Share

CHAPTER 72

Sa mga ganitong pagkakataon ay alam kong kahit hindi na ako akuin ni Kael, kanya pa din ako.

We feel what we feel. We love who we love.

Kahit minsan hindi natin gusto. Kahit minsa salungat sa prinsipyo at paniniwala natin sa buhay. Kahit hindi abot sa pamantayan na ginawa natin para sa lalaking pag-aalayan natin ng lahat. Kahit minsan hindi natin alam ang buong pagkatao nila. 

O kahit minsan nawawasak na tayo sa proseso ng pagmamahal natin sa kanila, wala, pinipili ng puso ang gusto niyang piliin.

Mostly, those choices always come with a price we're not ready to pay.

Sabi nila bulag ang pagmamahal. Pero tingin ko ay mali sila. Hindi ako sumasang-ayon.

Hindi bulag ang pagmamahal. Ignorante ito pero hindi bulag. Nakikita niya ang kamalian at kapangitan na parte pero pinipili niyang mas pagtuonan ng pansin ang kung ano ang nagpapasaya sa kanya. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status