Wala sa loob na nasapo ni Brittany ang nasaktang pisngi, kasabay ng pag-agos ng mga luha. Hilam sa luha na itinaas niya ang mukha at tiningnan ang ama. Ngayon lang siya napagbuhatan ng kamay nito sa loob ng mahabang panahon. Mataas at malakas ang paghinga nito na halatang hindi pa rin bumababa ang emosyon nito. Nanginginig ang kamay na itinaas niya iyon at saka itinuro si Brittany.“Kapatid mo siya kaya huwag mo siyang itrato ng ganyan!”Pinahid ni Brittany ang basang pisngi. `“Ni hindi ko nakita o naabutan ang buhay ng sinasabi mong kapatid ko at kung anong klaseng kapatid siya! Pero ikaw, anong klaseng ama ka ba sa akin? Nung bata pa ako, hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo. Nasa nawawala kong kapatid lang ang atensyon mo! Buong panahon at oras mo, inubos mo sa paghahanap sa kanya! Siya lang ang mahal mo, hindi mo ako mahal.” “At ano naman ang alam mo nung mga panahon na iyon? Masyado ka pang bata para sa mga kadramahan. Kung may dapat piliin noon, natural na siya ang pipiliin
“Analyn, come here,” tawag ni Anthony sa asawa. Agad namang lumapit si Analyn. Ganun din, ang babaeng nasa likuran ni Anthony ay naglakad papunta sa kinauupuan ni Edward. Bahagya pang nagkasagian ang mga manggas ng mga damit nila. Napatingin tuloy sila sa mukha ng isa't isa, tila pilit kinikikilala ang bawat isa.“Uuwi na ba tayo?” tanong ni Analyn ng nasa harap na siya ni Anthony. “Yes,” sagot ni Anthony at saka hinawakan sa kamay ang asawa at giniya palayo roon. “Kanina pa kayo nag-uusap?” tanong ni Anthony habang naglalakad sila papunta sa kinaroroonan ng sasakyan niya.Inalis ni Analyn ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Anthony at saka naglalambing na humawak sa braso nito.“Hmm? Hindi naman…” “Bakit ka lumabas sa kuwarto? Sabi ko sa iyo, doon mo ko hintayin.” “Naiinip na ko. Mag-isa lang ako dun.”Sinalubong sila ng sekretarya ni Anthony, may bitbit itong coat sa isang kamay niya.Kinuha mula sa kanya ni Anthony ang coat at saka ipinatong sa balikat ni Analyn.Pagkaup
Pinagmasdan ni Ailyn ang itsura ng bagong gising na si Anthony. Ni hindi pa nga yata ito nakapaghilamos ng mukha, pero guwapo pa rin ito. “Ailyn? Ano'ng ginagawa mo rito?” Napansin ni Anthony na kakaiba ang binis nito ngayon. Sa unang tingin pa lang, alam niyang branded ang lahat ng suot nito sa buong katawan, pati na ang nakasukbit na bag sa balikat niya. Ibang-iba sa dating ayos niya ng una niya itong nakita.“Pinapunta ako rito ni Boss Edward. Kailangan mo raw ang impormasyon na dala ko.” Tiningnan pa ng mga mata ni Ailyn ang hawak na envelope.Tumaas ang isang kilay ni Anthony. “Ano'ng impormasyon?”Mahina lang ang pagkakatanong nun ni Anthony pero tila kulog ang dating nun sa pandinig ni Ailyn. Bahagyang nanlamig at nanginig ang katawan niya sa takot sa lalaki. “E-Eto. H-Hawak ko ngayon.” Napansin ni Anthony ang pagka-utal ng kausap. “Are you afraid of me?”Lumunok si Ailyn. “Aware naman siguro ni Sir Anthony na halos lahat ng tao sa Tierra Nueva ay takot sa kanya.”Walang sa
Nakahiga lang si Analyn sa kama. Nawala na ang sakit sa tiyan niya, pero tinatamad pa siyang kumilos. Hindi rin siya pumayag na samahan siya ng sekretarya ni Anthony. Sa palagay niya, mas kailangan siya ni Anthony sa meeting nito.Nag-video call si Elle, ngiting-ngiti ito sa screen.“Bakit ganyan ang ngiti mo?”[“Sikat na sikat kayong dalawa ni Anthony dito sa Tierra Nueva.”]Nagtaka si Analyn sa sinabi ni Elle, isama pa ang malisyosong ngiti nito.“Bakit?” [“Balitang-balita ang paglipad ni Mrs. De la Merced papuntang Hongkong para suportahan ang asawa niya sa krisis ng DLM Group.”]“Sus!”Tumawa lang si Elle. “Nag-aalala ako sa kanya, Elle.”Nagkibit-balikat si Elle. Pagkatapos ay umiba ng ayos sa sofa na kinauupuan niya.[“Good! In love ka na talaga kay Kuya Anthony, ha…”]“Sira! By the way, binigyan ko ng trabaho iyong dalawang bago natin. Kaya bawas na ‘yun sa trabaho n'yo ni Michelle.”[“Gor it!”]Kumunot ang noo ni Analyn. “Nasaan ka? Bakit parang nasa ibang bahay ka? Wala k
Nang dumating si Analyn sa ospital, wala pa ang doktor kaya pinaupo muna sila. Hindi naman nagtagal at dumating agad ang doktor. Mabuti na lang at siya pa lang ang unang pasyente kaya mabilis siyang naisalang sa check-up. Matamang nakinig ang doktor sa deskripsyon niya sa sakit na nararamdaman niya. May ilang procedure pang ginawa sa kanya, tapos ay kinausap na siya nito. “Miss, gagawan kita ng referral sa OB-Gyne Department,” sabi ng doktor habang inaabot ang notepad na nasa gilid ng mesa niya.“OB-Gyne?” pag-uulit ni Analyn. Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Ang alam niya ay para sa mga may balak magbuntis o buntis lang ang nagpapa-check up sa ganung doktor. Napahinto sa pagsusulat ang doktor sa notepad niya. “Oo. The pregnancy cycle is 23 days. And the baby is misplaced in your fallopian tube, complicated by cervical inflammation, infection and bleeding. Kung ako ang tatanungin, I want to suggest the removal of the fetus. But ang OB pa rin ang may final say dito.” N
Ininom na ni Analyn ang gamot na inireseta ng doktor at bahagyang umigi ang pakiramdam niya. Pero nahihirapan siyang matulog at walang ganang kumain. Naiisip niya si Anthony. Alam niyang hindi basta-basta ang pinagdadaanan nito ngayon. At para malibang, bumaba siya sa coffee shop na nasa ibaba ng hotel na tinutuluyan dala ang laptop niya at doon gumawa ng mga disenyo para sa proyekto nila sa Blank para malibang at maalis sa isip niya ang kalagayan ng negosyo ngayon ni Anthony..Mayamaya, napagod na si Analyn kaya huminto muna siya sa ginagawa. Bigla na naman niyang naalala ang kondisyon niya. Inihawak niya ang isang kamay sa tiyan niya. “Baby, naririnig mo na ba ako?” Hinimas-himas ni Analyn ang impis pa niyang tiyan. “May mabigat na pinagdadaanan ngayon ang Daddy mo. Magkasama nating i-monitor ang tagumpay niya. Okay ba?”“Kung sakaling mabibigyan ka uli ng panibagong buhay, pakiusap… hanapin mo uli ako. Bumalik ka uli sa akin, anak ko.” Nang di inaasahan, nakita niyang pumasok a
Natagalan maghanap sila Analyn at Jean ng taxi driver na marunong magsalita ng Ingles. Halos rush hour na ng nakaalis sila. Matrapik na ang mga kalsadang dinadaanan nila.Medyo madaldal ang driver, at maraming tanong sa kanila. Si Jean na ang sumasagot dito dahil alam niyang wala sa wisyo si Analyn. Mayamaya, nag-ring ang telepono ng driver. Dinukot ng driver ang telepono sa bulsa niya. Nakita ni Analyn nang napangiti ito sa screen ng telepono niya. “Naku, tumatawag ang asawa ko.” “Sige lang po, sagutin n’yo na.” Si Analyn ang sumagot. Base sa pagkakangiti nito ng nakita niya ang pangalan ng asawa sa screen ng telepono nito, obvious na mahal na mahal nito ang asawa. Ganun nga ang ginawa ng driver. Masaya nitong sinagot ang tawag ng asawa. Kaya naman nag-drive ito na isang kamay lang ang may hawak sa manibela at ang isang kamay ay hawak ang telepono niya na nasa tenga. Nasa malalim na pag-iisip si Analyn nang bigla na lang na nakarinig siya ng malakas na tunog at ang sigaw ni Jean
“Tonton! Paano kapag nalaman ni Analyn ang gagawin mong ‘yan? For sure, magagalit ‘yun.”“That’s why there should be no leakage of the information.”“Pero, Anthony–”“Wala na akong choice, Raymond.”Nang gabi ring iyon, sakay na ng eroplano si Anthony pabalik sa Tierra Nueva. Pagkalapag ng eroplano, dumiretso siya sa bahay ng mga Esguerra.Kasalukuyang nagpapahinga si Brittany nang pumasok si Anthony sa loob ng bahay ng mga Esguerra. Nagulat siya ng nakita ang lalaki na naglalakad palapit sa kanya.“Anthony? Bakit ka narito? Akala ko, nasa Hongkong ka?”Ngumiti si Anthony nang malapit na siya kay Brittany. Napatulala naman si Brittany sa ngiti na iyon ng lalaking matagal ng minamahal. Nang nasa tapat na siya ni Brittany, agad niyang sinalat ang noo ng babae. “Oh? Wala ka na agad lagnat? Ang bilis naman?”Namilog ang mga mata ni Brittany. “B-Bumalik ka sa Tierra Nueva dahil sa akin?”“May sakit ka raw kaya nagpa-book agad ako ng flight. Tama ba?” Biglang nag-init ang mukha ni Britta
Nang nasa sasakyan na sila Elle at Analyn, muling binuksan ni Analyn ang larawan sa telepono niya. Nagugulo ang isip niya at hindi siya mapakali kaya sinilip niyang mabuti.Galing ang picture mula sa isang surveillance video at in-screeshot. Pero maliwanag ‘yun. Kung ganito kalinaw ang quality ng larawan, ibig sabihin ay totoo ito at hindi in-edit lang. At totoo talaga ang picture dahil galing nga sa camera ng CCTV. Napatingin sa malayo si Analyn, maraming naglalaro sa isipan niya.“Kanina ka pa napapatulala riyan. Saka, ano ba'ng tinitingnan mo diyan sa telepono mo?” biglang tanong ni Elle, sabay silip sa screen ng telepono ni Analyn. Bigla namang itinago na ni Analyn ang telepono para hindi makita ni Elle ang tinitingnan niyang picture.“W-Wala. Tinitingnan ko lang kung may message si Anthony.” “Hindi ka pa niya mapapansin na wala ka na dun sa venue. Masyado pa ‘yung busy sa mga kausap niya.” “Elle, kung obvious na may gumagawa ng dahilan para paghiwalayin kayo ng asawa mo, pap
Salitan na tinitingan ng waiter ang dalawang babae. Hindi niya maunawaan kung bakit nag-aaway ang dalawang babae sa harapan niya. Pasimple siyang umalis sa lugar na iyon.“Alam mo… huwag kang mayabang. Hindi porke wala akong tsansa kay Anthony ay wala na ring tsansa ang ibang babae. Beware, Analyn. Hawakan mo ng maigi ‘yang posisyon mo ngayon, at baka may makasulot sa ‘yo,” bigay-babala ni Brittany.“Alam mo rin, Brittany… sa halip na sa akin ka nagpo-pokus, bakit kaya hindi ka mag-pokus sa sarili mong kasal? Hindi porke wala ngayon sa kasal mo ang mga magulang ni Edward, makakampante ka na. Nandun sa labas ang mga naging ex ni Edward, umaasa na magkakaroon pa sila ng tsansa kay Edward. Kaya mo ba silang harapin lahat?” Tumaas ang isang kilay ni Brittany.“Sinasabi nilang lahat na mahal ka ni Edward. Pero kung talagang ikaw lang ang mahal niya, bakit ang dami niyang naging girlfriend bukod sa iyo? Isa pa, bakit nasangkot siya sa isang scandal?”Humigpit ang hawak ni Brittany sa baso
“Analyn!” Gustong pigilan ni Elle ang kaibigan, ayaw niya itong mapahiya sa maraming tao. Hindi niya alam kung marunong talagang tumugtog ng piano ito. “Ako’ng bahala.”Umakyat na si Analyn sa stage at saka naupo sa likod ng piano. Tinitigan niya ang mga kulay puti at itim na mga tiklado ng instrumento, at saka siya napaisip. Kailan pa nga ba siya huling tumugtog ng piano? Sinubukan ni Analyn na pindutin ang mga tiklado paisa-isa, walang tiyak na tono. May nainis mula sa mga bisita at sumigaw. “Kung hindi ka marunong tumugtog ng piano, bumaba ka na lang diyan! Nakakahiya ka lang!”Sinundan pa iyon ng iba pang sigaw na pinapababa na siya sa entablado, pero hindi iyon pinansin ni Analyn. Itinuon niya ang pansin sa pagtipa, hanggang sa bumilis na ng bumilis ang pagtipa niya. Napanganga ang mga bisita at nakikinig sa tinutugtog ni Analyn. “Piyesa ni Rachmaminoff!” hindi nakatiis na komento ng isa.“Oo nga. Maraming ayaw na tugtugin iyan dahil masyadong mahirap ang pagtipa ng piyesang
Tapos na ang kasal at nasa reception na sila Anthony at Analyn. Kanina pa hinahanap ni Analyn si Elle, pero hindi niya ito nakikita. Hindi tuloy malaman ni Analyn kung umalis na ba ang babae katulad ng sabi niya kanina na magpapakita lang sandali rito sa reception at aalis na. Pero sana naman ay magpaalam muna ito sa kanya bago umalis. “Hey, babe. Gusto mo ba ‘yung ganitong kasal nina Edward at Brittany?” pabulong na tanong ni Anthony sa asawa. Umiling si Analyn. “Ayoko. Masyadong magarbo. Gusto ko, simple lang.” Tumango si Anthony. “Noted.” Pagkatapos ay tumipa ito sa screen ng telepono niya. Nagtaka si Analyn kung ano ang ginagawa ni Anthony kaya sinilip niya ang ginagawa nito, at nakita niya na may notes siyang nakasulat sa notepad ng telepono niya. Naiiling na napangiti na lang si Analyn sa asawa. “Hey, Anthony!” Sabay na napalingon ang mag-asawa. Isang may edad ng lalaki ang tumatawag kay Anthony. Pero kabilang lang ang lalaki sa umpukan ng mga lalaking kasama nito.“Come h
Bumuntong-hininga si Mercy, pilit niyang inuunawa ang anak. Hinaplos niya ang pisngi nito. “Pare-pareho ko lang kayong mga anak, kaya pantay-pantay lang kayo sa akin. Walang aalis sa bahay na ito. Ayaw mo ba nun, madadagdagan pa nga tayo? Masyado kang nag-iisip.” “Natatakot ako, Mama. Lagi ko na lang napapanaginipan iyon. Ang pagdating ni Ailyn dito sa bahay at ang pagpapa-alis mo sa akin dito. Magkakatooo ba “yun, Mama? Natatakot ako…” Niyakap ni Mercy ang anak. “Hindi, Brittany, hindi…”Palihim na natuwa si Brittany. Lingid sa kaalaman ng mga magulang, kumuha siya ng private investigator at nasorpresa siya sa report nito sa kanya. “Si Damian Ferrer, ang tumatayong ama ni Analyn Ferrer ay isang surgeon sa isang ospital sa San Clemente. Si Analyn ay inampon lang niya doon sa ospital dahil walang nagke-claim sa bata nung maaksidente ito at ma-confine doon sa ospital. Kontra ang asawa niya sa ginawa niyang pag-ampon sa bata. Pinaalis si Damian doon sa ospital dahil sa isang kaso ng
Napapapikit na lang ang kasambahay na nasa labas ng kuwarto ni Brittany sa tuwing may tunog siyang maririnig ng nabasag na bagay sa loob ng kuwarto ng amo. Kanina pa nagwawala si Brittany sa loob ng kuwarto nito. Magulong-magulo na ang kuwarto at nakasabog lahat ng gamit. May mga basag na bagay na kanina pa niya isa-isang hinahagis. “Bakit? Hindi ko mahal si Edward! Bakit ko siya kailangang pakasalan?! Ayoko siyang pakasalan!”Ito ang paulit-ulit niyang sinasabi habang iwinasiwas ang lahat ng madampot sa loob ng kuwarto niya. Basang-basa na rin ang mukha niya sa magkahalong luha at pawis.Mula ng ipinakilala na ni Anthony ang pagkakakilanlan ni Analyn bilang asawa niya sa buong Tierra Nueva, marami ng lumait sa kanya. Ang laman lagi ng mga balita ay nagpipilit daw siyang maging mistress ni Anthony, at hindi na makahintay na maging hiwalay muna sa asawa ang presidente ng De la Merced Group.Nang sa wakas ay napagod na si Brittany sa pagsisira ng mga gamit niya, nanghihina siyang napa
Nagising si Analyn dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata niya. Pagdilat niya, nakita niya ang papasikat pa lang na araw sa tabi ng isang mataas na gusali. Matik na itinaas niya ang kamay niya para takpan ang nasisilaw niyang mga mata. Saka lang niya napagtanto na nasa sasakyan pa rin siya ni Anthony at nakaparada sila malapit sa bahay ni Damian.Samantalang si Anthony na wala pang tulog ay nakatunghay sa mukha ni Analyn mula pa kagabing ipinarada niya ang sasakyan sa tabi. “Gising ka na?” Nilingon ni Analyn ang lalaki, parang nagulat pa siya na nakita roon si Anthony. Agad siyang nagbawi ng tingin sa lalaki. “Dito ba ako nakatulog magdamag?” “Nalasing ka kagabi. Marami kang sinabi na masakit para sa akin.”“Huh?” Sandaling nag-isip si Analyn, pero wala siyang maalala sa sinasabi ni Anthony. Ganunpaman, pinilit niyang ibalewala kung ano man iyon. “Salitang lasing lang ‘yun.” Pagkasabi nun ay umayos ng upo si Analyn, medyo nangawit siya sa pagkakaupo niya.“I promise, Anal
Umiling si Anthony. “Hindi ko alam na naroroon ka. Ang sabi sa akin ng source ko ay lumipad ka palabas ng bansa. Iyon pala, nandito ka pa rin sa Tierra Nueva,” sagot ni Anthony.Sa unang pagkakataon, ngumiti si Analyn. “Nandoon ako sa kumbento malapit sa lugar ng bahay ni Lolo Greg.”Napamaang si Anthony, hindi niya naisip na baka nandito lang si Analyn sa Tierra Nueva at hindi naman talaga umalis.“Dalawang buwan ako roon at puro isda at gulay lang ang kinakain ko. Kaya sabik na sabik ako sa karne at alak,” natatawang sabi ni Analyn.“Bakit ka roon nagtago?” “Nagtago? Hmm… not really… gusto ko lang maka-recover ng mabilis sa pagkawala ng unang anak natin.” Biglang nakaramdam ng guilt si Anthony. Pareho silang nawalan ng anak, pero si Analyn lang mag-isa ang nagre-recover sa nangyari. Napansin ni Analyn ang biglang pag-iiba ng mood ng asawa. Nagsisi tuloy siya sa nasabi niya. “Ectopic pregnancy naman ‘yun. Sa ayaw o sa gusto natin, aalisin at aalisin talaga siya sa tiyan ko. Kaya
Nagising si Anthony sa amoy ng isang mabangong bagay. Nagdilat siya ng mga mata at saka naupo sa kana. Iginala niya ang mga mata. Mag-isa lang siya rito sa kuwarto. Pero napansin niya na may ingay na nanggagaling sa labas ng pinaka-tulugan. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at saka naglakad papunta sa pintuan. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya sumilip siya roon. Nakita niya si Analyn na nagsasalin ng kung ano mula sa isang kaserola papunta sa mangkok na hawak niya. Pero base sa amoy nun ay parang sopas ang laman ng kaserola. Agad na tumalikod si Anthony at saka dumiretso sa banyo. Mabilisan siyang nag-shower. Pero paglabas niya mula sa banyo ay tahimik na sa labas ng kuwarto. Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto at wala na siyang nakita roon. Inisip ni Anthony kung nananaginip o nagha-hallucinate lang ba siya kanina. Pero may mangkok na nakatakip sa ibabaw ng mesang kainan. Ibig sabihin ay naroon talaga kanina ang asawa. Lumapit si Anthony sa mesa habang pinupunasan ng tuwalya