PAGKALABAS ni Nicole ay napayakap siya sa kaniyang mga tuhod at doon umiyak. Hindi niya akalain na makalipas ang ilang taon ay makikita niyang muli ang ina, ang ina na nag-iwan sa kanilang mag-ama na naging dahilan kung bakit siya naging spoiled at matapang. Pero nasaan na ba ang tapang niya ngayon? Simula nang malaman niyang nawawala si Isabella ay nawala na 'din ang tapang niya, siguro ay dahil malaki ang naging parte ni Isabella sa buhay niya para maging dahilan ng pagtapang niya. "Are you really a mafia?" napatingin siya sa nagsalita at nakita niya si Dexter na nakapamulsa sa slacks nito habang nakatingin sa kaniya. "K-Kung nandito ka lang para laitin ako umalis ka na." madiin na sabi niya at muling umiyak habang yakap ang kaniyang tuhod. Nakaupo siya ngayon sa damuhan sa garden na nasa harapan ng bahay ni Ryc dahil doon siya dinala ng kaniyang mga paa. Naramdaman niya ang pagtabi sa kaniya ni Dexter ngunit medyo malayo pa 'rin sa kaniya. Noong una ay hindi niya ito pinansin pe
PAGPASOK ni Nicole sa kanilang bahay ay hinanap agad ng kaniyang mata ang ama. Simula nang umali ang mommy niya ay hindi hinayaan ng kaniyang ama na malungkot siya, bagkus ay pinagfocus siya nito sa pagsasanay at pagbibigay lahat ng luho niya. Nakilala siya ni Isabella noong grade six sila, noong panahon na ‘yon ay marunong na siyang makipaglaban kung kaya hindi siya nagdalawang isip na iligtas ang kaibigan. Nakilala niya ito ng tuluyan at doon ay naging matalik silang magkaibigan ngunit hindi buo. Hindi buo dahil inililihim niya ang totoo niyang pagkatao. Ang akala ni Isabella na simpleng mayaman lang ang kaniyang ama ay hindi, kaya niya ito natulungan noon sa pag bura ng CCTV dahil sa connection na mayroon silang mag-ama. “Nasaan si daddy?” tanong niya sa tauhan na dumaan na nagbabantay maging sa loob ng bahay. Walang ibang katulong doon dahil nagpapapunta nalang sila ng once a week ng maglilinis ng bahay. Hindi pwedeng magkaroon sila ng katulong dahil hindi nila alam kung sino a
“Bago pa mangyari ang gulo ay patapos na ang formula na ginawa ko to make an illusion. Isa itong uri ng armas na malaki ang tyansang magamit natin laban sa kalaban. Siguro naman ay familiar ka sa mga inventor, hindi ako katulad nila pero we have the same job. Ang gumawa ng armas para sa organisation na maaaring mapasa sa susunod na henerasyon.” Nakaupo na ngayon si Dr. Franc sa tabi ng tumayo niyang ina at si Nicole ay nasa dulong parte kung saan siya na ang bumuhat kay Issa. Tahimik lang sila na nakikinig sa sinasabi ni Dr.Fanc samantalang si Nicole ay alam na ang totoo. Gusto niyang yakapin ang ina, gusto niyang sabihin na madaya ito dahil hindi manlang nagsabi ng totoo at hinayaan siyang magalit dito. “Kung hindi totoo ang ala-ala ko then where is my father? Bakit niyo hinayaang galit ang manuot saakin gayong hindi naman pala ito namatay?” tanong ni Ryc sa papa ni Nicole na tumango. “Your father is nowhere to be found. Kasabay ng pagtatapos ng gulo ay nawala din ito katulad ng i
NGAYON ang araw kung kailan susugod sina Ryc sa kuta nila master shin upang hanapin ang kaniyang babaeng pinakamamahal. Dalawang araw na simula nang bumalik ang kaniyang ala-ala at sa dalawang araw na iyon ay nagkulong lamang siya sa kwarto kasama si Issa na hindi iniwan ang ama . Hindi matanggap ni Ryc ang pagnalik ng kaniyang ala-ala na lalong nagpalamig sa kilos nito at paraan ng pagtitig. Kung nakakatakot na ito noon ay mas nakakatakot na ito ngayon. Walang nakaka-alam sa nakaraan, tanging siya lamang na ayaw sabihin sa kanila ang totoo at ang tanging paulit-ulit na sinasabi ay malalaman ‘din nila sa tamang panahon. Mamamatay sila sa kakaisip kung ano iyon pero wala silang magagawa. Iyon ang desisyon ng kanilang boss. Tama, nagsanib pwersa na ang mga ito at muling magsasama sa iisang organisation sa maraming taon na lumipas. Babalik na si Dr.Franc na siyang mamumuno sa laboratoryo habang si Joe ang mamamahala sa mga nasasakupan nila. Si Nicole at Dexter na siyang magiging kat
ISABELLA “NARINIG mo ang sabi ng doctor ah! Wag mo ‘daw pilitin na makaalala dahil sasakit ang ulo mo. Kusa ‘daw ‘yun babalik kung babalik pa nga ba.” Kalalabas lang namin sa ospital na pinagdalhan saakin ni Glaiza, isang araw matapos niya akong makita sa tapat ng bahay niya ay nagpahinga muna ako bago tumuloy dito. Sa sumandaling oras na ‘yun kahit pa punong-puno ng katanungan ang isip ko ay hindi ako iniwan ng babaeng madaldal na ito. “Hindi ako bingi Glaiza,” plain na sabi ko sa kaniya na ikinasimangot nito. May taglay na kakaibang ganda si Glaiza habang hindi mo mapapansin na isa pala itong Filipino dahil na ‘rin sa kaniyang accent. Pareho kaming nakasoot ng makakapal na jacket pangangga sa lamig, winter kasi dito ngayon sa Canada at mahirap ‘daw mag drive dahil sa nakaharang na snow kaya naglakad lang kami tutal ilang kanto kang ‘yun sa bahay niya. “Ikaw ha! Sino ka ba talaga at ang sungit mo?! Akala mo naman ikaw ang Reyna ng espanya kung makaasta, maganda ka lang! Hmp!”
“Forgiven, wag mong alalahanin kaya ko na sarili ko.” Tumalikod na ako at hinila na paalis doon si Glaiza “Leandro! Sa pangatlong kanto kami nakatira! Brown house! May dalawang gaurd!” nanlaki ang mata ko dahil sinabi lang naman ni Glaiza ang address namin. “Nasisiran ka na ba?!” nag peace sign lang ito kaya hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kumupkop saaking ‘to. Diko alam kung sino ba ang matanda saamin gayong siya naman talaga dahil dalawang taon agwat niya saakin! Tsk. KINABUKASAN ay nagising ako sa doorbell nang bahay ni Glaiza, sa baba lang kasi ang kwarto ko. Ayaw ko sa taas nakakatamad magakyat baba, wala na ‘rin namang nagawa ang spoiled brat na kaibigan ko. “Manang may tao ho ata!” sigaw ko ngunit walang sumagot. Mukang tulog pa sila, sabagay anong oras kasi talaga ang umagahan namin tanghali na. Ako nalang ang pumunta sa labas upang pagbuksan ito. Nagsoot lang ako ng coat na naka sabit sa may gilid ng pinto at binuksan ang gate. “Hi!” natigilan ako ng makita ang la
“WALA pa ‘rin bang balita?” Seryosong tanong ni Ryc ng pumasok siya sa loob ng secret room na nasa bahay nila. “Wala pa ‘rin R,” malungkot na sagot ni Dexter. Nasa loob niyon si Nicole at Dexter dahil sa mga oras na iyon ay regular silang gumagawa ng hakbang sa paghahanap kay Isabella. Kung hindi naman nila hinahanap si Isabella ay dahil iyon sa problema sa kanilang organization. Ganito ang naging takbo ng buhay nila sa loob ng isang buwan, kung hindi siya busy sa opisina ay busy siya sa org. Nasanay na si Rycsa ganitong takbo ng buhay pero ngayon na dumating na ang anak niya at si Isabella ay parang unti-unti siyang hindi nasasanay lalo na at nararamdaman niya na mayroong kulang. “Isang buwan na siyang wala R, paano kung ano nang ginawa nila kay Ella? Paano kung pinahirapan na siya? ‘Di pinakain?” na-paparaniod na sabi ni Nicole na ikinatingin ni Dexter sa kaniya ng masama. “Hindi nakakatulong Nic.” Inginuso nito si Ryc na nakatulala lamang sa isang tabi kaya napatahimik nalaman
“Kahit pa! Alam mo bang matagal ko na siyang crush! OMG! Sabi nila dad at mom ay magiging partner namin siya sa negosyo! Sasabihin ko sa kanila na ipagkasundo kami! Kyahhh!” napangiwi ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang may ganoon pa pala ngayon. Sabagay mayaman naman si Glaiza at ganon ‘din si Ryc tapos maganda pa ang kaibigan ko at sexy, o diba hindi ka na lugi. “Sino ba ‘yang Ryc na ‘yan at adik na adik ka’t handa pa magpatali sa kaniya, bukod sa mayaman siya.” Baliwala kong sabi habang kumakain. Tinignan niya ako ng kakaibang tingin na akala mo’y mayroon akong kakaibang sinabi. “Seriously?! Hindi mo kilala ang isang Ryc Garcia?!” tinaasan ko siya ng kilay. “Baka nakakalimutan mong nagka-amnesia ako.” Mukang natauhan naman siya sa sinabi ko at nag peace sign lang. Hanggang ngayon kasi ay dipa ako nakaka-alala, ewan ko ba sa utak ko. Ang dami kong tanong, sino magulang ko, anong ginagawa ko dito? Kung may pamilya pa ba ako. Ewan. “Ganito kasi ‘yan. Siya si Ryc Garcia, an
ISANG buwan ang lumipas at nasa simenteryo sila ngayon upang bisitahin ang puntod ni Grace at ng anak nito na si Mark sa pangunguna ni Yvonne. Hindi niya pa ‘rin maitatanggi na ina niya si Grace kung kaya dinalaw nila ito. “Mommy, kung ano man ang ginawa niyo saamin ay sana maisip mo na mali ang lahat ng iyon. Hindi ko masasabi kung mapapatawad ka namin pero sigurado naman kami na si God na ang bahala doon. Time will heal our wounds mommy.” Hinagod ni Richard ang balikat ng asawa dahil naiiyak nanaman ito. Kasama nila ngayon sina Ryc at Isabella, Dexter at Nicole, Leandro at Glaiza, si Parker at ang magulang ni Isabella na hawak si Issa. Maayos na nag lagay ni Vienna ngayon hindi katulad noong isang buwan na halos hindi siya makatayo dahil sa pag-opera sa kaniya. Isang buwan na ‘din nag lumipas magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila ng lola ni Ryc ay bumalik na sa ayos ang lahat. Napatunayan na si Grace at Mark ang may kagagawan ng illegal business ni Parker na matagal na ni
Natahimik ang buong paligid dahil sa eksenang nasa harapan. “M-Mama! Mark! Ano ito?!” kunwaring natatakot na tanong ni Isabella habang hawak ang balikan ng lalaki. Napuno na ‘din ng bulungan ang paligid dahil sa pag-aresto ng mga ito. “Sumama nalang kayo para wala ng gulo.” Hinawakan na sila ng mga pulis sa kanilang braso ngunit nagpumiglas si Mark. “H-Hindi! Hindi niyo kami pwedeng kunin!” “’Wag na po kayong lumaban para walang gulo.” Kalmadong sabi ng mga pulis. “Mommy ngayon na!” ngunit nagulat sila ng kalabanin sila ng mag-ina at sinuntok sa muka ang dalawang pulis. Agad na naglabas ng baril ang mga pulis na ikinatili ng mga tao sa paligid habang si Mark at Grace ay mabilis na kinuha si Isabella at May. “Kyahh!” tili ng mga tao sa paligid at nagsimula ng tumakbo palabas. “Subukan niyong sumunod papatayin namin ang dalawang babaeng ‘to!” mayroon ng baril na nakatutok sa ulo ni Isabella at May kung kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang hayaan ang mga ito. “Isabella!” sig
NGAYON ang araw kung kailan ipakikilala ako ni Mark bilang asawa niya. Nasa loob kami ngayon ni ate May at inaayusan ng kung sino. Parang bumalik tuloy saakin ang araw na ibebenta kami ni ate May lalo na at pula ang suot ko habang si ate May ay naka-itim na dress kung saan kitang-kita ang malaki niyang tiyan. Panaka-nakang tingin ang binibigay namin sa isa’t-isa dahil alam namin na iyon na ang araw para kumawala kay Mark. Maayos ang plano namin ni ate May at sana lang ay gumana iyon mamaya. Maayos na nakapune ang buhok ko na pa-bun habang si ate May naman ay nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot. Bagay na bagay sa kaniya, feeling ko tuloy babae ang baby ni ate May dahil sa pagkablooming niya. Ganoon kasi ang sabi nila, kapag blooming ang nagbubuntis ay babae ‘daw. Ako naman ay wala pa atang dalawang buwan ang tiyan ko, hindi ko ‘din alam dahil wala pa akong check-up. “Wow! Ang gaganda niyo namang dalawa!” napalingon kami sa nagdalita at pumasok si Grace, ang lola ni Ryc. No
ISABELLA “ATE May wala na si Mark. Pwede na tayong tumakas!” Yugyog na tawag ko kay ate May nang makapasok ako sa kwarto nila ni Mark. Ilang araw na ang nakaraan magmula nang magpanggap kami na gumana ang tinurok saamin ni Mark. Ang totoo kasi niyan ay simpleg tubig lamang ang inilagay ni ate May sa syringe na mabuti nalang dahil maging siya ay tinurukan ni Mark. Nalaman ko na aware siya sa gagawin ni Mark at wala siyang magagawa kundi sundin ang lalaki dahil mahal niya ito. Marami na siyang na kwento saakin, kung anong nangyari sa kaniya matapos naming mapag benta hanggang sa mapunta siya sa puder ni Mark at sa batang nasa sinapupunan niya. Sa kaniya talaga ako nag-aalala dahil mukang mababa ang kaniyang tiyan ibig sabihin maaaring may mangyaring masama sa anak niya. Hindi ko siya masisisi, sobrang dami niyang stress kay Mark. Samahan mo pa na nagdadala ng babae si Mark, kanina nga lang ay nakita ko siya na may ka-make out sa sala. Doon ko ‘din narinig ang pakikipag-usap nito
“KANINA pa kita hinihintay Mark, nasaan ka na ba?” Naiiritang sabi ni Grace sa telepono habang kausap ang kaniyang anak. Matapos niyang mahuli si Parker ay itinali niya ang kamay nito sa habang nasa-upuan at agad na sinabihan ang anak na sunduin sila doon upang magtago. Alam niya kasi na hahanapin ito ng apo niya si Ryc kaya kailangan niyang gamitin ito laban sa kanila. “Mommy, wait, okay? May inaasikaso pa ako dito.” “Ano bang inaasikaso mo?! Babae?! Punatahan mo na ako dito ngayon ‘din!” pagkasabi niya niyon ay ibinaba na niya ang tawag at inis na nilingon si Parker na nakapikit habang nakasandal sa kinauupuan nito. “Bakit kalamado ka lang?! Anong pinaplano mo?!” Napadilit ang lalaki dahil sa sigaw ng kaniyang asawa. Nang makita niya ang muka ni Grace ay hindi niya akalain na ang babaeng lagi niyang kasama ay magagawa iyon sa kaniya. Bumabalik sa kaniyang isipan na parang isinugal niya ang sariling mahal na si Tiffany para lang makasama niya ang isang sinungaling na si Grace.
“AALIS ka sweetheart?” Napalingon si Grace kay Parker ng pumasok ito sa kailang kwarto. Ngumiti siya dito at inayos ang kaniyang bag. “Oo, sweetheart. Alam mo namang matagal ko ng hindi makikita ang mga amiga ko. Nang malaman nilang nandito ako nag arrange agad sila ng schedule ngayon. Nakakahiya naman kung tatangihan ko eh.” Ngumiti si Parker at lumapit sa asawa pagkatapos ay hinalikana ng ulo nito. “Sige, basta mag-iingat ka, okay? Ilang oras ka ba doon? Iintayin kita,” napatingin si Grace sa kaniyang orasan at nagsalita. “Siguro after five hours, alam mo naman ‘yung matatandang ‘yun.” “Nagsalita ang hindi matanda,” natawa sila pareho dahil sa kanilang kakulitan at nagpaalam na si Grace. Naiwan mag-isa si Parker na napapangiwi dahil sa kaniyang pagpapanggap na ginagawa. Binuhay niya ang kaniyang laptop at nag send ng email kay Issa. “Pupunta na ako after an hour…” ***NAGHIHINTAY si Parker sa isang restaurant sa loob ng mall na kanilang napa-usapan. Ang buong akala niya ay s
“KAILANGAN mo lang pala ng pahinga sweetheart, bakit ka ba na-stress? Anong iniisip mo huh?” Hindi nakasagot si Parker sa sinabi ni Grace. Hindi naman niya magawang sabihin dito ang totoo dahil hindi pa siya handa na kumprontahin ito sa kaniyang mga nalaman. Gusto pa niya ng patunay, gusto pa niyang malaman ang totoo. “Tungkol ba ito sa pagbitaw natin sa negosyo?” napahinto si Parker sa sinabi ni Grace. “Sweetheart naman… sige ganito nalang. Papayag ako sa gusto mo basta mayroon tayong pagmamanahan ng negsyo? Hindi ako papayag na mabaliwala lahat ng efforts natin!” napalingon siya sa asawa dahil doon. ‘Ganito mo ba kagusto ang pera ko Grace?’ mapait na tanong niya sa kaniyang isipan. Ngumiti siya sa asawa at tumango. “Okay sige, papayag na ako. Gusto ko na talagang malagay sa tahimik at bumalik sa Pilipinas.” Nanalaki ang mata ni Grace sa huling sinabi ni Parker at hindi makapaniwalang nakatingin dito. “W-What?” “Bakit? May problema ba sweetheart? Gusto ko na talagang umuwi lal
“YOU did what?!” Mahina ngunit may gulat na bulalas ni Grace matapos marinig ang sinabi ng kaniyang anak na si Mark sa telepono. Tinawagan nalang siya nito bigla at alam niya na iyon na ang signal upang sabihin sa kaniya na nagawa na nito ang kaniyang pinapagawa. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong pagturok ng kanilang experiment sa dalawang babaeng kasama nito sa bahay. “Nasisiraan ka na ba ng ulo Mark?! May is pregnant with your child! Paano kung maapektuhan ang bata sa tyan nito?! Serious types of chemicals ang nakalagay doon!” napapasabunot na sabi ng ginang sa telepono at alalang-alala.Kilala niya si May. Nakilala niya ito dalawang taon na ang nakakaraan at ito na ang naging kasama ng anak niya si Mark simula niyon at hindi na ito iniwan, noong una ay akala niyang isang simpleng s*x slave lang ng anak ang babae ngunit nang makita niya ang kakaibang kilos nito gawi sa babae ay nalaman niyang hindi. Ngunit dahil na ‘rin pareho silang may sakit sa pag-iisip ay hin
“Tama si Ryc, ‘wag kayong mag-alala. Maayos na ang lagay ng asawa ko, akala ko ‘rin ay iiwan na niya ako ngunit hindi. Lumaban siya para saamin ni Isabella,” Napangiti sila sa sinabi nI Kenneth. “Speaking off, mayroon kaming magandang balita sa inyo.” Natigilan sila sa sinabi ni Eda. Napatingin ito sa kaniyang asawa na tila nagtatanong kung dapat ba niyang sabihin ngunit nakangiti lang ‘din itong tumango. “Ano po iyon tita?” “Buntis si Isabella Ryc! Magiging daddy ka na ulit!” nagulat sila sa isinawalat ni Eda habang si Leandro at Dexter ay napasuntok sa balikat ni Ryc dahil sa narinig. “Kailangan na talaga nating mahanap ang anak ko…” wala sa sariling sabi ni Kenneth na maging siya ay nabigla sa balitang iyon. “Y-Yeah, kailangan ako ni Isabella.” Ani Ryc. ***“GISING ka na pala Isabella,” Nabaling ang paningin ni Isabella sa nagsalita at doon lang bumalik s akaniya ang buong pangyayari bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. Agad siyang napaupo sa kaniyang hinihigaan at napaya