“Baklaaaang Keisha.” Malakas na tawag sakin ni bakla ng papasok na ako ng building. Nilingon ko sila at magkakasama silang tatlo.
“San kayo galing at ang aga aga magkakasama nanaman kayo?” tanong ko ng makalapit na sila sa akin.
“Nagkita kita lang kami jan sa labas.” Napatango na lang ako sa kanila at sabay sabay na ring pumasok sa building.
“Grabee bakla ang ganda ganda mo.” Namamangha pang sabi ni bakla.
“Umayos kang babae ka ah baka tumuwid talaga ako.” Natawa kami dahil yung boses niya boses lalaki na hahaha.
“Grabe ka, kapag ako nagbibiro sayo diring diri ka pa. Tapos si Keisha na nagpakulay with highlight pa ng buhok magpapakalalaki ka na.” Balik niyang sabi kay bakla.
“Tse eh sa hindi kita type eh.” Hinawakan ni Lalaine ang bandang dibdib niya na akala mo ay nasaktan talaga.
“Nahurt naman ako. Bahala na nga kayo.” Kunwaring tampo niy
“Sir.” Sinubukan ko siyang gisingin pero parang mahimbing talaga ang tulog niya. Puyat ata ito kagabi eh. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso saka dahan dahang inihiga sa sofa at nilagyan ng unan. Tinanggal ko na rin ang sapatos niya. Pagod at puyat siguro ito kagabi. Ginawa ko na lang ang mga gawain ko at pagkatapos ng isang oras ay nagstretch ako dahil nakakangalay sa likod. Tiningnan ko si Sir at mahimbing pa rin siyang natutulog. Napansin ko ang necktie niyang parang sobrang higpit naman na ata. Tulog naman siya eh, luluwagan ko lang naman yung necktie niya eh. Dahan dahan kong tinanggal ang necktie niya ng biglang hawakan niya ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Tiningnan ko sa mga mata si Sir at nakamulat na siya. Pulang pula pa ang mga mata niya na halatang bagong gising pa lang.“What are you doing?” he said huskily.“Ah tinatanggal k-ko lang p-po S-sir yung necktie niyo.” Utal ko pang sabi sa kaniya. Pilit kong inaalis
“Pero Sir kasi po, di ba ayaw niyo sa nilalandi kayo. Sir patawarin nyo ako, hindi ko sinasadya.” Lumuhod pa ako sa harap niya kasi natatakot talaga ako na tanggalin niya ako sa trabaho.“Ano ka ba. Tumayo ka nga jan.” Hindi ko siya pinansin at nakaluhod pa rin ako habang nakayuko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at pinantayan niya ako.“Look, hindi ako nag-iisip ng kung ano ano. Ikaw lang itong nag-isip ng ganiyan. Hindi mo ako nilandi o nagpakita ng motibo sakin. I appreciate it, hindi ko naman alam na may sauce pa pala sa labi ko and thank you kasi tinanggal mo yun. Hmmf.” Malumanay ang pagkakasabi niya nun kaya dahan dahan ko siyang tiningnan. Nang magsalubong ang mga mata namin ay nakangiti pa siya ng napakalapad. As in halos aabot na sa tenga niya. Inalalayan niya naman akong tumayo at hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.“Don’t think too much okay?”“Yes Sir.” B
“Mahal ko si Sir Kyler oo pero mas mahal ko trabaho ko gaga.” Nagbabangayan pa rin sila kahit na nandito na kami sa harap ng office ni Sir. Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Sir Kyler na nakakunot ang noo.“Hi Sir nandito po pala kayo sa department namin.” bati ni bakla na parang wala pa ring alam sa paligid niya.“Hahahaha mukhang iisa panaginip natin bakla ah. Si Sir Kyler akalain mo.” Dagdag pa ni Lalaine. Kung pwede lang tumawa ng malakas kanina pa namin ni Diane ginawa kaso nanjan si Sir Kyler eh. Sa sinabi ng dalawa ay mas lalong nangunot ang noo niya.“Excuse me?” Sir Kyler.“Hi Sir.” Sabay na bati pa ng dalawa.“You two! Nakikinig ba kayo sakin?!” medyo mataas na boses ni Sir. Nagitla naman yung dalawa at napatayo ng matuwid. Inilibot nila pareho ang kanilang paningin sa paligid.“Oh my God!” sabay na sigaw ng dalawa ng mareal
"Huwag ka ng pakipot. Sumama ka na lang ng maayos para hindi ka na namin masaktan. Pupunta tayo sa langit." Demonyo niyang sabi. "Huwag kayong lalapit." Natatakot kong sabi. Madilim na talaga dito banda at hindi na ito parte ng building ni Sir Kyler. Wala ring mga taong dumadaan, ni sasakyan ay wala. Bakit ba kasi dito pa ako dumaan sana sa isang daan na lang kahit na alam kong malayo atleast safe ako dahil maraming mga taong naglalakad dun at maliwanag pa. "Tara na kasi." Pilit nila sakin. Nanlaban naman ako at sinubukang tumakas pero nahablot na nila ang damit na naging sanhi ng pagkapunit nito sa likod. Shit."Mala labanos ang kutis. Ang sarap mo sigurong tikman.""Anong gagawin niyo sakin?" umiiyak ko ng sabi. "Pakawalan niyo na lang ako. Kung katawan ko ang habol niyo pumunta na lang kayo sa mga bar at bibigyan ko kayo ng pambabae niyo. Pakawalan niyo lang ako." Desperada ko ng sab
"Nasan ka na? Kanina pa ako naghihintay sayo." "Nasa hospital ako." "What?" rinig ko pa ang ginawa niyang pagtayo dahil sa kung anong tumunog sa tabi niya. "Anong nangyari sayo?" tanong niya. "Walang nangyari sakin pero kay Keisha." Putol ko sa sinabi ko. "Anong meron kay Keisha." Mas lalong sumeryoso ang boses niya. "Muntik siyang gahasain ng dalawang demonyong lalaki. Nanlaban siguro kaya nabugbog. Ayun tulog.""Fuck. Sige papunta na ako jan." Pinatay niya na ang tawag kaya ibinaba ko na rin ang cell phone ko at ibinalik kay Keisha ang paningin ko. 'Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sayo' hindi ko namalayan ang lumandas na luha sa aking mukha kaya mabilis ko itong pinunasan gamit ang likod ng palad ko. "Kyler?" rinig kong sambit sa likod ko. Si Louie na hingal na hingal ang puma
“Oh heto kainin mo.” Iniabot sakin ni Sir Louie yung kanina pa niyang binabalatan na mansanas.“Thank you po.”“Sa susunod na gagabihin ka sa trabaho. Magpahatid ka na lang kay Kyler o di kaya tawagan mo ako, ako maghahatid sayo. Lalo na ngayon delikado.” Tiningnan naman siya ni Sir Kyler dahil sa sinabi ni Sir Louie.“What?” inosente niyang tanong dahil matalim na nakatingin si Sir Kyler kay Sir Louie. Ewan ko kung matalim nga ba ang tingin niya o namamalikmata lang talaga ako. Hindi na sumagot si Sir Kyler at tumingin na ulit sakin.“Dito ka na muna tawagan mo ako agad kapag may ginawang kalokohan si Louie sayo. Bibili lang akong pagkain mo.”“Ano? Pinag-iisipan mo pa talaga ako ng ganiyan? Ano tingin mo sakin masamang tao?” kunot noong tanong naman ni Sir Louie.“Parang.” Walang ganang sagot ni Sir Kyler at lumabas na.“Ha! at ako pa talaga an
“Huwag mong sabihin na magdamag kang sinamahan dito ng dalawang oppa’ng yun?” pagbabago niya naman sa usapan.“Oh eh ano naman sayo bakla?” si Lalaine.“Aba ay syemre maiinggit ako ng bongga. Dalawang oppa magdamag mong kasama.”“Oo.” Sagot ko.“Anong oo?” nanlalaking mata pa niyang tanong.“Binantayan nila ako. Nang magising kasi ako kanina naabutan ko silang tulog pa.” Napatakip pa siya sa bibig niya na akala mo ay gulat na gulat talaga!“OMG. Makasarili ka. Hindi ka man lang nagshare. Oh anong nangyari?” usisa niya.“Tanga ka ghorl? Kita mong wala nga siyang malay tapos tatanungin mo siya ng ganiyan? Utak nasan?” pambabara nanaman ni Lalaine.“Oo nga ano.” Si bakla.“Hoooy makasabi ka ng ta
“Uwi muna ako Kyler, Keisha” paalam ni Sir Louie. Tinanguan naman siya ni Sir Kyler. Huwag nilang sabihin na iiwan nila ako kay Sir Kyler.“Ah Sir kayo rin po umuwi muna. Ok naman na po ako dito.” Nahihiya ko pang sabi sa kaniya.“Ah-.” Hindi natuloy ni Sir Kyler ang sasabihin niya ng putulin siya ni Sir Louie.“Hindi ka pwedeng iwan mag-isa dito kaya kailangang may maiwan man lang sayo. Pahinga ka, may swimming pa tayo. Mauna na ako Kyler.” Kinuha niya na ang coat niyang nasa ibabaw ng sofa saka tumalikod at lumabas. Napapikit na lang ako ng magsarado na ang pintuan.“Matutulog ka na?” napamulat ako sa tanong ni Sir at nakatingin na siya sakin.“Sige na magpahinga ka na muna. Alam kong kanina mo pa gustong matulog.” Paano niya nalaman na kanina ko pa gusto matulog? Masyado ba akong halata? O sadyang nawili lang silang tatlo kaya hindi nila ako napansin na inaantok na?U
“Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia
“Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it
“Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?
“Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.
“No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl
Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.
“Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&
“Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram
Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag