NO ONE BELIEVED me when I tried to defend myself. Naging histerical na rin si Tita Ellyna tulad ni Ravi at halos ipagtulakan pa ako palabas ng room ni Raizel. Malamang kung hindi niya lang alam na buntis ako, pinagtulakan niya rin ako katulad ng ginawa ni Trisha.
How could they believe her lies?
Halata naman na puro kasinungalingan ang sinabi ni Trisha.
Si Athena, iniwan niya sa bahay-ampunan at doon sinuntentuhan habang nagtatrabaho siya bilang secretary ni Raizel? If she was the mother, sana noon pa lang sinabi niya na kay Raizel ang tungkol kay Athena. Bakit hinintay niya na magkita ulit kami ni Raizel bago siya umamin?
Puro siya kasinungalingan!
Pero ngayon…paano ko mapapatunayan na hindi totoo an
NAALIMPUNGATAN ako sa ingay ng mga magulang ko. Naririnig ko rin ang boses ni Tita Mia. Hindi ko magawang magmulat ng mata dahil sa kirot na biglang gumuhit sa sentido at gitna ng ulo na parang binibiyak ang bungo ko. Alam kong nasa ospital ako dahil sa amoy ng pamilyar na amoy. Dumagdag pa ang huling nangyari sa akin—I passed out in my office and I saw Trisha smiled evȋlly. I can already imagined that she put something in my coffee that day.Nagpasalamat na lang ako na kahit papaano ay buhay pa ako at kasama ko ngayon ang pamilya ko. At kung narito si Tita Mia, paniguradong narito rin si Bella.“Alam ko naman na may kasalanan ang anak ko kay Raizel. Pero hindi naman tama na ilayo mo kay Bella ang panganay niya! Sinabi niya rin sa akin na mas pinaniwalaan mo ang Trisha na iyon. My god, Ellyna! Nanay ka rin! Alam mo kung ano sa pakiramdam an
HINDI KO ALAM kung gaano ako katagal natulog matapos kong magwala. Nagising na lang ako mula sa pakiramdam na tila may dinidiin sa daliri ko. Ramdam ko pa ang malamig na basang bagay.“Everything is mine now, Raizel. Wala ka nang silbi. Magsama kayo ni Trisha.”Pabulong lang ang pagkakasabi ng babae. Nagtaka pa ako sa sinasabi niya tungkol kay Trisha.Isn’t she Trisha?I know she’s Trisha because of her voice.Mayamaya ay nakarinig ako ng mga kaluskos ng papel at bag. Sinubukan kong imulat ang mata ko, pero dilim ang sumalubong sa akin. She should turn on the light if it was already dark. Tanging ilaw na nga lang na tumatagos mula sa glass window ang nagbibigay liwanag sa paligid, ngu
“GAGό KA TALAGA!” inis na sigaw ko kay Trixie.Ang selfish niya to the point na hindi niya sinusunod ang plano, at hindi niya iniisip ang magiging epekto ng biglang pagliko niya. Ni hindi niya nga sinabi na nilalagyan niya ng anti-depressant ang pinapainom niya na kape kay Raizel. Ang malala pa, mataas na dose pa iyon!Ang siste, nasobrahan iyong tao. At ngayon, ito na ang resulta—he was in a coma, at hindi ko alam kung kailan siya magigising!He can’t leave me!“’Di ba mas napadali iyang pinoproblema mo na makalapit sa pamilya niya? Now, you’ve got them in your hands. Mas pinaniwalaan ka niya kaysa sa Bella na iyon. It’s just a matter of time before your Raizel wake up. By that time, who knows? Baka ang momm
PARA AKONG NABUNUTAN ng tinik sa dibdib nang ibalita sa akin ni Migz na nakulong na si Trisha.Or so I thought…He was right from the beginning about the existence of Trixie. Umamin si Trisha sa mga pulis na hindi siya ang may gawa ng mga kahayųpan kung hindi si Trixie na ginagamit ang mukha niya. Maging ang mga pagpαtay sa ilang medical personel at kay Lucia ay si Trixie ay sinasabi niyang may gawa.So in the past three years, the outstanding secretary I knew was Trixie. Kaya pala hindi tugma ang pinapamalas na galing sa trabaho ni Trisha kumpara sa educational background niya. No one would filled a gap of years of education within just two years after she went to the city.“Ako nang bahala sa dalawang iyon, Raizel. Hayaan mong bumawi a
ATHENA HAD been staying with us for a month now. Mula nang magkagulo sa ospital sina Tita Mia at Tita Ellyna, doon siya nag-stay sa bahay ni Kuya Ranier kasama ang kambal dahil walang mag-alaga sa bahay nina Tita. Kinuha lang din ni Mom sa bahay ni Kuya Ranier ang anak ko na walang pasabi sa mga Cruz.Masigla naman si Athena kasama sina Mom.Nagulat pa nga siya nang makita sa personal ang Lola Summer niya, though I already told her that the singer-actress she idolized was my Mom, her grandmother. Nag-fangilring pa ang anak ko. Humingi pa ng autograph at picture. Binida niya rin iyon sa mga pinsan niya na sina Akira at Ash.Pero ang pakikipag-usap sa relatives niya sa father’s side ay nalimitahan. Ayaw ko namang ipagkait kay Athena na maka-bonding ang mga pinsan, pero gulong-gulo na ako. At isa pa,
“Mommy!”Nagulantang kami ni Tita Mia nang patakbong lumapit sa amin si Athena. Umiiyak siya at pulang-pula na ang mukha. Nakasunod sa kanya si Mommy.Nagtatakang tiningnan ko ang nanay ko. She was with my daughter, so now, why is she crying?!Hindi niya ako pinansin, bagkus ay tumingin siya kay Tita Mia at tinarayan ito.“Mommy!” muling iyak ni Athena at yumakap sa braso ko. Hinimas niya rin ang umbok ng tiyan ko.“Baby, ba’t ka umiiyak?”“Sabi po ni Lola Summer, hindi na raw po tayo titira kay Daddy. ‘Di ba po, uuwi tayo kay Daddy? Magluluto po siya ng masarap na ulam? Pupunta tayo sa amusement park? Isas
TITA MIA said not to step foot in their home ever again. I said yes, but I won’t. Nasa pamamahay na iyon ang pamilya ko. Kung hindi nila ipaliliwanag sa akin kung bakit kailangan kong lumayo kay Bella, pwes, marami akong dahilan para mapalapit muli kay Bella.Bukod sa mga anak namin, gusto ko siya kahit noon pa, at gusto ko siyang makasama.Oo, aaminin ko na.I like Bella since the first time I laid my eyes on her. The picture that Tita Mia showed me, the eagerness to see her in person, inviting her to my birthday even though she wasn’t a family friend—it was a childish request, but I knew right then and there that I wanted us to be more.Ang pagsunod-sunod ng camera ko sa kanya? Hȇck that was a fuvking satisfying prank. Malaya kong nagag
“NASAAN ANG baby Althea namin? Hala, hindi makita ni Ate!”It was bed time, and our daughters were wide awake. Kahit maghapon nang nakipaglaro si Athena sa mga pinsan niya, gising na gising pa rin siya dahil gusto niyang makipaglaro sa kapatid dahil maghapon naman itong natutulog kasama ang mommy nila.At ngayon nga, ako naman ang magbabantay sa tatlong buwan kong bunso. Makapagpahinga naman kahit kaunti si Bella dahil alam kong mamayang gitnang gabi ay puyat na naman siya sa kaiiyak ng bunso namin.Hindi ko naman siya masyadong matulungan sa gano’ng oras dahil kailangan kong matulog at may trabaho pa ako kinabukasan. So I let her sleep first, and take good care of our daughters.“Ate Yna (Ate Ina), lower your voice. Natutulog si mo
“ANTHONY, ANDREW, huwag muna kayong magpasaway! Ibalik niyo muna iyan kay Ate Thea. Dali na at may assignment iyan.” “Play muna kasi tayo bago kayo school!” “Hindi nga pwede! Andrew, kukurutin kita!” “Mommy, iyong mga anak mo, oh! Hindi na nasasaway!” “Mama Bella, nagkukulit na naman sina Andrew at Anthony, oh! Nag-aaral kami ni Thea, nang-aagaw ng colors.” Weekend ngayon. May date sina Mommy Ellyna at Daddy John. May competition din na pinaghahandaan si Ravi. And Raizel was busy at work. Graduate na siya college at nag-level up na rin ang mga computer and mobile app na dine-develop ng company niya kaya super busy niya. Sa bahay lang din ako nagtatrabaho—gaya ng dati, I’m a one-man team when it comes to recording. About sa quality ng kanta, saka na ako lumalapit sa talent manager ko. Yes, I already have a talent manager at siya naman ang bahala sa schedules ko—mapa-concert man iyan, fan-meeting, fan-signing, o meeting with higher-ups and other actors and actresses for my MV. At
HINDI PA RIN tumatawag si Raizel, kahit pa tinadtad ko na siya ng messages. Nag-aalala na ako sa kanya. Kahit busy siya sa online class at appointments niya sa doctor, he always finds time to text me back. Kahit hindi na siya tumawag, basta mag-reply lang siya ng tuldok, pero hindi niya ginagawa. Nababasa niya rin naman ang chats ko. Kung nawala niya ang phone niya, eh ‘di ipasabi niya o kaya humiram siya ng phone kay Dad. Just let me know he was doing fine.Nasa gitna kami ng panananghalian at hindi na ako nakatiis na magtanong kay Mom.“Mom, may balita po kayo kay Raizel?”“Wala eh. Hindi nga rin ako tinatawagan ng asawa ko,” she said, looking at Ravi na nasa right side niya.“B-Baka po may nang—“
AT DAHIL HINDI pa pwedeng umuwi si Raizel, pinagkasya na lang namin ang maghapon na video call para lang makita niya kung anong ganap sa kambal niya.Palagi kaming napalilibutan ng magpipinsan, at parang hindi sila nagsasawa na tingnan sina Anthony at Andrew. Alalay din si Tita Ellyna sa akin kapag nagpapaligo at nagpapadede sa mga bata. Most of the time, sabay na umiiyak sa gutom ang kambal at pareho nilang gusto ang gatas ko kaysa sa formula.Lumipas ang tatlong buwan, nasasanay na ako sa pag-aalaga ng dalawang bata. Naging busy na rin sa school sina Athena, Aki at Ash kaya si Althea lang ang kalaro ng kambal.Nabawasan na rin ang oras ng pag-video call namin ni Raizel. Pinayagan kasi siya ng university na mag-online class. Sabi ko nga, huwag niyang pwersahin ang sarili niya at mag-focus na lang sa pag
IT’S ALMOST SIX MONTHS since Tito John and Raizel flew overseas to see Dr. Agnone, Raizel’s psychiatrist.Naiwan ako kay Tita Ellyna. And my entire pregnancy, siya ang umalalay sa akin. Paminsan-minsan lang nakakadalaw sina Mommy at Tita Mia.Medyo nagkakailangan pa nga sila dahil nga nadamay sila sa misunderstanding namin ni Raizel na hindi agad namin nalinaw sa kanila. And Mom was guilty that she was somehow responsible of triggering Raizel’s traumαs.Sa nakalipas na six months, hindi namin nakausap si Raizel at tanging si Tito John lang ang nagbibigay ng update. I could tell that my future in-laws found it difficult, too—not Raizel, but their relationship. Tinudyo pa nga siya nina Tita Mia at Tita Maya na sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon na lang ulit nawalay nang matag
Sabi nina Mom, alas tres ng madaling araw ako nagising kahapon. Sabi naman ni Tita Ellyna, hindi umuwi si Raizel matapos noong gabi na may inuwi siyang ibang Bella sa bahay. Hindi rin nila alam kung nasaan siya ngayon dahil naka-off ang phone. Pinapahanap na rin nila kay Tito Brix si Raizel.Nagpaalam na lang ako sa kanya na susubukan kong hanapin si Raizel.Una kong pinuntahan ang green field. Nagbabakasakali na dito siya nagpapalamig. Naiisip ko na na may nasabing hindi maganda sina Mom sa kanya ngayon na nagsumbong ako tungkol sa gαng rαpe. At alam ko na nasasaktan din siya. Napag-usapan na namin ang bagay na iyon pero naungkat na naman. Sana maintindihan niya na wala ako sa sarili ko nang sabihin ko iyon.Pagdating ko, wala siya. Pero may mga nagkakalat na sigarilyo at bote ng alak doon.
I JUST WOKE UP and I felt like I did something bad. Para akong gising sa mga nakalipas na oras at wala sa sarili. Gano’n ang nararamdaman ko ngayon, pero hindi naman sumasakit ang ulo ko. Nagtataka pa nga ako kung bakit narito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay ni Mom.Where’s Raizel?Where are our daughters?Lumabas na lang ako ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Mom na may dalang tray ng pagkain.“Mom? Hindi kayo busy? Why am I here anyway?” tanong ko sa kanya nang makalapit ako. Kinuha ko rin sa kanya ang tray at bumalik kami sa baba para doon na lang kami kumain sa dining area.Nadatnan pa namin si Tita Mia na naghahanda ng mesa.“
Napatày ng mga pulis si Brice, habang dinala naman sa kustodiya ng pulis sina Michelle at ang hostage nitong doctor na si Idanan.Migz was suspicious of the doctor, and didn't bother with the hostage taking. He requested the in-charge to focus on Brice.I'm relieved that Migz was there, and he calculated the situation easily.Idanan was their accomplice. She was the surgeon who was responsible for this shifting-face shit.Narito ako ngayon sa ospital at binabantayan si Bella.Sinabihan ko na rin sina Mom. Sabi niya, siya na muna ang bahala sa mga bata.Mukhang nadala na rin sa pulis ni Dad si Trixie.Naka
“GET A HOLD OF yourself, man!”Para akong nagising sa malalim na pagtulog nang makatikim ako nang malakas na suntok.Hindi ko namalayan na may mga pulis na sa bahay. Sa harap ko ay si Migz. Pulang-pula ang mukha niya at umuusok pa ang ilong sa galit.Bigla ay naalala ko ang message niya sa akin na nakatakas si Brice. Akala ko ba, siya ang bahala sa gαgong iyon pati na kay Trixie?Bakit nakatakas si Brice? Tapos ngayon nasa loob ng pamamahay namin si Trixie bilang si Bella!Akma ko siyang susugurin nang hindi ko mahila ang kamay ko. Nagulat na lang ako na nakaposas sa likod ko ang mga kamay ko.“What is the meaning of this?!” Sinub
BELLA WAS NOT feeling well since we got home from the café. Maghapon din siyang natulog. Hinayaan ko na lang siya na magpahinga kahit pa kating-kati na ako na tanungin kung anong napag-usapan nila ni Michelle nang biglang mag-mute ang tawag kanina. Bukod sa offer ni Michelle na sure win sa competition, baka may pananakot na nangyari katulad na lang ng sȇx video na hindi naman ginawa ni Bella.I sighed.I will let her be for a while. Mamaya, magsasalita rin siya. Siguro, nabigla lang siya sa mga pinagsasasabi ni Michelle. Matagal din silang hindi nagkita. At isa pa, nakikita ko na nalilito siya sa ginawi ng babaeng iyon, nakuha pang pagbintangan siya sa video na biglang lumitaw noong competition.Inabala ko na lang ang sarili ko na makipaglaro sa mga bata.