Zedic's POV
"Mukhang mapapalitan na yata si Salve bilang kusinera sa bahay na 'to ah?"
Agad akong napalingon ng marinig kong magsalita si Aling Sol sa likuran ko. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang wala namang reaksyon ang mukha ko.
"Bakit ho aalis na ba si ate Salve?" pagtataka kong tanong naman.
Naglakad ito papalapit at naupo rin paharap sa akin, nasa veranda kami ng kwarto ko at nakaupo sa harap ng medyo katamtamang laki ng mesa nakalatag roon ang isang baso at bote ng alak na iniinom ko.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, sa tingin ko lang naman mapapalitan na siya kung gugustuhin mo, mukhang mas masarap yatang magluto si Mitch tama ba ako?" Nanunukso ang ngiting umukit sa labi nito at hindi ako nakasagot.
"Ngayon ko lang kasi napansin sa paulit-ulit na paghain namin ng pagkain sa hapag ay ngayon mo lang ito naubos kainin," dag
Zedic's POV"Paano nangyari at anong ibig sabihin nito ang sabi ninyo sa akin nabayaran ang mga pulis kaya ayaw magsalita paano n'yo nakuha ang report na 'to at bakit pareho ang araw at lugar ng pinangyarihan ng aksidente ni Emmaline Flor at ng kuya ko?" magkakasunod kong tanong at pinanatili kong kalmado ang boses ko kahit gusto ko nang sumabog sa galit.Bago sumagot si Tiago ay sininyasan na muna ni Hector ang mga tauhan na malapit sa amin na umalis kaya kaming apat na lang ang naiwan sa isang silid na iyon."Pareho iyon dahil silang dalawa ang biktima sa nangyaring aksidente ng gabing iyon tatlong taon na ang nakararaan at ang sabi ng mga pulis ay mas pinili nila na manahimik kasama na rin ang pamilya ni Mrs. Flor kasi ayaw nila ng gulo boss," panimulang kwento ni Tiago."Ayaw ng gulo o para takasan ang kasalan?" tanong ko kasabay noon ay ang pagkuyom ng kamao ko dahil sa galit
Zedic's POVDumating ang biyernes, lumipas ang ilang araw at tila ba napansin kong umiiwas na sa akin si Mischell, hindi na ako nag-abalang tanungin pa ito tungkol sa pag-amin niya dahil alam niya na tulog ako ng mga sandaling iyon at hindi ko alam lahat ng mga sinabi niya at baka mas dahilan lamang iyon para mas lalo s'yang umiwas dahil kahit ako hindi ko alam kung ano ba ang isasagot sa kaniya kapag sinabi na nito sa akin ng harapan ang totoong nararamdaman niya.Biyernes na ngayon at sa limang araw na lumipas ang klase namin mas madalas ay tahimik na lang ito kumpara sa dati ay nag-iingay ito para lang magpapansin at kung ano-ano pa.Doon palang alam kung umiiwas na nga siya hindi ko siya masisi, kahit ako na lalaki ay mas piniliin na lang manahimik kisa magka issue.Gabi na nang makalabas ako ng office dahil kakatapos lang ng meeting ng lahat ng faculty members, hindi ako pumasok sa
Mischell's POVAtom: Mitch saan ang bahay mo susunduin ka na lang namin ni Nath kasama ko na sila ngayon para sabay-sabay na tayong pumunta sa restaurant ng tita ko.Basa ko sa chat ni Atom sa akin na susunduin na lang nila ako. Laking pasasalamat ko sa kanila na hindi nga ito nag-atubiling tulungan ako at sasamahan pa sa lugar kung saan ako magtatrabaho.Me: 'Wag na hintayin niyo na lang ako jan, sabihin n'yo na lang ang address para hindi na kayo maabala.Reniplayan ko ito, saka ako nagmadaling kunin ang shoulder bag na dadalhin ko at folder kung saan nakalagay ang mga requirements na gagamitin ko sa pag aapply ng trabaho."Aling Gemma pasensya na po kailangan ko nang umalis, kayo na po muna bahala kay mama salamat po." Nagmamadali kong paalam kay Aling Gemma habang naglalakad na ako palabas ng bahay.Hindi na ako naghintay ng sagot nito dahil sa pagmamadal
Mischell's POV"Bakit nag apply ka pa ng trabaho Mitch, hindi mo naman sinasabi na nagkukulang ka pala sa budget alam mo namang hindi kita papayagan 'diba?" saad ni tito sa akin, nagpaalam na kasi ako sa kanila na magtatrabaho ako at kagaya ng inaasahan ko hindi nga ako nito papayagan."Pinayagan ka na nga namin na mag apply ng scholarship sa university mo Mitch kasi ayaw mo na kami ang magpaaral sa'yo kaya bakit ka pa magtatrabaho?" saad naman ni tita, as if naman na seryoso ito halatang ka plastikan lang pinagsasabi niya."Nahihiya na po kasi ako e, gusto ko lang pong makatulong sa gastusin sa mga gamot ni mama," nahihiyang sabi ko."Mitch hindi naman kita sinisingil, pamilya ko kayo ni ate kaya bakit ka nag-iisip ng ganyan ang pamilya dapat nag tutulungan.""Oo nga po naiintindihan ko po kayo tito, kaya nga po gusto kong makatulong dahil pamilya tayo kaya payagan niyo na po ak
Mischell's POVIlang saglit na ang lumipas pero hindi pa rin bumalik si Atom sa silid namin nahiya siguro ng subra 'yon tinulungan na nga ayaw pa.Nakabalik na rin sa silid ang ilang kaklase namin dahil may sunod na kaming subject baka mag cut pa ng class ang mukong na iyon sa kahihiyan.Nagpasya na akong hanapin ito at kausapin wala naman siyang dapat ikahiya dahil dapat siyang matuwa kasi may chance siya kay Zoey.Lumabas na ako ng classroom at nagbakasakaling hanapin ito sa kung saan man, pumunta ako ng cafeteria baka doon nito naisipan pumunta dahil wala namang p'wedeng lugar na pagtambayan sa loob ng campus lalo pa at oras ng klase.Inilinga ko ang paningin ko sa loob ng cafeteria at hindi nga ako nagkamali sa akala ko at nandito siya.Agad naman ako nitong nakita kaya naglakad na ako papalapit sa table kung saan ito mag-isang nakaupo, hindi ko na
Mischell's POV"Nath bumalik na tayo sa room naiinip na ako rito sa clinic," pagpupumilit ko na rito."Bakit ako ba hindi ah, naiinip na rin ako kung alam mo lang," mataray na tugon nito sa akin."Edi 'yun naman pala eh tara na sa room.""Aba makulit din talaga lahi mo ano, kailangan mo ngang magpahinga baka gusto mong ako na mismo sumapak sa'yo para makatulog ka," panenermon pa nito sa akin.Sinong pasyente ba naman kasi ang pipilitin ang sarili na matulog kahit wala namang nararamdaman talaga, hindi pa lumalabas ng clinic si nurse Marie kaya hindi ko rin naman masabi-sabi kay Nath na nagpanggap lang ako na kunwaring nahimatay para alamin kung mag-aalala si prof sa akin.Kahit paulit-ulit ko pang sabihin kay Nath na wala akong sakit hindi ako nito pinaniniwalaan."Nurse Marie may gamot po ba kayo sa pangpatulog ang ingay ng pasyente n'yo
Mischell's POVSa ikalawang pagkakataon nakasakay ulit ako sa kotse ni prof, kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng kotse nito habang siya naman ay nakatoon lang ang paningin sa daan habang nagmamaneho.Papunta kami ngayon sa puntod ng kuya niya para dalawin ito katulad nga ng sabi niya kagabi, mabuti na nga lang at pumayag si Aling Gemma na siya muna bahala kay mama at may pupuntahan ako. Alam kong mapagkakatiwalaan ko si Aling Gemma dahil hindi naman ako nito sinusumbong kay tita.Hindi ko na rin binanggit kina Nath na kasama ko ngayon si prof dahil sigurado ako na aasarin lng ako ng mga ito lalo pa pag nalaman ng buong klase namin laging full force ang pang-aasar nila pag nagkakasama.Huminto ang sasakyan at napansin kong nasa tapat kami ng isang flower shop."Bababa ka pa ba bibili lang ako ng bulaklak?" tanong ni prof sa akin."Hindi na prof hihintayin na
Mischell's POV"Tamang-tama ang dating niyo para sa tanghalian, naku natutuwa akong nakasama ka Mitch," saad ni Aling Sol ng makapasok kami sa bahay nila saka naman ako ngumiti rito.Kung ilalarawan ang bahay nila masasabi kong hindi iyon malaki ngunit malinis ang paligid, simple lang iyon at hindi magara, masikip ang sala ngunit pinatuloy pa rin nila kami at siniguradong kumportable."Siya nga pala Mitch ito si Arman ang asawa ko." Pinakilala nito sa akin ang medyo matanda na ring lalaki."Hello po, ako po si Mitch happy birthday po.""Salamat iha, nakita rin kita sa wakas naikuwento ka kasi ni Sol sa akin noong nakaraan ang gandang bata mo naman pala," papuri pa nito sa akin habang nakangiti."Naku 'yang mga gan'yang bagay po hindi na dapat sinasabi hahaha," tawa ko pa."Hahaha, nakakatuwa kang bata."
1 Year Later"Good morning, prof!"Masayang bati ni Mischell sa asawa niya ng lumapit ito sa may hapag kung saan naka handa na ang kanilang agahan."Good morning miss late, late ka na naman sa trabaho mo sana 'di mo na ako hinintay.""Kailan ba ako pumasok ng maaga, isang himala kapag pumasok ako ng maaga at saka ako ang boss sila maghintay sa akin, kaya kumain ka na baka ikaw naman ma-late," saad ni Mischell sa asawa saka sabay nang naupo ang mga ito upang pagsaluhan ang pagkain.Pareho na ring naka-ayos ang dalawa akma ang kasuotan sa kanilang trabaho. Si Mischell na ang namamalakad ng kumpanya ng papa niya habang si Zedic naman ay ipinagpatuloy ang pagtuturo dahil na rin iyon na talaga ang gusto n'yang gawin.Ang kasal noon na dapat ay para kina Zedic at Estella ay natuloy pa rin ngunit ang ipinagbago lang ay si Jester na ang groom, wala na r
Zedic's POV3:30 ng hapon ng makarating kami sa airport, sinamahan namin dalawa ni Mischell si Estella upang habulin si Jester at pigilan sa pag-alis nito.Ako na lang ang pumasok upang ako na lang ang makiusap kay Jester, alas kwatro ang alam naming byahe nito kaya siguradong hindi pa ito nakakaalis.Nagikot-ikot ako upang hanapin ito, at sakto namang nakita ko ito at pasakay na ng escalator pataas."Jester teka sandali!" pasigaw kong tawag rito at nagmadali na akong lapitan siya.Hindi niya naituloy ang paghakbang niya sa hagdan ng escalator at saka ako hinarap."Kausapin mo muna ako, kahit saglit lang. Hinabol kita rito para sabihing 'wag mong ituloy ang pag-alis mo." dineretso ko nang sinabi iyon sa kaniya ngunit ngumisi siya sa akin ng nakakaluko."Para saan pa at hindi ako tutuloy, tinanggap ko na nga 'di ba! Tinanggap
Zedic's POV"Teka nga bakit ba lahat ng tao rito itim ang suot?" pagtataka ko nang tanong, ngayon ko lang kasi iyon napansin kahit pa mga babae ay naka-itim rin, mabuti na lang at itim rin ang coat na suot ko ngayon."Ganoon talaga, nakikiramay kami sa namayapang puso ng iyong sintang si Estella na nabigo dahil tuluyang namaalam ang kaniyang pinamamahal," malungkot nang sagot ni Nath ngunit pinagtawanan pa rin siya ng lahat."Hindi ka pa ba napapagod kakasalita bakla? Gusto mo nang mamatay?" binantaan na si Mischell."Hindi na ikaw ang Mischell na kilala ko nilamon ka na ng sistema," maarting saad ni Nath."Baka naman kasi moment ko 'to, manahimik ka na p'wede ba." Tumawa lang si Nath saka umaktong nag zipper ng bibig hudyat ng pagtahimik niya."May sasabihin ako prof." Tumingin ito ng diretso sa akin kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.Ramdam ko
Zedic's POVBlankong eksprisyon sa mukha, pantay na mga kilay at bibig na hindi manlang naibuka para magsalita. Ganyan ko ilarawan ang mukha ko wala naman siguro akong karapatan para magsaya sa araw na ito dahil hindi ito ang nais ko.Kita ang tuwa sa mukha nang lahat ng mga bisitang naririto ngayon upang dumalo sa engagement party namin dalawa ni Estella, hindi ko na sana gustong pumunta rito ngunit wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy.Nakiusap si Estella sa akin ng bigyan siya ng kaunting panahon para masabi ang totoo sa daddy niya, nag-usap kaming hindi ko itutuloy ang kasal at pumayag naman siya roon. Malinaw na rin naman sa kaniya na si Mischell ang gusto ko kaya kahit magpumilit siya wala na siyang magagawa.Kaya habang naghihintay ng panahon para masabi ni Estella ang totoo sa mga magulang niya nagpasya kaming ituloy pa rin namin ang engagement party, at nagaganap iyon ngayong gabi.
Zedic's POVMabilis akong tumuloy ng resort ni Nath, at agad itong hinanap sa mga tauhan niya agad naman akong sinamahan ng isang staff patungo kung saan si Nath. Nakita ko ito na tumutulong mag-ayos ng mga table sa restaurant area ng resort."Prof ikaw pala?" Nakangiting bati nito sa akin ng makalapit ako, wala pa ring pinagbago kung anong tawag niya sa akin dati kahit na hindi na rin naman na ako proffesor ngayon."Puno ng guest ang mga rooms namin, wala kang matutuluyan dito prof," dagdag nito."Can we talk Nath?" tanong ko rito at nakita ko pa ang sumilay sa mukha nitong gulat na tila pinag-isipan pa ang sinabi ko."Pumunta ka ba rito para kausapin ako?" Tumango ako."Sige prof, saglit lang." Kinuha nito ang phone niya na tila may kung anong pinipindot roon, matapos noon ay pinasunod niya ako sa isang area kong saan may lamesa at doon kami naupo upang makapag-usap.
Zedic's POVNakangiting sinalubong kami ng mommy ni Estella nang makapasok kami ng bahay nila, hindi ko alam kung anong dahilan ni Estella at inimbitahan ako nito ngayon upang mag-dinner sa kanila gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko nagawa dahil kasama ko ang mga magulang ko.Pilit na ngumiti rin ako rito saka siya nakipagbiso sa akin at sunod kay mom.Tumuloy kami sa malawak na dining area ng mansiyon at doon naghihintay naman si Mr. Chua ang daddy ni Estella. Masayang nakipagbatian pa ito sa daddy ko bago kami naupo.Saktong paglabas ng mga maid ay dala na nila ang iba't ibang putahi ng pagkain upang ihanda sa hapag."Hindi ko alam kung anong meron at nagpahanda ng dinner si Estella, pero masaya na rin ito para magkakasama tayo." natutuwa pang sambit ni Mrs. Chua bago ito naupo kalapit ng asawa niya. Sunod nitong inutos sa isang katulong na tawagin na ang
Warning Rated 18+Zedic's POV'5 YEARS ALREADY PAST, STILL YOU.' nasambit ko sa isip habang tinititigan ko ang singsing niya na ginawa ko nang pendant sa kwentas ko.Nakakailang naman kasi kung palagi kong isusuot ito sa daliri dahil na rin kina mom na lagi na lang kinukuwistiyon ang lahat sa akin.Limang taon ang lumipas ngunit nanatili ako sa sitwasyon kung saan sunud-sunuran na lang ako sa lahat ng gustuhin ng mga magulang ko.Sa limang taon na iyon hindi na ako nakabalik pa sa pagtuturo dahil buong buhay ko umiikot sa kumpanya at sa walang kwentang relasyon ko kay Estella na hanggang ngayon ay nanatili pa rin.Hindi ko na lang namalayan lahat ng mga nangyari na taon na pala ang lumipas ngunit parang wala manlang ipinagbago sa buhay ko.Walang pinagbago at patuloy pa rin akong naghihintay sa pagbabalik niya, dahil siya lang ang alam kong muling magpap
Mischell's POVTinatakpan ko na naman ng mga kolorete ang mukha ko baka sakaling doon hindi nila mapapansin ang lungkot ko, ngayon ang nakatakdang araw ng pag-alis namin ni papa patungo sa ibang bansa.Pilit kung pinag-isipan kung itutuloy ko nga ang pag-alis ngunit nauwi pa rin ako sa desisyong ito at sasama ako kay papa, hindi niya ako pinilit na sumama dahil kung hindi nga naman ako sasama sa kaniya ay si tito Hector ang makakasama ko sa mansiyon ngunit mas malulungkot lang ako roon.Mabuti na rin ito upang makapagbagong buhay at bumuo ng mga bagong ala-ala kasama si papa.Sana lang sa araw na bumalik ako rito sa pilipinas may Zedic Lim pa rin akong babalikan, panghahawakan ko ang sinabi niya na maghihintay siya, sana hindi pa huli ang pagkakataon para sa amin.Sinulyapan ko ang itim na maskara ni prof na nakalapag sa lamesa katabi ng cellphone ko, dadalhin ko ang maskara niya sa pag-alis ko ito la
Zedic's POVMinuto ang lumipas na iyon, mukhang kasama nang wine na ininom ko nilunok ko rin ang sinabi ko kaninang agad na akong uuwi matapos magpakita ni Mr. Collins. Pero ngayon tapos na nga magsalita si Mr. Collins at nakikipagsalamuha na sa mga bisita niya habang ako nandito pa rin nakatayo lang sa may sulok hindi alam ang gagawin.Gusto kong umalis ngunit hindi ko magawa at ito ako ngayon nanatili sa lugar na ito na tanging pinagmamasdan lang ng mata ko ay ang babaeng tanging pinakamaganda sa gabing ito, ayaw kong maniwala sa hinala ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko, simula ng magtama ang paningin namin kanina para bang siya na lang lahat ang nakikita ko, nag-iikot siya sa malawak na lugar na iyon na pinagdadausan ng party para makihalubilo sa mga bisita kahit pansin na puro may edad na ang mga bisita sa lugar na ito, habang ako naman ay hindi maalis ang paningin sa kanya dahil nagbabakasakali akong tatanggalin niya ang maskar