Ngumiti lang si Analyn at saka iniwan si Grace sa kinatatayuan nila. Muli niyang ibinalik ang libro sa dati nitong kinalalagyan. Umikot siya sa likod ng mesa ni Anthony at saka sinilip ang computer na naroroon. Iniisa-isa rin niya ang mga dokumentong alam niyang nasa ibabaw ng mesa nito. Lihim siyang nagpasalamat na mukha namang walang nawala sa mga gamit ng lalaki.Muli na siyang naglakad patungo sa kinatatayuan ni Grace at saka nilampasan ito. “Manang Edna, sana ginagawa mo ng tama ang trabaho mo,” sabi niya sa dinaanang kasambahay.Nagngitngit si Grace sa babae. Inis na inis siya rito. Kung kumilos ito ay parang alam na alam niya ang bawat sulok ng bahay ni Anthony. Idagdag pa ang paraan ng pagka-usap niya sa kasambahay ni Anthony na para bang amo rin siya nito. Matalim niyang tinitigan ang papalayong bulto ng babae. Saka naman napagtanto ni Edna ang pagkakamaling nagawa. “Miss Grace, labas na po muna kayo,” magalang niyang sabi sa bisita, “sasamahan kita sa receiving area.”NA
Binuhat ni Anthony si Analyn at saka siya naupo sa kama habang nakakalong ang babae sa mga hita niya.“Huwag mo ng uulitin ‘yung ginawa mo kahapon. Nakipag-s*x ka man o hindi, ayaw ko ng pupunta ka sa hotel at magyayaya ng lalaki doon. Lalo na si Edward. Hindi ka palalampasin ni Edward. Numero unong babaero ‘yun. Kahit siguro posteng nakapalda, papatulan ng walanghiyang iyon.”“Nagsalita ang hindi. Ikaw nga… ang dami mong ka-date. Iba-ibang mga babae, iba-ibang hotel. Nagpunta pa rito ‘yung isa,” sabi ni Analyn.Ngumiti si Anthony, “ibahin mo ko. Mga business partners ko sila. Ang paglabas-pasok namin sa mga hotel, walang malisya. Hindi katulad ng ginawa mo.” Tila napahiya si Analyn sa isinagot ni Anthony. Malisyosa kasi siya, madaling maniwala sa mga sabi-sabi at nakikita sa internet. “May kinausap akong mga tao. Mamaya, dadatinng na ang Papa mo dito sa bahay. Pinapunta ko na rin si Lolo Greg.” Biglang umaliwalas ang mukha ni Analyn. “Talaga?”“Uh-huh…”“Salamat, Sir Anthony!” Na
Sigurado si Analyn na tirik na ang araw sa labas. Paano ba naman, nakita niya sa orasan na maga-alas onse na ng umaga. Hindi na niya matandaan kung ilang beses siyang dinala ni Anthony sa kakaibang dimensyon. Hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas ang lalaki. Ganung hindi pa nga ito natutulog nung mag-umpisa sila sa sesyon nila. Masasabi niyang ang taas ng energy nito kumpara sa kanya na nakatulog na kahit papaano. Dinig pa ni Analyn ang mabilis na paghinga ni Anthony habang nakayakap patagilid sa kanya. “Sir Anthony…”“Hmm?”“Ano’ng klaseng nanay ang nanay mo?”Ang buong akala ni Analyn ay hindi sasagutin ni Anthony ang katanungan niya. Aware naman siya na sensitibong topic iyon para sa lalaki. Naglakas-loob lang siyang magtanong. Gusto niyang makilala lalo ang lalaki at ang background nito. Samantala, bumalik sa alaala ni Anthony ang imahe ng nanay niya, si Emily. Isang makapangyarihang tao ito sa business world. Wala pa siyang muwang ng mamatay ang Papa niya. Mula noon, ma
Dumating na ang Papa ni Analyn, may kasama itong tatlong nurse na titingin at magmo-monitor dito habang nasa bahay ni Anthony. Hindi naman nagtagal at dumating na rin si Greg at Ria. Ngayon na lang uli naranasan ni Analyn ang pagsalubong ng bagong taon sa bahay. Mula ng maratay ang Papa niya, sa kuwarto nito sa ospital siya nagpapalipas ng huling araw ng taon.Kinabukasan, unang araw ng panibagong taon. Bahagyang nagising si Anthony. Kahit nakapikit, agad na umangat ang isang braso niya para yakapin si Analyn. Pero napadilat na siya ng tuluyan ng makapa na wala ang babae sa espasyong inokupa nito.Saglit siyang nakaramdam ng kaba na baka umalis si Analyn. Agad-agad siyang tumayo at hinanap ang babae. Hanggang sa natagpuan niya ito sa kusina.Agad na nilapitan ni Anthony si Analyn at niyakap mula sa likur
Pagkatapos ng hapunan ng gabing iyon, nagtipon muna sila sa sala habang nagkakape sila Analyn at Anthony at tsaa naman ang kay Greg.“Analyn, haika dito. Bibigyan kita ng aginaldo,” pagtawag ni Greg, sabay taas ng isang ampao na sobre.“Aginaldo, ‘Lo?” nagtatakang pagkukumpirma ni Analyn, pero tumayo siya at lumapit sa matanda.“Oo,” nakangiting sagot ni Greg.“Pero ang tanda ko na, Lolo.”“Eh, ano naman? Wala naman sa edad ang pagbibigay ng aginaldo. At saka unang Bagong Taon mo ito sa pamilya namin, kaya dapat lang na may ibigay ako sa ‘yo.”Nilingon ni Analyn si Anthony. Naintindihan
Kanina pa napapansin ni Analyn ang pagba-vibrate ng telepono niya. Hindi lang niya magawang sagutin at tingnan dahil busy siya sa pag-estima sa mga kamag-anak ni Anthony. Nang makakuha ng pagkakataon, nagpaalam siyang magpupunta muna sa CR.Sa loob ng CR, inilabas niya ang telepono mula sa bag at nakita niyang si Edward ang tumatawag.“Bakit ka tumatawag?”[“Nasa reunion kayo ni Anthony ng mga De la Merced?”]Natigilan si Analyn.“Paano mo nalaman? Masyado ka namang updated sa mga lakad ko. Nag-install ka ba ng CCTV sa katawan ko?”[“Umalis ka na diyan. Ngayon na. Hindi ako nagbibiro. Kailangan mo ng makaalis diiyan.”]
Lahat ay nag-aabang kung sino ang sakay ng itim na sasakyan na mukhang bago pa dahil wala pa itong plaka. Nang sa wakas ay bumaba ang driver at binuksan ang likurang pintuan. Unang lumabas ang paa ng isang babae. Mataas ang takong ng suot nitong tila mamahaling sapatos. Ng tuluyang malantad ang babae, halos sabay-sabay na nagsalita ang mga nakatatandang kamag-anak ni Anthony. “Emily?” “Ikaw nga ba ‘yan, Emily?” “Mukhang si Emily.”“Si Emily nga ‘yan.”“Si Emily nga!”Napaisip si Analyn kung sino itong Emily na bagong dating. Pero ng naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ni Anthony na nakahawak sa kanya at nilingon niya ang mukha nito, nagkaroon na siya ng ideya kung sino itong Emily. Nakita ni Analyn ang pagi-iba-iba ng emosyon sa mukha ni Anthony. Gulat, pagkasabik, pagtataka, at galit. Hindi alam ni Analyn kung paano ito kakausapin ngayon.Halos sabay-sabay ding napatingin kay Anthony ang mga kamag-anak niya. Alam nilang sa mga sandaling ito, siya ang pinaka-apektado. “Ano’n
Malalim na ang gabi pero hindi pa bumabalik si Anthony. Naiinip na si Analyn. Nakailang silip na siya sa Papa niya at nakabalik na sa sala, pero walang Anthony na dumarating. Nung dumating si Greg at Ria, sabik na sumalubong si Analyn. Akala niya ay kasama na nila si Anthony. Na-disappoint man, agad na nagmano si Analyn sa matanda.“S-Si Anthony po, ‘Lo?”Huminga ng malalim si Greg, “naiwan pa siya, iha. Iniwan pa namin sila dun. Mukhang marami silang kailangang pag-usapan ng Mama niya.” Nalungkot si Analyn, gusto na niyang makita at makausap ang asawa.“Hindi pa po naghahapunan si Mam, Sir Greg,” sabat ni Edna sa usapan. “Oh? Bakit, apo?”“Hinihintay ko po si Anthony. Sabay na kaming kakain. Nag-aalala kasi ako sa kanya,” pagkatapos ay bumaling si Analyn kay Edna, “manang, itago mo muna ang mga pagkain. Kung matutulog ka na, iinitin ko na lang mamaya kapag dumating na si Anthony.”Agad na umalis na si Edna para asikasuhin ang mga pagkain. “Kumain ka na muna kahit papaano, baka n
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula
Abala si Analyn sa laptop niya ng biglang may nagsalita sa gawi ng pintuan. Kinabukasan na ang araw ng pasahod sa mga empleyado nila ni Elle at ngayon pa lang niya nire-review ang attendance ng mga ito.“Bakit naman salubong ang mga kilay mo diyan?”Nag-angat ng tingin si Analyn mula sa laptop niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng nakita niyang nakatayo si Elle sa may pintuan ng kuwarto niya. Agad siyang napatayo at saka nagmamadaling nilapitan ang kaibigan. Gusto sana niyang magtampo dahil wala itong sinagot sa mga text niya, pero ngayong nakita niya na okay ito ay kinalimutan na lang niya ang pagtatampo. “Elle! Mariosep, akala ko ipauubaya mo na sa akin ang buong Blank,” pagbibiro ni Analyn.Umirap si Elle sa kanya. “Asa ka, malaki ang inilabas kong pera rito,” ang tipikal na sagot ng isang Elle. Niyakap ni Analyn si Elle. “Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit ka umalis ng Tierra Nueva?”Nag-alanganin si Elle. Gusto rin sana niyang yakapin pabalik si Analyn, pero meron sa loob n
Walang nagawa si Damian kung hindi ang gumawa ng listahan at ibigay iyon kay Analyn. “Itong nasa huli ng listahan, kulay pulang kahon ito. Nakapatong ito sa pinaka-itaas ng cabinet ko roon. Huwag na huwag mong kakalimutan ‘yan. Kailangang dala mo ‘yan pabalik dito,” pagbibilin ni Damian kay Analyn.“Ano’ng nasa loob nito, Papa? Kayamanan ba?” “Private matter ko ‘yan, Analyn. Huwag ng maraming tanong.”“Sige na, Papa… ano’ng sikreto ang meron ka dun sa kahon?” pangungulit pa ni Analyn.Tumaas ang isang kilay ni Damian. “Sikreto nga, di ba?”“Pera? Marami kang pera?” namimilog ang mga mata na tanong ni Analyn.“Tsk! Ang kulit nitong batang ‘to…”Ngumiti at nag-peace sign si Analyn sa ama. “Joke lang! Hindi na mabiro si Papa…”NANG naroroon na si Analyn sa dating tinutuluyan ni Damian, inobserbahan niya ang bahay. Mukhang wala namang bakas na may nakapasok. Baka hindi pa umaaksyon si Vhance, o nagbabalak pa lang ito ng pwede niyang gawin. Agad na kinuha ni Analyn ang mga nakalagay sa
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam
Humalakhak ng malakas si Eric.Tila naaliw ito sa sinabi ni Elle. “Joke ba ‘yan, Elle?” Pagkatapos ay muling tumawa ito.Natigilan si Elle, saka umiling. “Hindi. Totoo ang sinasabi ko.”Huminto sa pagtawa si Eric at saka itinulak si Elle. “Tapos na ang pagiging doktor at pasyente natin. Tapos na ang pagiging doktor ko sa ‘yo.”“Aw, come on, Doc Eric. Ang sabi mo noon ako lang ang gusto mong maging pasyente mo bilang isang psychologist. Actually, naguguluhan nga ako. Babalik ka pala rito sa San Clemente para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya n’yo, pero bakit ka pumunta sa Tierra Nueva para maging doktor ko?” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Eric at saka napailing. Bakit ba kasi halos lahat ng mga babae, tingin agad nila sa sarili nila ay espesyal sila sa mata ng isang lalaki? “Sa tingin mo, bakit?” mapanghamong tanong ni Eric kay Elle.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle. “Hindi dahil sa akin?” Hinawakan ni Eric ang baba ni Elle, “masyado kang careless, Elle. Ano’ng n
“Sino ang batang ‘yan? Kamag-anak ba ni Anthony ‘yan?” “Hindi… bakit? Bakit parang apektado ka dun sa bata?”Nakahinga ng maluwag si Damian ng marinig niya ang sagot ni Analyn. “Pero bakit may mga litrato siya rito? At kasama pa lagi si Anthony?”“Kababata siya ni Anthony.”Tumango si Damian at saka sunod-sunod na lumunok. Ibinalik niya ang hawak na larawan. “Wala naman. Nagtaka lang ako kasi kamukhang-kamukha mo talaga.”Nagkibit-balikat si Analyn. “Ewan ko lang kung ano ang itsura niya ngayon na malaki na siya.”Piping naidasal na lang din ni Analyn na sana ay buhay pa si Ailyn na kababata ni Anthony.“Sa tingin ko, mas maganda ka sa kanya ngayon,” nakangiting komento ni Damian na may kasama pang pagtapik sa balikat ng anak. SAN CLEMENTE. Huling araw na ni Anthony ngayon sa nasabing lugar. Bukas ay babalik na siya sa Tierra Nueva. Bilang huling gabi, tinipon niya ang mga matataas na opisyal ng DLM, para magsalo silang lahat sa isang hapunan at para na rin magbigay si Anthony n
Kinabukasan ng umaga, nadatnan ni Analyn ang ama na nagpapa-araw sa bakuran. “Papa, ang aga mo namang magising?”“Nako… ganitong oras talaga ako magising. Palibhasa, ang natatandaan mo lang sa akin eh noong tulog lang ako ng tulog sa ospital.”Tumawa si Analyn.“Bakit wala pa siya?” tanong ni Damian. Kumunot ang noo ni Analyn. “Sino'ng siya?” Sumama ang tingin ni Damian sa anak. “Sino pa? Eh, di si Anthony! Sino pa ba?” Muling tumawa si Analyn. Gusto lang naman talaga niyang biruin ang ama.“Bakit kasi hindi mo tawagin sa pangalan niya? Dati naman ang tawag mo kay Eric, ang kaibigan kuno. Hindi rin sa pangalan niya,” natatawa pa ring sabi ni Analyn. Lihim na napangiti si Damian. Napansin niyang kaswal na lang na nababanggit ng anak si Eric. Ibig sabihin ay naka-move on na ito sa relasyon niya dati sa lalaki.“Siyempre! Pinalaki kita, dinamitan, tapos kukunin ka lang sa akin ng kung sinong poncio pilato?” galit-galitan na sagot ni Damian.“Okay, fine,” nakangiting sagot ni Analyn
Nang dumating sila Analyn at Damian sa bahay nila Analyn ay naayos at nalinis na ng mga kasambahay ang tutuluyang kuwarto ng ama. Naiilang si Damian magkikilos sa bahay ni Analyn. Hindi siya nasanay na may mga katulong na umaaligid sa kanya. Simple lang ang buhay niya noong bago siya magkasakit. Isa pa, nalalakihan siya sa bahay na iyon. Sobrang laki, at sobrang tahimik. Pero nagustuhan niya ang hardin. Doon lang siya nakatagpo ng kapayapaan. Pagkatapos kumain ng hapunan, hinanap ni Analyn ang ama pagkatapos niyang mag-shower. Nakita niya ito sa balkonahe at nakatingin sa malayo. Base sa mukha nito, hindi siya mukhang masaya.“Papa, bakit ka nakatulala riyan?” Parang biglang nagising si Damian at saka nilingon ang anak. “Wala lang… naninibago lang. Para kasing ibang-iba na ang paligid ngayon, kumpara nung bago ako nakatulog ng mahaba.” “Sa tingin mo ba nagbago na ko?” “Hindi ikaw ang sinasabi ko. Ang pananaw ko ang nagbago. Maupo ka.” Agad namang naupo si Analyn. “Nasaan naman
Nakahinga ng maluwag si Analyn ng nakita niya ang Papa niya at si Jan na magka-usap sa labas ng clinic nito. Naramdaman siguro ng dalawang lalaki ang presensiya niya dahil sabay itong lumingon sa direksyon niya. Agad na ngumiti si Damian kay Analyn. “Etong si Analyn, masyadong nag-aalala sa akin. Hindi naman ako mawawala,” sabi ni Damian habang papalapit na si Analyn.Akmang tatayo si Damian kaya agad itong inalalayan ni Jan. “Ganun lang talaga ang mga anak. Gusto lang nila masiguro na okay ang magulang nila,” sabi ni Jan habang nakaalalay kay Damian. Nahihiyang hinarap ni Analyn si Jan. “Thank you, Doc Jan. Pasensiya na sa abala. Sobrang nag-alala lang talaga ako kay Papa.”Naiilang naman si Jan kay Analyn kaya hindi niya ito direktang matingnan sa mga mata nito.“Wala ‘yun. Pasyente ko rin naman si Tito, at natural na magmalasakit pa rin ako sa kanya.” Pagkasabi nun ay inabot ni Jan kay Analyn ang resulta ng mga test ni Damian.“Okay naman ang mga result niya. Everything is g