Share

Kabanata (4)

last update Last Updated: 2022-05-27 11:32:02

Kinabukasan…

Ehdrey’s Point of View

Excited na akong ipagtapat ang lahat ngayon kay Babe na magkakaanak na kaming dalawa. Siguro naman magkakabati na kami ngayon kapag nalaman niya ang tungkol do’n.

Masaya kong hinanda lahat ng mga paborito niyang ulam na niluto ko para pagdating niya ma-surprise siya. Pinaganda ko na rin ‘yung table namin, ‘yung tipong para kaming magdi-date kahit dito lang sa bahay. May mga petals sa buong paligid at lights.

Tinignan ko ang oras. Napangiti ako dahil maya-maya lang darating na siya. Ganitong oras kasi siya umuuwi ng bahay.

*****

Zyren’s Point of View

“Tama na! Ayoko na. Nahihilo na ako kaya uuwi na ako.”

Sabi ko sa mga nakainuman ko habang naglalakad ng pagewang-gewang palabas ng Bar.

Tinutungo ko ngayon ang kotse ko sa parking lot nang biglang kumirot ang ulo ko. “S* Nahihilo ako.” Huminto muna ako sandali. Tapos nang makita kong malapit na iyong kotse ko rito naglakad na ulit ako.

Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at pansamantalang tumungo sa manibela. Nang tignan ko ang oras hating gabi na pala kaya minabuti ko ng umalis dito. Kaya ko pa naman magdrive kahit lasing na lasing ako.

Ilang minuto ng pagmamaneho, nakarating naman ako ng maayos sa bahay pero nahihilo na talaga ako. Gusto ko nang matulog. Pagkapasok ko sa loob ng bahay nakita ko ang asawa ko na nakatungo sa mesa at mukhang natutulog.

Hindi ko alam kung anong mayroon pero ang dami niyang hinanda. “Babe,” Ginising ko siya.

Nang magising siya agad niya akong nilapitan at niyakap. “Babe, bakit ngayon ka lang?” Tanong niya pero bigla niya rin akong binitawan. “Bakit amoy alak ka? Uminom ka na naman ba sa Bar?” Iretable niyang sabi.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil alam ko namang magtatalo lang ulit kami tungkol dito. Dumeretso nalang ako sa loob ng kuwarto namin at iniwan ko na siya ro'n. Humiga na ako sa kama at pinikit ko na ang mga mata ko.

“Hoy Babe! Sino may sabi sa ‘yong uminom ka? Alam mo bang kan“ Hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi niya dahil inaantok na talaga ako.

Ehdrey’s Point of View

Sinundan ko siya sa loob ng kuwarto namin nang hindi niya pakinggan ang mga tinatanong ko sa kanya. Tinalikuran niya ako.

“Hoy Babe! Sino may sabi sa ‘yong uminom ka? Alam mo bang kanina pa ako rito naghihintay sa ‘yo dahil may importante akong sasabihin sa ‘yo, ha?!”

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na hindi siya sigawan. Bakit ba naman kasi ako hindi magagalit sa kanya? Uminom na naman siya. Ayon ang pinakakinaayawan ko sa kanya, ‘yung umiinom siya sa Bar sa tuwing may problema siya, kapag nagkakaaway kaming dalawa. Okay lang naman sana uminom kung ang mga kaibigan niya ang mga kainuman niya, 'yung mga king, pero hindi naman. Malay ko ba kung may mga nakakainuman siyang mga babae ro'n tapos may mangyari sa kanyang hindi maganda at ayon ang iniiwasan ko. Ayon ang kinaaayawan ko.

Nakita kong pinikit na niya ‘yung mga mata niya habang nakahiga sa kama. “Babe! Ano ba? Nakikinig ka ba, ha?! Gumising ka nga riyan!”

Mukhang useless lang kahit na sumigaw pa ako rito dahil tinulugan na niya ako. Napaluha nalang ako sa pangyayari.

“Nakakainis ka naman Babe, e. Bakit ba naglasing ka? Kung kailan namang sasabihin ko na sa ‘yo ‘yung totoo bigla ka namang nagkakaganito?” Napahikbi ako.

Hinawakan ko ‘yung tiyan ko. “Anak, pasensya na kung naiyak si Mommy ngayon, ha? Pati ikaw nadadamay pa. Naiinis lang kasi ako sa Daddy mo.”

Kinausap ko ang baby namin sa tiyan ko sabay nagpunas ng luha.

Lumabas nalang ako ng kuwarto at iniwan ko siya ro’n. Niligpit ko nalang ‘yung mga pagkaing niluto ko para sa kanya. Naiinis talaga ako. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha. Makikipagbati na nga ako tapos gagawin pa niya ‘yung kinaaayawan ko. Ayokong-ayoko talaga siyang umiinom.

Nang matapos kong ligpitin lahat ng mga niluto ko, minabuti kong ‘wag nalang tumabi sa kanya. Sa sofa nalang ako nahiga.

*****

Darren’s Point of View

Tumatawag na naman si Mommy pero this time, hindi ko na siya sinagot. Sigurado akong mangungulit na naman siya na mas paagahin ko pa ‘yung flight ko papuntang Canada.

Naisipan kong patayin nalang itong cell phone ko at tumutok sa papers na hawak ko nang may biglang kumatok kaya napatingin ako rito.

“Come in.” Turan ko.

Bumukas ‘yung pintuan at bumungad sa akin ang lalaki kong sekretarya. Dati nung hindi pa nagiging kami ni Sophia, lahat ng mga staff ko rito sa office ko lahat mga babae, pero simula nga nung naging kami napalitan na iyon ng mga lalaki. Ang laki ng pinagbago rito ngayon.

“Sir, good morning po.” Bati niya sa akin.

“Same to you.” Naghihintay lang ako sa sasabihin niya.

“Sir, nariyan po ‘yung asawa ni sir Zyren, si ma’am Ehdrey po."

Napaisip ako sa sinabi niya. Anong ginagawa rito ni Ehdrey?

“Ah, okay, papasukin mo siya.”

“Okay po, Sir.” Umalis na siya kaya muli kong binalikan ‘yung mga pinipirmahan kong papers.

Ilang minuto pa ang lumipas, nakita ko na nga si Ehdrey na pumasok dito sa loob ng office ko kaya napatingin ako sa kanya. Nang pagmasdan ko ‘yung mukha niya, bakas sa mukha niya na may dinadala siyang malaking problema. Agad ko siyang nilapitan at pinaupo ko siya sa sofa. Magkatabi kaming dalawa.

“May problema ba, Ehdrey?” Pauna kong tanong. Nakayuko lang siya habang nakatitig naman ako sa kanya.

“Kaya ako nagpunta rito kasi gusto ko lang sana malaman kung may nasasabi ba sa 'yo si Zyren?”

“Nasasabi na ano? Nag-away na naman ba kayo?” Tumango siya.

Maya-maya pa nakita kong pumatak ‘yung mga luha niya. “Ehdrey, ‘wag kang umiyak.” Agad akong tumayo. Kumuha ako ng tissue at inabot ko ‘yon sa kanya. “Bakit madalas na yata kayong nag-aaway? Ano bang problema?” Muli akong tumabi sa kanya.

“Gusto ko sanang malaman kung may nasasabi ba siyang dahilan sa ‘yo kung bakit madalas siyang nagagalit sa akin? Madalas kasing uminit ang ulo niya.” Sabi niya habang humihikbi. Bigla namang pumasok sa isip ko ‘yung pinag-usapan namin ni Zyren nung nasa bahay kami nina Ozu.

(“Alam mong gustong-gusto ko ng magkaanak ‘di ba? Kaya nga lagi akong nakamoves pero damn! Ayaw niyang magpagalaw. Ewan ko ba sa asawa ko ginagawa ko naman ang lahat.”)

“Ah, Ehdrey, bakit hindi mo nalang kaya ‘yan itanong kay Zyren? Mag-usap kayong dalawa. Pag-usapan n’yo ‘yung mga bagay na ayaw at gusto n’yo sa isa’t-isa para magkaliwanagan kayo. Para na rin maging maayos ‘yong pagsasama n’yo at hindi na kayo mag-away palagi.”

Umiling lang siya nang hindi at nagsimula na naman siyang umiyak.

“Darren, please, sabihin mo na sa akin. Hindi naman ako magagalit. Hindi ko sasabihin sa kanya na kinausap kita. Gusto ko lang talagang malaman kung ano ‘yung ikinagagalit niya.”

Halos magmakaawa siya.

“Pero kasi Ehdrey—“

“Please, Darren, sige na. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Baka sakaling makatulong ka sa problema namin.” Sabay hawak niya sa kamay ko at talagang nagmamakaawa siya. Nagkatitigan kami.

*****

Zyren’s Point of View

Pag-uwi ko ng bahay hindi ko inaasahang sasalubungin ako ng isang malakas na sampal ni Ehdrey na siya kong ikinagulat. Nakatitig lang ako sa kanya nang mapansin kong namamaga ang mga mata niya kakaiyak. Bigla kong nabitawan 'yung hawak kong isang boquet ng bulaklak para sana sa kanya.

Naguguluhan ko siyang tinignan. Alam kong nahihirapan na siya sa sitwasyon naming away bati kaya nga nagplano na ako kanina na makikipagkasundo na ako sa kanya pero ano na naman bang nagawa ko.

“Ayaw ko palang magpagalaw ha?!”

Bigla niya akong sinigawan saka siya humagulgol.

Napakunot-noo naman ako nang maalala ko ang salitang ‘yon. Iisang tao lang ang pinagsabihan ko tungkol dito.

“Ano ka ba naman, Zyren! Hindi mo ba naiisip ‘yung mararamdaman ko?! Bakit pati personal nating ginagawa sinasabi mo pa sa kaibigan mo?!” Galit na galit siya. Hinahampas na niya ako ngayon sa dibdib ko.

Halos matulala naman ako sa nalaman ko. Bakit sinabi ‘yon ni Darren sa asawa ko?

Sinasalag ko lang ‘yung mga panghahampas ni Ehdrey sa akin. “Ano? Wala kang masabi, ha?! Magsalita k—”

“Tama na!” Naririndi na ako kaya nasigawan ko na siya. Kinuha ko ‘yung vase na nasa tabi ko at binasag ko ‘yon sa harapan niya. “T*!” Mura ko.

Related chapters

  • I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)   Kabanata (5)

    Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magalit. Kay Darren ba? Kay Ehdrey? O sa sarili ko? Nahihiya akong humarap ngayon sa asawa ko. “B-Babe, hindi ko sinasadya. Maniwala ka. P-Patawarin mo ako.” Lumuhod ako sa harapan niya. Pilit akong nagmamakaawa. Baka kasi nakakababa iyon sa pakiramdam niya bilang isang babae. Hindi ko rin naman kasi alam na makakarating sa kanya 'yung sinabi ko kay Darren. Hindi ko sinasadya. “Bakit Babe?! Bakit mo ‘yon ginawa? Di mo man lang ba naisip na masasaktan mo ako? Alam mo bang hiyang-hiya ako kanina sa harapan ni Darren? Akala mo hindi ko malalaman, ha?!” “F*! Hindi ko naman alam na sasabihin niya ‘yon sa ‘yo! Ang akala ko usapan lang namin ‘yon dahil kaibigan ko siya! Best friend ko si Darren pero bakit pa niya kailangang ipaalam pa sa 'yo ang tungkol do’n?!” Hinagis ko ang lahat ng bagay na nakikita at nahahawakan ko dahil sa sobrang galit ko kay Darren. “Babe, tama na!” Gusto niya akong lapitan para awatin pero natatakot siya. “Please! Tama na!

    Last Updated : 2022-05-27
  • I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)   Kabanata (1)

    Sophia's Point of View Halos mapaluha ako ngayon dahil sa nakikita kong kapaligiran. Punong-puno kasi ng mga bulaklak itong loob ng simbahan. May hawak din akong wedding bouquet habang nakasuot ng wedding gown. Feel na feel ko ngayon ang paglalakad sa aisle. Bawat segundo dinadama ko. Sa tuwing mapapasulyap naman ako sa mga bisita namin napapangiti ako, pero sila naluluha, 'yung iba naman tuwang-tuwa. Malapit na ako ngayon sa pinakaunahan nitong simbahan kung saan nandon ang pari at sa wakas, ang lalaking matagal ko nang gustong makaisang dibdib na si Darren Min—na kilala bilang isang chick magnet king. Napakaguwapo niya ngayon. Lahat ng suot niya ay kulay puti. Hindi ko maiwasang hindi kiligin lalo na at mahahagkan ko na siya mamaya at malapit na kaming maging isa. Finally, 'yung pinakamatagal ko nang inaasam-asam na mangyari ito na talaga. Matutupad na. "Yes, I do—" Biglang napamulat ang mga mata ko at maputol ang sasabihin ko nang matagpuan ko ang sarili kong nananaginip lang

    Last Updated : 2022-05-27
  • I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)   Kabanata (2)

    Zyren's Point of View Nandito kami ngayon sa bahay nina Ozu at Crystal dahil sini-celebrate namin ngayon ang birthday ng twins nila. Lahat kaming mga king kompleto ngayon, pati mga asawa namin. "Darren," Napatingin kami kay Ozu nang tawagin niya si Darren. "malalim mga pagtingin mo kay Sophia?" Tanong niya. Napatingin kaming lahat ngayon sa kinaroroonan nina Sophia, Ehdrey, Jamie at Crystal habang nilalaro nila ang mga anak nina Ezikiel at Ozu. Samantala magkakatabi naman kami ng mga king at nag-iinuman. "Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya kung kailan ang flight mo?" Suhesyon ko. Tumikhim naman ng alak si Darren bago siya sumagot. "I have nothing to say." Sabi niya at muling sinulyapan si Sophia. "Mas maganda kung sabihin mo na sa kanya ang totoo kaysa nahihirapan ka ng ganyan. Malamang nakakahalata na rin si Sophia sa mga ikinikilos mo." Turan naman ni Ezikiel. Nakatingin lang kami ngayon kay Darren pero tahimik lang siyang nakatingin sa hawak niyang alak. "Pinahihirapan mo an

    Last Updated : 2022-05-27
  • I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)   Kabanata (3)

    Ehdrey’s Point of View“Babe, please, ‘wag ngayon.” Hinawi ko si Zyren nang bumababa na ang mga paghalik niya sa akin.“F* Babe!” Bigla niyang sigaw na siya kong kinagulat. Takot na takot akong napabangon habang nakatitig sa kanya. Napamura na kasi siya at first time niya lang gawin sa akin ‘yon ngayon.“Babe, kasi masama ang pakiramdam ko.“ Mahinahon kong sabi.“Ayan naman palagi ang idinadahilan mo 'di ba?!” Sa tono palang niya ramdam kong magkakagalit ulit kami kahit kababati lang namin kanina pero kasi tinatamad ako ngayon. Parang wala ako sa mood gawin 'yung kagustuhan niya. Parang gusto ko nalang matulog at magpahinga."Babe, intindihin mo naman sana ak—"“Palagi naman 'di ba?! Babe, tell me, kanino ko ba dapat ginagawa ‘to? ‘Di ba sa ‘yo lang? Because you are my wife and this is your responsibility to me as your husband!” Nakayuko lang ako at tumatango habang nagagalit siya. “Kaya nga kita pinakasalan at pinili para rito!” Dugsong pa niya pero hindi ko nagustuhan iyong huli niy

    Last Updated : 2022-05-27

Latest chapter

  • I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)   Kabanata (5)

    Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magalit. Kay Darren ba? Kay Ehdrey? O sa sarili ko? Nahihiya akong humarap ngayon sa asawa ko. “B-Babe, hindi ko sinasadya. Maniwala ka. P-Patawarin mo ako.” Lumuhod ako sa harapan niya. Pilit akong nagmamakaawa. Baka kasi nakakababa iyon sa pakiramdam niya bilang isang babae. Hindi ko rin naman kasi alam na makakarating sa kanya 'yung sinabi ko kay Darren. Hindi ko sinasadya. “Bakit Babe?! Bakit mo ‘yon ginawa? Di mo man lang ba naisip na masasaktan mo ako? Alam mo bang hiyang-hiya ako kanina sa harapan ni Darren? Akala mo hindi ko malalaman, ha?!” “F*! Hindi ko naman alam na sasabihin niya ‘yon sa ‘yo! Ang akala ko usapan lang namin ‘yon dahil kaibigan ko siya! Best friend ko si Darren pero bakit pa niya kailangang ipaalam pa sa 'yo ang tungkol do’n?!” Hinagis ko ang lahat ng bagay na nakikita at nahahawakan ko dahil sa sobrang galit ko kay Darren. “Babe, tama na!” Gusto niya akong lapitan para awatin pero natatakot siya. “Please! Tama na!

  • I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)   Kabanata (4)

    Kinabukasan… Ehdrey’s Point of View Excited na akong ipagtapat ang lahat ngayon kay Babe na magkakaanak na kaming dalawa. Siguro naman magkakabati na kami ngayon kapag nalaman niya ang tungkol do’n.Masaya kong hinanda lahat ng mga paborito niyang ulam na niluto ko para pagdating niya ma-surprise siya. Pinaganda ko na rin ‘yung table namin, ‘yung tipong para kaming magdi-date kahit dito lang sa bahay. May mga petals sa buong paligid at lights.Tinignan ko ang oras. Napangiti ako dahil maya-maya lang darating na siya. Ganitong oras kasi siya umuuwi ng bahay.*****Zyren’s Point of View “Tama na! Ayoko na. Nahihilo na ako kaya uuwi na ako.” Sabi ko sa mga nakainuman ko habang naglalakad ng pagewang-gewang palabas ng Bar.Tinutungo ko ngayon ang kotse ko sa parking lot nang biglang kumirot ang ulo ko. “S* Nahihilo ako.” Huminto muna ako sandali. Tapos nang makita kong malapit na iyong kotse ko rito naglakad na ulit ako.Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at pansamantalang tumungo sa m

  • I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)   Kabanata (3)

    Ehdrey’s Point of View“Babe, please, ‘wag ngayon.” Hinawi ko si Zyren nang bumababa na ang mga paghalik niya sa akin.“F* Babe!” Bigla niyang sigaw na siya kong kinagulat. Takot na takot akong napabangon habang nakatitig sa kanya. Napamura na kasi siya at first time niya lang gawin sa akin ‘yon ngayon.“Babe, kasi masama ang pakiramdam ko.“ Mahinahon kong sabi.“Ayan naman palagi ang idinadahilan mo 'di ba?!” Sa tono palang niya ramdam kong magkakagalit ulit kami kahit kababati lang namin kanina pero kasi tinatamad ako ngayon. Parang wala ako sa mood gawin 'yung kagustuhan niya. Parang gusto ko nalang matulog at magpahinga."Babe, intindihin mo naman sana ak—"“Palagi naman 'di ba?! Babe, tell me, kanino ko ba dapat ginagawa ‘to? ‘Di ba sa ‘yo lang? Because you are my wife and this is your responsibility to me as your husband!” Nakayuko lang ako at tumatango habang nagagalit siya. “Kaya nga kita pinakasalan at pinili para rito!” Dugsong pa niya pero hindi ko nagustuhan iyong huli niy

  • I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)   Kabanata (2)

    Zyren's Point of View Nandito kami ngayon sa bahay nina Ozu at Crystal dahil sini-celebrate namin ngayon ang birthday ng twins nila. Lahat kaming mga king kompleto ngayon, pati mga asawa namin. "Darren," Napatingin kami kay Ozu nang tawagin niya si Darren. "malalim mga pagtingin mo kay Sophia?" Tanong niya. Napatingin kaming lahat ngayon sa kinaroroonan nina Sophia, Ehdrey, Jamie at Crystal habang nilalaro nila ang mga anak nina Ezikiel at Ozu. Samantala magkakatabi naman kami ng mga king at nag-iinuman. "Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya kung kailan ang flight mo?" Suhesyon ko. Tumikhim naman ng alak si Darren bago siya sumagot. "I have nothing to say." Sabi niya at muling sinulyapan si Sophia. "Mas maganda kung sabihin mo na sa kanya ang totoo kaysa nahihirapan ka ng ganyan. Malamang nakakahalata na rin si Sophia sa mga ikinikilos mo." Turan naman ni Ezikiel. Nakatingin lang kami ngayon kay Darren pero tahimik lang siyang nakatingin sa hawak niyang alak. "Pinahihirapan mo an

  • I'm Destined with The Chick Magnet King (Book 1)   Kabanata (1)

    Sophia's Point of View Halos mapaluha ako ngayon dahil sa nakikita kong kapaligiran. Punong-puno kasi ng mga bulaklak itong loob ng simbahan. May hawak din akong wedding bouquet habang nakasuot ng wedding gown. Feel na feel ko ngayon ang paglalakad sa aisle. Bawat segundo dinadama ko. Sa tuwing mapapasulyap naman ako sa mga bisita namin napapangiti ako, pero sila naluluha, 'yung iba naman tuwang-tuwa. Malapit na ako ngayon sa pinakaunahan nitong simbahan kung saan nandon ang pari at sa wakas, ang lalaking matagal ko nang gustong makaisang dibdib na si Darren Min—na kilala bilang isang chick magnet king. Napakaguwapo niya ngayon. Lahat ng suot niya ay kulay puti. Hindi ko maiwasang hindi kiligin lalo na at mahahagkan ko na siya mamaya at malapit na kaming maging isa. Finally, 'yung pinakamatagal ko nang inaasam-asam na mangyari ito na talaga. Matutupad na. "Yes, I do—" Biglang napamulat ang mga mata ko at maputol ang sasabihin ko nang matagpuan ko ang sarili kong nananaginip lang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status