Share

82

Umalis na kami sa set nang matapos ang taping inabot ang ginagawa namin ng alas-nuebe ng umaga kaya ihahatid nila ako sa Batangas at ang ibang gagawin ko ngayong araw ikakansela dahil wala pang kami tulog nauunawaan naman ng ibang director ang hiling ng manager ko. Isang taping lang ang gagawin ko ngayon mamaya pang alas-siete ng gabi malayo man ang byahe pauwi kailangan kong umuwi para makapag-pahinga ako kahit ilang oras.

Nang dumating kami sa bahay nagtaka ako pagbaba namin na bukas ang ilaw ng labas nang bahay. Pinarada lang ng driver ang van sa labas dahil hindi naman mag-kasya sa loob ang van dahil nakaparada ang sasakyan ko.

"May kasama ka bang ibang tao dito?" pagtatanong nila sa akin umiling naman ako kaya nagtaka ako binuksan ko na lang ang gate mula sa labas bago ako pumasok mula nang bumalik ako dito madalang na lang magpunta dito ang caretaker na inutusan kong mag-linis ng bahay kapag matagal akong hindi umuuwi.

Pumasok ako sa loob at naka-amoy kami nang nilulutong ulam
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status