Mabilis kaming nakarating sa dulo ng kagubatan. Halo-halo ang aking emosiyon dahil sa sobrang ganda ng tanawin na nakikita ko sa aking harapan. Kita mo nga talaga ang naglalakihang gusali at bahay sa harap. Siguro ay mas gaganda pa ito kapag gabi dahil sa mga ilaw na nanggaling sa kabahayan.
“Ang ganda, hindi ba ate?” tanong niya sa akin habang nilalatag ang bastket at sapin sa sahig. Tinulungan ko naman agad siya sa kaniyang ginagawa at ngumiti ng malapad sa kaniya.
“Grabe sobrang ganda talaga! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang tanawin. Siguro kapag gabi ay maganda rito, ano?" tanong ko sa kaniya.
"Of course, gusto mo magpagabi tayo?" ani niya. Natigilan ako sa sinabi niya at biglang napaisip. Gusto kong mag-oo pero baka hanapin kasi kami ng reyna.
"Baka hanapin tayo ng reyna, prinsesa. Hindi puwedeng magabihan tayo," wika ko sa kaniya ngunit ngumiti lamang ito ng napakatamis.
"Don't worry ate, hindi
“Don’t get offended ate ha, but anong balak mo? Bakit bumalik ka rito?” tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kaniya, nakangiti itong nakatingin sa akin. I don’t know what I feel para bang ayaw niya akong narito sa palasyo. Napabuntong hininga ako at napangiti ng mapait. Maybe she didn’t like me here kaya nasasabi niya ito. Hindi ko maiwasang ma-offend pero hindi ko na lang iyon pinakita o pinahalata man lang sa kaniya.“Simula noong mawala sa akin ang nanay Lilet dahil sa atake sa puso, nawalan na ako ng pamilya. I lost my husband, my bestfriend and my mother. Sobrang sakit noon para sa akin na para bang gusto ko na lamang magpakamatay dahil sa lungkot at pag-iisa. Masakit mawalan ng pamilya para bang ang kalahating buhay mo ay nawala rin. Kaya nga noong nalaman kong hindi ko pala tunay na ina si Nanay Lileth at nalaman ko ang tunay kong pagkatao ay hindi na ako nagdalawang-isip na hanapin kayo. Maswerte na lamang ako dahil
Mag-aalas sais na rin ng gabi, puro kuwentuhan lang ang ginawa namin, tungkol sa mga experience lang naman noong bata pa kami. Nakuwento niyang marami pala siyang suitor noon at hanggang ngayon. Ako naman ay walang makuwento dahil kay Travis lang naman umiikot ang aking mundo noong dalaga pa ako. Ni isang lalaki ay walang nangangahas na lapitan ako dahil nakabakod palagi si Travis sa akin. Nakakainis nga kung alam ko lang na hihiwalayan at lolokohin niya ako ay hindi ko na siya sineryoso.Nang gumabi na ay agad na nagsi-ilawan ang mga kabahayan sa harapan namin. Namangha ako dahil sa naggagandahang ilaw roon, sobrang ganda na animo’y alitaptap na kumikinang-kinang.“Ang ganda!” namamanghang saad ko sa kaniya. Umihip ang malakas na hangin at tila ba sumasayaw ang mga puno dahil doon. Bigla ako nilamig kaya napayakap ako sa aking sarili.“Mukhang uulan pa ate, mas maiging umuwi na tayo baka maabutan pa tayo ng ulan,” saad ni Isabella
Prince Tristan’s POVKanina pa namin hinahanap ang dalawang kapatid. We had a hard time finding them, nilibot na namin ang palasyo ngunit wala pa rin. Natatakot na ang mga servants dahil ilang minute na lamang ay uuwi na reyna.Mayamaya ay humahangos na Isabella ang bumungad sa amin sa harap ng palasyo. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling, sobrang dumi ng kaniyang suot na damit at parang pagod na pagod. Mayroon ding sugat ang kaniyang siko at tuhod.Ang problema wala si Princess Sofia.“Donde esta la Princesa Sofia?” I immediately asked her.“No se donde esta ella,” iling na sagot ni Isabella sa akin. Agad siyang yumakap sa aking ng mahigpit.“Tengo miedo,” naiiyak na saad niya sa akin.“Saan kayo pumunta?” tanong ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin at napailing.“I don’t know, nasa loob la
Dahlia’s POV Napainat-inat ako ng aking braso pati na ang aking katawan. Napangiti ako nang may makitang nakayukong lalaki sa aking gilid. Tulog na tulog ito, alam ko ang hubby ko ito dahil nakausap ko pa lang siya kagabi.Mabuti na lamang at napagtanto niyang mas mahal niya pa rin ako kaysa kay Emery. Hindi pa rin naman huli ang lahat para magpatawad, hindi ba? I mean sobrang laki rin kasi ng effort niya. Isipin mo nagbyahe pa siya papuntang Spain para lang makita ako at alam kong makikipagbalikan siya sa akin.Hinawakan ko ang kaniyang ulo at hinihimas-himas ko ang kaniyang buhok. Napangiti ako nang gumalaw ito na para bang naalimpungatan. Nang itinaas niya ang kaniyang ulo at inunat ang mga ito dahil siguro sa ngalay ay agad akong napasigaw. Nanlalaki ang kaniyang mga matang napatingin sa likod niya.“WHAT? WHAT HAPPENED? WHY ARE YOU SHOUTING?” tanong niya sa akin ngunit sumigaw lamang ulit ito.“BAKIT I
“May hindi ba kayo pagkakaintindihang dalawa ni Prinsesa Isabella? Mukhang hindi mo siya pinapansin kanina pa. Imbis na siya ang isakay mo rito bakita ako pa? Baka magselos sa akin ang kapatid ko,” nakasimangot kong saad sa kaniya.“Kumapit ka ng mahigpit, prinsesa baka mahulog ka.” Hindi nito pinansin ang aking sinabi at agad na kinuha ang aking dalawang kamay para mas kumapit pa ako sa kaniya.“Anong ginagawa mo? Baka makita tayo ni Prinsesa Isabella!” bulong kong saad sa kaniya ngunit napatawa lamang ito.“Gusto mong mahulog ka at mawala ang anak mo sa iyo o kakapit ka sa akin para safe kayo?” tanong niya. Nanlalaki ang aking mga matang napalingon sa kaniya.“WHAT? Paanong-”“Sinabi mo sa akin na buntis ka kagabi, hindi mo ba naalala? Sabi mo pa nga bawal tayong mag-make love-”“Shut the fuck up! Tumahik ka!” inis na sigaw ko sa kaniya na ikinatawa niya. N
Ilang araw ang nakalipas simula noong naligaw ako sa kagubatan. Araw-araw rin akong nagpapa-check up at palagi kong kasama si John at Prince Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit palaging nasama ito sa amin. Mukhang feeling close na nga ang bruho. Napapailing na lamang ako sa trip niya.Simula rin noong araw na na-rescue kami ay ni hindi ko na makita o maramdaman man lang si Isabella. Nasaan ba ang aking kapatid na iyon. Feeling ko nagtatampo iyon, mas mabuti pang kumustahin o kausapin ko siya."Dahan-dahan lang, sobrang selan kaya ng pagbubuntis mo sabi ng Doctor," paalala sa akin ni Prince Tristan. Hindi ko na lamang siya pinansin at pumasok na sa loob ng hospital. Ang O.A. ah, naglalakad lang naman ako. Diyos ko."Hey! I said dahan-dahan lang sa paglalakad!" sigaw niya sa akin kaya napahinto ako. Nagsitinginan ang lahat ng tao roon kaya nakaramdam ako ng hiya. Mabuti na lamang at naka-disguise kaming lahat kaya hindi kami nakil
Dahlia's POV “Anong gusto mong orderin?” tanong ni John sa akin. “Hmm. Gusto ko ng burger, fries, spaghetti, sundae, fried chicken and apple pie,” saad ko sa kaniya. Tila ba parang nagningningan ang aking mga mata nang malanghap ko ang aroma ng burger na niluluto nila. How I missed this Lollibee, para tuloy akong bumalik sa Pilipinas. It’s like a De javu. “Parang ang dami naman ata niyan mamaya hindi mo pa maubos ang mga in-order mo sayang lang!” reklamong saad ni Tristan sa akin. Biglang lumungkot ang aking ekspresiyon sa kaniya kaya nanlalaki ang kaniyang mga matang tumingin sa akin. “S-sige na nga, iyon lang ba ang kakainin mo? Gusto mo pa ba ng french fries bibilhan kita,” saad niya saka pilit na ngumiti sa akin. Agad na lumiwanag ang aking ekspresiyon at napatango enthusiastically. “Yes! Yes! Gusto ko iyan! Iyong large ha!” saad ko sa kaniya na ikinangiwi niya at tango pa. “Sige, hintayin mo lang kami riyan, kami ay oorder muna ni John,” saad nito sa aki
“Princess Sofia pinapatawag po kayo ng reyna,” magalang na saad ni Mary sa akin. Kasalukuyan akong nasa hardin nakatambay at nagbabasa ng libro. Binaba ko ang aking salamin at tiningnan siya.“Bakit daw?” tanong ko sa kaniya.“Hindi ko po alam ngunit mukhang importante po,” saad niya sa akin na ikinatango ko. Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at naglakad papalit sa kaniya.“Halika na,” utos ko sa kaniya kaagad niya akong inalalayan sa paglalakad. Malaki na kasi ang aking tiyan ngunit kaya ko namang maglakad. Ayaw ko namang alalayan niya ako sa una ngunit nasanay na lamang ako sa kaniya. Kahit anong pakiusap ko kasi na huwag na dahil kaya ko naman ay hindi pa rin ito nasunod. Kagaya rin siya ng dalawang kulukoy kong kasama palagi kapag pumupunta akong hospital.“Dahan-dahan po mahal na prinsesa,” sambit niya ikinaikot ko ng mata.“Daig mo pa ang asawa kung makaalaga sa akin ah,&rd
Princess Dahlia SofiaNapabuntong hininga akong napatitig sa isang malaking salamin, tinitingnan ang aking repleksiyon. Napangiti ako nang makitang nasa likod ko ang isang pigurang nakangiti. Sobrang ganda nito sa suot niyang puting gown.“Kumusta ang aming Bride? Mukhang kinakabahan ka, ah,” ngiting wika nito sa akin na ikinailing ko.“Kaya nga eh. Para bang first time kong ikasal.” Napailing ako. Hinawakan niya ang aking braso at pinagpantay ang aming tingin.“Relax lang, Bestfriend, okay? This is your special day kaya enjoy-in mo. Sobrang ganda mo ngayon, kabog na kabog mo na ako,” natatawang saad ni Emery sa akin.Ilang linggo na ang nakalipas nang gumaling
Sinamahan ko muna palabas sina Dahlia at ang mga bata para makasigurong ligtas sila. Iyong mga babae naman ay binigyan namin ng tuwalya at kumot para kahit papaano ay matakpan ang kanilang katawang hubo’t-hubad.Nang makalabas sila ay siyang dating naman ng mga pulis at NBI. Mabilis akong bumalik doon sa bahay at hinanap si Emery. Rinig ko ang iyak sa di kalayuan kaya sinundan ko iyon.Nanlalaki ang aking mga matang makitang hinahalik-halikan ng isang lalaki ang babae. Nakapatong na ito ngunit may saplot pa naman ito. Mabilis kong hinila ang lalaking iyon palayo sa babae. Damn!Ang baboy at sama ng taong ito! Hindi ko napansing iba pala ang lalaking iyon. Akala ko si Mr. Ronaldo ngunit iba pala. Nakaramdam ako ng pagtutok sa aking ulo kaya agad akong huminto sa pagsuntok sa lalaki. 
TravisExcited akong pumunta sa bahay ng aking asawa na si Dahlia, ngayon kasi ang aming bonding time. Saturday ngayon at ngayon ang bonding time naming magpamilya. Sabi rin sa akin ni Dahlia ay may importanteng sasabihin siya sa akin. Hindi ko alam pero sobrang na-e-excite ako, siguro ay sasagutin na niya ako. Minsan lang mangarap lulubos-lubusin ko na.Kung tutuusin, gusto ko ngang sa iisang bahay na lamang kami ngunit ayaw ko namang pangunahan ang desisyon ng aking asawa. Hangga’t maari ay siya ang masusunod, baka kasi masamain niya ang pag-aaya ko sa kaniya na sa iisang bubong na lamang kaming tumira. Sabihin niyang masiyado akong excited, hindi pa naman nga niya ako sinasagot. Hangga’t maari ay careful ako sa aking sasabihin at gusto. Ayaw kong ma-turn off siya at makagawa ulit ng kasalanan o hindi kaaya-aya sa paningin niya. Ganiya
“Love, hinahanap ka ni Mommy, gusto ka raw makita, okay lang ba na kunin ko ang mga bata sa mansion at iuwi sa bahay? Daanan mo na lang sila since hinahanap ka naman ni Mommy, miss ka na raw kasi,” saad ni Travis sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nasa trabaho nang mapatawag siya sa akin. Ilang araw na ang lumipas nang makarating kami sa Pilipinas.“Okay, may balita ka na ba kay Emery?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya nang tanungin ko iyon.“Wala pa nga, love eh. Hindi ko rin siya ma-contact. Nag-aalala ako para sa kaniya at para sa kaniyang anak,” saad niya sa akin.Ilang araw na kasing hindi umuuwi si Emery sa kaniyang condo kaya as a friend ay nag-aalala rin kami sa kaniya. Inaasikaso na rin namin ang mga ebedinsiyang nakalap namin
Napahinga ako ng malalim at napangiti. Okay na kami nila Nanay at Isabella. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanila dahil ako lamang ang ma-i-stress. Isa pa, mahal na mahal ko sila at sila na lamang ang aking pamilya kaya hindi ko rin naman sila matiis. Oo, nasaktan ako pero mas pina-mature ako ng panahon. Natuto akong magpatawad at intindihin ang mga tao sa paligid ko.Kanina ko pa hinahanap si Travis dahil kaninang umaga pa siya hindi nagpapakita sa akin. Nasaan na kaya ang asungot na iyon, kailangan ko rin siyang makausap para pag-uwi namin ay okay na kaming dalawa. Handa na akong harapin siya at handa na rin akong lumaban lalong-lalo na sa taong sumira sa aming dalawa.Nilibot ko na ang palasyo ngunit wala pa rin, napakunot ako ng noo nang makitang kausap pala ni Nanay si Travis. Bigla akong kinabahan, hindi ko inaasahang magkakakausap sila. Sana
“Mommy, uuwi na ba tayo sa Philippines? Sabi kasi ni Daddy, uuwi na po tayo,” malungkot na tanong ni Mathilda sa akin.“ Yes baby, uuwi na tayo dahil marami pang aasikasuhing work si Mommy roon sa Philippines. Doon na rin tayo maninirahan kasama si Daddy,” saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Travis bigla na lang itong nawala sa kwarto ng kambal. Dito kasi siya natulog at ako naman ay dati kong kwarto.Naging matiwasay ang gabi ko dahil naging okay kami ni Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit ang dali kong mapatawad ito. Siguro hindi pa ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kaniya.“ Matthew, nakita mo ba ang Daddy mo?” tanong ko sa aking anak na kasalukuyang naglalaro sa kaniyang tablet.
Narito kami sa loob ng dining table kasama sina Travis, Tristan, Isabella, Nanay at ang magulang ni Tristan. Natatawa na lamang ako sa sobra kong kaplastikan. Hindi ko alam kung paano ko nga ba nagawang ngumiti at makihalubilo sa kanila gayong nasasaktan ako. Awkward din ang mukha ni Isabella, ni hindi ito makatingin sa akin.“Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka?” tanong ni Nanay sa akin kaya napalingon ako.“I want to surprise you all, pero ako pala ang na-surprise,” natatawang saad ko sa kaniya. Alam kong nakakaintindi ng Tagalog ang mga magulang ni Tristan dahil ang alam ko, nanirahan daw ang ina nito sa Pilipinas ng ilang taon. Hindi man lang sila natawa sa aking sinabi kaya napa-ubo ako.“ The wedding is on Sunday, are you going to attend, Princess Sofi
Nang makarating kami sa Spain ay agad kaming pumara ng taxi, kaagad akong nagsuot ng cap at sunglass baka kasi ay may makakilala sa akin. Nang makapasok kami ay agad na nagdadada si Mathilda napailing na lamang ako dahil sa katabilan niya. Hindi ko nga alam kung kanino ito nagmana, hindi naman kami ni Travis madaldal. "Mommy, can we tell to Abuela and Tita Isabella that we are already here in Spain?" tanong ni Mathilda sa akin na ikinailing ko naman. "No, honey. We will surprise your Abuela, you want that, right? You like surprises.".Napatango ito sa akin at pumalakpak. "I can't wait to finally introduce my Daddy to them, right 'Tus?" tanong ni Mathilda sa kaniyang kapatid . Tumango lamang ito sa kaniya as a sign of agreement. Palagi na lamang tango ng tango si Matthew sa kaniyang kapatid. Nakakatawa rin minsan itong anak ko. Palaging ini-spoil ang kaniyang kapatid na babae, kahit siguro hindi gusto niya ay gagawin pa rin nito hindi lang ma-
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Travis. Kasal pa raw kaming dalawa? Pinagloloko niya lang ba ako o ano? Nakakainis din minsan itong lalaking ito, dahil tinatanong ko siya hindi naman nasagot. Sabi niya pag-uwi na lang daw namin sa Pilipinas pag-usapan. Kating-kati na nga akong malaman kung bakit hanggang ngayon ay kasal pa kaming dalawa. Akala ko ba malaya na ako sa kaniya? Hindi pa pala. Mapapamura ka na lang talaga sa inis. Kung hindi lang kami nasa loob ng eroplano ay kanina ko pa siya sinagawan.“Mas mabuting matulog ka na muna, ipagpahinga mo na muna iyang isip mo.”Napalingon ako sa kaniya at inarapan siya. “Hindi ako makatulog, kasalanan mo ito! Paano kasing kasal pa tayo? Pinagloloko mo na naman ba a