Patrick’s POV
Nandito ako ngayon sa loob ng bahay nila Phoenix, nakaupo ako sa sofa sa living room. Malalim na ang gabi pero pumunta pa rin ako rito upang sabihin ang isang balita sa pamilya Keehl dala ang isang envelope na naglalaman ng mga papales.
Ilang saglit lang dumating sa living room si Mrs. Keehl dala ang isang tasa na mayroong kape, “So, why are you here?” Tanong niya tsaka niya inilapag ang kape sa maliit na lamesa.
Ibinigay ko sa kanya ang isang envelope na naglalaman ng mga dokumento tungkol kay Rafael Lawliet, ang taong nagpakilalang pumatay kay Nate. Agad niya itong tiningnan, “Umuusad na ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Nate,” Wika ko sa kanya.
&n
Sebastian’s POV Nandito ako ngayon sa bahay sa living room, nakaupo ako sa sofa. Wala ngayon ang mga magulang ko, nasa ibang bansa pa, bukas pa balik nila. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok sa kadahilanang hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina noong sinubukan kong suhulan si Sage para itigil na niya ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Nate. Ilang saglit lang may kumatok bigla sa pinto kaya naman binuksan ko ito. Nagulantang ako nang makita ko ang hindi inaasahang bisita, “What are you doing here Rafael?” Tanong ko sa kanya. Nakita ko sa kanyang mga mata ang galit na nadarama niya. Hawak-hawak ni
Patrick’s POV Pilit naming binubuksan ni Mrs. Keehl ang pinto ng bahay ni Rafael pero hindi ito nangyayari, “Barilin mo kaya ‘yung doorknob para makalabas tayo!” Inis niyang wika dahilan upang mapatingin ako sa kanya. “You’re right,” Sagot ko sa kanya at kinuha ko ang baril ko na nakasukbit sa aking tagiliran. Akmang babarilin ko na ito ngunit natigilan ako nang makita ko sa aking peripheral vision ang isang basag na phone malapit sa dingding. Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong pwersa ang tumulak sa ‘kin na kunin iyon kaya naman isinukbit ko muli ang baril ko sa aking tagiliran, “Hey, what are you doing?” Tanong ni Mrs. Keehl ngu
Patricia’s POV Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Phoenix na pinalaglag ko ang anak naming dalawa. Hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya iyon. Posible na magalit siya sa ‘kin ng husto at ipagtabuyan niya ako. Pero anuman ang mangyari, hinding-hindi na ako mawawala sa kanya. …………………………………………………………………. Patrick’s POV Nandito ako ngayon sa loob ng condo unit ni Sage, nakaupo ako sa upuan habang siya naman ay nasa sofa, “Na-trace mo na ba ‘yung number ng ka-text ni Rafael?” Tanong niya sa ‘kin matapos kong ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari noong pumunta kami ni Mrs. Keehl sa bahay
Patrick’s POV Sa maliit na cabinet tumama ang bala imbes na kay Sage nang mabilis niyang sinipa palayo sa kanya ang baril na itinutok ni Mantus sa kanya na naging dahilan upang tumalsik ito sa hindi kalayuan. Buong pwersa niya ring tinadyakan si Mantus sa kaliwang pisngi dahilan upang siya ay matumba at tuluyan maiturok ang syringe na may lamang pulang fluid sa leeg niya. Dahil dito napakalma si Mantus at tuluyan siyang hinimatay, that was close! Kung nagkataong hindi nasipa ni Sage ang baril na hawak ng kapatid niya sigurado akong dadanak ang dugo rito sa condo unit niya. Ilang saglit pa umupo si Sage sa sofa tsaka niya tiningnan ang kapatid niyang nakahandusay at walan
Sebastian’s POV Nandito ako ngayon sa bahay ni Melody, nakaupo ako sa upuan sa living room habang hinihintay siyang dumating. Ilang minuto lang ang lumipas dumating na siya dala ang dalawang maliit na baso at isang alak, “You know what, you’re incredibly lucky dahil nasa America ngayon sina mama at papa kung hindi, I’m sure hindi kita mapagbibigyang uminom kasama ako,” Wika niya sa ‘kin at inilapag niya ang kanyang mga dala sa maliit na lamesa tsaka umupo siya sa sofa, “So, bakit ka biglang nagyayang uminom?” Tanong niya na nagpangiti sa ‘kin at bahagya kong ginulo ang buhok niya. Wala akong balak sabihin sa kanya kung anong dahilan ko. Ang mahalaga sa ‘kin ngayon ay makasama siya ngayong gabi.
Patrick’s POV Nandito ako ngayon sa loob ng presinto, nakaupo ako sa upuan ko at nasa harapan ko ang table na nakalaan para sa ‘kin. Sa mga oras na ito, I am watching videos on the newsfeed of my YouTube account using my cellphone. Ilang saglit pa, nagulat nalang ako nang makita ko sa newsfeed ko ang isang news article tungkol sa pagkamatay ng isang babae. Dahil sa kuryosidad na aking nadama, pinanood ko ito. “Woman was found dead in a creek at Barangay Sakura in Quezon City. She has 34 stab-wounds, and authorities on Sunday, January 19, released her identity, she’s Pearl Ingram, 21 years old. Until now they are investigating what real
Melody’s POV Iminulat ko ang aking mga mata, nandito ako ngayon sa sarili kong kwarto at nakahiga ako sa kama ko. Ilang saglit pa, bigla nalang sumakit ng husto ang ulo ko, para itong mabibiyak sa sobrang sakit na naging dahilan upang ako ay magsisi sa pakikipag-inuman ko kay Sebastian kagabi. Ipinapangako ko na hinding-hindi na ako iinom ng alak, kahit kailan, kasi tuwing may hangover ako lagi nalang sumasakit ng husto ang ulo ko paggising sa umaga. Kasabay ng pananakit ng ulo ko ang aking pagkaalala sa ginawa ko noong nakaraang gabi.Flashback
Phoenix’s POV After ng klase sa subject kanina lahat ng classmates ko ay lumabas ng classroom para bumili ng pagkain sa cafeteria, dahil breaktime na, maliban lang kay Patricia, “Phoenix sabay na tayo kumain,” Pagyaya niya habang inaayos ko ang aking mga gamit. “Mauna kana may kakausapin pa ko,” Wika ko at matapos kong ayusin ang mga gamit ko agad akong lumabas ng classroom at hinanap si Melody. She must know na nakakaalala na ko para mapagplanuhan na namin kung paano papatahimikin si Sage. Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko na may tumawag sa ‘kin, “Phoenix,” Seryosong wika ni Sage,
Phoenix’s POV Hindi ko na nagawang barilin si Mantus nang pagbabarilin ako ni SPO2 Patrick Smith sa katawan, “Tumigil kana!” Sigaw niya. Hindi na ako muling nakatayo nang mangyari iyon, tumulo naman ang kanyang mga luha, at siya ay napaluhod. “Walang hiya ka! Sino sa tingin mong binabaril mo?!” Galit na galit kong tanong sa kanya kasabay ng pag-ubo ko ng dugo at pagkabitaw sa pagkakahawak ko sa baril, muli akong tumingin sa lahat, “Hindi n’yo ba nakikita? Biktima lang ako rito ng kapatid ko!” Galit ko pang wika, at ilang saglit pa kinuha ni Mantus ang baril ni SPO2 Patrick Smith tsaka niya ito itinutok sa ‘kin. “Arrest him now,” Malamig na tonong wika ni Mantus sa mga pulis, kaya naman lumapit sila sa
Phoenix’s POV Napangisi ako nang i-text sa ‘kin ni Mantus ang isang address kung saan niya gustong makipagkita kaya naman pinasa ko ito kay Sebastian, at minaneho ko ang aking sasakyan papunta roon. Nararamdaman ko na malapit na ang katapusan ni Mantus, seven na ng gabi nang makarating ako sa lugar kung saan niya gustong makipagkita, isa itong abandonadong warehouse. Agad kong pinarada ang aking sasakyan at pumasok doon. Nakita ko na nakaupo si Mantus sa lapag habang bumubuo ng rubik’s cube, “Bakit mo ko pinapunta rito?” Tanong ko ngunit hindi niya ito sinagot sa halip ay pinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawa. Ilang saglit pa tuluyan
Phoenix’s POV Iminulat ko ang aking mga mata, nandito ako ngayon sa isang ospital at kung ano-anong aparatos ang nakatusok sa ‘kin. Maya maya pa pumasok sa kwarto kung saan ako naka-confine si SPO2 Patrick Smith, “Gising kana pala,” Wika niya sa ‘kin, “Tatlong araw kang comatose,” Wika pa niya na ikinayukom ng aking kamay. “Ligtas ba si mama?” Tanong ko, ngunit hindi niya ito sinagot sa halip ay bumuntong hininga lang siya, “Answer my question,” Malamig na tono kong wika kaya naman tiningnan niya ako ng seryoso. “She’s dead,” Sagot niya dahilan upang mapapikit ako, tama lang sa kanya ‘yun dahil napakawalang kwenta niyang ina. Hanggang sa huli mas pinaboran niya ang masama kong kuya kaysa sa ‘kin, “Nal
Phoenix’s POV Matapos iyon agad kong itinapon ang sandwich sa basurahan na ibinigay sa ‘kin ni Mantus kanina at ibinalik sa bag ang research paper namin ni Sebastian. Ilang saglit pa dumating si Sebastian, “Nagawa mo na ba ang inutos ko sa ‘yo?” Tanong ko na ikinangisi niya. “Yeah,” Sagot niya at kanyang inilabas sa bulsa niya ang relo ni Mantus tsaka niya ito ibinigay sa ‘kin, “I already did what you want,” Wika pa niya na naging dahilan upang sarkastiko akong tumawa na para bang nababaliw. Inutusan ko siya kanina habang kami ay kumakain sa cafeteria na kunin ang relo ni Mantus sa kanyang locker at palitan ito ng peke, ngunit dapat ay kat
Phoenix’s POV Napuyat ako kagabi dahil sa kaka-revise ng research paper namin ni Sebastian, nandito ako ngayon sa loob ng classroom nakaupo sa pinakadulong upuan sa tabi ng bintana at nakatulala, habang ang mga kaklase ko ay sobrang ingay. Ilang saglit pa dumating na si Teacher Lelouch kasama ang isang bata na sa tansya ko ay kasing edad ko lang, may suot siyang relo sa kanang braso, at hawak-hawak niya ang isang rubik’s cube. Unti-unting tumahimik ang buong klase nang pumunta sila sa harapan, “Class, I want you all to meet your new classmate Mr. Samuel Cumberbatch,” Wika ni Teacher Lelouch na naging dahilan upang kanilang makuha ang atensyon ko, “May we know more details abou
Lelouch’s POV 8:00 p.m. na ngayon, nandito ako ngayon sa loob ng aking bahay, nakaupo sa sofa, at wala akong suot na pang-itaas na damit. Inaamin ko na nami-miss ko ngayon si Yvonne, ang tagal na naming hindi nag-uusap simula nang kami ay maghiwalay. Maya maya pa, narinig ko nalang na may nag-doorbell sa pinto kaya naman agad ko itong binuksan. Nakaramdam ako ng matinding saya nang aking makita si Yvonne, ang babaeng pinakamamahal ko. “Yvonne!” Masayang-masaya kong wika sa kanya, “Napadaan ka,” Dagdag ko pa. Nakita ko sa kanyang
Patrick’s POV Hindi na namin nagawang lumapit ni Mantus sa bahay nang makita namin na nakakandado ang gate nito, “Paano ‘yan naka-lock,” Wika ko na kanyang ikinainis at iritado niya akong tiningnan. “Gumawa ka naman ng paraan, hindi ‘yung lahat ng nakikita mo sinasabi mo sa ‘kin!” Inis niyang wika sa ‘kin kaya naman iginala ko ang aking mga mata upang humanap ng pwedeng tumulong sa ‘min. Sakto namang may dumaang isang matandang babae, kaya naman agad ko siyang kinausap, “Hello po, kilala mo po ba ang taong nakatira diyan?” Tanong ko sabay turo sa bahay. “Hindi, matagal nang abandonado ang bahay na ‘yan—” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita si Mantu
Patrick’s POV Matapos kong ikwento kay Mantus lahat ng nangyari sa kaso ni Nate kabilang na ang biglang pagkawala ni Rafael Lawliet, ibinigay ko sa kanya ang isang papel na ibinigay sa ‘kin ng kuya niya, “What is it?” Tanong niya habang hawak-hawak ito. “Bigay sa ‘kin ‘yan ng kuya Sage mo bago siya mamatay,” Sagot ko sa kanya, “Sinabi niya sa ‘kin na ibigay ‘yan sa ‘yo kapag hindi siya nagtagumpay sa imbestigasyon,” Dagdag ko pa dahilan upang buklatin niya ito. Sinenyasan din niya ako na umupo sa tabi niya upang basahin ang nakasulat dito, kaya naman agad akong sumunod. Nakasulat sa papel ang numbers one to nine, bawat numero ay may mga linya at tuldok na nakapalibot na bumubuo ng is
Aira’s POV Nandito ako ngayon sa condo unit ko, nakaupo ako sa sofa, malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako dinadapuan ng antok, iniisip ko pa rin kasi ang mga nangyari kanina, mula sa balitang nalaman ko na patay nasi Sage hanggang sa tangkang pagpatay sa ‘kin ni Mantus. Maya maya pa narinig ko nalang na tumutunog ang phone ko palatandaang may tumatawag, kaya naman agad ko itong sinagot, “Hello,” Wika ko. “Hello, Ms. Freud!” Kinakabahang wika ng Amerikanang nasa kabilang linya, “Mr. Mantus Taylor escaped again,” Wika niya na nagpabuntong hininga sa ‘kin. “Don’t worry, I’ll do my best to find him,” Wika ko at pinutol ko ang linya ng tawag tsaka ngumis