Napatulala siya sandali at unti-unting naramdaman ang haplos ng kamay ni Aaron sa kanya. Napabalik siya sa reyalidad at kaagad na kinuha ang kamay sa pagkakahawak ni Aaron.
"Sorry, Aaron! Mali ito eh!" naguguluhang sambit ni Spencer at agad na tumayo para umalis.
Sa pagkakataong ito ay hindi na pinigilan ni Aaron and nobyo, sa halip ay tumayo rin siya at nagmadaling pumunta sa harapan ng lahat.
Naglalakad palabas si Spencer sa venue habang si Aaron ay mabilis na nagtungo sa stage at may biglang sinabi sa lahat ng tao.
"Hello, good evening ladies and gentlemen." pagbati ni Aaron sa lahat.
Nagtagumpay naman siyang kunin ang lahat ng atensyon sa buong hall, lalong-lalo ang atensyon ni Spencer na napahinto sa paglalakad at napalingon sa kanya.
"I just have
Hindi maiwasan ni Spencer na mapatingin kay Aaron. Ang kasiyahan sa kanyang puso dahil sa pagmamahal niya rito ay ang nagsisilbing gamot niya sa kalungkutang nararamdaman dahil sa kanilang kasalukuyang sitwasyon at pinagdaraanan. Habang ang mga mata naman ni Aaron ay napako rin sa nobyong kumakanta, pakiramdam niya'y biglang huminto ang mundo at sila na lang dalawa ang tao sa lugar. Napapahiling na lamang siya na sana'y hindi na matapos pa kasiyahang kasalukuyan niyang nararamdaman. Sandali pa'y natapos na ang kanta. Ang lahat ay napatayo dahil sa ganda ng naging pagtatanghal ng dalawa. Ang masigabong palakpakan ay rinig na rinig sa buong venue ng party. Ang dalawa ay nakatitig sa isa't-isa, nakangiti, at puno ng pag-ibig at kasiyahan ang puso. Natapos na ang palakpakan ng mga tao ngunit may isang nagpahabol ng malakas na palakpak na nagpabalik sa kanilang dalawa sa reyalidad. Biglang napalingon si Spe
"Tito, mahal ko po ang anak n'yo! Nagmamahalan po kami, 'wag po sana kayong magalit sa kanya. Ako po ang sisihin n'yo tito!" lakas loob at deretsyahang pag-amin ni Aaron sa relasyon nilang dalawa. Nalipat naman ang paningin ni tatay Alberto kay Aaron na kahit kinakabagan ng lubos ay nilalakasan pa rin ng loob na harapin ang kaniyang tito Alberto. Walang emosyong nakatingin sa kanina si tatay Alberto. Napayuko na lamang ang dalawa dahil sa hiya at naghihintay sa sasabihin sa kanila. Maya-maya pa'y kinuha ni tatay Alberto ang kaniyang telepono at tinawagan ang secretary niyang si Chris. "Hello, Chris. Please book me a private room immediately! 'Yung malapit dito sa venue ng party!" Pag-uutos nito, wala pa ring emosyong ipinapahiwatig ang boses at pagsasalita ni tatay Alberto kaya hindi nila alam kung galit ba ito sa kanila o hindi. Ngu
“Pero, hindi lang kayo ang magulang dito Rosa!” biglang pagsingit ni Armando sa kanilang usapan. Naagaw nito ang atensyon ng lahat. Ang ngiting humulma kanina sa mukha ni Aaron ay unti-unting naglaho. Ganoon din ang kasiyahan sa mukha nila Spencer, nanay Rosa, tatay Alberto, Eilana, at Alvin. Napatingin silang lahat kay Armando na nagpapakita ng malamig na expresyon. “Kung susuportahan n'yo sila sa kalokohan nilang 'yan, ibahin n'yo 'ko!” wika nito sa dalawang kaibigan. “Pero pare, dapat nga ikaw ang unang makaintindi sa pinagdaraanan ng mga—” “Huwag mo ng ipaalala ang nakaraan Alberto! Isa 'yun sa mga pinagsisihan ko at huwag mo ng ibalik pa!” pagputol nito kay tatay Alberto. “Matagal ko ng alam ang relasyon ng mga anak natin, at hindi ko gusto ang mga nangyayari. Pinalalayo ko na sila sa isa't-isa at hindi na magbabago pa ang desisyon ko.” pagpapatuloy ni Armando. Matapos nitong sabihin ang mga kataga ay tumal
27 YEARS EARLIER... (Taong 1994) “Harold?! Asan ka ngayon?! Pupuntahan kita!” “'Wag na, baka nakakadisturbo ako sa honeymoon n'yo, basta tandaan mo, mahal kita ha! Tumawag lang ako para magpaalam.” lasing na wika ng kausap ni Armando sa kabilang linya ng telepono. Sobra ngayon ang kanyang pag-aalala kay Harold dahil sa nagawa niya. Alam niyang nasaktan niya ng sobra ang damdamin nito matapos niyang ituloy ang kasal nila ni Rachel Chen. Ang anak ng Chairman ng Chen Publishing. Nagmadali siyang sumakay sa kanyang kotse upang puntahan si Harold ngunit hindi niya alam kung nasaan ito. Hindi kasi niya maintindihan ang sinasabi ni Harold dahil may connection interference ang kanyang teleponong Motorola MicroTac Classic. “Hello Harold! Asan ka ba? Pupuntahan kita d'yan. Wait for me! Please tell me where you are.” nag-aalalang wika nito. Ngunit hindi na siya nakatanggap ng sagot pa dahi
Sa mansyon ng mga Villanueva ay mag-isang umuwi si Armando. Ang pakiramdam na nagiisa ay nangingibabaw sa kaniya ngayon. Ngunit sanay na siya sa dilim ng kalungkutan kaya hindi na siya naninibago rito. Simula sa pagkabata ay naiwan siya ng ina dahil sa maagang pagkamatay nito noong siya ay bagong panganak pa lamang. Ang tanging kasama lang niya sa buhay ay ang amang palaging wala sa tabi niya. Subalit kahit na nagiisa ay lumaking talentado at hinahangaan ng kaarami si Armando. Magaling siya sa sining at musika, gayundin sa negosyo. Maaga siyang naging bihasa sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo at sinabay niya rito ang pag-aaral sa kolehiyo. Nag-aral siya sa Patukan Science University at doon niya nakilala si Alberto at Rosa na naging matalik niyang mga kaibigan. Natutong makipagkapwa si Armando at maging masaya sa buhay. Hanggang isang araw ay nakilala niya si Harold. Si Harold ay bagong lipat sa unibersidad galing amerika. Siya ay
“Tito, Tita, Spencer! Sandali lang po!” paghabol ni Aaron kina Spencer at sa pamilya nito. Nilingon siya nila nanay Rosa at tatay Alberto, bago kinausap si Spencer. “Maiwan muna namin kayo dito anak.” ani nanay Rosa. “Sumunod ka kaagad sa loob anak.” sabi naman ni tatay Alberto. “Opo, nay, tay!” mahinang tugon ni Spencer sa mga magulang. Matapos nito ay nauna nang pumasok sa loob sina nanay Rosa, tatay Alberto, at Eilana. Naiwan si Spencer at kinausap si Aaron. Bakas na bakas ang pamumugto ng kanilang mga mata. Pareho silang nasasaktan nahihirapan at nasasaktan sa mga pangyayari. “Buns, please talk to me—” “Hindi ngayon ang oras Aaron!” pagputol ni Spencer sa sinasabi nito. “Please buns. Kahit sandali lang.” patuloy niyang pakikiusap. “Ano ba Aaron, 'wag muna ngayon please. Ang dami nang nangyari ngayong araw. Pwede bang awat muna?” mahina at maiyak-iyak na wika ni
“Mahal sigurado ka na ba sa desisyon mo?” wika ni nanay Rosa sa asawang kumakain. Bahagyang napatigil si tatay Alberto at sumagit. “Oo mahal. Hindi ko na babawiin ang sinabi ko kay Armando!” wika nito. “Tay...” mahinang pagtawag ni Spencer sa ama. “Sorry po.” Hinawakan ng kaniyang ina ang kamay ng binatang sinisisi ang sarili. “Anak, Spencer. Wala kang kasalanan. Desisyon ko ang pagre-resign sa kompanya ng tito Armando mo. And besides pwede pa namang humanap ng trabaho si tatay, hindi ba?” pagpapagaan ng ama sa kalooban ng anak. “Pero tay, kung hindi dahil sa akin sana masaya ka ngayon sa unang araw mo bilang vice-chairman—” “Spencer, anak.” pagputol ni tatay Alberto. “Hindi naman ako malungkot ha? Masaya akong aalis sa kompanyang 'yun dahil naipagtanggol ko ang anak ko. At alam mo ba? Ang mas-ikakasaya ni tatay, namin ng nanay at ate mo. Na makita kang nakangiti kagaya ng dati.” saad nito sa anak.
“Good morning, vice-chairman Dela Cruz!” wika ni Armando kay tatay Alberto. “Not anymore, sir! Pumunta lang ako rito para kunin ang mga gamit ko at ibigay sa'yo ang resignation na 'to.” malamig na wika ni tatay Alberto sabay pakita sa dalang brown envelop na naglalaman ng kaniyang resignation letter. Humakbang palapit si tatay Alberto sa walang imik na kaibigan at ibinigay ang sulat. “Tingin mo tatanggapin ko 'yan?” walang emosyong sagot ni Armando. Napatingin sila sa isa't-isa at biglang nabalot ng katahimikan. Parehas na malamig ang expresyon ng kanilang mga mukha at parehong nagpapakiramdaman. Maya-maya pa'y binasag ni tatay Alberto ang katahimikan at nagpaalam na para umalis. Pagkatapos ay tumalikod na ito at humakbang paalis, ngunit bigla siyang pinigilan ni Armando. “Bert, pare!” napahinto ito dahil sa pagtawag ng kaibigan. “Pwede ba tayong mag-usap sandali?” mahinang wika ni Armando at bakas s
“Buns?!” wika ng lalaki.Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isa lamang ang pumasok sa utak ko na kakilala ko ang taong 'to ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya pati ang dati naming pinagsamahan.“I—I'm very glad to see you.” masaya niyang wika.Tanging ngiti lang din ang naitugon ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong dapat na ikilos ko. Ngunit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Para kasing may mabigat akong nararamdaman sa taong 'to. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko namn alam kung kaibigan ko ba siya sa nakaraan o hindi.Bigla siyang lumapit at aaktong yayakap ngunit may biglang malabong ala-ala na nagbabalik sa akin. Kasabay ng ala-ala ang pagsakit naman ng ulo ko, napahawak ako sa sintido matapos mag flash ang kaunti at malabong alala sa amin ng lalaki. Magkasama kami at tinawag niya akong Buns at mayroon rin akong tawag sa kaniya at 'yun ay Wolf. At sa pamamagitan no'n napagtanto kong kaibigan
SPENCER“Hi ganda, san ka na ngayon?” text ko kay Joan.“Papunta na ako babe. Sure ba 'to? Ipapakilala mo na ba talaga ako?” reply nito sa akin.“Syempre, 'wag kang mag-alala mabait naman sila.” pagpapagaan ko sa loob niya.Si Joan Madrigal ay ang girlfriend na ipapakilala ko na kina nanay, tatay, at ate Eilana. Medyo kinakabahan nga ako dahil siguro first time ko itong gagawin pero ayaw ko namang magtago sa mga magulang ko dahil 'yun rin ang bilin nila sa akin, na huwag kailan man mag sekreto.Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay sa wakas ay nakarating na ang girlfriend ko. Alas 6 na at halos 30mins din akong naghihintay sa labas ng gate, galing kasi ako sa restaurant na paborito naming puntahan ni Joan para bumili ng paborito niyang crispy-pata. Matapos ko kasing bumili ay hinintay ko nalang siya sa gate upang sabay na kaming pumasok sa loob. Baka magtanong kasi sila nanay tungkol sa crispy-pata at wala akong maisagot, susupresahin ko kasi sila nanay sa pagpap
MATHEW"Oras? Hala?" tinignan ko ang aking lumang relo at nakitang late na ako ng 20 minutes. Kaagad akong tumakbo papunta sa Senior high building at nagtanong kung asaan ang classroom ng Humanities and Social Sciences strand. "HUMSS?! HUMSS ka pala? Oh, me too. We're classmate! Don't worry I'll take you there. Come with me." masiglang wika ng babaeng napagtanungan ko. Napakamasiyahin niya tignan at halatang palakaibigan, at nang tinanong ko siya ay napakagalang din. Halata rin sa kutis nito na mayaman, may kalakihan din ang kaniyang pangangatawan dahil sigurado akong laging masarap ang kinakain niya.Habang nasa paglalakad kami ay kwento ng kwento siya. Doon ko nalaman ang kaniyang pangalan, siya si Thea Emmanuel. Siguro ay nahalata niya ang pagmamadali ko, kaya sinabi niya sa akin na walang dapat na ipag-alala dahil tuwing first day of class ay hindi naman gaanong pinapahalagahan ng mga teacher dito kung late ka o hindi, dahil hindi pa magsisimula ang lesson sa unang araw ng klase.
Aligaga sa pamamalantsa si Mathew sa kaniyang uniporme, at kahit makikitang may kaunting mga gusot pa ay pinabayaan na lamang niya sa pag-iisip na hindi na naman ito mapapansin. Nagmadali siyang naligo at kumain dahil kalahating oras na lamang ang natitira sa kaniya upang hindi ma late sa unang araw ng klase. Labis siyang kinakabahan sa unang araw niya bilang mag-aaral sa regular na eskwela ngunit labis din ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay mararanasan na niyang mag-aral kasama ang kaniyang mga ka-edad. Kaka graduate lamang ni Mathew sa isang Alternative Learning System (ALS) nang nakaraang taon, at sa totoo lang ay pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang kaniyang mga nalalaman kumpara sa mga bago niyang magiging kaklase. Hindi tulad ng ibang bata, si Mathew ay hindi nakapag-aral ng elementary at junior high school dahil, gayunpaman ay natuto ang binata sa kaniyang sariling pamamaraan. Noong nasa kalsada palamang siya at nagpapalaboylaboy ay palagi siyang sumisilip sa bintana ng
Taong 2012, ang kahabaan ng kalsada ay tila nagmimistulang isang paradahan dahil sa mga sasakyang tila hindi umuusad sa trapiko. Ang ingay ng mga busina ay tila nag-uunahan at hindi na matigil pa. Magulo, mainit, maalikabok, 'yan ang buhay na kinalakhan ni Mathew. Sa murang edad na walong taon ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay kalsada upang makakain at mabuhay. Ulilang lubos, walang bahay, walang makain, at walang pumapansin. Dala-dala ang isang plastic tray na naglalaman ng limang pirasong nakaboteng tubig at sari-saring mga kending kaniyang pilit na ibinibenta sa mga dumadaang sasakyan at tao. Paminsan-minsan ay may bumibili, ngunit kadalasan ay wala. Hindi maiwasan ng paslit na tignan ang kaniyang naging kita sa loob ng apat na oras. Medyo nakaramdam ito ng lungkot habang hawak-hawak ang sampung pisong barya. Hindi naman siya naliliitan sa pera, sa katunayan ay maari na itong makabili ng tigdodos na tinapay upang siya'y makakain at makapagumagahan na. Alas nuwebe na ng u
AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'
AARONDalawang linggo ang nakakalipas nang pinagamot ko sa Australia si dad. Araw araw naman akong nagpapadala ng mensahe kay Spencer sa pamamagitan ng sulat dahil na pupwede niyang basahin kapag gumaling na siya sa pagkaka-comatose. Lagi rin akong nagti-text kina ate Eilana ngunit ang sabi lang nila'y hindi pa rin gumigising si Spencer at babalitaan nalang daw nila ako kung gising at nakarecover na ang mahal ko.Lumipas ang tatlong buwan ay nagaalala na ako dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng mensahe patungkol sa kalagayan ni Spencer habang si daddy naman ay malaki ang improvement dahil sa magagaling na doctor at mga advance na gamutan dito sa Australia. Ngunit gustuhin man naming umuwi ni dad ay hindi maaari dahil sa kumakalat na pandemyang covid-19. Tumataas kasi ang paglaganap ng sakit at sa katunayan ay nagpositive ako. Palagi kong pinapadalhan ng mensahe sina ate Eilana at maging si kuya Bryell ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot kahit sa tawag. Si Kevin nalang sana a
“Bunso?! Nay, tay! Gising na si bunso.” malakas na sigaw ni Eilana nang makita ang nakamulat niyang kapatid.Kaagad na lumapit sina nanay Rosa at tatay Alberto sa anak. Kita ang masayang mukha ng mag-anak. “Ipapaalam ko po muna ito sa nurse station para makatawag ng doctor." ani Eilana at nagmadaling lumabas ng kwarto."Anak, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Tumawag na si ate ng doctor anak. Salamat sa dyos at gising kana. Sobrang kaming nag-aalala sayo." Iyak ni nanay Rosa.“'Wag kang mag-alala anak magiging maayos ka. Magiging maayos din ang lahat ” dagdag ni tatay Alberto.Hindi sumasagot si Spencer at napansin ng mga magulang nito na tila nalilito ang binata sa mga nangyayari.“A-anak? Bakit? S-sino ho kayo?” naguguluhang wika nito.'Di makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng anak. Tanging pagtitinginan na lamang ang kanilang naitugon kasabay ng labis na pag-aalala. “Nak, Spencer. Si nanay at tatay 'to.” ani nanay Rosa.“Di mo ba kami nakikilala anak? Malabo ba ang pan
***AARON"Malaki ang progress niya and we hope na anytime soon magigising na si Spencer. Pero hindi pa natin tiyak dahil ano mang oras pwedeng mangyari. Maaaring bukas, sa susunod na araw o sa susunod na linggo. Pero ang importante ay nagpakita na siya ng palatandaan." Pagpapaliwanag ni kuya Bryell sa kalagayan ni Spencer. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Kevin, Raffy at Larah. Nadadtnan nila akong nakatayo lamang sa labas ng ICU habang tinitignan sa nakaharang na salamin ang maamong mukha na natutulog kong nobyo kasama sa loob ang pamilya niya.“Hey bro. Kumusta? May balita ba?” kaagad na bungad ni Kevin.“Hey guys. Kuya Bryell said na anytime pupwede nang magising si Spencer. Sana mas mapabilis ang paggising niya. I really miss him.” saad ko.“I'm sure, Spencer is doing his best to recover fast para sa atin. Because he knew that here we are, waiting for him.” ani Larah.Nabalot ng ngiti ang ngiti ang aming mga labi sa magandang progress ni Spencer sa bawat araw. Ngunit 'di rin