Palingon-lingon sa paligid si Vincent nang makarating siya sa rooftop. Hinintay niya munang makatulog ang asawa bago palihim na pinuntahan ang sinabing lugar ni Romana."Romana ..." mahinang tawag niya sa pangalan nito.Malamig at madilim ang kapaligiran. Nagbibigay ng kilabot ang malamig na hangin na dumadampi sa kaniyang balat. Napahinto siya sa paglalakad nang may dalawang braso na biglang pumulupot sa kaniyang baywang mula sa likuran."Akala ko hindi mo na ako sisiputin, Baby. Miss na miss na kita."Isang malawak na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi nang matiyak niya na si Romana na iyon. Pumihit siya para harapin ito."Miss na rin kita. Paumanhin kung hindi na ako nakapagpaalam ... Inatake kasi sa puso si Laila. Hindi ko pa magawang ibalik ang kotse mo dahil sa dami ng nangyari."Kaagad na lumambitin sa kaniyang leeg ang dalawang braso nito at pumulupot naman ang dalawang binti sa kaniyang baywang. Hinawakan naman niya ang puwitan nito para alalayang hindi mahulog."Huwag mo nan
"Hindi na, Doc!" kaagad na tanggi ni Romana."Kaya ko naman eh! Minor lang naman. Madadaan pa ito sa cold compress," dagdag pa niya."P-Pero Miss Lichauco...""Sinabi ko na huwag na, 'di ba?! Bakit ba ang kulit mo!" Nanalim ang kaniyang mga mata sa manggagamot.Bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa kaniyang inasal. Malapit sila sa isa't isa ng doktor sapagkat ito rin ang doktor na gumagamot sa kaniyang ina at ito rin ang doktor na pinakamatagal nang naninilbihan sa ospital na ito na pag-aari rin niya kaya marahil hindi nito inaasahan ang pagtataas niya ng boses."Ipagpaumanhin mo, Doc. Medyo pagod na kasi ako at nais nang makauwi sa bahay."Tumango ang doktor ngunit nasa ekspresyon pa rin nito ang paninimbang sa kaniya."Ipagpaumanhin mo ang katanungang ito, Miss Lichauco, ngunit ... Bakit ka nga ba narito sa ganitong oras? At bakit ganiyan ang suot mo? Bakit nakasuot ka ng nurse uniform?"Mistula siyang nakasalang sa hot seat dahil sa magkakasunod na tanong ng doktor. Tinaasan niya n
Hindi nakatiis si Vincent. Kaagad na tinawagan niya ang babae."Hello, Mommy! Fuck! Alam mong nasa gitna ng operasyon ang asawa ko. Bakit mo ako pinaparusahan nang ganito."Ang senswal na tawa nito ang una niyang narinig mula sa kabilang linya."What? Gusto ko lang naman i-share sa'yo ang ginagawa ko habang iniisip kita. I am just bored and you know ... Just doing silly things while imagining you."Kusang napahawak na lang siya sa kanina pa naninigas na harapan. Napalingon-lingon sa paligid sa pangambang baka may makakita at makarinig sa kaniya."Stop tempting me, Romana. Fuck! Hirap na hirap na ako. I really can't go there," paos na pakiusap niya.Narinig niya na tila may kinuha sa isang sulong si Romana tapos bigla na lang naputol ang tawag nito. Akala niya ay nagalit sa kaniya ang babae ngunit tumawag muli ito via video call. He swiped the answer button ngunit tila lalo lang siya nitong pinarusahan. May hawak na itong dildo na eight inches marahil ang haba. Inilabas ni Romana ang
"Aalis ka na? Hindi ka pa nag-aalmusal ..."Nagluto ng pritong tuyo at sinangag si Laila para sa kaniyang asawa na paboritong paborito nito ngunit tila nagmamadali ito sa pagpasok sa trabaho. "Sorry, Asawa. May meeting kasi si Boss mamayang 7:00 AM. Alas-sais na kaya kailangan ko nang magmadali."Hinablot nito ang kulay puting polo na nakahanger at saka mabilisan na nagbutones. Kinuha rin ang pabango na nakalapag sa tokador saka nag-spray sa buong katawan. Halos maligo nito ang pabango."Aalis na ako. Mag-iingat ka rito at saka huwag kang magpagod."Pagkasabi no'n ay diretso nang lumabas ng pintuan ang lalaki na hindi man lang siya iniiwan maski isang halik. Dati naman ay humahalik ito bago umalis."Vincent! Sandali!" tawag niya.Nasa gate na ito nang huminto sa paglakad. Gusot ang mukha na tila yamot habang kakamot-kamot sa ulong lumapit muli ito sa kaniya."May ibibilin ka ba?" pantay ang tonong tanong nito.Umiling siya."Eh bakit mo ako tinawag? Sinabi ko na nagmamadali ako!" bak
"I'm sorry, Laila. Pagod ako galing sa pagtatrabaho. Puwede ba na magpahinga muna ako?" Mapait na natawa si Laila sa naging tugon ni Vincent. Hindi siya tanga para hindi mapuna ang pagbabago ng pakikitungo nito sa kaniya."Bakit, Vincent?! May iba ka na bang kinababaliwan?! May babae ka ba?! Sino?! Si Romana ba?!"Napahilot sa sintido ang lalaki at mariin na napapikit. Gustong-gusto na niyang sabihin ang katotohanan kay Laila na hindi na ito ang mahal niya ngunit may parte pa rin sa kaniyang puso na nais protektahan ang nararamdaman nito."Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Laila?! Si Miss Lichauco ang tumulong sa akin para ipagamot ka tapos susuklian mo siya ng pambibintang?! Hindi ka ba marunong magpasalamat? Kung hindi, ibahin mo ako! Marunong akong tumanaw ng utang na loob!" mataas ang boses na tugon nito.Sa gitna ng kalaliman ng gabi, impit na napaiyak at napaupo na lamang sa sahig si Laila. Niyakap ang hubad na sarili upang matakpan ang kaselanan."A-Ang gusto ko lang naman ay b
Parang sinisilaban ang pakiramdam ni Vincent lalo pa nang hubarin ni Laila ang suot nitong blouse. Hindi niya batid kung anong klaseng pakiramdam ang nadarama niya ngayon.Kahit na hindi sexy ang katawan at malaki ang dibdib ng kaniyang asawa ay hindi maipaliwanag ang init niyang nararamdaman para rito."Hindi ba sinabi mo na nais mo na tuparin ko ang ipinangako ko sa'yo noong bago ka maoperahan?" Kagat ang pang-ibaba na labi na tumango si Laila. Kinakabahan ang babae dahil medyo matagal na rin noong huli nilang pagtatalik. Hindi na rin niya alam ang pakiramdam.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang hubarin ni Vincent sa harapan niya ang pantalon nito. Kaagad tumutok sa kaniyang mukha ang maugat at matigas nitong ari."Marunong ka bang magblowjob?" Parang tinakasan ng dugo ang kaniyang mukha. Hindi pa nila nagawa ang ganoon kahit na kailan dahil ayaw ni Vincent na isubo niya ito noon ngunit ngayon, nag-iba na talaga ang lalaki."H-Hindi..." nanginginig ang boses niyang sagot.Muling na
"Shut up, Alec!" Hinawi ni Romana ang kamay nito na nakahawak sa kaniya na kaagad naman naghatid ng hindi positibong reaksiyon para sa lalaki."Maging propesyonal tayo pagdating sa trabaho. Labas ang mga personal nating problema pagdating sa usaping negosyo. Ayusin mo ang gusot na ito kung ayaw mong ako mismo ang magpatalsik sayo! Get out!"Bagama't may pagtutol sa reaksiyon nito ay hindi na nagawa pang magpumilit sa nais. Lubos na kilala nito si Romana na kapag sinabi niya ay totoong gagawin niya.Nagtipon-tipon ang lahat sa conference room. Naipaliwanag nang maayos ni Alec kung bakit bumaba ang sales na nagpakalma sa mga nangangambang shareholders at board of directors."Ayaw ko nang maulit ang pangyayaring ito. Isa ka sa mga iniingatan kong empleyado kaya sana ay mahalin mo ang trabaho mo. Wala akong ibang kayang gawin para sayo kundi ang panatilihin ka sa posisyon mo."Pagkasabi nito kay Alec ay hinablot na niya ang kaniyang mamahaling bag saka may pagmamadali na nilisan ang sili
Hindi na nagpaligoy-ligoy si Romana nang maiparada ni Vincent ang kotse sa isang parking lot. Kaagad niyang tinanggal ang sintron nito at ibinababa ang zipper."Lawayan mo muna para pumasok kaagad," utos sa kaniya ni Vincent.Ngumisi siya sa lalaki, "Hindi mo na ako kailangan na sabihan, Baby. Expert na ako rito."Ibinaba niya ang kaniyang ulo para dilaan ang matigas na sandatang nakatayo sa pagitan ng mga hita ng lalaki. Mahigpit na napakapit si Vincent sa manibela ng kotse kasunod ang mariin na pagpikit."Damn! It feels so good!" sambit ni Vincent sa pahalinghing na tono. Nang mabasa niya nang tuluyan ang kabuuan ng matigas na sandata na iyon ay bahagya siyang umangat sa kaniyang upuan at saka ibinaba ang suot niyang underwear."Sigurado ka ba na magagawa natin ito rito? Ang sikip ng space," may pag-aalangan sa himig ni Vincent. Ngumiti lang siya nang mapang-akit."Trust me! Makakaraos tayo pareho," aniya.May pinindot siya sa gilid ng driver's seat at bahagya itong bumaba. Nagkaroo
1.) MATUTONG MAGHINTAY. Hindi kailanman magiging masaya ang taong nanira ng pamilya. Dahil sa mga desisyong hindi pinag-iisipan, kapalit ay mga masasamang pangyayari na di inaasahan.2.) MATUTONG MAKONTENTO. Hindi kailanman naging sapat na dahilan ang problema para ipagpalit mo ang taong mahal mo at lubos ka ring minamahal sa iba. Hindi kailanman matutumbasan ng libog ang wagas na pagmamahal.3.) MONEY IS NOT EVERYTHING. Sa totoong buhay, alam naman natin sa ating mga sarili na pera talaga ang pangunahing pangangailangan para mabuhay. Pero sa story na 'to, siguro naman ay nakuha niyo ang gusto kong iparating. Aanuhin mo ang maraming pera kung mag-isa ka? Pamilya pa rin ang kailangan mo sa kahuli-hulihan.4.) MATUTONG MAGMOVE ON. Kapag inayawan ka, huwag sanang umabot sa puntong ibaba mo sa sukdulan ang sarili mo katulad ng ginawa ni Lalaine. Huwag mong lugmukin ang sarili mo dahil lang iniwan ka ng isang tao. Tumayo ka, lumaban at magpatuloy.5.) HUWAG IPAGPALIT ANG PAMILYA SA PANANDAL
"Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. May kasintahan ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon sa pangalawang pagkakataon."Nag-iwas siya ng tingin kay Evo. Gustong-gusto man niyang madugtungan ang kanilang nakaraan ay hindi na maaari. Kasuklam-suklam kung mauulit na naman ang kaniyang kamalian."Hindi mo kailangan alalahanin si Thea.""Hindi mo ba talaga maintindihan? Ayaw ko na isang babae na naman ang magdusa nang dahil sa akin! Ganiyan lang ba talaga kadali sa'yo ang magpalit ng girlfriend? Matapos mong pakinabangan ay iiwan mo na lang na parang isang basura?!" nanggagalaiti niyang tanong.Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay nagising na umiiyak si Baby Rebecca. Sinubukan niya itong patahanin ngunit hindi ito tumigil. Lumapit si Roman sa kaniya para kuhain ito saglit."Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag-usap nang maayos."Nang makalabas sa pintuan ang kaniyang kapatid bitbit ang kaniyang anak, nagtaka siya nang i-lock ni Evo ang silid.
"H-Huwag, L-Lalaine! M-Maawa ka! S-Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan noon! G-Gagawin ko ang lahat!"Ngumisi si Lalaine. Muling niyakap nito nang mahigpit ang sanggol. Nag-aapoy ang mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin."Lahat ay gagawin mo? Tama ba ang narinig, Romana?"Mabilis siyang tumango sa kabila ng panginginig ng kaniyang buong katawan."K-Kahit ano pa 'yan ay ibibigay ko! H-Huwag mo lang kunin sa akin ang pinakamahalagang yaman na mayroon ako!"Taas-noong inangat nito ang hintuturong daliri. Sinundan ng kaniyang mga mata ang galaw ng kamay nito at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib nang ituro nito ang ibaba ng building."Tumalon ka," patay-emosyong utos nito sa kaniya."A-Ano?" tigalgal niyang tugon.Maging ang dalawang lalaki ay napatuwid sa kani-kanilang kinatatayuan sa hiniling ni Lalaine."Tama na, Lalaine!" pigil ni Tristan sa ipinapagawa nito kay Romana."Bakit? Hindi mo ba kaya?
"R-Romana . . . " Sinubukan ni Evo na hawakan ang kamay nito at ihayag ang katotohanan na ang lahat ay palabas lamang ngunit pinahinto siya ng isang malakas na sampal sa mukha.Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balat ngunit para sa kaniya ay balewala lang ang sakit na 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ni Romana na idinulot niya."A-Akala ko maiintindihan mo ako . . . B-Binigo mo ako . . . A-Ayaw na kitang makita pa, E-Evo Xylon. M-Mas pinahihirapan mo lang ako sa tuwing ipinapakita mo 'yang mukha mo. Umalis ka na!"Nagbaba siya ng tingin. Nawala sa isip niya na sobrang bigat ng pinagdaraanan ng babae ngunit sa halip na damayan ito ay mas pinili niyang lumayo.Marahang tinapik ni Roman ang kaniyang balikat. "Sige na, man. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Maraming salamat sa paghatid mo sa amin."Nanlalata na tinungo niya ang pintuan papalabas ng bahay. All this time, ang gusto niya lang naman ay ang maranasang ipaglaban ng taong mahal niya ngunit hindi niya akalain na sa gin
"Kitty! H-Hanapin natin si Baby Rebecca! H-Hindi siya pwedeng mawala!" nag-he-hysterical na sabi niya sa kasama.Para siyang mababaliw sa mga oras na 'yon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid kahit na halos maglupasay na siya sa sahig sa takot sa maaaring mangyari sa baby."Ma'am, relax lang po. Hihingi tayo ng tulong."May agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen. Lumapit ang isa sa mga security guard ng establismentong 'yon upang usisain ang nangyari. Ang isang staff naman ay tumawag na ng otoridad na mag-ha-handle ng kaso.Kitty even contacted Roman, hindi na niya kasi makuhang mag-isip nang matino."Hello, Kitty?" sagot ni Roman mula sa kabilang linya."S-Sir . . ." pautal-utal na sambit nito, hindi maitago ang takot sa tinig.Nangunot ang noo ni Roman. "May problema ba?"Maging ang kasama niyang si Evo ay nahinto saa ginagawa. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiards sa lugar ng kaniyang kaibigan."Ano? Sige! Diyan lang kayo! Papunta na
Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id
"E-Evo . . . "Walang nabago sa itsura nito, kung mayroon man ay ang bahagyang pagmatured lang ng mukha nito. Gayunpaman, hindi nabawasan ang tikas ng tindig at ang gandang lalaki nito. Kung siya ang tatanungin ay mas lalo nga itong naging guwapo sa kaniyang paningin."Evo!" muling tawag niya na may himig nang pananabik.Dagli siyang lumakad palapit upang mayakap ito nang mahigpit ngunit . . ."Honey . . ." malambing na tawag ng babaeng kalalabas lang mula sa banyo.Litong tinignan niya ito. Nasisigurado niya na ngayon niya lamang nakita ang babae ngunit ang mas nagpagulo sa kaniyang isip ay kung sino ang tinawag nitong honey? Si Roman ba? Si Tyrone? O si Evo?"H-Honey?" tinanong niya ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tingin."A-Ah, R-Romana . . . S-Si Thea nga pala . . . Fiancèe ni Evo," pakilala ni Roman sa babae."H-Huh?" Iyon lamang ang tanging salitang lumabas mula sa bibig niya.Nawala sa isip niya ang naging usapan ni Evo at Roman noon. Sinabi nga pala nito na mayroon na ito
Bumukas ang pintuan ng silid. Sabay silang napalingon ni Doc Tyrone sa gawi nito. Pumasok ang kapatid niyang si Roman na naabutan sila sa ganoong posisyon."Hay! Tinatakot mo ba pati ang kapatid ko? Layuan mo nga siya!" parang wala lang na sabi nito sa doktor.Pumasok ito bitbit ang isang malaking tote bag na mayroong sari-saring laman tulad ng tinapay, prutas, fresh milk at iba pa. Kaagad lumayo ang lalaki, walang emosyon na tinignan ang kaniyang kapatid."Next time, huwag mo akong asahan sa mga ganitong bagay, okay? Doktor ako at isa ring businessman, hindi caregiver! Aalis na ako."Napailing na lang si Roman sa ugali ng kaibigan."Kaibigan mo ba talaga 'yon? Napakasama ng ugali niya!" pinid ang ngusong tanong niya.Tumawa lang naman si Roman. "Pagpasensiyahan mo na lang. Bugnutin talaga ang isang 'yon pero mabait siya. Nakita mo naman . . . Binantayan ka pa rin kahit labag sa loob niya," sagot nito.Hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na 'yon. Sandali na lang ay makalalabas na
"R-Roman! M-Malayo pa ba tayo?!" tanong ni Romana sa pagitan ng mga impit na daing. Nasa backseat siya habang seryosong nakatutok naman ang mga mata ng kaniyang kapatid sa daan. Minsan-minsa'y sinusulyapan siya nito."Kaunting tiis na lang, Romana. Mararating na natin ang pinakamalapit na ospital."Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang tinatahak na lugar. Nang makababa si Roman mula sa kotse ay kaagad siyang sinalubong ng dalawang nurse."Ano po ang problema?" tanong ng isa."Nasa loob ng kotse ang kapatid ko. Manganganak na siya . . . P-Please, paki-assist kami."Patakbong bumalik sa loob ng ospital ang isa sa dalawang nurse na lumapit sa kanila at pagbalik nito ay may tulak-tulak na itong stretcher."Sir, ililipat na namin siya dito," sabi ng isa.Inalalayan siyang makababa ng mga ito pababa sa kotse at saka buong pag-iingat na inilipat sa stretcher. Panay ang higop niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga."Relax lang tayo, Ma'am. Don't wor