Sa mansyon ng mga Villanueva ay mag-isang umuwi si Armando.
Ang pakiramdam na nagiisa ay nangingibabaw sa kaniya ngayon. Ngunit sanay na siya sa dilim ng kalungkutan kaya hindi na siya naninibago rito.Simula sa pagkabata ay naiwan siya ng ina dahil sa maagang pagkamatay nito noong siya ay bagong panganak pa lamang. Ang tanging kasama lang niya sa buhay ay ang amang palaging wala sa tabi niya. Subalit kahit na nagiisa ay lumaking talentado at hinahangaan ng kaarami si Armando. Magaling siya sa sining at musika, gayundin sa negosyo. Maaga siyang naging bihasa sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo at sinabay niya rito ang pag-aaral sa kolehiyo.Nag-aral siya sa Patukan Science University at doon niya nakilala si Alberto at Rosa na naging matalik niyang mga kaibigan. Natutong makipagkapwa si Armando at maging masaya sa buhay. Hanggang isang araw ay nakilala niya si Harold.Si Harold ay bagong lipat sa unibersidad galing amerika. Siya ay“Tito, Tita, Spencer! Sandali lang po!” paghabol ni Aaron kina Spencer at sa pamilya nito. Nilingon siya nila nanay Rosa at tatay Alberto, bago kinausap si Spencer. “Maiwan muna namin kayo dito anak.” ani nanay Rosa. “Sumunod ka kaagad sa loob anak.” sabi naman ni tatay Alberto. “Opo, nay, tay!” mahinang tugon ni Spencer sa mga magulang. Matapos nito ay nauna nang pumasok sa loob sina nanay Rosa, tatay Alberto, at Eilana. Naiwan si Spencer at kinausap si Aaron. Bakas na bakas ang pamumugto ng kanilang mga mata. Pareho silang nasasaktan nahihirapan at nasasaktan sa mga pangyayari. “Buns, please talk to me—” “Hindi ngayon ang oras Aaron!” pagputol ni Spencer sa sinasabi nito. “Please buns. Kahit sandali lang.” patuloy niyang pakikiusap. “Ano ba Aaron, 'wag muna ngayon please. Ang dami nang nangyari ngayong araw. Pwede bang awat muna?” mahina at maiyak-iyak na wika ni
“Mahal sigurado ka na ba sa desisyon mo?” wika ni nanay Rosa sa asawang kumakain. Bahagyang napatigil si tatay Alberto at sumagit. “Oo mahal. Hindi ko na babawiin ang sinabi ko kay Armando!” wika nito. “Tay...” mahinang pagtawag ni Spencer sa ama. “Sorry po.” Hinawakan ng kaniyang ina ang kamay ng binatang sinisisi ang sarili. “Anak, Spencer. Wala kang kasalanan. Desisyon ko ang pagre-resign sa kompanya ng tito Armando mo. And besides pwede pa namang humanap ng trabaho si tatay, hindi ba?” pagpapagaan ng ama sa kalooban ng anak. “Pero tay, kung hindi dahil sa akin sana masaya ka ngayon sa unang araw mo bilang vice-chairman—” “Spencer, anak.” pagputol ni tatay Alberto. “Hindi naman ako malungkot ha? Masaya akong aalis sa kompanyang 'yun dahil naipagtanggol ko ang anak ko. At alam mo ba? Ang mas-ikakasaya ni tatay, namin ng nanay at ate mo. Na makita kang nakangiti kagaya ng dati.” saad nito sa anak.
“Good morning, vice-chairman Dela Cruz!” wika ni Armando kay tatay Alberto. “Not anymore, sir! Pumunta lang ako rito para kunin ang mga gamit ko at ibigay sa'yo ang resignation na 'to.” malamig na wika ni tatay Alberto sabay pakita sa dalang brown envelop na naglalaman ng kaniyang resignation letter. Humakbang palapit si tatay Alberto sa walang imik na kaibigan at ibinigay ang sulat. “Tingin mo tatanggapin ko 'yan?” walang emosyong sagot ni Armando. Napatingin sila sa isa't-isa at biglang nabalot ng katahimikan. Parehas na malamig ang expresyon ng kanilang mga mukha at parehong nagpapakiramdaman. Maya-maya pa'y binasag ni tatay Alberto ang katahimikan at nagpaalam na para umalis. Pagkatapos ay tumalikod na ito at humakbang paalis, ngunit bigla siyang pinigilan ni Armando. “Bert, pare!” napahinto ito dahil sa pagtawag ng kaibigan. “Pwede ba tayong mag-usap sandali?” mahinang wika ni Armando at bakas s
SPENCER “To all enrollees, please proceed to registrar's waiting area. Again, to all enrollees, please proceed to registrar's waiting area. Thank you!” Anunsyo ng registrar officer namin. Malapit na ang pasukan namin sa ikalawang semester ng taon, kaya abala kaming lahat na mga estudyante ng PSU sa enrollment ngayong araw. Subalit, bukod sa pagpapa-enroll, isa sa pakay ko sa pagpunta ngayong araw ay ang plano kong pakikipag-ayos sa dalawa kong kaibigan. Sa katunayan kanina ko pa sila inaabangan. Nakaupo ako ngayon mag-isa sa bench malapit sa registrar, pinapraktis ko ang sasabihin sa dalawa, kung makaharap ko na sila. Hindi naman siguro sila galit sa akin, ako lang naman kasi 'yung hindi sumasagot sa mga chat, text, at tawag nila. Alam kong nag-aalala na sila sa akin at gusto nilang humingi ng paumanhin. Ewan ko rin ba kasi sa sarili ko, naging over 'yung reaksyon ko nang malamang nakipagkasundo sila kay Aaron. Sa totoo lang sobra akong nagi-guilt
AARON “Kuya, where are you?” I frowned as I asked him. Hindi ko mapigilang mainis dahil sa kanina pa ako naghihintay dito sa station of mother mary pero walang kuya Alvin na nagpapakita. So, after minutes of waiting I decided to call him instead. “Bro, malapit na 'ko! Just wait for me there okay, naabutan kasi ako ng traffic eh.” tugon nito sa kabilang linya. “Kuya naman eh, I knew it! There is no traffic, you're just late, aren't you? 'Wag ka ng magpalusot kuya.” napairap na lamang ako sa kanya. “I'm not! You're so superficial!” he said. “Whatever... Just please hurry, bakit ba kasi sa dinami rami ng lugar dito mo pa gustong makipagkita.” I said. “Why, do you remember something with that place?” sabi nito na sandaling nakapagpatahimik sa akin. “No-nothing! Wala naman, it's just... I mean napakalayo lang!” pahinto-hinto kong wika. “Nah... At least, worth it! Tignan mong view d
SPENCER “Hoy 'san ba tayo pupunta?” hindi ko na mapigilang magtanong sa mga kasama ko. Ngunit na imbis na sagot ay tumingin lang sila lahat sa akin. “Ano?” dagdag na tanong ko dahil sa naging reaksyon nila. “W-wala, basta may pupuntahan tayong iba.” sagot sa akin ni Larah. “Pero, akala ko ba sa Experanza tayo kakain? Eh malayo nang nalagpas natin oh.” sabi ko. “May pupuntahan nga tayo 'diba? Just don't be so kill Joy, can you?” sagot naman sa akin nito. Napairap na lamang ako at walang nagawa. Napaagitnaan ako ngayon ni Kevin at Raffy sa backseat ng bagong kotse ni Larah, nasa harapan naman ang babae katabi ng nagmamanehong si Raffy. Tinignan ko si Kevin gayundin si Richard upang makakuha ng sagot galing sa kanila pero nag taas lamang ang mga ito ng balikat tanda ng hindi rin nila alam ang mga nangyayari. Habang tumatagal ay mas napapansin kong ang daan na tinatahak namin ay an
“Sa Station of Mother Mary ba tayo pupunta?” pagtatanong ko. “Yes...” maligalig na tugon ni Larah. “Uhmm... Bakit hindi n'yo sinabi? Game na game naman ako pumunta rito anytime.” masaya kong wika. Sa totoo lang bata pa lang ako mahal ko na ang lugar na 'to. Dahil pumupunta kami rito tuwing semana santa o kung gusto namin mamasyal buong pamilya. Ngunit mas minahal ko 'to dahil dito namin opisyal na sinimulan ni Aaron ang tungkol sa aming dalawa. Ipinarada ni Raffy ang sasakyan at bumaba na kaming lahat. Ngunit nang papasok na kami ay biglang napa-alam sina Raffy at Larah na babalik sa kotse dahil may naiwan daw sila. Nagsuhesyon ako na sasama ngunit sabi nila'y huwag na raw dahil sandali lamang sila. Pumayag naman ako at naghintay kaming tatlo nina Richard at Kevin sa isang bench sa ilalim ng puno. Maya-maya pa'y biglag nagpaalam ang dalawa na sabay daw silang iihi sa banyo. At dahil busy ako sa kakascroll sa f******k at katitingin ng m
AARON “A-Aaron!” Napalingon ako dahil sa tawag ng boses sa aking likuran. Parang tumatalon ang puso ko sa tuwa when I saw Spencer wearing his beautiful smile. A big smile draws on my face, I slowly step my feet towards him. I want to hug him, I want to kiss him. “Spence?” sabi ko habang palapit ng palapit sa kanya. Yayakapin ko sana siya pero hindi ko tinuloy baka kasi hindi niya gusto. So, I ask his permition first and said, “Pwede ba kitang yakapin?” He didn't answer immediately, he slightly bow istead and give me a sad expression. Bigla akong nakaramdam ng pagkabahala dahil sa naging reaksyon niya. “S-sorry!” Spencer said, habang patuloy pa rin na nakayuko. "Sorry kasi masyado na kitang nasasaktan sa mga ginagawa ko—" “Shhh...” I touch his cheeks and gently lift his face upang natitigan ko ang kaniyang mukha. Nangingilid ang kaniyang luha sa nakakabighani niyang mga mata. S
“Buns?!” wika ng lalaki.Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isa lamang ang pumasok sa utak ko na kakilala ko ang taong 'to ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya pati ang dati naming pinagsamahan.“I—I'm very glad to see you.” masaya niyang wika.Tanging ngiti lang din ang naitugon ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong dapat na ikilos ko. Ngunit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Para kasing may mabigat akong nararamdaman sa taong 'to. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko namn alam kung kaibigan ko ba siya sa nakaraan o hindi.Bigla siyang lumapit at aaktong yayakap ngunit may biglang malabong ala-ala na nagbabalik sa akin. Kasabay ng ala-ala ang pagsakit naman ng ulo ko, napahawak ako sa sintido matapos mag flash ang kaunti at malabong alala sa amin ng lalaki. Magkasama kami at tinawag niya akong Buns at mayroon rin akong tawag sa kaniya at 'yun ay Wolf. At sa pamamagitan no'n napagtanto kong kaibigan
SPENCER“Hi ganda, san ka na ngayon?” text ko kay Joan.“Papunta na ako babe. Sure ba 'to? Ipapakilala mo na ba talaga ako?” reply nito sa akin.“Syempre, 'wag kang mag-alala mabait naman sila.” pagpapagaan ko sa loob niya.Si Joan Madrigal ay ang girlfriend na ipapakilala ko na kina nanay, tatay, at ate Eilana. Medyo kinakabahan nga ako dahil siguro first time ko itong gagawin pero ayaw ko namang magtago sa mga magulang ko dahil 'yun rin ang bilin nila sa akin, na huwag kailan man mag sekreto.Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay sa wakas ay nakarating na ang girlfriend ko. Alas 6 na at halos 30mins din akong naghihintay sa labas ng gate, galing kasi ako sa restaurant na paborito naming puntahan ni Joan para bumili ng paborito niyang crispy-pata. Matapos ko kasing bumili ay hinintay ko nalang siya sa gate upang sabay na kaming pumasok sa loob. Baka magtanong kasi sila nanay tungkol sa crispy-pata at wala akong maisagot, susupresahin ko kasi sila nanay sa pagpap
MATHEW"Oras? Hala?" tinignan ko ang aking lumang relo at nakitang late na ako ng 20 minutes. Kaagad akong tumakbo papunta sa Senior high building at nagtanong kung asaan ang classroom ng Humanities and Social Sciences strand. "HUMSS?! HUMSS ka pala? Oh, me too. We're classmate! Don't worry I'll take you there. Come with me." masiglang wika ng babaeng napagtanungan ko. Napakamasiyahin niya tignan at halatang palakaibigan, at nang tinanong ko siya ay napakagalang din. Halata rin sa kutis nito na mayaman, may kalakihan din ang kaniyang pangangatawan dahil sigurado akong laging masarap ang kinakain niya.Habang nasa paglalakad kami ay kwento ng kwento siya. Doon ko nalaman ang kaniyang pangalan, siya si Thea Emmanuel. Siguro ay nahalata niya ang pagmamadali ko, kaya sinabi niya sa akin na walang dapat na ipag-alala dahil tuwing first day of class ay hindi naman gaanong pinapahalagahan ng mga teacher dito kung late ka o hindi, dahil hindi pa magsisimula ang lesson sa unang araw ng klase.
Aligaga sa pamamalantsa si Mathew sa kaniyang uniporme, at kahit makikitang may kaunting mga gusot pa ay pinabayaan na lamang niya sa pag-iisip na hindi na naman ito mapapansin. Nagmadali siyang naligo at kumain dahil kalahating oras na lamang ang natitira sa kaniya upang hindi ma late sa unang araw ng klase. Labis siyang kinakabahan sa unang araw niya bilang mag-aaral sa regular na eskwela ngunit labis din ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay mararanasan na niyang mag-aral kasama ang kaniyang mga ka-edad. Kaka graduate lamang ni Mathew sa isang Alternative Learning System (ALS) nang nakaraang taon, at sa totoo lang ay pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang kaniyang mga nalalaman kumpara sa mga bago niyang magiging kaklase. Hindi tulad ng ibang bata, si Mathew ay hindi nakapag-aral ng elementary at junior high school dahil, gayunpaman ay natuto ang binata sa kaniyang sariling pamamaraan. Noong nasa kalsada palamang siya at nagpapalaboylaboy ay palagi siyang sumisilip sa bintana ng
Taong 2012, ang kahabaan ng kalsada ay tila nagmimistulang isang paradahan dahil sa mga sasakyang tila hindi umuusad sa trapiko. Ang ingay ng mga busina ay tila nag-uunahan at hindi na matigil pa. Magulo, mainit, maalikabok, 'yan ang buhay na kinalakhan ni Mathew. Sa murang edad na walong taon ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay kalsada upang makakain at mabuhay. Ulilang lubos, walang bahay, walang makain, at walang pumapansin. Dala-dala ang isang plastic tray na naglalaman ng limang pirasong nakaboteng tubig at sari-saring mga kending kaniyang pilit na ibinibenta sa mga dumadaang sasakyan at tao. Paminsan-minsan ay may bumibili, ngunit kadalasan ay wala. Hindi maiwasan ng paslit na tignan ang kaniyang naging kita sa loob ng apat na oras. Medyo nakaramdam ito ng lungkot habang hawak-hawak ang sampung pisong barya. Hindi naman siya naliliitan sa pera, sa katunayan ay maari na itong makabili ng tigdodos na tinapay upang siya'y makakain at makapagumagahan na. Alas nuwebe na ng u
AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'
AARONDalawang linggo ang nakakalipas nang pinagamot ko sa Australia si dad. Araw araw naman akong nagpapadala ng mensahe kay Spencer sa pamamagitan ng sulat dahil na pupwede niyang basahin kapag gumaling na siya sa pagkaka-comatose. Lagi rin akong nagti-text kina ate Eilana ngunit ang sabi lang nila'y hindi pa rin gumigising si Spencer at babalitaan nalang daw nila ako kung gising at nakarecover na ang mahal ko.Lumipas ang tatlong buwan ay nagaalala na ako dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng mensahe patungkol sa kalagayan ni Spencer habang si daddy naman ay malaki ang improvement dahil sa magagaling na doctor at mga advance na gamutan dito sa Australia. Ngunit gustuhin man naming umuwi ni dad ay hindi maaari dahil sa kumakalat na pandemyang covid-19. Tumataas kasi ang paglaganap ng sakit at sa katunayan ay nagpositive ako. Palagi kong pinapadalhan ng mensahe sina ate Eilana at maging si kuya Bryell ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot kahit sa tawag. Si Kevin nalang sana a
“Bunso?! Nay, tay! Gising na si bunso.” malakas na sigaw ni Eilana nang makita ang nakamulat niyang kapatid.Kaagad na lumapit sina nanay Rosa at tatay Alberto sa anak. Kita ang masayang mukha ng mag-anak. “Ipapaalam ko po muna ito sa nurse station para makatawag ng doctor." ani Eilana at nagmadaling lumabas ng kwarto."Anak, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Tumawag na si ate ng doctor anak. Salamat sa dyos at gising kana. Sobrang kaming nag-aalala sayo." Iyak ni nanay Rosa.“'Wag kang mag-alala anak magiging maayos ka. Magiging maayos din ang lahat ” dagdag ni tatay Alberto.Hindi sumasagot si Spencer at napansin ng mga magulang nito na tila nalilito ang binata sa mga nangyayari.“A-anak? Bakit? S-sino ho kayo?” naguguluhang wika nito.'Di makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng anak. Tanging pagtitinginan na lamang ang kanilang naitugon kasabay ng labis na pag-aalala. “Nak, Spencer. Si nanay at tatay 'to.” ani nanay Rosa.“Di mo ba kami nakikilala anak? Malabo ba ang pan
***AARON"Malaki ang progress niya and we hope na anytime soon magigising na si Spencer. Pero hindi pa natin tiyak dahil ano mang oras pwedeng mangyari. Maaaring bukas, sa susunod na araw o sa susunod na linggo. Pero ang importante ay nagpakita na siya ng palatandaan." Pagpapaliwanag ni kuya Bryell sa kalagayan ni Spencer. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Kevin, Raffy at Larah. Nadadtnan nila akong nakatayo lamang sa labas ng ICU habang tinitignan sa nakaharang na salamin ang maamong mukha na natutulog kong nobyo kasama sa loob ang pamilya niya.“Hey bro. Kumusta? May balita ba?” kaagad na bungad ni Kevin.“Hey guys. Kuya Bryell said na anytime pupwede nang magising si Spencer. Sana mas mapabilis ang paggising niya. I really miss him.” saad ko.“I'm sure, Spencer is doing his best to recover fast para sa atin. Because he knew that here we are, waiting for him.” ani Larah.Nabalot ng ngiti ang ngiti ang aming mga labi sa magandang progress ni Spencer sa bawat araw. Ngunit 'di rin