Share

Humanimal University (Book 1)
Humanimal University (Book 1)
Author: risingservant

Chapter 1

Author: risingservant
last update Last Updated: 2021-07-27 21:48:14

Sa ating mundo ay mayroong dalawang uri ng tao na naninirahan dito. Una, ang mga taong mortal. Sila 'yung mga taong normal lang ang pamumuhay. Wala silang pakialam sa paligid dahil mga makasarili sila at hindi nila iniisip 'yung iba. Pero hindi naman lahat ng taong mortal ay gano'n.

Pangalawa, ang mga taong humanimals. Sila 'yung mga taong half human at half animal. Sila 'yung may angking kakayahan o abilidad para maprotektahan ang mundo. Noon ay hindi nagtatagpo ang mga tao at mga humanimal, tila ba may kaniya-kaniya silang dimension ng pamumuhay. Basta ang alam lang nila ay masaya sila sa buhay na mayroon sila.

Ang mga taong mortal ay may tatlong klase ng pamumuhay, mayaman, middle class at mahirap. 

Ang mga mayayaman ay tila sila ang batas. Maraming mayayaman ang namamahala sa kanilang lugar. Karamihan sa kanila ay mayaman na at mas lalong nagpapayaman pa. May kapangyarihan silang kontrolin ang lugar na iyon pati na ang mga tao sa pamamagitan ng pera. Mahirap din maging mayaman sapagkat hindi ka nalalayo sa tukso. Ang tukso ay nandiyan lang sa paligid.

Ang mga middle class naman ay sakto lang ang pamumuhay. Nasa kanila na kung ano ba ang gusto nilang gawin sa buhay pero hindi sila pumapayag na magpaalipin sa mga mayayaman dahil lalaban at lalaban sila hanggang sa kaya nila. Ayaw nilang inaapi sila o tinatapakan.

At ang mga mahihirap naman, sila 'yung mga taong tila tinanggalan ng kalayaan. Wala silang magawa kundi sumunod lang sa mga utos ng mga mayayaman at para bang basahan ang turing sa kanila na puwede mong tapak-tapakan. Talagang kahabag-habag kapag sila'y nakita mo sa lipunan.

Dumako naman tayo sa mga taong humanimals. Ang mga humanimals ay may kaniya-kaniyang kastilyong pinamamahalaan. Nakadepende iyon sa kung ano mang klase ng hayop sila. Ang bawat uri ng humanimal ay may kaniya-kaniyang sariling hari ngunit isa lang ang pinakanamumuno sa lahat at iyon ay si Haring Phoenixto. Siya ang namumuno at namamahala sa buong Humanimalandia.

Si Haring Phoenixto ang may kakayahang panatilihin ang kapayapaan sa buong lugar ng Humanimalandia at siya rin ang may hawak at tagapangalaga ng dipole. Ang ibig sabihin ng Dipole ay Dimensional Portal, ito ang naghahati sa mundo ng mga taong mortal at mga humanimal. Dapat itong ingatan sapagkat ito ay mahalaga sa mga humanimal at kapag nasira ito, tiyak na maghahalo ang mundo ng mga mortal at humanimals na maaaring ikagulo ng lahat.

Ang dipole ay naglalaman ng small built particle. Kapag nabasag ito at nakuha ng sinuman ay tiyak na magkakagulo dahil maaari niyang pagharian ang buong mundo. At siya na ang magiging pinakamalakas at wala nang makatatalo pa sa kaniya. Hindi na magiging balance ang mga bagay-bagay lalo na kapag nagsama ang dimension ng mga mortal at humanimal. Iyon ang rason kung bakit napakahalaga ng dipole at hindi puwedeng mapunta sa kamay ng masamang tao.

Ang Haring Phoenixto ay mayroong anak at siya ay si Prince Elmo. Halos lahat ng humanimals ay manghang-mangha sa kaniya dahil sa taglay nitong kapangyarihan. Walang duda na siya ang papalit sa puwesto ng mahal na hari kapag bumaba na ito sa kaniyang trono.

Walang nakakaalam ng kapangyarihan ni Prince Elmo dahil bihira niya lang itong gamitin. Sa isang kurap mo lang ay makikita mo ng talo na ang kaniyang kalaban. Hindi ka nga makakapaniwala kung paano niya ito tinalo sa ganoong kabilis na oras, ni hindi nga siya gumalaw sa kaniyang kinatatayuan kaya unknown pa rin hanggang ngayon ang kaniyang kapangyarihan.

Si Prince Elmo ay mayroong matalik na kaibigan at iyon ay si Snakson na isang half human at half snake. Simula pagkabata ay sila na ang laging magkasama at hanggang ngayon. Itinuring na ngang tunay na anak ni Haring Phoenixto si Snakson sapagkat kaibigan ng hari ang mga magulang ng binata ngunit nasawi sila sa isang giyera noon kaya sa puder na niya namalagi ang binata.

Isang araw sa may gubat habang nag-eensayo si Snakson ay may lumapit sa kaniya.

"Snakson, hindi ka ba naiingit kay Prince Elmo kasi lagi na lang siyang magaling kaysa sa iyo at lagi na lang pinupuri. Halos hindi nga pinapansin ng mahal na hari ang pagiging masigasig mo. At dahil sa anak niya si Elmo, tiyak na rito niya ipapamana ang trono kapag nagbitiw na siya kaya habang maaga pa ay kumilos ka na," tukso ng kapwa niya half snake.

"Bakit ko naman gagawin iyon e may utang na loob ako sa mahal na hari at matalik kong kaibigan si Elmo? Paano ko maaagaw ‘yung puwesto na iyon aber? Saka okay na sa akin na ganito ‘yung walang masyadong iniisip," tugon naman ni Snakson habang tumatawa pa.

"Diyan ka nagkakamali, Snakson," sambit no’ng half snake na kasama niya.

"Ha? Hindi kita maintindihan. Okay lang sa akin kahit hindi ako ang maging hari baling araw, basta masaya ako," wika ng binata habang patuloy sa pag-eensayo.

"Alam mo ba na kapag sa ‘yo napunta ang dipole ay ikaw na ang maghahari sa buong mundo?! Ikaw ang magiging pinakamalakas at wala nang makatatalo pa sa iyo. Saka mahihigitan mo na ang kapangyarihan ni Prince Elmo. ‘Di ba iyon ang gusto mo? Ang matalo siya? Kaya kung ako sa iyo ay sisirain ko ang dipole at kakainin para maangkin ang nasa loob nito para maging makapangyarihan na ako sa lahat," anito.

"Oo, gusto ko ngang matalo si Elmo pero kung makakasakit naman ako ng maraming tao e huwag na lang. Kuntento na ako sa kung ano man ang mayroon ako," saad ng binata.

"O sige, dahil sa mahirap kang kumbinsihin may sasabihin ako sa iyong sikreto," wika ng kaniyang kasama.

"Sikreto? Tungkol saan naman?" Nabalot ng kuryosidad ang binata.

"Sa totoo lang niyan, ang mga magulang mo dapat ang magiging hari at reyna dito sa Humanimalandia kaso iniligtas nila si Phoenixto at ang asawa nito kaya sila ang napahamak. Kaya dapat ay kamuhian mo sila kasi sila ‘yung rason kung bakit hindi mo kapiling ngayon ang mga magulang mo. Dapat lang na pagbayarin mo sila," panunukso nito sa binata.

Hindi alam ng binata kung paniniwalaan ba nito ang kasama niya. Pinanatili niyang tikom ang kaniyang bibig marahil ay naguguluhan siya sa kaniyang narinig.

"Mamaya, magkita tayo rito ulit at sana nakapagdesisyon ka na. Kapag nagtagumpay kang kuhanin ang dipole, tiyak na wala nang tatalo pa sa iyo at maaari mo ng pamunuan ang buong mundo!" panunukso pa ng lalaking kasama niya bago ito naglakad papalayo.

Ngayon ay pilit na binabagabag si Snakson at tila mukhang nabubulag na siya nito. Hindi niya alam na ginamitan siya ng kapangyarihan ng lalaki. Panunukso ang kapangyarihan nito at kapag nagpaapekto ka rito ay tiyak gagawin mo kung anuman ang sinabi niya nang walang pag-aalinlagan.

Ngayon ay napasailalim si Snakson sa kapangyarihan ng lalaki at sinunod nga nito ang iniutos na kuhanin ang dipole at ngayon ay nakuha niya ito at dinala sa kagubatan.

"Magaling-magaling Snakson, hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo," pahayag ng lalaki habang kinukuha ang dipole.

Bigla namang nagising sa katotohanan si Snakson at wala na ang epekto ng panunukso.

"Manloloko ka! Sinungaling ka! Ginamit mo pa ang mga magulang ko para lang mapasailalim sa kapangyarihan mo!" sigaw ni Snakson habang dinuduro niya ito.

"Relax ka lang, tayo ang magiging pinakamalakas sa buong mundo. Pero bago mangyari iyon ay kailangan kita… kailangan nating magsanib para mapamunuan natin ang mundo. Oo nga pala, bago ko makalimutan, ako si Demisnak," aniya habang pinagmamasdan ang dipole.

"Hindi ako papayag sa matupad ang masamang plano mo kaya ngayon pa lang ay pipigilan na kita!" anas ng binata sabay sugod kay Demisnak.

Bago pa niya ito malapitan ay naunahan na siya nito. Sinira na niya ang dipole at kinain ang small particles na nakapaloob dito.

Nais ni Snakson na gumalaw ngunit hindi niya magawa dahil naging paralisado ang katawan niya. Unti-unti siyang hinihila papalapit kay Demisnak ng isang hindi malamang lakas. Gustuhin niya mang manlaban pero wala siyang nagawa hanggang sa nahigop siya nito, pareho sila ni Demisnak na hinigop ng dipole.

Nang dahil sa nangyari ay biglang nayanig ang buong Humanimalandia at para bang magnitude 8 ang lakas ng pagyanig.

"Isa lang ang ibig sabihin nito, may lapastangang naghangad sa kapangyarihan ng dipole!" giit ng Haring Phoenixto.

Dahil dito ay pinatawag niya ang mga alagad niya at mga humanimal na may malakas na kakayahan para puntahan ang lugar kung saan nagmumula ang pagyanig.

Sa pagsasanib ng kapangyarihan nina Snakson at Demisnak ay lalong naging malakas sila at nabuhay ang kakaibang nilalang sa kanilang pagsasanib puwersa. Si Demisnak at Snakson ay naging isa at ngayon ay kilala na sa tawag na Sondem. Ang dating half snake ay biglang nag-evolved at naging isang half dragon snake.

Si Snakson ay tila nakulong sa katauhan ni Demisnak kaya wala siyang magawa kahit gustuhin niya mang kumawala. Ngayon ay kontrolado na ni Demisnak ang lahat at ngayon ay mas kilala na sa tawag na Sondem.

Ngayon ay napunta na sa kamay ng masamang tao ang dipole at nang dahil doon ay naging isa na ang mundo ng mga mortal at humanimals.

Ang dalawang pinakamataas na uri ng hayop at talagang magkalaban na para bang kabutihan laban sa kasamaan ay ang Phoenix at ang Dragon.

Matagal na ring panahon sila no’ng huling nagkatunggali ang dalawa matapos makulong ng mga ninuno ni Haring Phoenixto ang dragon sa loob ng dipole kaya pilit itong pinaka-iingatan dahil sa panganib nitong dala.

Nang dahil sa nangyari ay nagkita na ang landas ng mga taong mortal at humanimal. Hindi magkandamayaw ang mga mortal nang makita nila ang mga humanimal kaya medyo nagkaroon ng gulo.

Ngayong nagkatagpo ang Haring Phoenixto at si Sondem tiyak na malaking labanan ang mangyayari. Ang magkabilang panig ay parehong nagtataglay ng kapangyarihan ng apoy. Ang elemento ng hangin, tubig at lupa ay maaari din nilang gamitin dahil kakayahan nila iyon na taglay.

Bago sumabak sa laban ang Haring Phoenixto ay inutusan niya ang kaniyang anak na si Prince Elmo na hanapin ang natatanging humanimals upang makatulong nila sa pagliligtas ng mundo. Sumunod naman dito si Prince Elmo at humayo na para hanapin sa bawat sulok ng mundo ang maaaring maging katuwang sa pagliligtas dito.

Nang dahil dito ay tinayo niya ang Humanimal University upang tulungan ang mga humanimals na madiskubre at mapalakas ang kanilang kapangyarihan. Ang mga humanimal ay may kakayahang itago ang kanilang pagiging half animal para maging tao.

Ngayong nagkahalo na ang mundo ng mga mortal at mga humanimal ay kailangan nilang maging maingat sapagkat iba ang patakaran ng mga mortal at humanimal kaya kailangan nilang makitungo sa isa't isa.

Pero paano kaya makikitungo ang mga humanimal sa mga mortal kung sa kanilang tunay na pagkatao pa lang ay hindi na sila tanggap? Paano pakikisamahan ng mga humanimal ang mga mortal? Sa lipunang mapanghusga, paano kaya sila makararaos at makatatagal sa pagtatago ng kanilang tunay na anyo?

Related chapters

  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 2

    Czarina BanksPara namang akong may nakahahawang sakit nito kasi walang may gustong lumapit sa akin para makipagkaibigan man lang. Hindi naman ako mukhang masamang tao, a? E bakit gano’n na lang ang mga estudyante sa eskwelahang pinapasukan ko? Hay, buhay.Lagi na lang akong walang kasama tuwing lunch break. Nagmumukha tuloy akong loner sa kalagayan kong ito. Sadyang kaawa-awa pero imbis na kaawaan ako ay kabaligtaran naman iyon sa iniisip nila kasi takot silang lahat sa akin marahil sa aura ko. Sa unang tingin ko pa lang, nasisindak na sila.Fierce as a tiger, iyan ang tag-uri nila sa akin. Para daw akong tigre na mangangain kaya marapat lang na iwasan.Ang hirap ng sitwasiyon ko ngayon, hindi ako sanay sa mundong mapanghusga. Isa akong middle class kaya may karapatan pa rin akong ipahayag ang sarili kong nararamdaman hindi gaya ng mga mahihirap na tinatanggalan nila ng karapatan at para bang basahan na tinatapak-tapakan lang.Ang tatay ko n

    Last Updated : 2021-07-27
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 3

    Maricon Go"O, Maricon, mukhang kubang-kuba ka na niyan sa pag-aaral, a? Baka ma-perfect mo na ‘yung exam niyan mamaya,” wika ng kaibigan ni Maricon na si Jean na prenting-prenti lang na parang walang pinoproblema sa buhay."Hay naku Jean, iyan ka na naman, e! Ayaw mo kasing mag-review kaya tuloy kapag exam nganga ka at aligagang-aliga ka sa pangangalap ng sagot," saad ng dalaga habang pinipigil ang pagtawa.Nasa canteen sila ngayon dahil lunch break at after noon ay exam na nila sa Physics. Mag-best friend ang dalawang iyan simula noong first year high school at hanggang ngayon fourth year ay sila pa rin ang magkasama."E ang hirap kayang kabisaduhin ng mga formula. Feeling ko ay matutuyuan ako ng utak kapag nakikita ko palang ‘yung libro natin diyan, e," anito habang nagre-retouch."Alam mo Jean my bff, matalino ka at magaling ka naman kaso ayaw mong magsipag sa pag-aaral. Hindi ka ba nahihiya kapag nangongopya ka o nangongodigo

    Last Updated : 2021-07-27
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 4

    Louise Francoise"Ang weird mo! Matanda ka na pero ganiyan ka pa rin, hindi ka na nagbago! Isip bata ka kahit kailan! Grow up, Louise!" singhal ng kaniyang madrasta."Sorry po, nag-e-enjoy po kasi ako kapag ganito ‘yung mga ginagawa ko, e. Heto po ‘yung nagpapaligaya sa akin kaya sana po ay tanggapin n’yo kung ano ang gusto kong gawin," nakayukong turan ni Louise rito."Nagdrama ka pa riyan! Hubarin mo na nga iyang suot mong pang-detective na damit! Kung anu-ano kasi ang pinapanood sa TV e," sigaw nito sa kaniya."Huwag naman po kayong KJ, pagbigyan n’yo naman po ako kahit ngayon lang. Alam n’yo naman pong idol ko ang mga detective, e. Saka pinabili ko pa po ‘yung damit na ito kay Papa…" pahayag ni Louise habang may mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata.Dahil nasa middle class si Louise, nagagawa niya ang gusto niya at naibibigay naman ng kaniyang ama ang gusto niya. Pero kahit na gano’n, hi

    Last Updated : 2021-11-01
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 5

    Audrin Paz"Anak, tandaan mo na dapat ay maging maingat ka. Dapat, hindi malaman ng mga tao ang tunay mong katauhan. At dapat, huwag mo itong gagamitin, maliwanag?" Paalala ng kaniyang ina bago siya pumasok. Tumango lamang ang binata bilang tugon.Naglalakad papasok sa school si Audrin dahil mahirap lang sila at wala siyang perang pamasahe sapagkat sakto lang ang pera niyang 20 pesos para sa kaniyang pagkain. Kailangan niyang magtipid para makaraos sa buhay.Ang kaniyang ina ay isang labandera at ang kaniyang ama naman ay isang tricycle driver. Sila ay limang magkakapatid at siya ang pangatlo sa mga ‘to. Sa kanilang lahat, siya lang ang mayroong kapangyarihan na kinaiinggitan naman ng kaniyang mga kapatid.Natuklasan niya ang kaniyang kapangyarihan noong sumali siya sa isang marathon.---"Audrin! ‘Di ba kailangan mo ng pera para sa kapatid mong naaksidente?" tanong ni Zed na kaniyang kaibigan.

    Last Updated : 2021-11-02
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 6

    Enzo Heil"ANG GUWAPO KO! HAHAHA!" sigaw ni Enzo habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Napagkakamalan tuloy siyang baliw ng mga taong kasabay niyang tumatawid sa pedestrian lane."Mama, tingnan mo ‘yun, o! Si Kuyang matangkad, guwapo raw siya…" wika ng batang babae na paslit sa kaniyang ina habang nakaturo kay Enzo."Naku anak, baliw iyan! Tingnan mo nga ‘yung suot, o, ang dusing! Para siyang taong grasa. Kaya huwag kang lalapit diyan kasi kukuhanin ka niya saka ka itatapon sa ilog gusto mo ba iyon?" ani ng matandang babae sa kaniyang anak."Naku Ma, tara bilisan na natin ‘yung paglalakad at natatakot na ako sa kaniya, e," sambit ng batang babae. Dulot ng sobrang takot ay nagtatago siya sa likuran ng kaniyang ina."Miss, ang guwapo ko, ‘no? HAHAHA! Puwede na ba akong maging modelo?" saad ni Enzo sa maputing dalaga na nakasalubong niya pagkatawid sa pedestrian lane. Umaakto pa siya ng pose na tila isang modelo.

    Last Updated : 2021-11-03
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 7

    Lilly Hunter"Dinaig ko pa si Sleeping Beauty! Kung siya ay natutulog, ako naman ay nagpapatulog gamit ang aking mahiwagang halik kaya tuloy hindi ako magkaroon ng lovelife, e. Ayaw ko nang ganito! Gusto kong mabuhay nang normal!" sigaw ni Lilly sa rooftop ng kaniyang pinapasukang eskuwelahan.---Nagsimula ang lahat noong mayroon siyang tinulungang matandang babae noong anim na taon pa lang siya.Inutusan siya noon ng kaniyang ina na dalhin ang nilutong pagkain nito sa kaniyang lola na nasa kabilang ibayo pa. Kailangan niyang bagtasin ang kagubatan bago siya makarating sa lugar ng lola niya.Habang tinatahak niya ang loob ng kagubatan ay mayroon siyang natagpuang matandang babae na nakahandusay sa daan kaya naman dali-dali niya itong tinulungan."Lola, ano pong nangyari sa inyo?" tanong niya rito nang magkaroon ito ng malay."Pasensiya ka na, ineng, isang linggo na kasi akong hindi kumakain, e, kaya heto n

    Last Updated : 2021-11-04
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 8

    Tavitta Chan"Ang tanga-tanga mo kahit kailan, Chuchay! ‘Di ba sinabi ko na sa iyong flauccinocinnihilifilification ang sagot e bakit supercalifragilisticexpialidocious pa ang sinagot mo? Hay, ang tanga mo talaga! Utak biya! Sana hindi na lang kita naging kapartner! Ayan tuloy, loser tayo! Hay! Pinag-iinit mo ang ulo't dugo ko!” singhal ni Tavitta.“Baka kung ano pa ang magawa ko sa ‘yo, e! Makaalis na nga lang sa lugar na ito!" anas pa niya sa kaniyang kaklase na si Chuchay. Tila yamot na yamot ang dalaga kaya minabuti niyang lumayo muna.Katatapos lang ng kanilang quiz bee. Hindi matanggap ni Tavitta na natalo siya kaya masyado niya itong dinibdib at sinisisi si Chuchay sa nangyari.Si Tavitta ay kabilang sa mahirap na lipunan ngunit siya’y masyadong mapagmataas. Gusto niya ay siya ang laging nasusunod at higit sa lahat, ayaw niyang pinangungunahan siya ng ibang tao.Dali-daling nagtatakbo ang dalaga sa may hardin da

    Last Updated : 2021-11-05
  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 9

    Joniel NovaNaglalakad si Joniel pauwi ng kanilang tahanan ngayon. Hobby niya rin ang pakikinig ng musika kaya heto siya, naka-earphone habang naglalakad sa gilid ng kalsada.Hindi niya namalayan ang oras kaya ginabi na siya ng pag-uwi. At higit pa roon, galit siya sa papa niya dahil lagi na lang siya nitong pinagbubuntunan ng galit at sa hindi maiiwasang bagay ay nabubugbog siya nito."Nakakaasar si Papa, noong nakaraang araw lang e ang saya-saya naming nagkukuwentuhan pero ngayon, naging kakaiba ang kaniyang pakikitungo sa akin," wika ni Joniel sa kaniyang sarili habang naglalakad nang dahan-dahan."Mabuti pa ang musika, napapagaan ang loob ko kahit papaano," dagdag pa niya."Ang galing talaga ni Psy, hanga na ako sa kaniya kasi dati ay Gangnam Style lang ang sinasayaw ko kahit na parehong kaliwa ang paa ko, e. S’yempre, nakikipagsabayan ako. Ngayon, heto namang Gentleman… ayan na, chorus na! Masayaw nga…" aniya sa sarili.

    Last Updated : 2021-11-06

Latest chapter

  • Humanimal University (Book 1)   Humanimal Profiles (Part 5)

    Louise Francoise, 18Half Human, Half DoveSpecial Abilities:•kaya niyang sumanib sa ibang tao para kontrolin ito•ang peacemaker, ang kaniyang balahibo ay parang injection na kapag tinamaan ka o naturukan ka ay kakalma ka it means manlalata ka•ang kaniyang pakpak ay humihiwalay sa kaniya para maging bumerangSi Louise ay hanggang beywang ang itim na buhok na medyo wavy, tapos may side bangs siya na nasa bandang kaliwa, maputi, hindi katangkaran, ang suot niyang damit ay laging pang detective with matching cap pa, tahimik kasi shy type, deep inside makulit at palatawa, isip bata rin, mahilig maglaro ng chinese garter kaya kapag niyaya ka niya ay talagang mapapasabak ka kasi tuturukan ka niya ng pampakalma gamit ang kaniyang balahibo. Introvert person kaya gusto niyang harapin ang mga problema niya na hindi niya malagpasan at makalimutan. Gusto niya kasing mapagtagumpayan ito.

  • Humanimal University (Book 1)   Humanimal Profiles (Part 4)

    Whitecat Garfield, 22Half Human, Half CatSpecial Abilities:•ang kaniyang mga kuko at pangil at sadyang nakakapanghilakbot dahil may lason itong taglay•kaya niyang mangamot gamit ang kaniyang mata ngunit kapag nasobrahan siya sa gamit tiyak na bulag ang kaniyang makakamit•sabi nila ay may siyam na buhay raw ang mga pusa ngunit taliwas ito sa kaniya dahil siyam na beses niya lang puwedeng gamitin ang kaniyang special power at ito'y tinatawag na, hound clawSi Whitecat ay matangkad, sexy, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata, morena, black na may blue ang kulay ng kaniyang buhok, light blue ang kulay ng kaniyang mga mata na nagiging dark blue kapag nasisinagan ng araw at kapag nakikipaglaban siya. Sa mga hindi niya ka-close ay snob siya, maldita, seryoso, at pasaway. Sa mga ka-close naman niya ay baliw, bubbly, maligalig na parang kiti-kiti, mabait, maaasahan at matulungin.Gusto

  • Humanimal University (Book 1)   Humanimal Profiles (Part 3)

    Raya Arellano, 20Half Human, Half SnakeSpecial Abilities:•ang kaniyang katawan ay nagiging elastic na parang goma•poison sting, ang tawag sa kakayahan niya na kapag bumuga siya ng laway then mag-fo-form ito like needle na kapag tinamaan ka ay tiyak na matitigok ka•nakakagawa siya ng usok na kaniyang ginagamit pang depensaSi Raya ay may taas na 5'3, maganda at sexy na sadyang kaakit-akit hindi mo maiiwasang hindi mapatingin sa kaniya, "Head Turner" kumbaga. Berde ang kulay ng kaniyang mga mata na kasing talim ng kutsilyo kung tumingin. Mahaba at diretso ang kaniyang itim na buhok, maputi, matangos ang kaniyang ilong, mapula ang kaniyang labi. Siya ay nagiging humanimal kapag nagagalit, natatakot at kapag may threat na nagbabadya sa kaniya. Kahit naman ganiyan siya ay maalaga iyan. Mabait, ismarte, kaso nga lang moody pero mahilig siya sa musika.Ang kaniyang ina ay isang mortal at

  • Humanimal University (Book 1)   Humanimal Profiles (Part 2)

    Fara Azure, 18Half Human, Half ButterflySpecial Abilities:•bihasa sa paggamit ng espada kaya kapag iyan na ang pinag-uusapan ay walang makakatalo sa kaniya•nag-iiba ang kulay ng kaniyang pakpak kapag may nakakaramdam siyang hindi maganda•mabilis lumipadSi Fara ay matangkad na babae na puwedeng isalang sa beauty pageant. Kasing kulay ng labanos ang kaniyang balat, mayroon itong kaakit-akit na mga mata na kulay lila, mahaba at kulay itim ang kanyang unat na buhok na naka-full bangs pa, lagi siyang nakasuot ng purple kasi paborito niya itong kulay. Matapang na dalaga si Fara ngunit cold ito sa mga tao, hindi niya trip makipag-usap ‘yung tipong may sarili siyang mundo pero may mga kaibigan naman siya kaso kaunti lang hindi karamihan.Pinahahalagahan niya ang mga taong mahalaga sa kaniya at willing siya na isakripisyo ang kaniyang sarili para sa kaniyang minamahal. Dahil sa isang

  • Humanimal University (Book 1)   Humanimal Profiles (Part 1)

    Ang Humanimal University ay nagbigay ng paanyaya sa mga humanimal sa bawat sulok ng mundo upang maging tagapagligtas ng ating mundo laban sa may balak na sakupin ito.Heto ang mga humanimal na tumanggap sa imbitasyon ng Unibersidad. Kilalanin mo sila.Hailey Borromeo, 18Half Human, Half CheetahSpecial Abilities:•mabilis siyang kumilos at mag-isip kaya walang nakakalamang sa kaniya pagdating sa diskartehan•maliksi kung gumalaw kaya nakikipagsabayan siya sa mga mananakbo sa kanilang lugar•mayroon siyang matutulis na mga kuko na kapag nasagi ka lang nito ay tiyak na wakwak ang balat moSi Hailey ay may taas na 5'4 na sabi ng iba ay hindi naman daw totoo. Nagsusuot lang daw ito ng mataas na sapatos upang hindi masabihan ng pandak. Mayroon siyang kayumangging buhok na umaabot hanggang sa kaniyang dibdib, almond shape brown eyes, saktong kulay ng balat hindi maitim at hind

  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 30

    Nagsimula nang magliwanag ang kanang kamay ni Raya at lumabas mula rito ang pigura ng isang berdeng ahas. Sa paglutang niya sa ere, pinalibutan siya ng itim na usok na wari mo'y nagtatakip sa pagpapalit anyo niya.Ang kaniyang mata na maamo ay naging kasindak-sindak; ang kulay nitong itim ay naging berde na ang talim kung makatingin. Ang kaniyang buhok na unat ay naging kulot; nagkaroon ang itim niyang buhok ng berdeng highlights. Ang kaniyang magkabilang kamay ay nagkaroon ng kulay berdeng gloves na hanggang braso ang haba. Ang kaniyang labi ay nagkaroon ng lipstick na kulay itim.Ang kaniyang kasuotan ay napalitan din. Ang kaniyang pang itaas ay naging strapless bra lamang na kulay berde na wari mo'y kaliskis ito ng isang ahas. Ang kaniyang pambaba ay naging itim na jeggings na mala-kaliskis din ang disenyo. Tinernuhan pa ito ng isang dark green na sapatos na mayroong four inch ang taas.Nagsimula nang magliwanag ang kanang kamay ni Craione at lumabas mula rit

  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 29

    Nagsimula ng magliwanag ang kanang kamay ni Mimay at lumabas dito ang pigura ng isang agila. Habang umaangat siya sa ere, tila ba umiindayog ang mga balahibo ng ibon sa saliw ng hangin.Ang mga kuko niya ay nagsihabaan, nagkaroon ito ng kulay na dilaw na mayroong disenyong tatlong ekis. Ang kaniyang blonde na buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay dilaw na naka-pony tail. Sa kaniyang noo, may nakalagay roong band na mayroong tatlong feather bilang disenyo. Ang kaniyang brown na mata ay naging dilaw din. Nagkaroon din siya ng wristband na kulay dilaw.Ang kaniyang kasuotan ay naging tube blouse na kulay dilaw at mayroong itim na sinturon sa bandang beywang. Ang kaniyang pambaba ay isang silk leggings na tinernuhan ng low cut boots na wari mo'y may pakpak na disenyo sa magkabilang gilid nito. Lumabas ang kaniyang pakpak na kulay puti na mayroong dilaw na linya sa bawat dulo ng balahibo.Nagliwanag ang kanang kamay ni Yell at lumabas dito ang pigura ng isang pan

  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 28

    Mayamaya pa ay umilaw ang kanang kamay ni Lilly at may pigura ng koala ang lumabas mula rito. Sa paglutang niya sa ere, mayroong dahong umiikot sa kaniya.Ang mga mata niya ay nagmistulang malamlam na kulay abo. Ang kaniyang buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay abo. Medyo kumapal din nang kaunti ang kaniyang kilay. Ang kaniyang mga kuko ay nagkaroon ng kulay, kulay abo na mayroong design itim na pahabang linya sa gitna nito.Ang kaniyang kasuotan ay napalitan ng mini sando black na litaw ang kaniyang pusod. Pinatungan pa ito ng abong cardigan. Ang kaniyang pambaba ay palda na five inch lang ang haba na mayroong gray lining sa laylayan nito. Ang kaniyang sapatos naman ay naging low-cut boots na kulay itim.Nagliwanag ang kanang kamay ni Robbie at lumabas dito ang pigura ng isang paniki. Habang umaangat siya sa ere, pinaliligiran siya ng miniature na mga paniki. Humaba ang kaniyang mga pangil. Ang kaniyang mga mata at nagmistulang kahindikdik sa takot dahil n

  • Humanimal University (Book 1)   Chapter 27

    Ang mga napiling humanimals ay hinati sa limang grupo.Team HVenus, Helvina, Laurice, Whitecat, Audrin, Mathie, Clyte, Arvee, Julie, at JadeTeam ULucifera, Mimay, Raya, Hope, Angie, Craione, Lilly, Sammy, Robbie, NicTeam MSelina, Kryzette, Caridad, Kate, Jubelle, Cazandra, Fara, Lucario, Caelum, AikaTeam ADahlia, Yell, California, Enzo, Karl, Tavitta, Teshia, Raven, Maricon, YuanaTeam NMachie, Eli, Clowee, Marama, Hailey, Joniel, Czarina, Runami, Louise, JacqueSila'y sasanayin at hahasain upang mahubog lalo ang kanilang nakatagong kakayahan. Mayroong tatlong pagsubok silang kahaharapin upang mailabas nila ang kanilang galing.Ngunit, pipiliin lamang ang higit na kinakitaan ng galing, kakayahan, at angking pagnanais na maipagtanggol ang sangsinukuban.Halina't alamin natin ang kaganapan sa loob ng Unib

DMCA.com Protection Status