Sana all na lang baby Atlas
Andrea Nang binabagtas na namin patungo sa building ng kurso kong biology. Naalala ko kung paano siya papasok walang dalang kotse si Atlas. Kasi iisa lang ang dala namin dahil sa backset kami pareho. Hindi ito nagdala. Baka raw mahilo ako sa byahe kaya sinamahan ako sa backseat. “Paano ka nga pala niyan papasok kung wala kang dalang kotse?” “Pupunta si Macarius dito sasabay ako sa kaniya magppahatid ako sa office. Ihahatid daw rito si Brielle," Napa ‘ah’ ako sa nalaman. “Nag-aaral pa ba si Brielle rito?” tanong ko sa kaniya. Kasi nalaman ko ilang taon lang ang tanda ni Atlas kay Brielle. Akala ko nga same age lang kami iyon pala twenty-six na si Brielle. Baby face lang talaga ang ganda kasi ni Brielle kaya hindi halata twenty-six na ito. “Yeah pangalawa niyang course. Graduate na iyon hindi gusto ang unang kurso iyon panibago ulit ngayon.” “Ay wow sana ganun lahat masipag mag-aral,” wika ko pa. “Kumuha lang iyon ng subject gusto maging titser,” tumawa si Atlas na para
AndreaNang tuluyang nakalayo si Atlas at hindi ko na natatanaw niyakap ako ni Vianca sa braso. Ako rin yumakap ako sa kaniya at nginuso ko ang classroom balik na kami iyon ang ibig kong sabihin.Si Maxine nasa harapan lang namin ngunit nakangiti naman. “Hey, halika ka nga rito Maxine,” tinawag ko siya kasi nakangiti lang pinanood ang pag-uusap namin ni Vianca.“Halika rito ito naman parang hindi kaibigan,” anang ko ulit ako na ang humila sa kamay n'ya upang tatlo kaming magsabay lumakad.Ako na rin ang yumakap sa braso niya para hindi ito mailang sa akin. Napatda pa ito sa gumawa ko ngiti lang ang tugon ko.“Sabi ko sa ‘yo mabait ang bestfriend ko Maxine. Kaya nga inlove si Atlas Martinez diyan kasi total package baga. Maganda na magandan din kalooban niyan.”“Amen! Sobrang papuri naman iyan bff humaba ba buhok ko sa papuri mo.”“Mahaba naman na talaga buhok mo. Kay CEO pa lang taon si Rapunzel sa ‘yo,” sabi ulit ni Vianca.Ngumiti na lang ako tumingin ako kay Maxine.“Bakit? May gus
Andrea “Biro lang si Andeng madaling maniwala. Hindi ko tipo ang ganun kay Kier kayo naman seneryoso ang biro ko,” sabi ni Maxine nakangiti pa. Pero ngumiti lang ako hindi ko alam alanganin ako maniwala. Pagkatapos namin mag-usap nila Maxine at Vianca. Pumasok na kami sa classroom. Ako tulala sa buong klase. Buti na lang hindi nagtawag mga professor namin safe ako sa kahihiyan. Kung sakaling nagtawag para sa recitation. Lutang pa naman ako naku po kakahiya kung nangyari noon. First time iyon mangyayari sa akin na hindi makasagot kung sakaling nagtawag kanina. Uwian namin as usual magkasama kaming tatlo. Ganun pa rin ang sundo ni Maxine iyong Lamborghini noong nakaraang araw. Nasanay na rin siguro si Vianca kaya hindi nito natukso si Maxine, ngayon sa bonggang sasakyan ng sundo niya. Kasi nga kung hindi bilyonaro walang kakayahan noon bumili buti kung isang sasakyan lang. Eh, Ilan palit din kaya nakapagtataka nga naman sabi ni Vianca. Hanggang nakasakay sa Lamborghini si Maxine h
Andrea (Warning! Read at your own risk) “Okay na ba, besh?” mabilis akong nilapitan ni Vianca ng matapos kaming mag-usap ni Kier. "Woi!" Check pa nito ang kamay ko, braso ko, pisngi ko kung mayroon daw akong pasa dahil ipapupulis niya ulit si Kier. "Sigurado ka hindi ka ginawan ng masama ng supot na iyon?" nasamid ako sa sinabi nito. "Magsabi ka besh! Alam ko ikaw hangga't kaya mo itago pagtatakpan mo," sabi pa nito nag-aala. “Hoy," halakhak ko kinurot ko pa sa tagiliran niya kasi makulit talaga 'to. "Paano siya maka porma kung nakabantay si kuya Neil. Nakamasid sa 'min. Ikaw rin naka pamaywang pa at seryosong nakatingin sa 'min. Salamat bff palagi mo akong pinagtanggol kapag mayroon nang-aapi sa 'kin." “Aba mahirap na magkaroon ulit ng pasa ang palapulsuhan mo kun'di pakukulam ko na iyon!” gigil niyang sabi. “Pasaway ka. Wala, kasi mabait na siya at sana tuloy-tuloy na ganun si Kier. Para naman tanggapin na siya ni San Pedro,” pabiro kong saad sa bestfriend ko. “Halleluja
Andrea "H'wag mong ituloy ang balak mo please! Hindi pa huli ang lahat. May mga anak ka. Kahit mapatay mo ako ngayon. Hindi ka rin makaliligtas dahil hahabulin ka ng batas," puno ng pakiusap na wika ko sa kaniya. "Wala na akong pakialam kung saan ako pupulutin pagkatapos nito. Ang tanging mahalaga sa 'kin. Ang mabura ka sa mundo!" nanlilisik ang mata na sabi nito sa 'kin. Sandali akong pumikit namalisbis ang luha sa aking pisngi. Tatanggapin ko na lang ba na hanggang dito na lang ako? Ngunit hindi ako papayag. Magkakaanak na kami ni Atlas. Makababalik ako kay Atlas. Magkakaroon pa kami ng maraming anak. Humakbang ng isa si Olivia papalit sa 'kin ngunit hinayaan ko kasi hindi ako makakilos. Dammit! Kung aatras ako, sa bangin ang bagsak ko. Maari akong tumakbo ngunit anong laban ko sa baril na hawak ni Olivia. Susubukan ko pa rin siyang kausapin baka makinig. Dahil naniniwala ako kapag isang ina. Makaaalala sa anak nila. Baka ito ang magligtas sa 'kin. Hahayaan niya akong makauw
Andrea “Nightmare?” He gave me a serious look, and I could see the fear in his eyes. “Kanina pa kita ginigising,” umiigting ang kaniyang panga habang nakatingin siya sa akin. Pinunasan nito ang pisngi ko basa pala talaga? Seryoso talaga nga umiyak ako pero panaginip lang iyon ang iyak ko ay totoo. Mariin akong napapikit. Akala ko totoo ang nangyari kanina. Parang totoo kasi katunayan masakit ngayon ang dibdib ko. Hinaplos ko iyon. Doon napunta ang mata ni Atlas at salubong ang kilay. “May masakit sa iyo, mmm?” puno ng pag-aalala ang boses nito. “Baby, maybe you need to rest; I'm worried about you.” Dali-dali akong lumingon sa paligid kung nasaan ako. Pagkatapos ay kinapa ko pa ang dibdib ko para i-check kong wala ba talaga akong tama ng bala. Nang wala akong makapa animo nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Umiiyak na pala ako ng tahimik dahil sa labis na galak kasi kasama ko pa si Atlas. Makikita ko pa ang daddy ko at higit sa lahat. Masisilayan ko pa ang mga anak namin ni Atlas
Andrea Sa pangatlong araw ko tambay sa condo. Magaan ang pakiramdam tuwing gumigising ako kinabukasan. Wala na si Atlas sa tabi ko kun'di ang amoy nito ang naiwan sa unan, kaya niyakap ko at inamoy amoy ko na lang iyon habang nakayakap sa unan na gamit ni Atlas. Gustong-gusto ito ng baby ko hindi ako nahihilo kapag inaamoy ko si Atlas. Hindi talaga ako pinayagan ni Atlas na pumasok sa Immaculate University. Mabilis nitong inayos kinabukasan ng walang kahirap-hirap na inilipat niya ako sa homeschooling program. Dahil din ayaw ko naman na mag-away pa kami kagaya noon na tatlong araw na walang kibuuan. Sinunod ko na lang si Atlas. Sabi ni daddy. Pakinggan ko ang asawa ko kasi alam ni Atlas ang ginagawa nito kaya magtiwala lang daw ako rito. Para din sa kapakanan ko ang iniisip ni Atlas. Ano pa edi oo na lang kaya ang ate Lucy. Tuwang-tuwa kasi araw-araw na raw siya may ka chismisan dahil kasama na niya ako. Hmp ang aga naman gumising ng asawa ko hindi ko lang namalayan umalis sa
Andrea Katatapos lang ng klase ko. Two hours lang ako ngayon kaya eleven ng umaga tapos na kami ng professor ko. Lumipas ulit ang isang araw naka survive naman ulit ako sa homeschooling kahit nasa time pa ako ng adjustment. “Bye po ma'am Sigrid. Ingat po sa biyahe,” “Salamat Mrs. Martinez, see you on monday,” tugon nito't kumaway din sa akin. Lunes hanggang huwebes lang kasi ang turo nito. Hindi kagaya sa normal class. Monday to Friday. Kapag homeschooling sa Immaculate University. Hanggang Thursday lang. Nang tuluyang makalabas ang professor ko. Bumalik ako sa sala upang iligpit ko ang laptop at iba ko pang gamit nakakalat sa ibabaw ng center table. Pinagsama sama ko lang ang notebook ko at pinasok muli sa backpack ko kasama ng laptop ko. Hindi ko muna inalis sa ibabaw ng center table. Mamaya pa kasi akong papasok sa k'warto dinadala ko iyon pagkatapos ng aking klase. Pero ngayon gusto ko munang tumambay rito sa sala. Kapag sa kwarto hilahin na naman ako ng tulog kapag nak
Andrea Kanina pa ako nakatingin sa apartment ni Erica. Pinasok na nila Atlas. Marami na rin taong nakiusyuso dahil naging maingay si Olivia ayaw sumuko. Hindi nga noong una nakapasok sina Atlas maging ang mga pulis. Maingay rin ang kapatid kong si Alvina. Ngunit pagkatapos tumahimik kaya ako'y kabado sobra. Shit wala akong balita sa kanila. Ano na kaya ang nangyari? “Ma'am Andrea saan ka pupunta?” maagap na tanong ni Kuya Neil ng buksan ko ang pinto sa tagiliran ko. “Kuya sisilipin ko lang sila—” “Hindi pu-pwede ma'am. Kami ang mananagot kay Sir Atlas, kapag pinayagan kita. Ayaw namin mawalan ng trabaho. Dito ka na lang muna ma'am Andrea. Tingin ko po nagtagumpay naman sila kaya wala kang dapat ipag-alala.” “Hindi ako lalapit—” “Hindi pa rin pu-puwede ma'am Andrea. Dito na lang tayo mag-antay mamaya darating na rin ‘yan si sir Atlas,” pakiusap ni kuya Neil. “Kuya Neil hindi naman malalaman ni Atlas.” Bang! Bang! Shit! Dalawang putok sinong tinamaan. Nanlaki ang
Andrea “Daddy!” nagmamadali akong kumatok sa pinto ng kuwarto ni Daddy pagkatapos kong makipagusap kay Erica. Si Atlas tinatawagan si Balthazar. Sabi ko kami na lang ang pumunta kasi si Olivia lang naman ang kalaban. Hindi lang sumangayon ang asawa ko sa suggestion ko. Maigi raw makasigurado kami dahil wala na sa tamang pag-iisip si Olivia. Baka kung anong gawin mahirap sa huli pa kami magsisi kung mayroon ng ginawa si Olivia. "Hello, Neil. Malapit na ba kayo?" tanong pa ni Atlas sa bodyguard at driver ko. Huminto magsalita si Atlas. Mayroon siguro sinabi si Kuya Neil sa kaniya kaya tumigil sandali si Atlas. "Okay. Aantayin ka namin," tugon ni Atlas bago putulin ang tawag. "Tapos na akong makipagusap kina Neil at Balthazar. Ipinaalam ko na rin kay Mommy at Daddy. Antayin lang natin dumating si Sonny at Neil. At saka ko tayo lalakad." Tumango ako. Bumukas ang pinto naghihikab pa si daddy ng bumungad sa 'min. “Anak may kailangan ka?” nagtataka pa n'yang tanong. “Daddy, haw
Andrea Hindi kami umuwi ni Atlas sa condo namin. Dito kami sa bahay natulog. Maging ang ate Lucy, narito din sa silid ni ate Jane nakitulog. Natawagan na rin ni Atlas ang professor ko hindi ako papasok bukas dahil hindi pa ako uuwi sa condo. Aantayin ko na hanggang sa Sabado ang araw ng pamanhikan nila dito muna ako sa bahay mananatili. Pero papasok si Atlas bukas. Kaya maaga kaming natulog medyo malayo kasi ang aming bahay sa office ni Atlas. Nag-a-adjust siya ng gising bukas. Unti ng mahimbing ang tulog ko ng maulinigan kong may tumatawag sa cellphone ko. Hinayaan ko muna dahil gusto ko ng matulog. Subalit ayaw tumigil sa pagri-ring Iniisip ko si Atlas masarap ang tulog may pasok din si Atlas bukas kaya napilitan akong bumangon upang sagutin iyon. “Baby saan ka pupunta?” paos ang boses ni Atlas. Nagkamot ako sa buhok ko. Shit! Kay lakas ng pakiramdam ni Atlas. Mahimbing na ang tulog nito pero isang kilos ko lang nagising na agad. “Andrea Keth?” inulit pa at bumangon na rin ito
Andrea “May masama bang nangyari doon sa bahay n'yo?” hindi nakatiis na tanong ng ate Lucy. Kanina pa kasi patingin tingin siya sa ‘kin na may pagtataka sa mata niya. Oo nga naman ang tahimik ko kasi simula kanina paglabas ng condo hanggang ito malapit na kaming makarating sa bahay. “Ate Lucy nawawala po si Alvina,” Napatakip ng bibig si ate Lucy animo nabigla siya ng sobra. “S-sino naman ang kumuha na pakawalang puso noon.” “Ate wala pa kaming nakuhang lead. Pero sana okay lang ang kapatid ko. Baka kung anong gawin kay Alvina ng kumuha sa kaniya. Baby pa niya para makaranas ng ganitong ganid na tao.” “Sobrang lakas ng loob noon. Sa bahay n'yo pa dinukot si Alvina…sandali nga senyorita. Baka naman Ina ni Alvina ang kumuha. Kasi nga malayang nakakilos sa loob ng bahay n'yo.” “Ate same tayo ng iniisip. Kung nagkataon na si Olivia ang kumuha kay Alvina. Sana lang hindi niya pabayaan si Alvina. Nasaksihan ko kasi paano niya pinabayaan ang bata. Kahit may sakit hindi inaalaga
Andrea Nang matapos kong tawagan si Daddy. Sinubukan kong kontak-in si Erica. Subalit unattended lang ang sumalubong sa ‘kin ilang dial na ang ginawa ko. Nailing ako kasi dati naman nag-ri-ring ang phone ni Erica. Ilang beses ko kasi si Erica tinawagan tungkol kay Alvina. Kung gusto n'yang alagaan ang kapatid niya bago magdesisyon si dad na akuin na si Alvina. Hindi sinasagot ni Erica bawat tawag ko. Ginagawa ko na lang nag-message na lang ako kung sakali man mababasa nito. Ako: Erica, si Andrea ‘to. Kung nasa inyo si Alvina mas okay. Pero kung wala. May kumuha sa kaniya. Kapatid mo pa rin ‘yon kahit na anong mangyari. Si mama mo rin nawawala sa rehabilitation center. Kung ako sa ‘yo. Hayaan mo gumaling ang mama mo. Wala na siyang kinikilala ‘wag mong hayaan na mapahamak pa pati ikaw at si Alvina. Nagpadala na lang ako ng text kung sakaling buksan n'ya ang phone papasok naman panigurado ang mensahe ko sa kaniya. “Bakit anong nangyari?” nagtataka si Atlas ng halos takbuhin ko a
Andrea “Ang lalaking nagbigay ng wine sa ‘kin doon sa Soltero noong gabing nag-break kami ni Kier, ay boyfriend ni Maxine?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Atlas. “Baby tama naman ang narinig mo,” tugon ni Atlas. “Sigurado ka ba rito ha, Atlas? Baka nagkamali lang ‘yang si Balthazar sa report niya sa ‘yo. Sandali nga. Iyon pala ang totoo mong pakay kaya nakipagkita ka kay Balthazar, ng pagkatagal tagal? Sabi mo dahil sa pinadala ni Kier, na picture kaya may usapan kayo ni Balthazar? Bakit ngayon pati na si Maxine?” “Tsk. Baby, bakit ba ang hilig mong banggitin ang pangalan ng ex mo,” may inis sa boses ni Atlas. Hindi ko lang siya pinansin. Nagpatuloy akong magtanong sa kaniya. “Ang OA mo Atlas. Magkakaanak na nga tayo at hello? Pangalan lang iyon ni Kier selos na selos ka pa,” “Damn pinagdiinan pa ang pangalan ni ex,” bubulong bulong si Atlas. “Ayaw kong sasambitin mo ulit ang pangalan noon. Baby naman,” Inukotan ko ng mata ko. Hanggang ngayon napaka big deal dito ang
Andrea “Ah, ‘yan pala si Jhen?” tanong ko sa ate Lucy ng hindi na nag-reply si Maxine sa 'kin. Bumalik ulit sa telebisyon ang atensyon ko. Nakangiting pinanood ko ito. Tumango ito. “Diba senyorita kasing ganda mo siya? Siguro ka height mo rin siya at magkasing katawan,” puno ng paghanga na wika ng ate Lucy para sa idol niyang artista. “Parang malabo po ang mata mo ate Lucy. Ang ganda-ganda po niya. Lalo na siguro sa personal lalo ‘yan maganda. Parang bata pa po ate Lucy, 'no? Para siyang eighteen lang," saad ko sa kaniya. “Twenty three na raw ‘yan sabi noong dating interview sa kanilang dalawa siya mismo ang nagsabi. Baby face lang talaga,” “Updated ate ah,” biro ko pa. Muli na lang akong nanood. Kaya lang napapangiwi ako sa walang katapusan na palakpak ni ate Lucy, kaya bigla akong bumungisngis at pabirong pinagsabihan ‘to. “Ate Lucy, nabibingi na po ako sa ginagawa mo. Parang gusto ko na lang bumalik sa k'warto,” “Ahehe sorry senyorita. Babawasan ko na lang ang boses
Andrea Alas-dos na ng hapon. Wala pa rin si Atlas. Naiinip naman akong mag-antay sa k'warto namin muli akong bumangon at ni off ang bukas na TV. Lumabas ulit ako't bumalik sa sala. Naabutan ko pa si ate Lucy roon sa sala ang lakas ng hagalpak ng tawa ni ate Lucy sa pinanonood niyang noontime show. Hindi pa pala tapos sa ganitong oras? O baka patapos na rin. Ang alam ko kasi hanggang 2:30 pm lang ang haba ng oras ng pinanonood ni ate Lucy na noontime show sa RMTV. Certified talagang artista fanatic si ate Lucy. Pero nakatutuwa rin naman sa kabila ng edad ni ate Lucy, kung kiligin sa mga genZ love team abot hanggang talampakan. Ang dami nitong kilalang artista ng RMTV. Mapa bagets at mga batikang artista halos kilala ni Ate Lucy. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. Hindi niya pa ako napapansin sa labis n'yang katuwaan sa pinanonood niya. May paghampas pa nga sa sofa kapag tatawa ito ng malakas. “Ate Lucy overacting ka po,” pang-aasar ko pa sa kaniya. Bumungisngis lang
Atlas Paul Trinidad? Bunsong anak ni Senator Alan Trinidad. Anim na taon ng hiwalay sa asawa nitong dating beauty international title holder. Thirty four years old. Car dealer ang business nito. Parang damit lang kung magpalit ng babae. Kapag nagsawa ay parang basahan na ididispatsa ang babae at ipapalit ang latest nagustuhan nito. Sa nakalap ni Balthazar na impormasyon. Binubugbog daw ang asawa kaya iniwan si Paul Trinidad. Nakulong daw ito dahil denemanda ng asawa. Ngunit wala pang dalawang buwan na abswelto si Paul at ang asawa nito ay sa province piniling manirahan. Last year lang may nagreklamong model dito kay Paul sa kasong pang-aabuso na katulad din sa kaso ng asawa nito. Ngunit binasura lang ang kaso dahil wala raw sapat nakuhang ebidensya ang nagsampa ng kaso. Bali-balita rin nasuhulan ang pamilya ng biktima upang manahimik. Dahil hindi lang isang beses itong nagkaroon ng kaso na ganito itong si Paul Trinidad. Pangatlong kaso ng pala same ang isinampa. Pang-aabuso ng