayang masaya po siya ma’am sa regalo niyo.”Ngumiti si Beth. Nagpapasalamat siya na napasaya niya doon si Lucio.“Salamat pala Regar at pasensya na rin sa ginawa niya.”Nanlaki ang mata ni Regar. “Alam niyo po ma’am?”“Oo… nakita ni manang kagabi na si Lucio ang naghukay no’n. Tapos nakita ka rin niyang nakahiga sa lupa at walang malay.”“Ay.. Huwag niyo na lang po intindihin si sir. Nagsiselos lang yun at nagtatampo dahil akala niya ay akin po yung regalo.” Sabi niya sabay bukas kay Beth ng pinto ng sasakyan.Nang nakapasok, dali-dali siyang pumunta ng driver’s seat at pinaandar na ang sasakyan paalis.“Pero nagtataka ako bakit nalaman niya kung nasaan tayo kagabi. Sinabi mo bang pumunta tayo ng resto?”Sumulyap muna si Regar kay Beth mula sa salamin bago sumagot. “Hindi po ma’am. Nakita ata ni sir yung pinost mo sa I G na picture natin. Iyon ang naging ug
Nang tumuntong ang oras ng dismissal, nagmamadali na si Beth na iligpit ang mga gamit niya.“Ma’am Beth, may lakad ka?” tanong ni Leah kasi nakita niya na nagmamadali ito.“Wala naman Leah. Pero yung mga kaibigan kasi ng asawa ko ay sa bahay magdi-dinner kaya kailangan ko ng umuwi agad. Ako kasi ang magluluto. Ahm.. Sige, mauna na ako.”Napasunod nalang ng tingin si Leah sa kaniya.“Leah, bakit ka nakikipagkaibigan sa kaniya? Enabler ka ba at okay lang sayo makipagkaibigan sa taong cheater?” sabi no’ng isang employee sa finance dept. na lumapit pa talaga kay Leah.“Oo nga Leah. Tapos ang narinig ko ay isasama raw siya ni sir Aidan sa Dubai. Grabe, ang unfair. Kaya siguro niya inakit ang husband niya ngayon kasi alam niyang kaibigan yun ni sir Aidan ng sa ganoon ay madali siyang makaakyat sa itaas.”Sinamaan ni Leah ng tingin ang dalawang empleyado. “Itikom niyo ang bibig niyo kung ayaw niyong pasukan ko yan ng granada.”Agad na tumakbo ang dalawa palayo sa kaniya, takot na takot sa ban
Nagbabasa lang si Beth ng libro sa kwarto nila mag-asawa at hindi na muna bumaba dahil alam niyang nag-uusap pa si Lucio at mga kaibigan nito.Tatlong oras na siguro ang lumipas nang dumating sina Fero at maya-maya lang, kinatok na siya ng katulong.“Ma’am Beth, paalis na po ang mga bisita ni sir.”Agad niyang nilagay ang libro sa table at nagmamadaling lumabas.“Nasa sala po sila ma’am, hinihintay kayo.”“Sige po. Salamat sa pag-inform.”Bumaba na si Beth at pumunta kina Lucio.Nakangiti sa kaniya sina Aris nang makita siya.“Aalis na kayo?” aniya habang palapit kay Lucio.“Oo. Tapos na kami sa meeting namin.” ArisSi Lucio naman ay agad siyang inakbayan.“Salamat sa pagkain. Nabusog kaming lahat.” Casper said.Kakaiba pa rin ang pagtingin niya kay Beth lalo’t may kilala siyang tao na konektado rin kay Lucio na kamukha ni Beth.“Kung bibisita kayo ulit dito sa bahay, magluluto ulit ako para sa inyo.”“Don’t bother/ TALAGA?”Napatingin sina Fero kay Lucio dahil sa sinabi nito.“Anong d
Matapos nilang kumain, si Lucio na ang nagpresinta na maghugas ng pinggan.Nasa likuran si Beth, nakaupo at nag-iisip ng tamang salita para sabihin kay Lucio ang pakay niya. Magpapaalam siya ngayon tungkol sa pagsama niya sa Dubai.At kinakabahan na rin siya lalo’t hindi niya alam kung papayagan ba siya nito.‘Good mood naman siya e. Sana payagan.’ Sabi niya sa sarili niya, pampalakas loob.“Ahm, hubby… ano… magpapaalam sana ako. M-May offer kasi sa akin si sir Aidan sa akin na opportunity...”Naging seryoso naman ang mukha ni Lucio. “What is it?”“Ano… isa ako sa isasama niya pa Dubai. Papaalam sana ako sayo na sasama ako.”Sandaling natigilan si Lucio sa pagsasabon sa plato at nilingon siya.“So that belt you gave me ay suhol lang para dito?” kunot noong tanong nito.Nanlaki ang mata ni Beth at agad na umiling.“Hindi… Y-Yung gift, gusto ko talaga yung bilhin para sayo. Hindi ko yun binili bilang bribe.”Huminga ng malalim si Lucio at bumalik sa pagsasabon ng plato.“Malayo ang Dubai
ATILLA SHANEYA “ATISHA” SCHRUTZ Akala ni Lucio e makikita niyang reaction sa mukha ng babaeng nagpakilala sa kaniyang Isha ay gulat nang makarating sila sa bahay niya, pero bigo siya dahil wala itong kareact-reaction. Na para bang normal lang sa kaniya ang nakikita niya. Malaki ang bahay ni Lucio, maraming sasakyan, kaya nag-expect siyang malulula si Isha sa ari-arian niya, pero hindi pala. In fact, humikab ito tanda na pagod na. “Pwede bang manatili saglit sa bahay mo? Magbabayad ako ng renta.” Napatitig nalang si Regar kay Atilla. Ngayon pa lang siya nakakita ng babae na makapal ang mukha. “Regar, dalhin mo siya sa guest room.” Tumango si Regar at sumunod naman sa kaniya si Atilla. Nasa hagdan na sila nang magsalita si Atilla. “Ahm. Alam kong hindi niyo pa ako pinagkakatiwalaan pero maniwala kayo, hindi ako magnanakaw.” Sabi niya kaya tumigil si Regar at humarap sa kaniya. “Huwag po kayong mag-alala Ms. Isha, hindi ko naman iniisip na magnanakaw kayo.” “Salam
ATILLA SHANEYA ‘ATISHA’ SCHRUTZ‘Pakshet talaga ng mundong ito!’ Galit na sinipa niya ang batong nasa harapan niya kaya todo aray siya dahil hindi man lang gumulong ang bato, in fact, parang daliri pa niya sa paa ang nabalian.“Arrrrrggggghhh! Sakit!”Habang tumalon talon pa siya sa sakit, nasa likuran na niya ang mga bantay niya.“Ma’am Atisha!!”Napalingon siya sa likuran at nang makita ang limang bodyguards na nilayasan niya, bigla siyang nataranta.“Shit!” Agad siyang kumaripas ng takbo.At the young age, masiyado ng ganap na dalaga si Atilla, thanks to her foreign blood na galing kay Atisha at Bernardo kaya kahit pa isa pang teenager e napagkakamalang adult na.Dahil lumaki rin siya sa isang pamumuhay kung saan hindi siya salat sa pagkain at bitamina, lumaki siyang parang isang mamahaling bulaklak na inalagaan ng mabuti.She bloomed perfectly.. Ibang iba siya kay Beth na payat, sakitin at nasa attic.Kung ipagkukumpara ang dalawa, para tuloy nakakabatang kapatid ni Atilla ang ka
NAKARATING NA SI BETH AT REGAR sa isang sementeryo, iyon ang sinabi ni Ten na lugar kung saan ay magkikita sila.Pagkababa niya, agad siyang sinalubong ni Ten.“Hi.”“Ten, ano yung sinend mo kanina?”Tumingin si Ten sa lalaking nasa likuran. Si Regar ang nakita niya, akala niya ay si Lucio ang kasama ni Beth.“I told you, she’s my wife and she’s here.”Nauna siyang maglakad, si Beth naman ay nagmamadaling sumunod sa kaniya. Pagdating nila sa puntod ni Atilla, gulat na gulat siya nang makita ang litrato nito.Kamukhang kamukha niya, pero batid niyang hindi siya yun.“Atilla Shaneya Schrutz Jung,” mahinang pagbasa ni Beth sa pangalan.“She’s your twin sister. She grew up with dad.”Nanlalaki ang mata na binalingan niya si Ten.‘What? Twin sister? I have a twin sister?’Bigla siyang napailing. Parang ang hirap para sa kaniya paniwalaan iyon.“I am c-confused.” Mahina siyang natawa. “Paano ito nangyari? Paanong wala akong alam ito. Kahit si Bernardo, h-hindi rin niya alam ang tungkol dito
Loreen’s body buried in her coffee shop’s small yard. Sa mala berdeng damo na naroon, walang mag-aakala na bagong bungkal ang lupang naroon kung nasaan nakalibing ang bangkay niya.Dinadaanan ng mga customers at ng mga empleyado ang parteng iyon, na parang wala lang.That kind of death na walang sinumang magnanais.Si Roween, nasa malayo, nakatingin.This is his revenge for his daughter.Binalik lang niya kay Loreen lahat ng binigay nito kay Rainah.And now, habambuhay hahapin ng mga Floreza kung nasaan ito, without knowing na nasa malapit lang ito, patay na.“Let’s go to the hospital. I need to visit her before I leave.” Sabi niya kay Neo at agad na nagmaneho patungo sa hospital kung nasaan si Beth.Pero hindi sila makalapit dahil nagdagdag si Lucio ng security. Halos lahat napapaligiran na ang buong building.Kaya nanatili na lamang siya sa kaniyang sasakyan.Mahihirapan na siyang lapitan si Beth at ayaw niyang masira ang plano na nilatag niya.As much as possible, gusto niyang mana
“Wife,” pagtawag ni Lucio kay Beth pagdating niya sa bahay ng dad niya.Nagmamadaling tumayo si Beth at lumapit sa kaniya. HumaIik siya sa labi nito at niyakap. “How’s dad?”“He’s fine pero hinahanap niya si Loreen.”Natahimik siya doon. Kahit pa kapatid niya ito, the fact remains na gusto niya itong pagbayarin sa ginawa nito sa asawa niya.“Galit ka pa rin ba sa kaniya?” tanong ni Beth nang mapansin na natahimik siya.“Hangga’t hindi ko sila nakikita ni Nice, hindi mawawala ang galit ko sa kanila.”Sumandal si Beth sa dibdib niya, tila pinapakalma siya.“Kung makita man natin sila, ipakulong mo nalang sila. Huwag mo ng ilagay sa kamay mo ang batas.”Huminga siya ng malalim dahil hindi niya alam kung kaya ba niyang makontrol ang sarili niya oras makita niya ang kapatid niya at si Nice.“Bakit ang tahimik mo? Magpromise ka sa akin hubby.”“Wife.” Nahihirapan na aniya. Paano siya mangangako?Isipin pa lang niya ang mukha ng dalawa ay kumukulo na ang dugo niya.Humarap si Beth sa kaniya
Hindi inakala ni Loreen na mararanasan niya ito lahat. Wala sa isipan niya dati na aabot siya sa puntong ipagsisigawan nalang niya na sana ay tapusin na ang buhay niya.The pain is draining her. Sa sobrang sakit, pakiramdam niya ay impyerno ang napuntahan niya.Sobra siyang napakampante na hindi mabubunyag ang tungkol kay Rainah.Ngayon, she’s paying the price.Habang nasa loob siya ng kwarto, may lalaking pumasok at inabutan siya ng tubig.“Please, t-tulungan mo ‘ko.” Pagmamakaawa niya. “K-Kahit magkano, magbabayad ako. Triple pa ang bayad ko sa sahod niya sayo.”Tumingin sa kaniya yung lalaki pagkatapos ay napailing.“Bakit ko naman tutulungan ang isang criminal na kagaya mo?”Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Gusto pa niyang mabuhay.“Please… Hindi ko sinasadya ang nangyari kay Rainah. Maawa naman kayo sa akin oh.”“Mali ka ng binangga.” Sabi no’ng lalaki sa kaniya. “Hindi mo dapat pinakialaman si Ms. Rainah.”“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kamuntikan na niya akong pinatay.
A week after…No sign of Loreen, no sign of Nice… as if they both are gone.Sa pagkawala ni Loreen, naging sanhi iyon para bumagsak ang katawan ni Sr. Floreza.Nag-aalala si Beth habang nakatingin dito na nakaratay sa kama. Mag-iisang linggo na itong may sakit dahil sa stress at pag-aalala kay Loreen.Pansamantala muna siyang bantay dito dahil marami pang inasikaso si Lucio lalo’t kaliwa’t kanan ang negosyo na inaatupag niya ngayon.Napatayo siya nang makitang nagmulat ng mata ang senior.“D-Dad,” agad niya itong nilapitan.Tumingin ang senior sa kaniya. “Is there no sign of my daughter?”“Wala pa, dad.”Makikita ang pagdaan ng lungkot sa mukha ng senior. Hindi na niya alam saan niya hahanapin ang anak niya.Kita sa CCTV footage ang ginawang krimen ni Loreen at Nice at kita rin ang pagtakbo ni Loreen palabas.Pero kahit anong hanap nila dito, wala na silang makitang bakas nito.“I’m sorry. I know it’s been hard for you.” Sabi ng senior kay Beth. “But I cannot help it. She’s still my da
Tumulo ang luha ni Leah.Dahil likod, braso at hita ang nasaksak ni Nice kanina, nagkaroon pa siya ng oras para harapin ito.Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na siya nanghihina.Nanlalabo na ang paningin niya. At hindi niya mapigilang hindi umiyak dahil alam niyang hindi niya na maipagtatanggol ang kapatid niya.Nagtataka siya bakit nakalagpas sila Nice sa security. She wondered anong nangyari sa labas. “Stop hoping for back-up. Patay na lahat ng iniwan ni Lucio sa labas.” Sabi ni Loreen. Tinulak siya ni Nice kaya nakawala ito sa harapan niya.Tumingin siya kay Loreen kung saan nakatutok pa rin ang baril sa kaniya.“Ako nalang ang patayin mo, huwag na ang kapatid ko.” Pagmamakaawa niya.Tumawa si Loreen.“Ikaw at si Beth, malaki ang ginawa niyong kasalanan sa pamilya namin. That wench ruined my family. Lucio crushed Joliever’s leg because of her at IKAW! ANONG KARAPATAN MO PARA SIRAIN ANG PANGALAN NG PAMANGKIN KO? YOU PUT OUR FAMILY NAME IN SHAME!”“Kill that b*tch Loreen!” Sab
Pagkapasok ni Leah sa loob ng kwarto ni Beth, nakita niya itong nagpapahinga sa kama pero gising.“Leah?” gulat na gulat ito at hindi makapaniwala na nakita siya nito.Agad siyang tumakbo at niyakap ang kapatid. “I’m sorry.” Unang sinabi niya.“Huh? Pero bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang mali na ginawa.”“Sa video. Alam kong napanood mo na yun.”Huminga ng malalim si Beth. “Iyon ba ang dahilan kung bakit umiyak ka noon?”Tumingin siya sa sahig, nahihiyang salubungin ang mga mata ni Beth.“Isa yun sa dahilan. Matapos kong malaman na ama ko si Bernardo, nagpatong-patong yung guilt ko. Ayoko kasi masira ang friendship natin kaya natakot ako.”“Well, hindi ko sasabihing hindi ako nasaktan kasi umiyak ako nong nakita ko yung video na yun noon. Pero kung titignan, naging eye-opener ko yun noon para humiwalay ako sa kaniya.”Nag-angat siya muli ng tingin.“Bago pa yung video, alam ko na talagang nagloloko si Joliever sa akin, wala lang ebidensya. Kaya kahit ilang ulit na akong nasak