" salamat nga pala loisa ha.." muli niyang saad at binitiwan niya na ang aking mga kamay.
" salamat?" pag uulit ko sa sinabi niya at bahagyang nag salubong pa ang mga kilay ko." salamat kasi kahit nag dadalawang isip ka sa akin dahil may girlfriend ako ay pumayag ka parin na makipag date sa akin.."Tumango tango ako dito at may tipid na ngiti sa labi." kaya nga jordan.. Sa--- sana.. Kung maaari ito na ang huli nating pag labas na tayong dalawa lang.. Baka kasi may maka kita sa atin na kakilala.. Baka kung anong isipin nila nakakahiya.. "Pagka sabi ko niyon ay nakita kung nabalot ng lungkot ang guwapo niyang mukha.At tumanaw ito sa malayo na wari bang may malalim na iniisip.Nakita ko pa itong nag buntong hininga ng malalim at tsaka muling ibinalik sa akin ang kanyang paningin.Tinitigan niya ako sa aking mga mata." seryoso ako sayo eloisa.. At hindi ako papayag na hanggang dito lang tayo.."Halos sumakit ang panga ko sa kakatawa. Nang mapansin kong sumeryoso na ang mukha ni jordan ay agad na rin akong huminto sa pag-tawa." ahmm.. Sir, maam.. Ilan na po ang anak ninyo?" Pareho kaming napa-tingin sa pinang galingan ng boses. Ang mag-ina pala ay hindi pa umaalis.Nagka-tinginan kami ni jordan sa isa't isa at muling bumalik ang mga paningin namin sa ale na nag-salita.Ako ang sumagot dito. " hindi naman po kami mag-asawa ate.. Ni hindi nga po kami magka-sintahan.. But we we're good friends po.." Agad na Tugon ko at tsaka ngumiti dito. " but soon magiging kasintahan ko po siya!.." sabat naman ni jordan at biglang hinawakan ang kamay ko. " naku kinikilig naman ako sa inyong dalawa!.. Akala ko talaga mag-asawa kayo.. Bagay na bagay kasi kayong dalawa parehong maganda at guwapo.. Naku sir huwag mo nang pakawalan si maam.. Maganda po ang kumbinasyon ninyong dalawa kapag nagka-anak kayo mala
Babae rin ako at alam kung mahal siya ng babae mukhang hindi ito papayag na makipag hiwalay sa kanya.Ano eloisa! Aasa ka ba! Huwag kang umasa dahil masasaktan ka lang.. Hindi mo pa ganap na kilala si jordan malay mo ba kung ano talaga ang totoo nitong pagkatao..Pag-kukumbinsi ko sa aking sarili. Habang naka-pangalumbaba na sa lamesa. Lumipas ang ilang araw linggo at buwan ay araw-araw na may nag-papadala sa akin ng bouquet of flowers. walang paltos ang pag papadala ni jordan sa akin ng mga bulaklak araw-araw. Araw-araw niya rin akong tinatawagan. Mula umaga pag gising hanggang sa pag tulog ay kinakamusta niya ako.Palagi niya akong kinakausap sa cellphone na parang may kami ngunit wala naman. Katwiran niya ang sinabi ko lang naman daw sa kanya ay huwag na kaming magkikita ng personal na dalawa lang. Wala naman daw ako sinabi sa kanya na bawal akong tawagan at padalhan ng kung ano-ano.Hindi ko na siya tinutulan pa.
Nang biglang tumayo si jordan mula sa kanyang pag-kakaupo. " please roxanne huwag ka na munang sumabay ngayon.. Masyado akong maraming iniisip.. Please ako nalang ang pupunta sayo kapag hindi na ako busy.." Pag-susumamo ni jordan sa kanyang nobya. Bahagya pa itong umiling pagka-sabi niyon. Umismid naman sa kanya ang babae at muling umupo ito sa kanyang table ng naka pa-ekis pa ang dalawa nitong braso sa dib-dib. Habang si jordan naman ay unti-unti nang sina-sara ang butones ng kanyang polo at maging ang zipper ng kanyang pantalon." sige pag-bibigyan kita ngayon Jordan pero make sure na sa susunod ay nasa mood ka na at ako lang ang aasikasuhin mo!..Tuparin mo yang sinabi mo na ikaw naman ang pupunta sa hotel na tinutuluyan ko dito.. Nawawalan ka na ng oras sa akin jordan.. Halos isang taon ka nang ganyan sa akin.. Hindi ko nga alam kung mahal mo pa ako eh.. "Mahabang litanya ng babae kay jordan. Nang matapos niyang
" sige ingat ka... I miss you loisa..." Muli pang saad ni jordan sa kabilang linya.Agad namang pinamulahan ng mukha si eloisa ng marinig niya ang sinabi ni jordan mula sa kabilang linya. Hindi niya alam ang isasagot dito. Ilang segundo ring namayani ang katahimikan sa kanila.Hanggang sa ang binata na ang bumasag ng katahimikan. " sige na loisa.. Baka ma-late ka.. Ingat ka palagi.. I love you... " At nawala na ito sa linya. Habang ang dalagang si eloisa naman ay napahawak sa kanyang bibig gamit ang kanyang palad na animo'y nagulat sa ginawang pag-amin sa kanya ni jordan ng nararamdaman.Nang mahimas-masan ay agad na itong tumayo at naligo. Matapos maligo ni eloisa at makapag-bihis ay agad na rin siyang gumayak para pumasok ng opisina. Naisipan niyang sa opisina nalang siya kakain ng agahan.Pagka-rating niya ng opisina ay wala pa si joy kaya kumain na muna siya para pag dating ni joy ay tapos na siyang kumain.Ngunit
Dalawang araw bago ang kaarawan ni donya Vicky ay napag-kasunduan ng magka- kaibigang sina eloisa, rina at joy na mag-punta na sa parlor upang magpa-ayos na ng kanilang buhok.Dahilan nila ay para daw hindi na nila kailangan pang dumaan pa ng parlor kapag araw na ng party at hindi rin kasi nila ma-sigurado ang oras ng party.Sina joy at rina ay nagpa-tuwid ng buhok habang si eloisa naman ay nagpa-kulay lamang ng buhok ito. Nagpa-linis na rin ang mga ito ng kani-kanilang mga kuko sa paa man at maging sa kamay.Naunang matapos si eloisa sa dalawa. Naka-upo siya sa harapan ng salamin. Manghang-mangha siya sa kanyang nakitang imahe ng babae sa salamin. Halos hindi niya nakilala ang kanyang sarili. Bagay na bagay sa kanya ang kulay ng bago niyang buhok. Mas gumanda siya lalo at pumuti siyang tingnan dito.Unang beses niya palang kasi itong gawin sa kanyang buhok. Dahil salat sa budget upang makapag-parlor ay nag-dalaga si eloisa na natural la
Nang matapos nang kumain ang ang dalawa ay agad na tumayo si eloisa at humakbang ito papalapit sa bukana ng terrace.Tumayo siya dito at iniyakap sa kanyang sarili ang kanyang mga kamay. Naka-ngiti niyang pinag-mamasdan ang mga bituing nag-kikislapan sa kalawakan. Ipinikit niya pa ang kanyang dalawang mata at tsaka suminghot ito ng hangin. Nililipad pa ang mahaba nitong buhok habang naka-tanaw sa kalawakan. Habang ang binatang si jordan naman ay matiim itong naka-tunghay sa dalagang si eloisa. Buong pag-suyo niyang tinitigan ang buong ka-anyuhan ni eloisa. Hindi siya maka-paniwalang kasama niya na ngayon ang babaeng hindi niya nakita ng ilang buwan at tanging sa pag tawag lamang niya sa cellphone naririnig ang tinig nito.Nang hindi na matiis ng binata na patuloy nalang itong titigan ay tumayo siya at nag-lakad patungo sa kina-tatayuan ng dalaga. Walang pasintabi niyang iniyapos sa maliit na bewang nito ang dalawang mahahaba niyang mga braso dit
Warning! SPG ahead. For matured only. You've been warned.Agad namang pina-mulahan ng mukha ang dalagang si eloisa ng marinig niya ang sinabi ni jordan. " ano ba Jordan.. Ang harut mo!.. Diyan ka na nga!."Itinulak nito ng malakas si jordan. Nang maramdaman ni jordan na seryoso ang dalaga ay hinayaan niya na itong makalayo sa kanya upang makapag-banyo. Hinabol niya pa ng tingin si eloisa hanggang sa tuluyang makapasok ito ng banyo. Tatawa-tawa naman si jordan sa nakita niyang pamumula ng mukha ng dalaga.Papunta na siya ng kanyang closet upang kumuha ng mai-susuot ng biglang may kumatok sa pintuan.Agad namang nag-lakad si jordan palapit ng pintuan upang pag-buksan kong sino man ang kumakatok. Nang mabuksan niya ang pintuan ay bumungad sa kanya ang dalawang lalaking naka pang uniporme ng waiter. May dala-dala ang mga itong tray na puno ng pag-kain. Ito ang inorder niyang pag-kain kanina bago siya maligo.Binu
Nang magising ang dalawa ay ala-una na ng hapon. Muling nagpa-deliver si jordan ng pagkain.Matapos nilang kumain ay napansin niyang inaantok parin si eloisa kaya sinabihan niya na itong matulog muna ulit bago niya ihahatid sa inuupahan nitong apartment.Bandang alas tres naman ng hapon ay nagising na si eloisa." hi baby.. Gusto ko pa sanang umiskor ulit kaso tinulogan mo naman ako.." saad ni jordan dito na tumatawa pa. Inirapan naman siya ni eloisa at hinampas sa braso. " ikaw kasi!.. Ang sakit kaya ng buo kung katawan.. Hindi pa yata ako nito makaka-lakad.. "Reklamo ni eloisa kay jordan. Niyakap naman siya ni jordan at sinuklay nito ang mahaba niyang buhok gamit ang daliri." sorry baby.. Mahal na mahal kasi kita.. Kaya hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.. Bakit pananagutan naman kita ah.. "Saad ni jordan dito at dinampian ito ng halik sa noo habang naka-hawak parin sa buhok ni eloisa.Hi
Jordan's Point of view:Habang nung nasa ospital pa si Daddy ay kaagad akong tinawagan ni david upang ipaalam sa akin na hindi kami totoong magkapatid, at hindi ko rin kapatid si eloisa. Nang malaman ko iyon ay Nabunutan ako noon ng isang malaking tinik at pakiramdam ko noon ay doon lang muling tumibok ang puso ko.Mag-mula kasi ng sinabi sa akin ni Daddy na hiwalayan ko si eloisa dahil magkapatid kami ay hindi ko alam noon kung paano tatanggapin. Nawalan na rin ako ng kontak nun kay eloisa dahil pinalitan ni david ang cellphone nito na nilagyan ko ng tracking device. Halos dalawang buwan ako noong nagkulong sa aking kuwarto tanging alak lang ang palagi kong kasama. Ni hindi ko na nga alam noon kung saan ako patungo dahil sa bawat araw na hindi ko nakikita si eloisa noon ay unti-unti akong nahihirapang huminga. Dalawang beses na rin akong isinugod noon sa ospital dahil bukod sa araw-araw na pag inom ng alak ay halos hindi na rin ako kumakain. Hanggang isang araw nun ay muli akong ki
Ilang segundo pang lumipas ay hindi na nakatagal pa si eloisa. Tumayo na ito at naglakad pabalik ng kanilang kuwarto. KINABUKASAN ay maaga palang ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto nina eloisa. Tulog pa si eloisa at ang anak nito ngunit si rose ay maaga itong nagising kaya't siya na ang nag bukas ng pintuan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagulat pa si rose dahil ang nanay at tatay ni eloisa ang bumungad sa kanya. Agad na tinanong ng mga ito kung gising na si eloisa. Nang sabihin naman ni rose na natutulog pa ito ay sumenyas ang mga ito na huwag ng gisingin si eloisa.Tahimik na pumasok ang mga ito sa kuwarto nina eloisa at ipinasok sa aparador ang dala dalang mga Paper bag ng mga ito at tsaka muling lumabas ng kuwarto ang mga ito. Babalik nalang daw ang mga ito kapag gising na si eloisa.Maya-maya pa ay nagising na rin si eloisa. Nagugutom na siya ngunit wala siyang ganang kumain. Naisipan niya nalang ulit mag order ng pagkain para sa dalawa niyang kasama sa kuwarto.Haba
Habang nagba-babad ang dalawa sa tubig ng karagatan ay naisipan nilang maghabulan. Habang nag hahabulan ay hindi na namalayan ni eloisa na napapalalim na pala ang natatakbohan niyang parte ng karagatan. Hanggang sa nakaramdam siya ng pulikat sa kanyang nga paa. Dahil sa tindi ng nararanasan niyang pulikat ay unti-unti siyang lumubog sa tubig.Habang ang lalaking si adrian naman ay nawala ang atensyon nito sa kaniya dahil biglang may kumausap ditong babae. Ilang segundo pa ang lumipas ng maalala ni adrian na hindi na niya napapansin si eloisa. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang nagpa alam sa babaeng kausap niya upang hanapin si eloisa. Ngunit kahit saan siyang parte lumingon ay hindi parin niya makita si eloisa. Naisip niyang baka may nangyari ng masama kay eloisa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.Agad siyang sumisid upang hanapin si eloisa. Umaahon lang siya kapag mauubusan na siya ng hangin at tsaka siya sisisid ulit sa tubigan.
Nang matapos silang kumain ay nagkayayaan sila ni rose na maglakad lakad kasama si baby Lucas. Hawak sa kamay ni eloisa si Lucas habang nasa likod naman nila si rose. Malapit na sila sa mga taong maraming ginagawa ng kumawala sa kanyang pag kakahawak si Lucas at tumakbo ito kung saan maraming bulaklak na inaayos. Pinag aapakan ni Lucas ang mga bulaklak.Mabilis na naglakad si eloisa upang awatin ang anak ngunit nang nahawakan na niya si Lucas sa kamay ay biglang may sumigaw. "bullshit! Letse kang bata ka! Anong ginawa mo sa mga bulaklak! Tingnan mo nalanta na ng dahil sayo!" sigaw ng babae habang papalapit ito sa gawi nila. Binuhat niya si Lucas bago nilingon ang babaeng nagsisisigaw. Agad niyang nakilala ito. Si roxanne ang asawa ni jordan. Nang makalapit ito sa kanila ay Humarap si eloisa at kinausap ito." naku sorry roxanne.. Hindi ko naman akalain na dito siya tatakbo.. Pag pasensiyahan mo na yung bata.." paumanhin niya sa ginawa ni Lucas. "naku, wala na! Kahit humingi ka pa n
Hiniling ni eloisa ng mga sandaling iyon na sana nga totoong si jordan ang katabi niya. Ngunit ng muli niyang idilat ang kanyang mata ay mas lalong hindi niya makita ang mukha nito dahil puno parin ng luha ang kanyang mga mata.Muli niyang nararamdaman na hinahalikan siya nito sa leeg pababa sa kanyang dib-dib. Pinipilit niyang itulak ito ngunit wala siyang lakas. Habang hinahalikan siya ng binata ay pumasok sa kanyang isipan kung paano siya halikan noon ni jordan.Ganun din kasarap humalik ang binatang katabi niya ng mga oras na iyon. Para siyang kinukuryente ng mga halik nito. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpa tianod at gusto niya narin ang ginagawang pag halik nito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya nalang na unti unti na siyang hinuhubaran nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag iinit ng katawan. Muli siyang hinalikan nito sa kaniyang labi pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa umabot ito sa kanyang dib-dib. Napa ungol siya sa init ng dila nito habang sinisip sip ang kanyang tay
Ipinag balewala ni eloisa ang ginawang iyon ni jordan. Naisip niya na inaasar lang siya ng lalake at kapag nagpadala siya sa pang aasar ng lalake ay pagtatawanan lamang siya nito.Lingid sa kaalaman ni eloisa ay napansin ni adrian ang ginawang iyon ni jordan sa kanyang kasayaw na si eloisa. Kung kaya't pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Siya ang gumawi Malapit kay jordan. Ngunit sa kanyang ginawa ay nagtama ang paningin ng dalawa dahil nakaharap na ang mukha ni eloisa kay jordan.Tinitigan ng masama ni eloisa si jordan. Naalala nanaman kasi niya ang sinabi nito sa kaniya na nakikipag landian siya at ang ginawa nitong pananakit kay adrian.Nakikipag landian pala huh! Pwes! Makikipag landian talaga ako! Bwesit ka! " bulong ni eloisa sa kanyang sarili. " may sinasabi ka ba loisa?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah.. Wala! May naalala lang ako.. " pagdadahilan ni eloisa sa binatang kasayaw." gusto mo na bang umupo?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah— h-hindi! Sige pa sayaw pa ta
Nang makatulog ang anak ni eloisa na si Lucas ay naisipan niyang lumabas upang mag pahangin. Habang naglalakad siya pababa ay nakasalubong niya si adrian. Hindi pa masyadong makatingin sa kanya ang binata. Pilit nitong iniiwas sa kanya ang mukha nito.Napansin ni eloisa na may kakaiba kay adrian. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. Agad namang huminto ang lalake ng mahawakan niya ito. "hey Adrian! Anong nangyari sayo?!" pagkasabi niyon ni eloisa ay tiningnan niya ang mukha ng lalake.Nakita niyang may sugat ang labi nito at may bahagya pang pagdurugo ang ibang parte ng ngipin nito. Nagtaka si eloisa sa nakitang itsura ni adrian. "sabihin mo nga sa akin adrian! Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ang may gawa sayo niyan?!" sunod sunod na tanong ni eloisa sa binatang doktor. "wala ito loisa.. Okay lang ako.." tugon ni adrian kay eloisa at pilit na iniiwasan nito ang mga mata ni eloisa."anong wala ka diyan! Tingnan mo nga yang itsura mo sa salamin! Halika punta tayo ng kuwarto mo
KINABUKASAN ala sais palang ng umaga ay nagpunta na si adrian sa kuwarto nina eloisa. Nagyayang kumain ang binata doon sa madalas niyang kinakainang restaurant sa kabilang resort. Masarap daw ang mga lutong bahay doong pagkain.Pumayag naman sina eloisa nilakad lang nila ito habang buhat ni adrian si Lucas dahil hindi naman kalayuan ang katabing resort. Nang makarating sila sa resort na sinasabi ni adrian ay ang binata ang nag order ng kanilang kakainin. Ipapatikim daw nito sa kanila ang the best na luto ng mga ito.Nang dumating na ang inorder na adrian ay agad nila itong pinag saluhan. "oo nga Adrian! Ang sasarap nga ng mga luto nila dito!.. Thanks Adrian!" saad ni eloisa sa binatang si adrian."oh diba sabi ko sayo! Hayaan mo mamaya may iba pa tayong pupuntahan tiyak na matutuwa din kayo doon!" tugon ng binatang doktor. Matapos silang kumain ay agad na rin silang tumayo at naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang resort. Nang ganap na silang makabalik sa resort ay napag pasyaha
KINABUKASAN ala siyete palang ng umaga ay sinundo na sila ni mang Arthur. Baka gabihin daw sila kapag tanghali na sila umalis. Buhat-buhat niya ang kanyang anak na si Lucas ng magpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbabakasyon lang sila ng ilang araw.Natuwa naman ang kanilang mga magulang dahil kailangan daw niyang mag enjoy din sa buhay lalo na ngayong nakalabas na ang kanyang ama ng ospital at nag bagong buhay na rin ang kanyang tiyahin na si Victoria. wala na daw dapat silang alalahanin kundi ang magsaya.Buhat niya parin si lucas ng sumakay sila ng kotse. Tulog pa kasi ang bata ng mga orasan na yun. Isinama niya rin ang yaya nito. Habang nasa biyahe ay nakatulog ding muli si eloisa.Naramdaman niya nalang na may tumatapik tapik na sa kanyang braso. "maam gising na po.. Nandito na daw po tayo sabi ni mang Arthur.." saad sa kanya ng yaya ni Lucas. Agad niyang nilinga linga ang paningin niya sa paligid nakita niyang naka hinto na nga ang kanilang sinasakyang kotse. Maging an