Share

Chapter 18

Author: AnakNiIbarra
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

VIENNA'S POV

Nagising naman ako dahil sa isang ingay, ewan ko ba kung ano ang nangyayari kaya napabangon ako agad sa kama at lumabas ng kwarto. Napatakbo na 'ko pababa at nagpunta sa kwarto ni Billy. Hindi ko man lang nagawang maghilamos at mag-toothbrush sa pagmamadali ko.

Binuksan ko naman agad ang pinto ng kwarto ni Billy pero naabutan ko siyang mahimbing pa rin na natutulog. Saan naman kaya nanggagaling ang ingay na 'yun? Kaya lumabas na 'ko sa kwarto ni Billy at nagtungo sa labas ng orphanage. Pero nagulat ako sa nadatnan ko dito sa labas. Anong nangyayari? anong meron sa araw na 'to?

"Buti naman anak gising ka na," salubong sa'kin ni sister Fely. Pero nakatingin pa rin ako sa mga tao na nasa paligid ngayon.

"Sister ano po ang nangyayari dito?" takang tanong ko.

"Kaarawan ni Mayor Rodriguez, naaalala mo pa ba siya? siya ang nagpatayo nitong orphanage," sagot naman ni sister,

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 19

    After 1 minute, nakabalik din naman si Sebastian at si Amee nakatulog na sa lap ko. Hindi ko siya magawang tingnan, nahiya tuloy ako sa kaniya dahil sa nangyari kanina. Ininom ko rin naman ang tubig na inabot niya, umayos din naman ang pakiramdam ko. Ayoko nang maulit pa 'yun, nakakahiya sobra. "Okay ka na ba?" tanong niya. "Oo, salamat nga pala," sagot ko naman. "Buti naman kung gano'n at kung okay sa'yo, practice na muna tayo kahit 30 minutes lang after that kain na tayo ng lunch." "Sige, ayos lang sa'kin." Tumayo na rin naman siya kaya tumayo na lang din ako. Gusto ko na talagang maggitara pero ang mga daliri ko, hindi pa talaga sila magaling. Kaya kakanta ako buong practice, haysss sana matapos na 'to. Time Check: 11:47 am Kakatapos lang ng practice namin ni Sebastian, may konti lang kaming inayos sa vocalizations. Kaya ang 30 minutes lang dap

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 20

    VIENNA'S POV Hindi na rin naman ako nagtagal pa kina Sebastian, mga 5:30 ng hapon naihatid niya na ako sa orphanage. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa kama, kakatapos ko lang mag-half bath at kumain ng dinner. Parang ang haba ng naging araw ko ngayon, nakakaramdam na 'ko ng antok kahit 6:15 pa lang ng gabi. Inopen ko rin naman ang f******k account ko, nag-pop up agad sa notification ko ang nakatag sa'king picture na kasama si Sebastian. Tinititigan ko ngayon ang mukha niya, ewan ko nga ba pero nakuha niya ang buong atensiyon ko. Hindi kaya gusto ko na siya? "Vienna?" Naioff ko naman bigla ang phone ko nang marinig ko ang boses ni sister Fely sa labas. Tumayo na lang din naman ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Kumusta ang practice?" simulang tanong niya nang makaupo na kaming dalawa sa kama. "Maayos naman po, medyo napagod lang. Buong araw kasi ang practice pero kaya

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 21

    VIENNA'S POVIt's Monday, parang kay bilis lang ng oras at umaga na naman pero tanda ko pa rin ang mga nangyari kahapon. After that scenario, pinauwi ko na rin si Sebastian para makapagpahinga siya ng maayos. At kagabi, kinausap ko na sina sister tungkol sa adoption ko kay Billy. Nag-aalangan sila sa gusto ko pero hindi na nila mababago ang desisyon ko. Sa huli, pumayag na sila pero may mga proseso ako na kailangang gawin at sundin. Nakausap ko na rin naman ang family lawyer namin, si tito Joey at siya na raw ang bahala sa lahat. Kung hindi man pumayag ang nakakataas, wala na 'kong magagawa at rerespituhin ko na lang ang magiging desisyon nila.Naayos ko na ang lahat ng mga gamit ko at may iniwan akong konting damit sakaling bumalik ako rito. Uuwi na 'ko sa'min, kailangan kong kausapin si mom tungkol sa adoption at para makausap ko na rin si nanay Selda.Palabas na 'ko ngayon ng orphanage at sina sister naghihintay na ri

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 22

    VIENNA'S POVKakalabas ko lang ng room, si Therese naunang umuwi dahil daw sa may aasikasuhin pa siya sa bahay nila gano'n din si Michelle. Kaya mag-isa ako ngayon pero ayos lang naman. Kasalukuyan na akong naglalakad ngayon sa hallway palabas ng university. Balak ko munang pumunta sa shop, ilang araw din kasi akong hindi nakabisita do'n."VIENNA!!" Napalingon naman ako nang may tumawag sa'kin. Sina Liam lang pala at kasama si Sebastian."Buti na lang na-nahabol ka pa namin," nahihingal na sambit ni Gian nang makarating na sila sa direksyon ko. Ano naman kaya ang kailangan nila sa'kin? pero napansin ko na hindi nila yata kasama si kuya Dim."May kailangan ba kayo sa'kin?" tanong ko."Nabalitaan kasi namin na may bake shop ka at best seller ang milktea do'n. Gusto naming pumunta at bumili pero hindi namin alam ang address," sagot ni Cedrick. Napatingin naman ako kay Sebastian pero

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 23

    THERESE'S POV Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Vienna ngayon sa hallway papuntang room at magmula pa kanina tahimik lang siya. Nasasaktan siya ng sobra at hindi niya magawang tanggapin ang ginawang paglihim sa kaniya ng family niya. If ako ang nasa posisyon niya, I'll be mad too at masasaktan din ako. At hindi ko akalain na nakakaya niyang tumira sa isang bahay na punong-puno nang kasinungalingan. "Vienna if you need my help nandito lang ako okay?" sabi ko at tumango naman siya bilang sagot. Tama nga ako, may minahal na si Vienna noon kaya wala siyang kahit na anong maramdaman kay Tine. But that guy named Martin, siya pa rin kaya ang tinitibok ng puso ni Vienna? mahal pa rin kaya niya ito? "Therese mauna ka na, bibili na muna ako ng tubig," aniya. "Ahh sige Vienna, hintayin na lang kita sa room," sagot ko at umalis na siya. Hindi namin mahulaan

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 24

    VIENNA'S POVSinamahan ako ni Tine pabalik sa Music Club at kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon. Siya ang nagbitbit ng bag ko at ng gitara ni Cedrick, ang tanging dala ko lang ay ang binigay niya sa'kin. Pinagtinginan kami ng lahat, hindi naman na 'to bago sa'kin pero parang alam na nila na nililigawan ako nitong kasama ko."Ang cute nilang tingnan.""Bagay sila, para silang magkapatid pero ang cute at sweet nilang tingnan.""Gwapo kaya si Tine at maganda rin si Vienna, perfect combination."Kahit ang lawak at ang laki nitong university, madami palang nakakakilala sa'kin. Patuloy pa rin kaming pinag-uusapan pero itong katabi ko parang walang naririnig.Ngunit bigla ko na lang naramdaman ang pag-akbay niya sa balikat ko. Napatingin ako sa kaniya pero no reaction siya at seryoso lang siyang nakatingin sa dinadaanan namin. Mas lal

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 25

    MICHELLE'S POVKasalukuyan ng ginagamot ng doktor si Vienna. I'm really worried on her, hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kaniya ni Sebastian. Naabutan ko na lang na nakahiga na siya sa lupa at walang malay habang si Sebastian nakatingin lang sa kaniya at tulala. Ang mas worst pa, hindi niya 'ko tinulungan na dalhin si Vienna dito sa ospital. He just leave na parang walang ginawa kaya galit na galit ako sa kaniya."Michelle anong nangyari kay Vienna?" Napalingon naman ako, si Therese na kararating lang ngunit bakas na sa mukha niya ang pag-alala sa kaibigan.Parehong 5 pm ang labas namin at wala kaming alam dalawa na early pala pinauwi sina Vienna. Tinext niya kami na dadaanan niya muna si Tine bago siya pumunta sa parking lot at tinukso pa namin siya. Then nakasalubong ko si Denise, classmate ko siya sa isang subject. She's crying and kinuwento niya sa'kin ang nangyari. Tiyaka ko lang nalaman na si Vienna nasa buildi

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 26

    SEBASTIAN'S POVHindi ko akalain na dahil sa ginawa kong pagtulak sa kaniya kahapon, maoospital siya. Hindi ko sinasadyang gawin 'yon, wala sa plano ko ang saktan si Vienna. Pero dahil sa galit ko, nagawa ko ang isang bagay na pagsisisihan ko."Sebastian.." Napalingon naman ako nang tawagin ako ni dad. Nakarating sa kaniya ang ginawa ko kay Vienna kahapon kaya nagalit siya sa'kin. Ramdam ko na hanggang ngayon galit pa rin siya."Dadalawin natin si Vienna kaya mamayang lunch ka na pumasok. Kain na muna tayo, nakahanda na ang pagkain," sabi niya at tumalikod na paalis."Dad.." habol ko sa kaniya. Hinarap din naman niya 'ko agad ngunit walang emosyon niya 'kong tiningnan."Alam ko po na disappoint ko kayo pero sana dad maniwala kayo sa'kin na hindi ko sinasadyang saktan si Vienna. Patawarin niyo ho sana ako dad," nakayukong sambit ko. Lumapit naman siya sa direksyon ko at tinapik ak

Latest chapter

  • His Voice (Tagalog)   Epilogue

    Matagal ko nang pinapangarap ang kumanta sa isang entablado at pinapanuod ng maraming tao. Bata pa lamang ako natutunan ko na ang tumugtog ng kahit na anong instrumento at kumanta ng kahit na anong klase ng musika. Napamahal na ko rito dahil sa dad ko, siya ang nag-impluwensiya sa'kin na kumanta at tumugtog. Dahil sa kan'ya nagco-compose at nagco-cover ako ng mga kanta, sumali sa mga auditions hanggang sa naging isang sikat na singer. Pangarap ko ang maging isang sikat na musikera kagaya ng mga artistang hinahangaan ko sa larangan ng musika. Gusto ko ring maramdaman na mahalin at hangaan ng maraming tao. Ngunit mag-mula no'ng nagkasakit ang dad ko hanggang sa binawian siya ng buhay, nawala na sa isip ko ang lahat ng mga pangarap ko. Gusto kong tuparin 'yun na kasama siya pero ngayong wala na ang dad ko, ayoko nang ituloy pa ang mga pangarap ko. At dahil sa nangyari, umabot ako sa isang desisyon na huwag sabihin sa publiko ang totoong pagkatao ko. Ginawa

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 44

    ------AFTER 3 DAYS------ (MUSIC CONTEST) "Vienna.." "Yes kuya RJ?" tanong ko. Nandito kami ngayon sa back stage, siya lang ang kasama ko rito. After kasi akong ayusan nina Michelle at Therese, bigla silang umalis at ewan ko ba kung saan sila pupunta. "Ayos ka lang ba? kanina ka pa tahimik diyan." "I'm fine kuya, kinakabahan lang ako ng konti." "Huwag kang kabahan, nandito naman kami para suportahan ka. Kaya mo 'yan," nakangiting sambit niya. "Lalabas na muna ako, may kailangan lang akong tawagan." "Sige kuya." Nang makaalis siya, bigla akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Kinakabahan ako pero sigurado ako na kaya kong gawin 'to. Ito na ang pinakahinihintay kong araw, ang araw kung saan aaminin at sasabihin ko sa harap ng maraming tao ang totoong pagkatao ko. Hindi ko alam kung ano ang magig

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 43

    SEBASTIAN'S POV Wala ni isa sa'min ang nagtangkang magsalita, nakayuko lang ako habang siya ay nakatingin sa'kin mag-mula pa kanina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko na siya. "I'm sorry anak.." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko dahil sa huling binanggit niya. Kay tagal kong hinintay na marinig muli ang katagang 'yan mula sa kanya. "Alam ko na nasaktan kita at nasaktan ko ang dad mo pero sana mapatawad mo 'ko sa nagawa ko," umiiyak na sambit nito. Agad kong pinunasan ang pisnge ko bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. "Napatawad na kita pero hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa mo. Hindi lang kasi si dad ang nasaktan mo kundi pati na rin ako na anak mo. Kaya sana maintindihan mo kung hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa'yo," tugon ko na ikinatahimik niya. "Pero ngayon na kaharap na kita, parang unti-unting nawala ang

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 42

    "Mom.. I'm sorry," umiiyak na sambit ko habang yakap-yakap ang mom ko. Marahan niya 'kong kinabig papaharap sa kanya at agad nitong pinunasan ang mga luha ko. Namiss ko siya, I missed my mom."You don't have to say sorry, wala kang kasalanan anak. Ako 'tong meron kaya ako ang dapat na humingi ng tawad sa'yo. I'm sorry anak, sana mapatawad mo 'ko sa ginawa ko.""Matagal na po kitang napatawad at hindi na rin po ako galit sa inyo." Tears started to flow from her eyes because of what I have said. Alam ko na ito ang gusto niyang marinig mula sa'kin, ang patawarin siya sa nagawa niya. Oo, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa niya sa dad ko, ang ginawa niya sa'kin pero karapat-dapat siyang patawarin. Hindi lang ako ang nasaktan sa mga nangyari kundi pati na rin siya. She's my mom, siya na lang ang meron ako at ayoko na pati siya mawala din sa buhay ko.******************

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 41

    "Pre may kailangan pa ba 'kong gawin? may kulang pa ba?" tanong ni Britt habang kinukuhanan ng video ang sarili niya."Oo, paki-kuha 'yung balloons sa room ko at dalhin mo rito," tugon ni Sebastian na abala sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa. Si Enzo naman ay abala rin sa paglagay ng mga decorations at kung anu-ano pa."Copy that sir," ani Britt at sumaludo pa ito na parang sundalo. Umalis din naman siya at nagtungo sa room ni Sebastian. Nang makarating siya sa silid nito, hinanap niya rin naman agad kung saan nakalagay ang isang plastic ng balloons."Pasalamat talaga si Sebastian, mahal ko siya pero mas mahal siya ng kaibigan ko. Iba talaga kapag in love, gagawin mo ang lahat para lang mapasaya ang taong mahal mo," wika ni Britt habang nakaharap a kausap ang sarili nitong camera. Nang makarating siya sa studio ng kaibigan, binigay niya rin naman agad kay Sebastian ang kinuha nitong isang plastic ng ballons.&nbs

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 40.2

    VIENNA'S POV ------FLASHBACK------ "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko nang makapasok na siya sa loob ng bahay. Pero nagulat siya nang makita ako, halatang wala siyang alam na nandito ako ngunit agad niya 'kong niyakap ng mahigpit nang hindi ko inaasahan. "Kumusta ka? ayos ka lang ba? wala bang nangyaring masama sa'yo?" tanong niya matapos akong yakapin. Ngunit hindi ko siya sinagot at napatingin lamang sa kabuuan ng mukha niya. Halata sa mga mata niya na pagod siya at kulang sa tulog. Parang piniga ang puso ko dahil sa itsura ngayon ni kuya. I couldn't help but blame myself, he became like that because of me. "Ayos lang ako, huwag ka nang mag-alala sa'kin. Ikaw kumusta ka? tapos na ba exams mo?" walang emosyong tugon ko. Ngunit biglang lumitaw ang ngiti sa labi niya dahil sa mga sinabi ko. Hindi na 'ko galit sa kanila, I just really don't want to see them afte

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 40.1

    SEBASTIAN'S POVApat na araw na ang nakalipas mag-mula no'ng nalaman ni Vienna ang buong katotohanan. Hanggang ngayon tanda ko pa rin ang mga nangyari sa araw na iyon at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Kahit pinigilan niya na 'ko sa paghahanap sa kaniya pero hindi ako tumigil. No'ng sinagot niya ang tawag ko, nagkaroon ako nang pag-asa na maaayos ko pa ang sitwasyon. Pero bigla 'yung nawala nang sabihin niya na ayaw pa niya 'kong makita."Ayaw pa kitang makita.. kaya please hayaan mo muna akong mapag-isa sa ngayon. I'm sorry."Hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap kahit gano'n ang mga sinabi niya. But I suddenly remembered what I did 3 years ago. Hinanap ko siya kung saan-saan, kahit nasasaktan ako sa mga panahong 'yun dahil sa pagkawala niya at pag-iwan sa'kin ng mom ko, hindi pa rin ako tumigil. Ngunit lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon, saka ko na realize na iniwan niya na 'ko at hindi na siya

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 39

    "Ma'am Vienna, ayos lang po ba kayo?" Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at pinunasan ang mga luha ko."Bakit po kayo umiiyak?" nag-aalalang tanong niya."Ayos lang ako ate, huwag po kayong mag-alala sa'kin. May naalala lang po ako kaya ako umiyak pero ayos lang talaga ako," tugon ko at napilitang ngitian siya."Sana nga po ma'am ayos lang kayo. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lamang ako bilang sagot at agad na ring umalis si ate. Ngunit muli na namang pumatak ang mga luha ko nang maalala ko ang mga nabasa ko kanina. That happened 4 days ago, umamin na siya na siya si Martin pero nang dahil sa naospital ako, hindi ko ito nalaman agad. If I had only known this right away, we wouldn’t have gotten into this situation that we were both hurting each other. But it's too late, I don't know if I can get back what we had before or not.She's already here, I need to prep

  • His Voice (Tagalog)   Chapter 38

    "VIENNA HUWAG KANG TATALON!" I stopped thinking when I heard that voice but I didn't look back. How did he know I was here? "Huwag mong gagawin 'yan, please Vienna nakikiusap ako sa'yo bumaba ka diyan." Si Britt, matagal ko nang kaibigan pero sinaktan lamang ako. "Pa'no mo nalaman na nandito ako?" tanong ko. "Sasagutin ko ang tanong mo pero bumaba ka muna diyan," sagot niya. Hindi na 'ko nagmatigas pa, bumaba na lamang ako at walang emosyong napatingin sa kaniya. Ngayong kaharap ko na siya at alam ko na kung sino siya sa buhay ko, parang nanghina ang buong katawan ko. Hindi ko man lang magawang maalala na naging parte siya nang nakaraan ko. "Pwede mo na bang sagutin ang tanong ko?" "Kaibigan kita kaya alam ko kung saan ka pumupunta sa tuwing nasasaktan at may iniisip na problema. Akala ko nakalimutan mo na ang lugar na 'to,

DMCA.com Protection Status