Napalingon ako sa pintuan nang bumukas nakita ko si tito Edwin na palapit sa akin kaagad akong tumayo sa inuupuan ko.
"Tito.." tawag ko bigla sa Papa ng dati kong girlfriend bumuntong-hininga na lang ako dahil nakakaramdam ako ng kaba."Bakit kailangan mong umalis sa firm ko, Win ayaw mo bang makita at makasama ang apo ko?" tanong ni tito Edwin nang tumayo siya sa harapan ko."Gustong-gusto ko makasama ang anak ko, tito pero ayoko naman i-sakripisyo ang taong mahalaga sa akin." aniko na lang sa Papa nang dati kong girlfriend."Hindi ko ipipilit sa'yo na panagutan ang anak ko at pakasalan mo, hijo kung ano man ang buhay mo hindi ko papakialaman sinabi sa akin ng magulang mo na may karelasyon ka na at masaya na kayo hindi lang nila sinabi kung sino pero nakikita kong masaya ka na ngayon nakita ko ang saya sa mata mo noong may relasyon pa kayong dalawa ng anak ko ang gusto ko lang ipagmalaki mo lang ang apo ko." sambit ni tito Edwin sa akin nang masNagising ako nang may magsalita at bumungad sa akin si Mama na naka-taas ang kilay."Ano ang dahilan at gusto mo kami kausapin?" deretsahang tanong ni Mama hindi naman ako nagsalita kaagad at bumangon ako sa kama ko."Ma! Kagigising ko lang, pwede ba, kalma?" aniko at humikab pa ako sa harap ni Mama.Tinalikuran naman ako ni Mama at napapailing na lang ako bago sumunod sa kanya. Sinaluduhan ko si Papa nang mag-tagpo ang paningin namin at naglakad ako papunta sa kusina para mag-timpla ng tea hindi na ako madalas umiinom ng kape.Pinuntahan ko sila sa sala nang makita kong nanonood ng TV tumabi naman ako sa Papa ko nang samaan ako ng tingin ni Mama."Si kuya?" tanong ko na lang sa kanila nagsabi ako sa kuya ko na may sasabihin ako sa kanila."Mamayang gabi pa 'yon, ano ba ang sasabihin mo?" tanong na naman ni Mama sa akin at hindi pa rin ako nagsasalita."Nag-away ba kayo ni Light?" tanong ni Papa sa akin at kaagad akong u
Nang makarating kami sa event bumungad sa amin ang dami nang mga tao bumaba sa kanilang sasakyan at sinalubong naman kami ng media dahil kilalang actor si kuya Jirah at ako bilang singer. Ngumiti lang ako sa mga tao nang may tumawag sa pangalan ko kahit hindi na ako active may nakakakilala pa rin sa akin.Nang maglakad kami sa red carpet papasok sa loob kung saan idadaaos ang party. Sinundan lang kami ng mga media hawak ko si Mama habang nakasunod sa likod namin si Papa."Kumpadre!" tawag ni Papa sa kaibigan niya binati kami ng magulang nina Ging at ate Pam.Nabaling ang tingin sa amin ng ibang bisita nina tito Edwin at ng asawa nito. Ang iba kasi ang pamilya nila at ang kamag-anak nila.Kilala nila kami kaya bumati ako at ganun din si kuya Jirah kahit katabi nito ang asawa. Sumama ang magulang namin sa magulang nina Ging at ate Pam nabaling ang tingin namin nang may magsalita."Kamusta na kayong dalawa?" tanong ng kamag-anak nila sa amin
Natigilan ako ng yumakap siya sa akin nang mahigpit sa akin at hindi nagsasalita."Bakit...bakit..." aniya habang nakayakap sa akin hindi ko maintindihan kung hahawakan ko ba siya o hindi.Hindi naman ako nagsalita hindi ko din alam ang isasagot sa, bakit niya?!"Bakit nagsinungaling sa akin na may anak kayong dalawa ng babaeng 'yon?" bulong niya sa akin hindi pa rin nagsasalita para akong natigalgal sa sinabi niya.Alam kong hindi siya tanga para hindi niya ma-gets ang nakalagay sa projector."Nalaman ko lang noong nag-amok ang stalker ni Ging sa condo nila-dun ko lang nalaman ang totoo nilihim nila sa pamilya ko ang lahat," aniko sa kanya yumapos na lang ako hindi ko na napigilang umiyak sa harap niya.Nang lumayo siya sa akin nagka-titigan kaming dalawa bigla niya akong hinila nagpa-hila na lang ako sa kanya. Dinala niya ako sa parking lot kung nasaan ang motor niya. Dinala na lang niya ako sa isang restaurant kung saan wala g
Win/Ice POV10 years ago (part 1)Mula ng pumayag ako sa kanya na maging fake boyfriend niya para hindi na siya kulitin ni Helga naiinis naman ako sa kanya sa tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko nandun din sila ng mga kaibigan niya."Drake, pwede bang samahan mo ako sa library?" tanong ko sa kaibigan ko nasa football field kami ngayon dahil nanonood kami ng palaro niya."May pupuntahan kami ng buong team, bi kaya hindi kita masasamahan," wika ni Drake sa akin nabaling naman ang tingin ko sa tatlo ko pang kaibigan.Iniiwasan kong tumingin kay Light dahil kung maka-titig para akong tinitignan ng masama."Kayong tatlo iiwasan nyo rin ba ako?" tanong ko na lang halata naman sa mga kaibigan ko ang kilos nila."Sasamahan kita, Win pupuntahan mo pa si Wigi sa vet, hindi ba?" wika ni Thana sa akin napangiti naman ako ng maalala ko si Wigi ang aso namin ni Ging."Ayon!" aniko na lang at inakbayan ko si Thana sa balikat
Ging POV5 years ago (part 2)Nang may mangyari sa aming dalawa noong birthday niya hindi ko 'yon pinagsisihan dahil may blessing na dumating sa buhay ko ang anak namin na si Frey."Mama, bakit wala si Papa sa piling natin?" pagtatanong nito sa akin alam kong curious ito sa relasyon na meron kami ng Papa niya.Nasa kalsada kaming dalawa nang mabaling ang tingin ko sa anak ko. Hindi ko kailangan itago ang totoo sa anak ko."Hm, iniwan ko si Papa mo noong nalaman kong buntis ako hindi dahil hindi namin mahal ang isa't-isa kundi nag-aral ako dito sa Canada," aniko sa anak ko elementary na ang anak ko kaya hindi ko na kailangan itago ang totoo."Bakit hindi na tayo bumalik kay Papa, Ma?" tanong naman ng anak ko sa akin napatingin naman ako sa anak ko."Nag-aaral ako noon at ngayon may trabaho si Mama, anak kapag vacation si Mama babalik tayo sa Pilipinas," aniko sa anak ko at sumakay na kami sa transportation.Hinan
Light/Bernard POV10 years ago (part 1)Nang pumayag siya sa pagpa-panggap niya bilang peke kong boyfriend ko para akong nasa alapaap."Uy!!" tawag ni Chana sa akin nasa loob kami ngayon ng kwarto nito.Natawa naman si Mike sa akin nang tapikin niya ako sa balikat ko at hindi ako nagsalita."Namumula si Liwanag, hahaha!!!!" natatawang sambit ni Mike sa akin at hinampas ko ng unan na kinuha ko sa sofa.Tumayo ako bigla para batukan ko si Mike kaagad naman naka-takbo palayo sa akin at hinabol ko siya tumatawa naman sa amin si Chana.Nang mapagod kaming dalawa sa kaka-takbo bumalik kami sa pwesto inaasar pa rin ako pero sinamaan ko na lang siya nang tingin."Sa'yo na si Win, Light." pagbibiro ni Mike sa akin hindi na lang ako nagsalita."Hindi pa totally, Mike hindi pa sa akin ang puso niya." sambit ko na lang sa dalawa kong kaibigan."Sabi mo eh," sambit naman ni Chana sa akin.Nag-inuma
Nakita ko siya sa may gilid ng unibersidad na kausap si Thana nang lalapitan ko sana silang dalawa nang may umakbay sa akin."Kuya, maiiwan ako dito." bungad ng kapatid ko nang mabaling ang tingin ko sa kanya."May mga matang nakamasid sa'yo," paalala ko na lang sa kapatid ko nang samaan ko nang tingin."Oo na," sambit naman ng kapatid ko sa akin napapailing na lang ako sa kanya.Napalingon kami nang mapansin kong ginulat nina Mat at Cute ang dalawang kaibigan."Pasok na ako, kuya." kaway ng kapatid ko sa akin nang umalis na ito sa tabi ko."Ingat ka," tugon ko na lang bago ako lumapit sa tatlong magkakaibigan."Nandito ka na, Light, nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong ni Cute sa akin nang makita ako nang tumabi kay Win."Susunod daw sila mabagal sila gumalaw kaya wala pa sila dito, nasambit ko na lang."Mabuti at naka-habol kayo dito pumayag sina Auntie?" tanong ni Thana sa dalawang kaibigan nila na nag-aasaran."Tumakas kami!" wika ni Cute at binatukan siya ni Mat na tumawa na lang.
"Oo." diing sambit naman niya bago siya lumapit sa mga kaibigan niya."Aw! Sakit nun, naawa lang siya sa'yo kaya tinulungan ka niya." bungad ni Mike sa tabi ko may plano ako para magbago ang nararamdaman niya sa akin."Sumuko ka na lang sa palagay ko, Light may iba siyang mahal at ang nanay ng Wigi narinig natin sa mga kaibigan niya," wika ni Chana sa akin siniko ko naman siya nang mahina."Kababata niya at malapit sa kanila," wika ni Mike inakbayan pa ako sa balikat ko.Sumimangot na lang ako at sumunod sa mga kasama namin. Tinulungan ko si Win sa pag-aayos nang tent nakita ko na tahimik lang siya at sinusundan ko na lang siya nang tingin habang inaayos ang pako na ibabaon sa lupa."Babe," tawag ko sa kanya kaso hindi siya lumilingon sa akin.Kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya."Light," wika niya sa akin nang mabaling ang tingin niya sa akin."Shh, wala pang dalawang linggo." sambit ko na lang sa kanya at inalis niya ang kamay ko.Nang maayos namin ang tent pumasok
Nagpunta ako sa dating tagpuan namin noon para magpa-hangin kaso nagtago ako ng may tao ako nakita bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala ko ang likuran ng taong nakatayo sa dalampasigan. Sumilip ako at nakita ko pa rin nakatayo si Win sumandal na lang ako sa may puno ng buko at nakatingin sa taong sobra kong mahal.Ayokong lumapit dahil baka guni-guni ko lang ang nakikita ko at hindi siya.Lalo na baka, siya nga pero...Iwasan naman niya ako huminga na lang ako ng malalim. Nalaman ko sa kapatid ko na hindi nagka-balikan sina Ging at Win dahil hindi ito gusto ng dalawang panig naging civil ang relasyon nila para sa kanilang anak na si Frey na ngayon graduation na sa high school.Nagtago ako ng lumingon siya ayoko magpakita sa kanya natatakot ako.Tama ang kapatid ko, kung kami talaga ang tinadhana nag-tatagpo ulit kami sa tamang panahon. Nang sumilip ako wala na siya kaya tumakbo ako para siguraduhin na hindi lang guni-guni ang nakita ko nakita ko ang footprints.And I miss youLike
Bernard/Light POVMula ng makipag-hiwalay ako kay Win nawalan ako ng gana magturo sa mga estudyante ko. Nag-leave of absence ako sa school at ang ginawa ko kumanta lang sa gig ng banda ko tuwing gabi."Kuya, hindi ka ba babalik sa pagtuturo?" bungad ng kapatid ko ng umaga na ako nakauwi sa bagong condo ko.Lumipat ako ng tirahan mula ng mag-hiwalay kaming dalawa dahil sa tuwing uuwi ako doon naalala ko ang masasayang alaala na meron ang condo na kasama si Win. "No, bro pagod na ako sa pagtuturo mag-reresign na ako sa susunod na linggo ayoko ma-stress at madamay ang pagtuturo ko." sambit ko sa kapatid ko ng umupo ako sa sofa inalis ko ang suot kong sapatos at medyas bago ko hinubad ang shirt ko may suot pa naman akong sando sa loob.Marami nabago sa akin mula ng magsama kami ni Win kaya nakasanayan ko nang gawin. Tumayo ako para buksan ang electric fan nasa harapan ng kapatid na umusog ng bahagya."Sigurado ka sa desisyon mo, kuya?" pagtatanong ng kapatid ko nakita ko ang pagka-gulat
Nang mag-hiwalay kaming dalawa ni Light para ako naputulan ng kalahating katawan madaling matanggap na wala naman mararating ang relasyon namin if one of us is in love with someone else, there is nothing, the reason for our separation is about my daughter and his insecurity in himself that I might leave him because of my daughter and ex-girlfriend.I can't blame him for the fear he feels in his heart and identity."Ahhh!!!" sigaw ko na lang sa loob ng condominium na nirentahan ko pagkatapos ko makuha sa kaibigan ko ang gamit ko umalis kaagad ako sa hotel kung saan ako natulog ng ilang araw.Nag-resign ako sa ULF ng sabihan ako ni tito Edwin na magiging regular employee na ako sa kanilang kumpanya tumanggi ako sa promotion dahil, para ko nang pinakita sa kanila na hawak nila ako sa leeg at hindi ko na magagawa ang gusto ko.Nagulat ang mga kapwa ko abogado sa naging desisyon kong umalis sa kumpanya at hindi na manatili. Kahit alam kong may anak ako kay Ging hindi ko naman gusto na may
Bago mag-graduation nakipag-kita ako kay Light wala akong kasama kundi ako lang mag-isa. Naghihintay ako sa isang park na malapit sa school namin maraming dumadaang estudyante first year at second year college nag-text ako sa kanya. Umiinom ako ng milk tea na binili ko nauuhaw na kinakabahan ako ngayon.Wala dapat akong sabihin sa kanya tungkol sa nakaraan ko at kung magtatanong si Light sasabihin ko naman. Nakaupo ako sa swing at inuugoy ko lang ng mahina nakarinig ako ng yabag sa likuran ko. Hindi ako lumilingon dahil sa kinakabahan ako ng matindi."Akala ko, hindi ka pupunta dito kahit ikaw ang nag-aya makipagkita." narinig kong sambit ng taong hinihintay kong dumating.Uminom lang ako ng milk tea at hindi ako sumagot naiilang ako sa nararamdaman ko ngayon."Pinapunta mo ako dito pero wala ka naman sasabihin? Ako kasi, meron." aniya huminga na lang ako ng malalim.Nag-kwento na siya tungkol sa buhay niya nakikinig lang ako sa kini-kwento niya. Nang maubos ko ang milk tea tumayo ako
Win/Ice POVMakalipas ng ilang buwan, naghahanda na kami ng mga kaibigan ko sa graduation namin. Nagkaroon ng relasyon si Drake sa kapatid ni Light na si Francis hindi kami makapaniwala noong una dahil wala sa itsura at kilos nila na may namamagitan sa kanilang dalawa. Wala na akong balita kay Light kahit madalas kasama namin ang kapatid nito."Nakabili ka na ng damit para sa granduation ball?" tanong ni Cute sa akin nabaling ang tingin namin sa kanya."Ay, shit wala pa akong maisusuot..." wika ni Mat nabatukan tuloy siya ng pinsan niya.Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Mat sa nakalipas na buwan maraming nagbago naging busy ako sa school works. Hindi ako makapaniwala nang magkita kami ni Eumi sa mall accidentally sinabi niya sa akin na nabuwag ang bandang Winner Band mula ng humiwalay sa kanila si Light."Win, may maisusuot ka na ba sa grad ball?" tanong ni Mat sa akin nang balingan niya ako."Oo, meron na." sambit ko na lang sa kaibigan ko.Nasa canteen kaming lahat para mag-l
Nagpunta kami sa may claw machine doon namin nakita si Mike na kasama ang girlfriend nito. Nilapitan ni Chana ang kaibigan namin at nagpunta naman ang kapatid ko sa isa sa claw crane o claw machine sinundan ko na lang nang tingin ang kapatid at machine na kumuha ng atensyon ko.Lumapit ako at may nakita akong stuff toy na may pagkaka-hawig kay Win may barya ako at nag-hulog ako sinubukan kong makakuha nang isa napasimangot na lang ako dahil palaging sablay."Heartbroken kaya hindi mo 'yan makukuha," bungad ni Mike sa tabi ko inirapan ko na lang ang kaibigan ko at nag-hulog ako ng isa pang barya.Naka-ilang hulog ako at hindi pa rin ako nakaka-kuha ng isa."Sign na 'yan na tumigil ka na sa pag-habol sa kanya," sambit ni Chana at sumang-ayon ang kapatid ko sa sinabi nang kaibigan ko hindi nagsalita ang mga kasama namin na lumapit na sa amin.Huminga na lang ako nang wala ako nakuhang stuff toys at umalis na kami sa harap ng claw machine. Nabaling naman ang tingin ko sa kapatid ko at ngu
Bernard/Light POVHinatid ako ng ka-banda ko sa apartment ko at nagulat pa kami na nakaupo sa may tapat ng pintuan ang kapatid ko."Anong nangyari sa'yo, kuya?" tanong ng kapatid ko na biglang tumayo sa lapag nilapitan niya ako nabaling ang tingin sa mga kaibigan ko."Nagka-tuwaan lang kami ng kuya mo, Francis at may gig kami ipasok natin siya sa loob." wika ni Dino sa kapatid ko hinampas ko na lang ang balikat nito medyo nahihilo na ako para gumanti ng malakas.Hiniga nila ako sa sofa at nagpaalam na sila para umuwi sa kanilang bahay sinundan ko na lang sila nang tingin. Pinilit kong umupo nang maayos pero, nahilo ako at natumba napatingin pa ang kapatid ko na lumapit."Nagpaka-lasing ka pero, hindi mo kaya ang sarili mo." wika naman ng kapatid ko sa akin at tinulungan niya ako umayos ng pwesto.Nang masusuka na ako may kinuha ang kapatid ko at tinulak ko palayo sa akin sinamaan ko na lang ang kapatid ko at pinilit ko ang sarili ko na tumayo para pumunta sa banyo inalalayan na lang n
Inirapan na lang ako ng mga kaibigan ko sa ginawa ko at nakinig na kami sa professor namin. Nang matapos kami sa unang subject nag-ingay na ang mga kaklase namin tahimik lang ako na nag-iisip bago ako tumayo hindi ko pinansin ang dalawang kaibigan ko na tinatawag ako.Pumunta ako sa may puno na dati naming tambayan at umupo ako at sumandal na lang ako sa may puno. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko dahil sa nalaman ko kay Ging at sa tunay kong nararamdaman kay Light."Okay ka lang, Win?" bungad ni Thana nang marinig ko ang boses niya napangiti na lang ako nang pilit."Okay lang ako," pagkakaila ko sa kanya at umusog lang ako nang bahagya sa pwesto ko.Tinabihan niya ako at nakatingin lang siya sa akin."Kung hindi kita kilala nang lubos sasabihin ko lang na, hindi ka halatang okay o okay? Ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" tanong niya sa akin huminga na lang ako nang malalim."Trabaho ang iniisip ko, kung saan ako maganda mag-apply o mag-bar exam muna ako." pagsisinungaling ko n
Nang mapansin namin ni kuya nalasing na ang mga kaibigan ko dahil nakatulog na sa mesa, nakasandal sa upuan at sa amin nabaling ang tingin ko sa kumakanta na banda."Win," tawag ni kuya sa akin dahilan para mapatingin ako hindi pa rin ako titigilan nito tungkol sa binanggit ni Thana sa kanya."Bakit, kuya?" tanong ko naman at inayos ang ulo ni Drake sa balikat ko."Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Thana, posible bang magka-gusto sa katulad natin?" tanong ni kuya sa akin tumitig naman ito sa mukha ko."I'm not gay, or anuman ang tawag sa mga ganitong uri sa LGBTQ+ pero, bukas ang kaisipan ko sa mga bagay na meron sa kanilang relasyon hindi ako mag-deny o umaamin na bahagi ako sa kanila o hindi kundi, hindi ko alam ang tamang sagot, kuya dahil hindi ko pa nararanasang umibig sa kapwa ko." pag-amin ko namam sa kuya ko tumatango sa akin si kuya at kilala niya ako hindi ako nagsisinungaling sa kanya palagi."Oo naman, kilala kita at nakikita ko sa'yo na kahit anong gender pwede kang m