Share

Chapter 4

Author: risingservant
last update Huling Na-update: 2021-11-01 14:43:01

Louise Francoise

"Ang weird mo! Matanda ka na pero ganiyan ka pa rin, hindi ka na nagbago! Isip bata ka kahit kailan! Grow up, Louise!" singhal ng kaniyang madrasta.

"Sorry po, nag-e-enjoy po kasi ako kapag ganito ‘yung mga ginagawa ko, e. Heto po ‘yung nagpapaligaya sa akin kaya sana po ay tanggapin n’yo kung ano ang gusto kong gawin," nakayukong turan ni Louise rito.

"Nagdrama ka pa riyan! Hubarin mo na nga iyang suot mong pang-detective na damit! Kung anu-ano kasi ang pinapanood sa TV e," sigaw nito sa kaniya.

"Huwag naman po kayong KJ, pagbigyan n’yo naman po ako kahit ngayon lang. Alam n’yo naman pong idol ko ang mga detective, e. Saka pinabili ko pa po ‘yung damit na ito kay Papa…" pahayag ni Louise habang may mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata.

Dahil nasa middle class si Louise, nagagawa niya ang gusto niya at naibibigay naman ng kaniyang ama ang gusto niya. Pero kahit na gano’n, hindi siya spoiled brat kagaya ng iba.

"Sumasagot ka pang bata ka! Sige, ikaw ang bahala! Umalis ka na nga sa harapan ko! Pinapasakit mo lang ‘yung ulo ko!" sigaw nito kaya dali-daling tinungo ng dalaga ang kaniyang kuwarto.

"Nakakaasar siya Mama! Ang sama niya! Dapat kasi ay hindi mo na lang ako iniwan. Ayan tuloy, pinapahirapan ako ni Tita Mickey..." sambit ni Louise habang yakap-yakap ang litrato ng kaniyang ina.

"Miss na miss ko na po kayo… kahit wala na po kayo sa piling namin at ngayon nandiyan ka na sa heaven, ikaw at ikaw lang ang ituturing kong ina. Hinding-hindi ka mapapalitan ni Tita Mickey rito sa puso ko," litaniya ng dalaga habang nakahawak sa tapat ng kaniyang dibdib na kinalalagyan ng puso.

Tumunog ang pinto na waring may kumakatok dito.

"Pasok," sambit ng dalaga habang pinupunasan ang kaniyang mukha. Upang mawala ang bahid ng kalungkutan sa kaniyang mukha ay ngumiti siya nang pilit sa taong pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto.

"O, anong klaseng pagmumukha iyan? Umiyak ka na naman ba?" bungad sa kaniya ng pinsan na si Gail.

"A, wala ito, Ate Gail! Nagpapraktis lang ako para sa role playing namin," paliwanag niya sabay halakhak ng tawa.

Si Gail ay pinsan niya na kung ituring niya’y parang nakatatandang kapatid. Ito ang laging nandiyan sa tabi niya lalo na sa oras ng kapighatian.

Si Louise ay nag-iisang anak lamang. Nang mamatay ang kaniyang ina ay si Gail ang laging nasa tabi niya. At dahil doon, naging malulungkutin si Louise at naging introvert. Tanging panunuod ng anime na lang ang kaniyang naging sandalan upang makalimutan ang lungkot sa kaniyang puso ngunit hindi ito sapat.

"Huwag mong binibilog ang ulo ko, Louise. Hindi mo ako maloloko, kilalang-kilala kita kaya hindi mo maipagkakaila ang kalagayan mo ngayon dahil nararamdaman kong may tinatago ka," wika ni Gail at bigla niyang niyakap si Louise habang nakaupo sila sa ibabaw ng kama.

Hindi na nakapagsalita pa si Louise dahil tuluyan ng bumagsak ang kaniyang mga luha at hindi niya na napigilan ang sariling emosyon at inilabas niya na ito kay Gail.

"It's okay Louise, sige iiyak mo lang iyan hanggang sa gumaan ang iyong pakiramdam," saad ni Gail habang hinahaplos ang likuran nito.

At nang dahil sa kaiiyak ay nakatulog si Louise sa balikat ni Gail. Matapos noon ay inihiga ni Gail ang dalaga sa kama nito bago niya nilisan ang loob ng silid.

---

"Okay class, dahil PE natin ngayon, bibigyan ko kayo ng chance na maglaro. At dahil laro ng lahi ang pinag-aralan natin, ito ang inyong lalaruin kaya enjoy!" paliwanag ng kanilang guro habang abala sa pag-aayos ng mga gamit na kanilang gagamitin.

Una nilang nilaro ay tumbang preso na kung saan ay nangolelat si Louise dahil siya ang laging taya. Sinundan naman ito ng patintero na kaniyang ikinatuwa dahil siya ang laging nakatataya at isang beses siyang naka-goal.

Nagpiko rin sila at nakaapat namang bahay ang dalaga kaso nasunog ng kalaban ‘yung dalawa kaya natalo siya. Marami silang nilaro at ang pinaka nag-enjoy ang dalaga ay sa larong limburak. May advantage siya rito kasi sanay siyang mag-bending kaya nanalo siya.

After ng kanilang PE ay hindi pa rin nagpatinag si Louise at nilabas niya ang dalang garter sa loob ng kaniyang bag.

"Ana, Maria, Trisha! Laro tayo ng chinese garter bilis! Alam ko namang gusto niyo e kasi tayo ang magkakalaro noong mga bata pa lang tayo," sigaw ng dalaga habang nasa open field sila.

"Louise? Nagpapatawa ka ba? Malalaki na tayo kaya hindi na tayo dapat maglaro ng ganiyan," iritadong sagot ni Trisha.

"Yup Louise, dalaga na tayo kaya dapat kumilos tayo ng naaayon sa age natin. Grow up!" sabi naman ni Maria habang nagpupunas ng pawis.

"Saka nakakahiya na kapag nakita tayo ng mga tao na naglalaro ng chinese garter. Ano na lang iisipin nila? Na mga isip-bata tayo?" dugtong naman ni Ana na nag-aayos ng gamit.

"E, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta nag-eenjoy ako, go ako. Kaya tara bilis!" Pagpupumilit niya sa tatlo.

"No! Ayaw ko! No Way!" giit ni Trisha.

"Pagod na ako, Louise. Next time na lang," wika naman ni Ana.

"Isip-bata ka talaga kahit kailan! Kaya walang nagkakagusto sa ‘yo e," anas ni Maria at saka nagtawanan silang tatlo.

"Niyayaya ko lang naman kayong maglaro, e. Kung ayaw n’yo okay, pero huwag n’yo naman akong pagtawanan ng gan’yan. Nasasaktan kaya ako!" singhal ni Louise na nag-iba na ang timpla ng itsura.

"Ay sorry, akala kasi namin ay manhid ka," ani Maria.

"Nagmana ka siguro sa nanay mo! Isip-bata!" giit ni Trisha at nagtawanan sila. Kung makatawa ay wagas na tila ba wala ng bukas.

"Wala kayong karapatan para pagsabihan ng ganiyan ang Mama ko!" sigaw ni Louise at unti-unting nag-iba ang kaniyang aura.

Umilaw ang kaniyang kamay at may pigura ng ibon na lumabas dito… isang kalapati. Mayamaya ay bigla ng nag-iba ang kaniyang itsura.

Ang kaniyang mga mata ay naging kulay asul. Biglang nagsihabaan ang kaniyang mga kuko. Ang kaniyang buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay puti at bigla na lang siya tinubuan ng pakpak ng isang kalapati.

"Girls, ano’ng nangyari kay Louise? Bakit biglang nag-iba siya ng itsura?" tanong ni Ana.

"Ewan! Basta nakakatakot na siya ngayon! Hindi na siya tao! Isa na siyang halimaw!" ani Maria na nangangatog ang tuhod.

"Oo nga, halimaw na siya! Dapat hindi natin siya ginalit e," ani Trisha.

"Tara na, ano pa ba hinihintay natin? Takbo na!" sabi ni Ana at nagkandakaripas silang tatlo sa pagtakbo.

At dahil sa galit, hindi alam ni Louise ang ginagawa niya. Lumipad siya hanggang sa maabutan niya ‘yung tatlo.

"At dahil sa panghuhusga sa akin at sa pagdamay sa Mama ko sa usapin na ito ay paparusahan ko kayo!" sigaw ni Louise.

Takot na takot ‘yung tatlo. Hindi nila alam ang gagawin. Tila nangangatog na ang kanilang tuhod sa kabang nararamdaman.

"Sorry na Louise, patawarin mo kami!" Pagmamakaawa no’ng tatlo.

"Sorry pero kailangan ko kayong bigyan ng leksiyon," saad ni Louise at biglang bumuka paitaas ang pakpak nito at nang mag-bend ito na para bang may ihahagis ay mayroon lumabas na tatlong feathers mula rito na tumusok sa braso ng tatlo.

"Ouch!" anas nilang tatlo at biglang nawalan ng malay.

Biglang bumalik sa katinuan ang pag-iisip ni Louise at nakita niya ang tatlo na nakabulagta sa sahig. Nagulat siya nang makita niya ang kaniyang sarili. At dahil dito, nataranta siya at hindi niya alam ang kaniyang gagawin.

Dahil concern naman siya sa tatlo ay dali-dali niya itong binuhat saka lumipad patungo sa clinic. Hindi makapaniwala ang dalaga dahil nakalilipad siya kaso magkahalong saya at lungkot pa rin ang kaniyang nararamdaman. Masaya kasi para siyang ibon na nakalilipad. Malungkot kasi extraordinary na siya na kung ituring ng iba ay isang halimaw.

"Miss Nurse, iiwan ko na sila sa iyo ikaw na po ang bahala, salamat!" sambit niya at inilapag na ‘yung tatlo.

"Okay," sabi ng nars ngunit nang mapaharap ito sa kaniya ay bigla itong nagulat. "Ay ano ba ito! Totoo ba itong nakikita ko? May halimaw sa harap ko?!" wika ng nars at nakahawak pa sa kaniyang dibdib.

Hindi na lang iyon pinansin ng dalaga at tuluyan ng nilisan ang lugar.

Lumipad siya para magpakalayo-layo muna at sa kaniyang paglipad ay may isang ibon na tila sinasabayan siya. Natuwa siya kasi parang dinadamayan siya nito. Nakita niyang may sulat na nakatali sa paa nito kaya kinuha niya.

Dear Louise,

Naiintidihan kita. Nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman mo. Huwag kang malungkot, kasi ang buhay ay paikot-ikot. Minsan masaya, minsan hindi. Alam ko namang na-mi-miss mo na ‘yung Mama mo pero huwag mo namang dibdibin masyado kasi may likod ka pa at tiyak na hindi mo ito kakayanin kung diribdibib mo lang. Be strong! Mayroon kang kakaibang kakayahan na maaaring makatalo sa kasamaan kaya sana pumasok ka sa paaralan namin upang matutunan mo pa ng lubos ang iyong kapangyarihan. Sana maging tagapagligtas ka ng ating mundo.

Nagmamahal,

Humanimal University

Sa ngayon ay naguguluhan pa rin si Louise sa mga nangyayari sa kaniya. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam kung paano siya uuwi sa kanila ng ganito ang itsura. Maraming bagay ang bumabagabag sa kaniya.

At marahil sa nangyari kanina sa paaralang pinapasukan niya, malamang hindi na siya tatanggapin dito kaya naisipan niya na lumipat ng school.

"Mukhang may makakaintindi sa akin. At makikilala ko ng lubos ang sarili ko kapag kapag pumasok ako rito. Sige, try ko ngang pasukin ang Humanimal University..." 

---

Jacque Heriya

"Don't you dare to touch me or else I will kill you!" sigaw niya sa babaeng makapal pa sa mukha niya ang koloreteng inilagay sa mukha. Dinaig pa ang payaso.

"Hoy, bagong salta ka lang dito kaya ayusin mo iyang pananalita mo! Huwag mo akong pagbantaan ng ganiyan dahil hindi mo ako masisindak! Hindi mo ba alam na ako si Winona, ang kinaiinggitan ng lahat sa school na ito ay ginaganiyan mo lang? Huh, magsisisi ka!" giit nito kay Jacque at biglang sinampal ito sa magkabilaang pisngi.

Kapag naiinis si Jacque o naaasar ay hindi niya makontrol ang sarili kaya bigla na lang siyang nagbabago ng anyo.

Nagsimula ng magliwanag ang kaniyang kamay at lumabas ang pigura ng isang ibon na agila. Nagsimula ng magbago ang kaniyang itsura.

Ang kaniyang asul na mata ay naging kulay dilaw na pagkatalas-talas kung iyong titingnan ay para bang hihiwain ka. Ang kaniyang kuko na matulis ay humaba. Ang kaniyang buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay dilaw. At biglang lumitaw ang pagkalaki-laking pakpak na katulad sa agila.

"Oh My G! Hindi ka normal! Isa kang taong ibon! Halimaw ka!" sigaw ni Winona kay Jacque.

Matagal ng alam ni Jacque ang tungkol sa kapangyarihan at kakayahan niya. Simula noong bata pa lang siya ay nadiskubre na niya ito dahil parehong humanimal ang mga magulang niya.

---

"Gleo, kailangan na nating umalis dito dahil alam na ng mga mortal ang tunay nating katauhan!" sabi ni Ester na hindi magkandamayaw sa taranta na nanay ni Jacque.

"Sige, ingatan mo si Jacque kapag lumipad tayo. Alam mo namang hindi pa niya alam gamitin ang kapangyarihan niya tapos ako na bahala sa mga mortal," wika naman ng kaniyang tatay.

"'Nay, 'Tay, saan po tayo pupunta? Bakit po tayo aalis at bakit may mga pakpak kayo?" tanong ni Jacque na pitong taong gulang pa lang noon.

"Mamaya na namin sasagutin iyang katanungan mo anak. Basta sa ngayon kailangan na nating makaalis dito dahil naririnig ko na sila na papunta rito kaya tara na…" saad ng kaniyang nanay sabay yakap kay Jacque. Biglang bumuka ang pakpak nito at sinimulan na niyang lumipad. Ang tatay naman niya ay lumipad na rin at nakaalalay sa likuran ng kaniyang mag-ina.

"Iyon sila bilis! Tumatakas na ‘yung mga halimaw na taong ibon!" sigaw ng isang mortal na may dalang sulo.

"Huwag natin silang hayaan na makatakas! Pigilan natin sila!" sigaw ng kanilang lider at sabay-sabay nilang inihagis paitaas ang mga sibat.

Iniiwasan lang ng mag-asawa ang mga sibat. Dahil bitbit-bitbit ni Ester si Jacque ay hindi ito makalalaban kaya may iminungkahi si Gleo.

"Mauna na kayo, Ester, ako na ang bahala rito basta mag-ingat kayo. Tandaan mo, mahal na mahal ko kayo ni Jacque," ani Gleo habang nakangiti sa kaniyang mag-ina.

"Hindi ako makapapayag sa gusto mo! Tiyak na mapapahamak ka! Masyado silang marami! Kaya please, huwag!" sambit ni Ester habang may luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata.

"Alis na bilis, heto na sila!" anas ni Gleo at dumiretso na papalayo ang kaniyang mag-ina. Ginamit niya ang kaniyang pakpak bilang pangdepensa sa mga sibat na papalapit sa kaniya. Lumikha siya ng hangin gamit ang kaniyang mga pakpak at pinatama sa mga tao kaya medyo nasira niya ang opensa nito subalit dali-dali rin silang nakabawi.

Hindi pa masyadong nakalalayo si Ester nang makarinig siya ng putok ng isang baril kaya naman napatigil siya sa kaniyang paglipad. Nakita niya ang asawa na tinamaan ng bala sa dibdib at tuluyan ng bumagsak paibaba.

"Gleo! Tatay!" sigaw ng mag-ina. Naiyak na lang si Jacque sa kaniyang nasaksihan habang si Ester ay nagdadalamhati sa sakit na nararamdaman.

Tinungo ni Ester ang asawa na unti-unting bumabagsak sa lupa. Hindi pa niya masyadong nababagtas ang kinaroroonan nito nang maramdaman niyang may sibat na tumusok sa kanyang likod kaya agad din silang bumulusok pababa ni Jacque.

"Nanay ko!" sigaw ni Jacque dahil nakita niyang may dugong lumalabas sa bibig ng kaniyang ina.

Pagkabagsak nila sa lupa ay pinoprotektahan pa rin ni Ester ang anak para hindi ito masaktan.

"Nanay, huwag mo akong iwan! Wala na nga si Tatay tapos ay iiwan mo pa ako! Kawawa naman po ako!" sabi ni Jacque sa kaniyang ina habang niyuyugyog ito ngunit tuluyan na itong nawalan ng buhay.

"Iyon, o! Iyon ‘yung babaeng ibon kasama ang kaniyang anak!" sigaw ng isang mortal at nilapitan sila ng mga tao. Halos isa hanggang dalawang barangay ang kumuyog sa kanila.

Si Jacque ay umiiyak pa rin hanggang ngayon. Tanging pag-iyak lang ang kaniyang nagawa habang nakapalibot sa kanila ng kaniyang Ina ang napakaraming tao.

"Dapat sa batang iyan ay patayin na rin para hindi na siya mag-transform pa bilang taong ibon! Salot sila sa lipunan!" sigaw ng kanilang lider.

"Tama! Patayin na iyan para wala nang halimaw dito sa lugar natin!" pagsang-ayon ng mga tao.

Tumayo si Jacque sa kaniyang pagkakaupo sabay sabing… "Ang sasama ninyo! Pinatay n’yo ang mga magulang ko tapos ngayon ay ako naman ang isusunod n’yo. Wala kayo mga awa! Kumitil kayo ng buhay ng mga inosenteng tao!" giit ni Jacque habang bumubulusok pa rin ang luha mula sa kaniyang mga mata.

"Hindi kayo tao! Mga halimaw kayo! Kaya ang dapat sa inyo ay mamatay!" sigaw ng kanilang lider sabay tutok ng baril kay Jacque at kinalabit ang gatilyo nito.

Unti-unting lumalapit ang bala kay Jacque ngunit bigla itong tumigil at nalaglag sa lapag na tila nawalan ng momentum. Nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan.

Mas lalong nagulat ang mga taong mortal nang biglang nagliwanag ang kamay ni Jacque at lumabas dito ang pigura ng isang agila.

Ang buhok ng bata ay nagkaroon ng highlights na dilaw. Ang kaniyang mga kuko ay medyo humaba. Ang mga mata nito ay naging dilaw at biglang lumabas ang kaniyang malaking pakpak at tila nawala ito sa sarili na para bang gustong maghiganti.

Nasindak ang lahat ng nakasaksi sa kakaibang transpormasiyon ni Jacque kaya karamihan sa kanila ay nagsiurong na at nagtakbuhan palayo. Siguro ay may dalawampu't lima pang natira para pigilin at patayin ang bata.

Sabay-sabay silang nagpaputok ng baril ngunit hindi nila matamaan si Jacque dahil ang bilis nitong kumilos. Ipinagpatuloy lang nila iyon hanggang sa napagod sila at naubusan ng bala.

Natakot silang lahat nang ngumiti nang nakasisindak si Jacque habang ang mga mata niya ay nanlilisik na para bang gusto ka nitong hiwain, sobrang talim niya makatingin.

Natakot ang mga mortal kaya dali-dali silang nagtatakbo palayo. Nagulat na lang sila nang makita nilang nasa harapan na nila si Jacque at lumulutang.

"Aaah! Nakatatakot ka! Masyado ka nang mapanganib!" sigaw ng isang lalaki na takot na takot.

"Hindi kayo makatatakas sa akin lalo na sa ginawa ninyong pagpatay sa aking mga magulang kaya magbabayad kayong lahat!" sigaw ni Jacque at unti-unting naging madilim ang paligid. Ang paligid ay sadyang naging kakila-kilabot kaya hindi sila makagalaw sa kanilang kinatatayuan.

Naramdaman ng mga mortal ang paghiwa sa kanilang mga balat sa pamamagitan lang ng pagtitig sa kanila ni Jacque. Nagkasugat-sugat ang kanilang mga katawan hanggang sa mawalan sila ng malay.

Biglang nagising ang diwa ni Jacque. Nakita niya ang mga taong mortal sa lupa na walang malay kaya iniwan niya na lang ito at tinungo ang bangkay ng kaniyang mga magulang ngunit huli na ang lahat. Unti-unti na itong natutunaw at nagiging buhangin na nilipad na lang ng hangin sa alapaap.

"Hindi ko pa nakakamit ang hustisya para sa mga magulang ko dahil hindi pa ako tapos sa kanilang lahat! Humanda kayo sa akin!" sigaw ni Jacque habang naghihinagpis sa gitna ng kagubatan.

Lumipad si Jacque palayo at nilisan ang kinagisnan at napadpad siya sa isang sibilisadong lugar. Nang makontrol na ni Jacque ang sarili ay nagbalik na ang kaniyang anyo sa pagiging tao.

Nagpadpad siya sa lugar na kung saan ay ibang-iba sa tinirhan nila. Kung dati ay mga bahay kubo lang ang nakikita niya, ngayon ay mga magagarang bahay, nagtataasang mga gusali at magagandang sasakyan. Tila nanibago siya sa lugar.

Kung saan-saan siya dinala ng kaniyang paa at halos maggagabi na ngunit hindi pa siya kumakain kaya nakatanga siya sa isang magarang kainan habang nakaupo sa may gilid nito.

"Bata, ano’ng ginagawa mo riyan? Wala ka bang mga magulang?" tanong ng isang babae na nasa bandang 30+ na ang edad at may kasama itong lalaki.

"Hindi pa po kasi ako kumakain at wala na po akong mga magulang, patay na po sila," wika ni Jacque na nakasalampak sa sahig at tuluyan ng bumulusok ang kaniyang luha.

"Gano’n ba? Kung gusto mo, kami na lang ang maging magulang mo tutal wala naman kaming anak saka pakakainin ka namin at dadamitan, okay ba ‘yon?” pahayag ng babae.

“So, gusto mo bang maging anak namin?" tanong no’ng lalaki.

"Talaga po? Ang bait n’yo naman! Sige po! Payag na akong maging anak n’yo," sambit ni Jacque na biglang bumalik ang kaligayahan sa mukha at niyakap ang mag-asawa.

"Kaya ngayon, Mommy and Daddy na ang tawag mo sa amin, okay?" sabi ng babae.

"Okay po, Mommy and Daddy!" aniya.

Inampon si Jacque ng mag-asawa. Pinalaki siya at pinag-aral sa isang sikat na paaralan. Naging masaya siya sa piling ng mag-asawang kumupkop sa kaniya ngunit hindi pa rin niya nakalilimutan ang ginawa ng mga mortal sa kaniyang mga magulang kaya galit siya sa mga ito. Pili lang ang mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan.

---

"Sinabi ko na sa iyo na huwag mong subukan na hawakan ako dahil papatayin kita! At dahil sa kayabangan mo, tuturuan kita ng leksiyon na hinding-hindi mo makakalimutan!" giit ni Jacque at nagsimula ng manlisik ang kaniyang mga mata. Hiniwa niya ang pisngi ni Winona at iniwanan ito ng bakas na X sa kanang pisngi.

"Aaah!" sigaw ni Winona nang maramdaman ang sakit.

"Sigurado akong hindi mo ako makalilimutan dahil diyan sa magiging peklat mo sa kanang pisngi sana nagustuhan mo…" pang-uuyam ni Jacque habang nakangisi at lumipad paalis.

"Ang sama mo! Sinira mo ang mukha ko! Pagbabayaran mo ito!" sigaw ni Winona at dali-daling nagtatakbo sa may clinic habang nakahawak sa kaniyang kanang pisngi.

Sa kaniyang paglipad papalayo ay may napansin siyang sulat na nakadikit sa kaniyang kaliwang pakpak at binasa ito.

Dear Jacque,

Alam naming hindi pa rin magaan ang iyong kalooban dahil sa hindi mo pa nakakamit ang hustisya para sa iyong mga magulang. Hindi naman susi ang paghiganti para makamit ang katarungang gusto mong makamit para sa mga magulang mo. Hindi mo naman na maibabalik pa ang buhay na nawala na sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay rin. Alam mo, matutulungan ka namin at makatutulong ka sa mundo para mapangalagaan ito at para makamit ang wagas na kapayaan. Kaya inaanyayahan ka namin sa aming paaralan. Sana ay tumugon ka sa aming paanyaya.

Nagmamahal,

Humanimal University

Hindi mabatid ni Jacque kung ano ang nais iparating ng sulat dahil wala pa siya sa katinuan ngayon.

Nagpalamig muna siya ng ulo at saka nag-isip kung papasok ba siya rito o hindi. Nahirapan siyang magdesisyon pero in the end ay napag-isipan niyang subukang pumasok dito.

Kaugnay na kabanata

  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 5

    Audrin Paz"Anak, tandaan mo na dapat ay maging maingat ka. Dapat, hindi malaman ng mga tao ang tunay mong katauhan. At dapat, huwag mo itong gagamitin, maliwanag?" Paalala ng kaniyang ina bago siya pumasok. Tumango lamang ang binata bilang tugon.Naglalakad papasok sa school si Audrin dahil mahirap lang sila at wala siyang perang pamasahe sapagkat sakto lang ang pera niyang 20 pesos para sa kaniyang pagkain. Kailangan niyang magtipid para makaraos sa buhay.Ang kaniyang ina ay isang labandera at ang kaniyang ama naman ay isang tricycle driver. Sila ay limang magkakapatid at siya ang pangatlo sa mga ‘to. Sa kanilang lahat, siya lang ang mayroong kapangyarihan na kinaiinggitan naman ng kaniyang mga kapatid.Natuklasan niya ang kaniyang kapangyarihan noong sumali siya sa isang marathon.---"Audrin! ‘Di ba kailangan mo ng pera para sa kapatid mong naaksidente?" tanong ni Zed na kaniyang kaibigan.

    Huling Na-update : 2021-11-02
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 6

    Enzo Heil"ANG GUWAPO KO! HAHAHA!" sigaw ni Enzo habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Napagkakamalan tuloy siyang baliw ng mga taong kasabay niyang tumatawid sa pedestrian lane."Mama, tingnan mo ‘yun, o! Si Kuyang matangkad, guwapo raw siya…" wika ng batang babae na paslit sa kaniyang ina habang nakaturo kay Enzo."Naku anak, baliw iyan! Tingnan mo nga ‘yung suot, o, ang dusing! Para siyang taong grasa. Kaya huwag kang lalapit diyan kasi kukuhanin ka niya saka ka itatapon sa ilog gusto mo ba iyon?" ani ng matandang babae sa kaniyang anak."Naku Ma, tara bilisan na natin ‘yung paglalakad at natatakot na ako sa kaniya, e," sambit ng batang babae. Dulot ng sobrang takot ay nagtatago siya sa likuran ng kaniyang ina."Miss, ang guwapo ko, ‘no? HAHAHA! Puwede na ba akong maging modelo?" saad ni Enzo sa maputing dalaga na nakasalubong niya pagkatawid sa pedestrian lane. Umaakto pa siya ng pose na tila isang modelo.

    Huling Na-update : 2021-11-03
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 7

    Lilly Hunter"Dinaig ko pa si Sleeping Beauty! Kung siya ay natutulog, ako naman ay nagpapatulog gamit ang aking mahiwagang halik kaya tuloy hindi ako magkaroon ng lovelife, e. Ayaw ko nang ganito! Gusto kong mabuhay nang normal!" sigaw ni Lilly sa rooftop ng kaniyang pinapasukang eskuwelahan.---Nagsimula ang lahat noong mayroon siyang tinulungang matandang babae noong anim na taon pa lang siya.Inutusan siya noon ng kaniyang ina na dalhin ang nilutong pagkain nito sa kaniyang lola na nasa kabilang ibayo pa. Kailangan niyang bagtasin ang kagubatan bago siya makarating sa lugar ng lola niya.Habang tinatahak niya ang loob ng kagubatan ay mayroon siyang natagpuang matandang babae na nakahandusay sa daan kaya naman dali-dali niya itong tinulungan."Lola, ano pong nangyari sa inyo?" tanong niya rito nang magkaroon ito ng malay."Pasensiya ka na, ineng, isang linggo na kasi akong hindi kumakain, e, kaya heto n

    Huling Na-update : 2021-11-04
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 8

    Tavitta Chan"Ang tanga-tanga mo kahit kailan, Chuchay! ‘Di ba sinabi ko na sa iyong flauccinocinnihilifilification ang sagot e bakit supercalifragilisticexpialidocious pa ang sinagot mo? Hay, ang tanga mo talaga! Utak biya! Sana hindi na lang kita naging kapartner! Ayan tuloy, loser tayo! Hay! Pinag-iinit mo ang ulo't dugo ko!” singhal ni Tavitta.“Baka kung ano pa ang magawa ko sa ‘yo, e! Makaalis na nga lang sa lugar na ito!" anas pa niya sa kaniyang kaklase na si Chuchay. Tila yamot na yamot ang dalaga kaya minabuti niyang lumayo muna.Katatapos lang ng kanilang quiz bee. Hindi matanggap ni Tavitta na natalo siya kaya masyado niya itong dinibdib at sinisisi si Chuchay sa nangyari.Si Tavitta ay kabilang sa mahirap na lipunan ngunit siya’y masyadong mapagmataas. Gusto niya ay siya ang laging nasusunod at higit sa lahat, ayaw niyang pinangungunahan siya ng ibang tao.Dali-daling nagtatakbo ang dalaga sa may hardin da

    Huling Na-update : 2021-11-05
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 9

    Joniel NovaNaglalakad si Joniel pauwi ng kanilang tahanan ngayon. Hobby niya rin ang pakikinig ng musika kaya heto siya, naka-earphone habang naglalakad sa gilid ng kalsada.Hindi niya namalayan ang oras kaya ginabi na siya ng pag-uwi. At higit pa roon, galit siya sa papa niya dahil lagi na lang siya nitong pinagbubuntunan ng galit at sa hindi maiiwasang bagay ay nabubugbog siya nito."Nakakaasar si Papa, noong nakaraang araw lang e ang saya-saya naming nagkukuwentuhan pero ngayon, naging kakaiba ang kaniyang pakikitungo sa akin," wika ni Joniel sa kaniyang sarili habang naglalakad nang dahan-dahan."Mabuti pa ang musika, napapagaan ang loob ko kahit papaano," dagdag pa niya."Ang galing talaga ni Psy, hanga na ako sa kaniya kasi dati ay Gangnam Style lang ang sinasayaw ko kahit na parehong kaliwa ang paa ko, e. S’yempre, nakikipagsabayan ako. Ngayon, heto namang Gentleman… ayan na, chorus na! Masayaw nga…" aniya sa sarili.

    Huling Na-update : 2021-11-06
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 10

    Aika de Leon"Bakit ba ang hilig mong sumiksik diyan sa sulok? Ipis ka ba?" wika ng kaniyang kaklase na si Rita Usisera na halos lahat ng galaw ng kaniyang mga kaklase ay napapansin niya.Hindi nagsalita si Aika sa pambabatikos ni Rita sa kaniyang mga ginagawa bagkus ay ginawa niyang abala ang sarili sa pagbabasa ng kanilang aralin."Hindi ka pala parang ipis kundi ipis na talaga. Ikaw na nga itong kinakausap tapos hindi mo man lang ako kibuin. Para tuloy akong tangang nakatayo rito sa harapan mo. Hay, dadako na nga lang ako sa iba." Padabog na umalis si Rita dahil hindi niya man lang nausisa si Aika.Ngayon ay tinungo ni Rita ang iba niyang kaklase na nasa sulok upang usisain ang kanilang mga ginagawa. Isa nga siyang usiserang tunay."Excuse me, maaari ba akong umupo rito sa tabi mo?" tanong ng isang dalaga kay Aika na pawang isang transfer student na mula sa angkan ng mayayaman."Okay." Ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Aika na halo

    Huling Na-update : 2021-11-07
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 11

    Jubelle Lim"One dosen of roses to the most beautiful girl here in my heart. Happy 1st Monthsary Bey!" sabi ni Cris, boyfriend ni Jubelle sabay abot sa kaniya no’ng bulaklak at hinalikan sa pisngi ang dalaga na nagdulot upang kiligin ito."Naku, bes! Ang suwerte mo naman! Mukhang siya na nga ang lalaking mag-aalaga sa puso mong sugatan!" wika ni Angie, na best friend niya."Thanks, bie! Happy 1st Monthsary rin! Heto o, gift ko sa iyo," aniya sabay abot kay Cris ng paper bag na nasa tabi niya. Buong puso naman itong tinanggap ng binata."Wow, a, bey at bie! Sosyal, beybie!" pagsingit naman ni Angie habang binubuksan ni Cris ‘yung paper bag."Tumahimik ka nga riyan, bes! Moment namin ito, mamaya ka na umepal okay?" turan ni Jubelle sa kaibigan kaya naman nag-act si Angie na she zipper her mouth."Thanks, bey! The most precious gift na natanggap ko ever…" wika ni Chris sabay yakap sa dalaga. At dahil may kakaibang ligaya na n

    Huling Na-update : 2021-11-08
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 12

    Mimay Gomez"Mimay, kaya natin ito! Mananalo tayo! One point na lang ang kailangan natin para maging champion ngayong taon. Inaasahan ka namin, okay?" sambit ng kanilang coach na todo-todo sa pagpapaliwanag marahil dulot ng kaba.Championship ngayon sa Women's Volleyball at first time ng kanilang school na nakapasok sa championship at ngayon ay napakasidhi ng labanan ng magkabilang kampo.Lamang sila ng isang puntos 24-23 kaya kapag nakapuntos ang kalaban ay magkakaroon ng deuce at kapag sila ang nakapuntos, sure win na sila. Nasa kabilang kampo ang bola kaya kailangan nilang maging alerto upang maipasok ito sa kabila.Sinimulan ng i-serve ng kabilang grupo ang bola kaya lalong tumindi ang tensyon na nararamdaman ng kampo ni Mimay.Na-receive ni Trish ang bola at isi-net naman ito kay Mimay para gawin ang Killer Spike niya ngunit nauna sa pagtalon si Mimay kaya hindi niya naisagawa ang plano kaya dumaplis lang ito sa kaniyang kamay. Mabuti na lang

    Huling Na-update : 2021-11-09

Pinakabagong kabanata

  • Humanimal University (Book 1)   Humanimal Profiles (Part 5)

    Louise Francoise, 18Half Human, Half DoveSpecial Abilities:•kaya niyang sumanib sa ibang tao para kontrolin ito•ang peacemaker, ang kaniyang balahibo ay parang injection na kapag tinamaan ka o naturukan ka ay kakalma ka it means manlalata ka•ang kaniyang pakpak ay humihiwalay sa kaniya para maging bumerangSi Louise ay hanggang beywang ang itim na buhok na medyo wavy, tapos may side bangs siya na nasa bandang kaliwa, maputi, hindi katangkaran, ang suot niyang damit ay laging pang detective with matching cap pa, tahimik kasi shy type, deep inside makulit at palatawa, isip bata rin, mahilig maglaro ng chinese garter kaya kapag niyaya ka niya ay talagang mapapasabak ka kasi tuturukan ka niya ng pampakalma gamit ang kaniyang balahibo. Introvert person kaya gusto niyang harapin ang mga problema niya na hindi niya malagpasan at makalimutan. Gusto niya kasing mapagtagumpayan ito.

  • Humanimal University (Book 1)   Humanimal Profiles (Part 4)

    Whitecat Garfield, 22Half Human, Half CatSpecial Abilities:•ang kaniyang mga kuko at pangil at sadyang nakakapanghilakbot dahil may lason itong taglay•kaya niyang mangamot gamit ang kaniyang mata ngunit kapag nasobrahan siya sa gamit tiyak na bulag ang kaniyang makakamit•sabi nila ay may siyam na buhay raw ang mga pusa ngunit taliwas ito sa kaniya dahil siyam na beses niya lang puwedeng gamitin ang kaniyang special power at ito'y tinatawag na, hound clawSi Whitecat ay matangkad, sexy, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata, morena, black na may blue ang kulay ng kaniyang buhok, light blue ang kulay ng kaniyang mga mata na nagiging dark blue kapag nasisinagan ng araw at kapag nakikipaglaban siya. Sa mga hindi niya ka-close ay snob siya, maldita, seryoso, at pasaway. Sa mga ka-close naman niya ay baliw, bubbly, maligalig na parang kiti-kiti, mabait, maaasahan at matulungin.Gusto

  • Humanimal University (Book 1)   Humanimal Profiles (Part 3)

    Raya Arellano, 20Half Human, Half SnakeSpecial Abilities:•ang kaniyang katawan ay nagiging elastic na parang goma•poison sting, ang tawag sa kakayahan niya na kapag bumuga siya ng laway then mag-fo-form ito like needle na kapag tinamaan ka ay tiyak na matitigok ka•nakakagawa siya ng usok na kaniyang ginagamit pang depensaSi Raya ay may taas na 5'3, maganda at sexy na sadyang kaakit-akit hindi mo maiiwasang hindi mapatingin sa kaniya, "Head Turner" kumbaga. Berde ang kulay ng kaniyang mga mata na kasing talim ng kutsilyo kung tumingin. Mahaba at diretso ang kaniyang itim na buhok, maputi, matangos ang kaniyang ilong, mapula ang kaniyang labi. Siya ay nagiging humanimal kapag nagagalit, natatakot at kapag may threat na nagbabadya sa kaniya. Kahit naman ganiyan siya ay maalaga iyan. Mabait, ismarte, kaso nga lang moody pero mahilig siya sa musika.Ang kaniyang ina ay isang mortal at

  • Humanimal University (Book 1)   Humanimal Profiles (Part 2)

    Fara Azure, 18Half Human, Half ButterflySpecial Abilities:•bihasa sa paggamit ng espada kaya kapag iyan na ang pinag-uusapan ay walang makakatalo sa kaniya•nag-iiba ang kulay ng kaniyang pakpak kapag may nakakaramdam siyang hindi maganda•mabilis lumipadSi Fara ay matangkad na babae na puwedeng isalang sa beauty pageant. Kasing kulay ng labanos ang kaniyang balat, mayroon itong kaakit-akit na mga mata na kulay lila, mahaba at kulay itim ang kanyang unat na buhok na naka-full bangs pa, lagi siyang nakasuot ng purple kasi paborito niya itong kulay. Matapang na dalaga si Fara ngunit cold ito sa mga tao, hindi niya trip makipag-usap ‘yung tipong may sarili siyang mundo pero may mga kaibigan naman siya kaso kaunti lang hindi karamihan.Pinahahalagahan niya ang mga taong mahalaga sa kaniya at willing siya na isakripisyo ang kaniyang sarili para sa kaniyang minamahal. Dahil sa isang

  • Humanimal University (Book 1)   Humanimal Profiles (Part 1)

    Ang Humanimal University ay nagbigay ng paanyaya sa mga humanimal sa bawat sulok ng mundo upang maging tagapagligtas ng ating mundo laban sa may balak na sakupin ito.Heto ang mga humanimal na tumanggap sa imbitasyon ng Unibersidad. Kilalanin mo sila.Hailey Borromeo, 18Half Human, Half CheetahSpecial Abilities:•mabilis siyang kumilos at mag-isip kaya walang nakakalamang sa kaniya pagdating sa diskartehan•maliksi kung gumalaw kaya nakikipagsabayan siya sa mga mananakbo sa kanilang lugar•mayroon siyang matutulis na mga kuko na kapag nasagi ka lang nito ay tiyak na wakwak ang balat moSi Hailey ay may taas na 5'4 na sabi ng iba ay hindi naman daw totoo. Nagsusuot lang daw ito ng mataas na sapatos upang hindi masabihan ng pandak. Mayroon siyang kayumangging buhok na umaabot hanggang sa kaniyang dibdib, almond shape brown eyes, saktong kulay ng balat hindi maitim at hind

  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 30

    Nagsimula nang magliwanag ang kanang kamay ni Raya at lumabas mula rito ang pigura ng isang berdeng ahas. Sa paglutang niya sa ere, pinalibutan siya ng itim na usok na wari mo'y nagtatakip sa pagpapalit anyo niya.Ang kaniyang mata na maamo ay naging kasindak-sindak; ang kulay nitong itim ay naging berde na ang talim kung makatingin. Ang kaniyang buhok na unat ay naging kulot; nagkaroon ang itim niyang buhok ng berdeng highlights. Ang kaniyang magkabilang kamay ay nagkaroon ng kulay berdeng gloves na hanggang braso ang haba. Ang kaniyang labi ay nagkaroon ng lipstick na kulay itim.Ang kaniyang kasuotan ay napalitan din. Ang kaniyang pang itaas ay naging strapless bra lamang na kulay berde na wari mo'y kaliskis ito ng isang ahas. Ang kaniyang pambaba ay naging itim na jeggings na mala-kaliskis din ang disenyo. Tinernuhan pa ito ng isang dark green na sapatos na mayroong four inch ang taas.Nagsimula nang magliwanag ang kanang kamay ni Craione at lumabas mula rit

  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 29

    Nagsimula ng magliwanag ang kanang kamay ni Mimay at lumabas dito ang pigura ng isang agila. Habang umaangat siya sa ere, tila ba umiindayog ang mga balahibo ng ibon sa saliw ng hangin.Ang mga kuko niya ay nagsihabaan, nagkaroon ito ng kulay na dilaw na mayroong disenyong tatlong ekis. Ang kaniyang blonde na buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay dilaw na naka-pony tail. Sa kaniyang noo, may nakalagay roong band na mayroong tatlong feather bilang disenyo. Ang kaniyang brown na mata ay naging dilaw din. Nagkaroon din siya ng wristband na kulay dilaw.Ang kaniyang kasuotan ay naging tube blouse na kulay dilaw at mayroong itim na sinturon sa bandang beywang. Ang kaniyang pambaba ay isang silk leggings na tinernuhan ng low cut boots na wari mo'y may pakpak na disenyo sa magkabilang gilid nito. Lumabas ang kaniyang pakpak na kulay puti na mayroong dilaw na linya sa bawat dulo ng balahibo.Nagliwanag ang kanang kamay ni Yell at lumabas dito ang pigura ng isang pan

  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 28

    Mayamaya pa ay umilaw ang kanang kamay ni Lilly at may pigura ng koala ang lumabas mula rito. Sa paglutang niya sa ere, mayroong dahong umiikot sa kaniya.Ang mga mata niya ay nagmistulang malamlam na kulay abo. Ang kaniyang buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay abo. Medyo kumapal din nang kaunti ang kaniyang kilay. Ang kaniyang mga kuko ay nagkaroon ng kulay, kulay abo na mayroong design itim na pahabang linya sa gitna nito.Ang kaniyang kasuotan ay napalitan ng mini sando black na litaw ang kaniyang pusod. Pinatungan pa ito ng abong cardigan. Ang kaniyang pambaba ay palda na five inch lang ang haba na mayroong gray lining sa laylayan nito. Ang kaniyang sapatos naman ay naging low-cut boots na kulay itim.Nagliwanag ang kanang kamay ni Robbie at lumabas dito ang pigura ng isang paniki. Habang umaangat siya sa ere, pinaliligiran siya ng miniature na mga paniki. Humaba ang kaniyang mga pangil. Ang kaniyang mga mata at nagmistulang kahindikdik sa takot dahil n

  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 27

    Ang mga napiling humanimals ay hinati sa limang grupo.Team HVenus, Helvina, Laurice, Whitecat, Audrin, Mathie, Clyte, Arvee, Julie, at JadeTeam ULucifera, Mimay, Raya, Hope, Angie, Craione, Lilly, Sammy, Robbie, NicTeam MSelina, Kryzette, Caridad, Kate, Jubelle, Cazandra, Fara, Lucario, Caelum, AikaTeam ADahlia, Yell, California, Enzo, Karl, Tavitta, Teshia, Raven, Maricon, YuanaTeam NMachie, Eli, Clowee, Marama, Hailey, Joniel, Czarina, Runami, Louise, JacqueSila'y sasanayin at hahasain upang mahubog lalo ang kanilang nakatagong kakayahan. Mayroong tatlong pagsubok silang kahaharapin upang mailabas nila ang kanilang galing.Ngunit, pipiliin lamang ang higit na kinakitaan ng galing, kakayahan, at angking pagnanais na maipagtanggol ang sangsinukuban.Halina't alamin natin ang kaganapan sa loob ng Unib

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status