"HAY, NAKU! kaya ang hirap magtiwala sa mga pogi't mayayaman, e. Kapag nakita ko talaga 'yang dalawang 'yan, pagbubuhulin ko sila. Mga bwesit!" nang gigigil na sabi ni Maica matapos nitong malaman ang nangyari sa pagitan namin ni Kevyn. Kasalukuyan kaming nandito sa silid ko kasama si Oscar. Kanina pa ngang nang gigigil 'tong si Maica."Para namang ang tangkad mo at kayang-kaya mo ang mga iyon. Mas matangkad pa kaya sa 'yo si Jenicka. Baka ikaw pa ang ibuhol no'n sa laki ng katawan mo," banat naman ni Oscar na natatawa.Nagsalubong ang kilay ni Maica na nilingon si Oscar. "Ano bang problema mo sa akin, ha? Inaano ba kita? Bakit mo ako laging kinokontra?" inis na bulyaw ni Maica kay Oscar. Nginusuan pa niya ito.Kahit pa paano gumagaan ang pakiramdam ko kapag nandito sila. Pansamantala kong nalilimutan ang sakit na nadarama ko. Kahit pa paano nakakangiti ako at hindi umiiyak. Simula kasi nang mangyari iyon, halos araw-araw akong umiiyak. Sa tuwing naalala ko ang nangyari, bigla na lang
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising. Naisip ko na dapat gumawa ako ng paraan para kalimutan si Kevyn dahil pakiramdam ko'y mababaliw ako kakaisip sa kaniya. Kailangan kong gumawa ng mga bagay na magiging daan para kahit pa paano makalimutan ko siya. Hindi pwedeng nakakulong lang ako sa kwarto ko dahil mas lalo lang akong nalulungkot at hindi makakalimot.Pagkalabas ko ng banyo, dumeretso agad ako ng kusina para magluto ng almusalan. Tulog pa silang lahat. Sinangag ko ang bahaw at nagprito ng tuyo at itlog. Ganoon naman kasi ang palagi naming almusal. Nag-init na rin ako ng tubig para sa paggising nila magtitimpla na lang ng kape.Isang oras pa ang lumipas at nagising na silang lahat. Lahat sila nagulat at nagtaka ng makita ang hapag na may pagkain na. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa kanilang lahat."Ate, ikaw nagluto niyan?" gulat na tanong ni Jastro.Nakangiti akong tumango sa kanila. Napangiti naman sila Mama at Papa. "Masaya kami, anak para sa'yo. Tama 'yan, kailangan mong ituo
TAHIMIK kong pinagmamasdan ang berdeng bundok kung nasaan ako. Yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko na animo'y niyayakap ako niyon at nagbibigay sa akin ng comfort. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto na rin ako sa parang na ito. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Baka mabaliw lang din ako sa bahay kung mananatili na lang ako roon.Bumaling ako kay Happy Tree. Dito sa lugar na 'to nag-umpisa ang lahat. Dito ko siya unang nakita. Sobrang sungit niya no'n. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga tagpo namin noon. Dito rin niya inamin na mahal niya ako at mahal ko siya. Maraming alaalang nabuo sa lugar na ito na alam kong nakaukit na sa puso at isip ko. Aminin ko man o hindi, nami-miss ko si Kevyn at gusto ko pa rin siyang makita. Hindi ko magawang kalimutan siya at hindi ko rin magawang alisin sa isip ko ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Sobrang hirap niyang kalimutan."Mara!"Napailing ako. Bakit ba naririnig ko na naman
NAGISING AKO mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pumikit muli ako kasabay nang aking pag-inat. Bumungad sa akin ang madilim na paligid. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang bigat ng pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Bumaba ako ng katre at sinuot ang tsinelas. Nadatnan ko sila Mama na kasalukuyang nag-aayos ng hapag."Mabuti naman at nagising ka na. Hali ka na't kumain," ani Mama ng makita akong papalit sa hapag."Okay ka lang ba, anak? Sabi ng mga kapatid mo umuwi ka daw na umiiyak kanina. May nangyari ba?" usisa naman ni Papa. Biglang naalala ko ang tagpo namin ni Kevyn sa bukid kanina, kung saan tinapos niya ang lahat. Kung saan hinayaan ko siyang umalis kahit ayaw ko.Yumuko ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nandiyan na naman ang labis na sakit at lungkot. "Ma, Pa, akala ko magiging masaya na ako kapag tinigilan na ako ni Kevyn. Akala ko magiging okay na ako, pero hindi. Mas lalo akong nasasaktan." Hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala. Gusto ko ring
DALAWANG LINGGO na ang lumipas simula ng tuluyan akong iwan ni Kevyn. Sa dalawang linggong 'yon, umasa akong makikita ko siya sa harap ng bahay na nakangiti. Na maririnig ko siyang kumakatok. Umaasa akong pagbukas ko ng pinto, mabubungaran ko ang gwapo niyang mukha na nanabik sa akin. Pero umasa lang ako at hindi 'yon nangyari. Halos araw-araw akong umiiyak at parang hindi nauubos ang mga luha ko.Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na tanda kung kailan ako huling lumabas ng silid kong ito. Palagi lang akong nandito. Para akong may sakit na inaalagaan na lang. Wala kasi akong ganang gumalaw at tumayo. Masyado pang masakit. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si Kevyn at hindi na babalik pa."Ate, kailangan mong lumabas, may naghahanap sa'yo."Napalingon ako kay Melay. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Para ring mahalaga ang taong naghahanap sa akin dahil bakas ang gulat sa mukha niya. Agad akong napatayo. Baka si Kevyn ang nandiyan. Baka babalikan na niy
Kabanata 63Kevyn's POVTAHIMIK AKONG nakaupo sa swiver chair sa opisina ko habang nilalaro sa aking daliri ang isang lapis. Ilang linggo na ako dito sa Maynila at sobrang nami-miss ko na si Mara. Sana mapatawad niya ako at muling bigyan ng pagkakataon. Totoo lahat ng sinabi ko sa kaniya. Hinalikan ako ni Jenicka dahil nakita niya si Mara na parating. Nagalit ako kay Jenicka at muntik ko na siyang saktan. Si Mommy naman, hindi nakialam dahil kasalanan ko daw at ayusin ko daw 'tong mag-isa. Mahal na mahal ko si Mara at masakit sa akin na mawala siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman 'to.Pero malapit ko na siyang makitang muli. Babalik ako at muling hihingi ng tawad. Akala ko kaya ko siyang iwan at hayaan na lang pero hindi ko kaya. Mahirap at labis akong nasasaktan. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Siya ang nasa isip ko habang binabangon ang kompanyang para sa kinabukasan naming dalawa. Gagawin ko ang lahat para muli ko siyang makuha."Kevyn, pumayag
(Maica and Oscar Story)Maica's POV"OH! Ano'ng ginagawa mo rito, Oscar?" nagtataka kong tanong nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich habang may bitbit itong plastik na ulam ata ang laman. Bumili ba siya ng ulam?Napakamot sa noo si Oscar at bahagya siyang yumuko. "Uhm!""Anong uhm?" kunot-noo kong tanong."Uhm!" ulit niya at inabot sa akin ang hawak nito. "Binilhan na kita ng pagkain dahil pasado ala-una ng hapon pero hindi ka pa rin kumakain," nahihiya niyang sabi na hindi makatingin sa akin.Natigilan ako at tiningnan siya. Kumunot pa lalo ang aking noo. Ano'ng nakain nito ni Oscar para bilhan niya ako ng pagkain? Kanina pa ba siyang nandito at alam niyang hindi pa ako kumakain?"T-teka nga, Oscar paano mo nalamang hindi pa ako kumakain, huh?" usisa niya.Saglit na napatingin siya sa akin pero kapagkuwa'y tila naguluhan na siya kung saan babaling. Hindi na siya makatingin sa akin. "Ahm! K-kasi ano...ahm! N-namili kasi ako kanina at napatambay diyan sa labasan kaya alam kong h
Maica's POV"SERYOSO ka na ba talaga, Oscar, liligawan mo ako?" seryosong tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi. Katulad nga ng sinabi niya, palagi niya akong sinusundo sa trabaho dahil nag-aalala siya kapag umuuwi ako ng gabi.Kumunot ang noo niya. "Bakit sa tingin mo naglalaro lang ako? Kilala mo ako, Maica at alam mong hindi ako marunong maglaro," balik nito.Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang yumuko. Alam ko naman na hindi marunong maglaro si Oscar, palagi itong seryoso sa lahat ng bagay kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na kung ano'ng pagmamahal ang mayroon siya sa akin.Bumuga ako ng hangin. "Alam ko 'yon, Oscar kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na baka akala mo lang mahal mo ako dahil nasaktan ka kay Mara," pagtatapat niya.Huminto si Oscar at hinarap ako. "Iyon ba ang iniisip mo? Maica, makinig ka, ok? Tama ka, nasaktan ako kay Mara dahil minahal ko siya pero alam ko ang ginagawa ko at nararamdaman ko para sa iyo. Hindi kita ginagamit bi
Mara's POV"HANDA ka na ba, my loves?" tanong ko habang inaayos ko ang suot ni Kevyn na tuxedo. Ito ang araw na hinihintay niya para makakuha ng investors sa kompanya para maibangon iyon mula sa malaking pagkalugi. May presentation si Kevyn sa harap ng maraming investors at kailangan niyang ma-convince ang mga ito na mag-invets sa project nila ni Nicko.Ngumiti si Kevyn. "I'm ready, my loves. Nandito ka kaya alam kong kaya ko, you're my strength at wala akong hindi kayang gawin dahil sa iyo," seryosong aniya.Inayos ko ang necktie niya at ngumiti. "Basta kailangan mong galingan, ok? Naniniwala naman ako sa iyo na kaya mo dahil magaling at mahusay ka, alam naming lahat 'yan." Pinagpag ko pa ang balikat niya. "Palagi mong ginagawa ang best mo para sa iba at sa pagkakataong ito, gawin mo ito para sa sarili mo."Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha habang nakangiti pa rin. "Kung may babaeng investors, for sure na makukuha mo na agad sila dahil napakagwapo mo," pagbibiro ko pa.Ngumuso siya
Mara's POVNAGULAT na lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko habang nagluluto ako nang almusal. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Kevyn sa Manila dahil sumama ako roon dahil may kailangan siyang tapusin sa kompanya."Hmm! Ang bango naman niyan, my loves," ani Kevyn.Natawa ako sa ginawa niya. "Sino'ng mabango, ako o 'yong pagkain?""Syempre...'yong pagkain," sabi niya.Sumimangot ako. "Aww! Hindi ka kakain ng umagahan—""Joke! I'm just kidding, Mara ikaw ang mabango for me, syempre." Napaigtad na lang ako nang bigla niyang paghahalikan ang leeg ko. Nakiliti ako kaya kumiling ako sa kanan at kaliwa. Hindi ko na rin napigilan ang mapatawa dahil sa ginagawa niya."Kevyn, ano ba?! T-tama na, nakikiliti ako," saway ko sa kaniya. "S-saka nagluluto ako," dahilan ko. Pilit akong lumalayo sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas dumikit ako sa kaniya."I just can't help myself but to kiss you, my loves," aniya nang huminto siya sa ginagawa. Kapagkuwa'
Maica's POV"MARA?!" gulat kong sigaw nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich kasama si Kevyn. "Kevyn!" aniko. Mabilis kong tinakbo si Mara at niyakap siya ng mahigpit. Na-miss ko siya dahil ilang linggo rin siya nawala nang sumama siya sa Maynila para samahan doon si Kevyn. "OMG! Ikaw na ba 'yan? Parang Tatlong linggo lang nang pumunta kang Maynila, ah, bakit bigla kang gumanda?" puna ko habang sinusuri siya.Natawa si Kevyn at Mara. "Sira, ano'ng gumanda ka riyan, eh, dati pa naman akong maganda," confident niyang turan. "Hindi ba, Kevyn?" Naghanap pa siya ng kakampi.Kumibitbalikat lang si Kevyn at kunyaring tumitingin sa mga paninda.Natawa ako. "Pati nobyo mo ayaw nang maniwala sa iyo." Sumimangot si Mara. "Ayaw lang niyang aminin na nagandahan siya sa akin nang makita niya ako noon. Siya nga 'tong unang na-in love sa akin, eh," patuloy ni Mara.Tiningnan ko si Kevyn habang nakapamulsa ito. Sumilay ang ngiti sa labi nito at talaga namang gwapo ito, iyon nga lang naunahan ako