Ang cute ni Seri at Wommie. Haha. Light story lang ito, si Grey lang ang hindi light. Haha. Anyway, wala pong story si Serina at Ambross ah? May couples along the way na ma expose pero walang story dahil expose na ang love story nila (side characters sila) so ang sunod na series ay new character (pwedeng ma mention dito, pwede ring hindi). Ginagawa ko na ang series 2 niya. Bago ito matapos, nakapost na siya. New character, new title, new vibes but still ang male lead ay VIP member ng Ship of Temptation.
"Ma, maaga po akong uuwi ngayon." Sabi ni Wommie kay Amelie, na kasalukuyang gumagawa ng kimchi. "Papahatid ka ba sa papa mo? Tatawagin ko si Wommin-" "Ma, it's fine. Huwag niyo na po storbohin si papa. Ihahatid po ako ni kuya Woxis ngayon." Ngumiti si Amelie at tumango. "Mag-iingat ka kung ganoon," "Opo ma. Bye mama," matapos haIikan ni Wommie si Amelie sa pisngi ay nagmamadali na itong lumabas, at nakita niya si Woxis na hinihintay siya sa harapan ng bahay nila habang busy sa cellphone nito. Kumibot ang sulok ng labi ni Wommie ng makita ang suot ng kuya niya. Alam niyang gwapo ang mga kuya niya, pero itong si Woxis ang naiiba. Napakagwapo ngunit masiyadong careless sa damit. Ngayon, nakikita niyang bukas ang buttones ng kuya niya kaya kitang kita ang matitipuno nitong dibdib. "Hindi ko alam kuya kung sinasadya mo ito o hindi. Gusto mo atang mang-akit ng mga empleyado doon sa site na pupuntahan ko e." Natawa si Woxis at pinanood ang kapatid na inaayos ang buttones sa polo na s
“Anong pag-uusapan natin?” pumunta sila ni Rem sa malapit na coffee shop para lang mag-usap. “Gusto mo ba ng Espresso? Nutella or Americano?” tanong ni Rem sa kaniya na gusto pang makasama si Wommie ng matagal. Dahil ngayon lang sila ulit nagsama na walang Grey at walang Trooper. “Kailangan kong umuwi ng maaga dahil uuwi si kuya Woreign mamaya kasama ni ate Angel.” Naging malungkot ang mga mata ni Rem kaya nag-iwas nalang ng tingin si Wommie. Alam ni Rem na ayaw ni Wommie na magtagal kasama niya. “Wommie, galit ka ba sa akin?” Alam ni Wommie na nagalit siya kay Rem dahil nagsinungaling ito para lang ipahamak siya pero hindi iyon dahilan para iwasan niya ito. Ang pinakadahilan niya bakit siya dumidistansya ay ayaw na niyang madikit kay Grey at ayaw niyang bigyan ng pag-asa si Rem na pwede pa sila. “Hindi ako galit sa’yo Rem pero I don’t think may rason rin para manatili tayo sa dati.” Hinawakan ni Rem ang kamay niya na agad binawi ni Wommie. Hindi rin siya natutuwa sa ginagawa n
“What’s Wommie’s favorite food?” “She likes anything except sea foods.” Nagkatinginan si Woxis at Woreign. “Favorite flavor ng ice cream?” “Ube,” agad na sagot ni Aru. “Color?” “It depends to her mood. Hindi siya nags-stick sa iisang color.” “What’s her dream?” Napatigil si Aru at napatingin sa mga tao sa harapan niya. Pinapasok siya kanina, pero tinadtad siya agad ni Woxis ng mga tanong gaya sa ano ang buong pangalan ni Wommie, saan sila nagkakilala, anong edad nito, hanggang sa umabot sila sa mga favorites ni Wommie. “Wommie wanted to be a model,” ang sabi ni Aru dahilan kung bakit natigilan ang mga kuya niya. “Gusto niyang magtravel, gusto niyang matuto.” Naging seryoso ang mukha ng lahat. “Marami siyang gustong subukan. Her dream is to have her freedom, away from primitive minds that hinder her to explore the life she wanted.” Hindi na nagsalita pa si Woxis. Si Amelie naman ay napangiti at napatingin kay Wommin. Hindi na rin ito nagsalita pero alam ni Amelie na nakuha ng
"Galit ka ba sa akin?" tanong ni Aru kay Wommie ng sila nalang naiwan sa sala. Lumabi si Wommie at tinignan siya. "Bakit ka sumunod dito? Pinayagan ka mag leave?" Ako ang boss kaya walang makakapigil sa akin. Gustong sabihin ni Aru. "Pinayagan ako," ang sinabi niya. Lumabi si Wommie at pinagsingkitan siya ng mata. "Bakit lagi kang may special treatment kay ma'am Clarissa?" Ngumiti si Aru. "Are you jealous?" Nag-iwas ng tingin si Wommie. "I'm just asking. Lagi kang may special treatment sa kaniya e." Hinawakan ni Aru ang pisngi niya at hinarap sa kaniya. "So are you jealous?" Napalunok si Wommie ng ilapit ni Aru ang mukha niya sa mukha ni Wommie. Isang dangkal nalang ang layo ng mukha nila sa isat-isa. "I'm just asking-" "Are you jealous then?" pag-uulit ni Aru sa tanong niya. Natutuliro na si Wommie at hindi makatingin sa kaniya ng maayos. Habang si Aru ay nag-e enjoy sa ginagawa niya. 'Bakit ang confident niya? Samantalang ako conscious na baka mabaho ang hininga ko.' Saad
"Bakit ang tahimik mo? Iniisip mo ang nangyari kanina?" tanong ni Wommie sa nananahimik na si Aru. "Do you still like him?" kinakabahang tanong ni Aru. Natawa si Wommie at sinandal na muna niya ang bisekleta na hawak niya sa puno para malapitan niya si Aru. "Not anymore. Saka asawa na siya ni Grey noh, bakit naman ako papatol sa may asawa na kung pwede naman doon sa single at hot na gaya mo?" Agad na namula si Aru at nakagat ng mariin ang labi niya. Ang nag-aalalang mukha niya kanina ay napalitan ng tuwa. Tipong ngingiti siya tapos hindi. "Do you really know how to make me blush." Natawa si Wommie at yumakap sa binata. "Nagsiselos ka ba kay Rem kanina?" tanong ni Wommie. Kumibot ang labi ni Aru at tumingin sa kabilang banda. Si Wommie ang tipo ng babae na madaling paibigin. Kaya kung binigyan ka niya ng chansa, hindi na dapat sayangin. Nang maikasal si Rem, nabaling kay Mr. Whore ang attention niya. Mabilis niyang nakalimutan si Rem na para bang isang linggo lang niya itong gin
Isa, dalawa... tatlong suntok ang magkasunod na binigay ni Aru kay Rem. Sumigaw si Rem sa sakit lalo't hindi siya nakasuntok kay Aru kahit isang beses. Tinadyakan siya ni Aru dahilan kung bakit napahiga siya sa lupa. Mabilis na ipinirmi ni Aru ang paa niya sa dibdib ni Rem ng sa ganoon ay hindi ito makatayo kaagad. Umupo siya para marinig ni Rem ang sasabihin niya. "Binabalaan kita. Huwag ka na lumapit kay Wommie." "Hah! You wish! Do you think you can get away with this? Ipapakulong kita!" "Do you think I fuvcking care, you fuvcking bastard?" umigting ang panga ni Aru. Madilim ang mukhang nakatitig kay Rem. "I can break your bones if I want." Sa mga titig nitong halos tumatagos sa kaluluwa, nakaramdam ng takot si Rem. He feels high and above kay Aru, dahil pakiramdam niya, anak siya ng mayor, that's why he's feeling inevitable. But right now, Rem could feel that something isn't right with him. "Who are you?" sa wakas ay naitanong na rin niya ang naglalaro sa isipan niya.
Kakatapos lang ng meeting ni Wommie kasama ni Ambross at ng iba pang mga mahahalagang tao para sa project na itinatayo nila. Kasama nila ngayon si Clark at Rod. Ramdam ni Wommie na napapadalas siyang tinitignan ni Rod Chavez. At kung minsan, nakikita niya ito at Clark na nagbubulungan. Lumapit si Clark sa kaniya kasama ni Rod matapos ang meeting habang si Ambross ay kinakausap ang architect and engr. “Wommie,” “Sir?” Ngumiti si Clark sa kaniya at itinuro si Rod. “This is Rod Chavez. Asawa ng kapatid ni Clarissa,” aniya. Ngumiti si Wommie kay Rod at nakipagkamay dito. “Nice to meet you po sir Rod,” Narinig nga ni Wommie ang balitang may half-sister si Clarissa. “Nice to meet you Miss Wommie. So how’s Tro…I mean your boss?” Napatakip si Clark ng kamay ng matawa siya bigla at nag-iwas ng tingin nang makita na tumingin si Wommie sa gawi niya. “Ah, maayos lang naman po ang boss ko sir.” Sagot ni Wommie kahit nagtataka siya bakit tinanong iyon ni Rod sa kaniya. “Ah yeah. Lately nab
Nananalangin na si Aru na sana ay hindi siya tawaging "Tito Aru" ng dalawa. Nag kunwari talaga siyang hindi niya kilala ang mga ito. "Is this your car?" tanong ni CJ. Kunot pa ang noo na para bang matanda na siya kung magsalita. "CJ, it's obvious. That's his car! Anyway, dapat magmano tayo sa kaniya." Napalunok na ng wala sa oras si Aru. Nagtatampo ang dalawa sa kaniya dahil nalaman nila na sumakay siya ng cruise ship at hindi man lang sila isinama. Kaya heto at sinusungitan siya. "Trooper, kaninong bata sila? Ang ga-gwapo at cute," saad ni Wommie sa kaniya. Napalunok si Aru lalo na nang makita ang pagkalito sa mukha ni EJ at ang paglukot sa mukha ni CJ. Tumingin si CJ kay EJ. "Kuya, why is she calling him Trooper?" Nalintakan na! Sabi ni Aru sa isipan niya. "I don't know CJ. Baka pinalitan niya name niya gaya sa atin. Hindi ba, Yana last name natin dati pero ngayon ay Chavez na?" Napaawang ang labi ni CJ at bumaling kay Aru na malalaki na ang butil ng pawis sa noo. Kinabah
“LEU!” Sigaw ni Wommie habang naka-apron at may hawak na spatula. Kanina pa siya nagsisigaw dahil ni isa sa mga anak niya ang walang sumasagot. “ISA LIEUTENANT!” “Faster kuya Je. Mama is mad.” Sabi ni Leu sa kuya Soldier niyang nakangiti habang busy sa Ipad nito. “Mauna ka na kasi sa ibaba.” “But kuya,” “Is that Leu?” tanong ni Marian ng marinig ang boses ni Leu sa kabilang linya. “Yes and he’s interrupting us.” “Bumaba ka na at baka nga hinahanap na kayo ni tita.” Napabuntong hininga si Soldier at tumango. “Alright. I love you.” Napangiti si Marian at sumagot. “I love you too, lovey.” “Kuya, is ate Marian really your girlfriend?” tanong ni Leu. Tinignan lang siya ni Soldier at nginitian. Humaba naman ang nguso ni Leu. “She’s really your girlfriend and not ate Belinda. Bakit hindi ko pa siya nakikita dito?” Ngumuso si Soldier at lumapit kay Leu para lumuhod. “Dahil nasa America pa si ate Marian mo. Doon sila nakatira ng mama at papa niya.” “So you’re just talkin
“Ma, tiyang, girlfriend ko po, at mga anak ko.” Sabi ni Aru sa pamilya niya. Si Clarissa na nagulat ay biglang kumunot ang noo nang may napagtanto. It’s been 14 years nang huli niyang makita si Wommie. “Another batch ng tinaguan ng anak,” natatawang sabi ni March sa tabi ni Clarissa na inakala na tinaguan nga ng anak si Aru. “Wommie?” sabi ni Clarissa nang maalala na ang mukha ni Wommie. Ngumiti si Wommie at lumapit sa kaniya. “Hi ma’am Clarissa,” natatawang sabi ni Wommie sa kaniya. Napasinghap siya at bumaling sa kuya niya na hindi na makatingin sa kaniya ng maayos. “KUYA, ITINAGO MO SI WOMMIE KAHIT SA AMIN?” Sumenyas si Aru kay Clark for help. Actually, sila nalang ang naiwan dahil si Lieutenant, kinuha na ng mommy nila at ni tiyang Ysabel habang si Soldier ay tangay ng mga pinsan kasama ng Quintuplets at ni Farrah. “Love,” kinakabahang sabi ni Clark. “Uh-oh, mukhang tayo ang tinaguan ni kuya Aru ng anak, hindi siya ang tinaguan,” natatawang sabi ni March sabay lapit kay Womm
Naging malapit si Marian at Rem sa isa’t-isa. Sa loob ng dalawang taon, ginawa ni Rem ang lahat ng makakaya niya para makabawi sa mag-ina niya lalo na sa anak nila. Naghahanda na si Marian at Grey sa paglanding ng eroplano. Galing silang America at ngayon ay nagbabakasyon muli ng Pinas. “Mama, aalis pa rin ba tayo? Hindi ka ba naaawa kay papa?” tanong ni Marian sa mama niya. Isang executive assistant si Grey sa isang kumpanya sa US kaya pabalik balik sila doon ni Marian. “Iri-renew mo pa ba ang contract mo?” nag-alalang tanong ni Marian. Napabuntong hininga si Grey. Ilang ulit na siyang tinanong ng anak niya tungkol sa bagay na iyan. Pakiramdam niya tuloy ay tinutulungan ni Marian ang papa niya para ilapit sa kaniya. “Pag-iisipan ko pa. And besides bakit gusto mo akong manatili na sa Pinas?” Ngumuso si Marian dahil akala niya makukumbinsi na niya ang mama niya. Pagkakuha nila ng maleta nila, agad na silang lumabas ng airport at lumaki ang ngiti sa labi ni Marian ng makita ang pap
Pagdating ni Marian sa bahay nila, wala na ang papa niya pero ang pasalubong na dala ni Rem kanina ay naroon pa rin at iniwan sa ibabaw ng table na nasa garden nila. Kinuha ni Marian ang bulaklak pati ang na ang sweets na sa tingin niya ay para sa kaniya. Tapos sinilip niya ang nasa isang paper bag at nakita niya ang isang sneakers na sakto sa paa niya. Namula si Marian at kinilig. May isang note doon at binasa niya. To my daughter. Iyon lang ang nakalagay pero ang lakas na ng tambol ng puso niya. Ngumuso siya at palihim na nagpunas ng luha sa mata. “Make sure to win the bet, papa, ah?” she’s very hopeful na mapatawad na ng tuluyan ng mama niya ang papa niya. Isa rin naman siyang bata na nangarap ng isang kumpletong pamilya. Sa kwarto naman, kausap ni Grey ang mama niya. Sinabi ni Grey iyong pagbisita ni Rem sa kanila kanina. “Grey, sinaktan ka na ni Rem noon. Muntik ka ng mamatay sa kamay niya. Kung ako ang tatanungin mo anak, my answer is no. Huwag mo na siya hayaang bumalik
Kinabukasan, maaga lumabas si Grey para diligan ang garden niyang pinapaalagaan ng mama niya. Lumabas rin si Marian dala ang scooter niya at nakahelmet pa. “Mama, can I go out for a bit?” “O-Oh sige. Basta huwag kang lalayo,” sabi ni Grey. Tumango ang anak niya at aalis na sana ng biglang dumating si Rem na ikinagulat nilang pareho. Umaliwalas ang mukha ni Marian dahil nakikita na niya na tama lang na pumusta siya sa papa niya. Si Rem naman na napatingin sa kaniya at biglang nagbago ang expression ng mukha. Kagabi pa siya halos hindi makatulog buhat ng malaman na ang batang kausap niya sa Lomihan ay anak pala nila ni Grey. Gusto niya itong lapitan at yakapin pero hindi niya magawa dahil malaki ang respeto niya sa asawa niya. Gusto niya munang humingi ng tawad hanggang sa payagan na siya nitong lumapit sa anak nila. “Bye, mama,” ang sabi ni Marian at nagmamadaling umalis dala ang scooter. Hindi gaya no’ng una, ngayon ay sobrang saya ng puso niya na makita ang papa niya sa persona
Napatingin si Rem kay Marian na nakakapit kay Grey ngayon. Parang nagslowmo lahat sa utak niya ang pinag-usapan nila ng bata kanina. Bigla siyang napasinghap at namutla ng may napagtanto. “Manong, this is my mama po.” Nakangiting sabi ni Marian kay Rem na walang kamalay-malay sa nangyayari. “Marian, pumasok ka muna sa bahay anak.” Sabi ni Grey, hindi na makakurap sa labis na gulat. “Pero mama-" “MARIA RHIAN!” Sigaw ni Grey para lang sumunod sa kaniya ang anak niya. Nabigla si Marian at nang makita ang expression sa mukha ng mama niya, agad na niyang naitindihan na may hindi magandang nangyayari. Tumingin siya kay Rem bago siya pumasok sa loob ng bahay nila. Nang sila nalang ni Grey at Rem ang naiwan, agad na hinarap ni Grey si Rem na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin kay Marian. “Anong ginagawa mo dito Rem?” tanong ni Grey ng makabawi siya sa gulat. Tumingin si Rem sa kaniya. “G-Grey,” halos hind niya alam ano ang sasabihin sa asawa niyang labing dalawampu’t taon rin niyang
“So tell me about your father,” tanong ni Rem. “Saan siya nagta-trabaho? At saan ka nakatira? Gabi na ah? Tapos babae ka pa. Alam mo ba delikado itong ginagawa mo?” Napanguso si Marian sa sunod-sunod na tanong ni Rem sa kaniya. Kumakain pa rin siya ng lomi at napapangiti kapag nasasama ang malilit na sahog sa pagkain niya ng noodles. Naghahanap siya ng tamang salita para simulan ang kwento niya. “Hindi talaga kami mapirmi ni mama dito sa Pilipinas. Nagbakasyon lang kami tapos babalik rin America. Hinihintay lang namin si lola na makauwi para sabay kaming babalik ng ibang bansa.” Napatango si Rem, masinsinan na nakikinig sa bata. “Hindi ko pa nakikilala ang papa ko kaya hinahanap ko siya. So hindi ko alam anong trabaho niya.” Napabuntong hininga si Marian. “Alam mo ba saan siya nakatira ngayon?” Umiling si Marian. “Hindi po e.” Kumunot naman ang noo ni Rem. “Hiwalay ba ang parents mo?” Umiling ulit si Marian. “No. Sabi ni mama e kasal pa rin sila ni papa. Kaya lang, sabi niya
For 12 years, Rem started anew. Matapos ang sampung taon na nakakulong siya, pinalaya na rin siya sa salang nagawa niya. Naninibago siya na marami ng nagbago sa lugar paglabas niya kasama na ang pakikitungo ng mga tao sa kaniya. Hindi na siya pinatutunguhan ng may respeto. Ang turing na sa kaniya ay isa ng criminal kahit pa nakalaya na siya. Hindi na na-elect ang ama niyang si Rey bilang governor sa lugar nila. Malaki ang naging impact niya sa reputasyon ng ama kaya hindi na rin siya nakabalik sa pamilya niya. Inabandona na siya ng mga ito at hindi na tinanggap pang muli. But Rem didn’t stop para hindi makapagsimula muli. He started a small business, nagbi-benta siya ng hardware supplies. For 2 years, umokay naman ang negosyo niya. Kahit papaano ay nakakaprovide siya para sa sarili niya. Wala na siyang balita kay Wommie, ganoon rin sa asawa niyang si Grey na hindi niya alam kung nasaan na ngayon. “I’m sorry,” napatingin si Rem sa likuran niya ng makita ang batang lalaking nakasu
“Soldier, what are you doing? Pupunta pa tayong Namdaemun anak.” “Can we stay here instead? I don’t want to go out.” Inayos ni Aru ang earpiece device niya. He’s on his way kung saan tumutuloy si Wommie at Soldier ngayon. At rinig na rinig niya ang dalawa na nag-uusap. “Anak, walang maiiwan sa’yo dito at marami akong bibilhin now.” Mas lalong humaba ang nguso ni Soldier at nagtago sa comics na binabasa niya. “Papa, mama is mad.” Mahinang sabi niya. Alam niyang pupunta si Aru ngayon that’s why he’s delaying his mother na huwag munang umalis. “I’m sorry son. Malapit na ako.” Sabi ni Aru. Napatanga naman si Soldier ng biglang kunin ni Wommie ang comics niyang nakatabon sa mukha niya. Nakita niya ang taas kilay na mukha ng mama niya. “Susunod ka ba sa’kin o hindi?” Napakamot ng ulo si Soldier. “Mama, I’m sorry. But papa is coming here.” “What?” kunot noong tanong ni Wommie dahil hindi naman niya alam na susunod si Aru sa kanila. “Papa is coming here. He’s on his way.” Pinagkrus