Bakit
"Bakit pa kasi kailangan mong lumapit at mangielam dun?!" sigaw ko kay Cita nung nakapag palit na kami ng damit. Nag palit din siya dahil natalamsikan din ng dugo konti yung manggas ng damit niya.Nandito kami ngayon sa mabaho at mapanghi na public cr. Dahil hindi kami pinapasok sa mall man lang o kahit sa anong fast food. Akala yata nila mga kriminal kami dahil lang sa mantsa sa damit namin."Eh naawa nga ako dun sa lalaki!" giit pa niya."Hindi mo man lang inisip na baka madamay tayo don? Grabe ka!" di mapaniwalang sabi ko.Kanina habang inambaan ako ng kutsilyo nung lalaki akala ko talaga katapusan ko na. Biglang pumasok sa isip ko si Ate. Paano na lang siya? Ni hindi niya malalaman na napatay na pala ako kanina. Buti na lang talaga at inunahan ng lalaking may tattoo yung lalaking adik na yun."Pasensya na okay?" aniya pero inirapan ko lang siya."Pasok na tayo Abi, malapit na tayong malate..""Oh ayan na! Hindi na tayo nakapasok sa programming tapos malilate pa tayo sa next class.. Nakita mo na yung ginawa mong pangingielam!" hindi mapigilang hiyaw ko. Dahil sasabog na talaga ang utak ko sa sobrang stress."Oo na nga.." maamong tupa na sabi nito. "Huwag ka nang magalit, Abi.."Hinaltak ko lang yung ko at nauna ng lumabas ng cr.Mabilis naman kaming nakapasok ng school dahil walking distance lang naman yung publik cr.Hindi ko pinansin si Cita nang maupo ito sa tabi ko. Naiirita pa rin ako sa kaepalan niya.Pagkatapos ng klase ay balak ko na sanang umuwi ng maaga. Gusto kong ipag luto si Ate ng pagkain. Sasabihin ko rin sa kanya yung nangyari sa amin kanina. Lahat ng nangyayari sa akin ay alam ni ate.Si Ate ang bestfriend ko. Nag iisa lang actually. Siya lahat yung nasasabihan ko ng problema o kahit mga petty things lang o kaya mga crush ko ganun. At sa kanyang advice lang lagi ang sinusunod ko.Si Cita naman kaibigan ko simula high school until now. Pero baka hindi na rin. Joke.Papalabas na ako ng gate ng biglang mag salita sa gilid ko si Cita."Mall tayo, Abi.."Tinitigan ko siya ng may hindi makapaniwalang muka. "Seryoso ka?"Masaya pa itong tumango. "Oo, i heard may banda daw na mag-gigig ngayon dun sa paborito natin place. Tara? Libre kita.""Seryoso?!" hindi pa rin makapaniwalang sabi ko.Ngumiti ito sa akin na hindi pa rin nakukuha ang ibig kong sabihin. "Bakit?""Matapos nung nangyari sa atin kanina, may gana ka pang mag mall?""Hah?""Muntik na tayong mamatay kanina, Cita!""Kaya nga! Pampalibang lang naman!""Ayoko! Grabi ka." lumingon na ako sa kalsada para tumawid.Hindi ako mapaniwala grabi 'tong babae na 'to. Hindi ba niya naiisip na second life na namin ito? Tapos mag aaya pa siya mag mall?Gosh! Hindi ko na alam kung ano'ng klasing liquid ang dumadaloy sa ugat nito."Bakit mo 'ko iniwan dun?" ani nito pagkalapit sa akin. Inirapan ko lang. Nag papara lang ako ng mga jeep."Abi.." tawag niya.Mabilis ko siyang nilingon. "Ayoko nga ano ba?" napatigil ako ng nakita yung muka niya. Mukha niyang takot.."Cita, pasensya na kung nasigawan kita.. Ang kulit mo naman kasi..""Abi.." nakatulala lang siya sa likod.Sinundan ko kung saan siya nakataingin. Kung malaki na mata ni Cita, mas lalo yatang nanlaki yung mga mata ko. Shet. Kaya pala ganun na lang yung hitsura ni Cita.Yung lalaking may tattoo, naglalakad papalapit sa amin.Kumapit ako sa braso ni Cita."Cita..""Abi..""Cita..""Takbo!!" malakas na hiyaw ni Cita. Mabilis kaming kumaripas ng takbo dalawa. Wala ng pakielam kung may mabangga man kami basta makatakbo lang.Takbo doon at takbo dito, kahit saan liliko kami basta may paliko.Nilingon ko yung likod namin at nakitang hinahabol kami nung lalaki. Naiiyak nanaman ako."Cita nasa likod natin siya hinahabol tayo!!""Putcha Abigail, huwag ka na kasimg lumingon!!"Patuloy lang kami sa pag takbo.. Nang makakita kami ng lugar na pwede pag taguan ay tumigil muna kami."Putcha, bakit niya tayo hinahabol?" tanong sa akin ni Cita.Umiling ako. "Hindi ko alam.." hinihingal at kinakabahan na sabi ko."Ano ba? Huwag ka ngang umiyak, Abi!"Umiling ako." P-paano k-ung p-patayin n-niya tayo?""Ano ka ba? Hindi mangyayari yun!""Paano si A-ate ko? H-hindi n-niya malalaman k-kung anong n-nangyare sa a-aakin..""Sshhh! Wag kang maingay! May anino.." bulong sa akin ni Cita. Na siya lalo kong ikinatakot."Cita..""Tumahimik ka para hindi nika malaman na may tao rito.."Natatakot akong tumango.. Tinakpan ko pa ang bibig para walng lumabas na ingay.Maya maya ay nakita ko na rin yung sinsabi ni Cita na anino."Lumabas na kayo, hindi ko kayo sasaktan.. May itatanong lang ako.." ani nung lalaki.Itatanong daw? Ano namana itatanong niya? Bakit pa niya kami kaialngang habulin.Kinalabit ko si Cita. Sinenyasan naman niya akong huwag maingay."Alam ko na nandito kayo. Nangangako ako na hindi ko kayo sasaktan. Pangako..""Hindi mo kami maloloko! Nakita ko kung paano mo pinatay yung lalaki kanina!" si Cita. Hinamabalos ko yung braso niya,"Bakit ka nag salita!" natatarantang sita ko sa kanya. "Ngayon alam na niyang nandito nga tayo!""Pasensya na.. Akala ko kasi sa isip ko lang e, nasabi ko pala.."Napalundag kami ng may biglang sumilip sa pinagtataguan namin."Hinde ko siya pinatay..""Waaaahhh!!!" sabay na hiyaw namin."Lumabas na kayo diyan.""Ano ba kasing kailangan mo sa amin?!" si Cita."Lumabas muna kayo diyan at sasabihin ko."Sanglit na ang isip si Cita. "Nakakasigurado ba kaming hindi mo kami sasaktan?""Kung gagawin ko man yun, dapat kanina pa..""Oo nga no.." bulong sa akin ni Cita. Nanlaki yung mata ko. Sa nakikita ko naniniwala na siya sa lalaking may tattoo."Cita, no..""Hindi naman pwedeng nandito lang tayo, Abi. Kailangan natin dumiskarte para mailigtas ang sarili natin.." bulong niya ulit."Ayoko.." iling ko. Paano kung hindi naman 'yon nag sasabi ng totoo? At bakit naman kami magtitiwala sa kanya, ngayon araw nga lang namin siya nakita!"Akong bahala sayo.. Trust me..""Ayoko..""Abi! We need to try this! Just trust me!"Kahit ayoko ay mabilis kaming lumabas sa lungga namin."Ano na?" matapang na sabi ni CitaPrenteng nakatayo lang dun yung lalaki. Naka leather jacket na siya. At nakatingin sa amin.Dahil sa puti ng kutis niya, napansin ko yung mga pasa at sugat sa mukha niya, pati ang buhok ay parang ginulpi rin. Gulo gulo."Gusto ko lang naman makasigurado kung okay lang kayo, yun lang yun." sabi nito. "Ngayon na mukha naman kayong okay.. Aalis na ako.." yun lang at naglakad na ito paalis.Hanggang sa mawala na ito sa paningin namin."A-anong nangyari?" naguguluhang tanong ko.Yun lang yun?Malakas na tumawa Si Cita!"Putcha! Kinabahan ako dun ah!"------Stay safe. Stay at home. Love, love.Peace/AdikHANGGANG sa makauwi kami sa kanya kanya naming bahay ni Cita ay dala ko pa rin ang kaba. Pero yung kaba ko nag a-upgrade at hindi pa rin nawawala. Sumakit na nga lang yung mata ko kakairap kay Cita habang sinsabi niya kung gaano daw ka exciting yung nangyari sa amin ngayong araw.Hindi ko maintindihan kung saan yung exciting don? Exciting ba yun? Hind! Muntik na kaming mapahamak ng totoo, tapos tawag niya doon, exciting? Aatakihin ako sa puso dahil sa kaibigan ko na yun.Pakiramdam ko nga kahit nasa bahay na ako may nag hahabol pa rin sa akin. Grabe lang talaga yung kaba ko kanina. Mabuti hindi lumabas yung puso ko. Buong akala ko talaga ayun na yung katapusan namin ni Cita. Pero ako lang pala yung nag akala nun, para sa kanya pala exciting yun. Aruy ko po.Laking gulat ko rin nung wala siyang ginawa sa amin kanina. I mean, muka siyang masama na tao kaya expected ko na sasaktan niya kami or anything. Na corner niya na nga kami dun sa abandonadong palengke. pero 'yun nga hin
SirNaisipan ko na maagang pumasok ngayon sa school dahil isa lang naman yung klase ko ngayon. It Capstone. Sa totoo lang nahihirapan ako dito sa subject ko na to e. Buti na lang kamo hindi ko kaklase si Cita ngayon. "Aga mo ata ngayon, Abi?" tanong ni Cathy. Seatmate ko. Nginitian ko siya. "Maaga kasi akong nagising." Lumingon ako corridor wala pa masyadong studyante. Maaga pa kasi talaga. Six thirty pa lang. Karamihan kasi seven am nag uumpisa ang klase. Isa rin sa mga dahilan e, wala rin akong kasama sa bahay. Hindi kasi umuwi si Ate. Nag text lang siya na mag o-overtime daw siya. Pumikit ako saglit. Ninanamnam ang katahimikan dulot ng hindi ko kasama si Cita. Mas gusto ko yung ganito. Mapayapa. Yung tipong hindi ako nagsasalita. Tahimik lang."Grabe talaga yung nangyari kahapon no? Nabalitaan mo ba yun, Abi."Nilingon ko siya at umiling na lang."May holdapan kasi.. Tapos sa harap pa mismo ng school nangyari."Inignora ko na lang siya. Ayoko kasi talagang makipag usap ngayon.
"Ito oh, magandang model to, Cita." turo ko doon sa isang laptop na binusisi ko kanina pa. Hindi siya ganun kalaki tulad ng ibang laptop at manipis din siya. Magaan dalhin."Mag kano po yung ganito, Sir?" tanong ko dun sa salesman."36,999 po maam."Tinignan ko si Cita."Cita.. Ito na yung kun--""Grabe no? Akalain mo pulis pala siya?" daldal ni Cita sa akin. Hindi pinansin ang sinabi ko. Hindi pa rin siya nakaka get over sa pagkakakita namin dun sa lalaking may rosas na tatto kanina. "Tapos pinagbintangan pa natin siya na adik.."Hindi ko na siya pinansin. Malapit na akong maasar sa kanya. Kanina pa kasi niya bukang bibig yung lalaki na yun. Nandito nga kami sa mall para bumili ng laptop niya pero nakailang store na kami at wala pa rin siyang napipili. Imbes na mag komento siya sa mga tinitignan namin na laptop, hindi. Bukambibig niya yung pulis! "Tapos Dylan Rogerr pala yung name niya. Tingin mo nasa school kaya ulit siya bukas?" magiliw pa rin na daldal nito. Hindi niya ata napa
"Pero bakit kailangan namin madamay! ni hindi nga namin kilala yung lalaki na yun!" napatayo na sigaw ni Cita. Nandito kasi kami ngayon sa office ng Dean. Pinatawag kami kasi nahagip at nakita sa cctv yung ginawa namin na pag tulong doon sa lalaki na siyang sumaksak kay Sir Diaz. "Pero bakit niyo nga tinulungan?" napatingin ako dun sa isang nakatayong police na nagtanong. Medyo bata bata pa siyang tignan. Mga ka-edad lang siguro namin siya. Ang bata naman niyang Police, isip isip ko."Akala kasi namin, pinagtitripan lang siya. Hindi namin alam na police pala si Rogerr at hinuhuli lang yung lalaki." paliwanag ulit ni Cita. This time hinawakan ko na siya at pinaupo. Yung kamalditahan at katapangan kasi ni Cita, natatanaw ko na. Buti na lang wala dito si Dean. Jusko po! Baka pumutok na ang ugat nun sa stress dahil sa inaasal ni Cita, ngayon. Apat lang kasi kami na nandirito. Ako at si Cita at yung police na naka uniporme na nakaupo lang n para bang walang anngyayari na sagutan sa hara
---"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko pa ulit ng isang beses kay Cita, kahit pa ilang beses ko na siyang natanong. Hindi ko kasi maiwasan na mag alala para sa kanya. Ayaw niya rin kaksing sabihin kung ano ba yung napag usapan nila sa loob."Ay nako! Oo nga, ayos lang ako. Pa ulit ulit ka naman, Abi.."Hinalo ko yung sphagetti sa harap ko. Nandito kasi kami sa isang fast food sa harap ng school. Dito kami dumiretso after nung nangyari sa office ng Dean. Dapat nga magpapalamig lang kami dito, pero nakaramdam na rin kami ng gutom.Tinignan ko pa ulit ng isang beses si Cita, habang hinahalo niya yung sundae niya. Nag alala talaga ako sa kanya kanina ng pinaiwan siya ni Mr. Villanuevo. "Uy!" nasabi ko bigla ng may naalala ako. Naalala ko kasi yung mga pinagsasabi niya kanina doon sa loob. "Ikaw kung ano- anong pinag sasasabi mo doon sa harap ng pulis kanina, sigurado ka ba doon?" "Leche! hindi naman pulis yung gunggong na yun!" tukoy niya doon sa lalaking kasama ng dalawa."Pero kahit
---"Kakilala mo rin pala si Mr. Villanuevo?" tanong ko kay Ate ng matapos kaming makapang hugas ng mga plato. Sila Cita kasama niya yung mga Pulis dun sa sala. Ako tinulungan ko na lang si Ate. Naupo muna ako doon sa upuan habang si Ate nag simula namang punasan ang lamesa. "Oo. Diba nga kaklase ko si Dylan, si Matias naman yung pinsan niya naging kaklase ko rin.""Nung college ka, Pakalat kalat ka?" sabi ko habang nakapalungbaba sa kanya. Natawa siya. "Oo. Kailangan e. Wala akong choice kundi maging irreg noon kasi wala kang kasama dito sa bahay. Kaya lahat ng subjects. ko non kasabay rin nung pasok mo nung elementary ka para sabay tayong uuwi."Napangiti naman ako. "Salamat, Ate.." alam kong napakahirap para kay Ate yung iadjust niya yung buhay niya sa kung paano ako nabubuhay noon. Palagi ko siyang kasama nun wala ata akong maisip na hindi ako nasamahan ni Ate. Pwera lang siguro nung minsan na iniwan niya ako kay Ate Ningning nung nag umpisa na siyang mag ojt. Ginantihan naman
---"Totoo ba, Charlene?" agad na tanong ni Ate sa akin pagkatapos ipaalam sa kanya ni Rogerr yung tungkol sa akin. Maingat niyang hinawakan ang braso ko at iniharap ako sa kanya. Nakita ko naman sa mukha ni Ate ang naramdaman ko kanina.Takot. At pag aalala. Sa tingin ko nga mas matindi pa ang nakikita ko sa kanya kaysa sa naging reaksyon ko kanina. Sa totoo lang, nung sinabi ni Rogerr sa akin iyon kanina ay natakot ako syempre.Sobrang takot.Na gusto kong sarilinin. Ayokong may makaalam pa na iba, ayokong maramdaman nila yung takot na ramdam ko ngayon. Tsaka isa pa, hindi pa naman ganun kasigurado na magagawa nga sa akin yun ng adik na yun, kung masasaktan ba niya ako o hindi. Kahit papaano ay nabawasan ang takot sa dibdib ko ng sabihin ni Rogerr na gagawin nila ang lahat para mahuli iyon. Tsaka nakakaawa na rin ang pamilya ni Sir Diaz, pag hindi pa rin nahuli ang adik at kriminal na iyon.Tinignan ko si Rogerr na naakupo sa kabilang sofa bago tumango kay Ate."Ano?!" napahawak
-Lunes ngayon, at kagigising ko lang. 6:30 na ng umaga pero nakahiga pa rin ako sa kama ko. Maaga ako nagising dahil sa totoo lang hindi naman ako gaano nakatulog. Tsaka nagising din ako kalagitnaan ng tulog ko ng maramdaman ko si Ate na tumabi sa akin. Nung tinanong ko siya kung bakit siya nandito sa kwarto, hindi naman niya ako sinagot at nginitian lang ako. Tapos pagkagising ko ng mga 4:00 wala na siya sa tabi ko. Lumipat na siguro.Biglang sumagi sa isip ko si Cita. Naalala ko yung nangyari kagabi. Napabangon ako ng wala sa oras. Agad kong hinanap yung cell phone ko.Tinawagan ko siya. Nakalimutan ko siyang tawagan kagabi. Jusko! Nakaka tulala naman kasi yung mga nalaman ko kagabi kaya, hindi ko na naalala yung kaibigan ko.Mag isa lang siyang umuwi. Sa totoo lang nag tataka na ako kung ano ba talaga yung nangyari sa kanya? Bakit galit na galit siya kay Mr. Villanuevo. Alam mo yung galit na labas ang ugat? Ganun kasi si Cita kagabi. "Hello, Cita?" sabi ko ng sinagot na niya ang
Chapter 38Nanatili lang akong nakayakap kay ate kanina pa. Nang umiyak ako kanina ay niyakap ko na lang siya at ayoko ng magsalita pa ng kung ano. At isa pa hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko, dahil masyasong natunaw yung puso ko ng tinanong niya ako kung may problema ba ako. Grabe lang..Imagine.. masyado kong dinamdam yung sama ng loob ko, samantalang si ate, ako pa rin yung inaalala..Kaya ngayon habang yakap niya ako ay sobrang nahihiya talaga ako. Ito na ata yung malaking away namin ni ate sa buong buhay ko."Huy, ano ba kasing nangyayari sayo?" tanong pa rin ni ate. Pilit niya akong inilalayo niya sa kanya pero hinihigpitan ko lalo ang yakap ko. "Huy, ano ba? Isa! Hindi ka aayos?" Kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi ang umayos na lang ng upo. Mukhang galit na kasi ang boses ni ate. At ayoko ng dagdagan ang galit niya ngayon.Pinunasan ko ang pisngi ko. At nanatili pa ring nakatungo. Buti na nga lang at hindi na ako ganoon umiiyak tulad kanina, kahit papaano ay kumal
Chapter 37Habang papalapit ay pinupunas-punasan ko ang pisnge ko. Tumayo lang ako sa may gilid niya. Humihikbi. Tinitigan ko lang siya habang nanonood siya ng tv.Ilang sandali lang ay napansin din niya ako. Napatayo siya."Abigail, bakit? Anong nangyari sayo, bakit ka umiiyak?" nag aalala niyang tanong na lalong nagpaluha sa akin. Kahit pa masama ang nagawa ko kaninang umaga sa kanya, ay kaya niya pa ring itanong sa akin 'yon."Sorry ate.." sabi ko at mabilis na siyang niyakap..Yun lang ang nasabi ko at hikbi na ako ng hikbi.. Alam kong nagtataka siya pero.."Sorry po..""Wala nga siyang tiwala sa akin e." sagot ko. "Hindi mo ba naisip na baka nag aadjust pa si ate chacha?" napabaling naman ako sa kanya."Ito ang unang pagakakataon na may kahati si ate chacha sa atensyon mo, bukod sa akin. Baka naninibago lang siya sa mga nangyayari sayo. At talaga naman na may tiwala siya sayo. pero bilang first time niya na makita na may pinaglalaanan ka ng panahon bukod sa kanya, Kaya ayun..hi
Chapter 36Tinanggal ko ang tuwalyang nakapulupot sa aking buhok ng tawagin ako ni ate sa baba. Kakaligo ko lang kasi.Hindi naman din kasi kami nag tagal ni Cita sa mall, kumain kang kami pagkatapos nun ay inaya na niya akong umuwi. Himala nga dahil hindi siya nag aya mag shopping, pero naisip ko rin na baka napagod lang siya at isa pa.. Alam kog iniisip pa rin niya yung sinabi ni Erie.Sabi ko sa kanya na dito na lang siya matulog sa bahay para magkasama kami, pero ayaw naman niya. Gusto niyang mapag isa at irerespeto ko na lang 'yon. Alam kong maglilibang lang 'yon at mag iisip isip. "Opo..bababa na.." sagot ko kay ate at mabilis na sinampay muna ang tuwalya.Nang madaanan ko ang suklay sa table ko ay mabilis kong kinuha iyon. Para magsusuklay na lang ako habang pababa. "Ate, bakit po?" tanong ko kay ate pagkalapit ko. Nasa may baba siya ng hagdan at nakapameywang na hinhintay ako."May bisita ka." aniya at nginuso ang sala. Napangiti ako ng makita kung sino yun.Si Rogerr.. nak
Chapter 35Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako. Gusto ko kasing bumawi kay ate kahit papaano. Ipagluluto ko lang naman siya ng breakfast at papabaunan na rin.Gising na si ate at naliligo na, kaya minamadali ko itong pritong talong at manok na ilalagay ko sa baunan niya. At para naman sa almusal ay nag luto ako ng itlog at bacon. Paborito ni ate ang bacon e."Ang bango naman.." napalingon ako ng pumasok si ate sa may kusina. Nakabihis na siya at ready na sa pag alis."Ate kumain ka muna po.." aya ko sa kanya"Syempre kakain ako.. Suhol ba 'to?"Napatigil naman ako sa pgaglagay ng kanin sa plato niya."Ate naman..""Joke lang!" aniya at kinurot pa ako sa beywang.Kumain na rin ako kasabay ni ate ng almusal. Nagkukwentuhan at panay namang asar ni ate sa akin pero hinahayaan ko na lang. Naging maayos ang usap namin ni ate kagabi. Nagkalinawan na at sinermunan ako. Which is okay lang naman. Ayos lang sa akin.Nang paalis na si ate ay muntik pa niyang maiwan ang hinanda kong p
Chapter 34Kahit gaano pala talaga kakisig at ka macho ang isang lalaki, may tinatago pa rin pala silang lambot. Tulad ng hawak ko ngayon, kamay siya ng isang matikas na lalaki pero pakiramdam ko may hawak akong unan sa aking kamay.Nasa sinehan kami ngayon magkatabi at magkahawak ng kamay habang nanonood. After kasi namin kumain ay nag aya pa siya ng manood dito. Kahit madilim dito sa loob, ang liwanag pa rin dahil katabi ko siya. Hihi. Ang saya ko sobra..Finally nakanood na rin ako ng sine na hindi kasama si Cita. At kasama ko pa yung boyfriend ko. Jusko po! Dahan dahan ko siyang nilingon at nakita ang seryoso niyang mukha habang nag coconcentrate sa movie. Well.. Sci-fi kasi itong napili kong movie. Nang tinanong niya kasi ako kanina ay kung ano na lang ang naturo ko, kahit hindi naman ako interesado sa movie na to. Masyado kasi akong na overwhelm sa isipin na manonood ako ng movie kasama siya.Dahan dahan kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Napapikit pa ng ako ng naramd
Chapter 33"Kung ako si ate cha, alam mo gagawin ko? Paghihiwalayin ko kayo.." ssabi ni Cita. kumunot naman noo ko. Anong pinag sasabi nito? Lutang na naman siguro.. Nandito na kami kasi sa canteen. Kumakain na. Kakatapos lang ng isa naming klase at naisipan kong ikwento sa kanya yung nangyari kahapon sa amin nila ate. Tapos ayan na..ayan na yung lumabas sa bibig niya."Bakit mo naman gagawin 'yon?" tanong ko."Seyempre! Trip ko lang!"Napailing ako. "Ewan ko sa'yo...""Hindi..pero joke lang..alam mo..happy ako for you." hinawakan pa niya ang kamay ko.Napangiti naman ako at ipinatong ko din ang kamay ko sa kanya. "Thank you. Ako din happy ako..""Hindi ko naimagine na darating 'tong moment na to. I mean.. kasi you're so tahimik and mahinhin tapos..ikaw pa mismo ang unang nagtapat sa kanya..Abigail, grabe lang! You paved your own way talaga.""Wala namang masama kung ako ang unang nagtapat diba?" tanong ko. Dahil pansin ko lang, hindi talaga siya makapaniwala sa part na yun. Yung una
Chapter 32Hindi ko alam kung paano ako nakawala sa kanya kanina pero atleast eto ako ngayon.. Nakasakay na ng trisikel pauwi sa bahay. Grabe ang kaba ko kanina habgang kaharap ko siya, hindi ko nga akalain na makakapagsalita ako sa harap niya. pero tinapangan ko na lang ang loob ko at inisip ang girlfriend niya. Iniisip ko nga sobrang nakakahiya na nagtapat ako sa kanya without knowing na may girlfriend pala siya! Gusto kong sipain yung sarili ko, bakit hindi ko muna 'yon inalam bago ako nag tapat.Kanina nga ay hindi ko na siya hinintay na mag salita pa sa akin. Baka kasi maniwala ako sa kanya, mahirap na.Sa totoo lang hindi ko nga alam kung bakit ko pa iniisip yun hanggang ngayon, dapat nga kahapon ko pa yun kinalimutan e. Dapat ang exams na lang ang laman ng utak ko ngayon pero hindi e. Sumisingit pa rin siya.Mabilis akong nagbayad sa driver at bumaba na."Salamat po!" sabi ko sa driver pero agad akong napaatras ng pag kaliko ng driver ay may pumalit na agad sa pinag parkingan
Chapter 31Maaga kami umalis sa bahay ni Cita dahil sa labas daw kami gusto niya na mag bebreakfast. At pumayag naman ako, para na rin hindi kami malate kung sakali.Naghikab ako ng isang beses habang tinitignan si Cita na nakapila para mag order ng food namin. Dalawa lang naman silang nakapila doon. Maaga pa kasi kaya wala pa masyadong tao ngayon. Nasa pancake house kami.Muli na naman akong nag hikab. Napapikit na ako ng madiin dahil sa antok. Anong oras na rin kasi akong nakatulog kanina. Mga 2:00 am na rin dahil nag kwentuhan pa kami ni Cita.Pinag kwento ko kasi siya at hindi talaga tinigilan. Marami akong nalaman at alam ko na rin yung dahilan ng pag iyak niya. Naiintindihan ko si Kuya Mathias. Para sa kaligtasan ni Cita yung ginawa niya kaso ayaw intindihin ni Cita iyon. Trabaho yun ni Kuya Mathias at kailangan niyang gawin yung ginawa niya. Hindi ko alam kung sinong kakampihan ko sa kanila. Yung tama ba o yung kaibigan ko. Gusto ko siyang pagsabihan tungkol doon pero iniisip
Chapter 30Nginitian ko lang siya ng hindi siya makasagot sa sinabi ko. Para bang hindi pa rin siya makapaniwala at mali pa rin ang mga naririnig niya.Ngayon habang hawak ko ang kamay niya ay parang gusto ko ng mag cramping dance dito sa sobrang saya. Hawak ko ang kamay niya tapos sinabi pa niyang gusto niya rin ako, ano pa bang mahihiling ko don? Solved na ko.Alam kong sa nakikita ko mukha niya ngayon ay hindi niya alam ang sasabihin niya. First time ko ata itong makita na hindi niya alam ang sasabihin. Well.. Okay lang yan.. Narinig ko naman na ang gusto kong sabihin niya. Kahit hindi na siya sumagot.Ayos lang."Yung mga sinabi ko sayo.. Nasa puso ko yun. At totoo lahat yun." sabi ko pa. Sa sobrang saya ko ay nabigla ako ng ipatong niya ang kaliwang kamay niya sa kamay kong nakahawak din sa kanya."I still can't believe this.." bulong niya na mahina pero narinig ko pa rin 'yon."Maniwala ka na.." nakangiting sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at napapikit. Nang pag dilat n