Regar, blink twice if you need help. Hahahaha
Lucio is crying like a child.Kanina, pagpunta nila ng Korean resto, napahinto siya nang makita niya ang pamangkin niya, si Beth, Leah at Kate.Kumunot ang noo niya at iniisip na pinagtutulungan na naman ang asawa niya.Ihahakbang na sana niya ang paa niya para makalapit kay Beth nang marinig niya ang sinabi ni Kate.“Sinampal niya ako, babe.. Nalaman niya kasi na nagdi-date tayo.”Natigilan si Lucio. Pakiramdam niya ay parang huminto ang mundo niya dahil isa lang naman ang agad na rumihestro sa isipan niya, yun ay ang, mahal pa ni Beth ang pamangkin niya.“Mukhang hindi pa siya nakamove-on sa’yo at ako ngayon ang pinagdidiskitahan niya. Gusto ko lang naman sana mag-hi sa kaniya.”Mapait siyang ngumiti. Agad siyang tumingin kay Regar.“Sir, hindi na po ba tayo tutuloy?”“Hindi na.” Ang sabi niya at umalis.Matapos ang halos isang oras, nakita ni Regar si Aidan na nagmamadaling pumasok ng bar.Sa bar sila dumiretso ni Lucio kanina dahil gusto raw nito uminom.“Where is he?”Tanong ni Ai
Beth could feel na ang lamig ng pakikitungo ni Lucio sa kaniya ng makauwi ito.Bukas na ang party pero hindi pa rin sila okay.Alam niyang iniiwasan siya ni Lucio dahil kapag kakain sila, palagi itong magkukulong sa mini office nito sa bahay nila tapos mag-oovertime kaya hindi sila tabi matulog.Ang lungkot lungkot ni Beth at nagtataka na siya kung may nagawa ba siyang hindi ikinasaya ni Lucio. Kaya no’ng nagkulong na naman si Lucio sa office nito, agad siyang pumunta sa kwarto Regar.Kumatok siya at nang buksan ni Regar ang pinto, nagulat ito nang makita siya.“Ma’am Beth?”“Naistorbo ba kita?”“Hindi po ma’am. Sandali lang po, magbibihis lang po ako.” Nagmamadali si Regar na pumasok para magbihis ng damit pagka’t n*******d pa ito ng pang-itaas.Naghintay si Beth sa labas ng ilang sandali hanggang sa lumabas si Regar sa kwarto niya na balot na balot na ang katawan… “Ma’am Beth, ano pong kailangan niyo sa akin?”“Ahm.. Itatanong ko lang kasi Regar kung alam mo ba ang rason bakit ako
“Lucio!” Tawag ni Loreen kaya si Lucio at Beth na kararating lang sa table nila e napalingon sa kanilang dalawa ni Rainah.Tinapunan lang ng tingin ni Lucio si Rainah nang makita niya itong kasama ni Loreen at binalingan ulit si Beth.“Are you okay, wife?”“Huh? Ah—oo.” “Lucio!!!” Pagtawag na naman ni Loreen at si Beth iyong lumilingon. Nagtataka siya kung sino ang babaeng kasama ni Loreen na nakatitig ngayon sa asawa niya.“Are you bothered sa sinabi nila kanina?” tanong na naman ni Lucio na wala talagang balak tignan si Loreen at Rainah.“Hindi naman Lucio. Sanay na ako.”“Anong sanay?” kumunot ang noo ni Lucio.“I mean, nakakarinig pa rin kasi ako ng mga ganoon sa trabaho ko.”“What? At wala man lang ginagawa si Aidan? How useless he is!”“Walang alam si sir dito. I mean, hindi ganoon iyon. Saka hayaan mo na. Hindi naman ako nagpapa-apekto sa mga sinasabi ng mga tao.”Hindi man lang nagbago ang expression sa mukha ni Lucio. Para sa kaniya, hindi pa rin katanggap-tanggap na may kung
Rainah thought na sinasabi lang iyon ni Beth para pahiyain siya. Kaya mahina siyang natawa. “Oh c’mon. Hindi mo naman kailangan matakot na sabihin ang katotohan ‘cause I won’t judge.”Ngumisi si Beth at kumuha ng wine. Hindi na siya nagsalita lalo’t iniisip niya na wala ring silbi iyon dahil wala namang balak maniwala si Rainah sa kaniya.‘Nagbago na ba talaga si Lucio?’ tanong ni Rainah sa isipan niya nang makita na hindi na siya pinapansin ni Beth.(Short flashback)Noong panahon na may relasyon pa si Lucio at Rainah.They were childhood best friends and turned to lovers at the age of 15.One moment, Rainah is eyeing at Lucio na busy sa phone nito.“Lucio, magdate naman tayo!” Pakiusap niya for the 10th time.But Lucio didn’t even listen to her. Nagbabasa ito sa phone on how does investment works.“LUCIO!” frustrated na si Rainah dahil hindi siya nito pinapansin.“Sorry, I’m busy. Kita nalang tayo bukas Rainah.”Umalis si Lucio dahil gusto niyang dumalo sa isang free seminar tungkol
“Get inside the car.” Sabi ni Lucio matapos nilang makalabas ng party.Si Beth naman ay tumahimik na sumakay at hinintay si Lucio na makapasok sa kabila. Nang nasa loob na sila, kapwa sila tahimik hanggang sa si Lucio ang unang bumasag sa katahimikan.“I am mad, wife. Really mad.” Walang kurap na sabi niya.Kita ni Beth ang panginginig ng balikat nito at pandidilim ng mukha na para bang may nagawa siyang kasalanan.‘Ano na namang kasalanan ang nagawa ko? At bakit siya ang galit? Masama rin ang loob ko dahil kay Rainah!’Yung galit ni Lucio kay Joliever ay hindi niya mailabas dahil sa dad niya pero mas lalong nag-uumapaw iyon nang marinig na naghaIikan ito at si Beth.“Damn it!” Napakislot si Beth nang biglang ibagsak ni Joliever ang kamay niya sa manubela.“What’s wrong with you?” hind na nakatiis si Beth.“What’s wrong with me? I heard Joliever. NaghaIikan kayo sa Korean resto. So tell me, tingin mo ikatuwa ko yun?”Nanlaki ang mata ni Beth sa kaniyang narinig. ‘Anong naghaIikan? He
When Beth’s breath became heavy, tumayo si Lucio na n*******d pa.He went to the veranda at tumingin sa kalangitan at marahang natawa. “Inuubos mo talaga ang pasensya ko Joliever.”Kanina pa siya nagpipigil ‘cause he wanted to fix his problem with his wife first.After 15 minutes, nakita niya ang mga itim na sasakyan na sunod-sunod na dumating sa bahay niya.Pumasok siya ulit sa kwarto, nagsuot ng damit bago niya pinatakan ng mababaw na haIik ang noo ng asawa.A lot of red marks was seen in Beth's body. Lucio made sure na mabubura niya ang anumang nahawakan o nahaIikan ng pamangkin niya noong mga nakaraang araw.Nagbingihan sila ni Beth, ilang araw na hindi nag-uusap dahil sa ginawa ni Joliever kaya hindi niya iyon mapapalagpas.Nang lumabas siya ng kwarto niya, Regar together with Lucio’s men greeted him.Nakayuko ang ulo ng lahat at batid nila ang nag-aalab na galit sa mata ni Lucio. No one dares to speak out of fear.“Where is he?”“Sir,” si Regar ang nagsalita. “Dinala na siya ng
Nang makabalik si Lucio sa bahay nila, agad niyang tinanong ang mga katulong kung nagising ba si Beth no’ng wala siya.“Hindi po sir. Mahimbing po ang tulog niya.”Tumango si Lucio at agad na nagtungo ng banyo para makapag-toothbrush.Ayaw niyang mangamoy sigarilyo siya.Matapos niyang maligo, agad siyang humiga sa tabi ni Beth at agad niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang nito.HinaIikan niya ang batok ni Beth at pumikit.‘Bantay salakay ako? What’s wrong with that? What matters is, this woman is mine.’ Mariing sabi ni Lucio sa isipan niya, walang pakialam kung ilang beses siyang makarinig na inagaw niya si Beth sa pamangkin niya ‘cause it’s true.Inagaw at inasawa nga niya ang girlfriend ng pamangkin niya no’ng makakita siya ng pagkakataon.Beth groaned at humarap sa kaniya.Napangiti si Lucio nang mapagmasdan ang magandang mukha ng asawa niya.‘Sinong hindi mababaliw sa’yo?’ he asked. ‘He missed the chance to chain you, so I don’t fvcking care if marrying you could stain my name
Monday at balik trabaho na ulit si Beth. She took a leave for the preparation sa party ng mga Floreza kaya medyo excited siyang babalik ngayon.Nang magbukas siya nang mata niya, nakita niya si Lucio na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Up until now, hindi pa rin siya makapaniwala na gusto rin siya nito. Na nagkakagustuhan na pala sila sa isa’t-isa.‘I know love is too much for us as of now. Kaya masaya na ako sa ‘like’ at least alam kong mutual ang nararamdaman natin sa isa’t-isa.’She kissed his lips at dahan-dahan siyang tumayo para makapagluto siya ng breakfast nila.Nang makalabas siya ng kwarto, ngumuso si Lucio at agad niyang ibinaon ang mukha niya sa unan habang ang tenga ay namumula.‘Fvck. I am too old for this.’ Kastigo niya sa sarili niya.Sa bawat yakap at haIik ni Beth sa kaniya, hindi niya maiwasang mamula.Hindi naman mawala sa labi ni Beth ang ngiti no’ng kasalukuyan na siyang nagluluto. Kaya pati tuloy ang mga katulong na nasa tabi niya ay nakangiti na rin habang t
Kinakabahan na si Beth. Off ang phone niya kaya hindi niya natext si Lucio.Tapos alas nueve na ng gabi. Kaya kabado na talaga siya. Si Ten ang nagmamaneho ng sasakyan. Kanina pa sila walang imik sa isa't-isa hanggang si Ten na ang nangahas na kausapin siya."How's your dinner with your dad?" tanong niya pagka't nasa labas lang siya ng resto, nagbabantay. Tumikhim si Beth bago sumagot. "Good.""Nag-enjoy ka ba?""Yeah.""Mabuti naman."Hindi na sumagot si Beth kaya si Ten ay tinignan siya sa pamamagitan ng salamin.Pagkadating niya sa bahay ni Lucio, lumabas si Beth agad at nagmamadaling pumasok. Walang goodbye, walang thank you.Ten watched her going in at nang mawala na si Beth sa paningin niya, bumalik na siya sa bahay ni Manzo na naghihintay sa kaniya makabalik."Ten, how is she?""Ligtas ko po siyang naihatid, dad.""Mabuti naman kung ganoon. Come, may iuutos ako sa'yo."Hindi kumilos si Ten, nakatingin lang siya kay Manzo kaya nilingon siya nito."What?""You're doing it again
Umagang umaga pa lang, nauna nang magising si Beth.Tulog pa si Lucio sa tabi niya. Kinumutan niya ito at siya naman ay agad na naligo saka bumaba.“Good morning ma’am Beth,” bati sa kaniya ng katulong.“Hello po ate. Pwede po ako pahanda ng tea na dala ko no’ng nakaraan?”“Sure po ma’am. Sige po…”Ngumiti si Beth at nagtuloy sa paglabas ng bahay. Hindi pa masiyadong sumisikat ang araw.She’s smiling from ear to ear while looking at the view. Wala ng gaganda sa umaga niya.“WIFEEEE!” Napatalon siya sa gulat nang marinig ang boses ni Lucio.“Nasa labas ako!” Sigaw niya at nagtataka.“WHERE IS MY WIFE?”“Nasa labas po si ma’am Beth sir.”Rinig niyang mga boses sa loob.Nang makita niya si Lucio, agad nalukot ang mukha niya.“Bakit ka bumaba nang nakaboxer?”Tumingin siya sa likuran at kita niyang namumula ang pisngi ng mga dalagang katulong.Sinimangutan niya si Lucio.Nakagat naman ni Lucio ang labi niya. ‘Fvck!’ He said at malalaki ang hakbang na nilapitan niya si Beth at niyakap.Nap
“D-Dad!” Sigaw niya, ang lakas pa ng tibok ng puso niya.Natakot siya at kinabahan. Gusto niyang tumakbo palayo kay Bernardo.“DAAAAD!” Pagtawag niya kay Manzo at pinipilit na bawiin ang kamay niya kay Bernardo.“Beth!”“LET ME GO!” “Ms. Beth, relax…”Doon siya natigilan at napatingin ng mabuti sa nasa harapan niya.Nanlaki ang mata niya nang maklaro na hindi si Bernardo ang nasa harapan niya kun’di si Leo Floreza pala.At sa gilid ng senior ay naroon ang assistant nito na siyang tumawag sa kaniya ng Ms. Beth.“D-Dad,” nautal na sabi niya…“What happened to you?” kunot noong tanong ni Sr. Floreza.“I-I’m sorry dad.. I mistook you to someone else.” Aniya dahil akala niya talaga e si Bernardo ang nasa harapan niya kanina.Dumating si Manzo. He coldly glared at Leo dahilan para mabitawan nito si Beth.“What did you do to my daughter, Floreza?”Agad humarap si Beth sa daddy niya. “Dad, wala… Inakala ko si da- I mean si Bernardo ang nasa harapan ko kanina. I’m sorry…” Aniya dahil baka mag
Matapos nilang kumain, naunang tumayo si Manzo.“May ipapakita si daddy sayo, can you give me a moment, sweetheart?”Tumingin si Beth kay Lucio, and when Lucio nodded, bilang sagot na ayos lang sumama siya sa dad niya, humawak si Beth sa kamay ng dad niya.Nagtungo sila sa isang kwarto na alam ni Manzo e matutuwa si Beth.Samantala, napatingin si Lucio kay Ten na siyang naiwan sa dining table.“I want to make things clear to you. Hinding hindi ako papayag na dumikit ka sa asawa ko kahit butler ka pa ng ama ng asawa ko..”Ten chuckled. “You broke my bones dahil lang sa maling akala.”“Do you think matutuwa ako matapos kong makita na hawak mo ang larawan ng asawa ko?”“Natural meron ako no’n dahil pinapasundan siya ng ama niya.” Pagsisinungaling ni Ten.Sinamaan pa rin siya ni Lucio ng tingin. Kahit anong gawin ni Ten, kumukulo talaga ang dugo niya.“You know what, bahala ka kung ayaw mong maniwala.” Sabi nito at umalis.Samantala, ang kwarto na pinasukan ni Manzo at Beth e ang kwarto k
“I love you so much..” Pag-uulit ni Lucio doon.Ngayon lang nila nasabi na mahal nila ang isa’t-isa. Ganoon pa man, ayos lang kasi ramdam nila at pinapakita nila sa kanilang mga kilos ang nararamdaman nila.Tumingala si Beth at tumingkayad para maidampi niya ang labi niya sa labi ni Lucio.Ngumiti siya at lumingon sa dad niya na nakangiti sa kaniya.Kinuha niya ang kamay ni Lucio at hinila iyon palapit kay Manzo.Parang idinuduyan ang puso niya at proud na proud siyang iharap ang lalaking napili niya makasama buong buhay sa taong tinatawag niyang daddy.“Dad, I know you’ve met him. Pero gusto ko po personal na sabihin sa inyo that this is Lucio Floreza, my husband.”Never in her life na may inangkin siyang tao. Kahit noon kay Joliever, hindi siya kailanman nang-angkin dito.But right now, she feels different. Gusto niyang angkinin si Lucio. Gusto niyang siya lang ang asawa nito at wala ng iba. Iba ang tuwa na nararamdaman niya ng sabihin niya ang salitang ‘MY HUSBAND’.Sobra siyang pro
Puno ng hagolhol ang buong bahay. Ang luha na nagpapabatid sa kanilang lahat na pati kaluluwa ni Beth at Manzo ay umiiyak.Sobrang higpit ng pagayakap ni Manzo sa kaniyang anak.He waited for this moment.At sa bawat taghoy niya, nagpapabatid na sobra sobra ang kasiyahan na natatamasa niya.“I’m sorry… I’m sorry hindi ka nakuha agad ni daddy… I’m sorry my baby, hindi alam ni daddy.”Mas lalong bumaon ang mukha ni Beth sa dibdib ng dad niya.Matagal niya itong hiniling na marinig mula sa isang ama. Matagal niyang pinangarap ito.“D-Daaaad…”Halos manginig ang labi niya nang banggitin niya ulit ang salitang daddy.Nang hawakan ni Manzo ang dalawang pisngi niya, ngumiti siya dito.Halos umabot sa kaniyang mata.“Kamukhang kamukha mo ang mama mo…”Nakagat ni Beth ang labi niya…“And I’m sorry that it took me so long para makita ka.”“Ikaw po ba ang totoong daddy ko? Hindi po ba ito panaginip lang?” natatakot na tanong niya.Tumango si Manzo, umiiyak.“I am your father. Your real dad at wal
“Tabi nga!” Sabi ni Nice at binangga pa niya ang balikat ni Bernardo.Nanlaki ang mata ni Bernardo. No’ng una, napapalagpas pa niya na natataasan siya nito ng boses pero ngayon, sobrang pambabastos ang natanggap niya kay Nice.“WALANGHIYA KA!” Hinablot niya braso ni Nice at sinampal.“BERNARDO!” Sigaw ni Merna at dinaluhan ang anak.“Wala kang utang na loob ah!”“Bernardo, hindi… Hindi sinasadya ni Nice ito. Patawad! Patawad!”“Pagsabihan mo yang anak mo Merna. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila niya ngayon.”Umiyak si Nice at yumakap sa mama niya. Ngayon lang siya napagbuhatan ng kamay ng ama niya.Umalis si Bernardo para makahinga. Hindi na niya maintindihan ang sarili niya, ilang araw na.Kung saan wala na si Beth sa bahay niya, saka pa niya ito naalala. Kanina, hindi niya sinasadya na banggitin ito sa harapan ni Nice.Dapat matuwa na siya kasi wala na yung bunga ng pagtataksil ng asawa niya sa kaniya niya pero heto at pakiramdam niya may kulang sa bahay niya, may kulang sa buh
No’ng may nangyari kay Joliever at Leah, agad na umalis si Leah ng hotel kung saan sila nagsiping dalawa.Kapwa sila lasing ni Joliever, ni hindi niya alam ano ng mga pinaggagagawa niya.No’ng magising siya, agad siyang umalis na hindi man lang tinignan kung sino yung lalaki sa kama na katabi niya natulog. Clearly, that was a one night stand.Kilala niya si Joliever dahil isa itong Floreza. At nakikita rin niya ito minsan sa labas ng trabaho niya dahil nobyo ito ng ma’am Beth niya.Habang kapwa nila pinagsaluhan ang init ng gabing iyon, wala sa sarili si Leah at nagpadala lang sa sarap na tinatamasa nila. Wala sa isipan niya na si Joliever e may nobya.Noong magising siya, umalis siya kaagad. Nakalimutan rin niya ang ibang detalye no’ng gabing yun. Basta ang alam lang niya, she had sex with someone she met in the bar.Hanggang sa nagkaroon ng issue si Beth, nahulihan itong may kasama sa isang hotel room at yun ang husband niya ngayon na si Lucio Floreza.Nang magsimula ng maging malapi
Messy bun, loose shirt, and days of sleepless night. Napilitan si Loreen na lumabas ng kwarto niya para puntahan si Nice.Naabutan niya ito sa isang bar na nag-iinom at nagsasayaw.Kumuyom ang kamao niya. She was being notified kung ilang panggagasta ang ginawa ni Nice sa loob ng isang araw.Pumasok siya na galit na galit.Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palabas.“Mag-usap tayo!”“LOREEN! ANO BA?!”Hinarap niya si Nice. “Nice, bumili ka na naman ng panibagong sasakyan.”“Kasalanan ni Beth. Sinira niya ang sasakyan ko kaya wala akong choice kun’di bumili ng bago.”“Alam mo ba kung ilang pera na ang nagastos mo? Magdahan-dahan ka naman at baka mapansin ni dad, malalagot ako.”Nainis si Nice. Hindi niya gusto itong pinapangaralan siya.“Pwede ba? Huwag mo ‘kong pagsabihan. Baka nakakalimutan mo Loreen na hawak ko ang buhay mo. Oras kumanta ako sa ginawa mo kay Rainah, patay ka.”Halos manginig si Loreen sa galit kay Nice. Palagi na lang siya nitong tinatakot and she cannot even do