SPENCER
"Nandito na tayo! So, good night na?! Pasok ka na!" sabi ko kay Aaron.
Alas onse na ng gabi kaya nagdesisyon na kaming umakyat dito sa taas. Halos dalawang oras din kaming sa poo. At ngayon nandito na kami sa harap ng kanya kanya naming unit at nagpapaalam sa isa't-isa.
"Ikaw na muna! Mauna ka nang pumasok!" sabi nito sa akin.
"Ikaw na lang sabi." pagpipilit ko sa kanya.
Tinignan ako nito at siguro'y nakukulitan na siya sa akin. Bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Napaatras ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Ewan ko ba kahit naghalikan na kami, kinakabahan pa rin ako kapag sobrang lapit niya sa akin.
"Aya
SPENCERMalakas ang musika sa loob ng kotse ni Raffy. Para kaming baliw na nagkakantahan at sinasabayan ang mga shuffled song ng mga iba't ibang artist. Ang sinasabayan naman ngayon namin ay ang kanta ni Anne Marie na pinamagatang Friends.Habang patuloy kami sa pagsabay sa kanta ay napansin kong natahimik ang katabi kong si Aldrin. Apat kami ngayon sa loob ng kotse ni Raffy. Ako, si Raffy at Larah, at ang kababata kong si Aldrin. Gusto kasi siyang makilala ng dalawa kong kaibigan, kaya ayon, dinala ko siya sa university para sa magdecorate ng booth namin para bukas sa National Music Festival na gagawin mismo sa University namin. At kahit hindi ako ang naging vocalist, excited pa rin ako kasi makikita kong magpeperform si Aaron.Madali namang nagkapalagayan ng loob ang tatlo kong kaibigan at para ngang click na
Sobrang abala ang lahat ng myembro ng Music Club sa pagdedesinyo sa kanilang booth na gagamitin bukas sa idadaos na National Music Festival. Aligaga subalit masaya ang lahat sa kanilang ginagawa. Si Spencer at Aaron ay natapos nang gawin ang standy, at nang matapos din silang mag-usap ay bumalik na sila sa kinaroroonan ng grupo sa loob ng gymnasium. Sa gymnasium kasi ng University isasagawa ang nasabing event. Sinalubong kaagad ni Joyce si Aaron at Spencer upang makisuyo na magpabili sa dalawa ng bagong Mic at Electril guitar dahil sa 'di inaasaha'y nasira ang kasalukuyang ginagamit nila at kinakailangan nang palitan para sa gagawing kompetisyon bukas. Ngunit napuna kaagad ni Joyce ang kadungisan ng dalawa dahil sa mga pintura na nasa mukha at damit ng mga ito. Kaya pinagbihis niya
SPENCER "Can you cheer me up?" Napangiti ako dahil sa sinabi ni Aaron, akala ko'y anong importanteng sasabihin niya at pumunta pa talaga siya sa kinauupuan ko. "Hmm... Sempre naman, malakas ka sa'kin eh!" tugon ko sa kanya. Pagkatapos ay kumindat pa ito sa akin bago tuluyang umalis. Buti na lang at wala pang ibang tao. Kasalukuyan akong nakaupo at naghihintay para makita ang pag-eensayo ng banda nila Aaron na King of Hearts para sa battle of the band na gagawin bilang main event competition ng National Music Festival 2021. Kakarating lang namin ni Aaron galing sa pamimili ng Mic at Electric guitar. Medyo natagalan lang kami at madilim nang nakarating d
SPENCER"Mot, hindi ka pa ba maghahanda? Sasama ka naman sa akin sa victory party 'diba?" pagtatanong ko sa kasama kong kanina pa malayo ang tingin.Tila may iniisip ata ang kababata ko, subalit kung tatanongin ko nama'y hindi niya rin sinasabi."Mot, siguro dapat wala na'kong sayanging oras." sambit nito na ipinagtaka ko.Tinignan ko ito sa repleksyon ng salamin na nasa harapan ko, nakaupo ito sa aking kama at nakatulala. Nilingon ko siya ng may pagtataka sa mukha at nagtanong. "Anong ibig mong sabihin Mot? Pansin ko rin kanina ka pa tulala d'yan."Tumingin ito sa akin, ngunit sa pagkakataong ito ay puno ng sigla ang kanyang mga mata. Ngumiti ito at nagsalita. "Mot, siguro dapat ko nang sundan si Edward sa America." sambit nito.
SPENCER 'Di ko lubos mawari ngunit parang pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin ni Aaron ngayon. Hindi ko lang maalala kung kailan ako kadaan sa highway na 'to at saan ako pumunta no'n. Patuloy kong pinagmamasdan ang daan at inaalala kung kailan ako nakadaan dito, ngunit bigo akong maalala. Gabi na kasi kaya siguro hindi ko masigurado ang lokasyon namin. Sinawalang bahala ko na lamang ang iniisip ko at tinignan ang nagmamanehong si Aaron. "Oy, Aaron! Malayo pa ba tayo?" tanong ko rito. "Hindi, malapit na. Pero ganito na lang! Pumikit ka muna." biglang pakiusap nito sa akin. "Ha? Bakit naman?" pagtataka ko. "Bast
"May sakit ka sa puso?" patuloy nitong usisa.Tumango ako sa kanya at patuloy na nagsalita. "Hm! Congenital Heart Disease. Since then, dala-dala ko 'yun. Naoperahan ako for heart transplant at ngayon okay nako! 'Di ba? Parang hindi ako dumaan sa sakit." masigla kong saad sa kanya."Wow! I... I didn't know. You're so brave!" Kitang-kita ko ang pagkamangha ni Aaron habang sinasabi niya ang mga kataga.Napangiti lang ako sa kanya at ibinaling ang tingin sa kabuoang tanawin ng pinanggalingan naming syudad."Ang ganda ng tanawin 'diba? Na realized ko rito na talaga ngang kung titignan tayo mula sa langit, parang langgam lang tayong lahat. Kahit ano at sino ka pa, sa mata ng d'yos pantay-pantay lang ang lahat. Walang nasa taas, walang nasa baba!" mahina kong wika habang inaalala ang
SPENCER Nagising ako sa liwanag ng sinag ng araw na tumatama sa salaming bintana ng condo. Kahit may nakatakip na makapal na kortina ay sobrang nakakasilaw pa rin ito tanda na mataas na ang araw. "Ow... Shit!" tanging nabigkas ko nang mapagtanto ang araw na ito. Final exam lang naman namin para sa pagtatapos ng first semester. Kaagad akong bumangon sa kama. Hindi ko na alam kung anong una kong gagawin—kung tatakbo ba sa banyo para maligo o sa kusina para kumain. Tinignan ko ang alarm clock sa gilid ng kama, alas 8 na ng umaga at sabi ni professor Magtibay na eksaktong alas 8 kami dapat pumsok. Nanlamig ako bigla nang makitang huli na ako sa final exam. Kinuha ko ang alarm clock at inalog ito sa inis ko sa sarili. "Bakit hindi ka tumunog! Naalala kong nai-set kita kagabi eh." maiyak-iyak kong wika, hindi ko rin mapigila
SPENCERHindi parin mawala sa isip ko ang nalaman ko kanina. Ang PSU ay napaka prestiheyosong unibersidad sa buong Pantukan. So kung main sponsor ang daddy ni Aaron ay malamang sa malamang, napakayaman nila.Alam ko namang mayaman sila Aaron, pero hindi ko alam na sobrang yaman nila. Ngayon ko lang pala na realized, napaibutan ako ngayon ng mga mayayamang tao. Una ang dalawa kong kaibigan na sina Larah at Raffy, sunod naman ay si Kevin na sa murang edad ay nagmamaay-ari na ng isang hotel. At ngayon naman ay ang boyfriend ko!Ewan ko kung dapat ko bang maramdaman 'to pero nahihiya na ako sa kanila. Bakit ko ba kasi hindi naisip na magkaiba ang mga estado namin sa buhay? Siguro wala lang talaga akong pakialam noon dahil hindi pa ako nakakalabas sa tunay na mundo—hindi ko pa alam ang pagkakaiba ng mga status sa lipunan.Hi
“Buns?!” wika ng lalaki.Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isa lamang ang pumasok sa utak ko na kakilala ko ang taong 'to ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya pati ang dati naming pinagsamahan.“I—I'm very glad to see you.” masaya niyang wika.Tanging ngiti lang din ang naitugon ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong dapat na ikilos ko. Ngunit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Para kasing may mabigat akong nararamdaman sa taong 'to. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko namn alam kung kaibigan ko ba siya sa nakaraan o hindi.Bigla siyang lumapit at aaktong yayakap ngunit may biglang malabong ala-ala na nagbabalik sa akin. Kasabay ng ala-ala ang pagsakit naman ng ulo ko, napahawak ako sa sintido matapos mag flash ang kaunti at malabong alala sa amin ng lalaki. Magkasama kami at tinawag niya akong Buns at mayroon rin akong tawag sa kaniya at 'yun ay Wolf. At sa pamamagitan no'n napagtanto kong kaibigan
SPENCER“Hi ganda, san ka na ngayon?” text ko kay Joan.“Papunta na ako babe. Sure ba 'to? Ipapakilala mo na ba talaga ako?” reply nito sa akin.“Syempre, 'wag kang mag-alala mabait naman sila.” pagpapagaan ko sa loob niya.Si Joan Madrigal ay ang girlfriend na ipapakilala ko na kina nanay, tatay, at ate Eilana. Medyo kinakabahan nga ako dahil siguro first time ko itong gagawin pero ayaw ko namang magtago sa mga magulang ko dahil 'yun rin ang bilin nila sa akin, na huwag kailan man mag sekreto.Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay sa wakas ay nakarating na ang girlfriend ko. Alas 6 na at halos 30mins din akong naghihintay sa labas ng gate, galing kasi ako sa restaurant na paborito naming puntahan ni Joan para bumili ng paborito niyang crispy-pata. Matapos ko kasing bumili ay hinintay ko nalang siya sa gate upang sabay na kaming pumasok sa loob. Baka magtanong kasi sila nanay tungkol sa crispy-pata at wala akong maisagot, susupresahin ko kasi sila nanay sa pagpap
MATHEW"Oras? Hala?" tinignan ko ang aking lumang relo at nakitang late na ako ng 20 minutes. Kaagad akong tumakbo papunta sa Senior high building at nagtanong kung asaan ang classroom ng Humanities and Social Sciences strand. "HUMSS?! HUMSS ka pala? Oh, me too. We're classmate! Don't worry I'll take you there. Come with me." masiglang wika ng babaeng napagtanungan ko. Napakamasiyahin niya tignan at halatang palakaibigan, at nang tinanong ko siya ay napakagalang din. Halata rin sa kutis nito na mayaman, may kalakihan din ang kaniyang pangangatawan dahil sigurado akong laging masarap ang kinakain niya.Habang nasa paglalakad kami ay kwento ng kwento siya. Doon ko nalaman ang kaniyang pangalan, siya si Thea Emmanuel. Siguro ay nahalata niya ang pagmamadali ko, kaya sinabi niya sa akin na walang dapat na ipag-alala dahil tuwing first day of class ay hindi naman gaanong pinapahalagahan ng mga teacher dito kung late ka o hindi, dahil hindi pa magsisimula ang lesson sa unang araw ng klase.
Aligaga sa pamamalantsa si Mathew sa kaniyang uniporme, at kahit makikitang may kaunting mga gusot pa ay pinabayaan na lamang niya sa pag-iisip na hindi na naman ito mapapansin. Nagmadali siyang naligo at kumain dahil kalahating oras na lamang ang natitira sa kaniya upang hindi ma late sa unang araw ng klase. Labis siyang kinakabahan sa unang araw niya bilang mag-aaral sa regular na eskwela ngunit labis din ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay mararanasan na niyang mag-aral kasama ang kaniyang mga ka-edad. Kaka graduate lamang ni Mathew sa isang Alternative Learning System (ALS) nang nakaraang taon, at sa totoo lang ay pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang kaniyang mga nalalaman kumpara sa mga bago niyang magiging kaklase. Hindi tulad ng ibang bata, si Mathew ay hindi nakapag-aral ng elementary at junior high school dahil, gayunpaman ay natuto ang binata sa kaniyang sariling pamamaraan. Noong nasa kalsada palamang siya at nagpapalaboylaboy ay palagi siyang sumisilip sa bintana ng
Taong 2012, ang kahabaan ng kalsada ay tila nagmimistulang isang paradahan dahil sa mga sasakyang tila hindi umuusad sa trapiko. Ang ingay ng mga busina ay tila nag-uunahan at hindi na matigil pa. Magulo, mainit, maalikabok, 'yan ang buhay na kinalakhan ni Mathew. Sa murang edad na walong taon ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay kalsada upang makakain at mabuhay. Ulilang lubos, walang bahay, walang makain, at walang pumapansin. Dala-dala ang isang plastic tray na naglalaman ng limang pirasong nakaboteng tubig at sari-saring mga kending kaniyang pilit na ibinibenta sa mga dumadaang sasakyan at tao. Paminsan-minsan ay may bumibili, ngunit kadalasan ay wala. Hindi maiwasan ng paslit na tignan ang kaniyang naging kita sa loob ng apat na oras. Medyo nakaramdam ito ng lungkot habang hawak-hawak ang sampung pisong barya. Hindi naman siya naliliitan sa pera, sa katunayan ay maari na itong makabili ng tigdodos na tinapay upang siya'y makakain at makapagumagahan na. Alas nuwebe na ng u
AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'
AARONDalawang linggo ang nakakalipas nang pinagamot ko sa Australia si dad. Araw araw naman akong nagpapadala ng mensahe kay Spencer sa pamamagitan ng sulat dahil na pupwede niyang basahin kapag gumaling na siya sa pagkaka-comatose. Lagi rin akong nagti-text kina ate Eilana ngunit ang sabi lang nila'y hindi pa rin gumigising si Spencer at babalitaan nalang daw nila ako kung gising at nakarecover na ang mahal ko.Lumipas ang tatlong buwan ay nagaalala na ako dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng mensahe patungkol sa kalagayan ni Spencer habang si daddy naman ay malaki ang improvement dahil sa magagaling na doctor at mga advance na gamutan dito sa Australia. Ngunit gustuhin man naming umuwi ni dad ay hindi maaari dahil sa kumakalat na pandemyang covid-19. Tumataas kasi ang paglaganap ng sakit at sa katunayan ay nagpositive ako. Palagi kong pinapadalhan ng mensahe sina ate Eilana at maging si kuya Bryell ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot kahit sa tawag. Si Kevin nalang sana a
“Bunso?! Nay, tay! Gising na si bunso.” malakas na sigaw ni Eilana nang makita ang nakamulat niyang kapatid.Kaagad na lumapit sina nanay Rosa at tatay Alberto sa anak. Kita ang masayang mukha ng mag-anak. “Ipapaalam ko po muna ito sa nurse station para makatawag ng doctor." ani Eilana at nagmadaling lumabas ng kwarto."Anak, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Tumawag na si ate ng doctor anak. Salamat sa dyos at gising kana. Sobrang kaming nag-aalala sayo." Iyak ni nanay Rosa.“'Wag kang mag-alala anak magiging maayos ka. Magiging maayos din ang lahat ” dagdag ni tatay Alberto.Hindi sumasagot si Spencer at napansin ng mga magulang nito na tila nalilito ang binata sa mga nangyayari.“A-anak? Bakit? S-sino ho kayo?” naguguluhang wika nito.'Di makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng anak. Tanging pagtitinginan na lamang ang kanilang naitugon kasabay ng labis na pag-aalala. “Nak, Spencer. Si nanay at tatay 'to.” ani nanay Rosa.“Di mo ba kami nakikilala anak? Malabo ba ang pan
***AARON"Malaki ang progress niya and we hope na anytime soon magigising na si Spencer. Pero hindi pa natin tiyak dahil ano mang oras pwedeng mangyari. Maaaring bukas, sa susunod na araw o sa susunod na linggo. Pero ang importante ay nagpakita na siya ng palatandaan." Pagpapaliwanag ni kuya Bryell sa kalagayan ni Spencer. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Kevin, Raffy at Larah. Nadadtnan nila akong nakatayo lamang sa labas ng ICU habang tinitignan sa nakaharang na salamin ang maamong mukha na natutulog kong nobyo kasama sa loob ang pamilya niya.“Hey bro. Kumusta? May balita ba?” kaagad na bungad ni Kevin.“Hey guys. Kuya Bryell said na anytime pupwede nang magising si Spencer. Sana mas mapabilis ang paggising niya. I really miss him.” saad ko.“I'm sure, Spencer is doing his best to recover fast para sa atin. Because he knew that here we are, waiting for him.” ani Larah.Nabalot ng ngiti ang ngiti ang aming mga labi sa magandang progress ni Spencer sa bawat araw. Ngunit 'di rin