Sinundan naman ni Angelo ang lalaki papunta sa isa sa mga opisina ng istasyon. Nang makapasok na sila sa loob ng opisina ay bigla nalang siyang binulyawan nito.
"What the h*ll are you doing here?!" Bakas ang galit sa mukha ng lalaki, nang makita niya ang pagmumukha ni Aimie sa lugar ng kanyang pinagtratrabahuan.
"Ingleserong palaka toh, kala mo kung sino. Di ka kagwapohan kaya wag kang high blood, mas lalo kang pumapanget." Napasimangot naman si Angelo dahil sa inasal ng lalaking kaharap niya. Kung makaasta ito parang may ginawa siyang nakakasuklam na bagay.
"Do you think I'll feel sorry for you, because you're here in front of me with that pathetic face of yours." Mas lalo pang nagalit ang lalaki nang makita nito ang expresyon ng mukha ni Aimie, na parang nagpapaawa sa k
"Yur mi brader?""Pisti, bigla akong napaingles."Hindi mapigilan ni Angelo na murahin ang sarili dahil sa kanyang sinabi.Samantalang ang kuya naman ni Aimie ay napaigting dahil sa kanyang narinig. Di niya akalaing naglayas lang ito sa pamamahay ay pumangit na ang pag-englis nito."What's your problem, why are you speaking like that?" napataas ng kilay ang kuya ni Aimie habang tinatanong si Angelo. Sa tingin niya kasi ay parang lumuwag ang turnilyo ng nakababatang kapatid niya."Anong what's your problem diyan, pede bang magtagalog ka nga, nakakarindi kang palaka ka." Hindi mapigilan ni Angelo ang magalit dahil kanina pa niya sinabing magtagalog nalang ang mukhang palakang kaharap niya, pero englis pa rin ng englis. "Kapag ako hindi nakapagpigil masasapak talaga kita, isa pang englis diyan babatuhin kita ng sapatos."Nakita naman ng kapatid ni Aimie na seryoso ang kausap niya kaya napaubo muna siya bago magsalitang muli.
"Enough!" Hindi mapigilan ni Anton ang sigawan ang nakababata niyang kapatid. "Bumalik tayo sa paksa. Sino ba yang Mark na yan?Nagkibit-balikat lang si Angelo sa tanong ni Anton. Hindi naman napigilan ng huli na panlisikan ng mata si Angelo, dahilan upang mas lalong ibaon niya ang sarili sa kinauupuan niya."Mark Akkin Castro ang buo niyang pangalan. Sa kung papaano sila nakasal ni Aimie, yun ang hindi ko alam." Walang nagawa si Angelo kundi sabihin ang katutuhana sa palakang kausap niya."Kung makapagsalita ka parang ibang Aimie ang kinasal sa Mark na yan." Napatawa nalang si Angelo sa sinabi ng kapatid ni Aimie. Totoo naman kasi ang sinabi nito- si Aimie ang ikinasal sa panget na iyon at hindi siya."Naku kung alam mo lang brad
Nabasag ang katahimikang bumabalot sa dalawa, nang dumanting ang pulis na naatasang bumili ng pagkain."Heto na po chief." Inabot ng pulis kay Anton ang supot na naglalaman pagkain. Agad namang nagpasalamat si Anton nang matanggap na ang pinabili niya.Nang makita ito ni Angelo, at ng kuneho na kanina nagtatago ay takam na takam nilang tinignan ang supot na may lamang pagkain. Napalunok ang dalawa sa kanilang nakita, at kulang nalang atakihin nila si Anton upang makuha ang supot na may pagkain."Penge." Hindi makatiis si Angelo kaya humingi na siya kay Anton, samantalang napangisi naman si Anton sa inasal ng kapatid."Bakit naman kita bibigyan?" ang tanong niya kay Aimie habang kinukuha sa supot ang mga pagkaing pinabili niya.
Nang matapos lantakan ni Angelo ang mga pagkaing naiwan sa mesa ni Anton, ay dali-dali siyang lumabas sa opisina nito. Hinanap niya yung nakakatandang kapatid ni Aimie, sa mga sulok ng istasyon, nagbabasakaling makita niya ang pangit na palaka. Lubos ang ipinagtataka ng mga tauhan ng istatsyon sa kilos ng kapatid ng kanilang chief, mukha kasi itong my hinahanap. Kaya naman nagtulakan sila, sa kung sino ang lalapit sa minamahal na kapatid ng kanilang chief. "May hinahanap po kayo?" Sa kanilang pagtutulakan ay may isang minalas na pulis at naitulak siya nang malakas papunta sa kinaroroonan ni Angelo. Walang nagawa ang minalas na pulis kung hindi ang lapitan ang nakababatang kapatid ng kanilang chief at magtanong dito. "Hinahanap ko yung mukhang palakang, si Anton," seryosong pag
Buong biyahe papunta sa bahay ni Mark ay tahimik lang sila Anton at Angelo sa loob ng mobile patrol car. Ang nagmamaneho naman sa sasakyan ay pinagpawisan ng malamig dahil sa kinikilos ng dalawa. Parang kanina lang ay maayos ang pakikitungo ng dalawa, pero bakit nang pumasok ang kanilang chief sa istasyon upang alamin kung bakit ang tagal ng nakababatang kapatid sa loob, ay lumabas na itong nakabusangot ang buong pagmumukha nito.Napatanong naman ang nakatalagang driyber na maghahatid sa dalawa papunta sa bahay kung saan nakatira ang nakababatang kapatid ng kanilang chief sa kanyang sarili; kung ano na namang walang kwentang tuksuan ang nangyari sa dalawa.Tumingin sa likod ang driyber at nang makita niya ang dalawa, na halos magdikit na sa magkabilang pinto ng sasakyan ay napabuntong hininga nalang siya. Upang maibsan ang hindi komport
Nang malapit na nilang matanaw ang tinitirhan ni Mark, ay agad tumambad sa kanila ang napakadaming sasakyan ng police na nakaparada sa harapan ng mansyon- na animo'y may isang big time na kriminal ang kanilang aarestuhin.Agad naman itong ikinagtaka ni Angelo at napaisip sa sarili:"May ginawa bang mali si Mark, at ngayon ay hinuhuli na siya ng mga pulis?"Napangiti naman si Angelo sa kanyang naiisip, dahil kung magiging totoo nga yung kanyang na isip- na may ginawang labag sa batas ang panget na iyon, ay tiyak aarestuhin si Mark, at kapag nangyari iyon, masosolo na niya ang malaking mansyon ni Mark. Higit sa lahat ay siya na ang awtomatikong mangangasiwa sa mga ari-arian ni Mark, dahil yung katawang pinasukan niya ay legal na asawa ng pangit na si Mark."Sige m
"Kung hindi naman pala huhulihin si Mark, eh bakit ang daming pulis na nakapalibot sa mansyon niya?" Nagtaka naman si Angelo sa kung bakit ang daming sasakyan ng pulis ang naririto ngayon sa bahay ni Mark. "Wag mong sabihin, na may mga magnanakaw na nakapasok sa bahay ni Mark, kasi imposible iyon. Sa layo ba naman sa kabihasnan ng bahay ng panget na homosapien na iyon, panigurado akong hanggang sa nakakatakot na masukal na halamanan lang sila, at uuwi na ang mga magnanakaw dahil sa takot." Hingal na hingal si Angelo pagkatapos niyang sabihin ang mahabang dahilan- sa kung bakit hindi mananakawan ang malamanasyong pamamahay ni Mark. Hindi mapigilan ni Anton na bigyan ng kakaibang tingin ang kanyang nakababatang kapatid na animo'y tuluyan na nga itong nasiraan ng bait:"Mukhang hindi ko dapat idineretso dito si Aimie. Imbes pala sa kanyang asawa dapat sana doon ko siya inunu
"Wala nga akong maalala, bro. Kaya di ko alam kung mahal ko ba yung hinayupak na iyon o hindi talaga. Pero siguro mahal ng kapatid mo yung panget na iyon. Pinakasalan kasi, bro. Wala akong magagawa kung hindi ang umayon nalang," Ang pagpapaliwanag ni Angelo kay Anton. "Nandito na ako sa sitwasyong ito, grab the chance nalang. Sayang din naman yung mahuhuthot kung pera sa panget na iyon. Andami ko ding pedeng manakaw sa pamamahay niya.""At naging sakim ka na ngayon," napataas naman ng kilay si Anton sa sinabi ng kanyang kapatid, di naman sila nagkulang sa pera, pero bakit naging alipin ng pera itong nakababatang kapatid niya. "Wag mong sabihing pumayag kang magpakasal kay Mark upang matustusan mo yung mukhang pwet na Josiah na iyon.""Paulit-ulit tayo, bro. Di ko nga kilala yung Josiah na iyan. Ipakain ko pa itong sapatos ko sa iyo. Di
Si Angelo, na mahimbing na natutulog ay nakaramdam ng mainit na temperatura sa kanyang tagiliran; lumapit siya sa mainit na bagay at pumulupot na parang ahas upang mas maramdaman pa niya ang komportableng init. Naramdaman naman ni Mark na niyakap siya ng mahigpit ng katabi niya, napabuntong-hininga siya bago niyakap pabalik ang kanyang asawa. Ang dalawa ay nagyakapan na tila ba kumukuha sila ng init sa isa't isa at, sila ay natulog nang mapayapa hanggang sa pagtunog ng tandang.Habang ang kislap ng araw ay nagsimulang umilaw sa paligid upang ibalita ang pagsilang ng bagong araw; at ang mga halaman at bulaklak na muling gumigising upang magsimula silang sumipsip ng hamog na nagpala sa araw ng tagsibol habang, ang mga ibon ay nagsisimulang kumanta upang salubongin ang bagong araw.Nang magsimulang mabuhay ang lahat mula sa tila nakatigil na gabi, dalawang tao ang mahigpit na nakayakap sa isa't isa. Ang kanilang komportableng postura ay naging nakakasakal- nadama ni Angelo na unti-unti
Malalaking mga hakbang ang ginawa ni Mark upang maihiga ang walang malay na asawa sa kanyang king-size na kama. Gagamitin sana ni Mark ang intercom upang tawagan ang personal doctor ng kanilang pamilya upang ipacheck-up si Aimie ngunit naputol ito nang marinig ang mga mumunting hilik ng kanyang cute na asawa. Napangisi si Mark na parang pusa- nang marinig- ang mumunting mga hilik ng asawa.Napailing-iling nalang siya ng kanyang ulo tsaka ay pinindot niya ang intercom upang tawagan ang isa sa mga kasambahay para bihisan ang asawa.Pagdating ng katulong sa kwarto ay binigay ni Mark sa kasambahay ang set ng mga damit upang ipasuot sa asawa.Para hindi maging awkward ang kapaligiran, napagdesisyunan ni Mark na lumabas ng kwarto at ipinaalam sa kasambahay- na tawagin lang siya kapag tapos na siya- sa pagsusuot ng damit sa kanyang cute na asawa. Nang pababa na si Mark sa hagdan ay nakasalubong niya ang kanyang ina na aakyat sana ng hagdan."Bakit ka
Masiglang inutusan ng ina ni Mark ang mga katulong kung saan ilalagay ang mga gamit ni Angelo at nang siya ay tapos nang mapahalaan ang mga katulong ay nagpasya ang nanay ni Mark na pagpahingahin na sila. Nakahinga naman ng maluwag ang mga tagapagsilbi dahil sa wakas ay makakapagpahinga na sila sa kanilang kwarto.Nang makita ang magandang trabaho ng kanyang mga tagasilbi ay masayang pinuntahan ng ina ni Mark ang kanyang anak na abalang nagbabasa at pumipirma sa mga papeles sa study table nito."Are you satisfied with the attendant's work?" Tanong ng ina ni Mark habang isinandal ang ulo sa study table.Tumango lang si Mark bilang tungon sa ina dahil ang buong atensyon nito ay nasa dokumentong binabasa nito. Nang makita ang walang ganang sagot sa kanya ng anak ay napahilamos na lamang ng mukha ang ina ni Mark, at agad na iniwaksi ang mga papel- na hawak ng kanyang anak at inilagay ito sa tambak ng mga papel na nasa gilid ng study table."Bakit mo pa tiniti
"Bakit ba ang lakas-lakas ng nanay ni Mark o sadya lang talagang napakahina ng katawang ito?" Sa isip ni Angelo habang hinawakan ang kanyang palapulsohan na mahigpit na hinawakan ng ina ni Mark. Nang makita niya ang palapulsohan na kasing nipis ng isang kawayan ay nais niyang maiyak ng walang luha."Bakit bigla mo nalang akong hinawakan?" Tanong ni Angelo habang minamasahe ang kanyang kamay."Well, mali kasi ang direksyon mo, hindi diyan ang papunta sa kwarto mo." Ang sabi ng nanay ni Mark.Luminga-linga si Angelo sa kaliwa't kanan, sinisikap alamin kung tunay ngang mali ang direksyon siya papunta sa kumikinang at magarbong pink na kwartong ginagamit niya. Hindi pa siya nakuntento at tiniginan pa niya ang pinto- upang makasigurado siya na nasa tamang kwarto.“Siguro ay namali ka lang, ma, ito po yung kwarto ko,” sabi ni Angelo nang makasigurado na siyang nasa tamang direksyon siya ng kanyang silid. "Pasok na po ako sa loob."Pero bago p
Namula tuloy si Angelo sa kahihiyan matapos magpaliwanag sa kanya ang ina ni Mark. Hindi siya sanay sa paraan ng pagkain ng mga mayayaman na ito; nakasanayan na niya kasi- na diretsong kainin ang kanyang mga pagkain ng hindi inisa-isa ang pampagana at panghimagas.Napabuntong hininga si Angelo at, tahimik na kinain ang nag-iisang pritong ravioli sa kanyang plato, at pagkatapos niyang maubos ang pampagana, sinenyasan ni Mark ang mga tauhan na ihain sa kanila ang pangunahing ulam. Ang mga kawani ng kusina- ay mahusay na pinalitan ang mga ginamit na plato at kagamitan- bago inihain- ang mga pangunahing pagkaing binubuo; ng isang high-grade na medium-rare steak at inihurnong patatas. Bigla tuloy nagutom si Angelo nang makita niya ang nakakatakam na mga pagkain.Bago pa makain ni Angelo ang pagkaing nakahain sa harapan- niya, napahamak siya sa sari-saring kutsara, tinidor, at kutsilyong nakalagay: sa gilid- kung saan nakalagay ang plato. Dahil sa ayaw niyang mapahiya,
Walang magawa ang ina ni Mark kundi ang pagkatiwalaan ang sinabi ng kanyang manugang. Hindi naman kasi niya alam ang tunay na nararamdaman ni Aimie. Ang tanging magagawa lamang niya, ay ang pagmasdan ang pakikitungo ni Aimie sa kanyang anak."Kung gayon pagkakatiwalaan ko ang iyong mga salita," ang sabi ng ina ni Mark. "Gusto mo bang magpaluto ng mga bagong pagkain? I'll ask the kitchen staff to cook a new batch of foods for lunch."Bago pa man tanggihan ni Angelo ang mungkahi ng ina ni Mark, umalis na ang napakarilag na tigre sa silid-kainan at nagtungo sa kusina upang pakiusapan ang mga tauhan sa kusina na magluto ng bagong set ng mga pagkain. Nakatitig lang si Angelo sa pagkain na hindi pa niya natatapos- pakiramdam niya may ugali ang mga mayayaman na; madalas mag-aksaya ng pagkain. He helplessly breath out at nagsimulang kainin ang pagkaing hindi niya naubos kanina.Ang mga tauhan sa kusina; ay mabilis na inilapag ang mga bagong lutong pagkain, kahit na buso
Habang nasasarapan si Angelo sa kanyang pagkain ay; may biglang umupo- sa tapat niya. Napasulyap siya sa taong nakaupo sa tapat niya, at nagulat si Angelo- nang makitang ito ay ang napakarilag na tigre; na nakaupo- sa tapat niya. Seryosong tumingin sa kanya ang biyenan ni Aimie; dahilan upang magsimulang lumabas ang mga goosebumps sa kanyang balat.Biglang ngumiti ng matamis sa kanya ang ina ni Mark, at bigla siyang nakaramdam ng panginginig sa buong balat: "May problema ba, ma?"Nagpasya si Angelo na tanungin ang biyenan ni Aimie dahil una palang silang nagkita; hindi siya komportable- sa kung paano siya tinginan ng ina ni Mark."Mukhang hindi nakatulog ng maayos kagabi." Napangiti ang ina ni Mark habang pinagmamasdan ang mukha ng kanyang manugang. "May ginawa ba kayo ng anak ko, alam mo na..."Iniluwa ni Angelo ang pagkaing nginunguya niya at naglabas ng ilang pagmumura sa kanyang isipan. Hindi niya inaasahan na ang napakarilag na tigre na ito na nasa k
Ang kanyang isip sa halip; ay hindi makatulog, at hindi maiwasan ni Angelo na isipin ang halikan nila ni Mark kanina. The kiss that has taken his breath away; na nagparamdam sa kanya ng kahinaan at nakapagpawala sa kanyang sarili. Napailing si Angelo sa kanyang iniisip- tungkol sa halik at pilit na pinakalma ang sarili. Na sa halip na siya ang nag-enjoy, ang katawan na kasalukuyang pinapalooban niya ang nasiyahan sa halik. Dahil ang katawang pinapalooban niya ay babaeng anatomy at hindi ng lalaki: natural lang sa katawan ni Aimie na magustuhan ang halik. Tutal babae naman siya."May katuturan ba ito!" Bigong sigaw ni Angelo habang ginulo ang buhok. "It doesn't make sense, na ako na, isang lalaki, ay masisiyahan sa halik ng kapwa lalaki. It doesn't explain anything, kahit na ako'y nasa katawan ng babae. Nakakadismaya talaga nito."Humiga muli si Angelo sa queen-sized bed na may malambot na velvety pink na kumot at hinila ito pataas hanggang sa kanyang baba.
Si Angelo ay nanatili lamang sa kanyang silid sa natitirang bahagi ng araw; ni wala siyang ganang kumain ng hapunan sa gabi dahil sa ginawa sa kaniya ng masamang pangit na b*st*rd*. Sa kabutihang palad ay hindi siya pinilit nina Mark at ng kanyang ina- na sumali sa kanila- upang kumain sa iisang hapag-kainan. Tumanggi pa nga si Angelo sa mungkahi ng mga kasambahay- na dalhin ang kanyang pagkain; sa kwarto; katuwiran niya na kumain na siya ng maraming meryenda nang mas maaga, at ngayon kailangan niyang magdiyeta dahil ang kinain niya kanina ay ang mga pagkaing puno ng mga calory at asukal.Ang maid ay walang nagawa kundi ang pilit na sumasang-ayon sa mungkahi ng kanilang madam, bagaman labag ito sa kanilang kalooban na; hindi hainan ng pagkain ang kanilang; madam, wala siyang magagawa. Makikita sa expression; ng kasambahay- na para bang binibigyan siya ni Angelo ng hindi patas na pakikitungo. Kaya nagpasya si Angelo na baguhin ang kanyang isip at hiniling sa kasambahay na dalh