KINABUKASAN
Nagising ako dahil sa napakasakit na sinag ng araw na nagmumula sa malaking bintana. Pupungay pungay pa ang mga mata kong bumangon saka dumiretso sa banyo at nagsipilyo. Paglabas ko mabilis kong kinuha ang cell phone ko at tiningnan ang oras. Alas nwebe na pala kaya pala masakit na ang sinag ng araw kanina.
Binuksan ko ang phone ko at dun ko nakita ang maraming missed calls ni Kyler at iilan naman ang kay Ate Sarah. Binasa ko na lang din ang ilang message ni Kyler.
“Where are you?”
“Baby please answer your phone.”
“Please don’t make me worry. Answer your damn phone!”
“Where the hell are you? San ka bumili ng mga gusto mong bilhin. Susunduin kita!”
“Fuck I’m going crazy baby, please come home”
“I went to your house pero wala ka dun!&rd
Naging maganda naman ang lagay ko sa bagong trabaho ko. Mabait naman si Ma’am Lineth yun nga lang parang laging may kulang sa kaniya. Parang laging may hinahanap ang mga mata niya.“Snack time po Ma’am.” agaw atensyon ko sa kaniya habang nasa garden siya. Tiningnan niya naman ako at ngumiti. Kumain siya ng mga dala ko at ibinalik nanaman ang tingin sa mga halaman dun.“Kayo po ba ang nagtanim ng mga halaman na yan?” tanong ko habang nakatingin na rin sa mga magagandang halaman niya.“Oo saka ang anak ko.” Nagulat naman ako ng mabanggit niya ang anak niya. May anak siya?“May anak po kayo?” takang tanong ko sa kaniya na ikinatango niya naman.“Nasan na po siya?”“In heaven.” Halos manlaki naman ang mga mata ko sa narinig.“Sorry po.” Hiya kong saad.“Okay lang.” Nakangiti niyang sabi.Hindi naman na ako nagsalita pa
“Kaedad mo siya ng mabuntis din siya.” Naluluha niya ng sabi. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy naman sa pagkwekwento si Ma’am Lineth.“Ang akala niya ay hindi namin siya matatanggap dahil nabuntis siya habang nag-aaral. Nakita na lang namin siyang wala ng buhay sa kwarto niya.” nagpunas siya ng luha at nagtuloy sa kwento.“Hindi pa namin alam na buntis siya noon, nalaman ko lang sa sulat niya. Ginawa niya yun dahil natatakot siyang malaman namin at baka raw madissapoint niya kami. Sabi ko noon bakit hindi niya na lang sinabi hindi naman kami magagalit susuportahan pa namin siya pero hindi niya man lang sinubukan.” Umiiyak na siya at nanatili naman akong nakikinig.“Hindi niya na sinubukang sabihin sa amin dahil hindi raw siya kayang panindigan ng boyfriend niya dahil nag-aaral pa sila pareho.” Humihikbi na siya.“Kaya po ba ganun na lang ang lali
Maaga akong nagising dahil may pupuntahan ako ngayon bago ako pumasok sa kompanya. Iginayak ko na rin ang isusuot ni Kieffer ngayon.Hindi ko habang buhay maitatago ang anak ko sa pamilyang Stanford. Wala rin naman akong balak pang patagalin ang pagtatago ko kay Kieffer. Karapatan din siguro ni Kyler ang malaman tungkol sa bata. Ayaw man akong paniwalaan ni Florence I don’t care. Ang anak ko ang inaalala ko dahil matagal niya ng gustong makita ang Daddy niya nahinto na lang ang pagtatanong niya sa Daddy niya noong isang taon na siyang ipinagtaka ko.Mabilis kong pinaliguan si Kieffer at pinaggayak saka kami kumaing dalawa.“Where are we going mom?” tanong niya ng makasakay kami sa kotse ko.“Somewhere that I’m sure you’ll like it.” Nakangiti kong saad sa kaniya.Ngumiti naman siya kaya pinaandar ko na ang kotse ko. Tahimik naman siyang nakatingin sa harapan.“It’s hot here mom than in our
“Oh Hi.” Blangko kong sabi.“Oy huwag ka naman ganiyan. Nakakatakot na yang paraan ng pananalita mo eh.” Tinaasan ko siya ng kilay pero saglit lang. Inayos ko sa pagkakakarga kay Kieffer at muli silang hinarap.“Well nice to meet you again.” Napatingin ako kay Angelo na lalaking lalaki na manamit at ang tindig niya.“Change of heart huh?” parang gulat pang napatingin sa akin si Angelo.“Ah y-yeah. Keisha kausapin mo naman kami gaya ng dati.” Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata pero hindi siya nakatagal sa mga titig ko at kusa ng kumalas.“For what reason?”“Keisha naman.” Si Lalaine.“I’m busy. See you around.” Aalis na sana ako ng hawakan ako ni Diane sa braso.“Ah pasensya na. Anak mo? Kanino? Huwag mo sanang masamain yung tano
“Edi magsimula ka ng magdasal dahil malapit ka ng bumagsak.” Walang emosyon kong sabi sa kaniya. Tumawa naman siya ulit.“Hahahaha at sinong makakapagpabagsak sa akin? Ikaw na empleyado lang din dito hahahaha. Alam mo bang kaya kitang patanggalin dito?” nagkibit balikat lang ako. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo Florence, kapag nalaman mo kung sino na ako ngayon baka magwala ka. Nginisian ko lang siya.“You will know soon.”“Mommy I’m hungry let’s go.” Singit naman ng anak ko. Napatingin naman si Florence kay Kieffer at kunot noo niya itong tinitigan.“Anak mo?” tanong niya.“So? Let’s go baby.”“Malandi ka ngang tunay, akalain mong may anak ka na agad.”“Pakialamera ka ngang tunay, akalain mong pati anak ko ay pinansin mo pa.”
Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa sofa.Pagkagising ko ng umaga ay hinanap ko kaagad siya pero wala talaga akong nakita. Hinintay ko rin siya sa office pero wala na talaga.Dumaan na rin ang isang linggo pero wala na akong balita sa kaniya ganun na rin ang mga kaibigan niya. Marami rin ang nagtaka sa biglaang pagkawala ni Keisha. Simula ng mawala siya ay mas lalong uminit ang ulo ko kung sino sino na rin ang nasisigawan ko. Tulad na lang ng nangyayari ngayon.“Ayusin mo nga ang trabaho mo!! Puro ka na lang mali, wala ka na lang bang magawang tama!!!!”“P-Pasensya na po Sir.”“Pasensya?! Gawin mo ng maayos. Umalis ka na sa harap ko, ngayon din!!” malakas kong sigaw sa kaniya at lumabas na rin siya. Napahilamos na lang ako sa mukha ko at pabagsak kong ibinaba ang hawak kong folder.Pinagmasdan ko ang tanawin sa bi
KYLER POV“Nak alam na ba ng mommy mo?” tanong ko sa kaniya habang inaayos ang mga laruan niya sa sofa. “Ang alin po Daddy?” tanong niya habang sa mga laruan pa rin ang focus niya. “That I’m visiting you in Baler.”“Ani.” Pati Korean language alam. Sino ba nagtuturo sa kaniya ng ganiyan?“Let’s play Daddy.” Nilapitan ko naman siya at nailabas niya na mga laruan niya. “Lego?” yun kasi ang dala niyang laruan ngayon.“Hmmm.” Saad niya habang nagsisimula ng magbuo ng kung ano man yun. “Sure.” Nanguha na rin ako ng mga lego niya saka nagsimula na rin akong magbuo. Hindi na muna ako nagtrabaho dahil hindi ko alam kung kelan nanaman idadala sa akin ni Keisha ang bata. Habang naglalaro kaming dalawa ay biglang bumukas an
“Did you enjoy here?”“Off course mom. I enjoy with Dad.”“Good to hear that.” saad ko. KYLER POVNakatitig ako sa kanilang dalawa habang nasa likod ako ni Keisha.“So let’s go home?” aya niya sa anak namin. Ni hindi man lang niya ako pansinin ni kausapin. Hindi ko alam kung bakit ganun? Hindi ba dapat ako yung galit dahil sa ginawa niya sa akin. Iniwan niya ako kasama ng pera ni mommy pero binalewala ko iyun dahil mahal kita. Ano bang nagawa ko para iwan mo ako at ipagpalit?Bumalik kang mahirap ng basahin. I miss you Keisha, please come back. Tumingin ako sa taas para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumakas sa mga mata ko. “Can we have a dinner?” rinig kong sambit ni Kieffer. “Sure baby.”“With Daddy.”
“Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia
“Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it
“Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?
“Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.
“No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl
Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.
“Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&
“Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram
Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag