Anong masasabi niyo kay Nice? Hahahaha. Is she nice?
“Anong ginagawa mo?” nanlalaki ang matang tanong ni Beth.“What? Gusto mo bang tawagin ko pa si dad para siya ang magresolba sa kahihiyan na ito?” pananakot ni Nice.Nakagat ni Beth ang labi niya at agad na nangilid ang mga luha. “Kaya kung ayaw mong bumalik kayo sa dati kung saan kinasusuklaman ka niya, then manahimik ka at hayaan mo ‘kong e resolba ang gulong ito sa paraan na gusto ko.” Bulong ni Nice. Humarap si Nice sa harapan. “Pasensya na po talaga. Magkano po at babayaran ko.”Kumuyom ang kamao ni Beth. Tumulo ang luha niya.Nang makita niyang kinakausap na ni Nice ang sales lady, nagsalita siya.“Bakit mo ba ito ginagawa? Sinabi kong wala akong kasalanan e!”Napatigil ang lahat na papaalis na sana.“Gosh! Hindi pa ba siya tapos? Napakapapansin niya ah!” Side comment no’ng customer na nasa exit na door na.“Tumahimik ka na Beth. Ako na bahala mag-ayos ng gulong ito.” Sabi ni Nice gamit ang malambing nitong boses.“Pero sinabi ko ng hindi nga ako ang may kasalanan!” Aniya haban
“Ma’am Beeeeeth!!” maagang-maaga pa lang e sinalubong na ni Leah si Beth sa labas ng trabaho nila.“Ma’am Beth, pasensya na kung hindi ko kayo natulungan ma’am. Nagmadali akong puntahan ka pero hindi na ako nakapasok dahil nakasara na ang pinto no’ng boutique.”Ngumiti si Beth kay Leah at hinawakan ang kamay nito. “Ayos lang Leah. Nandoon naman ang asawa ko para ipagtanggol ako.”“Pero kasi ma’am Beth, naguilty ako kahapon. Hindi sana yun nangyari kung hindi kita iniwan mag-isa.”Lumabi si Beth. “Kasalanan ng sales lady yun lahat. Naging okay naman pagkatapos. Iyon nga lang, alam kong viral na naman ako.”Kumunot ang noo ni Leah. “Hindi mo pa po ba alam ma’am Beth? Shut down na po yung mga live kahapon.”Nagulat si Beth at nanlaki ang mata. “Shut down?”“Opo ma’am. Parang walang live na naganap kahapon. Bigla nalang silang naglaho lahat sa social media. At buti na lang talaga.”Agad na naisip ni Beth ang asawa niya na si Lucio.“Siya kaya ang may gawa no’n?”“Huh? Sino po ma’am?”“Ah,
Mabilis na natapos ang mga araw. Another weekend came at ngayong araw ay hinihintay ni Beth na dumating ang new dress na pinagawa ni Lucio para sa kaniya.Habang wala pa, busy siya kakabasa ng mga impormasyong na bigay ni Regar sa kaniya na maaari niyang makasalamuha doon sa party.Kaya si Lucio sa tabi ay mahaba ang nguso dahil hindi siya pinapansin ni Beth kanina pa.Nasa sofa si Beth, focus sa kaniyang pagbabasa, tapos siya ay nasa harapan na sofa, nagpapansin. May hawak siyang folder na kunwari ay binabasa rin niya.Pero yung mata niya ay pasimple namang napapatingin sa asawa niya.‘Kailan ba siya matatapos diyan? They won’t matter anyway.’ Sabi niya sa isipan niya at mas humaba pa ang nguso.Gusto niyang magcuddle sila together o di kaya ay mag-usap, manood ng TV, or anything basta pinapansin lang siya. Hindi iyong may pinagkakaabalahan itong ibang bagay. Naiinis siya.“I’m hungry,” aniya tapos sumulyap siya ulit kay Beth pero parang wala itong narinig dahil hindi man lang ito tum
“Alam mo Regar, duda na talaga ako dito sa amo mo.” Sabi ni Aidan na hindi pa rin nakagalaw sa kinatatayuan niya.Nasa gate pa rin sila habang si Lucio nasa loob na ng bahay niya.“Pasensya na po sir,” sabi nalang ni Regar dahil pati siya hindi rin inaasahan na hindi pala gets ng amo niya ang sugar daddy.“Hindi naman siya pinanganak na kulang sa buwan. Ano kaya ang problema? Ano sa tingin mo?”“Siguro sir dahil busy si sir sa trabaho kaya hindi na siya updated sa trend?” hindi siguradong sagot ni Regar.Bumuntong hininga si Aidan at agad na sinundan si Lucio sa loob.Lucio and Aidan proceed to their short meeting. At pagkatapos, agad na nagpaalam si Lucio sa kaniya na uuwi na siya.“Wait brute,” Aidan stopped him.“Yes?”“May sasabihin ako tungkol sa sugar daddy.” Naging seryoso naman ang mukha ni Lucio at lumapit muli kay Aidan.“Ang sugar daddy ay ano, ahm… ginagamit siya ng Gen Z, referring sa mga matatandang lalaki na nagbibigay ng pera or gifts sa kanilang mga batang girlfriend.
Nasa salon si Beth at Leah at magkatabi habang may nagmamani-obra sa kanilang mga kuko.“Ma’am Beth, bakit mo pala naisipang magpa-nail extension?”Supposed to be, si Leah lang sana ang magpapa-appoint ngayon, pero matapos niyang sabihin kay Beth ang balak niya, agad itong nagsabi na gusto nitong sumama sa kaniya.“May party kasi kaming pupuntahan ng asawa ko kaya nagpapaganda ako.”“First time mo lang ba magpa-nail extension ma’am Beth?”“Oo. Wala kasi akong kaibigan dati na mahihila ko dito.”“Naku ma’am Beth, marami ka pa palang hindi na try no’ng dalaga ka pa.”Ngumiti si Beth kasi iyon ang totoo. Marami nga siyang hindi pa natry.“Nagsisisi ka ba ma’am Beth na nag-asawa ka ng maaga?”Tumingin si Beth kay Leah bago sumagot. “Hindi naman. Mabait kasi ang asawa ko kaya hindi ako nagsisisi na siya ang pinakasalan ko.”“Mabuti naman ma’am Beth. Kung may mga bagay kang hindi mo pa na-try, pwede mo naman gawin yun kasama ang husband mo or kung busy siya, pwede ring ako.”Ngumiti si Beth.
“Look what woman you are now. Sa tingin mo palalagpasin ko ito? Hindi naman pwedeng awayin mo lahat ng babaeng idi-date ko Beth.” Nakangising sabi ni Joliever na hanggang ngayon ay naniniwalang siya pa rin ang mahal ni Beth.Galit na galit siya kay Beth pero hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya matapos sabihin ni Kate na sinampal siya ni Beth kasi nagsi-selos ito.“What the fvck are you talking about?” malutong na mura na sabi ni Beth.Sabay na nagulat si Kate at Leah dahil for the first time, narinig nilang nagmura si Beth.“Hindi mo tatanungin kung ano talagang nangyari? Basta ka nalang naniwala sa sinabi ng babaeng yan?” sabay turo kay Kate na masamang nakatingin sa kaniya.“Si Kate ang unang sumugod sa akin Joliever and she was telling me na kasalanan ko kung bakit siya tinanggal sa trabaho. I slapped her for calling me slut hindi dahil sa girlfriend mo siya. Pakialam ko ba kung nagdi-date kayo?”Hindi malaman ni Joliever kung bakit kumukulo ang dugo niya every time
Nanlalaki ang mata ni Beth matapos siyang haIikan at ngisihan ni Joliever. Agad niya itong sinampal ng dalawang beses. “A-Anong ginawa mo? Ha-Hayop ka! ANG BASTOS MO!!!”Hindi pa siya nakontento, dinuraan niya pa ito.“WHAT THE HELL!” Joliever shouted nang makita ang laway ni Beth na tumama sa braso niya.“Bastos ka!!! Napakabastos mo!”Pinagsasapak ni Beth ang walanghiya niyang ex. Hindi na masukat ang galit niya dahil sa kalapastanganang ginawa nito sa kaniya.“STOP IT! FVCK!”Hindi nakinig si Beth. Hindi siya makokontento hangga’t hindi niya nakikitang dumugo ang anumang parte sa katawan ng h*******k niyang ex.At dahil mabigat na ang kamay niya at nasasaktan na si Joliever, umamba itong gagantihan siya ng sampal nang biglang may lalaking pumagitna sa kanila.“Brader, easy. Babae yan.” Nakangising sabi ni Ten Jung, ang isang koreanong lalaki na may ash-blonde na buhok, na siyang nagko-komplimento sa mala-bad boy look nito.Siya rin ang butler no’ng misteryosong lalaki na protector
Lucio is crying like a child.Kanina, pagpunta nila ng Korean resto, napahinto siya nang makita niya ang pamangkin niya, si Beth, Leah at Kate.Kumunot ang noo niya at iniisip na pinagtutulungan na naman ang asawa niya.Ihahakbang na sana niya ang paa niya para makalapit kay Beth nang marinig niya ang sinabi ni Kate.“Sinampal niya ako, babe.. Nalaman niya kasi na nagdi-date tayo.”Natigilan si Lucio. Pakiramdam niya ay parang huminto ang mundo niya dahil isa lang naman ang agad na rumihestro sa isipan niya, yun ay ang, mahal pa ni Beth ang pamangkin niya.“Mukhang hindi pa siya nakamove-on sa’yo at ako ngayon ang pinagdidiskitahan niya. Gusto ko lang naman sana mag-hi sa kaniya.”Mapait siyang ngumiti. Agad siyang tumingin kay Regar.“Sir, hindi na po ba tayo tutuloy?”“Hindi na.” Ang sabi niya at umalis.Matapos ang halos isang oras, nakita ni Regar si Aidan na nagmamadaling pumasok ng bar.Sa bar sila dumiretso ni Lucio kanina dahil gusto raw nito uminom.“Where is he?”Tanong ni Ai
ATILLA SHANEYA “ATISHA” SCHRUTZ Akala ni Lucio e makikita niyang reaction sa mukha ng babaeng nagpakilala sa kaniyang Isha ay gulat nang makarating sila sa bahay niya, pero bigo siya dahil wala itong kareact-reaction. Na para bang normal lang sa kaniya ang nakikita niya. Malaki ang bahay ni Lucio, maraming sasakyan, kaya nag-expect siyang malulula si Isha sa ari-arian niya, pero hindi pala. In fact, humikab ito tanda na pagod na. “Pwede bang manatili saglit sa bahay mo? Magbabayad ako ng renta.” Napatitig nalang si Regar kay Atilla. Ngayon pa lang siya nakakita ng babae na makapal ang mukha. “Regar, dalhin mo siya sa guest room.” Tumango si Regar at sumunod naman sa kaniya si Atilla. Nasa hagdan na sila nang magsalita si Atilla. “Ahm. Alam kong hindi niyo pa ako pinagkakatiwalaan pero maniwala kayo, hindi ako magnanakaw.” Sabi niya kaya tumigil si Regar at humarap sa kaniya. “Huwag po kayong mag-alala Ms. Isha, hindi ko naman iniisip na magnanakaw kayo.” “Salam
ATILLA SHANEYA ‘ATISHA’ SCHRUTZ‘Pakshet talaga ng mundong ito!’ Galit na sinipa niya ang batong nasa harapan niya kaya todo aray siya dahil hindi man lang gumulong ang bato, in fact, parang daliri pa niya sa paa ang nabalian.“Arrrrrggggghhh! Sakit!”Habang tumalon talon pa siya sa sakit, nasa likuran na niya ang mga bantay niya.“Ma’am Atisha!!”Napalingon siya sa likuran at nang makita ang limang bodyguards na nilayasan niya, bigla siyang nataranta.“Shit!” Agad siyang kumaripas ng takbo.At the young age, masiyado ng ganap na dalaga si Atilla, thanks to her foreign blood na galing kay Atisha at Bernardo kaya kahit pa isa pang teenager e napagkakamalang adult na.Dahil lumaki rin siya sa isang pamumuhay kung saan hindi siya salat sa pagkain at bitamina, lumaki siyang parang isang mamahaling bulaklak na inalagaan ng mabuti.She bloomed perfectly.. Ibang iba siya kay Beth na payat, sakitin at nasa attic.Kung ipagkukumpara ang dalawa, para tuloy nakakabatang kapatid ni Atilla ang ka
NAKARATING NA SI BETH AT REGAR sa isang sementeryo, iyon ang sinabi ni Ten na lugar kung saan ay magkikita sila.Pagkababa niya, agad siyang sinalubong ni Ten.“Hi.”“Ten, ano yung sinend mo kanina?”Tumingin si Ten sa lalaking nasa likuran. Si Regar ang nakita niya, akala niya ay si Lucio ang kasama ni Beth.“I told you, she’s my wife and she’s here.”Nauna siyang maglakad, si Beth naman ay nagmamadaling sumunod sa kaniya. Pagdating nila sa puntod ni Atilla, gulat na gulat siya nang makita ang litrato nito.Kamukhang kamukha niya, pero batid niyang hindi siya yun.“Atilla Shaneya Schrutz Jung,” mahinang pagbasa ni Beth sa pangalan.“She’s your twin sister. She grew up with dad.”Nanlalaki ang mata na binalingan niya si Ten.‘What? Twin sister? I have a twin sister?’Bigla siyang napailing. Parang ang hirap para sa kaniya paniwalaan iyon.“I am c-confused.” Mahina siyang natawa. “Paano ito nangyari? Paanong wala akong alam ito. Kahit si Bernardo, h-hindi rin niya alam ang tungkol dito
Loreen’s body buried in her coffee shop’s small yard. Sa mala berdeng damo na naroon, walang mag-aakala na bagong bungkal ang lupang naroon kung nasaan nakalibing ang bangkay niya.Dinadaanan ng mga customers at ng mga empleyado ang parteng iyon, na parang wala lang.That kind of death na walang sinumang magnanais.Si Roween, nasa malayo, nakatingin.This is his revenge for his daughter.Binalik lang niya kay Loreen lahat ng binigay nito kay Rainah.And now, habambuhay hahapin ng mga Floreza kung nasaan ito, without knowing na nasa malapit lang ito, patay na.“Let’s go to the hospital. I need to visit her before I leave.” Sabi niya kay Neo at agad na nagmaneho patungo sa hospital kung nasaan si Beth.Pero hindi sila makalapit dahil nagdagdag si Lucio ng security. Halos lahat napapaligiran na ang buong building.Kaya nanatili na lamang siya sa kaniyang sasakyan.Mahihirapan na siyang lapitan si Beth at ayaw niyang masira ang plano na nilatag niya.As much as possible, gusto niyang mana
“Wife,” pagtawag ni Lucio kay Beth pagdating niya sa bahay ng dad niya.Nagmamadaling tumayo si Beth at lumapit sa kaniya. HumaIik siya sa labi nito at niyakap. “How’s dad?”“He’s fine pero hinahanap niya si Loreen.”Natahimik siya doon. Kahit pa kapatid niya ito, the fact remains na gusto niya itong pagbayarin sa ginawa nito sa asawa niya.“Galit ka pa rin ba sa kaniya?” tanong ni Beth nang mapansin na natahimik siya.“Hangga’t hindi ko sila nakikita ni Nice, hindi mawawala ang galit ko sa kanila.”Sumandal si Beth sa dibdib niya, tila pinapakalma siya.“Kung makita man natin sila, ipakulong mo nalang sila. Huwag mo ng ilagay sa kamay mo ang batas.”Huminga siya ng malalim dahil hindi niya alam kung kaya ba niyang makontrol ang sarili niya oras makita niya ang kapatid niya at si Nice.“Bakit ang tahimik mo? Magpromise ka sa akin hubby.”“Wife.” Nahihirapan na aniya. Paano siya mangangako?Isipin pa lang niya ang mukha ng dalawa ay kumukulo na ang dugo niya.Humarap si Beth sa kaniya
Hindi inakala ni Loreen na mararanasan niya ito lahat. Wala sa isipan niya dati na aabot siya sa puntong ipagsisigawan nalang niya na sana ay tapusin na ang buhay niya.The pain is draining her. Sa sobrang sakit, pakiramdam niya ay impyerno ang napuntahan niya.Sobra siyang napakampante na hindi mabubunyag ang tungkol kay Rainah.Ngayon, she’s paying the price.Habang nasa loob siya ng kwarto, may lalaking pumasok at inabutan siya ng tubig.“Please, t-tulungan mo ‘ko.” Pagmamakaawa niya. “K-Kahit magkano, magbabayad ako. Triple pa ang bayad ko sa sahod niya sayo.”Tumingin sa kaniya yung lalaki pagkatapos ay napailing.“Bakit ko naman tutulungan ang isang criminal na kagaya mo?”Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Gusto pa niyang mabuhay.“Please… Hindi ko sinasadya ang nangyari kay Rainah. Maawa naman kayo sa akin oh.”“Mali ka ng binangga.” Sabi no’ng lalaki sa kaniya. “Hindi mo dapat pinakialaman si Ms. Rainah.”“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kamuntikan na niya akong pinatay.
A week after…No sign of Loreen, no sign of Nice… as if they both are gone.Sa pagkawala ni Loreen, naging sanhi iyon para bumagsak ang katawan ni Sr. Floreza.Nag-aalala si Beth habang nakatingin dito na nakaratay sa kama. Mag-iisang linggo na itong may sakit dahil sa stress at pag-aalala kay Loreen.Pansamantala muna siyang bantay dito dahil marami pang inasikaso si Lucio lalo’t kaliwa’t kanan ang negosyo na inaatupag niya ngayon.Napatayo siya nang makitang nagmulat ng mata ang senior.“D-Dad,” agad niya itong nilapitan.Tumingin ang senior sa kaniya. “Is there no sign of my daughter?”“Wala pa, dad.”Makikita ang pagdaan ng lungkot sa mukha ng senior. Hindi na niya alam saan niya hahanapin ang anak niya.Kita sa CCTV footage ang ginawang krimen ni Loreen at Nice at kita rin ang pagtakbo ni Loreen palabas.Pero kahit anong hanap nila dito, wala na silang makitang bakas nito.“I’m sorry. I know it’s been hard for you.” Sabi ng senior kay Beth. “But I cannot help it. She’s still my da
Tumulo ang luha ni Leah.Dahil likod, braso at hita ang nasaksak ni Nice kanina, nagkaroon pa siya ng oras para harapin ito.Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na siya nanghihina.Nanlalabo na ang paningin niya. At hindi niya mapigilang hindi umiyak dahil alam niyang hindi niya na maipagtatanggol ang kapatid niya.Nagtataka siya bakit nakalagpas sila Nice sa security. She wondered anong nangyari sa labas. “Stop hoping for back-up. Patay na lahat ng iniwan ni Lucio sa labas.” Sabi ni Loreen. Tinulak siya ni Nice kaya nakawala ito sa harapan niya.Tumingin siya kay Loreen kung saan nakatutok pa rin ang baril sa kaniya.“Ako nalang ang patayin mo, huwag na ang kapatid ko.” Pagmamakaawa niya.Tumawa si Loreen.“Ikaw at si Beth, malaki ang ginawa niyong kasalanan sa pamilya namin. That wench ruined my family. Lucio crushed Joliever’s leg because of her at IKAW! ANONG KARAPATAN MO PARA SIRAIN ANG PANGALAN NG PAMANGKIN KO? YOU PUT OUR FAMILY NAME IN SHAME!”“Kill that b*tch Loreen!” Sab
Pagkapasok ni Leah sa loob ng kwarto ni Beth, nakita niya itong nagpapahinga sa kama pero gising.“Leah?” gulat na gulat ito at hindi makapaniwala na nakita siya nito.Agad siyang tumakbo at niyakap ang kapatid. “I’m sorry.” Unang sinabi niya.“Huh? Pero bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang mali na ginawa.”“Sa video. Alam kong napanood mo na yun.”Huminga ng malalim si Beth. “Iyon ba ang dahilan kung bakit umiyak ka noon?”Tumingin siya sa sahig, nahihiyang salubungin ang mga mata ni Beth.“Isa yun sa dahilan. Matapos kong malaman na ama ko si Bernardo, nagpatong-patong yung guilt ko. Ayoko kasi masira ang friendship natin kaya natakot ako.”“Well, hindi ko sasabihing hindi ako nasaktan kasi umiyak ako nong nakita ko yung video na yun noon. Pero kung titignan, naging eye-opener ko yun noon para humiwalay ako sa kaniya.”Nag-angat siya muli ng tingin.“Bago pa yung video, alam ko na talagang nagloloko si Joliever sa akin, wala lang ebidensya. Kaya kahit ilang ulit na akong nasak