Continuation.. “Where are you now? Office or sa Cafe mo?” Tanong niya ng makarating sa Gazebo at makaupo doon. “Office. Bukas pa ako pupunta sa Cafe.” “I see, I want to see your Cafe. Next time I will bring grandpa and Gia there.” Malambing nitong turan. Nawala na ang pagkabusangot ng mukha nito. “Sure. But for now hindi muna ha?” Parang batang tumango naman ito. Napangiti ako. This is what I like about Giovanni. When he comes to me or when it's just the two of us, he shows me this side of him. “But can I come to your condo later? I want to see and hug you. It's been two days and I miss you so much.” Here we go again. Umiling ako kay Giovanni. Hindi siya pwedeng pumunta sa condo dahil ngayon ang uwi ni Logan. Baka maisipan ng lalaking ‘yon na sumaglit sa unit ko. “I'm sorry hubby pero hindi pwede, ngayong araw ang uwi ni Logan. Tumawag siya sa akin kanina. We need to be careful.” Ang kaninang mukha niya na mahinahon ay biglang napalitan n
Pareho silang naka-side view sa gawi ko. Kahit ganon, kilalang kilala ko ang pustura ng asawa ko. Seryoso silang nag-uusap. Siguro business meeting kaya nandito si Hubby. Pormal na pormal silang dalawa ‘e. Saka ang seryoso ni Hubby habang kumakain sila at nag-uusap. Yeah, baka nga. Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano. Baka kliente lang at may mahalaga silang pinag-uusapan.. Aalisin ko na sana ang tingin sa kanilang dalawa ng makita kong itaas ng babae ang hawak na tinidor na may pasta saka nilapit sa tapat ng bibig ni hubby! What the hck?! Bakit may subuan na nagaganap?! Hindi ba't lunch meeting ito? O, baka naman lunch date talaga?! Lintek na! Don't you dare to eat that Giovanni Alastair! Isasalaksak ko sa ‘yo ang tinidor na ‘yan. Galit kong sambit sa aking isip. Pero gano'n na lang ang gulat ko ng isubo iyon ni Hubby. Tuwang tuwa naman ang babae, pinunasan pa nito ang gilid ng labi ng asawa ko dahil may sauce na naiwan. Ayaw ko sana mag isip ng kung ano ka
Nang makabalik ako sa kompanya hindi ko rin nagawa ng maayos ang trabaho ko. Inis na inis ako. Buti na lang hindi nag tagal dito si Logan ng ihatid niya ako. Nakipag kwentuhan lang siya sa akin saglit tungkol sa nangyari kanina tapos umalis na. May pupuntahan pa daw siya kaya iiwan na muna niya ako. Kanina pa rin natawag si Giovanni pero hindi ko sinasagot kahit ang text nito. Naka-silent na rin ang cellphone ko dahil naririndi lalo ako. Hanggang sa mag-uwian na ay bad mood pa rin ako. Nagpaalam lang ako sa sekretarya ko saka dali daling sumakay ng elevator. Gusto ko ng umuwi at makapag pahinga. NAKARATING agad ako sa condo building buti na lang wala pang heavy traffic kung hindi mas lalo akong mababad-trip. Bumaba agad ako sa kotse ko saka naglakad papasok. Habang lulan ng elevator at nakatingala sa numerong nasa taas ay napabuntong hininga ako. Hindi ko gusto ang bigat ng nararamdaman ko. Nang makarating sa tamang floor ay agad akong lumabas. Habang nag
NATASHA Sa mga nakalipas na araw napansin ko na tila abalang abala si Logan. Bibihira na rin kami mag kita ngayon. Ewan pero kinakabahan ako sa kakaibang kinikilos niya. Parang tungkol sa underground ang pinag kakaabalahan nito. Gusto ko sana may masagap na balita kaso hindi na ito pala kwento ngayon. Parang nag iba ang lalaki sa nakalipas na araw. Gusto ko man mag tanong pero pinipigilan ko ang sarili dahil baka makahalata ito. Si Giovanni din ay bibihira tumawag at mag text ngayon. Abala rin ito sa pag tulong kay Lolo J para alamin kung sino ba talaga ang pumatay sa mga magulang niya. Malapit na malapit na raw sila sa katotohanan. Konting-konti na lang daw. TUMINGIN ako sa orasan na nakasabit sa wall dito sa sala, It's already 9pm pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Siguro magbabasa muna ako ng email. Atleast mababawasan ang trabaho ko bukas. Tumayo na ako para magtungo sa aking kwarto para kunin ang laptop. Kinuha ko rin ang cellphon
DAHAN DAHAN kong minulat ang mga mata, sumalubong sa akin ang sariling repleksyon sa kisameng salamin. Nanlaki ang mga mata ko saka napabalikwas ng bangon. Napasapo agad ako sa aking ulo dahil sobrang sakit non. Medyo nahihilo pa rin ako. Dang, bakit ganito kasakit ang ulo ko? Hanggang sa unti-unti kong maalala ang lahat! Si Logan! Geez, saan niya ako dinala? Nasaan ako ngayon? “You're finally awake.” Napaangat ako ng mukha ng marinig ang malalim na boses ng nagsalita sa gilid. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang presenteng nakaupo sa couch si Logan habang nasa dibdib ang mga kamay at naka dekwatro ang mga paa. Napansin ko ang isang bote ng alak sa gilid nito na ubos na. “Eat your breakfast then mag asikaso kana. The chopper will arrive anytime now to take us to the airport. It is better that we travel in the air so that your husband does not interfere with us.” Seryoso nitong turan saka tumayo at humakbang patungo sa akin. Wala sa sarili na uma
“Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas
“Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang
Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k