"Mommy!" muling sigaw ni Vincent."V-Vincent! T-Tulungan mo ako!" nahihirapan na usal ni Romana. Swerteng mabilis siyang nakahawak sa railings ng yate kaya naman hindi siya nahulog. "Kumapit ka nang mahigpit, Mommy! Aangatin kita paakyat!"Inabot ni Vincent ang kaniyang kamay. Mabilis din na umalalay si Roman para tulungan siyang makaakyat.Nang tagumpay siyang maisampa ng dalawa ay doon lamang siya umiyak nang malakas. Ang buong akala niya ay mahuhulog na siya at tatangayin ng malakas na alon."Lalaine! Why did you do that?!" galit na tanong niya sa babae. "A-Ate R-Romana ... I-I didn't mean to –""Shut up! Sinadya mong itulak ako!" mariin niyang pahayag.Niyakap siya ni Vincent upang kalmahin ang kaniyang galit na nararamdaman."Romana, calm down. We saw everything. Na-out balance siya kaya hindi sinasadyang naitulak ka niya," depensa ni Roman sa kasintahan."Bvllsh!t, Roman! Huwag mong sabihin naniniwala ka sa kadramahan ng babaeng 'yan?! Muntik na akong malaglag sa dagat dahil
R-Roman ... L-Let me explain," nagbubuhol ang mga dila niyang usal. Nangangamba siya na baka mabuko nito ang kaniyang masasama na balak lalo pa't naroon si Tristan na anumang oras ay puwede siyang ilaglag."Talagang kailangan mong magpaliwanag. Sino ang lalaking ito?" kompronta nito sa kaniya. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Tristan."S-Siya ... S-Siya ang ama ng baby ko, Roman." Ibinaba niya ang tingin sa lupa. Pinilit niyang umiyak dahil iyon ang kahinaan ni Roman. Lumalambot ito sa tuwing nakikita siyang lumuluha."B-Baby?! M-May anak ka na?! K-Kung ganoon ay niloloko mo lang ako?!"Luhaan ang mga matang nag-angat siya ng tingin."H-Hindi, Babe! H-Hindi kita niloloko. M-Matagal na kaming hiwalay ng lalaking 'to at ang naging anak namin ... N-Namatay na ang anak namin noong nasa sinapupunan ko pa lang ito. H-Hindi na nasilayan ng anak ko ang mundo."Ilang segundo ang lumipas bago nakapagsalita si Roman."Kung ganoon ay bakit hindi mo sa akin sinabi ang totoo? Ba
Pagkauwi nila sa siyudad, ang akala ni Vincent ay tuluyan nang malalayo sa kaniya si Lalaine. Ngunit akala niya lang lahat 'yon. Sa bahay pa rin nila tumuloy ang magkasintahan."Bakit narito pa rin sila? Kailan ba sila uuwi?" pabulong na tanong niya kay Romana nang makarating sila sa bahay.Bukod sa wala silang privacy kapag naroon ang mga ito, isa pa sa mga dahilan niya ay siguradong patuloy siyang matutukso kay Lalaine kung malapit ito sa kaniya.Hinawakan siya nito sa braso saka pasimple na bumulong. "Nakiusap si Roman na mag-stay pa sila rito ng one month. Gusto niya raw kasi tayong makasama nang matagal bago siya bumalik sa States."Hindi siya tumugon. Para sa kaniya ay napakatagal ng one month. Napakaraming maaari na mangyari sa loob ng isang buwan.Napansin ni Romana ang pananahimik at paghaba ng kaniyang mukha kaya naman pasimpleng inabot nito ang kamay niya at saka pinagsiklop ang kanilang mga palad."One month lang naman, Baby. Hindi ko kasi siya nakasama noong mga bata pa ka
Nasa isang maayos na silid na si Romana nang dumating si Vincent sa ospital. Nabawasan ang kaniyang pag-aalala nang makitang may malay na ang kaniyang asawa."B-Baby ..." Kaagad siyang lumapit para tabihan ito. Samantala, nasa isang kanto lang naman si Roman at si Lalaine na nakamasid sa kanila."Kumusta ka? Ano ang sabi ng doktor? Bakit ka raw nawalan ng malay? Sinabi ko na kasi sa'yo na huwag kang magpagod."Kinuha niya ang isang kamay nito saka marahan na pinisil-pisil."Huwag ka nang magalit. Okay na ako ... ""Bakit kasi ayaw mo pang kumuha ng maids, Ate Romana? Risky na para sa'yo ang paglilinis ng bahay lalo pa at tumatanda ka na," walang preno ang bibig na sabat ni Lalaine. Napahi ang magandang ngiti ni Romana sa sinabi nito. Parang ipinamumukha nito na sobrang tanda na niya.Pasimpleng hinawakan naman ni Roman ang isang hita ni Lalaine para awatin ito sa pagsasalita. Napansin marahil ng kaniyang kapatid na na-offend siya sa sinabi ng girlfriend nito."Sinong tumatanda ang si
"Lower your voice, Lalaine! Nandito ka sa pamamahay namin! Akala ko ba malinaw na sa'yo ang lahat?! Matagal nang tapos 'yong sa'tin noon?! Bakit ibinabalik mo na naman?!" pabulong ngunit mariin na sabi ni Vincent kay Lalaine.Patuloy ang paglagaslas ng sagana nitong mga luha mula sa namumula nitong mga mata. "Hindi ito tungkol sa atin, Vincent. Tungkol ito sa magiging anak sana natin na hindi mo binigyan ng halaga ang buhay!""Anak mo lang, Laila! Anak niyo ng lalaki mo!" pagtutuwid niya sa mga kasinungalingan nito."Napaniwala ka na talaga ng matandang asawa mo sa mga kasinungalingan niya! Nilason na niya ang isip mo! Gawa-gawa niya lang ang ideyang 'yan para tuluyan tayong maghiwalay!"Napatawa na lang siya ng sarkastiko. Hanggang ngayon ay ito pa rin ang umaakto na biktima kahit na huling-huli na ito."Mayroon kayong video, Lailaine. Hindi ka makakapag sinungaling sa akin! At saka ano pa ba ang ipinupunto nitong usapan natin?! Ang anak mong namatay?! Bakit hindi ka na lang magpabun
Sa labas ng village hinintay ni Lalaine ang paparating na rider. Ngayon nakatakdang i-deliver ang kaniyang gamot na binili mula sa illegal site online kaya naman palihim siyang lumabas para salubungin ang magdadala."Peste naman oh! Bakit ba ang tagal ng letseng delivery rider na 'yon?! Sunog na ang balat ko kakahintay!" reklamo niya habang kinukuskos ang balat na bahagyang namumula na dahil sa sobrang init.Ilang sulyap na rin ang kaniyang ginawa sa relo pambisig. Thirty minutes na siyang naroon ngunit maski anino ng rider ay wala siyang makita."Tsk! Balak ba talagang ubusin ng taong 'yon ang pasensya ko?" Hinugot niya ang kaniyang cell phone mula sa kaniyang bulsa para sana magtipa ng mensahe ngunit napahinto siya nang may tumigil na motorsiklo sa kaniyang harapan. Balot na balot ang rider nito mula ulo hanggang paa. Maski buhok o kuko nito ay hindi niya makita ang itsura."Lalaine Montenegro?" Sumimangot siya."Ikaw ba ang may dala ng inorder ko?" yamot niyang tanong.Kinuha nito
Mabilis na ibinalik ni Roman ang maliit na bote ng gamot sa bulsa ng hinubad na short ni Lalaine nang pumihit ang seradura ng pintuan ng banyo."Babe ... Have you seen my –"Mabilis na naglakad ito patungo sa kaniya sabay hablot sa short na kaniyang hawak. May kinapa ito mula sa bulsa at saka muling tumingin sa kaniya."May pinakialaman ka ba rito?" mataray nitong tanong.Mabilis na pag-iling ang itinugon ni Roman, "Aamuyin ko lang sana," tumatawang palusot niya sa babae.Kaagad gumuhit ang pigil na ngiti sa labi ni Lalaine sa kaniyang naging tugon."Hindi ka pa ba nagsawa sa pag-amoy sa bulaklak ko kanina? Pati ba naman short ko ay ayaw mong patawarin?" kunwari'y pagalit nitong tanong."Bakit naman ako magsasawa? Ang sarap-sarap kaya ng amoy mo," muling pambobola niya sa babae kahit na ang totoo ay naguguluhan siya kung para saan ang gamot nitong itinatago.Misoprostol ang pangalan ng gamot at balak niyang alamin kung para saan iyon."Bolero! Sige na! Maliligo na ako!" Pumasok na muli
"B-Babe ... Y-You know how much I love you. W-Wala akong alam sa sinasabi mo," pagmamaang-maangan ni Lalaine."Tell me the truth. Ano ang sakit mo? Para saan ang Misoprostol na itinatago mo sa akin?!""Misoprostol? Hindi ba para sa ulcer 'yon? May ulcer ka, Lalaine?" sabat ni Romana na kanina pa nakikinig sa kanilang usapan.Lihim na napamura sa isipan si Lalaine. Nanggigigil siya sa pakialamero niyang nobyo. Sinira nito ang mga plano niya."Ah, oo! One week na kasing sumasakit ang tiyan ko kaya naisipan kong bumili ng gamot online. Ayaw ko nang mag-alala pa si Roman kaya hindi ko na ipinaalam. Kaso, nabuko niya rin ako ..." Sinundan niya iyon ng mapaklang tawa."Ano pa't naging fiance mo ako?! Bakit ba napakahirap sa'yo na sabihin sa akin ang totoo?"Padabog na tumayo mula sa kaniyang kinauupuan si Roman at saka malalaki ang hakbang na nilisan ang hapag."B-Babe!" Hahabulin niya sana ang lalaki ngunit tumayo rin si Romana para pigilan siya."Don't worry, nagtampo lang 'yon. Sobrang na
1.) MATUTONG MAGHINTAY. Hindi kailanman magiging masaya ang taong nanira ng pamilya. Dahil sa mga desisyong hindi pinag-iisipan, kapalit ay mga masasamang pangyayari na di inaasahan.2.) MATUTONG MAKONTENTO. Hindi kailanman naging sapat na dahilan ang problema para ipagpalit mo ang taong mahal mo at lubos ka ring minamahal sa iba. Hindi kailanman matutumbasan ng libog ang wagas na pagmamahal.3.) MONEY IS NOT EVERYTHING. Sa totoong buhay, alam naman natin sa ating mga sarili na pera talaga ang pangunahing pangangailangan para mabuhay. Pero sa story na 'to, siguro naman ay nakuha niyo ang gusto kong iparating. Aanuhin mo ang maraming pera kung mag-isa ka? Pamilya pa rin ang kailangan mo sa kahuli-hulihan.4.) MATUTONG MAGMOVE ON. Kapag inayawan ka, huwag sanang umabot sa puntong ibaba mo sa sukdulan ang sarili mo katulad ng ginawa ni Lalaine. Huwag mong lugmukin ang sarili mo dahil lang iniwan ka ng isang tao. Tumayo ka, lumaban at magpatuloy.5.) HUWAG IPAGPALIT ANG PAMILYA SA PANANDAL
"Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. May kasintahan ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon sa pangalawang pagkakataon."Nag-iwas siya ng tingin kay Evo. Gustong-gusto man niyang madugtungan ang kanilang nakaraan ay hindi na maaari. Kasuklam-suklam kung mauulit na naman ang kaniyang kamalian."Hindi mo kailangan alalahanin si Thea.""Hindi mo ba talaga maintindihan? Ayaw ko na isang babae na naman ang magdusa nang dahil sa akin! Ganiyan lang ba talaga kadali sa'yo ang magpalit ng girlfriend? Matapos mong pakinabangan ay iiwan mo na lang na parang isang basura?!" nanggagalaiti niyang tanong.Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay nagising na umiiyak si Baby Rebecca. Sinubukan niya itong patahanin ngunit hindi ito tumigil. Lumapit si Roman sa kaniya para kuhain ito saglit."Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag-usap nang maayos."Nang makalabas sa pintuan ang kaniyang kapatid bitbit ang kaniyang anak, nagtaka siya nang i-lock ni Evo ang silid.
"H-Huwag, L-Lalaine! M-Maawa ka! S-Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan noon! G-Gagawin ko ang lahat!"Ngumisi si Lalaine. Muling niyakap nito nang mahigpit ang sanggol. Nag-aapoy ang mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin."Lahat ay gagawin mo? Tama ba ang narinig, Romana?"Mabilis siyang tumango sa kabila ng panginginig ng kaniyang buong katawan."K-Kahit ano pa 'yan ay ibibigay ko! H-Huwag mo lang kunin sa akin ang pinakamahalagang yaman na mayroon ako!"Taas-noong inangat nito ang hintuturong daliri. Sinundan ng kaniyang mga mata ang galaw ng kamay nito at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib nang ituro nito ang ibaba ng building."Tumalon ka," patay-emosyong utos nito sa kaniya."A-Ano?" tigalgal niyang tugon.Maging ang dalawang lalaki ay napatuwid sa kani-kanilang kinatatayuan sa hiniling ni Lalaine."Tama na, Lalaine!" pigil ni Tristan sa ipinapagawa nito kay Romana."Bakit? Hindi mo ba kaya?
"R-Romana . . . " Sinubukan ni Evo na hawakan ang kamay nito at ihayag ang katotohanan na ang lahat ay palabas lamang ngunit pinahinto siya ng isang malakas na sampal sa mukha.Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balat ngunit para sa kaniya ay balewala lang ang sakit na 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ni Romana na idinulot niya."A-Akala ko maiintindihan mo ako . . . B-Binigo mo ako . . . A-Ayaw na kitang makita pa, E-Evo Xylon. M-Mas pinahihirapan mo lang ako sa tuwing ipinapakita mo 'yang mukha mo. Umalis ka na!"Nagbaba siya ng tingin. Nawala sa isip niya na sobrang bigat ng pinagdaraanan ng babae ngunit sa halip na damayan ito ay mas pinili niyang lumayo.Marahang tinapik ni Roman ang kaniyang balikat. "Sige na, man. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Maraming salamat sa paghatid mo sa amin."Nanlalata na tinungo niya ang pintuan papalabas ng bahay. All this time, ang gusto niya lang naman ay ang maranasang ipaglaban ng taong mahal niya ngunit hindi niya akalain na sa gin
"Kitty! H-Hanapin natin si Baby Rebecca! H-Hindi siya pwedeng mawala!" nag-he-hysterical na sabi niya sa kasama.Para siyang mababaliw sa mga oras na 'yon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid kahit na halos maglupasay na siya sa sahig sa takot sa maaaring mangyari sa baby."Ma'am, relax lang po. Hihingi tayo ng tulong."May agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen. Lumapit ang isa sa mga security guard ng establismentong 'yon upang usisain ang nangyari. Ang isang staff naman ay tumawag na ng otoridad na mag-ha-handle ng kaso.Kitty even contacted Roman, hindi na niya kasi makuhang mag-isip nang matino."Hello, Kitty?" sagot ni Roman mula sa kabilang linya."S-Sir . . ." pautal-utal na sambit nito, hindi maitago ang takot sa tinig.Nangunot ang noo ni Roman. "May problema ba?"Maging ang kasama niyang si Evo ay nahinto saa ginagawa. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiards sa lugar ng kaniyang kaibigan."Ano? Sige! Diyan lang kayo! Papunta na
Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id
"E-Evo . . . "Walang nabago sa itsura nito, kung mayroon man ay ang bahagyang pagmatured lang ng mukha nito. Gayunpaman, hindi nabawasan ang tikas ng tindig at ang gandang lalaki nito. Kung siya ang tatanungin ay mas lalo nga itong naging guwapo sa kaniyang paningin."Evo!" muling tawag niya na may himig nang pananabik.Dagli siyang lumakad palapit upang mayakap ito nang mahigpit ngunit . . ."Honey . . ." malambing na tawag ng babaeng kalalabas lang mula sa banyo.Litong tinignan niya ito. Nasisigurado niya na ngayon niya lamang nakita ang babae ngunit ang mas nagpagulo sa kaniyang isip ay kung sino ang tinawag nitong honey? Si Roman ba? Si Tyrone? O si Evo?"H-Honey?" tinanong niya ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tingin."A-Ah, R-Romana . . . S-Si Thea nga pala . . . Fiancèe ni Evo," pakilala ni Roman sa babae."H-Huh?" Iyon lamang ang tanging salitang lumabas mula sa bibig niya.Nawala sa isip niya ang naging usapan ni Evo at Roman noon. Sinabi nga pala nito na mayroon na ito
Bumukas ang pintuan ng silid. Sabay silang napalingon ni Doc Tyrone sa gawi nito. Pumasok ang kapatid niyang si Roman na naabutan sila sa ganoong posisyon."Hay! Tinatakot mo ba pati ang kapatid ko? Layuan mo nga siya!" parang wala lang na sabi nito sa doktor.Pumasok ito bitbit ang isang malaking tote bag na mayroong sari-saring laman tulad ng tinapay, prutas, fresh milk at iba pa. Kaagad lumayo ang lalaki, walang emosyon na tinignan ang kaniyang kapatid."Next time, huwag mo akong asahan sa mga ganitong bagay, okay? Doktor ako at isa ring businessman, hindi caregiver! Aalis na ako."Napailing na lang si Roman sa ugali ng kaibigan."Kaibigan mo ba talaga 'yon? Napakasama ng ugali niya!" pinid ang ngusong tanong niya.Tumawa lang naman si Roman. "Pagpasensiyahan mo na lang. Bugnutin talaga ang isang 'yon pero mabait siya. Nakita mo naman . . . Binantayan ka pa rin kahit labag sa loob niya," sagot nito.Hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na 'yon. Sandali na lang ay makalalabas na
"R-Roman! M-Malayo pa ba tayo?!" tanong ni Romana sa pagitan ng mga impit na daing. Nasa backseat siya habang seryosong nakatutok naman ang mga mata ng kaniyang kapatid sa daan. Minsan-minsa'y sinusulyapan siya nito."Kaunting tiis na lang, Romana. Mararating na natin ang pinakamalapit na ospital."Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang tinatahak na lugar. Nang makababa si Roman mula sa kotse ay kaagad siyang sinalubong ng dalawang nurse."Ano po ang problema?" tanong ng isa."Nasa loob ng kotse ang kapatid ko. Manganganak na siya . . . P-Please, paki-assist kami."Patakbong bumalik sa loob ng ospital ang isa sa dalawang nurse na lumapit sa kanila at pagbalik nito ay may tulak-tulak na itong stretcher."Sir, ililipat na namin siya dito," sabi ng isa.Inalalayan siyang makababa ng mga ito pababa sa kotse at saka buong pag-iingat na inilipat sa stretcher. Panay ang higop niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga."Relax lang tayo, Ma'am. Don't wor