Audrin Paz
"Anak, tandaan mo na dapat ay maging maingat ka. Dapat, hindi malaman ng mga tao ang tunay mong katauhan. At dapat, huwag mo itong gagamitin, maliwanag?" Paalala ng kaniyang ina bago siya pumasok. Tumango lamang ang binata bilang tugon.
Naglalakad papasok sa school si Audrin dahil mahirap lang sila at wala siyang perang pamasahe sapagkat sakto lang ang pera niyang 20 pesos para sa kaniyang pagkain. Kailangan niyang magtipid para makaraos sa buhay.
Ang kaniyang ina ay isang labandera at ang kaniyang ama naman ay isang tricycle driver. Sila ay limang magkakapatid at siya ang pangatlo sa mga ‘to. Sa kanilang lahat, siya lang ang mayroong kapangyarihan na kinaiinggitan naman ng kaniyang mga kapatid.
Natuklasan niya ang kaniyang kapangyarihan noong sumali siya sa isang marathon.
---
"Audrin! ‘Di ba kailangan mo ng pera para sa kapatid mong naaksidente?" tanong ni Zed na kaniyang kaibigan.
Noong nasa 2nd year high school pa lang siya ay naaksidente ang kaniyang bunsong kapatid na si Lala. Nabundol ito ng isang humaharurot na kotse habang papauwi galing sa eskwelahan nito. Ang masaklap pa ay tinakbuhan ito ng driver at hindi man lang nagawang tulungan.
"Oo pre, kailangang-kailangan namin. Alam mo namang hindi sapat ang paglalaba at pamamasada ni Inay at Itay ko kaya gusto ko ring makatulong sa kanila kahit na papaano," paliwanag ni Audrin na bakas ang pag-aalala sa mukha dahil hindi aayusin ng mga doktor ang butong nabali sa binti ni Lala kung wala silang pambayad.
"Mayroon kasing marathon diyan sa may kabilang ibayo tapos ay 10,000 pesos ang mapapanalunan mo kapag ikaw ang naging 1st place saka huwag kang mag-alala, walang registration fee libre lang kaya sumali ka na. Alam naman nating mabilis ka pagdating sa takbuhan," mungkahi ni Zed na masyado yatang naliligayahan.
"O, talaga? Sige sasali ako! Salamat pare sa pagbibigay-alam sa akin! Malaking tulong ito para sa amin!" saad ni Audrin na nabuhayan ng dugo matapos marinig ang magandang balita mula sa kaniyang kaibigan.
"Walang anuman, pare," sambit ng kaniyang kaibigan.
Matapos ang kanilang klase ay dumiretso kaagad si Audrin sa sinasabing marathon ng kaibigan upang magparehistro. Kahit na wala siyang pamasahe ay nagtiyaga siyang maglakad at tumakbo para sa ikabubuti ng kalagayan ng kaniyang bunsong kapatid.
Sumapit ang araw na iyon at ginanap na nga ang marathon. Maraming tao ang nakilahok sa patimpalak. Magkakaalaman na lang sa huli kung sino ang magiging kampeon.
Pumutok na ang baril, hudyat na simula na para tumakbo kaya naman nag-unaunahan na ang mga kalahok.
Halos limang libong katao ang lumahok kaya naman matira matibay na lang. No’ng una ay medyo nasa kalagitnaan si Audrin dahil hindi niya muna binibilisan ang pagtakbo. Alam naman niyang maraming magagaling na mananakbo ang sumali rito para lang sa premyong kanilang makakamit.
Habang tumatagal ay pakaunti sila nang pakaunti. Ngayon ay dalawang libo na lang ang natitira at nagsipag-atrasan na ‘yung iba marahil hindi na nila kaya. Kahit pagod na pagod na si Audrin ay hindi pa rin siya sumuko alang-alang sa kapatid.
Ngayon ay isang libo na lang ang natitira dahil masyado ng napagod ‘yung iba at sumuko na dahil hindi na nila kaya. Si Audrin naman ay puno pa rin ng determinasiyon para makuha ang premyo.
Down to five hundred na lang ang natitirang kalahok hanggang sa naging isang daan na lang. Painit nang painit ang labanan ng bawat indibidwal. Mas lalong lumaki ang tensiyon nang maging dalawampu na lang sila kaya ang bawat isa ay ibinigay na ang best nila. Si Audrin ay hapong-hapo na dahil wala na siyang natitirang lakas.
"Audrin! Kaya mo iyan! Nandito ka na, o! Huwag kang mawawalan ng pag-asa! Alang-alang sa ikagagaling ng kapatid mo! Dapat ay ikaw ang manalo!" sabi ni Audrin sa kaniyang sarili na para bang pinapalakas niya ang kaniyang loob.
Ibinigay na ni Audrin ang best niya para maunahan ang iba pang manlalaro. Ngayon ay pumapangalawa na siya kaso nang lalagpasan na niya ‘yung nangunguna ay bigla siya nitong tinapilok kaya na out of balance siya at sumubasob sa sahig. At ngayon ay siya na ang nasa huli.
Nasaktan si Audrin sa kaniyang pagkakabagsak sa sahig at tila ba naipitan ang kaniyang paa dahil hindi niya ito maikilos. Halos maiyak na siya dahil nawawalan na siya ng pag-asa nang biglang may sumagi sa kaniyang isip.
"Kuya! Tandaan mo, magiging sikat na mananakbo ka balang-araw! Kasi, hindi kita matalo-talo, e! Saka hinding-hindi ako susuko kuya hangga't may pag-asa pa." Naalala niya ang kaniyang kapatid na si Lala.
Biglang nabuhayan ng loob si Audrin at nakatayo siya kaagad. Hindi niya ininda ‘yung sakit at nagulat na lang siya nang biglang magliwanag ang kaniyang kanang kamay at lumabas dito ang pigura ng isang tigre.
Nagbago rin ang kaniyang itsura. Ang kaniyang mga mata ay naging kulay kahel. Nagkaroon siya ng itim at kahel na stripes sa katawan at mukha at humaba ang kaniyang mga matatalim na kuko. Hindi makapaniwala ang binata sa kaniyang nakitang pagbabago sa sarili. Basta ang alam niya lang ngayon ay gusto niyang manalo.
Biglang bumilis ang kanyang pagtakbo hanggang sa naunahan na niya ang lalaking tumalisod sa kaniya kanina. At nang matapos na ang takbuhan ay hinirang na kampeon si Audrin at bago pa mag-awarding at ibigay sa kaniya ang kaniyang premyo ay kaagad namang bumalik ang tunay niyang katauhan.
---
Ngayon ay nasa huling baitang na si Audrin ng pagiging high school kaya mas lalo pa niyang napag-aralan at nasanay nang wasto ang kaniyang kapangyarihan.
Makulit at pasaway itong si Audrin dahil madalas niyang hindi sinusunod ang utos ng kaniyang mga magulang. Pilit na nga siyang inilalayo ng mga ito para hindi siya mapahamak at malagay sa panganib ang buhay kapag mayroong taong nakaalam ng totoong pagkatao at kapangyarihan niya.
"Tara bro, gimik tayo, ano?" sabi ng kaklase niyang si Ernest.
"Sorry bro, pass muna ako riyan. Alam mo namang gipit kami sa buhay, ‘di ba? Kaya kayo na lang," wika niya sa kaklase.
"Don't worry bro, sagot ko na lahat. Samahan mo lang ako, puwede?" Pangungulit ng kaklase niya. Rich Kid kasi e kaya happy go lucky lamang ’to
"Wait, libre mo? Sige ba! Libre naman pala, e," ani Audrin.
After ng kanilang klase ay dumiretso na sila ng kaniyang kaibigan sa isang bar. At dahil nakipag-break ang girlfriend ni Ernest sa kaniya, iyon! Naglasing ang loko! At dahil maloko at makulit din itong si Audrin iyon nakisali rin.
Nagpakasasa sa alak ang dalawa hanggang sa sila ay malasing. Mayroon din palang problemang dinadala itong si Audrin. Nag-aalangan kasi siya sa isa niyang subject at mayroong chance na siya ay bumagsak.
Umuwi si Audrin sa kanila nang lasing at halos umagahin na siya roon sa bar. Pagpasok sa loob ng kanilang bahay ay nadatnan niya roon ang kaniyang ina kahit hatinggabi na.
"Audrin, anong oras na? Bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo bang alalang-alala na kami sa iyo?! Hindi namin alam kung saan ka hahanapin! Ipinagtanong ka na rin namin sa kaibigan mong si Zed pero hindi niya alam kung saan ka nagpunta! Saan ka ba galing na bata ka, a?" pasinghal na bungad ng kaniyang ina dahil sa lubos na pag-aalala.
"Inay, hinaan n’yo po ang boses n’yo at marami kayong naaabalang tao. Saka po sinamahan ko lang ang kaibigan ko kaya po ginabi ako pasensya na po kung napag-alala ko kayo," paliwanag ni Audrin at biglang tinalikuran ang ina.
"E bakit amoy alak ka? Kailan ka pa natutong maglasing, aber?" tanong nito na nakapameywang pa.
"Nay, pagod na ako! Puwede bang bukas na lang natin ito pag-usapan?!" sigaw ni Audrin sa ina at naglakad palayo.
"Aba, bastos kang bata ka, a! Hindi mo na ako ginalang! Iyan ba ang impluwensiya sa iyo ng mga kabarkada mo, a?" Hinablot ng kaniyang ina ang braso nito paharap dito.
"Pati ba naman Inay ‘yung mga kabarkada ko idadamay mo? Pagod na pagod na ako, Inay! Lalo na sa buhay na mayroon tayo! Naiinggit nga ako sa mga kabarkada ko at kay Zed kasi sila, lahat ng gusto nila ay nakukuha nila! E ako? Nganga! Sawa na akong maging mahirap!" sumbat niya rito.
Dahil sa pagkakabigla ng kanyang ina sa mga sinabi niya ay nabigyan siya nito ng napakalutong na sampal sa kanang pisngi.
"Sorry anak! Hindi ko sinasadya! Patawarin mo ako!" wika ng kanyang ina na umiyak. Habang si Audrin naman ay umiiyak din at pinili na lang lisanin ang kanilang tahanan.
"Anak, sandali! Huwag kang umalis! Masyadong mapanganib! Lalo na sa sitwasiyon natin ngayon!" sigaw ng kanyang ina ngunit hindi siya napigilan nito at tuluyan ng nilisan ang lugar.
Lumipas ang isang linggo at hindi pa rin umuwi si Audrin sa kanilang tahanan at namalagi muna siya sa bahay nila Zed. Isang araw, humahangos si Zed papalapit sa kaniya.
"Audrin! Audrin! May masamang balita ako sa iyo!" sambit ni Zed na halos hindi magkandamayaw.
"Relax pre, ano ba iyang masamang balita mo?" tanong ni Audrin sa kaibigan.
"’Yung buong pamilya mo! Patay na silang lahat! Na-massacre daw kagabi ‘yung bahay n’yo ng hindi kilalang tao! Saka, ang nakakapanggimbal pa roon ay hindi raw tao ang pumatay sa kanila! Kundi mga halimaw!" paliwanag ni Zed na bigla naman niyang ikinaputla.
"Ano? Hindi totoo iyan! Buhay pa ang mga magulang ko at mga kapatid ko! Hindi totoo iyan!" sigaw ni Audrin habang umiiyak. Hindi siya makapaniwala na sa ganoong kabilis na panahon ay hindi na sinikatan ng araw ang kaniyang pamilya.
Isa pa, hindi man lang siya nakahingi ng kapatawaran sa kaniyang ina sa nagawang psgkakamali. Agad namang tinungo ni Audrin ang kanilang tahanan at lubos na nagsisisi sa kaniyang ginawa.
"Dapat pala ay hindi na ako naglayas para naprotektahan ko kayo. Sana, hindi na lang ako sumama noon kay Ernest. Sana, hindi ko na lang sinuway si Inay," sabi ni Audrin sa kanyang sarili habang naghihinagpis sa sakit na kaniyang nararamdaman.
Hindi alam ni Audrin na kaya nag-aalala ang kaniyang ina sa kaniya ay nasa panganib pala ang buhay nila kaya ayaw niyang mawalay ito sa piling nila. Ang kaniyang ina at ama ay isang humanimal dati ngunit hindi sila magkaanak.
Para mabiyayaan sila ng anak ay kailangan nilang isuko ang kapangyarihan nila at para maging mortal na lang. Hindi sila makapaniwala na magkakaroon sila ng anak na humanimal at iyon ay si Audrin. Kaya gayon na lamang kung sila'y mag-alala kay Audrin dahil naiiba siya at nasa paligid lang din ang kanilang mortal na kaaway noon na humanimal din.
"Magbabayad ang gumawa nito sa inyo! Hahanapin ko sila! Ipaghihiganti ko ang pagkamatay ninyong lahat!" sigaw ni Audrin habang nakaluhod sa bangkay ng kaniyang pamilya.
Mayamaya pa ay biglang humangin nang malakas at mayroong dalawang papel na nilipad papalapit kay Audrin at binuksan niya ito.
Dear Anak,
Anak, kung nasaan ka man ngayon, sana umuwi ka na. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. Miss na miss ka na namin kaya sana naman ay bumalik ka na rito sa atin. Saka, may nagpadala sa akin ng sulat at ibigay ko raw sa iyo. Mas makakabuti na pumasok ka sa paaralan na iyan para mahasa mo ang kakayahan mo at para na rin sa mundo. Tandaan mo anak, mahal na mahal ka namin at kahit nasaan ka man naroroon, kasama mo kami. I Love You, Anak.
Nagmamahal,
Inay
Sobrang bumulusok ang luha ni Audrin matapos basahin ang sulat ng kaniyang inay. Lubos siyang nagsisisi sa kaniyang ginawa lalo na sa mali niyang desisyon. Matapos noon ay binuksan naman niya ang isa pang sulat.
Dear Audrin,
Nalaman namin na mayroon kang kakaibang kakayahan at maaari ka naming matulungan upang lalo pa itong mapaghusay. Ang mundo ay nasa panganib ngayon kaya kailangan namin ng katuwang para maprotektahan ito. Sana ay tanggapin mo ang aming imbitasyon.
Nagmamahal,
Humanimal University
"Sabi ni Inay ay pumasok daw ako rito. At dahil ni-request iyon ni Inay, sige papayag ako. Pero hindi ko pa rin malilimutan ang nangyari sa kanila. Kailangan ko ng hustisya..."
---
Runami Locsin
"Sheena, gumising ka nga sa katotohanan na hindi ka mahal ng boyfriend mo! Niloloko ka lang niya!" giit niya sa kaniyang nakababatang kapatid.
"Ate Runami! Huwag ka ngang ganiyan! Mahal na mahal ako ng boyfriend ko!" sabi naman ng kapatid niya.
"Ayaw mo kasing maniwala sa akin, e. Ako Ate mo, paniwalaan mo ‘ko. Totoo nga ‘yung nakita ko na kinakaliwa ka ng boyfriend mo!" pagduduldulan niya sa kapatid.
"Hindi ako sa iyo naniniwala, Ate! Bitter ka lang kaya ka ganiyan! Malay mo, kaibigan niya lang pala ‘yung kasama niya. Ewan ko sa ‘yo, Ate," aniya kay Runami at tuluyan ng nag-walk-out.
Isang taon na ang lumipas matapos makipag-break kay Runami ang boyfriend niya. Tumagal sila ng dalawang taon ngunit nasira lang iyon ng dahil sa third party.
---
"Luv, kita tayo mamaya, a? Date tayo." Text ni Runami kay Robin, ang kaniyang boyfriend.
"Oo, sige lang Luv, busy pa ako ngayon. Siguro ay hahabol na lang ako, mauna ka na." Pag-reply naman sa kaniya nito.
"O sige, basta bilisan mo lang, a? Love you!" tugon ni Runami.
Lumipas ang limang oras ngunit hindi pa rin siya sinisipot ng kaniyang boyfriend. Lumubog na ang araw at lumitaw na ang buwan ay wala pa rin ito. At dahil nabahala na si Runami ay tinawagan na niya ito ngunit cannot be reach kaya mas minabuti na lang niyang umuwi sa kanila.
Kinabukasan ay pumunta siya sa condo ng kaniyang boyfriend. Dahil kilala na siya ng guard doon ay nagdire-diretso na siya sa unit nito at saka dali-dali itong binuksan. Nagulat siya sa kaniyang nakita. Mga bote ng alak na nakakalat sa sahig, mga b****a ng pinagkainan, at mga damit na nakakalat sa sahig ang unang tumambad sa kaniya pagkabukas ng pinto.
"Isa lang ibig sabihin nito, hindi niya ako mahal at pinaglalaruan niya lang ako," sabi niya sa sarili at tila nag-uunaunahan ang kaniyang luha sa pagtulo.
Binuksan niya ang silid ng boyfriend at tama nga ang kaniyang hinala. May kasama itong babae sa kama at tila may nangyari sa kanila na nagpasidhi sa nararamdaman ng dalaga.
"Mga wala kayong hiya! Ang bababoy n’yo! Mga walang pakundangan!" sigaw ni Runami sa dalawa habang pinupuktok ng dala-dala niyang shoulder bag.
"Ang kati mong babae ka! Daig mo pa ang higad! Sana naging higad ka na lang! Mang-aagaw!" sigaw niya sa babaeng nakayapos sa katawan ng kaniyang boyfriend.
"Hoy hoy hoy, una sa lahat, hindi ko inagaw ang boyfriend mo! Dahil siya ang baliw na baliw sa akin heto pinagbigyan ko lang siya! Kaya kasalanan itong lahat ng boyfriend mo! Saka isa pa, ang boring mo raw kasing kasama e," patutsada ng babae na tuwang-tuwa pa.
"Magsama kayong dalawa! Mga hayop! Ang ayaw ko sa lahat ay ‘yung pinaglalaruan ako!" saad niya sa boyfriend na pinagtatabuyan papalapit sa babaeng kasama nito.
"Ano ba, Runami? Tanggapin mo na lang ang lahat! Hindi kita mahal kaya makakaalis ka na rito! Go out!" sigaw ni Robin sa kaniya.
"Sige, magsama kayo! Lalo na ikaw babaeng higad! Ipagpatuloy mo lang ang pang-aagaw ng boyfriend ng iba at tiyak na kakarmahin ka rin!" singhal ni Runami na umiiyak sabay labas ng kuwarto at padabog na isinara ang pinto.
---
"Ate, sorry kasi hindi ako naniwala sa iyo na niloloko lang ako ng boyfriend ko. Hindi ko lubos na matanggap na pinaglaruan niya lang ako at ibinasura sa isang tabi. Ibinigay ko pa naman sa kaniya ang lahat-lahat at minahal ko siya nang lubos tapos ni kakarampot na pagmamahal ay hindi man lang niya ako nabigyan. Ang tanga-tanga ko!" pagsusumamo ni Sheena kay Runami na nagdadalamhati sa sakit na dulot ng pag-ibig.
"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Natural lang na maranasan mong masaktan. Pagdating sa love, kailangan handa kang harapin ang mga pagsubok, hindi ka dapat magpatinag. Hindi nga siya ang nararapat para sa iyo pero someday ay makikilala mo rin ang taong nakalaan sa ‘yo. Huwag kang magmadali, lalo na't bata ka pa. Third year high school ka pa lang, i-enjoy mo muna ang pagiging teenager dahil hahanap-hanapin mo rin iyan kapag tumanda ka na." Payo ni Runami sa kapatid habang hinahagod ang likod nito.
"Ate, ano’ng naramdaman mo noong nalaman mong niloloko ka lang ng boyfriend mo?" tanong ni Sheena.
"Siyempre masakit, pero kinaya kong malagpasan iyon para makapag-move-on. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo saka naisip ko na hindi niya deserve ang pagmamahal ko. Alam kong may mas better pa akong makikilala kaysa sa kaniya," paliwanag ni Runami sa kapatid.
"E kasi naman, Ate, masyado akong nasaktan tapos ang hirap mag-move-on…" ani Sheena.
"Dapat maging abala ka sa mga bagay-bagay at huwag mo na siyang isipin. Tandaan mo, maraming nagmamahal sa iyo. Nandiyan ang kaibigan mo at kaming pamilya mo," wika ni Runami.
"Okay, Ate…" wika ni Sheena at unti-unti na niyang ipinikit ang kaniyang namumugtong mata.
---
Nagising si Runami na wala sa tabi niya ang kaniyang kapatid na lubos niyang ikinabahala. Nakatira kasi sila sa condo. Ilang saglit pa, may nakita siya sulat na nakalagay sa lamesa.
Dear Ate,
Aalis muna ako at magpapakalayo. Basta mahal na mahal ko kayong lahat. Habang binabasa mo ito, siguro ay malapit ko nang maabot ang tuktok ng kaligayan. I love you all!
Nagmamahal,
Sheena
"Hindi puwede ito! Hindi siya maaaring magpakamatay!" Dali-daling pinuntahan ni Runami at rooftop ng condo dahil iyon ang madalas na tambayan ni Sheena.
Ilang sandali pa ay narating na niya ito at nakita niya ang kapatid na nakatayo sa may dulo nito at malapit na itong malaglag.
"Huwag, Sheena! Huwag kang tatalon!" sigaw ni Runami sa kapatid. Nang malapit na niyang maabot ang kapatid ay bigla na lang itong tumalon.
“Paalam, Ate…” anito.
"Sheena!" sigaw ni Runami na tila inaabot ang kapatid na nalalaglag sa napakataas na lugar na iyon.
Biglang umilaw ang kamay ni Runami at naglabas ng kakaibang liwanag. Lumabas ang isang pigura ng giraffe sa kanang kamay niya.
Ang kaniyang buhok ay naging kulay dilaw na may highlights na orange. Ang kaniyang mata ay naging kulay yellow orange at ang kaniyang balat ay nagkaroon ng dilaw at kahel na spots.
Nagulat siya nang biglang humaba ang kamay niya hanggang sa maabot niya ang kamay ng kapatid at iniligtas ito pabalik sa itaas.
"Ano ka ba, Sheena?! Bakit mo naisipang magpakamatay? Hindi mo ba inisip na malulungkot kami kapag nawala ka? Lalaki lang iyan! Dapat huwag kang magpaapekto! Learn to let him go!" singhal ni Runami sa kapatid. Hindi ito makapaniwala sa nakikitang anyo niya.
"Ate, ikaw ba talaga iyan?" nakatulalang tanong ni Sheena.
"Oo ako ito, basta huwag mo nang uulitin iyon! Masyado mo akong pinag-alala," ani Runami.
"Oo, Ate… sorry!" sambit ni Sheena at nagyakapan sila. Bigla na lang mayroong sulat na bumabagsak mula sa langit na nasalo ni Sheena.
"Ate, para sa iyo pala itong sulat, o! Basahin mo…"
"Patingin nga." Kinuha ni Runami ang sulat sa kapatid at saka binasa.
Dear Runami,
Inaanyayahan ka namin sa aming paaralan para i-train na maging tagapangalaga ng mundo. Sana tanggapin mo dahil kailangan ka ng mundo at mayroon kang kakayahan para protektahan ito kaya sana tanggapin mo itong paanyaya namin.
Nagmamahal,
Humanimal University
"Ate, tatanggapin mo ba?" tanong ng kaniyang kapatid.
"Kapag tinanggap ko iyon, paano ka na? Baka magpakamatay ka ulit kaya babantayan kita," giit ni Runami habang nakayakap sa kapatid.
"Naku, Ate, ayaw ko nang ulitin kasi natakot kaya ako no’n! Saka kung ako lang ang nabiyayaan ng kapangyarihan na mayroon ka ay tatanggapin ko. Aba, sayang ‘yong oportunidad, ‘no! Saka gusto kong tumulong…" saad ni Sheena.
"Ang kulit mong bata ka! Sige tatanggapin ko na. Tara na nga…"
Enzo Heil"ANG GUWAPO KO! HAHAHA!" sigaw ni Enzo habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Napagkakamalan tuloy siyang baliw ng mga taong kasabay niyang tumatawid sa pedestrian lane."Mama, tingnan mo ‘yun, o! Si Kuyang matangkad, guwapo raw siya…" wika ng batang babae na paslit sa kaniyang ina habang nakaturo kay Enzo."Naku anak, baliw iyan! Tingnan mo nga ‘yung suot, o, ang dusing! Para siyang taong grasa. Kaya huwag kang lalapit diyan kasi kukuhanin ka niya saka ka itatapon sa ilog gusto mo ba iyon?" ani ng matandang babae sa kaniyang anak."Naku Ma, tara bilisan na natin ‘yung paglalakad at natatakot na ako sa kaniya, e," sambit ng batang babae. Dulot ng sobrang takot ay nagtatago siya sa likuran ng kaniyang ina."Miss, ang guwapo ko, ‘no? HAHAHA! Puwede na ba akong maging modelo?" saad ni Enzo sa maputing dalaga na nakasalubong niya pagkatawid sa pedestrian lane. Umaakto pa siya ng pose na tila isang modelo.
Lilly Hunter"Dinaig ko pa si Sleeping Beauty! Kung siya ay natutulog, ako naman ay nagpapatulog gamit ang aking mahiwagang halik kaya tuloy hindi ako magkaroon ng lovelife, e. Ayaw ko nang ganito! Gusto kong mabuhay nang normal!" sigaw ni Lilly sa rooftop ng kaniyang pinapasukang eskuwelahan.---Nagsimula ang lahat noong mayroon siyang tinulungang matandang babae noong anim na taon pa lang siya.Inutusan siya noon ng kaniyang ina na dalhin ang nilutong pagkain nito sa kaniyang lola na nasa kabilang ibayo pa. Kailangan niyang bagtasin ang kagubatan bago siya makarating sa lugar ng lola niya.Habang tinatahak niya ang loob ng kagubatan ay mayroon siyang natagpuang matandang babae na nakahandusay sa daan kaya naman dali-dali niya itong tinulungan."Lola, ano pong nangyari sa inyo?" tanong niya rito nang magkaroon ito ng malay."Pasensiya ka na, ineng, isang linggo na kasi akong hindi kumakain, e, kaya heto n
Tavitta Chan"Ang tanga-tanga mo kahit kailan, Chuchay! ‘Di ba sinabi ko na sa iyong flauccinocinnihilifilification ang sagot e bakit supercalifragilisticexpialidocious pa ang sinagot mo? Hay, ang tanga mo talaga! Utak biya! Sana hindi na lang kita naging kapartner! Ayan tuloy, loser tayo! Hay! Pinag-iinit mo ang ulo't dugo ko!” singhal ni Tavitta.“Baka kung ano pa ang magawa ko sa ‘yo, e! Makaalis na nga lang sa lugar na ito!" anas pa niya sa kaniyang kaklase na si Chuchay. Tila yamot na yamot ang dalaga kaya minabuti niyang lumayo muna.Katatapos lang ng kanilang quiz bee. Hindi matanggap ni Tavitta na natalo siya kaya masyado niya itong dinibdib at sinisisi si Chuchay sa nangyari.Si Tavitta ay kabilang sa mahirap na lipunan ngunit siya’y masyadong mapagmataas. Gusto niya ay siya ang laging nasusunod at higit sa lahat, ayaw niyang pinangungunahan siya ng ibang tao.Dali-daling nagtatakbo ang dalaga sa may hardin da
Joniel NovaNaglalakad si Joniel pauwi ng kanilang tahanan ngayon. Hobby niya rin ang pakikinig ng musika kaya heto siya, naka-earphone habang naglalakad sa gilid ng kalsada.Hindi niya namalayan ang oras kaya ginabi na siya ng pag-uwi. At higit pa roon, galit siya sa papa niya dahil lagi na lang siya nitong pinagbubuntunan ng galit at sa hindi maiiwasang bagay ay nabubugbog siya nito."Nakakaasar si Papa, noong nakaraang araw lang e ang saya-saya naming nagkukuwentuhan pero ngayon, naging kakaiba ang kaniyang pakikitungo sa akin," wika ni Joniel sa kaniyang sarili habang naglalakad nang dahan-dahan."Mabuti pa ang musika, napapagaan ang loob ko kahit papaano," dagdag pa niya."Ang galing talaga ni Psy, hanga na ako sa kaniya kasi dati ay Gangnam Style lang ang sinasayaw ko kahit na parehong kaliwa ang paa ko, e. S’yempre, nakikipagsabayan ako. Ngayon, heto namang Gentleman… ayan na, chorus na! Masayaw nga…" aniya sa sarili.
Aika de Leon"Bakit ba ang hilig mong sumiksik diyan sa sulok? Ipis ka ba?" wika ng kaniyang kaklase na si Rita Usisera na halos lahat ng galaw ng kaniyang mga kaklase ay napapansin niya.Hindi nagsalita si Aika sa pambabatikos ni Rita sa kaniyang mga ginagawa bagkus ay ginawa niyang abala ang sarili sa pagbabasa ng kanilang aralin."Hindi ka pala parang ipis kundi ipis na talaga. Ikaw na nga itong kinakausap tapos hindi mo man lang ako kibuin. Para tuloy akong tangang nakatayo rito sa harapan mo. Hay, dadako na nga lang ako sa iba." Padabog na umalis si Rita dahil hindi niya man lang nausisa si Aika.Ngayon ay tinungo ni Rita ang iba niyang kaklase na nasa sulok upang usisain ang kanilang mga ginagawa. Isa nga siyang usiserang tunay."Excuse me, maaari ba akong umupo rito sa tabi mo?" tanong ng isang dalaga kay Aika na pawang isang transfer student na mula sa angkan ng mayayaman."Okay." Ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Aika na halo
Jubelle Lim"One dosen of roses to the most beautiful girl here in my heart. Happy 1st Monthsary Bey!" sabi ni Cris, boyfriend ni Jubelle sabay abot sa kaniya no’ng bulaklak at hinalikan sa pisngi ang dalaga na nagdulot upang kiligin ito."Naku, bes! Ang suwerte mo naman! Mukhang siya na nga ang lalaking mag-aalaga sa puso mong sugatan!" wika ni Angie, na best friend niya."Thanks, bie! Happy 1st Monthsary rin! Heto o, gift ko sa iyo," aniya sabay abot kay Cris ng paper bag na nasa tabi niya. Buong puso naman itong tinanggap ng binata."Wow, a, bey at bie! Sosyal, beybie!" pagsingit naman ni Angie habang binubuksan ni Cris ‘yung paper bag."Tumahimik ka nga riyan, bes! Moment namin ito, mamaya ka na umepal okay?" turan ni Jubelle sa kaibigan kaya naman nag-act si Angie na she zipper her mouth."Thanks, bey! The most precious gift na natanggap ko ever…" wika ni Chris sabay yakap sa dalaga. At dahil may kakaibang ligaya na n
Mimay Gomez"Mimay, kaya natin ito! Mananalo tayo! One point na lang ang kailangan natin para maging champion ngayong taon. Inaasahan ka namin, okay?" sambit ng kanilang coach na todo-todo sa pagpapaliwanag marahil dulot ng kaba.Championship ngayon sa Women's Volleyball at first time ng kanilang school na nakapasok sa championship at ngayon ay napakasidhi ng labanan ng magkabilang kampo.Lamang sila ng isang puntos 24-23 kaya kapag nakapuntos ang kalaban ay magkakaroon ng deuce at kapag sila ang nakapuntos, sure win na sila. Nasa kabilang kampo ang bola kaya kailangan nilang maging alerto upang maipasok ito sa kabila.Sinimulan ng i-serve ng kabilang grupo ang bola kaya lalong tumindi ang tensyon na nararamdaman ng kampo ni Mimay.Na-receive ni Trish ang bola at isi-net naman ito kay Mimay para gawin ang Killer Spike niya ngunit nauna sa pagtalon si Mimay kaya hindi niya naisagawa ang plano kaya dumaplis lang ito sa kaniyang kamay. Mabuti na lang
Angie Lee"Wahh! Ang guwapo niya talaga! Feeling ko ay nasa langit na ako dahil mukha siyang anghel na bumaba rito sa lupa,” wika ni Angie sa kaniyang isip."Uy, bes, ano nangyari sa ‘yo? Masyado yatang malalim iyang iniisip mo, mas malalim pa sa swimming pool," saad ni Jubelle na busy sa pagkain ng paborito niyang lasagna.Nasa canteen sila ngayon dahil lunch break at laging magkasama ang dalawang ito lalo na pagdating sa kalokohan."Alam mo ba, bes, kami na ni Cris! Sinagot ko na siya!" ani Jubelle at tuwang-tuwa pa."Naku, ikaw talaga, bes, kahit maraming beses ka ng nasaktan ay hindi ka pa rin napapagod na magmahal," turan niya sa kaibigan habang kumakain ng fries."S’yempre naman, bes. Kahit ilang beses akong masaktan ok lang, hindi ako titigil hanggang sa matagpuan ko si Mr. Right,” anito habang kumakain naman ngayon ng hamburger."Naku, ewan ko sa ‘yo. Okay, maiba naman tayo, bes!" Biglang naisipan
Louise Francoise, 18Half Human, Half DoveSpecial Abilities:•kaya niyang sumanib sa ibang tao para kontrolin ito•ang peacemaker, ang kaniyang balahibo ay parang injection na kapag tinamaan ka o naturukan ka ay kakalma ka it means manlalata ka•ang kaniyang pakpak ay humihiwalay sa kaniya para maging bumerangSi Louise ay hanggang beywang ang itim na buhok na medyo wavy, tapos may side bangs siya na nasa bandang kaliwa, maputi, hindi katangkaran, ang suot niyang damit ay laging pang detective with matching cap pa, tahimik kasi shy type, deep inside makulit at palatawa, isip bata rin, mahilig maglaro ng chinese garter kaya kapag niyaya ka niya ay talagang mapapasabak ka kasi tuturukan ka niya ng pampakalma gamit ang kaniyang balahibo. Introvert person kaya gusto niyang harapin ang mga problema niya na hindi niya malagpasan at makalimutan. Gusto niya kasing mapagtagumpayan ito.
Whitecat Garfield, 22Half Human, Half CatSpecial Abilities:•ang kaniyang mga kuko at pangil at sadyang nakakapanghilakbot dahil may lason itong taglay•kaya niyang mangamot gamit ang kaniyang mata ngunit kapag nasobrahan siya sa gamit tiyak na bulag ang kaniyang makakamit•sabi nila ay may siyam na buhay raw ang mga pusa ngunit taliwas ito sa kaniya dahil siyam na beses niya lang puwedeng gamitin ang kaniyang special power at ito'y tinatawag na, hound clawSi Whitecat ay matangkad, sexy, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata, morena, black na may blue ang kulay ng kaniyang buhok, light blue ang kulay ng kaniyang mga mata na nagiging dark blue kapag nasisinagan ng araw at kapag nakikipaglaban siya. Sa mga hindi niya ka-close ay snob siya, maldita, seryoso, at pasaway. Sa mga ka-close naman niya ay baliw, bubbly, maligalig na parang kiti-kiti, mabait, maaasahan at matulungin.Gusto
Raya Arellano, 20Half Human, Half SnakeSpecial Abilities:•ang kaniyang katawan ay nagiging elastic na parang goma•poison sting, ang tawag sa kakayahan niya na kapag bumuga siya ng laway then mag-fo-form ito like needle na kapag tinamaan ka ay tiyak na matitigok ka•nakakagawa siya ng usok na kaniyang ginagamit pang depensaSi Raya ay may taas na 5'3, maganda at sexy na sadyang kaakit-akit hindi mo maiiwasang hindi mapatingin sa kaniya, "Head Turner" kumbaga. Berde ang kulay ng kaniyang mga mata na kasing talim ng kutsilyo kung tumingin. Mahaba at diretso ang kaniyang itim na buhok, maputi, matangos ang kaniyang ilong, mapula ang kaniyang labi. Siya ay nagiging humanimal kapag nagagalit, natatakot at kapag may threat na nagbabadya sa kaniya. Kahit naman ganiyan siya ay maalaga iyan. Mabait, ismarte, kaso nga lang moody pero mahilig siya sa musika.Ang kaniyang ina ay isang mortal at
Fara Azure, 18Half Human, Half ButterflySpecial Abilities:•bihasa sa paggamit ng espada kaya kapag iyan na ang pinag-uusapan ay walang makakatalo sa kaniya•nag-iiba ang kulay ng kaniyang pakpak kapag may nakakaramdam siyang hindi maganda•mabilis lumipadSi Fara ay matangkad na babae na puwedeng isalang sa beauty pageant. Kasing kulay ng labanos ang kaniyang balat, mayroon itong kaakit-akit na mga mata na kulay lila, mahaba at kulay itim ang kanyang unat na buhok na naka-full bangs pa, lagi siyang nakasuot ng purple kasi paborito niya itong kulay. Matapang na dalaga si Fara ngunit cold ito sa mga tao, hindi niya trip makipag-usap ‘yung tipong may sarili siyang mundo pero may mga kaibigan naman siya kaso kaunti lang hindi karamihan.Pinahahalagahan niya ang mga taong mahalaga sa kaniya at willing siya na isakripisyo ang kaniyang sarili para sa kaniyang minamahal. Dahil sa isang
Ang Humanimal University ay nagbigay ng paanyaya sa mga humanimal sa bawat sulok ng mundo upang maging tagapagligtas ng ating mundo laban sa may balak na sakupin ito.Heto ang mga humanimal na tumanggap sa imbitasyon ng Unibersidad. Kilalanin mo sila.Hailey Borromeo, 18Half Human, Half CheetahSpecial Abilities:•mabilis siyang kumilos at mag-isip kaya walang nakakalamang sa kaniya pagdating sa diskartehan•maliksi kung gumalaw kaya nakikipagsabayan siya sa mga mananakbo sa kanilang lugar•mayroon siyang matutulis na mga kuko na kapag nasagi ka lang nito ay tiyak na wakwak ang balat moSi Hailey ay may taas na 5'4 na sabi ng iba ay hindi naman daw totoo. Nagsusuot lang daw ito ng mataas na sapatos upang hindi masabihan ng pandak. Mayroon siyang kayumangging buhok na umaabot hanggang sa kaniyang dibdib, almond shape brown eyes, saktong kulay ng balat hindi maitim at hind
Nagsimula nang magliwanag ang kanang kamay ni Raya at lumabas mula rito ang pigura ng isang berdeng ahas. Sa paglutang niya sa ere, pinalibutan siya ng itim na usok na wari mo'y nagtatakip sa pagpapalit anyo niya.Ang kaniyang mata na maamo ay naging kasindak-sindak; ang kulay nitong itim ay naging berde na ang talim kung makatingin. Ang kaniyang buhok na unat ay naging kulot; nagkaroon ang itim niyang buhok ng berdeng highlights. Ang kaniyang magkabilang kamay ay nagkaroon ng kulay berdeng gloves na hanggang braso ang haba. Ang kaniyang labi ay nagkaroon ng lipstick na kulay itim.Ang kaniyang kasuotan ay napalitan din. Ang kaniyang pang itaas ay naging strapless bra lamang na kulay berde na wari mo'y kaliskis ito ng isang ahas. Ang kaniyang pambaba ay naging itim na jeggings na mala-kaliskis din ang disenyo. Tinernuhan pa ito ng isang dark green na sapatos na mayroong four inch ang taas.Nagsimula nang magliwanag ang kanang kamay ni Craione at lumabas mula rit
Nagsimula ng magliwanag ang kanang kamay ni Mimay at lumabas dito ang pigura ng isang agila. Habang umaangat siya sa ere, tila ba umiindayog ang mga balahibo ng ibon sa saliw ng hangin.Ang mga kuko niya ay nagsihabaan, nagkaroon ito ng kulay na dilaw na mayroong disenyong tatlong ekis. Ang kaniyang blonde na buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay dilaw na naka-pony tail. Sa kaniyang noo, may nakalagay roong band na mayroong tatlong feather bilang disenyo. Ang kaniyang brown na mata ay naging dilaw din. Nagkaroon din siya ng wristband na kulay dilaw.Ang kaniyang kasuotan ay naging tube blouse na kulay dilaw at mayroong itim na sinturon sa bandang beywang. Ang kaniyang pambaba ay isang silk leggings na tinernuhan ng low cut boots na wari mo'y may pakpak na disenyo sa magkabilang gilid nito. Lumabas ang kaniyang pakpak na kulay puti na mayroong dilaw na linya sa bawat dulo ng balahibo.Nagliwanag ang kanang kamay ni Yell at lumabas dito ang pigura ng isang pan
Mayamaya pa ay umilaw ang kanang kamay ni Lilly at may pigura ng koala ang lumabas mula rito. Sa paglutang niya sa ere, mayroong dahong umiikot sa kaniya.Ang mga mata niya ay nagmistulang malamlam na kulay abo. Ang kaniyang buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay abo. Medyo kumapal din nang kaunti ang kaniyang kilay. Ang kaniyang mga kuko ay nagkaroon ng kulay, kulay abo na mayroong design itim na pahabang linya sa gitna nito.Ang kaniyang kasuotan ay napalitan ng mini sando black na litaw ang kaniyang pusod. Pinatungan pa ito ng abong cardigan. Ang kaniyang pambaba ay palda na five inch lang ang haba na mayroong gray lining sa laylayan nito. Ang kaniyang sapatos naman ay naging low-cut boots na kulay itim.Nagliwanag ang kanang kamay ni Robbie at lumabas dito ang pigura ng isang paniki. Habang umaangat siya sa ere, pinaliligiran siya ng miniature na mga paniki. Humaba ang kaniyang mga pangil. Ang kaniyang mga mata at nagmistulang kahindikdik sa takot dahil n
Ang mga napiling humanimals ay hinati sa limang grupo.Team HVenus, Helvina, Laurice, Whitecat, Audrin, Mathie, Clyte, Arvee, Julie, at JadeTeam ULucifera, Mimay, Raya, Hope, Angie, Craione, Lilly, Sammy, Robbie, NicTeam MSelina, Kryzette, Caridad, Kate, Jubelle, Cazandra, Fara, Lucario, Caelum, AikaTeam ADahlia, Yell, California, Enzo, Karl, Tavitta, Teshia, Raven, Maricon, YuanaTeam NMachie, Eli, Clowee, Marama, Hailey, Joniel, Czarina, Runami, Louise, JacqueSila'y sasanayin at hahasain upang mahubog lalo ang kanilang nakatagong kakayahan. Mayroong tatlong pagsubok silang kahaharapin upang mailabas nila ang kanilang galing.Ngunit, pipiliin lamang ang higit na kinakitaan ng galing, kakayahan, at angking pagnanais na maipagtanggol ang sangsinukuban.Halina't alamin natin ang kaganapan sa loob ng Unib