Halos pasikat na ang araw nang umuwi si Hunter. Nagpalipas siya ng gabi sa opisina para tapusin ang mga kailangan para sa deal nila sa mga Koreano na makikisosyo sa kanila. Gustuhin man niyang sisihin si Thunder dahil ito dapat ang maghanda ng mga ito, hindi niya magawa. Alam niyang abala ang kapatid sa pamilya nito na nasa bahay pa rin nila hanggang ngayon.00
Naulingan niya ang ingay sa library ng bahay nila kaya naman naglakad patungo roon si Hunter. May ilaw sa loob na siyang ikinataka ng binata.
Sino ba ang gagamit ng library nila ng ganito kaaga? Ang daddy lang nila ang alam niyang may ganyang habit pero imposible ng mangyari iyon ngayon dahil patay na ito. Lumapit siya rito at binuksang mabuti ang pinto. Napailing siya nang mapagtanto kung sino ang nasa loob.
“Seriously, Thunder? May balak ka bang manakot? Malayo pa ang araw ng mga patay.” Pumalatak siya habang nakatingin sa kapatid. Thunder’s sitting on the couch wearing his pajamas only. May nakasabit na puting t-shirt sa balikat nito at may hawak na papel na marahil at binabasa pa nito bago pa pumasok si Hunter.
“Hayaan mo, ipagtitirik kita sa araw na ‘yon. Makakaabot ka pa,” ani Thunder sa kanya. Naisip nitong basahin ang ilang kontratang hindi nito masyadong napag-aralan dahil abala ito sa sariling pamilya. Thunder woke up early and decided to read those documents. Ayaw naman nitong magising si Rain kaya sa library ito nagpunta para magbasa. Hindi nito akalaing makikita ito ni Hunter na mukhang kakauwi lang naman.
“Where have you been?” Thunder asked Hunter. Napailing naman si Hunter at ibinagsak ang sarili sa couch. “I’ve been busy, too, brother…” he said while looking at the ceiling.. Tinanggal ang pagkakabutones ng pangalawa at pangatlong butones sa suot na polo para makahinga ng mas maayos.
“Kailan ka ba titino, Hunter?” Tanong ulit ni Thunder sa kapatid. Nilingon niya ito at saka ngumisi. “Just because you’re married now, kailangan ko na ring magtino. Masyado akong gwapo para matali sa isang babae. Love’s not true, brother. Nasa isip mo lang ‘yan o baka init ng katawan.”
“Tangina mo.” Tumayo na si Thunder at inilagay ang hawak na papel sa ibabaw ng mesa. “Huwag ka ngang naglalalapit kay Theon lalo pa kung ganyan ang maririnig niya sa’yong gago ka,” tinitigan siya ng masama ni Thunder
“But I am right, though,” he chuckled.
“Yeah, and you’ll be damned if the girl for you will see you like that. Karmahin ka sanang gago ka,” ani Thunder sa kanya. Lumakas naman ang tawa ni Hunter dahil sa sinabi ng kapatid niya.
“Hindi mangyayari ‘yon, Thunder.” May kasiguraduhan sa tinig niya ngunit may isang partikular na mukha ang lumitaw sa isip niya.
Agad siyang umiling upang mawala ang imaheng ‘yon. Tinignan naman siya ni Thunder. “We'll see,” anang Thunder bago lumabas ng library.
Sumandal si Hunter at ipinikit ang mata. Wala siyang balak magpatali o magkaroon ng commitment sa kahit na sinong babae pa. Okay na siyang hanggang kama lang ang relasyon at malinaw sa mga ito ang limitasyon.
Tumayo na rin siya matapos ang ilang minuto at nagtungo sa kwarto niya. Matapos hubarin lahat ng damit ay tumapat na siya sa shower upang mapreskuhan ang katawan para na rin mas mahimbing ang tulog niya. Hindi siya papasok ngayong araw para mas maayos ang kontrata. Gagawin na lang niya iyon mamaya pag gising niya.
Matapos isuot ang boxers niya ay ibinagsak na ni Hunter ang katawan sa kama. Nakadapa siyang matutulog habang nakatodo ang aircon sa kwarto niya. Tinignan niya ang oras sa cellphone, 5 am… tantiya niya’y tanghali na siya magigising ngunit wala namang kaso dahil hawak naman niya ang oras niya. Wala naman din siyang ibang plano. Ipinikit niya ang mata at maya-maya’y iginupo na siya ng pagod at antok.
“Kuya, wake up!” Isang boses ang tila nanggugulo sa maidlip na tulog niya kaya naman itinakip niya ang unan sa ulo.
“Kuya!” Niyugyog nito ang balikat niya habang pilit siyang ginigising nito. Hindi niya mapigilan mapamura sa isip. “Kuya, wake up!” Malakas na sigaw ng kapatid niya na naging dahilan ng pagbato niya ng unan sa kapatid. Hindi naman niya nilakasan iyon dahil alam niyang magagalit ito sa kanya. Sapat lang para manahimik si Mikaela. “What the fuck is your problem, Mikaela Michelle?” inis niyang tanong sa babae.
“Masakit ‘yon, ha!” Pinanlakihan siya nito ng mata bago niyakap nito ang unan at nag-indian sit pa sa ibabaw ng kama niya.
He made a mental note to lock his door and add another lock to make sure Mikaela won’t be in his room whenever she wants to. Alam niyang ang master key ang ginagamit ni Mikaela.
“Ano bang problema mo? At anong oras na ba?” tanong niya sa kapatid. Napilitan siyang bumangon at humila ng t-shirt sa drawer para isuot iyon. Hindi nila inugali ni Thunder ihantad nang ihantad ang katawan sa harap ng kapatid na babae.
“Well, it’s already 9 am. Kuya told me not to wake you but I need you!” She dramatically said while looking at him. Humiga pa ito sa kama niya. Tinignan naman niya ito. “After maxing out my credit card, may kailangan ka pa?” He asked her and shook his head. Hindi siya galit sa ginawang paggastos ni Mikaela. Nagagalit siyang naputol ang tulog niya dahil inaantok pa rin siya0.
“No, hindi ako manghihingi ng pera, no.” Irap nito sa kanya. Umupo siya sa kama at tinignan si Mika. “So, what is it that you need this time?”
“I need you to drive me to my new condo,” she grinned at him. Nangunot ang noo niya. “What condo? You bought another condo?” He asked her with disbelief in his eyes.
“Look, Kuya. I bought it because it’s maganda and…”
“Nag-aadik ka ba?” tanong niya rito. Ang alam niya’y may condo na si Mikaela na malimit nitong tirahan dahil doon sa bahay nila ito nakatira. Now, she bought another condo? Nag-iisip ba talaga si Mikaela?
Sumimangot si Mika sa kapatid. “I bought it kasi it’s besides Mikael’s condo…” naulingan ni Hunter ang lungkot sa boses ng kapatid.
It’s one of the reason why he doesn’t want to commit. Nakikita niya kung gaano kalungkot si Mikaela sa tuwing maiisip si Kerko.
“Anong plano mo sa isa mo pang condo?” Tanong na lang niya para iiwas ang usapin sa lalaking iyon. Ayaw niyang naririnig ang pangalan ng boyfriend ng kapatid niya.
“I’m selling it.” Mikaela shrugged. “Now, I need your help to go there. You know I still can’t use my car. Ayoko namang mag-cab. So, please?” ani Mikaela na nagpapacute pa sa kanya.
Umiling siya bilang pagtanggi. “Inaantok pa ako.”
“Kuya naman, e. Dali na,” pamimilit ni Mikaela sa kanya. Itinulak niya ito pababa ng kama niya bago muling humiga at tinakpan ang ulo.
“Kuya, itatapon ko lahat ng condoms mo kapag ‘di mo ‘ko sinamahan,” pagbabanta ng kapatid niya. Natawa na lang siya sa sinabi nito. Imposibleng magawa iyon ni Mikaela dahil ayaw nitong humawak ng condom.
“Kuya, I’ll behave na, I promise.” May pagsusumamo na sa boses ni Mika. Hindi niya pa rin pinansin.
“Kuya…”
Nilingon niya si Mikaela at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Napamura siya ng mahina bago bumangon. “Oo na!” Angil niya rito. Alam niyang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi siya papayag. Agad namang nagtititili si Mika at lumabas na ng kwarto niya. Agad siyang naligo at nagbihis. Pagbaba niya ay nakabihis na din si Mika at naghihintay sa living room nila.
“Pwedeng kumain muna ako, Mikaela Michelle?” Sarkastikong paalam niya sa kapatid nang tumayo ito nang makita siya.
“Okay. Malelate naman daw ang designer, e,” she smiled at him. Bumalik ito sa sofa at naupong muli at kinalikot ang cellphone. Mabilis lang siyang kumain pagkatapos ay lumabas na din. Ang Hummer niya ang ginamit nila papunta sa bagong condo ni Mika.
“Ba’t may designer?” He asked his sister.
“She’s actually an interior designer, Kuya. I just felt that I need her. I mean, of course, I can design the condo naman, but maybe mas maganda if expert, diba?” ani Mikaela na puno ng saya ang mukha.
Napailing na lang siya. Ang sabi ng kapatid niya ay sa coffee shop nila kakatagpuin ang designer.
Matapos iparada ang sasakyan, sinundan na niya si Mikaela na pumasok sa loob.
“Oh my gosh, Ate. I’m super glad you said yes!” Ani Mikaela sa babaeng kayakap na nakatalikod sa kanya. He checked on her. Mula sa likod ay masasabi niyang maganda ito… pero paano kung hindi pagharap?
“Anyway, I’m with my brother…” nakangiting sabi ni Mikaela sa kaharap. “Kuya!” she called him and smiled at him. Lumapit naman siya sa mga ito kahit na iniisip na nga niyang magpaalam na aalis na lang muna habang nag-uusap ang mga ito. He walked towards their direction and he was surprised when he saw her face.
“Kuya, you know Ate Zyline naman, diba? She’s Kuya Blue’s sister. She’s the one I am telling you earlier.” Nakangiting pakilala ni Mika kay Zyline sa kanya. “Ate Zy, he’s my Kuya Hunter.”
“Magkakilala na kami, Mika,” ani Hunter sa malamig na tinig. He thought it’s someone else. Hindi pala. Umupo na siya at binalewala ang tingin ng babaeng kaharap.
“Kuya!” Saway ni Mika sa kanya pero hindi niya pinansin. Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata na halatang sinasaway siya.
“Sorry, Ate Zy. Ginising ko kasi siya kaya masama ang timpla niya,” paghinging paumanhin ni Mikaela kay Zyline.
“It’s okay. It’s really hard to have a brother. I feel you, Mika,” nakangiting sagot ni Zyline bago umupo. Nagtama ang mata nila at inirapan siya nito na akala naman nito ay may pakialam siya.
He ordered black coffee while Zy ordered cappuccino. Si Mika naman ay cafe latte ang inorder. Nakamasid lang siya sa dalawa habang nag-uusap. Pinapakita ni Zyline kay Mika ang mga pictures ng mga nagawa na nito.
“So you want purple and pink and strawberries?” Zyline asked Mikaela. His sister nodded excitedly. Nang magkasundo ang mga ito, nagpunta na sila sa condo unit ni Mikaela na malapit lang din naman. Maganda naman ang napili nito. Maganda ang facilities, mukhang maayos din naman ang security dahil kinausap ni Hunter ang admin sa building.
Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pag dedesign. Nakita ni Hunter ang mga bagong gamit sa loob. Maybe he can help with his sister’s condo. Hindi saklaw ng kaalaman niya sa architecture ang mga ganitong bagay pero baka may matulong siya.
Paglingon niya ay si Zyline na lang ang nakita niya. Luminga-linga siya.
“Where’s my sister?” tanong niya kay Zyline.
“She went out. Pupunta daw sa kabilang unit,” sagot naman ni Zyline. Ni hindi siya tinapunan nito ng tingin.
Napailing siya. His sister’s being dramatic again.
“You think you can do this?” he asked Zyline. Walang ibang ibig sabihin ang tanong niya ngunit mukhang iba ang naging dating kay Zyline.
“Excuse me? Anong tingin mo sa akin, Mr. Dela Cruz? Hindi ko kaya ‘to? It’s actually a piece of cake, just so you know.” Tinaasan siya nito ng kilay.
“Whoa. I mean no harm, Ms. De Guzman. I just asked you,” sagot niya naman sa babae. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil mukhang palaban ito.
“Whatever. Huwag mo akong itulad sa’yo na puro babae at sex lang ang laman ng isip,” she once again rolled her eyes. Kumunot naman ang noo ni Hunter sa sinabi nito sa kanya. “At paanong nasali ang mga babae ko sa usaping ito?” Hindi niya napigilan ma-amuse sa kaharap. Inirapan lang siya ulit nito at hindi na sumagot sa kanya.
“I want to be involved in here,” ani Hunter na nagpalingon muli kay Zyline. Halatang nagulat ito sa sinabi niya.
“I don’t need your help. Thank you so much. May staff ako na tutulong sa akin. Hindi na kailangan ang tulong mo,” pagtanggi nito sa kanya. Hindi alam ni Zyline pero naiinis ito sa presensya ni Hunter. He’s Hunter Dela Cruz at alam ni Zyline kung gaano ka-playboy ang binata. Hindi naman ganoon kalaki ang mundong ginagalawan nila.
“Who told you I’ll help you?” tanong naman ni Hunter sa babae. Naka-krus ang braso niya sa dibdib at nakataas ang isang kilay. “Sorry to disappoint you but I’ll do that for my sister.”
Kumunot ang noo ni Zyline dahil sa sinabi ng lalaki. Nakapag-usap na si Zyline at si Mika at alam ni Zyline na okay na ang plano. Nagtataka siya ngayon kung bakit nakikisali si Hunter sa planong ito?
“Look, Mr. Dela Cruz, okay na ang plano namin ng kapatid mo which makes you out of this plan, okay?” Hindi naitago ni Zyline ang iritasyon sa boses nang sabihin iyon “Besides, I don’t think Mika will agree on that.”
Natawa naman si Hunter sa inasal ng dalaga. “Trust me, my sister will let me meddle in.” Mas napasimangot naman si Zyline dahil sa sinabi ni Hunter.
Bumalik si Mikaela makalipas ang ilang sandali. “Ate Zy, okay na?” She asked her while looking at her. Tinanguan ni Zyline ang kapatid ni Hunter bago tumingin ng matalim sa lalaki.
“Okay, great!” Masayang sabi ni Mikaela. “Kuya, let’s go na? I’m hungry.” Aya ni Mikaela kay Hunter.
“I want to be involved here, Mikaela,” seryosong sabi ni Hunter sa kapatid. Napalingon si Zyline dito, at gusto nitong mainis na talagang pinagpipilitan nito ang gusto nito. Nabigla naman si Mikaela sa sinabi ni Hunter. “You? Here? Why?” kunot-noong tanong nito.
He shrugged and looked at her.
“Uhm…” Mikaela looked at Zyline, as if asking her permission. Napailing na lang si Zyline at huminga ng malalim. “Okay?” Alanganing pagpayag ni Mikaela sa gusto ng lalaki.
“So it’s settled, Ms. De Guzman. Bring your plans on my office tomorrow.” Ngumisi si Hunter kay Zyline at inirapan naman siya ng babae bilang sagot.
Pag-alis nila ay hindi mawari ni Hunter ang nararamdaman. He’s happy and hyped. Hindi niya alam kung ano ang dahilan at bakit ganoon ang nararamdaman niya ngayon. Nanatili lang siya sa bahay maghapon at nakipaglaro sa pamangkin dahil wala naman talaga siyang ibang planong gawin. Natapos din niya ang mga dokumentong kakailanganin sa deal nila ng magiging kasosyo nila at naibigay na niya ang mga iyon sa kapatid niya.
Kinabukasan, tanghali na nagpunta sa office si Hunter dahil kinausap pa niya ang ina. Naabutan niya sa loob ng opisina ang isa sa mga babaeng alam niyang nakama na niya noon.
“What are you doing here, Miranda?” He asked her while looking at her. Hindi ito sumagot, sa halip ay sinunggaban siya nito ng halik. Napangisi naman siya at tinugon niya naman ang mapangahas na halik ng dalaga. Ultimo ang paglulumikot ng dila nito’y ginaya niya dahilan upang umungol ito ng malakas.
Sapo ng kamay ni Hunter ang dibdib ng dalaga nang magring ang telepono sa opisina niya. Humiwalay siya pansamantalaga sa dalaga para sagutin ang tawag ngunit patuloy naman si Miranda sa paghalik sa leeg niya.
“Hello?” sagot niya sa telepono, alam niyang sekretarya niya ang tumatawag sa kanya.
“Sir, Ms. De Guzman’s here. May usapan daw po kayo,” ani ng sekretarya niya sa kanya. Agad namang pumasok sa isip niya ang mukha ni Zyline. Napangiti siya sa naisip niya. He still can play, just play.
“I have a meeting today, Miranda…” inawat niya ang dalaga na patuloy pa rin sa paghalik sa kanya.
“But Hunter…” she pouted seductively. Napangiti siya sa inasal ng babae. “I’ll just give you a ring tomorrow.” Labag man sa loob ay umalis na sa kandungan niya ang dalaga at inayos ang suot at ipinasok ang dibdib sa loob ng damit na suot. “Tomorrow, okay?” she told him. Yumukod ito at hinalikan siyang muli.
Paglabas ni Miranda ay inayos ni Hunter ang sarili. Natanggal ang pagkakabutones ng polo niya at maging ang buhok ay nagulo. Nabigla siya nang pumasok na si Zyline sa loob nang wala pang pasabi.
“What the…” natigilan si Zyline nang makita siya. Umiiling-iling ito at tila naiinis sa nakita nito.
“I’m sorry, Ms. De Guzman. Inaayos ko pa ang aking sarili nang pumasok ka na lang bigla sa opisina ko.” Ngumisi siya habang dahan dahan pang ibinubutones ang polo. “That girl can eat me alive! Mukha na ba akong pormal sa’yo ngayon? Hindi na ba ako bastos tignan?” Tanong niya matapos niyang maibutones lahat ng butones ng polo niya.
Hindi siya sinagot ni Zyline. Sa halip, ay inilabas nito ang sketch pad at ipinakita ang plano sa kanya. “Purple and pink ang gusto ni Mika kaya iyon ang gagawin ko. I will make some part na magmumukhang strawberry ang design since she asked for it, too. Lalo na sa kwarto niya. I am planning to buy some furnitures in France, too. Plano ko din na magpapunta ng staff ko sa Canada to buy some stuffs to make her condo beautiful. May mga nakausap na rin ako para sa iba pang kailangan. So okay na ang lahat,” ani Zyline sa pormal na tinig.
“Okay.” Tumatango-tango si Hunter sa sinabi ni Zyline.
“See, I told you, I can do this.” May pagyayabang sa tinig nito, natawa naman si Hunter dahil doon. “Sketch pa lang ‘to. Huwag kang magyabang agad.”
Inirapan na naman siya ni Zyline. “Leave this and I’ll send it back tomorrow.” Kinuha niya ang pad at pinagmasdan ang ginawa ng dalaga.
“Okay.” Tumayo na si Zyline. “I have to go. I’ll expect it tomorrow.” Naglakad na palabas si Zyline nang tawagin niya ito, agad naman itong lumingon sa kanya.
“Napaisip lang ako sa mga sinabi mo…” Tumingin si Hunter sa dalaga. Hindi alam ni Zyline kung bakit pero tila nanayo lahat ng buhok niya sa katawan dahil sa pagtitig ni Hunter.
“Ano ‘yon?” tanong ni Zyline kay Hunter, pilit na pinapatay ang atraksyong nabubuo sa loob ng dalaga.
“Saan ko ipapasok? Mukhang mahihirapan ako, e. Mukhang hindi mo ako binigyan ng papasukan.”
Pinamulahan si Zyline ng pisngi dahil sa kahihiyan. Hunter’s really rude and blunt!
“Napakabastos mo talaga!” Asik ni Zyline sa lalaki.
“What? Nagtatanong ako kung saan ako makakapasok sa plano mo dahil wala kang nabanggit na gagawin ko,” sagot naman ni Hunter habang nakangisi. Umiling-iling ito. “Hindi bale na. Makakahanap din ako ng paaran. Makakapasok ako sa ayaw at sa gusto mo.”
“Bahala ka na nga sa buhay mo!” Nagmamadaling iniwan ni Zyline ang binata.
Hindi naman mapigilan ni Hunter matawa. At iiling-iling na bumulong… “Ang hirap makipag-usap sa virgin.”
Maaga pa lang ay naipadala na ni Hunter kay Zyline ang sketches nito na inaral niya kung ano ba ang dapat na gawin sa unit ni Mika. Wala naman halos siyang binago sa ginawa nito. He just made it lighter. Ayaw niyang kapag dadalaw siya sa condo ni Mikaela ay para siyang pumasok sa bahay ni Barney. His sister loves purple to the point that it’s already annoying. Nanatili lang siya sa bahay dahil Linggo naman at wala siyang meeting na kailangan puntahan. Tinawagan niya si Daniel para ayain ito na uminom sana pero nasa mission pala ngayon ang pinsan niya kaya wala siyang nagawa kundi mag-isa. Si Thunder at Rain naman ay maagang ring umalis kasama si Theon, ang kanyang Mommy ay nagpunta sa salon kasama si Mikaela. Naiwan siyang mag-isa sa bahay nila. Great. Just great. Sa AVR niya naisipan magpalipas ng maghapon para manuod na lang ng kung ano-ano. Tinatamad siyang lumabas kaya naman nanatili na lang siya roon. Doon na rin siya nagpahatid ng tanghalian sa kasambahay nilang hindi niya a
Kinabukasan ay maagang umalis si Hunter para makipag meeting sa isang client nila sa isang coffee shop malapit sa opisina nila Thunder. Kanina pa rin bagot na bagot si Hunter sa meeting na iyon kasama ang kapatid niya. Gusto na niyang umalis dahil naiinip na siya at ang kliyente at si Thunder lang naman ang nag-uusap, nandito lang siya para sa formality na sinasabi ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapamura nang ilang beses sa tagal ng pag-uusap ng mga ito. Tutubuan na siya ng ugat sa pag-upo ay hindi pa rin sila natapos.“What’s wrong?” Thunder asked him. He scoffed. “I’m bored, fucker,” mahina lang ang pagkakasabi niya para hindi marinig ng kliyente nila.Tinitigan siya ng masama ni Thunder bago umiling. “You can fuck your girl later, but focus on this one now, Hunter.”Hindi niya mapigilang mapaismid. Ang Summer’s ang hawak niya pero involved pa rin siya sa DCC. Si Thunder ang namamahala ng kumpanya simula nang mamatay ang Daddy nila matapos maaksidente nila Mika at Kerko noon. In
Nakatingin lang sa kawalan si Zyline habang patuloy na inaalala ang ginawa ni Hunter kagabi maging ang sinabi nito sa kanya. Halos hindi siya natulog pagdating sa condo niya dahil sa ginawa ng binata. “Come on, Zyline. Alam mong wala lang ‘yon,” sermon niya sa sarili habang nakahiga sa kama. “It’s nothing because Hunter is a hunter. Babaero. Natural lang na gawin niya sa iyo ‘yon.”“Pero dalawang beses na, e!” she groaned in frustration. Pangalawang beses na siyang hinalikan nito at wala man lang siyang nagawa. Wala man lang naging pagtutol sa kanya. Hinayaan niya din itong halikan siya. Mababaliw na nga ata siya. Kapatid ni Thunder si Hunter, that alone should make her realize that, that kissing part is a mistake. Pero bakit kasi may nararamdaman siyang kakaiba para kay Hunter?Naiinis siya kapag nandyan ang binata pero kung minsan nama’y hinahanap niya ito.Nagka-crush siya kay Thunder noon, kaya nakipagbreak siya kay Cupid na ex niya. Masyado siyang immature sa panahong iyon. No
Nagising si Zyline na masakit ang ulo kinabukasan. Hindi siya nagpunta sa bar kagabi at napagdesisyunan niyang magpahinga na lang matapos nang naging pangyayari sa kanila ni Hunter sa coffee shop na iyon.Hunter said he likes her.Anong klaseng like ba ang sinasabi ng binata sa kanya? He likes her to be one of his toys? He likes her to have someone to fuck with? O he likes her the way that, that word really means?He’s so annoying.He’s so blunt.He’s a pervert.And yet, he’s so damn attractive! And to make it worse, she’s damn attracted to him, as well.“Ugh, Zyline Cerise De Guzman! Hindi ka naman tigang, ano bang problema mo?” Hindi niya napigilang mapaungol ng malakas bago muling dumapa at ibinaon ang mukha sa unan na naroon. Bigla naman siyang napabangon ng maisip ang mukha ng binata.“Damn it, Hunter! Lubayan mo nga ang isip ko!” Inis na sabi niya bago dinampot ang remote ng TV at binuksan ito para mabaling ang atensyon niya. Nakatingin siya sa screen ng TV pero tila naman nang-
Nasa bar ngayong gabi si Zyline habang pilit na inuubos ang isang bote ng alak sa harap niya. Nakaupo siya sa couch na nasa isa sa mga VIP rooms ng bar. She wanted to drown herself with alcohol. Pagkatapos ng naging usapan nila ni Hunter ay dumiresto siya sa bar at uminom nang uminom. Nagtaxi lang din siya papunta roon dahil hindi naman siya nagdala ng sasakyan at basta na lang din siyang isinama ng lalaki papunta sa Autumn’s.Nakita niyang nagriring ang cellphone niyang nasa lamesa. Kanina pa siya tinatawagan ni Bobbie at kanina pa rin niya iniignora ang tawag nito.Nagpupuyos pa rin ang damdamin niya at wala siyang gustong kausap dahil sa takot na baka maibunton niya sa mga ito ang galit na nararamdaman. Gusto niyang sampalin ng paulit-ulit si Hunter sa sinabi nito kanina sa kanya. Gusto niyang kalmutin ng kuko niya ang mukha nito. Hanggang sa may makita siyang dugo mula roon.He likes her meaning he wants to fuck her.Ano pa nga ba ang ieexpect niya? He’s a pervert. A fucking per
Napagdesisyunan ni Zyline na umuwi na lang sa bahay niya dahil wala naman siyang magawang maayos dahil sa nangyayari sa buhay niya. Pakiramdam niya’y mas lalong hindi niya matuloy ang ginagawa dahil sa nangyari na pag-uusap nila ni Hunter. Cristine kept on asking her what her problem was but she refused to say anything to her. Wala naman kasi talaga siyang problema. She’s perfectly fine, base sa pagkakaalam niya. Huwag nga lang lumalapit si Hunter sa kanya dahil nagkakapatong-patong bigla ang problema niya na hindi niya malaman kung bakit ba si Hunter ang nagiging dahilan,Panatag sana ang loob niyang aalis sa lugar na iyon. Bitbit ang sketch pad, purse at cellphone, lalabas na sana siya ng Sweet Desire pero pinigilan siya ni Cristine at inabutan ng isang box. “That’s Hunter’s cookies, Zyline. Since you’re a friend and you liked it, that’s our gift!” Nakangiting sabi nito sa kanya. Napangiwi naman siya nang tanggapin niya iyon. Ayaw niya na magtanong pa si Cristine, kaya tinanggap
Isang linggo na ang nakalipas mula nang nangyari sa kanila ni Hunter pero parang kahapon lang ang lahat para kay Zyline. Ipinagluto siya ng binata ng hapunan gaya ng sabi niya upang hindi ito umalis. Alam naman niyang marunong magluto si Hunter at aaminin niyang mas lalo niya itong hinahangaan dahil doon.He’s almost perfect. I-minus nga lang kamanyakan at kayabangan nito sa katawan na alam ni Zyline na imposible ay ayos na sana. Imposibleng mangyari dahil kanina pa siya nakatingin sa binata na may kasamang babae. Ang kamay nito ay nasa bewang ng kasama nito at ngiting-ngiti ang gago. Hindi na rin mabilang ni Zyline kung ilang beses siyang napairap sa mga ito. Kaninang umaga’y tumawag ito matapos ang ilang araw na hindi pagpaparamdam at sinabing mamimili sila ngayon ng gamit para sa condo ng kapatid niya. Gusto niyang sigawan ito pero hindi naman niya nagawa. Ipinadala din sa kanya ni Hunter ang inaprubahan na design ni Mika. She changed her mind according to Hunter. Hindi na strawb
“Ma’am Zyline, pinabibigay po ni Sir. Kumain ka raw po muna.”Napatigil si Zyline sa ginagawa nang may naglapag ng pagkain sa tabi niya. Napalingon siya sa staff niya na nagbigay sa kanya noon. Kahit na hindi niya itanong, alam na niya kung kanino galing iyon.“Kukuha ako ng pagkain kung gutom ako.” Hindi gusto ni Zyline na magtaray rito pero hindi niya mapigilan ang sarili. Alam niyang wala itong kasalanan sa kanya, pero naiinis siya dahil siya ang boss ng mga ito pero lagi na lang kay Hunter nakadikit ang mga ito. Bakit ba kasi ang papansin ni Hunter?Papansin ito sa paraang siya lang ang nakakapansin at mas naiinis siya dahil doon.Sa ilang araw na nakalipas na pag-aayos nila ng condo ng kapatid nito, hindi iilang beses itong nagpapansin sa kanya. Sa tuwing naroon si Hunter, lagi na lang itong nakahubad! Lagi na lang nitong inihahantad ang katawan sa harap niya at ng mga staffs niya.At nabubwisit naman lalo si Zyline dahil ang mga babaeng staff niya na kasama nila’y hindi maitago
Maaga pa lang ay inabala na ni Zyline ang sarili niya. Magkikita sila ni Cyan para asikasuhin ang kasal niya… kahit papaano ay naeexcite naman siyang muli. Sinabi naman niya kay Hunter na pwedeng huwag na silang magpakasal na ulit pero mapilit ito. Ang sabi nito ay gusto nitong pakasalan siyang muli. Gusto nitong ipakita na mahal siya nito. At kung tutuusin, kahit hindi gawin iyon ni Hunter ay naniniwala siya. Naniniwala siyang mahal siya nito. “Good morning!” bati niya sa kambal niya nang pumasok siya sa kwarto ng mga ito. Wala si Hunter ngayon dahil may business conference itong pinuntahan sa China. Isang linggo itong magtatagal doon at sa totoo lamang ay miss na miss na ni Zyline ang asawa. Pangalawang araw pa lang na wala ito. Limang araw pa ang bibilangin. “Yes, si Mommy lang muna ulit, mga anak. By Sunday, Daddy will be here with us. Uuwi na siya…” nakangiting sabi niya kay Keij. Masigla naman itong ikinaway-kaway ang mga kamay at si Kol din ay nakangiti. “Are you excited
“Let’s go.”Malamig pa rin ang pakikitungo ni Hunter sa kanya katulad ng nagdaang araw. Kahit ang tignan siya’y hindi na nito ginagawa. Yes, he was the one who cooked their breakfast… pero hindi naman sila nagsabay kumain. Nauna ito at nagsabi sa kanya na aayusin nito ang gamit nila habang kumakain siya at i-che-check pa nito ang sasakyan nila para walang maging aberya sa biyahe nila pabalik.Huminga ng malalim si Zyline bago sumakay sa sasakyan ni Hunter. Ni hindi siya pinagbuksan ni Hunter ng pinto. Nauna itong pumasok sa kanya. Ibang-iba si Hunter na kasama niyang nagpunta doon kaysa sa Hunter na kasama niyang aalis ngayon.“Are you sure it’s safe to travel? Baka madulas pa ang daan at—““Makakauwi ka ng ligtas, huwag kang mag-alala…” putol nito sa sinasabi niya. Napayuko na lang si Zyline dahil sa pagkapahiya.Ginusto niya ‘yon, e. Ginusto niya na magmatigas. Ngayon, kailangan niyang harapin ang resulta ng mga kilos niya. Kailangan niyang tanggapin ang kalamigan na ipinapakita sa
“Naglakad ka papalayo? Why, Zyline Cerise? Why?” Malakas ang boses ni Cyan habang kausap si Zyline sa telepono. Malakas ang ulan sa Tarlac kaya naman nasa loob lang ng kwarto niya si Zyline at nakaupo sa kama. Ibinigay na sa kanya ni Hunter ang cellphone niya dahil ang sabi nito’y baka nag-aalala na siya ng husto sa kambal. Ibinalik nito iyon sa kanya noong makabalik sila pareho sa bahay. Naunang bumalik si Zyline kaysa kay Hunter. Wala na siyang ibang narinig pa kay Hunter mula noon.Hindi rin ito nagpapakita sa kanya.She’s worried about the twins, yes. Pero sinabi naman ni Hunter na maayos ang kalagayan ng dalawa at naniniwala siya roon. Matapos niyang kamustahin kay Rain ang mga anak niya, si Cyan naman ang sunod na tinawagan niya. She tried to call Bobbie, but he’s not answering his phone. Siguro’y busy ito sa trabaho.“E, kasi naman hindi pa rin niya sinasabi ‘yung tungkol kay Tanya…” napahugot ng malalim na hininga si Zyline. Hindi naman nawala ang pagmamahal niya kay Hunter. M
Nagising si Zyline nang makaamoy ng mabangong aroma ng kape na bumabalot sa kwartong inookupa niya, maging ang amoy ng pagkain ay tila ginigising siya mula sa pagkakatulog. Sinubukang ipikit pa ni Zyline ang mga mata at piliting matulog pa ngunit kumakalam na rin ang sikmura niya.Nagmulat siya ng mata at ang munting liwanag na nanggagaling sa bintana ang agad na bumungad sa kanya. Nararamdaman niya din ang malamig na hangin dahil sa ulan. Hindi niya alam kung anong oras na ngunit sa palagay ni Zyline ay tanghali na.“Good morning, asawa ko…” Napalingon si Zyline sa nagsalita. Nakatayo si Hunter sa may paanan ng kamang hinihigaan niya at nakangiti sa kanya habang pinagmamasdan siya. Hindi siya nagsalita. Pinagmasdan niya si Hunter na nakaputing sando at shorts lamang ngunit tila napaka presko ng itsura nito. Maaliwalas din ang pagkakangiti ni Hunter sa kanya. Bumangon si Zyline at naupo sa kama. “What are you doing here?” tanong niya sa lalaki matapos bahagyang suklayin ang buhok g
Tahimik lang si Zyline habang nagmamaneho si Hunter. Nakasimangot siya habang nakatitig sa labas ng sasakyan. Ibinaba niya ang bintana kaya naman humahalik sa pisngi ni Zyline ang malamig na hangin.Huminga siya ng malalim. Kanina pa niya sinusubukan na makiusap kay Hunter na kung pwedeng tumawag kay Cyan para alamin ang lagay ng kambal at ibilin ito para na rin sabihin na kinidnap siya ni Hunter. Pero tinawanan lang siya ni Hunter. Hindi naman daw kidnapping ang naganap dahil walang pwersahang naganap.“Gumagawa ka ng music video?” basag ni Hunter sa katahimkan. Matalim na tinitigan ni Zyline si Hunter.“Oh, para mas dama mo…” he pushed a button and something played on the stereo and grinned.Lego House.“Nang-aasar ka ba talaga?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Zyline sa lalaki. Hindi mawala-wala ang mapaglarong ngiti sa mukha ni Hunter.“Hindi. Nanliligaw lang…” ngumisi itong muli bago siya kinindatan. Zyline rolled her eyes. Humalukipkip siya at muling ibinaling ang mata sa
Kanina pa bored na bored si Hunter sa party na pinuntahan nila. Isa lang ang inaabangan niya sa gabing iyon… ang pagdating ng asawa niya na hindi naman niya malaman kung bakit ang tagal.Nakausap niya kanina si Thunder at kinumpirma nito sa kanya na darating si Zyline ngayong gabi, ayon na din kay Cyan. Ang hindi niya ikinatutuwa ay ang pagdalo nito kasama si Roberto. Kung bakit ba panay ang dikit ng lalaking iyon sa asawa niya’y hindi niya alam. Hanggang ngayon ay nagpapanggap pa rin itong bakla kay Zyline. Talaga bang hindi mapansin-pansin ni Zyline na lalaki iyon at hindi binabae? She should stay away from Mikaela Michelle… hawang-hawa na ito sa pagiging slow nito.Hindi napigilan ni Hunter mapailing. Kanina pa niya hawak ang isang stick ng sigarilyo pero hindi niya sinisindihan. He used to smoke before. Pantulong niya sa pagtanggal ng stress na nararamdaman niya. Pero hindi na niya ginagawa iyon ngayon. Zy’s his stress reliever but she’s also the one who’s giving him stress. How i
“Zyline, are you sure you’re okay to leave later?” tanong sa kanya ni Bobbie habang nakaupo ito sa may sala ng bahay ni Blue. Hanggang ngayon ay doon pa rin sila tumutuloy ng mga anak niya kahit pa nga sinabi na niya kay Blue na sa bahay na lang ng mga magulang nila sila titira ng kambal. Hindi siya kinibo ni Blue nang sabihin niya iyon kaya naman hindi na lang nagpumilit pa si Zyline. Ayaw na rin naman niyang madagdagan pa ang samaan nila ng loob ng kapatid niya. Pabebe na nga si Blue, dadagdag pa siya.Nabanggit sa kanya ni Cyan na nasabi raw ni Cupid dito na hindi nag-uusap si Blue at Thunder kahit sa trabaho. Hindi niya maiwasang maguilty tungkol sa bagay na iyon. Gusto ni Zyline na kausapin si Thunder para naman maayos nito at ng kapatid niya ang hindi nila pagkakaintindihan. Bata pa lang ay magkaibigan na ang mga ito. They’re actually brothers from different mothers. Tinginan pa lang ng mga ito’y nagkakaintindihan na ang mga ito.“Wala namang masama, Bobbie,” nagkibit-balikat si
Nakatingin lang si Hunter kay Zyline nang magsimula na itong maglakad papalayo sa kanya. Everything’s so fucked up. He knew it very well that he could cause troubles to those people who wants to be with him. Alam niya ‘yon dahil noon pa naman, alam na niyang gago talaga siya.He was never the nice guy. He do things that could hurt other people. Sariling kapatid niya nga, nagawa niyang saktan noon. Ano man lang ba ang ibang tao?He sighed deeply.But he really loves Zyline.Walang ibang babaeng nakapag paramdam sa kanya ng ganoon maliban dito. He was attached with Einah, but he’s committed to Zyline. Si Zyline ang gusto niyang makasama. Hindi ang ibang tao… hindi si Tanya. Hindi ang kahit na sino maliban sa asawa at mga anak niya.He started walking. Walang direksyon kung saan siya papunta.He’s lost. Completely lost. If he could just make everything right, if he could just turn back time, sisiguraduhin niyang hindi mangyayari ang nangyayari ngayon.Ipinamulsa niya ang dalawang kamay
Simula pa nang nagdaang gabi’y wala pang maayos na tulog si Zyline. She was also bothered by Hunter. Gusto niyang isiping nagpapadalos-dalos siya ng desisyon… pero kung mananatili naman siya sa tabi ni Hunter, mas lalo lamang siyang masasaktan. Kailangan niya rin na protektahan ang sarili niya… kahit pa nga laban iyon sa taong mahal niya.How ironic. He should be the one who’s protecting her, but it turned out she needed protection from him. “Okay ka lang ba?” tanong ni Cyan sa kanya habang pinapalitan niya ng damit si Keij. Huminga naman ng malalim si Zyline bago pilit na ngumiti at tumango. “Oo naman…”“Ang hirap, no?” sabi ni Cyan habang nilalaro si Kol. Si Enzo at Lean ay naglalaro habang binabantayan ng yaya nito. “Kasi halos lahat may pinupunto… pero nasasaktan ka, e. At gusto mong mawala ‘yung sakit kaya magdedesisyon ka na lang bigla. Been there, done that,” sinundan iyon ni Cyan ng pagtawa. Hindi nagsalita si Zyline. Tinignan niya lang si Keij. Nakuha ni Keij at Kol ang mat