"Isa pa, hindi ako koreano. Pilipino ako," dagdag pa ng hilaw na koreano na hindi alintana ang nagngangalit na itsura ng dalaga.Niloko siya nito. Ginawa siyang katatawanan. Sinungaling! Manloloko!Kinalma niya muna ang kanyang sarili, pero hindi nagbabago ang nanlilisik na tingin niya dito. Gusto niya itong awayin pero wala nang patutunguhan pa ang lahat at baka magkagulo lang. "Masaya ka na? Ginawa mo akong clown? Naabala mo na ako, at higit sa lahat pinagmukha mo akong tanga."Akmang tatayo siya mula sa kinauupuan nang pigilan siya nito at hawakan ang kamay niya. "Sorry na. Hindi ko naman sinasadya." hinging-paumanhin nito na seryoso na ang ekpresyon sa mukha. "Hindi ko naman plinano na pagmukhain kang tanga. Ikaw naman ang unang lumapit sa akin, di ba?""At kasalanan ko pa ngayon?" nagngangalit ang mga bagang na dinuro niya ito. "Kayo talagang mayayaman, ang hilig niyong paglaruan kaming mahihirap ano?" at saka iwinaksi ang kamay nito na nakahawak pa rin sa kanya. "Bitawan mo nga
"What? He's your boyfriend?" gulat na gulat na tanong ni Andeng habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Nathalie. "How come? Hindi ka nga nalabas ng bahay--- I mean, paano kayo nagkakilala?"At muntik na nga itong madulas sa pagsasabi na hindi siya nalabas ng bahay.Bago pa siya makasagot ay muling tumunog ang bell sa may pinto, at ang lahat ay natahimik nang makita nila kung sino ang pumasok."Caleb!" tuwang-tuwang tawag ni Andrea dito na biglang lumiwanag ang buong mukha. Sinalubong nito ng halik sa pisngi ang kasintahan bago nito hinila papunta sa kanila. "What are you doing here? I thought you were busy. Hindi mo kasi sinasagot ang mga text at---" napahinto ito nang mapagtantong nakikinig si Nathalie sa kanila. "I mean, hindi ka nagsabi na pupunta ka din pala dito."Imbes na sumagot sa kasintahan ay nakatitig lamang ito kay Nathalie nang ilang segundo at saka lang parang natauhan nang hilahin ni Andrea ang kamay niyang hawak na pala nito ng mahigpit."Do you know that Nathalie a
"Wait!" pigil sa kanya ni Andrea. "Di ba balak ka nang ienrol ni daddy sa pinapasukan ko? You should prioritize this matter, Natnat. Education is very important in our lives."Gustong mapaismid ni Nathalie sa mga pinagsasabi ni Andrea. Wala namang sinasabi sa kanyang pag-aaralin ulit siya ng mga ito. At saka hindi nga ito pumapasok sa school, o kaya kung papasok man ay halos isang beses lamang sa isang linggo, tapos sasabihing 'education is important in our lives!' daw."At saka hindi ka nagpaalam kay daddy. Ako, kakatext ko lang na sasama ako," nakakalokong itinaas pa nito ang cellphone nito. "At pinayagan ako. Baka hindi ka kasi payagan eh, kaya kung ako sa'yo, hindi na lang ako sasama." "It's okay," pigil naman dito ni Adrian. "Ako na lang ang magpapaalam sa kanya sa daddy mo.""Pero...""Eh pano 'yan Adrian, wala naman akong dalang mga damit," nagpapacute na sabi naman niya at pinapungay pa ang mga mata habang pinaglalaruan ang manggas ni Adrian. Nakikita niyang dalawang tao ang
Napatawa naman si Nathalie sa sinabi ni Adrian. "Hindi mo ba nakita 'yung mga balita tungkol sa akin? Wala ka bang napanood na video ko? 'Yung mga sinasabi ng mga bashers tungol sa akin, wala ka bang nabasa kahit isa sa mga 'yun?" tanong niyang muli at hinuli ang mga mata nito at pinipilit basahin kung ano ang nasa isip ng binata. Pero isa lang ang nakikita niya sa mga singkit na mga matang iyon. Labis na pag-aalala. "Masama ang reputasyon ko. Sa mata ng mga tao, isa akong masamang babae."Huminga ito ng malalim at saka hinuli ang kamay niya. ‘‘I don’t believe them. I only believe in myself and myself says that you’re not that kind of girl. Iyon ang nakikita ng mga mata ko, iyon ang sinasabi ng puso ko, so bakit ako makikinig sa sinasabi ng ibang tao?"Nahigit niya ang kanyang paghinga at hindi makapaniwalang tinitigan ito, at unti-unti ay sumilay ang isang totoong ngiti sa kanyang mga labi habang naiipon ang luha sa kanyang mga mata. Blessing in disguise din pala na nagpanggap ito na
Hindi man nabili ni Caleb ang malaking lupain sa Pampanga ay may nag-alok naman sa kanya ng isang resort sa Subic na agad niyang sinunggaban at hindi na pinakawalan pa. Isa ito sa pinakamalaking resort sa lugar at dahil magmamigrate na sa ibang bansa ang may-ari nito ay wala itong ibang choice kung hindi ang ibenta kahit na sobrang patok ito sa masa at talaga namang kumikita ng malaki. Isa pang rason nito kung bakit nito naisipang ibenta ang resort ay dahi wala na daw itong anak sa Pilipinas dahil nakatira na sila lahat sa ibang bansa.Sobrang laki ng resort dahil may kasama din itong hotel kaya naman ang sukat nito ay halos dinoble ang lupain sa Pampanga. At dahil dumoble rin ang presyo nito ay kinuha ni Caleb ang kanyang pinakabatang tiyuhin na si Adrian para maging kapartner sa pagpapatakbo nito, and he was very thankful dahil hindi ito tumanggi sa alok niya. It was very hard to find a trustworthy person to become a business partner, and he was glad his father's brother was there t
"You must try this. Sobrang sarap!" medyo exaggerated na wika ni Adrian habang ipinagbabalat si Nathalie ng malaking hipon."Thank you, Adrian." sagot naman ng dalaga at saka kumagat sa hipon na hawak ng binata ng ilapit nito sa kanyang bibig ang hawak nito."O ano, masarap di ba?" natatawang pinahid pa ni Adrian ang kumalat na sauce sa gilid bg bibig ng dalaga na ikinakuyom ng palad ni Caleb na kanina pa pala sila pinapanood.Hindi niya maintindihan ang sarili. Nagagalit ba siya dahil sweet ang mga ito? Naiinis siya kay Nathalie? O nagseselos siya kay Adrian?'That's fucking impossible!' "Totoo ba 'yung kumakalat na video sa internet?" nawala ang focus niya sa mga ito nang marinig niyang nagtanong ang isang bisita na may pang-uuyam na tingin ang ibinabato kay Nathalie kahit na ang kausap nito ay ang ang babae sa harap nito. "Ang bata pa pala niya pero sobrang wild na. Saan niya kaya natutunan ang ganung style? Sabi nila sumama sa ibang lalaki ang nanay niya. So, doon siya nagmana ng
"Nathalie, ikaw ang unang itinuro ng bote, congrats!" tuwang-tuwang sabi ni Charnie bago itinayo ang bote at tumingin sa kanya. "So anong pipiliin mo, iinom ka o sasagot ka ng tanong?"Lihim na napaismid ang dalaga. Sinasabi na nga ba niya at ganito ang mangyayari. Pero hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito. Imbes na sagutin si Charnie ay dinampot niya ang baso na may lamang alak at mabilis na inubos ang laman nito. Agad namula ang kanyang mga pisngi dahil sa init na hatid ng alak sa kanyang buong katawan.Muling umikot ang bote at sa ikalawang pagkakataon ay tumapat itong muli sa kanya, at pinili ulit niya ang uminom. Hindi pa man natatapos ang laro ay mukhang malalasing na siya. Naramdaman niya ang palad ni Adrian na humaplos sa likod niya, at isang tipid na ngiti lamang ang itinugon niya dito.Ipinagpatuloy nila ang paglalaro, at nang si Charnie ang itinuro ng bote ay truth ang pinili nito. "Okay, may gusto ka bang halikan dito?" tanong ni Andrea, at kagat-labing tumango si
"Oh, for Pete's sake! Anong klaseng tanong 'yan? Bakit kailangan niyong magtanong ng ganyang kapersonal na bagay?" galit na saad ni Adrian at tinitigan ng masama si Charnie. "I said, stop this fucking nonsense game, didn't I?" Ngunit sa pagkabigla ng lahat ay biglang tumawa ng malakas si Nathalie. "Hey, Nathalie, are you okay? Lasing ka na. Halika na, ihahatid na kita sa room mo para--"Itinaas ni Nathalie ang kamay para patigilin si Adrian sa pagsasalita bago hinarap si Charnie. "Tinatanong mo kung kanino ko ibinigay ang virginity ko?" nakataas ang kilay na tanong niya dito, at sunod-sunod ang pagtango ng kaibigan ni Andrea na parang sabik na sabik malaman kung sino."Ang sabi sa social media, sa isang teacher mo daw ito ibinigay, ang sabi naman ng iba, sa isang classmate mo daw," nakangising saad ni Charnie. "Kanino ba talaga? Banggitin mo na lang ang pangalan niya para hindi ka na mahirapan."Nakangising inilibot ni Nathalie ang kanyang paningin at hinanap ang lalaking tanging naka
Habang busy ang mga Mondragon sa pagbibihis ay naiinis namang bumangon si Nathalie mula sa pagkakahiga sa kama dahil sa ingay ni nililikha ng mga ito mula sa taas. Dinig na dinig niya ang pagsigaw ni Andeng at ang pagpadyak ng takong ng sapatos nito. "Mommy, I need help! Alin ba dito ang susuotin ko? Help me choose which one is better, please?"Pabagsak na nahiga siyang muli sa kama at tinakpan ng kumot ang kanyang mukha, pero dinig pa din niya ang ingay ng mga ito mula sa first floor. Naiinis na bumangon siya at nagtungo na lang sa banyo para maligo. Kailangan lumamig ang ulo niya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at pagsabihan ang mga ito.Actually, may pasok siya sa school ngayong araw. Namili siya ng mga gamit noong linggo, at noong lunes nga ay ang unang araw ng klase niya. Sabado na ngayon pero may klase pa rin siya, at pinili niyang hindi pumasok. Binabalak niya kasing pumunta sa birthday party ni Mrs. Lopez kahit na hindi siya imbitado.Alam niyang ayaw din siyang pap
Isang oras pagkatapos ng kababalaghang ginawa ng mag-asawa ay nakalabas din sa wakas si Nathalie sa kuwarto ng mga ito. Hindi na muna niya kinuha ang urn dahil malalaman nila na pumasok siya sa kuwarto ng mga ito ng walang paalam kapag nakita nilang nawawala ang urn.Pagdating sa baba ay mabilis na nagpunta siya sa kusina at kumuha ng mga pagkain sa ref. Maghapon siyang walang kain kahapon, at ngayon lang ulit niya naramdaman ang pangangalam ng sikmura. Ilang oras na lamang ay magigising na ang mga katulong para magtrabaho. Butbit ang isang karton ng fresh milk, isang balot ng tinapay at isang apple ay nagmamadaling bumalik sa kanyang kuwarto si Nathalie, at doon nga ay kinain niya ang mga kinuha sa ref. Habang nagpapababa ng kinain ay naglinis siya ng kuwarto. At nang mapagod ay nakaramdam siya ng antok, kaya humiga na siya sa kama at natulog.********Dumating na ang pinakahihintay na kaarawan ni Mrs. Lopez at ang mga tauhan sa malaking bahay ng mga ito ay naging busy sa paghahanda
Inunang chineck ni Nathalie ang walk-in closet ni Andeng at isa-isa niya itong binuksan. Hinawi niya ang mga damit nito na nakahanger at pinagbubuksan ang mga drawer nito. Tinignan niya din kung nasa taas ba ito, pero wala siyang makita ni anino ng urn.Pagkatapos niya sa mga damitan nito ay sa lagayan naman ng mga sapatos siya nagcheck gamit ang flashlight ng cellphone, pero negative pa rin. Dumapa siya at naghanap din sa ilalim ng sofa at mesa sa loob ng kuwarto, pati na rin sa ilalim ng kama nito, pero wala talaga. Tatayo na sana siya mula sa pagkakadapa nang bigla niyang marinig na may nagbubukas ng pinto ng kuwarto. Agad niyang pinatay ang flashlight, at mabilis na gumulong siya sa ilalim ng kama para magtago.“Andrea?” boses iyon ni Daphne. “Andrea, what are you doing? Gabing-gabi na, ano na naman ang kinakalikot mo? Ang ingay-ingay, hindi ako makatulog.”Pero walang sumagot dito, kaya pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Andeng, at napatakip naman siya sa bunganga niya habang si
Nabigla man si Nathalie sa ginawa ni Andeng sa kanya ay sisiguraduhin niyang hindi siya magpapatalo dito kahit nakaharap pa ang mga magulang nito.Mabilis na iwinasiwas niya ang kanyang bag at nasapol sa mukha ang pinsan, dahilan para mabitawan nito ang buhok niya, bago buong pwersang itinulak ito, at malalaglag na sana siya sa hagdan pababa sa basement kung hindi lang ito nasalo ni Tonyo na mabilis na tumakbo papunta sa kanila."Andrea!" nanlalaki ang mga matang sumugod din si Daphne at mabilis na niyakap ang stepdaughter pagkatapos itong mailigtas ni Tonyo. "Are you okay, sweetie? Oh my God, muntikan ka nang mahulog!""No, mommy, I'm not okay! Look at my face, it hurts!" Itinuro nito ang mukha na tinamaan ng kanyang bag at saka ito umatungal ng iyak at yumakap sa mag-asawa."Kung may gusto kang malaman sa akin tungkol sa mga nangyari sa amin ni Caleb, siguraduhin mo muna na marunong kang makipag-usap ng maayos at maging mabait sa akin!" pag-ismid niya dito, bago taas ang noong iniwa
Namumula ang mukha na umalis sa pagkakaupo sa kandungan ni Caleb si Nathalie at mabilis na dinampot ang kanyang bag bago binuksan ang pinto ng kotse. Narinig niya pa ang malalim na pagbuntong-hininga ng binata bago siya bumaba at pabagsak na isinarado ang pinto.Ano na naman itong ginawa niya? Dumadami na talaga ang kasalanan niya kay Andeng. Feeling niya ay pinagtataksilan niya ito, kahit na isa talaga ito sa plano niya at parte ng kanyang paghihiganti. Ang paluhain silang lahat ng dugo, pero bakit parang nakukonsensiya siya?Itinulak niya ang pinto ng gate at nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong bukas ito, kaya walang lingon-likod na dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay kahit nakita niya na hindi pa umaalis ang kotse ni Caleb. Pagsarado niya ng gate ay saka lang niya narinig na umalis na ito.Pagpasok sa sala ay sakto namang pababa sa hagdan si Andrea na nakasuot pa ng pajama at mukhang nagmamadali ito. Narinig siguro nito na may dumating na sasakyan kaya dali-dali it
Bumaba sila ni Mrs. Lopez na magkahawak ang mga kamay papunta sa dining room, at doon nga ay nakita ulit niya ang tatay ni Caleb na kamukhang-kamukha nito na nakapwesto sa pinakapuno ng mahabang mesa. Napakagaan ng awra ng mukha nito at hindi niya maiwasang maalala na naman ang tatay niya.Agad na ibinaba nito ang newspaper na hawak at tinignan sila ng may ngiti sa mga labi. "Good morning to both of you," bati nito sa kanila bago ito humalik sa asawa, at isang mahinang good morning naman ang isinagot niya dito.Nakaupo sa kaliwa nito ang babaeng anak ng mga ito na si Diane, at walang kangiti-ngiti sa mga labi nito na pinagmamasdan siya.Bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito kaya nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang pansin kay Caleb na agad silang ipinaghila ng upuan nang makita silang pumasok sa dining room at nang magtama ang mga paningin nila ay nang-aasar pang kinindatan siya nito.Pinandilatan niya ito ng mga mata at natatawang umupo ito sa tabi ni Diane."Dito ka mau
Nang maramdaman ni Caleb ang pantay na paghinga ni Nathalie, katunayan na nakatulog na ito ay dahan-dahan niyang inihiga ito sa kama. Pinagmasdan niya muna ang mukha nito ng ilang segundo, bago umakyat ang kanyang kamay at masuyong hinaplos ito.Magkamukha sila ni Andrea, pero mas maamo ang aura ni Nathalie. Nakuha man nitong kopyahin ang mukha ng pinsan,pero hindi nito maitatago ang inosenteng personalidad nito. Ang ngiti nitong napakaganda, ang mga labi nitong kaakit-akit sa paningin niya, at kaysarap halikan, at ang mga mata nitong parang nang-aakit kapag tinititigan siya.Caleb didn’t know how to hide his feelings from this girl anymore. No matter how much he tried to stop his heart from beating towards her, he had no idea why, but he just couldn’t.He tried his hardest to distract himself with work for the past few days, but no matter how much work he did, Nathalie would always slip into his mind. And it was starting to drive him crazy, kaya naman minabuti niyang magtrabaho sa ta
Pag-akyat ni Nathalie sa taas ay hawak-hawak ni Caleb ang kamay niya, at wala siyang magawa dahil nakatingin sa kanila ang nanay nito. Pero pagpasok nila sa kuwarto ng binata at nang maisarado ang pinto ay mabilis niyang hinila ang kamay at matalim ang mga matang tinignan ito.“Bakit ba ipinagpipilitan mo sa mommy mo na ako si Andrea?”singhal niya dito.“Ako?” itinuro ni Caleb ang sarili.”Ako ba talaga? Eh ikaw nga itong nag-umpisa, tapos ako ang sisisihin mo?” napapailing na saad nito bago naghubad ng damit sa harap niya.“A-anong ginagawa mo?” tanong niya dito bago umiwas ng tingin at humalukipkip.“As if namang hindi mo pa ito nakikita.” pinaikot nito ang mga mata. “But I have to tell you that my offer still stands. Be my wife, Nathalie.”Haharap na sana siya dito nang bigla itong maghubad ng pantalon. “Ayoko.” matigas na sagot niya. Hinding-hindi ako magpapakasal sa’yo.” “Sigurado ka na ba diyan?” narinig na naman niya ang nang-aasar na tono nito,at napalunok siya nang marinig ang
Nakaramdam ng sari-saring emosyon si Nathalie habang pauwi sila sa bahay ng mga Lopez at nakaupo siya sa likod ng kotse ng mga ito katabi ang ginang. Kakuwentuhan niya si Mrs. Lopez habang hawak ang kamay niya na giliw na giliw sa kanya. Paminsan-minsan ay nagtatanong ito at sinasagot naman niya ito ng may pilit na ngiti sa mga labi.At si Caleb na nakaupo sa harap nila ay pangiti-ngiti lang at palingon-lingon sa kanila na parang natutuwa pa ito sa nangyayari habang siya ay sobrang nerbiyos na at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.Kalahating oras ang itinagal ng biyahe nila bago sila nakarating sa malaking bahay ng mga Lopez. Isang maid ang nagbukas ng gate at maluwang ang ngiti na sinalubong sila nito at iginiya sa loob ng magara at malaking sala.Nagulat pa siya nang dalawa pang maid ang bumungad sa sala at may bitbit na mga tray. Ang isa ay mga baso na may lamang juice at iba pang inumin ang dala, samantalang ang isa naman ay iba’t ibang cookies and pastries ang laman ng dalang